Araling Panlipunan 8 Quarter 1 Module 2: Heograpiyang Pantao

Grade 8 AP Quarter 1 Module 2 on human geography: race, ethnic groups, language, and religion, with pretest, activities, rubrics, and answer key.

This is the Araling Panlipunan 8 (Grade 8 Social Studies) self-learning module for Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 2: “Heograpiyang Pantao” (human geography). It was prepared by DepEd Caraga Region as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020), written by Sheila M. Penza and Jerisse J. Parajes. Its lesson teaches Grade 8 learners the four areas of human geography: race, ethnic group, language, and religion. Learners also reflect on how these shape their own identity.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module’s Alamin (introduction) section prints this Most Essential Learning Competency:

  • Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (analyzes the physical features of the world) (AP8HSK-Id-4)

It also lists these expected outcomes. After the module, the learner:

  • analyzes important concepts about the physical features of the world
  • describes the world based on the text
  • values the gifts that nature gives people
  • makes a slogan and writes a poem about caring for the world

The introduction names two topics: “Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya” (meaning and five themes of geography) and “Estruktura ng Daigdig” (structure of the Earth). However, the lesson and activities that follow are about human geography. They cover language, religion, race, and ethnic groups. The final tasks are a poem and a jingle about one’s own language and origins.

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: Heograpiyang Pantao. It opens with a review of the physical geography of the world from the previous topic. It then builds a concept map of the areas that human geography studies. The remaining activities ask learners to value their language, religion, and race.

Key ideas: the scope of human geography

The answer key’s concept map shows four areas, or saklaw, of heograpiyang pantao:

AreaWhat the module says about it
Lahi (race)One of the areas of human geography. Learners are asked to respect it, take pride in it, and see all people as equal.
Pangkat-etniko (ethnic group)Etniko refers to a group of people with one shared culture or origin. Members are linked by origin, religion, and language, not by climate.
Wika (language)Called the soul of a group, giving it its identity. It is the key to understanding among people.
Relihiyon (religion)The set of beliefs and rituals of a group. It is the main basis of how people act in daily life.

Other points from the module’s questions and answer key:

  • Etnolingguwistiko (ethnolinguistic) refers to the similarities and differences among people in a country or region based on language.
  • Etnisidad (ethnicity) is the sameness of a group based on language, tradition, beliefs, customs, race, and attitudes.
  • Technology is not one of the areas of human geography.
  • The Indo-European family has the most speakers among the world’s major language families.
  • Hinduism (Hinduismo) is described as the oldest religion in the world and the main belief in India.
  • Most Arabs follow Islam.

The module’s table of world religions shows:

ReligionShare of believers
Kristiyanismo (Christianity)31.59%
Islam23.20%
Hinduismo (Hinduism)15.00%
Non-religious11.67%
Budismo (Buddhism)7.10%
Iba pa (others)11.44%

Christianity has the most followers. Among the major religions listed, Buddhism has the fewest.

The module also quotes Dr. Jose Rizal on love for one’s own language: “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda” (one who does not love his own language smells worse than a rotten fish). The sample answers explain that loving one’s language means using and supporting it in daily life. They describe language as the soul of the nation, which unites the hearts and minds of its people.

