Araling Panlipunan 7 Quarter 1 Module 6: Komposisyon ng Populasyon at Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya

Grade 7 AP self-learning module on the composition of Asia’s population and why human resources matter, with key terms, data tables, and answer key.

This is the Araling Panlipunan 7, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6 self-learning module: “Komposisyon ng Populasyon at Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya” (the composition of the population and the importance of human resources in Asia). It was prepared for Grade 7 learners studying at home through DepEd’s Alternative Delivery Mode, first edition 2020, by DepEd MIMAROPA Region. After working through it, learners should be able to explain how the size and makeup of Asia’s population affect each country’s economy and society, and why people are a nation’s most important resource.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module lists these learning standards:

  • Pamantayang Pangnilalaman (content standard): Learners show understanding of how the environment and people together shaped early Asian civilizations.
  • Pamantayan sa Pagganap (performance standard): Learners can deeply connect the roles that the environment and people played in shaping early Asian civilizations.
  • Pamantayan sa Pagkatuto (learning competency): Learners analyze the composition of the population and the importance of human resources in Asia in developing the economy and society today. (AP7HAS-Ij-1.10)

What is inside the module

The module has one lesson, Aralin 1, which follows the usual parts of a DepEd self-learning module:

PartWhat learners do
AlaminRead the learning standards and a short link to the previous lesson on Asia’s ecological balance
SubukinAnswer a 15-item multiple-choice pretest
Balikan“Halika, Buoin Natin!”: unscramble eight terms about environmental problems, such as desertification, salinization, siltation, red tide, and ozone layer
TuklasinMatch causes with effects, and study a picture showing that six of every ten people in the world live in Asia
SuriinRead the key terms and two data tables on the population of Asian countries
PagyamaninList population traits in a graphic organizer, rank the top 10 and bottom 10 countries in each trait, answer essay questions, and explain the effects of three statements
IsaisipComplete “Natutuhan ko na…” (I learned that…) statements
IsagawaDraw a symbol of the value of human resources and explain it in at least eight sentences; fill in a personal data sheet as practice for job hunting
TayahinTake a 15-item post-test
Karagdagang Gawain“Ako ay Produktibong Pilipino” (I am a productive Filipino): draw a heart, write what you want to become, and explain how it helps the country

Key ideas: yamang tao and population in Asia

Yamang tao (human resources) means the intelligence, skills, strength, number, and other qualities of people that can be used to make goods and services. The module stresses that people are a country’s most valuable resource because they care for and develop natural resources for everyone’s benefit.

The module explains why Asia’s population matters. Citing the United States Census Bureau, it puts the world population at about 7.005 billion, with 60 percent of it coming from Asia. A large population can mean more workers who can develop the region, but fast growth also puts more pressure on natural resources and can worsen poverty.

Key terms

  • Populasyon ng Asya (Asia’s population): unevenly spread. Most Asians live in rural areas, but cities are growing fast because they offer more jobs.
  • Distribusyon ng kakapalan ng tao (population density): people crowd into places with a good location, a mild climate, fertile land, and rich natural resources.
  • Literacy o kamuwangan: a person understands things and can read and write, express views, defend themselves, follow laws, and get correct information.
  • Life expectancy: how long people are expected to live.
  • Gross Domestic Product (GDP): a country’s total domestic income in one year.
  • GDP per capita: income per person in a year, found by dividing the GDP by the number of people.
  • Unemployment rate: the percentage of the population without a job or income.
  • Literacy rate: the percentage of the population who can read and write.
  • Migrasyon: migration, or moving to another place to live.

Reading the population tables

The Suriin part has two tables covering more than 40 Asian countries. The first shows population, the share of young people (ages 0-14), working-age people, and older people (65+), life expectancy, growth rate, and the number of females and males. The second shows literacy rate, migration rate, unemployment rate, and GDP per capita. A few examples from the tables:

  • China has the largest population listed (1,345,750,973), followed by India (1,198,003,272).
  • The Philippines has 91,983,102 people, a growth rate of 1.93, a life expectancy of 71.38 years, and a literacy rate of 92.6.
  • Japan has the largest share of people aged 65 and over (23.9) and a negative growth rate (-0.24).
  • Afghanistan has a young population (43.2 aged 0-14), the lowest life expectancy listed (44.65), and the lowest literacy rate (29.0).

The module asks learners to think about what these numbers mean. For example, a population made up mostly of children and older people can lead to a shortage of workers, and a low literacy rate can slow a country’s progress.

How to use this module

The module asks learners not to write on it and to use separate answer sheets for all activities.

