Araling Panlipunan 8 Quarter 1 Module 3: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Grade 8 AP self-learning module on the stages of prehistoric culture: the Stone Age and Metal Age, with pretest, activities, and answer key.

This is the Araling Panlipunan 8 (Grade 8 Social Studies) self-learning module for Quarter 1, Module 3: “Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko” (stages of cultural development in the prehistoric period). It was prepared by DepEd Caraga Region for learners studying at home. It helps learners trace how early humans moved from rough stone tools to iron, and how each step changed the way they lived.

On this page 9 sections

What learners will learn

The module’s most essential learning competency is to analyze the stages of cultural development in the prehistoric period (“Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko”), code AP8HSK-If-6.

After the module, learners are expected to:

  • analyze the timeline of the stages of cultural development in the prehistoric period;
  • explain why prehistoric activities still matter today;
  • list tools and objects from prehistoric times that people still use today; and
  • draw conclusions about how geography shaped the first communities, how farming changed people’s lives, and how the use of metal moved people forward.

The module also lists its content standard (understanding how people’s interaction with their environment led to the rise of early civilizations) and its performance standard (creating a project proposal that promotes the care and preservation of the heritage of ancient civilizations).

Topics in this module

The module has one lesson, divided into two topics:

  • Paksa 1: Panahon ng Bato (Stone Age): the Paleolithic, Mesolithic, and Neolithic periods.
  • Paksa 2: Panahon ng Metal (Metal Age): the Copper, Bronze, and Iron periods.

The prehistoric timeline

The module explains that the prehistoric period is divided according to the tools and technology people mostly used. In the Stone Age, most people used stone tools. The Metal Age covers copper, bronze, and iron. The module’s timeline gives these dates (BCE means Before Common Era):

AgePeriodDates given in the module
Panahon ng Bato (Stone Age)Paleolitiko, Mesolitiko, Neolitiko2.5 million – 4,000 BCE
Paleolitiko2.5 million – 10,000 BCE
Neolitiko10,000 – 4,000 BCE
Panahon ng Metal (Metal Age)Tanso, Bronse, Bakal4,000 BCE – present
Tanso (Copper)4,000 – 1,500 BCE
Bakal (Iron)from 1,500 BCE

Key ideas: the Stone Age

Paleolitiko (Old Stone Age)

  • From paleos (old) and lithos (stone).
  • People began using tools made of rough stone.
  • They discovered the importance of fire, which the module calls the most important discovery of this period.
  • Their artistry shows in body markings (tattoos) and drawings on stone.
  • Communities existed, usually in valleys, in the form of campsites.

Mesolitiko (Middle Stone Age)

  • Early people made tools from smooth stone.
  • As glaciers melted, forests began to grow, and people faced dry land because of intense heat.
  • People lived along riverbanks and seashores.
  • They began raising animals.
  • They made microliths, small pointed stone tools used as knives and as tips for arrows and spears.
  • They made clay pots.

Neolitiko (New Stone Age)

  • From neos (new) and lithos (stone).
  • People made tools from sharp, polished stone.
  • The period is known for polished stone tools, settled communities, farming, pottery, and weaving.
  • A system of planting began, so people had a steady daily food supply.
  • Tending their farms is the reason people stayed in one place.
  • The dead were buried inside their homes.
  • People made jewelry, glass, and blades.

Key ideas: the Metal Age

Panahon ng Tanso (Copper Age)

By 4000 BCE, people in parts of Asia, Europe, and Egypt began using copper tools, although stone tools were still used. Copper toolmaking improved over time.

Panahon ng Bronse (Bronze Age)

People combined copper and tin to make stronger bronze. They made many tools and weapons, such as swords, axes, knives, daggers, hammers, arrows, and spears. People also learned to trade goods with nearby places.

Panahon ng Bakal (Iron Age)

The Hittites, a group living in Western Asia, discovered iron. They knew how to soften and forge it and kept the process secret for a long time. Later, the use of iron spread to other lands.