Activities in the module

  1. Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions.
  2. Gawain 1: Ilarawan Mo! (Describe it): describe the world you live in, recalling physical geography.
  3. Gawain 2: Concept Map: fill in the four areas of human geography, then define human geography in your own words.
  4. Gawain 3: Word Hunt: find ten words related to human geography in a letter grid.
  5. Gawain 4: Pahalagahan Mo! (Value it): write how you will value your language, religion, and race.
  6. Gawain 5: Ipaliwanag Mo! (Explain it): answer three questions on religion, unity, and language.
  7. Gawain 6: Ang Aking Pinagmulan (My origins): draw a human figure and fill in your language (head), religion (chest), and race (legs).
  8. Gawain 7: Wika Ko Mahal Ko (I love my language): answer four questions about Rizal’s quote.
  9. Gawain 8: Pagsulat ng Tula (poem writing): write one stanza about loving your own language. It is scored with a rubric for message and artistry, 5 points each.
  10. Tayahin (post-test): 15 multiple-choice questions.
  11. Gawain 9: Pagbuo ng Jingle (Karagdagang Gawain, an extra activity): write a three-stanza jingle about valuing your origins. It is scored with a rubric.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then work through the activities in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module. Every activity is required. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module has a Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. Use it to check answers after your child finishes, and encourage honest use of it.
  • Teachers: The answer key includes sample answers for the poem and the jingle. Two items in the key do not match the religion table: Subukin item 14 and Tayahin item 7. For both, the table supports “Nangunguna ang Kristiyanismo” (Christianity leads), but the key lists B. Check these two items before grading.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 8 Araling Panlipunan, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 2: Heograpiyang Pantao.

What does heograpiyang pantao cover in this module?

The module covers four areas of human geography: lahi (race), pangkat-etniko (ethnic group), wika (language), and relihiyon (religion). Technology is not one of them.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest, post-test, and activities, plus a sample poem and jingle. The keys for Subukin item 14 and Tayahin item 7 do not match the religion table, so check those two.

What is etnolingguwistiko?

In the module, etnolingguwistiko refers to the similarities and differences among people in a country or region based on language.

Which religion has the most followers according to the module?

The module’s table shows Christianity with 31.59% of believers, followed by Islam with 23.20% and Hinduism with 15.00%.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

8

Araling Panlipunan – Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao

[illustration: students studying outdoors and at home with a globe, a lamp, and books]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_AP-8_Module 2

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat:Sheila M. Penza, Jerisse J. Parajes
Mga Editor:Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla, Fernando Dones, Jr., Carlos Catalan, Jr.
Mga Tagasuri:Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Edwin C. Salazar, Honorato Mendoza, Edwin G. Capon
Tagaguhit:
Tagalapat:Paul Andrew A. Tremedal, Joshua A. Frondozo
Mga Nangasiwa:Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________

Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

8

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: a hand pressing a fingertip on a circle, beside the heading]

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at masusuri ang kahulugan ng heograpiya, ang limang tema na napapaloob dito at kung paano nakikiayon ang tao sa kaniyang pisikal na kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa:

  • Paksa 1 – Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya
  • Paksa 2 – Estruktura ng Daigdig
Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
  • Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id-4)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

  • nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig;
  • nailalarawan ang daigdig base sa nakakapaloob sa teksto;
  • napapahalagahan ang mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao; at
  • nakakagawa ng slogan at nakakasulat ng tula tungkol sa pangangalaga ng daigdig.

Subukin

[illustration: a hand holding a pencil, beside the heading]

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India?

    • A. Budismo
    • C. Islam
    • B. Hinduismo
    • D. Shintoismo
  2. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?

    • A. lahi
    • C. relihiyon
    • B. Pangkat-etniko
    • D. wika
  3. Alin sa sumusunod ang hindi nag-uugnay sa mga miyembro ng pangkat-etniko?

    • A. klima
    • C. relihiyon
    • B. pinagmulan
    • D. wika
  4. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming gumagamit?

    • A. Afro-Asiatic
    • C. Indo-European
    • B. Austronesian
    • D. Niger-Congo
  5. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?

    • A. Budismo
    • C. Islam
    • B. Hinduismo
    • D. Kristiyanismo
  6. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan?

    • A. etniko
    • C. paniniwala
    • B. lahi
    • D. wika
  7. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat?

    • A. etniko
    • C. relihiyon
    • B. lahi
    • D. wika
  8. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo?

    • A. Budismo
    • C. Islam
    • B. Hinduismo
    • D. Judaismo
  9. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika?

    • A. etniko
    • C. etnolingguwistiko
    • B. etnisidad
    • D. katutubo
  10. Ano ang pangunahing batayan ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay?

    • A. etniko
    • C. lahi
    • B. etnisidad
    • D. relihiyon
  11. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na tagasunod?