  1. Start with the Subukin pretest to see what you already know.
  2. Work through Balikan, Tuklasin, and Suriin in order. Study the two tables closely, because the Pagyamanin activities depend on them.
  3. For “Survey Says,” you may also use other data sources, such as the internet, but you must write down the URL or link.
  4. Answer the Teksto-Suri questions in 3 to 5 sentences each. Your teacher will grade them with a rubric of five criteria, each scored 1 to 5.
  5. Finish with the Tayahin post-test and the additional activity. The drawing activities are scored out of 20 points: 12 for content, 5 for creativity, and 3 for neatness.
  6. Check your answers using the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end. The module asks learners to use it honestly.

For learners: Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.

For parents: The module comes with a guide for teachers and facilitators with tips for helping your child at home. Encourage your child to answer first before looking at the key.

For teachers: The pretest shows which learners need extra help, and the rubrics in the module can guide the grading of essay and drawing outputs.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6. Its competency code is AP7HAS-Ij-1.10.

What does yamang tao mean?

Yamang tao means human resources. The module defines it as the intelligence, skills, strength, number, and other qualities of people that can be used to produce goods and services.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Balikan activity, the LIST-TO-GRAPH activity, and the Tayahin post-test. It also notes that the Survey Says rankings can be based on the tables or on newer data from other sources.

How much of the world’s population lives in Asia, according to the module?

Citing the United States Census Bureau, the module says 60 percent of the world’s population of about 7.005 billion comes from Asia. In other words, six of every ten people in the world live in Asia.

Which Asian country has the largest population in the module’s table?

China, with 1,345,750,973 people, followed by India with 1,198,003,272.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Unang Markahan – Modyul 6: Komposisyon ng Populasyon at Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya

7

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Komposisyon ng Populasyon at Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Myra A. Abique

Editor: Rosario G. Caluya, Florenil M. Malabayabas, Diana P. Nobleza, Marineil S. Perez

Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit, Joseph L. Lozanta, Thelma M. Salvacion

Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz, Eric M. Montemar

Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.

Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Melbert S. Broqueza, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Aurelia B. Marquez, Rodgie S. Demalinao, Pedro J. Dandal Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

7

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 6: Komposisyon ng Populasyon at Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Binabati kita at matagumpay mong nakamit ang mahahalagang kaalaman tungkol sa pangangalaga sa kalagayang timbang ng ekolohiko ng Asya. Natutunan mo rin na kailangan ang balanseng timbang ng ekolohiko ng rehiyon upang mapaunlad ang ating pamumuhay. Sa araling ito ay malalaman mo ang ugnayan ng yamang tao sa bansa. Pag-aaralan mo rin kung bakit kailangan ang yamang tao. Upang makamit ang mga kaalaman sa araling ito, gabay mo ang sumusunod na pamantayan sa pagkatuto.

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon. (AP7HAS-Ij-1.10)

Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Halina’t sagutan ang sumusunod na gawain. Ito ay makatutulong sa iyong pang-unawa sa ating paksa.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan, pagkatapos ay subukan mong sagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami, at iba pang katangian ng tao na magagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo?

    • A. yamang dagat
    • B. yamang lupa
    • C. yamang mineral
    • D. yamang tao
  2. Ano ang maaaring magandang implikasyon o epekto ng malaking populasyon ng Asya sa pag-unlad ng rehiyon?

    • A. Marami ang taong pakakainin sa bawat bansa sa Asya
    • B. Marami ang kailangang makapagtapos ng pag-aaral sa Asya
    • C. Marami ang magrereklamo sa pamahalaan ng mga bansa sa Asya
    • D. Marami ang yamang tao at lakas-paggawa na makapagpapaunlad sa Asya
  3. Batay sa estadistika, normal ang hitsura ng population pyramid ng Pilipinas. Ibig sabihin, sapat ang dami ng gitnang populasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng buong populasyon. Ngunit sa kabila nito ay mabagal pa rin ang pag-unlad ng bansa. Ano kaya ang maaaring dahilan?

    • A. Katamaran ng mga Pilipino
    • B. Kawalan ng trabahong mapapasukan
    • C. Mataas na presyo ng mga bilihin
    • D. Mabilis na paglaki ng populasyon
  4. Ano ang tawag sa kakayahang magbasa, magsulat, at magbilang ng isang tao?

    • A. functional candidacy
    • B. congenital literacy
    • C. functional literacy
    • D. general education
  5. Ano ang kahulugan ng positibong antas ng paglaki ng populasyon? Ang positibong antas ng paglaki ng populasyon ay _____ ang mamamayan ng bansa.

    • A. tumatalino
    • B. dumarami
    • C. tumataba
    • D. umuunlad
  6. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?