Activities in the module

  • Subukin (pretest): 15 multiple-choice questions.
  • Gawain 1: Pagtatambal-tambal (matching): a review of culture, religion, and ethnicity from the previous lesson.
  • Gawain 2: I-hashtag Mo!: write hashtags that describe the Paleolithic, Neolithic, and Metal periods, such as #pangangaso (hunting).
  • Pamprosesong Tanong: five processing questions after the reading.
  • Gawain 3: Kahala-Ganap: explain why fire, farming, permanent homes, raising animals, and metal tools still matter today.
  • Gawain 4: Kunin Mo Ako: sort ten phrases into the period where they belong.
  • Gawain 5: Itala Mo: list five objects used then and now, with their importance in the past and today.
  • Gawain 6: I-diyagram Mo: give evidence for three conclusions about geography, farming, and metal.
  • Tayahin (post-test): 15 multiple-choice questions.
  • Gawain 7: Alamin Mo: list old objects (artifacts) at home, with help from parents or elders, and explain why caring for artifacts matters.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest, then work through each part in order. Do all the activities, and write your answers on a separate sheet of paper; do not write on the module so others can use it. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if a part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child with Gawain 7, which asks about old objects at home and how long your family has had them.
  • Teachers: The pretest shows which learners may need extra help, and the post-test measures what they learned. The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers the pretest, post-test, and most activities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 8 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 3.

What are the stages of the prehistoric period in this module?

The Stone Age (Paleolitiko, Mesolitiko, and Neolitiko) and the Metal Age (Copper, Bronze, and Iron periods).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers to the pretest, post-test, and most activities. Gawain 7 has no fixed answer because responses vary per learner.

What does Mesolitiko mean?

Mesolitiko means the middle Stone Age. In this period people made smooth stone tools and microliths, raised animals, and made clay pots.

Who discovered iron according to the module?

The Hittites, a group living in Western Asia. They kept the process of softening and forging iron a secret for a long time.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 3: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

[illustration: teacher and students with books, a tree, a globe, and a lamp]

CO_Q1_AP-8_Module 3

Pag-aari ng Pamahalaan Hindi Ipinagbibili

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules

Unang Markahan – Modyul 3: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Geoffrey A. Retita, Maria Vanessa J. Resullar

Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla, Fernando Dones, Jr., Carlos Catalan, Jr.

Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Edwin C. Salazar, Honorato Mendoza, Edwin G. Capon, Fatima D. Notarte, Marina B. Sanguenza

Tagaguhit:

Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal, Robert Sherwin S. Betita

Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno, Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region

Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600

Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969

E-mail Address: caraga@deped.gov.ph

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 3: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan ang antas ng pag-unlad sa kultura ng sinaunang tao sa panahon ng prehistoriko.

Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.

May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko na nahahati sa sumusunod na paksa:

  • Paksa 1: Panahon ng Bato
  • Paksa 2: Panahon ng Metal
Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko. (AP8HSK-If-6)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

  • nasusuri ang timeline ng yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko;
  • naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga gawaing prehistoriko sa kasalukuyang panahon;
  • nakapagtala ng mga gamit o kasangkapan sa panahong prehistoriko na patuloy pa ring ginagamit sa kasalukuyan; at
  • nakabubuo ng konklusyon sa epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan, epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao, at higit na pag-unlad ng tao dahil sa paggamit ng metal.

Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao?

    • A. Mesolitiko
    • B. Metal
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  2. Sa anong panahon na diskubre ang pagtatanim o agrikultura?

    • A. Ice Age
    • B. Mesolitiko
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  3. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?

    • A. Agrikultura
    • B. Apoy
    • C. Irigasyon
    • D. Metal
  4. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?

    • A. Historiko
    • B. Mesolitiko
    • C. Neolitiko
    • D. Prehistoriko
  5. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?

    • A. Mesolitiko
    • B. Metal
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  6. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?

    • A. Mesolitiko
    • B. Metal
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  7. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:

    • A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
    • B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
    • C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
    • D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.
  8. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

    • A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso
    • B. Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal
    • C. Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse
    • D. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal
  9. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?

    • A. gitnang panahon ng bato
    • B. panahon ng lumang bato
    • C. panahon ng bagong bato
    • D. gitnang panahon ng bronse
  10. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?


