Araling Panlipunan 8 Quarter 1 Module 6: Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Grade 8 AP Quarter 1 Module 6 on the contributions of ancient Mesopotamia, Indus, China, and Egypt, with activities, pretest, post-test, and answer key.

This is the Araling Panlipunan 8 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6: “Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig” (contributions of the ancient civilizations to the world). It was prepared by DepEd Caraga Region for Grade 8 learners studying at home. After working through it, learners should be able to name the main contributions of Mesopotamia, the Indus, China, and Egypt and explain why these contributions still matter today.

The module is written in Filipino. It has one lesson (Aralin 1), organized into four topics (paksa):

  • Paksa 1: Ang Kabihasnang Mesopotamia (the Mesopotamian civilization)
  • Paksa 2: Ang Kabihasnang Indus (the Indus civilization)
  • Paksa 3: Ang Kabihasnang Tsino (the Chinese civilization)
  • Paksa 4: Ang Kabihasnang Egypt (the Egyptian civilization)

On this page 6 sections

What learners will learn

The module is built around one most essential learning competency: Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig (values the contributions of the ancient civilizations to the world), AP8HSK-Ij-10.

By the end of the module, learners are expected to:

  • list the contributions of ancient Mesopotamia, the Indus, China, and Egypt;
  • analyze the important contributions of these civilizations in different fields;
  • identify why these contributions matter today; and
  • complete a chart and write a story that shows appreciation of these contributions.

The content standard asks learners to understand how people’s interaction with their environment led to the rise of ancient civilizations. The performance standard asks them to draft a project proposal that promotes the care and preservation of these legacies for present and future generations.

Key contributions of each civilization

Mesopotamia

  • Ziggurat: a structure at the center of the community, where people honored and worshipped their god or patron.
  • Code of Hammurabi: a set of 282 laws covering the daily life of the people of ancient Babylonia.
  • Cuneiform: a writing system developed by the Sumerians, the first people of Mesopotamia.
  • Epic of Gilgamesh: considered the world’s first work of literature. It tells the story of King Gilgamesh of the city-state of Uruk in Sumer and is similar to the Great Flood story in the Bible.
  • Others: the water clock, the first map, the sexagesimal system (counting based on 60), and astronomy.

Indus

  • Sewerage system: first built by the Dravidians of Mohenjo-Daro. Together with roads laid out in a grid pattern, it shows early skill in urban city planning.
  • Arthasastra: the first treatise on government and economics, written by Kautilya, adviser to Chandragupta Maurya, founder of the Maurya empire.
  • Ayurveda: the medical knowledge of India, which helped keep people healthy and safe.
  • Ramayana and Mahabharata: epics of Indian literature. The Ramayana centers on the love story of Prince Rama and Princess Sita.
  • Others: the decimal system, the value of pi (3.1416), standards of weight and measure, dental treatment and tooth extraction, the origin of Buddhism, Jainism, Hinduism, and Sikhism, and the Taj Mahal.

China

  • Great Wall of China: built under Shih Huang Ti of the Qin (Ch’in) dynasty as protection against enemy attacks.
  • I Ching and Bing Fa: the I Ching presents ways of predicting events in a person’s life, while the Bing Fa is regarded as the first and most famous book on military strategy.
  • Feng Shui (geomancy): the belief in balancing yin (soft and calm, a symbol of women) and yang (hard and lively, a symbol of men) to bring a good future.
  • Others: the abacus, chopsticks, magnetic compass, seismograph, star map, sundial, water clock, wheelbarrow, calendar, silk, and the fan and umbrella.

Egypt

  • Pyramids: tombs of the pharaohs, full of religious symbols and signs of the rulers’ power, holding their wealth and preparations for the afterlife.
  • Mummification: a preservation process first done by the Egyptians, using chemicals to dry the body, which was then painted, wrapped in linen, and decorated with jewelry.
  • Hieroglyphics: an Egyptian writing system of picture symbols, used for record-keeping and trade, written on papyrus scrolls, carved on public buildings, and painted on clay or wood.
  • Others: geometry, a 365-day calendar, medicine for setting broken bones, and sacred celebrations.