    • A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
    • B. Maprepreserba ang mga yamang likas ng Asya.
    • C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
    • D. Higit na madaragdagan ang likas na yaman ng Asya.
  7. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?

    • A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
    • B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
    • C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan nang lubos.
    • D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay nang matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
  8. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw ay yaman ng bansa?

    • A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.
    • B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.
    • C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.
    • D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.
  9. Ang yamang tao ay katuwang sa pagpapaunlad ng isang bansa at maituturing na kayamanan. Sa iyong palagay, bakit itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao?

    • A. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunit inaabuso naman kalaunan.
    • B. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kanyang sariling interes at kasiyahan.
    • C. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ng iba ngunit walang sapat na kaalaman upang tugunan ito.
    • D. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman para sa kapakinabangan ng lahat.
  10. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa daigdig. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig?


  • A. India
  • B. Indonesia
  • C. China
  • D. Pakistan
  1. Ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay pinangangambahan na magdulot ng ibayong problema sa bansa. Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa?
  • A. Mas darami ang manggagawang Pilipino.
  • B. Mas lalala ang kahirapan at negatibong epekto sa kalikasan.
  • C. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao.
  • D. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho.
  1. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat sa iyong bansang kinabibilangan?
  • A. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila.
  • B. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mga kabataang hindi nakapag-aral.
  • C. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sa kanilang pag-aaral.
  • D. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mga batang walang kakayahang makapag-aral.
  1. Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang populasyon, ano ang nakikita nating implikasyon sa usaping pang-ekonomiya ng isang bansa?
  • A. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa.
  • B. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa,
  • C. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa aspetong medikal.
  • D. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa.
  1. Ayon sa Population Commission o PopCom, patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas. Ano sa palagay ninyo ang kahihinatnan ng tao at ng ating bansa kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon?
  • A. Mas magiging produktibo ang mga tao at tataas ang produksiyon ng bansa.
  • B. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahil sa pangingibang-bansa ng mga OFW.
  • C. Mas tataas ang bilang ng populasyon at kakambal nito ang pagkukulang sa pinagkukunang yaman ng pangangailangan ng tao.
  • D. Magkakaroon ng mas maraming oportunidad at hindi na maghihirap ang tao.
  1. Sinisikap ng Indonesia na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon sa kanilang programang Quality Family 2015 subalit maraming naging balakid upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Alin sa sumusunod ang mga naging balakid sa pagpapatupad ng kanilang programa?
  • I. Ang pagkakaroon ng mga lokal na tradisyon at kultura.
  • II. Ang pagiging Islamiko ng karamihang mamamayan.
  • III. Kakulangan ng panahon upang maipatupad ang programa.
  • IV. Ang pagtanggap at kaugalian ng mamamayan sa kanilang bansa.
  • A. I, II, III
  • B. II, III, IV
  • C. I, II, IV
  • D. I, III, I

Aralin 1 Komposisyon ng Populasyon at Kahalagahan ng Yamang Tao sa Asya

Balikan
Gawain 1: Halika, Buoin Natin!

Panuto: Gawin at subukin mong buoin ang mga salitang may kinalaman sa suliraning pangkapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

_____ 1. SEREDITIFACTION — tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o lubhang tuyo na kapag lumaon ay hahantong sa permanenteng pagkawala ng kapakinabangan o productivity nito;

_____ 2. LISAINZATION— lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig papunta sa lupa. Nagaganap kapag mali ang isinasagawang proseso ng irigasyon;

_____ 3. AHIBTAT— tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay. Ito ang pangunahing apektado ng land conversion o paghahawan ng kagubatan;

_____ 4. COELOIGCAL ABLANCE— balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran;

_____ 5. EDORFESTIONTA— pagkaubos at pagkawala ng mga punongkahoy sa mga gubat;

_____ 6. LISATTION— parami at padagdag na deposito ng banlik na dala ng umaagos na tubig sa isang lugar;

_____ 7. DER EDIT— sanhi ng dinoflagellates na lumulutang sa ibabaw ng dagat;

_____ 8. ENOZO REYAL— nagpoprotekta sa mga tao, halaman, at hayop mula sa masamang epekto ng radiation na dulot ng ultraviolet rays.