  • A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
  • B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
  • C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
  • D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
  1. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?
  • A. Natuto nang magtanim ang tao.
  • B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
  • C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
  • D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.
  1. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko?
  • A. natutunan na ang pagmimina
  • B. takot silang mabihag ng ibang tribu
  • C. mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim
  • D. natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop
  1. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?
  • A. Dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
  • B. Nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
  • C. Dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
  • D. Sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.
  1. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal?
  • A. Tataas ang suplay ng pagkain.
  • B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
  • C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
  • D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.
  1. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal?
  • A. disiplinado
  • B. mapagtimpi
  • C. maramot
  • D. matalino

Aralin 1: Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Balikan

Gawain 1: Pagtatambal-tambal

Panuto: Subukan mo kung iyong matatandaan ang mga nilalaman tungkol sa natatanging kultura, relihiyon, bansa at mamamayan sa daigdig. Pagtambalin ang mga konsepto sa Hanay A at Hanay B at isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY AHANAY B
1. Kaluluwa ng kulturaA. Etniko
2. Sistema ng paniniwala at ritwalB. Lahi
3. Tumutukoy sa pagkakilanlan ng isang pangkat ng mga taoC. Wika
4. Salitang-ugat ng relihiyonD. Religare
5. Pangkat ng taong may iisang kultura at pinagmulanE. Relihiyon

Tuklasin

Gawain 2: I-hashtag Mo!

Panuto: Lagyan ng sariling hashtag (#) ang mga inilalarawan sa sumusunod na panahon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Halimbawa: #pangangaso

Panahong PaleolitikoPanahong NeolitikoPanahong Metal

Suriin

Hinahangad sa bahaging ito na mauunawaan mo ang panahon ng pagsibol sa antas ng kultura sa kapanahonang prehistoriko bilang batayang konsepto. Para lalong umunlad ang iyong kabatiran, magbasa at intindihin ang paksa.

Panahong Prehistoriko

Ang panahong prehistoriko ay ibinase sa teknolohiya at kagamitan na kadalasang ginagamit sa bawat panahon ang pagkakabitak sa kaganapang prehistoriko. Ang panahong Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko ay ang mga panahong nakitaan na karamihan sa mga tao ay gumamit ng bato bilang kasangkapan. Habang kinabibilangan naman ng panahong copper, bronze, at bakal ang panahon ng Metal.

Suriin ang timeline bilang gabay sa pagtalakay sa Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko.

[chart: timeline; no number or title printed; axis markers 2.5 milyon BCE and 4, 000 BCE]

PanahonYugtoKapanahunanPetsa
Panahon ng Bato2.5 milyon – 4,000 BCE
Unang YugtoPaleolitiko2.5 milyon – 10, 000 BCE
Ikalawang YugtoMesolitiko
Ikatlong YugtoNeolitiko10, 000 – 4,000 BCE
Panahon ng Metal4,000 BCE – Kasalukuyan
Unang YugtoTanso4, 000 – 1500 BCE
Ikalawang YugtoBronse
Ikatlong YugtoBakal1, 500 BCE

Talaguhitan: (BCE Before Common Era o Bago ang Kasalukuyang Panahon)