    • A. Budismo
    • C. Islam
    • B. Hinduismo
    • D. Kristiyanismo
  12. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?

    • A. ito ay susi ng pagkakaintindihan
    • B. sisikat ang tao kung marami ang wika
    • C. dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika
    • D. yayaman ang tao pag may maraming alam na wika
  13. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?

    • A. lahi
    • C. teknolohiya
    • B. relihiyon
    • D. wika

Tingnan ang talahanayan sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Mga RelihiyonBahagdan ng mga Naniniwala
Kristiyanismo31.59%
Islam23.20%
Hinduismo15.00%
Non-religious11.67%
Budismo7.10%
Iba pa11.44%
  1. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa itaas?

    • A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo.
    • B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo.
    • C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala.
    • D.Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo.
  2. Batay sa talahanayan, ilang bahagdan ang bumubuo sa non-religious group?

      1. 7.10%
    • C. 11.67%
      1. 11.44%
    • D. 15.00%

Aralin 1: Heograpiyang Pantao

Balikan

[illustration: a hand holding a puzzle piece, beside the heading]

Gawain 1: Ilarawan Mo!

Panuto: Sa nakaraang paksa ay napag-aralan mo ang pisikal na heograpiya ng daigdig. Paano mo mailalarawan ang daigdig na iyong ginagalawan? Gawin ito sa sagutang papel.




Tuklasin

[illustration: a hand holding a seedling with leaves, beside the heading]

Gawain 2: Concept Map

Panuto: Kumpletuhin ang concept map na nasa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang mga saklaw ng heograpiyang pantao.

[chart: concept map; Gawain 2: Concept Map] The central oval reads “Heograpiyang Pantao.” Four connected rectangular boxes surround it (top, bottom, left, right). All four boxes are blank.

Pamprosesong Tanong:

  1. Batay sa iyong mga sagot sa itaas na gawain, ano ang iyong mabubuong kahulugan ng heograpiyang pantao?

Pagyamanin

Gawain 3: Word Hunt

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang sampung salitang may kaugnayan sa heograpiyang pantao. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

QTMLKWEIXOPBAHI
HPIVSBQOJWLXTKA
MAMAMAYANRHQARY
IHALXFBZVFMUGIJ
CZBSYLJIJHSPOSA
ETNIKOEWQTAXATU
HUHLWTKIRIJEGIE
DNIOHLBODTXVFYR
UTCNYWNUPSLOGAA
OFOXAEXJDCRKBNG
USYQSKLAKIWAYII
FIFICUQNETSBNSL
KSAZKXCGPKGMCME
WNOYIHILEROSOOR
GLWXDRMBCHWXJLP

[transcriber’s note: the word-search grid is printed as a 15 × 15 letter grid with no header row; the table’s header row is left blank]

Gawain 4: Pahalagahan Mo!

Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the table’s top line reads “Paano mo pahahalagahan ang iyong…”]

WikaRelihiyonLahi

Isaisip

Gawain 5: Ipaliwanag Mo!

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

  1. Paano nakatulong ang relihiyon o paniniwala sa paghubog ng iyong pagkatao?


  2. Bakit nagiging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig?


  3. Sa iyong pananaw, nakakatulong ba ang wika sa pagkakaisa at kaunlaran? Ipaliwanag ang iyong sagot.


[transcriber’s note: the answer lines for each question are blank and are not transcribed]

Isagawa

Gawain 6: Ang Aking Pinagmulan

Panuto: Iguhit ang larawan at punan ito ng mga mahahalagang taglay sa aspeto ng wika, relihiyon, at lahi sa loob ng pigura ng tao. Ibase ang mga susulating taglay sa iyong kapaligirang ginagalawan ayon sa salitang nakapaloob sa hugis. Gawin ito sa sagutang papel.

[illustration: outline of a standing human figure with the labels “Wika” (head), “Relihiyon” (chest), and “Lahi” (legs) printed inside it]

Gawain 7: Wika Ko Mahal Ko

Panuto: Basahin at unawin ang tanyag na pahayag ni Dr. Jose Rizal tungkol sa pagmamahal sa sariling wika na ipinapakita sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na katanungan. Gawin ito sa sagutang papel.