Tuklasin
Gawain 1: Sanhi at Bunga!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga bunga patungkol sa mga sanhi na nakasulat sa Hanay A. Itapat ito sa pamamagitan ng guhit. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[transcriber’s note: the dot markers (●) beside each item are the matching anchor points for drawing lines and are not transcribed]

HANAY AHANAY B
Patuloy na pagdami ng tao sa isang bansaNangangahulugan na mas malaki ang potensiyal sa paglaki ng populasyon ng bansa
Kapag mababa ang literacy rate ng isang bansaKaragdagang presyur sa likas yaman ng mundo
Mataas na GDP ng isang bansaMagiging mabagal din ang pagsulong ng kaunlaran ng estado
Ang mataas na birth rate ng isang bansaMasasabing maunlad at matiwasay ang bansa
Gawain 2: “PICTO-SURI”

Panuto: Patuloy na dumarami ang bilang ng tao sa Asya at sa buong daigdig. Suriin mo ang larawan at sagutan ang mga pamprosesong tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: six human figure silhouettes, two rows of three]

Sa bawat sampung tao sa mundo, anim ang naninirahan sa kontinente ng Asya.

Pamprosesong Tanong:

  1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?
  2. Batay sa iyong pagsusuri, ano ang maaari mong mahinuha patungkol sa larawan?
  3. Sa tingin mo, may malaking gampanin ba ang ating pamahalaan sa sitwasyong ito?
  4. Bilang mamamayan at mag-aaral, may magagawa ka ba sa patuloy na pagtaas ng populasyon sa bansa? Ipaliwanag.
Suriin
Ang Yamang Tao sa Asya

Patuloy ang paglaki ng populasyon sa daigdig. Ito ay isa sa mga suliraning kinakaharap ng ilang mga bansa sa daigdig sa kasalukuyang panahon. Ayon sa ulat ng United States Census Bureau, tinatayang ang kabuoang bilang ng populasyon ng daigdig ay umaabot sa 7.005 bilyon. Sinasabi sa ulat na 60 bahagdan ng kabuoang populasyon sa daigdig ay nanggaling sa Asya.

Kung kaya, mahalagang mapag-aralan at masuri ang katangian ng populasyon ng mga bansa sa Asya. Sa pag-aaral na gagawin, kinakailangang mabigyang-kahulugan ang pangunahing salita na karaniwang ginagamit sa pagtataya ng implikasyon ng populasyon sa pag-unlad ng kabuhayan ng isang lugar gaya ng sumusunod:

  • Populasyon ng Asya– Hindi pantay ang distribusyon ng populasyon ng Asya. Ang karamihan ng mga tao sa Asya ay naninirahan sa mga pook rural. Bagaman mapupunang napakabilis din ng paglaki o pagdagsa ng tao sa pook na urban dahil sa maraming trabahong maaaring matagpuan dito;
  • Distribusyon ng Kakapalan ng Tao– Ang isang pook na nasa maayos na lokasyon/kinaroroonan at walang labis na lamig at init, ay nangangahulugang nasa sonang tropiko ito. Natural, mainam din ang klima at panahong mararanasan. Kung gayon, mayaman din ito sa likas na yaman dahil mataba ang kanyang lupa, at may mga halaman at hayop na nabubuhay sa gubat o sa kapatagan. Ang kabundukan nito ay may mga yamang mineral at marahil mayroon din itong mga hayop at bulaklak na pambihira. Sa ganitong katwiran, kakapal ang tao. Bukod sa marami ang mandarayuhan upang makipagkalakalan, mahihikayat din silang tuluyan nang manirahan sa mga nabanggit na bansa.
  • Literacy o Kamuwangan– Ito ay nagnangahulugang ang tao ay nakauunawa ng mga bagay-bagay at marunong siyang bumasa at sumulat. Naipapahayag ang saloobin, malayang naipagtatanggol ang sarili, nasusunod ang mga batas at may kakayahangsumagap ng tamang impormasyong makaaapekto sa kanya at sa kapaligiran.
  • Life Expectancy– inaasahang haba ng buhay;
  • Gross Domestic Product (GDP)– ang kabuoang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon;
  • GDP per capital– kita ng bawat indibiduwal sa loob ng isang taon sa bansang kaniyang panahanan. Nakukuha ito sa pamamagitan ng paghahati ng kabuoang GDP ng bansa sa dami ng mamamayang naninirahan dito;
  • Unemployment Rate– tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o pinagkakakitaan;
  • Literacy Rate– tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat;
  • Migrasyon– pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.

Pinagkunan: PROJECT EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan II, Yamang- Tao sa Asya, Pahina 19-27

Pag-aralan mo naman ang talahanayan sa ibaba at pagtuunan ng pansin ang mga katangian ng populasyon. Sagutan ang mga gawain sa susunod na mga pahina batay rito.

