Araling Panlipunan 7 Quarter 1 Module 4: Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

AP 7 Quarter 1 Module 4 explains how Asia’s natural resources shape agriculture, economy, and settlement, with a pretest, activities, and answer key.

This is the Araling Panlipunan 7 self-learning module for the Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4: “Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano” (implications of natural resources on the lives of Asians). It is an Alternative Delivery Mode module, First Edition 2020, from DepEd MIMAROPA Region, written for Grade 7 learners studying at home. After it, learners should be able to explain how Asia’s physical environment and natural resources shape the way Asians live, past and present.

The module builds on the previous lesson about the natural resources of Asia’s regions. It looks at four areas: Agrikultura (agriculture), Ekonomiya (economy), Pananahanan (settlement or housing), and Kultura (culture). It also asks learners to think about two questions. Is it true that “the environment shapes its people”? And is a country poor just because it has few natural resources?

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states these standards and competency:

  • Pamantayang Pangnilalaman (content standard): Learners show an understanding of the relationship between the environment and people in shaping early Asian civilization.
  • Pamantayan sa Pagganap (performance standard): Learners can deeply connect the roles that the environment and people played in shaping early Asian civilization.
  • Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (most essential learning competency): Learners analyze natural resources and the effects of the physical environment on the lives of Asians, past and present.

What is in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano.” It follows the usual self-learning module parts:

PartWhat it contains
Subukin (pretest)15 items: sorting statements into agriculture, economy, or settlement, plus multiple-choice questions
Balikan (review)Matching Asian resources to countries or regions, such as teak and Myanmar
Tuklasin (explore)“Lugar Mo, Kilalanin Mo!”: placing clues about Philippine provinces on a map of the Philippines
Suriin (discussion)The main reading on agriculture, economy, settlement, and the effects of population growth
Pagyamanin (practice)Three activities: essay questions, a situation-and-effect table, and an S-R-O (suggestion, reaction, opinion) task
Isaisip (reflect)Short writing on the effects of population growth, plus opinion questions
Isagawa (apply)Writing an open letter and completing a personal pledge (“Panata Ko!”)
Tayahin (post-test)15 items in the same format as the pretest
Karagdagang Gawain (extra task)Writing three “hugot” lines about caring for nature
Susi sa PagwawastoAnswer key

Key ideas: how natural resources shape life in Asia

Agriculture

Asia’s environment is well suited to farming, so agriculture is the main source of livelihood for many people. Wide plains and fertile land give high harvests, and many of these farm products are exported. Agriculture also supports small farms and rural families. The module notes that it gives people a secure source of food and income, especially during the pandemic.

Economy

Countries rich in natural resources produce large amounts of raw materials. These are exported to developed countries that need them for their factories. This trade strengthens imports and exports and helps raise a country’s national income, or GNP.

Settlement

People’s surroundings are closely tied to how they earn a living. When food is secure, the population grows faster. People form communities and develop customs and culture that fit the place where they live. The module says every cultural aspect of a people is reflected in where they live.

Effects of a large population on nature

The module explains that many of today’s environmental problems come mainly from population growth. It gives three effects:

  • Loss of green spaces. Nature provides food and medicinal plants. As the population grows, these green areas are slowly used up to meet people’s daily needs.
  • Clearing of timberland. Areas that the DENR classifies as timberland are opened up for farming and housing. This leads to widespread forest destruction and the gradual loss of plant and animal species.
  • Too much garbage. The government has programs for proper waste disposal, but many people still throw garbage carelessly. This pollutes the air, water, and soil and puts people’s health at risk.

The module also uses real examples from Asia. Vietnam is a top rice exporter. Malaysia leads in rubber exports. Brunei earns more than half its yearly income from crude oil, petroleum, and natural gas. South Korea’s major industries include electronics, cars, and shipbuilding. Homes in Bhutan must withstand a long, very cold climate.