Activities in this module

PartActivityWhat learners do
SubukinPretest15 multiple-choice questions
BalikanGawain 1: Bakasin MoMatch each civilization to its river valley and country
TuklasinGawain 2: Ambag MoAnswer four questions on contributions in writing, literature, astronomy, and engineering
PagyamaninGawain 3: I-Tsart Mo Kaya?Fill in a chart of contributions in engineering, mathematics, and literature
PagyamaninGawain 4: Maglista Ka!List five contributions people still use today
IsaisipGawain 5: Kuwento-Kuwenta!Write a short story about one civilization’s legacy using given story starters
IsagawaGawain 6: Pamana KoList what your family inherited from grandparents and what you might pass on
TayahinPost-test15 multiple-choice questions
Karagdagang GawainGawain 7: Kontribusyon Mo, Gamit KoList ancient contributions used at home, in school, and in the community

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest (Subukin), then go through the parts in order. Answer all activities on a separate sheet of paper; do not write on the module so others can use it. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and answer honestly. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: The module expects a facilitator at home. Help your child keep to the order of the parts and encourage them to try each activity before looking at the key.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The answer key includes sample answers for the charts and the story. Note that the pretest and post-test use the same 15 questions in a different order, so you can compare scores directly.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 8 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6.

Which civilizations does the module cover?

It covers four ancient civilizations: Mesopotamia, the Indus, China, and Egypt, with their main contributions in fields such as writing, literature, engineering, mathematics, and medicine.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the pretest and post-test and sample answers for all seven activities.

What is the competency code of this module?

The most essential learning competency is AP8HSK-Ij-10: valuing the contributions of the ancient civilizations to the world.

What is the Code of Hammurabi?

According to the module, it is a set of 282 laws covering the daily life of the people of ancient Babylonia in Mesopotamia.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

8

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 6: Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

[illustration: students reading and studying under a tree and at a table, a teacher, a child by a lamp writing, and a globe]

CO_Q1_AP-8_Module 6

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Unang Markahan – Modyul 6: Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat:Jerisse J. Parajes, Sheila M. Penza
Mga Editor:Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla, Fernando Dones, Jr., Carlos Catalan, Jr.
Mga Tagasuri:Marino L. Pamogas, Andrea D. Orillaneda, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Marites Alzate, Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Edwin C. Salazar, Fatima D. Notarte, Marina B. Sanguenza, Junel D. Lapinid
Tagaguhit:Neil W. Maca, Lady Faith D. Reroma, Vlademer P. Baldomero, Rizalino B. Wong
Tagalapat:Paul Andrew A. Tremedal
Mga Nangasiwa:Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

Araling Panlipunan

8

Unang Markahan – Modyul 6: Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand touching a circle, icon beside the heading]

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang mga mahahalagang datos tungkol sa kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ang kaalaman mo sa mga sinaunang kabihasnan ay mabisang hakbang upang iyong makilala at mapahalagahan ang mga naging ambag ng mga sinaunang kabihasnang ito.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtatalakay tungkol sa Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa:

  • Paksa 1– Ang Kabihasnang Mesopotamia
  • Paksa 2– Ang Kabihasnang Indus
  • Paksa 3– Ang Kabihasnang Tsino
  • Paksa 4– Ang Kabihasnang Egypt
Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
  • Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. (AP8HSK-Ij-10)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

  • naiisa-isa ang kontribusyon ng sinaunang kabihasnang Mesopotamia, Indus, Tsino, at Egypt;
  • nasusuri ang mahahalagang ambag ng mga sinaunang kabihasnan sa iba’t ibang larangan;
  • natutukoy ang kahalagahan ng kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon; at
  • nagagawa ang tsart at nakapagsulat ng kuwento sa pagpapahalaga ng kontribusyon sa sinaunang kabihasnan.

Subukin

[illustration: hand holding a pencil, icon beside the heading]

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Anong mahalagang istruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito idinadaos ang pagsamba sa kanilang diyos?
    a. Templo ni Babel
    b. Templo ni Hammurabi
    c. Templong Ziggurat
    d. Templo ng mga Paraon


  2. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
    a. Kodigo ni Moses
    b. Kodigo ni Hammurabi
    c. Kodigo ni Kalantiyaw
    d. Kodigo ng mga Paraon


  3. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?
    a. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
    b. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
    c. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
    d. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.


  4. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at iba pang uri ng istruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?
    a. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
    b. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
    c. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
    d. Sumailalim ang lungsod na itinayo sa isang may kapangyarihang nilalang.