Talahanayan 1: Katangian ng Populasyon sa Asya

BansaPopulasyonGulang: 0-14Gulang: 15-65Gulang: 65+Life ExpectancyGrowth RateKasarian: BabaeKasarian: Lalaki
Afghanistan28,149,91643.254.42.544.652.4714,578,68213,571,234
Armenia3,082,95117.472.79.972.960.021,436,9661,645,985
Azerbaijan8,832,17222.7716.367.010.814,316,7164,515,456
Bahrain791,47320.277.22.675.401.24454,152337,321
Bangladesh162,220,76233.661.64.860.631.2782,032,16680,188,596
Bhutan697,33528.465.85.866.711.24367,631329,704
Brunei339,6872571.33.775.961.73206,305193,382
Cambodia14,805,35831.964.33.865.521.787,244,7477,560,611
China1,345,750,97317.473.59.174.510.49698,405,850647,345,123
Georgia4,260,33315.568.416.176.93-0.332,003,9182,256,415
India1,198,003,27229.365.25.666.461.38618,942,535579,060,737
Indonesia229,964,7232766.66.471.051.10114,807,198115,157,525
Iran74,195,74123.971.75.171.430.9437,729,91336,467,828
Iraq30,747,29637.659.33.170.252.4515,545,72915,201,567
Israel7,169,55627.562.210.380.861.633,555,4393,614,117
Japan127,156,22513.562.623.982.17-0.2461,939,77965,216,446
Jordan6,316,43234.960.24.979.922.163,239,2803,239,280
Kazakhstan15,636,98724.468.86.768.190.407,447,0348,189,953
North Korea23,906,0702268.79.364.130.3911,804,29312,101,777
South Korea48,332,82015.17.311.978.810.2623,931,78824,401,032
Kuwait2,985,04625.172.32.177.893.501,777,2381,207,808
Kyrgyztan5,482,20029.665.54.969.741.412,704,9782,777,222
Laos6,320,42936.160.13.756.962.293,153,4783,166,951
Malaysia27,467,83729.465.55.173.551.7013,946,63913,521,198
Maldives309,43021.274.64.174.21-0.18156,260153,170
Mongolia2,670,96627.168.9467.981.501,320,9841,349,982
Myanmar50,019,77527.167.85.164.91.7524,433,68325,586,092
Nepal29,330,50533.5624.465.811.4214,567,67414,762,831
Oman2,845,41530.8663.273.972.001,605,1621,240,253
Pakistan180,808,09634.7614.265.621.5193,101,70087,706,396
Philippines91,983,10234.361.34.371.381.9346,327,76345,665,339
Qatar1,409,42312.586.70.875.510.871,062,942346,481
Singapore4,736,8781478.37.882.060.862,380,0712,356,807
Sri Lanka20,237,73024.9678.175.300.869,965,62910,272,101
Syria21,906,15634.661.63.874.461.9511,056,33010,849,826
Tajikistan6,952,22333.7633.365.681.853,432,2633,519,960
Thailand67,764,03319.5719.573.360.6033,327,94734,436,086
Timor-Leste1,133,5944353.53.567.612.00577,044556,550
Turkey74,815,70326.267.46.472.231.2737,579,40937,236,294
Turkmenistan5,109,88127.268.84.168.201.142,517,9802,591,901
UAE4,598,60020.578.50.976.323.563,093,2461,505,354
Uzbekistan27,448,22025.869.54.772.240.9413,664,25913,823,961
Vietnam88,068,90024.969.65.571.941.1043,498,24344,570,657
Yemen23,580,22042.554.92.663.362.7111,922,78611,657,434

Pinagkunan: En.worldstat.info/Asia/List_of_countries_by_Net_migration_rate UN Statistics Division Department of Economic and Social Affairs. “World Population Prospects: The 2008 Revision”

Talahanayan 2: Katangian ng Populasyon

BansaBahagdan ng Marunong BumasaBahagdan ng MigrasyonUnemployment rateGDP Per-Capita
Afghanistan29.03.336.01,000
Armenia99.6-3.87.05,500
Azerbaijan99.8-1.16.010,300
Bahrain94.616.115.027,900
Bangladesh56.8-1.65.0735
Bhutan47.004.06,200
Brunei92.72.63.750,000
Cambodia73.6-0.31.682,200
China82.2-0.34.18,500
Georgia99.7-4.116.35,600
India74.04-0.13.83,700
Indonesia90.4-1.26.564,700
Iran77.0-0.111.513,200
Iraq78.20183,501
Israel97.12.17.131,282
Japan99.004.535,200
Jordan92.6-14.311.94,666
Kazakhstan99.5-3.36.113,200
North Korea990NA1,800
South Korea97.903.732,150
Kuwait93.30.71.562,664
Kyrgyztan98.7-2.68.22,400
Laos73.0-1.22.52,700
Malaysia88.7-0.43.015,800
Maldives94.7-12.614.56,405
Mongolia94.6011.73,056
Myanmar89.9-0.35.51,310
Nepal60.30.6NA619
Oman81.4-0.524.425,221
Pakistan54.9-2.25.72,800
Philippines92.6-1.36.94,100
Qatar96.3-4.90.592,501
Singapore92.54.61.960,500
Sri Lanka90.6-2.24.25,700
Syria79.6-11.29.25,100
Tajikistan99.7-1.260.02,100
Thailand92.601.29,500
Turkey94.10.58.010,498
Turkmenistan98.8-1.9704,772
UAE77.919.04.345,653
Uzbekistan99.3-2.78.03,300
Vietnam94.0-0.42.93,400
Yemen63.91035.01,361