I. Panahon ng Bato
A. Unang Yugto
Panahon ng Paleolitiko
  • Ibig sabihin ay panahon ng Lumang Bato.
  • Paleos o matanda; lithos o bato.
  • Nag-umpisang gumamit ng mga kasangkapan na yari sa magaspang na bato.
  • Natuklasan ang kahalagahan ng apoy.
  • Maaninag sa mga tato at pagguhit sa bato ang pagkamasining.
  • Mayroon nang pamayanan na karaniwang makikita sa mga lambak sa anyong campsite.
B. Ikalawang Yugto
Panahon ng Mesolitiko
  • Nangangahulugang gitnang panahon ng Bato.
  • Nakagawa ng mga kasangkapan ang mga sinaunang tao na yari sa mga makikinis na bato.
  • Sa pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo noong 1000 hanggang 4500 BCE ay nagsimula ang pag-usbong o paglago ng mga gubat.
  • Nakaranas ng tagtuyo ng lupa ang sinaunang tao dahil sa matinding init ng panahon.
  • Naninirahan sa mga pampang ng ilog at dagat upang mabuhay.
  • Nagsimulang mag-alaga ng hayop ang tao.
  • Paggawa ng microlith. Ito ay maliit at patusok na mga kasangkapang batong nagsisilbing kutsilyo at talim ng mga pana at sibat.
  • Paggawa ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. Ikatlong Yugto
Panahon ng Neolitiko
  • Ibig sabihin ay panahon ng Bagong Bato
  • Neos – bago; lithos – bato
  • Nakagawa ang mga sinaunang tao ng kasangkapan na yari sa matutulis na bato
  • Kinasangkapan sa arkeolohiya at antropolohiya ang katawagang Neolitiko para mailaan ang isang uri ng pagbabagong kultibasyon o kaparaanan sa buhay at teknolohiya
  • Batid ang yugtong ito sa makintab na kagamitang bato, pamamalagi sa komunidad, pagsasaka, pagpapalayukan, at paghahabi
  • May sistema na ng pagtatanim
  • Nasustentuhan na ang pang-araw-araw na pagkain
  • Ang pag-asikaso sa mga sakahan ang nagsilbing dahilan ng pamamalagi sa isang pook
  • Sa mismong tahanan nila ibinaon ang mga namatay
  • May mga hiyas ng nilikha, salamin, at patalim
II. PANAHON NG METAL
A. Panahon ng Tanso
  • Daglian ang kaunlaran ng tao ngunit walang tigil pa ring pinakinabangan ang mga kasangkapang bato.
  • Pagdating ng 4000 BCE, nag-umpisa ang paggamit ng kasangkapan na yari sa tanso sa ilang mga pook sa Asia, Europe at Egypt.
  • Napahusay ang paglikha at pagyari ng mga kasangkapang mula sa tanso.
B. Panahon ng Bronse
  • Nadiskubre sa panahong ito ang panibagong proseso sa pagpapatibay ng bronse bilang kasangkapan na labis na pinakinabangan ng mga sinaunang tao.
  • Para makalikha ng lampas pa sa inaasahang matibay na gamit, ang tanso at lata (tin) ay pinagsama.
  • Ang mga nalikhang kasangkapan at sandata na galing sa tanso ay samu’t-sari gaya ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat.
  • Marunong nang makipagpalitan ng produkto ang mga sinaunang tao sa karatig na lugar.
C. Panahon ng Bakal
  • Isang grupo ng tao na nakatira sa Kanlurang Asya na kinilala bilang Hittite ang nakadiskubre ng bakal.
  • Marunong na silang magpalambot at magpanday ng bakal.
  • Ang pagpapalambot at pagpapanday ng bakal ay mahabang panahon nilang itinago at isinekreto.
  • Nang lumaon, ang paggamit ng bakal ay kumalat sa iba pang lupain.
Pamprosesong Tanong
  1. Ano-ano ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa Panahon ng Prehistoriko?
  2. Ano-ano ang katangian ng bawat yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa Panahon ng Prehistoriko?
  3. Paano naganap ang pag-unlad sa kultura ng mga sinaunang tao batay sa kasangkapan, kabuhayan, at iba pang aspeto ng pamumuhay?
  4. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas ng iba’t ibang uri ng kasangkapan sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao?
  5. Magbigay ng sariling konklusyon tungkol sa pagpupunyagi ng mga sinaunang tao na mapaunlad ang kanilang kultura at pamumuhay.

Pagyamanin

Gawain 3: Kahala-Ganap

Panuto: Kopyahin ang diyagram at ibigay ang kahalagahan ng mga gawaing prehistoriko sa kasalukuyang panahon. Gawin ito sa sagutang papel.

[chart: diagram; Gawain 3: Kahala-Ganap (graphic organizer, no number printed); steps in staircase order:

  1. Paggamit ng apoy
  2. Pagsasaka
  3. Pagtatayo ng permanenteng tahanan
  4. Pag-aalaga ng hayop
  5. Paggamit ng kasangkapang metal]
Gawain 4: Kunin Mo Ako

Panuto: Ihanay ang mga lipon ng salita sa loob ng kahon ayon sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng panahong prehistoriko. Gawin ito sa sagutang papel.

  • Natuklasan ang apoy
  • Nakalikha ng salamin
  • Natutuhan ang pagtatanim
  • Nadiskubre ang paggamit ng bakal
  • Nagpipinta sa kanilang katawan
  • Pinakinis ang bato
  • Natutuhan ang pag-alaga ng hayop
  • Natutuhan ang pakikipagpalitan ng produkto
  • Sandatang yari sa tanso
  • Nakagawa ng microlith

[chart: diagram; four answer boxes, no number printed]

  • Panahong Paleolitiko
  • Panahong Mesolitiko
  • Panahong Neolitiko
  • Panahon ng Metal

Isaisip

Gawain 5: Itala Mo

Panuto: Magtala ng limang bagay na ginamit noon at patuloy pa ring ginagamit ngayon. Ibigay ang kahalagahan ng bawat isa. Isulat ito sa sagutang papel.

BAGAYKAHALAGAHAN NOONKAHALAGAHAN NGAYON
1.
2.
3.
4.
5.