  5. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan?
    a. Egypt
    b. Indus
    c. Mesopotamia
    d. Tsino


  6. Alin sa sumusunod na istruktura ang naitayo sa panahon ng dinastiyang Qin o Ch’in?
    a. Ziggurat
    b. Great Wall
    c. Piramide
    d. Templo


  7. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Egyptians na gumagamit ng pagsasagisag sa isang larawan na inuukit sa mga luwad at mga moog?
    a. Alpabeto
    b. Calligraphy
    c. Cuneiform
    d. Hieroglyphics


  8. Anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na mummification?
    a. China
    b. Egypt
    c. India
    d. Mesopotamia


  9. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan?
    a. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.
    b. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay.
    c. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
    d. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.


  10. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon?
    a. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
    b. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
    c. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
    d. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.


  11. Saang mga pook sumibol ang kabihasnang Indus?
    a. Mohenjo-Daro at India
    b. Mohenjo-Daro at Harappa
    c. India at Harappa
    d. Indiana at Harappa


  12. Ano ang katawagan ng geomancy sa Tsina?
    a. Feng Shui
    b. Yang
    c. Yin
    d. Yuan


  13. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi?
    a. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan.
    b. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala.
    c. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto.
    d. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao.


  14. Ano ang kahalagahan ng panitikang Ramayana?
    a. Pinag-uusapan ang buhay ni Prinsipe Rama.
    b. Ipinadama ang pagmamahal ni Prinsipe Rama sa Prinsesa.
    c. Nagpahiwatig ng katapangan si Prinsipe Rama laban kay Ravana.
    d. Ipinamalas ang kapangyarihang taglay ni Ravana kay Prinsipe Rama.


  15. Bakit itinayo ang Great Wall of China?
    a. Depensa sa bagyo
    b. Pananggalang sa baha
    c. Depensa sa mga kalaban
    d. Harang sa anumang kalamidad


Aralin 1: Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Balikan

Gawain 1: Bakasin Mo

Panuto: Punan ng mga kinakailangang datos sa talahanayan at isulat sa sagutang papel.

Mga Sinaunang KabihasnanLambak – ilogBansa kung saan ito matatagpunan
Mesopotamia
Nile
Tsina
Mohenjo-Daro

Tuklasin

Gawain 2: Ambag Mo

Panuto: Basahin ang mga katanungan sa tsart. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang ambag ng Mesopotamia sa larangan ng pagsulat at inhenyeriya?
  2. Ano ang ambag ng Indus sa larangan ng panitikan?
  3. Ano ang ambag ng Tsino sa larangan ng astronomiya?
  4. Ano ang kontribusyon ng Egypt sa larangan ng inhenyeriya?

Suriin

Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig ay nag-iwan ng pamana sa sangkatauhan. Sa tingin mo ba ang mga pamana ng sinaunang kabihasnan ay nakatulong sa kasalukuyan? Alin kaya ang tumatak sa buhay ng tao?

Kontribusyon ng Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Ziggurat

[illustration: Ziggurat, a stepped temple structure] Larawang-guhit ni Rizalino B. Wong

Ang Ziggurat ay isang istruktura na naging sentro ng pamayanan sa Mesopotamia. Dito ginaganap ang pagpaparangal at pagsamba sa diyos o patron ng mga sinaunang tao.

Code of Hammurabi

Ang Code of Hammurabi ay naglalaman ng 282 na mga batas na pumapaksa sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga sinaunang tao o sinaunang Babylonia.

[illustration: carved relief of a bearded figure in profile beside cuneiform inscriptions] Larawang-guhit ni Vlademer P. Baldomero

Cuneiform

Ang Cuneiform ay isang sistema ng pagsulat na nilinang ng mga Sumerians na unang nakatira sa Mesopotamia.

[illustration: clay tablet with cuneiform signs; label: Cuneiform] Larawang-guhit ni Vlademer P. Baldomero

Epic of Gilgamesh

[illustration: head sculpture of a bearded man wearing a patterned cap] Larawang-guhit ni Lady Faith D. Reroma

Ang Epic of Gilgamesh ay itinuturing na kauna-unahang akdang pampanitikan sa larangan ng literatura sa buong daigdig. Ito ay kuwento ni Haring Gilgamesh ng lungsod-estado ng Uruk sa Sumeria noong ikatlong siglo BCE na kahalintulad sa kuwento ng The Great Flood ng Bibliya.