Pinagkunan: Data.world.bank.org/indicator/NY.CDP.PCAP.CD www.tradingseconomics.com/mongolia/unemployment; www.arabianbusiness.com/oman_economy_growing

Pagyamanin
Gawain 1: LIST-TO-GRAPH

Panuto: Itala sa Graphic Organizer ang mga katangian ng populasyon na nakatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

[chart: graphic organizer; blank web diagram with eight empty circles around a central circle printed “Katangian ng Populasyon sa Asya”]

Gawain 2: SURVEY SAYS

Panuto: Batay sa mga talahayang inilahad sa bahaging Suriin, itala mo ang 10 bansang pinakamataas at 10 bansang pinakamababa sa mga sumusunod na aspekto. Maaari ka ring gumamit ng ibang sanggunian gaya ng datos mula sa internet. Siguraduhin mo lamang na ilalagay mo ang URL o link nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

A. Populasyon
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
B. Batang Populasyon
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
C. Matandang Populasyon
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
D. Life Expectancy (Haba ng Inaasahang Buhay)
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
E. Literacy Rate (Bahagdan ng Marunong Bumasa at Sumulat)
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
F. Migration Rate (Bahagdan ng Migrasyon/Pandarayuhan)
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
G. Unemployment Rate (Bahagdan ng walang hanapbuhay)
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
H. GDP Per Capita
10 Pinakamataas10 Pinakamababa
1. _____1. _____
2. _____2. _____
3. _____3. _____
4. _____4. _____
5. _____5. _____
6. _____6. _____
7. _____7. _____
8. _____8. _____
9. _____9. _____
10. _____10. _____
Gawain 3: TEKSTO-SURI

Panuto: Batay sa iyong pagbasa at pagsusuri ng mga datos na inilahad sa bahaging Suriin, sagutan mo ang sumusunod na mga katanungan sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. Gagamit ang iyong guro ng rubrik upang mabigyan ka ng kaukulang marka sa gawaing ito.

  1. Ano ang population growth rate? Bakit mahalaga na malaman at masuri ito?
  2. Ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng bata at matandang populasyon?
  3. Ano ang life expectancy? Bakit kinakailangang mabatid ang life expectancy sa isang bansa?

[transcriber’s note: questions 4 to 10 continue the activity whose earlier questions appear on the previous pages]

  1. Suriin ang dami ng babae at lalaki batay sa talahanayanan blg. 1. Ano ang mas marami: lalaki o babae?


  2. Anong mga bansa sa Asya ang may mataas na literacy rate? Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang mga bansang ito? Bakit mataas ang literacy rate sa mga bansang ito?


  3. Anong mga bansa ang may pinakamababang literacy rate? Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang mga bansang ito? Bakit mababa ang literacy rate sa mga bansang ito?


  4. Ano ang implikasyon ng literacy rate sa pag-unlad ng isang bansa?


  5. Paano nakakaapekto sa isang lugar /bansa ang pandarayuhan?


  6. May kinalaman ba ang populasyon sa kalagayang pangkabuhayan nito?


  7. Bakit kailangan ang yamang tao sa bansa. Ipaliwanag?


RUBRIK PARA SA SANAYSAY
DeskripsyonIskalaIskor
1. Kagalingan sa pag-unawa sa paksa1 – 5
2. Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong1 – 5
3. Kagalingan sa interpretasyon1 – 5
4. Kagalingan sa pag-uugnay sa ibang isyu1 – 5
5. Kagalingan sa pagbubuod1 – 5
Gawain 4: KAUGNAYAN AT EPEKTO, IPALILIWANAG KO!