Ipaliwanag ang iyong nabuong konklusyon tungkol sa mga nagawa ng sinaunang tao?



Isagawa

Gawain 6: I-diyagram Mo

Panuto: Makikita sa diyagram ang mga konklusyon tungkol sa yugto ng pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao. Isulat sa mga parihaba ang mga ebidensyang nagpapatunay dito. Gawin ito sa sagutang papel.

[chart: diagram; Gawain 6: I-diyagram Mo (no number printed)]

  • Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan.




  • Malaki ang nagiging epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao.




  • Higit na umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa paggamit ng metal.




Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

  1. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:

    • A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
    • B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
    • C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
    • D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.
  2. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal?

    • A. disiplinado
    • B. mapagtimpi
    • C. maramot
    • D. matalino
  3. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?

    • A. Mesolitiko
    • B. Metal
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  4. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?

    • A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso
    • B. Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal
    • C. Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse
    • D. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal
  5. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?

    • A. Agrikultura
    • B. Apoy
    • C. Irigasyon
    • D. Metal
  6. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?

    • A. gitnang panahon ng bato
    • B. panahon ng lumang bato
    • C. panahon ng bagong bato
    • D. gitnang panahon ng bronse
  7. Sa anong panahon nadiskubre ang pagtatanim o agrikultura?

    • A. Ice Age
    • B. Mesolitiko
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  8. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?

    • A. pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
    • B. umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
    • C. dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
    • D. ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
  9. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?

    • A. dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
    • B. nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
    • C. dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
    • D. sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.
  10. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal?

    • A. Tataas ang suplay ng pagkain.
    • B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
    • C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
    • D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.
  11. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?

    • A. Mesolitiko
    • B. Metal
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  12. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao?

    • A. Mesolitiko
    • B. Metal
    • C. Neolitiko
    • D. Paleolitiko
  13. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?

    • A. Natuto nang magtanim ang tao.
    • B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
    • C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
    • D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.
  14. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?

    • A. Historiko
    • B. Mesolitiko
    • C. Neolitiko
    • D. Prehistoriko
  15. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko?

    • A. Natutunan na ang pagmimina.
    • B. Takot silang mabihag ng ibang tribu.
    • C. Mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim.
    • D. Natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis na hayop.

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Alamin Mo

Panuto: Magtala ng mga artifacts o mga lumang bagay na matatagpuan sa loob ng tahanan. Maaaring magtanong sa mga magulang o nakatatanda. Lagyan ng tsek ang hanay na kumakatawan sa haba ng panahong itinagal ng bagay. Gawin ito sa sagutang papel.

Mga Bagay30 Taon Pababa31 Taon Pataas

Ano sa tingin mo, ang kahalagahan ng pangangalaga ng mga artifacts?


Susi sa Pagwawasto

Subukin:
  1. C 6. D 11. C
  2. C 7. D 12. C
  3. B 8. D 13. A
  4. D 9. A 14. D
  5. B 10. B 15. C
Balikan:
Gawain 1: Pagtatambal-tambal
  1. C
  2. E
  3. B
  4. D
  5. A
Tuklasin:
Gawain 2: I-hashtag Mo