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.”

Mga gabay na tanong:

  1. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe sa pahayag ni Jose Rizal?


  2. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa paglalarawan ni Jose Rizal sa isang tao na hindi marunong magmahal ng sariling wika?


  3. Bakit mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika?


  4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika?


Gawain 8: Pagsulat ng Tula

Panuto: Sumulat ng isang saknong na tula na nagpapahayag ng pagmamahal sa sariling wika at isulat ito sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the answer lines for the poem are blank and are not transcribed]

Rubrik Para sa Paggawa ng Tula

PamantayanMagaling: 5Katamtamang galing: 3Nangangailangan ng pagsasanay: 1Puntos
Pagpapahayag ng mensaheNaipahayag nang maayos at kompleto ang mga detalye.Naipahayag ang mga detalye.Hindi naipahayag nang maayos ang detalye.
Masining na pagkakagawaAng mga salita ay naaangkop at may mga tugma.Ang mga salita ay naaangkop ngunit hindi nagkakatugma.Ang mga salita ay hindi naaangkop at nagkakatugma.
Kabuuang Puntos

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang tinutukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa o rehiyon batay sa wika?

    • A. etniko
    • B. etnisidad
    • C. etnolingguwistiko
    • D. katutubo
  2. Ano ang pangunahing batayan sa pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay?

    • A. etniko
    • B. etnisidad
    • C. lahi
    • D. relihiyon
  3. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw sa pag-aaral ng heograpiyang pantao?

    • A. lahi
    • B. relihiyon
    • C. teknolohiya
    • D. wika
  4. Ano ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at pangunahing paniniwala sa bansang India?

    • A. Budhismo
    • B. Hinduismo
    • C. Islam
    • D. Shintoismo
  5. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?

    • A. lahi
    • B. Pangkat-etniko
    • C. relihiyon
    • D. wika
  6. Alin sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ang may pinakamaraming gumagamit?

    • A. Afro-Asiatic
    • B. Austronesian
    • C. Indo-European
    • D. Niger-Congo

Tingnan ang talahanayan sa ibaba.

Mga RelihiyonBahagdan ng mga Naniniwala
Kristiyanismo31.59%
Islam23.20%
Hinduismo15.00%
Non-religious11.67%
Budismo7.10%
Iba pa11.44%
  1. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahayanan?
  • A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo
  • B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo
  • C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala
  • D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo
  1. Batay sa talahanayan, ilang bahagnan ang bumubuo sa non-religious group?
  • A. 7.10%
  • B. 11.44%
  • C. 11.67%
  • D. 15.00%
  1. Anong relihiyon ang may pinakamaraming tagasunod sa buong mundo?
  • A. Budismo
  • B. Hinduismo
  • C. Islam
  • D. Kristiyanismo
  1. Alin sa sumusunod na konsepto ang tumutukoy sa pangkat ng tao na may iisang kultura o pinagmulan?
  • A. etniko
  • B. lahi
  • C. paniniwala
  • D. wika
  1. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang tumutukoy sa kalipunan ng mga paniniwala at ritwal ng isang pangkat?
  • A. etniko
  • B. lahi
  • C. relihiyon
  • D. wika
  1. Alin sa sumusunod ang hindi nag-uugnay sa mga miyembro ng pangkat etniko?
  • A. klima
  • B. pinagmulan
  • C. relihiyon
  • D. wika
  1. Anong relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga Arabo?
  • A. Budismo
  • B. Hinduismo
  • C. Islam
  • D. Judaismo
  1. Alin sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ang may pinakamaliit na tagasunod?
  • A. Budismo
  • B. Hinduismo
  • C. Islam
  • D. Kristiyanismo
  1. Ano ang mahalagang papel na ginampanan ng wika sa tao?
  • A. Ito ay susi ng pagkakaintindihan.
  • B. Sisikat ang tao kung marami ang wika.
  • C. Dapat pag-aralan ng lahat ng tao ang lahat ng wika.
  • D. Yayaman ang tao pag may maraming alam na wika.