Panuto: Basahin at suriin ang bawat pahayag na may kaugnayan sa yamang tao. Ipaliwanag ang epekto at kaugnayan nito sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

[chart: flowchart; Gawain 4: KAUGNAYAN AT EPEKTO, IPALILIWANAG KO! The three statements are printed in boxes on the left, each with an arrow pointing to an empty box on the right.]

  • Ang pagkakaroon ng mataas na antas ng kamuwangan ng mamamayan ng isang bansa. → [blank box]
  • Ang mabilis na pagtaas ng populasyon sa mga lungsod. → [blank box]
  • Mas maraming populasyon ang walang hanapbuhay o pinagkakakitaan. → [blank box]

Isaisip

Gawain: Tumpak!

Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang mula sa mga salita loob ng kahon.

[illustration: rainbow drawn in gray arcs, with five cloud-shaped boxes placed over it]

  • Natutuhan ko na nakaaapekto sa isang lugar ang migrasyon dahil…_____ _____
  • Natutuhan ko na may epekto sa isang bansa ang mataas na unemployment rate dahil…_____ _____
  • Natutuhan ko na mahalaga ang yamang tao sa bansa dahil…._____ _____
  • Natutuhan ko na kailangang pangalagaan ang kapaligiran para sa pamumuhay ng tao upang…_____ _____
  • Natutuhan ko na kailangang mabatid ang life expectancy ng isang bansa upang…_____ _____

Isagawa

Gawain: Kaya Mo, Kaya Ko!

Panuto: Gumuhit ng isang bagay na maaaring sumimbolo sa kahalagahan ng yamang tao sa Asya. Pagkatapos, ipaliwanag sa loob ng di bababa sa walong pangungusap ang kaugnayan nito sa tungkuling ginagampanan ng yamang tao sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman – 12 puntos Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 3 puntos


KABUOAN = 20 Puntos

Gawain: Sino Ako!

Panuto: Sagutan ang iyong sariling personal data para sa paghahanda sa paghahanap ng trabaho.

Pangalan_____________________ Edad________________ Kasarian___________

Tirahan______________________________________

Petsa ng Kapanganakan________________ Lugar ng kapanganakan___________

Mga Magulang:

Pangalan ng Ama_________ Natapos sa pag-aaral________ Hanapbuhay________

Pangalan ng Ina_________ Natapos sa pag-aaral________ Hanapbuhay_________

Mga Kapatid:

1.______________ Gulang____________ Natapos_________

2.______________ Gulang____________ Natapos_________

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan, pagkatapos ay subukan mong sagutan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano ang tawag sa talino, kakayahan, lakas, dami, at iba pang katangian ng tao na magagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo?

    • A. yamang dagat
    • B. yamang lupa
    • C. yamang mineral
    • D. yamang tao
  2. Ano ang maaaring magandang implikasyon o epekto ng malaking populasyon ng Asya sa pag-unlad ng rehiyon?

    • A. Marami ang taong pakakainin sa bawat bansa sa Asya
    • B. Marami ang kailangang makapagtapos ng pag-aaral sa Asya
    • C. Marami ang magrereklamo sa pamahalaan ng mga bansa sa Asya
    • D. Marami ang yamang tao at lakas-paggawa na makapagpauunlad sa Asya
  3. Batay sa estadistika, normal ang hitsura ng population pyramid ng Pilipinas. Ibig sabihin, sapat ang dami ng gitnang populasyon para matugunan ang mga pangangailangan ng buong populasyon. Ngunit sa kabila nito ay mabagal pa rin ang pag-unlad ng bansa. Ano kaya ang maaaring dahilan?

    • A. Katamaran ng mga Pilipino
    • B. Kawalan ng trabahong mapapasukan
    • C. Mataas na presyo ng mga bilihin
    • D. Mabilis na paglaki ng populasyon
  4. Ano ang tawag sa kakayahang magbasa, magsulat, at magbilang ng isang tao?

    • A. functional candidacy
    • B. congenital literacy
    • C. functional literacy
    • D. general education
  5. Ano ang kahulugan ng positibong antas ng paglaki ng populasyon?

    • A. Tumatalino ang mamamayan ng bansa
    • B. Dumarami ang mamamayan ng bansa
    • C. Tumataba ang mamamayan ng bansa
    • D. Umuunlad ang mamamayan ng bansa
  6. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?

    • A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
    • B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
    • C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
    • D. Higit na madadagdagan ang likas na yaman ng Asya.
  7. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?

    • A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
    • B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
    • C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.
    • D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
  8. Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw ay yaman ng bansa?

    • A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.
    • B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.
    • C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.
    • D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.
  9. Ang yamang tao ay katuwang sa pagpapaunlad ng isang bansa at maituturing na kayamanan. Sa iyong palagay, bakit itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao?

