Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang ugnayan ng heograpiya sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan sa Ehipto, India, Mesoamerica, Mesopotamia, at Tsina batay sa pulitikal at ekonomikal na aspeto ng pag-unlad.
Ang kaalaman mo sa mga sinaunang kabihasnan ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnang ito sa kasalukuyan.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang maging mas maganda ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.
Ang modyul na ito ay nakapokus tungkol sa Heograpiya sa Pagbuo at Pagunlad ng mga Sinaunang Kabihasnan na nahahati sa sumusunod na paksa:
- Paksa 1- Heograpiya ng Mesopotamia
- Paksa 2- Heograpiya ng Lambak Indus
- Paksa 3- Heograpiya ng Huang Ho
- Paksa 4- Heograpiya ng Ehipto
- Paksa 5- Heograpiya ng Mesoamerica
Pamantayang Pangnilalaman
- Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.
Pamantayan sa Pagganap
- Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
- Naiuugnay ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. (AP8HSK-Ig-6)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
- nasusuri ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig;
- nakapagtatala ng halimbawa na nagpapakita ng kahalagahan ng heograpiya sa aspetong ekonomiya at pulitika na nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao; at
- nakapagsusulong ng isang adbokasiya sa pamamagitan ng photo essay na nagpapakita ng kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa paghubog at pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.