Karagdagang Gawain

Gawain 9: Pagbuo ng Jingle

Panuto: Gumawa ng tatlong saknong na jingle na nagsasaad ng pagpapahalaga sa iyong pinagmulan. Gawin ito sa sagutang papel.

Rubrik para sa Paggawa ng Jingle

PamantayanMagaling 3Katamtamang galing 2Nangangailangan ng pagsasanay 1Puntos
Kaangkupan ng mensaheNaipaabot nang malinaw ang kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanMay kulang o may hindi malinaw sa kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnanHindi malinaw at marami ang kulang sa mga dapat na kahalagahan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng isang kabihasnan
Masining na pagkakagawaMasining ang pagkakagawa ng jingle, kung saan tama ang mga salita at nakatatawag pansinMasining ang pagkakagawa ng jingle subalit may mga salita na hindi angkop sa aralinAng kabuuan ng jingle ay gumamit ng mga salitang hindi angkop sa aralin at hindi kaaya-ayang basahin
Kabuuang Puntos

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. B
  2. D
  3. A
  4. C
  5. D
  6. A
  7. C
  8. C
  9. C
  10. D
  11. A
  12. A
  13. C
  14. B
  15. C
Balikan

Gawain 1: Ilarawan Mo!

  1. Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin.
  2. Ang daigdig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong parte na ang kapal ay umaabot mula 30-65 kilometro.
  3. Ang daigdig ay may apat na hating globo.
Tuklasin

Gawain 2: Talaan ng Bituing Nagniningning

[chart: concept web; Gawain 2: Talaan ng Bituing Nagniningning]

Center: Heograpiyang Pantao Labels connected to the center: Lahi; Pangkat-etniko; Wika; Relihiyon

Suriin
Mga Pamprosesong Tanong
  1. Ano ang pagkakaiba ng wika at etnisidad bilang dalawang batayan ng paghahating Etnolingguwistiko?

Sagot: Ang Wika ay sumasalamin sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat at Etnisidad ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika, tradisyon, paniniwala, kaugalian, lahi at saloobin.

  1. Bakit mahalaga ang wika at etnisidad bilang batayan ng paghahating Etnolingguwistiko?

Sagot: Mahalaga ang wika at etnisidad dahil ang wika ay ginagamit natin upang magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat tao sa mundo. Ang etnisidad naman ay nagbibigay pagkakakilanlan sa mga taong kabilang sa isang pangkat at pinagbubuklod ang [?]

Pagyamanin

Gawain 3: Word Hunt

[illustration: letter grid for a word search puzzle, with lines drawn through some words]

transcriber’s note: the words to be found are not printed beside the grid; the grid letters are not transcribed.

Gawain 4: Pahalaghan Mo!
WikaRelihiyonLahi
mahalinrespetohinrespetohin
palaganapinpagbibigay halagapagkakaisa
tangkilikinpaniniwalaipagmalaki
pagyamaninmahalinpantay-pantay
Suriin
Mga Pamprosesong Tanong
  1. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong sariling wika bilang tanda ng iyong pagkakakilanlan?

Sagot: Maipapakita ko ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng pagtangkilik o paggamit nito sa aking pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa.

Isaisip

Gawain 4: Pahalaghan Mo!
  1. Nakatulong ang relihiyon o paniniwala sa pamamagitan ng mga aral at turo ng relihiyon na siyang naging basehan sa pagkilos sa araw-araw na pamumuhay.
  2. Naging instrumento ang heograpiyang pantao sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig dahil sa pamamagitan ng wika nagkakaintindihan ang mga tao. Maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkaintindihan kung lubos ang paniniwala ng mga tao sa relihiyon. Ganoon din sa hindi pagkaintindihan [?] dapat pantay ang pagtingin sa kapwa na may respeto at pagmamahal para sa pagkakaisa. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig ay puwedeng mabuhay ang lahat ng may buhay sa daigdig kagaya ng tao at hayop.

transcriber’s note: in the source, the phrase beginning “Ganoon din sa” is split across lines with other words inserted, so its exact wording could not be confirmed.