    • A. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunit inaabuso naman kalaunan.
    • B. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kaniyang sariling interes at kasiyahan.
    • C. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ng iba ngunit walang sapat na kaalaman upang tugunan ito.
    • D. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman para sa kapakinabangan ng lahat.
  10. Ang paglaki ng populasyon ay isa sa suliraning kinakaharap ng ilang bansa sa daigdig. Alin sa mga sumusunod na bansa ang may pinakamalaking populasyon sa daigdig?


  • A. India
  • B. Indonesia
  • C. China
  • D. Pakistan
  1. Ang paglaki ng bilang ng populasyon sa Pilipinas ay pinangangambahan na magdulot ng ibayong problema sa bansa. Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa?
  • A. Mas dadami ang manggagawang Pilipino.
  • B. Mas lalala ang kahirapan at negatibong epekto sa kalikasan.
  • C. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao.
  • D. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho.
  1. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng karunungan sa pagbasa at pagsulat sa iyong bansang kinabibilangan?
  • A. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila.
  • B. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mga kabataang hindi nakapag-aral.
  • C. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sa kanilang pag-aaral.
  • D. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mga batang walang kakayahang makapag-aral.
  1. Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang poupulasyon, ano ang nakikita nating implikasyon sa usaping pang-ekonomiya ng isang bansa?
  • A. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa.
  • B. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa,
  • C. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa aspetong medikal.
  • D. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa.
  1. Ayon sa Population Commission o PopCom, patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas. Ano sa palagay ninyo ang kahihinantnan ng tao at ng ating bansa kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon?
  • A. Mas magiging produktibo ang mga tao at tataas ang produksiyon ng bansa.
  • B. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahil sa pangingibang bansa ng mga OFW.
  • C. Mas tataas ang bilang ng populasyon at kakambal nito ang pagkukulang sa pinagkukunang yaman ng pangangailangan ng tao.
  • D. Magkakaroon ng mas maraming oportunidad at hindi na maghihirap ang tao.
  1. Ang Indonesia ay isang bansa na nagsisikap na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon sa kanilang programang Quality Family 2015 subalit maraming naging balakid upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Alin sa sumusunod ang mga naging balakid sa pagpapatupad ng kanilang programa?
  • I. Ang pagkakaroon ng mga lokal na tradisyon at kultura.
  • II. Ang pagiging Islamiko ng karamihang mamamayan.
  • III. Kakulangan ng panahon upang maipatupad ang programa.
  • IV. Ang pagtanggap at kaugalian ng mamamayan sa kanilang bansa.
  • A. I, II, III
  • B. II, III, IV
  • C. I, II, IV
  • D. I, III, I.

Karagdagang Gawain

Gawain 7: “Ako ay Produktibong Pilipino”

Panuto: Gumuhit ng isang malaking puso sa papel. Isulat sa itaas na bahagi kung ano ang gusto mong maging pagdating ng panahon at ipaliwanag sa baba ang kahalagahan nito sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

[illustration: large outline of a heart for writing on]

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman/Kaangkupan ng pahayag – 12 puntos Pagkamalikhain sa Paggawa – 5 puntos Kalinisan at Kaayusan ng Gawa – 3 puntos


KABUOAN = 20 Puntos

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down, with its four panels rotated 180 degrees. The panels are transcribed below in upright reading order.]

Pagyamanin

Gawain 1: LIST-TO-GRAPH

  1. Gulang
  2. Life Expectancy
  3. Growth Rate
  4. Kasarian
  5. Literacy Rate
  6. Migration Rate
  7. Unemployment Rate
  8. GNP Per Capita
    [transcriber’s note: the word “Rate” is printed on a separate line below item 8 and is read as its continuation]
Pagyamanin

Survey Says: Gawain 2

Maaaring maging batayan ang mga talahanayan o ang mga bagong datos buhat sa ibang sanggunian.

Tayahin
  1. D
  2. D
  3. D
  4. C
  5. D
  6. A
  7. D
  8. A
  9. D
  10. C
  11. B
  12. B
  13. B
  14. C
  15. D
Balikan
  1. Disertification
  2. Salinization
  3. Habitat
  4. Ecological Balance
  5. Deforestation
  6. Siltation
  7. Red Tide
  8. Ozone Layer

Sanggunian

Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd – IMCS). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Quezon City: Enduresources Publishing, Inc., 2014.

Department of Education, Project EASE: Modyul 2: Yamang-Tao sa Asya, Bureau of Secondary Education, 2009, 19-27.

Department of Education-http://lrmds.deped.gov.ph

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district