Iba pang kontribusyon

Ang ibang kontribusyon na nakatulong sa mga Sumerian ay ang water clock, paggawa ng unang mapa, sexagesimal system o pagbilang na nakabatay sa 60 at astronomiya.

Kabihasnang Indus
Sewerage System

Ang sewerage system ay unang naimbento ng mga Dravidian na nakatira sa Mohenjo-Daro na nagtaguyod ng Kabihasnang Indus. Ipinapakita nito ang kakayahan ng mga sinaunang tao sa larangan ng urban city planning kung saan nakaayos na parang nagsasalubong na guhit o grid pattern ang mga kalsada dito.

[illustration: ruined brick structure with a circular well and stepped walls] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

Arthasastra

[illustration: portrait of a bearded man with a sacred thread and beads] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

Ang Arthasastra ay kauna-unahang akda o treatise tungkol sa pamahalaan at ekonomiya. Isinulat ito ni Kautilya, noong ikatlong siglo B.C.E. na siyang tagapayo sa tagapagtatag ng imperyong Maurya na si Chandragupta Maurya.

Ayurveda

Ang Ayurveda o “Agham ay binibigyang diin ang mahalagang kaisipang pangmedisina sa India. Ito ang nagpanatili ng kalusugan at kaligtasan ng mga tao.

[illustration: mortar and pestle with herbs, spices, and bottles] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

Ramayana at Mahabharata

[illustration: Prince Rama and Princess Sita, ornately dressed figures] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

Ang Ramayana at Mahabharata ay epikong pamana sa larangan ng panitikan sa India. Ang salaysay ng Mahabharata ay umiikot sa dalawang magkakamag-anak na pamilyang Pandava na kumakatawan sa kasamaan at kaguluhan. Samantala ang Ramayana ay umiikot sa buhay pag-ibig nina Prinsipe Rama at Prinsesa Sita.

Iba Pang Kontribusyon

Ilan pa sa mga kontribusyon na tumatak:

  • Decimal System
  • Halaga ng pi (3.1416)
  • Pamantayan ng bigat at sukat
  • Paggamot at pagbubunot ng ngipin
  • Pinagmulan ng mga relihiyon (Buddhism, Jainism, Hinduism at Sikhism)
  • Taj Mahal
Kabihasnang Tsino
Great Wall of China

Ang Great Wall of China ay naitayo sa panahon ni Shih Huang Ti ng dinastiyang Qin o Ch’in bilang proteksyon sa pag-atake ng mga kalaban.

[illustration: the Great Wall running along mountain ridges with a watchtower] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

I Ching at Bing Fa

[illustration: man in traditional Chinese robes and tall hat] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

Ang I Ching at Bing Fa ay isinulat ni Sun Zi o Sun Tzu noong 510 B.C.E.

Inilalahad sa I Ching ang perspektiba at pamamaraan ng prediksyon sa buhay ng tao ukol sa iba’t ibang bagay at sitwasyon. Samantala, ang Bing Fa ay itinuturing na kauna-unahan at pinakatanyag na aklat ukol sa estratehiyang militar. Ang dalawang aklat na ito ay ilan sa mga mahalagang ambag ng Tsina sa aspekto ng panitikan at literatura.

Feng Shui

Nagmula sa China ang Feng Shui o geomancy. Nakapaloob dito ang paniniwala ukol sa tamang pagbalanse ng yin at yang upang makapagdulot ng magandang hinaharap sa buhay.

Yin – malambot at kalmado sumisimbolo sa kababaihan. Yang – matigas at masigla sumisimbolo sa kalalakihan.

[illustration: yin and yang symbol surrounded by dots] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

Iba pang kontribusyon

Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon ng Tsina sa daigdig:

  • Abacus
  • Chopsticks
  • Magnetic compass
  • Seismograph
  • Star map
  • Sundial
  • Water clock
  • Wheelbarrow
  • Kalendaryo
  • Paggamit ng silk o seda
  • Pamaypay at Payong
Kabihasnang Egypt
Piramide

[illustration: three pyramids beside a desert landscape] Larawang-guhit ni Rizalino B. Wong

Ang pyramid o piramide ay libingan ng mga Pharaoh na hitik sa mga simbolismong relihiyoso at kapangyarihan ng mga namumuno. Makikita sa piramide ang lahat ng kayamanan, karangyaan, paghahanda sa kabilang buhay, paniniwala sa buhay matapos ang kamatayan.