Panahong Paleolitiko

Paraan ng Pamumuhay

#pangangaso #pangingisda

Panahong Neolitiko

Paraan ng Pamumuhay

#pagtatanim #pag-aalaga ng hayop

Panahon ng Metal

Paraan ng Pamumuhay

#paggamit ng metal #pakikipagkalakalan

Pamprosesong Tanong:
  1. Ang mga yugto ng pag-unlad ng kultura ng tao sa Panahon ng Prehistoriko ay nahahati sa dalawang kapanahunan, ito ay ang Kapanahunang Bato na nahahati sa Panahong Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko at Kapanahunang Metal na nahahati sa Panahon ng Tanso, Panahon ng Bronse at Panahon ng Bakal.
  2. Sa Kapanahunang Bato, mailalarawang magaspang ang kasangkapang bato ang ginamit sa panahong Paleolitiko, samantalang makikinis na ang batong kinasangkapan sa panahong Mesolitiko at sa panahon ng Neolitiko ay matutulis na bato ang ginamit ng mga sinaunang tao. Sa Kapanahunang Metal, makitang nakalinang na sa paggawa ng mga kagamitang yari sa tanso sa panahon ng Tanso, samantalang sa panahon ng Bronse ay natuklasan ang paghahalo ng tanso at lata, at sa panahon naman ng Bakal ay natuklasan ang higit na matibay na kasangkapan na yari sa bakal.
  3. Sa Kapanahunang Bato, gumamit ang tao ng bato bilang kasangkapan sa pang-araw-araw na pamumuhay, nagsimula sila sa pangangaso hanggang sa natuklasan nila ang pagsasaka, nagsimula sa palipat-lipat na paninirahan hanggang sa permanenteng nananahanan sa isang lugar. Pagdating sa Kapanahunang Metal, natuklasan nila ang paggamit ng kagamitang yari sa tanso, bronse, at bakal, at natuto na silang makipagkalakalan sa mga karatig pook, at permanenteng nanirahan sa iisang lugar.
  4. Mahalaga ang pagkakatuklas ng iba’t ibang kasangkapan sa pag-unlad ng kultura ng tao dahil naging mekanismo sa dahan-dahang paglago ng paraan ng pamumuhay, pangkabuhayan at aspetong panlipunan.
  5. Ang paglago ng kultura at pamumuhay ng mga sinaunang tao ay nakabatay sa kaniyang kapaligiran, nakatuklas ito ng mga bagay na maaring gamitin sa pang-araw-araw na pamumuhay hanggang sa nakalinang ito ng mas mahusay at matibay na mga kagamitan. Naging susi ang mga ito sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at pamayanan.
PAGYAMANIN:
Gawain 3: Kahala-Ganap

[chart: flowchart; Gawain 3: Kahala-Ganap]

  1. Paggamit ng apoy — Nasisiguro na luto at ligtas kainin ang ating mga pagkain.
  2. Pagsasaka — Sumasapat at dumami ang pagkain ng tao dahil hindi lamang ito nakadepende sa bigay ng kalikasan.
  3. Pagtatayo ng permanenteng tirahan — Hindi na nahihirapan ang tao sa kung saan siya sisilong ng ligtas. Nagiging mas ligtas ang tao sa pagkakaroon nito ng permanenteng tirahan.
  4. Pag-aalaga ng hayop — Nagkaroon ng karagdagang pagkain ang tao at hindi na kailangan pang hanapin sa gubat.
  5. Paggamit ng kasangkapang metal — Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga tao. Mas naging matulis at matibay ang mga kasangkapang ginagamit ng tao.

[transcriber’s note: the text of the flowchart is transcribed in the order of its numbered steps; its arrows are not represented]

Gawain 4: Kunin Mo Ako

Panahong Paleolitiko

  • Natuklasan ang apoy
  • Pagpipinta ng katawan

Panahong Mesolitiko

  • Natutunan ang pag-alaga ng hayop
  • Nakagawa ng microlith

Panahong Neolitiko

  • Nakalikha ng salamin
  • Pinakinis ang mga bato
  • Natutunan ang pagtatanim

Panahong Paleolitiko

  • Sandatang yari sa tanso
  • Natutunan ang pakikipagpalitan ng product
  • Nadiskubre ang paggamit ng baka

[transcriber’s note: the last period label is printed as “Panahong Paleolitiko” and is transcribed as it appears]

[chart: flowchart; untitled, follows Gawain 4: Kunin Mo Ako]

Malaki ang nagiging epekto ng agrikultura sa pamumuhay ng tao.


    1. Umusbong ang pamayanan.


    1. [illegible]

    1. Dumami ang pagkain ng tao.

Malaki ang epekto ng heograpiya sa pag-usbong ng unang pamayanan.


    1. Nakadepende ang ikinabubuhay ng tao.

    1. Natutong mangalakal ang tao.

Higit na umunlad ang pamumuhay ng tao dahil sa paggamit ng metal.


    1. Napapadali ang gawain ng tao.


    1. Naging mas magaan at mas mainam ito gamitin.

    1. Ginamit ito ng tao sa paglupig sa ibang pamayanan dahilan upang mabuo ang mga sinaunang kaharian o imperyo.

[transcriber’s note: the arrangement of the lower diagram is read from its rotated layout; the item marked [illegible] could not be read]

Isagawa:
Gawain 6: I-diyagram Mo
Tayahin:
  1. D 6. A 11. B
  2. C 7. C 12. C
  3. D 8. B 13. C
  4. D 9. A 14. D
  5. B 10. D 15. C

KARAGDAGANG GAWAIN:

Gawain 7: Alamin Mo

*Maaaring magkakaiba ang sagot ng bawat mag-aaral.

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS).

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district