  1. Oo, ang wika ay nakatulong sa pagkakaisa at kaunlaran dahil ang wika ay siyang ginagamit upang magkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ang mga tao sa mundo at paraan din ito sa pag-unlad ng bansa.

Isagawa

Gawain 7: Wika Ko Mahal Ko
  1. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe sa pahayag ni Dr. Jose Rizal?

Sagot: Ang ipinahihiwatig na mensahe sa pahayag ni Dr. Jose Rizal ay gamitin at tangkilikin ang ating sariling wika kapag may pagkakataon upang masanay ang ating diwa at dila sa pagiging isang Filipino.

  1. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa paglalarawan ni Jose Rizal sa isang tao na hindi marunong magmahal ng sariling wika?

Sagot: Ang mahihinuha ko tungkol sa paglalarawan ni Dr. Jose Rizal sa isang tao na hindi marunong magpahalaga sa sariling wika ay nagsisilbi itong babala para sa mga taong walang [illegible]. Ang paglimot sa ating sariling wika ay pagpapakita ng kawalan ng malalim na pagkatao at pagkakakilanlan.

  1. Bakit mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika?

Sagot: Mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika dahil ito ay nagsisilbing kaluluwa ng bansa. Sa pamamagitan ng sariling wika nabubuklod ang puso’t diwa ng mga mamamayan ng isang bansa. Ang isang taong hindi marunong magmahal sa kaniyang sariling wika ay nabubuhay sa isang mundong hindi [illegible] at sa kalauunan ang kaniyang kaisipang Filipino ay manlulupaypay at mawawalan ng halaga.

  1. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika?

Sagot: Maipapakita ko ang pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng pagtangkilik o paggamit nito sa aking pang-araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa. Ipagmamalaki ko ito lalo na sa mga dayuhan dahil sa pamamagitan nito mas maipapakilala ko ang aking buong pagkatao…ang aking pagka-PILIPINO.

Gawain 8: Pagsulat ng Tula

Halimbawa:

Wika
Wikang kinagisnan
Marapat lamang pag-aralan
Pagka’t ito’y pamana sa bayan
Ng mga bayaning lumalaban

Tayahin

  1. C
  2. D
  3. C
  4. B
  5. D
  6. C
  7. B
  8. C
  9. D
  10. A
  11. C
  12. A
  13. C
  14. A
  15. A

Karagdagang Gawain

Gawain 9: Pagbuo ng Jingle

Halimbawa:

“Pinagmulan ng Tao, Pinagmulan ng Lahi”

Nina: Jerrise J. Parajes at Elgemary S. Abata

I

Bawat tao sa buong mundo,
May kaniya-kaniyang pinagmulan,
Mula sa hilaga, timog, silangan at kanluran,
Iba-iba ang wika, lahi, kultura at kaugalian,
Pero nagkakaintindihan at may pagtutulungan.

II

Pinagmulan dapat huwag kalimutan,
Isaisip, damhin at pagtibayin,
Walang makahahadlang sa pagbahagi,
Dahil kapuwa tao ay likha ng Panginoon.

III

Halina’t ipaalam saan mga sulok,
Ipagmalaki ang kinagisnang lahi at kultura,
Sapagkat ang bawat nilalang ay may kaniya-kaniyang pinagmulan.

Sanggunian

“Bengali”. Ethnologue. Retrieved 30 September 2014.Total first-language Bengali users in all countries.

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Minahan, James B. 2014. Ethnic Groups of North, East, and Central Asia: An Encyclopedia. Santa Barbara, California: ABC-CLIO.

Nydell, Margaret Kleffner. 2005. Understanding Arabs: A Guide for Modern Times. Boston: Intercultural Press.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district