Mummification

Ang Mummification ay unang isinagawa ng mga Egyptian kung saan ang katawan ng isang yumao ay isinasailalim sa isang preserbasyon na gumagamit ng kemikal upang patuyuin ang bangkay bago tuluyang ilibing. Pagkatapos pinipintahan, binabalutan ng telang linen, pinapalamutian ng alahas ang isang mummy o embalsamadong bangkay.

[illustration: a figure tending to a mummy lying on a stone slab] Larawang-guhit ni Neil W. Maca

Hieroglyphics

Ang Hieroglyphics ay isang sistema ng pagsusulat ng mga Egyptian na naging mahalaga sa pagtatala at kalakalan. Ang mga rolyo ng pergamin o paper scroll ay mula sa malatambong halaman na tinatawag na papyrus. Nakaguhit ang isang larawan na sumasagisag ng isang kaisipan, nakasulat sa mga papel, nakaukit sa mga pampublikong gusali at nakapinta sa luwad o kahoy.

[illustration: carved hieroglyphic figures of a seated person with animal and eye symbols] Larawang-guhit ni Vlademer P. Baldomero

Iba Pang Kontribusyon

Ang iba pang tumatak na mga kontribusyon:

  • Geometry
  • Kalendaryo na may 365 na araw
  • Medisina sa pagsasaayos ng nabaling buto
  • Pagdiriwang na sagrado
Pamprosesong mga Tanong:
  1. Ano ang kahalagahan ng mga sinaunang kontribusyon sa pamumuhay ng mga taong naninirahan sa kani-kanilang kabihasnan?
  2. Ano-ano ang kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig na kanilang ipinamana sa kasalukuyang panahon?
  3. Bakit maituturing na dakilang pamana ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan?

Pagyamanin

Gawain 3: I-Tsart Mo Kaya?

Panuto: Sagutan ang mga hinihingi na impormasyon sa talahanayan batay sa mga kontribusyon ng apat na Sinaunang Kabihasnan. Isulat ito sa sagutang papel.

Sinaunang KabihasnanLarangan: InhenyeriyaLarangan: MatematikaLarangan: Panitikan
Mesopotamia
Indus
Tsino
Egypt
Gawain 4: Maglista ka!

Panuto: Batay sa talaan ng mga iba pang kontribusyon ng sinaunang kabihasnan, magbigay ng limang (5) bagay na ginagamit ng tao sa kasalukuyang panahon. Isulat sa sagutang papel.






Isaisip

Gawain 5: Kuwento-Kuwenta!

Panuto: Pumili ng isang kabihasnan. Kailangan nakapokus ang iyong atensiyon sa iba pang kontribusyon ng sinaunang kabihasnan. Gamit ang mga paunang salita gumawa ng isang kuwento sa kahalagahan ng mga bagay nito na naging pamana sa daigdig. Gawin ito sa sagutang papel.

Isang araw _____

Nang biglang _____

Mabuti na lang _____

Dahil d’yan _____

Mula noon _____

at diyan nagtatapos ang ating kuwento.

Isagawa

Gawain 6: Pamana Ko

Panuto: Itala sa ibaba ang mga pamanang natanggap ng inyong pamilya mula sa inyong mga ninuno o mula sa mga sinaunang henerasyon. Halimbawa mga bagay, kaugalian, tradisyon, alahas, lupa, bahay o kahit anuman ang inyong maiisip. Isulat ang hinihingi sa sagutang papel.

Mga natanggap ng aming pamilya mula sa aming lolo’t lolaMga puwedeng ipamana sa akin ng aking mga magulangMga posibleng ipapamana ko sa mga magiging anak ko

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Saang mga pook sumibol ang kabihasnang Indus?

    • A. Mohenjo-Daro at India
    • B. Mohenjo-Daro at Harappa
    • C. India at Harappa
    • D. Indiana at Harappa
  2. Ano ang katawagan ng geomancy sa Tsina?

    • A. Feng Shui
    • B. Yang
    • C. Yin
    • D. Yuan
  3. Bakit mahalaga ang Kodigo ni Hammurabi?

    • A. Dapat sundin ang namumuno sa lipunan.
    • B. Dapat sundin ang relihiyon at paniniwala.
    • C. Dahil mahalaga ang makapag-aral at matuto.
    • D. Sapagkat naging gabay ito sa aspekto ng buhay ng tao.
  4. Ano ang kahalagahan ng panitikang Ramayana?

    • A. Pinag-uusapan ang buhay ni Prinsipe Rama.
    • B. Ipinadama ang pagmamahal ni Prinsipe Rama sa Prinsesa.
    • C. Nagpahiwatig ng katapangan si Prinsipe Rama laban kay Ravana.
    • D. Ipinamalas ang kapangyarihang taglay ni Ravana kay Prinsipe Rama.
  5. Bakit itinayo ang Great Wall of China?

    • A. Depensa sa bagyo
    • B. Pananggalang sa baha
    • C. Depensa sa mga kalaban
    • D. Harang sa anumang kalamidad
  6. Anong mahalagang istruktura ang nagawa ng kabihasnang Mesopotamia kung saan dito idinadaos ang pagsamba sa kanilang diyos?

    • A. Templo ni Babel
    • B. Templo ni Hammurabi
    • C. Templong Ziggurat
    • D. Templo ng mega Paraon
  7. Ano ang tawag sa kalipunan ng mga batas na naging batayan sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?

    • A. Kodigo ni Moses
    • B. Kodigo ni Hammurabi
    • C. Kodigo ni Kalantiyaw
    • D. Kodigo ng mga Paraon
  8. Ano ang gamit ng cuneiform na unang naimbento ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia?

    • A. Umunlad ang sistema ng kanilang kalakalan sa mga karatig pook.
    • B. Natutunan rito ang paggawa ng kauna-unahang mapa sa buong daigdig.
    • C. Ito ang nagsilbing paraan ng mga sinaunang tao sa kanilang pagsusulat.
    • D. Natutunan ng mga sinaunang tao sa Mesopotamia ang pagsunod sa batas.
  9. Ano ang pinatunayan ng pagtatayo ng mga natuklasang kalsada, sewerage system at iba pang uri ng istruktura sa matandang lungsod ng Mohenjo-Daro at Harappa?

    • A. Sumailalim ang lungsod sa tinatawag na urban city planning.
    • B. Sumailalim ang lungsod sa maayos na sistema ng agrikultura.
    • C. Sumailalim ang lungsod sa isang payak na pamumuhay lamang.
    • D. Sumailalim ang lungsod na itinayo sa isang may kapangyarihang nilalang.
  10. Ang tanyag na Taj Mahal ay naging pamana ng alin sa mga nabanggit na kabihasnan?

    • A. Egypt
    • B. Indus
    • C. Mesopotamia
    • D. Tsino
  11. Alin sa sumusunod na istruktura ang naitayo sa panahon ng dinastiyang Qin o Ch’in?

    • A. Ziggurat
    • B. Great Wall
    • C. Piramide
    • D. Templo
  12. Ano ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Egyptians na gumagamit ng pagsasagisag sa isang larawan na inuukit sa mga luwad at mga moog?

    • A. Alpabeto
    • B. Calligraphy
    • C. Cuneiform
    • D. Hieroglyphics
  13. Sa anong bansa unang natutunan ang paraan ng pag-iembalsamo na tinatawag na mummification?

    • A. China
    • B. Egypt
    • C. India
    • D. Mesopotamia
  14. Sa kasalukuyang panahon, paano natin pinapahalagahan ang mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan?

    • A. Sa pamamagitan ng pagsasaulo sa kanilang mga nagawa.
    • B. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga kahanga-hangang bagay
    • C. Sa pamamagitan ng paghahalintulad sa kanilang ambag sa kasalukuyan.
    • D. Sa pamamagitan ng paghanga at pagpapanatili sa kanilang mga pamana.
  15. Paano nakatulong ang kalakalan sa pamumuhay ng mga tao sa sinaunang panahon?

    • A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura.
    • B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa.
    • C. Natutugunan nito ang iba pang pangangailangan ng tao.
    • D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan ng lipunan.

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Kontribusyon Mo, Gamit Ko

Panuto: Sa sagutang papel, magtala ng mga bagay na naging kontribusyon ng sinaunang kabihasnan na puwedeng gamitin ng tao sa kasalukuyang kalagayan ayon sa sumusunod:

[transcriber’s note: this table has no printed header row; the header row below is left empty]

Tahanan
Paaralan
Komunidad

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. B
  2. C
  3. B
  4. B
  5. D
  6. A
  7. C
  8. B
  9. D
  10. A
  11. D
  12. B
  13. B
  14. C
  15. C
Balikan
Gawain 1: Bakasin Mo
Mga Sinaunang KabihasnanLambak-ilogBansa kung saan ito matatagpuan
MesopotamiaTigris-EuphratesIraq
EgyptNileEgypt
ChinaHuang HoChina
IndusMohenjo-DaroIndia
Tuklasin
Gawain 2: Ambag Mo
  1. Ano ang ambag ng Mesopotamia sa larangan ng pagsulat at inhenyeriya?
    Ang ambag ng Mesopotamia sa larangan ng pagsulat ay cuneiform samantala sa inhenyeriya ay ziggurat.


  2. Ano ang ambag ng Indus sa larangan ng panitikan?
    Ang ambag ng Indus sa larangan ng panitikan ay Arthasastra, Ayurveda, Ramayana at Mahabharata.


  3. Ano ang ambag ng Tsino sa larangan ng astronomiya?
    Ang ambag ng Tsino sa larangan ng astronomiya ay star map, sundial, at water clock.


  4. Ano ang kontribusyon ng Egypt sa larangan ng inhenyeriya?
    Ang kontribusyon ng Egypt sa larangan ng inhenyeriya ay pyramid.


Pagyamanin
Gawain 3: I-Tsart Mo Kaya
Sinaunang KabihasnanLarangan: PanitikanLarangan: MatematikaLarangan: Inhenyerya
MesopotamiaEpic of GilgameshSexagesimal systemZiggurat
IndusArthasastra, Ayurveda, Ramayana at Mahabharata.Decimal System; Halaga ng pi (3.1416); Pamantayan ng bigat at sukatSewerage system
TsinoI Ching at Bing Fa, Feng ShuiabacusGreat Wall
EgyptPagdiriwang na sagradogeometryPyramid
Gawain 4: Maglista Ka!
Mga KabihasnanKontribusyon na ginagamit pa sa kasalukuyan
MesopotamiaSexagesimal system
IndusDecimal system, halaga ng pi
TsinoAbacu, Chopstick, Magnetic compass, Seismograph, Wheel barrow, Kalendaryo, pamaypay at payong
EgyptGeometry, kalendaryo
Tayahin
  1. B
  2. C
  3. B
  4. A
  5. B
  6. D
  7. D
  8. C
  9. B
  10. B
  11. A
  12. D
  13. C
  14. B
  15. C
Isaisip
Gawain 5: Kuwento-Kuwenta!

Isang araw habang abala sa paggawa ng pyramid nadiskubre ang paggamit ng geometry.

Nang biglang pumasok sa isipan kung anong araw na kaya pumasok ang kalendaryo.

Mabuti na lang kunti lang nasugatan sa mga manggagawa kaya nakatulong ang medisina.

Dahil d’yan palaging ginagawa ang pagdiriwang na sagrado ng taga-Ehipto.

Mula noon nagkaisa ang lahat na gamitin sa buhay ang kanilang mga natuklasan.

At diyan nagtatapos ang ating kuwento.

Isagawa
Gawain 6: Pamana Ko
Mga natanggap ng aming pamilya mula sa aming lolo’t lolaMga pwedeng ipamana sa akin ng aking mga magulangMga posibleng ipapamana ko sa mga magiging anak ko
Bahay, lupa, palayan, niyoganBahay, lupa, palayanBahay, lupa, alahas
Karagdagang Gawain
Gawain 7: Kontribusyon Mo, Gamit Ko

[transcriber’s note: this table has no printed header row; the header row below is left empty]

TahananPagbilang, pamantayan ng bigat at sukat, pamaypay at paying, kalendaryo
PaaralanMapa, decimal system, abacus, wheelbarrow, geometry
KomunidadMapa, paggamot at pagbubunot ng ngipin, chopsticks, pagdiriwang na sagrado

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Philippines. Department of Education. 1995. Ang Simbahang Katoliko: isang makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon – Modyul 8. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE.

Philippines. Department of Education. 1995. Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng Teritoryo – Modyul 14. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE.

Philippines. Department of Education. 1995. Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa – Modyul 9. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE.

Philippines. Department of Education. 1995. Labanan ng mga Bansa sa Daigdig (Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig) – Modyul 17. Pasig City: Bureau of Secondary Education Project EASE.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district