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then work through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, not in the module, so that others can still use it. Check your work with the Susi sa Pagwawasto only after answering, and be honest. Take the Tayahin post-test at the end to see how much you learned.
  • Parents and guardians: Help your child find a map of the Philippines to trace or copy for the Tuklasin activity. Talk with them about the environmental problems in your own community, which the Isaisip and Isagawa tasks ask about.
  • Teachers: The essay activities in Pagyamanin and Isaisip use a five-criterion rubric, scored 1 to 5 each: understanding of the topic, answering the questions, interpretation, connecting to other issues, and summarizing. The open letter in Isagawa has its own rubric for content, capitalization and punctuation, and word use. Learners who have trouble with the lesson are asked to contact their teacher right away.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 4. It is the First Edition, 2020, Alternative Delivery Mode module from DepEd MIMAROPA Region.

What does Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano mean?

It means the implications or effects of natural resources on the lives of Asians. The module looks at how resources and the physical environment affect agriculture, the economy, settlement, and culture in Asia.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Balikan matching activity, the Tuklasin map activity, the Subukin pretest, and the Tayahin post-test. The essay and writing tasks are checked by the teacher using rubrics.

According to the module, how does population growth affect the environment?

The module says population growth uses up green spaces and leads to timberland being cleared for farms and homes. This causes forest loss and the disappearance of plant and animal species. It also increases garbage, which pollutes the air, water, and soil.

What is the open letter activity?

In the Isagawa part, learners write an open letter to fellow young people and parents. The letter encourages them to help reduce today’s environmental problems, and it is graded on content, capitalization and punctuation, and word use.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q1_Araling Panlipunan 7_Module 4

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 4: Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

[illustration: students reading and studying outdoors and at home, with a teacher, a globe, and a lamp]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.

Araling Panlipunan – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marivic E. Arsaga

Editor: Rosario G. Caluya, Florenil M. Malabayabas, Diana P. Nobleza, Marineil S. Perez

Tagasuri: Pedro J. Dandal Jr., Margielyn E. Tomanggong, Nora A. Nangit, Joseph L. Lozanta, Thelma M. Salvacion

Tagaguhit: Teodorico A. Cabildo, Sergio M. Tupaz, Eric M. Montemar

Tagalapat: Esperidion D. Soleta Jr.

Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Melbert S. Broqueza, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Aurelia B. Marquez, Rodgie S. Demalinao, Pedro J. Dandal Jr.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

7

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 4: Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng mga Asyano

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pressing a button, icon beside the part title]

Ngayon ay lubusan mo nang nauunawaan ang mga taglay na likas na yaman ng mga rehiyon ng Asya. Sa susunod na aralin ay patuloy mo pang palalawakin ang iyong pag-unawa hinggil sa implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon sa larangan ng Agrikultura, Ekonomiya, Pananahanan at Kultura. Halina’t kilalanin at tuklasin ang kasabihang “Ang kapaligiran ang humuhubog sa kaniyang mamamayan”, at tama bang sabihin na ang bansang salat sa likas na yaman ay mahirap at ang bansang mayaman sa likas na yaman ay mayaman din naman?

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog sa sinaunang kabihasnang Asyano.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Subukin

[illustration: hand holding a pencil, icon beside the part title]

Paunang Pagtataya

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong dating kaalaman, kakayahan, at pang-unawa tungkol sa implikasyon ng likas na yaman ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano sa iba’t ibang larangan. Handa ka na ba?

I. Panuto: Tukuyin kung saang aspekto nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

A- Agrikultura B- Ekonomiya C- Panahanan

  1. Sa pagpapalaki ng produksiyon, ang ilang mga bansa ay gumagamit ng makabagong makinarya.
  2. Maraming mga bansa ang mayaman bunsod ng kasaganaan sa likas yaman.
  3. Ang pagdami ng tao ay magdudulot ng kakulangan sa tirahan.
  4. Ang pagdami ng subdivision ay magreresulta sa unti-unting pagkawasak ng tirahan ng mga hayop.
  5. Ang pagkain ng tao ay kinukuha sa lupa.
  6. Ang mga magsasakang Tsino ay karaniwang nakatira sa magkakalapit na mga pamayanan at ang panirahan ay gawa sa luwad at adobe.
  7. Ang mga mamamayan sa bansang Japan na karaniwang naghahanapbuhay sa lungsod.

II. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Sa agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?


    A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
    B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
    C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.
    D. Nagkukulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao.


  2. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?


    A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
    B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
    C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan nang lubos.
    D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay nang matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.


  3. Ano ang magiging implikasyon sa agrikultura kung mayroong malawak at matabang lupa ang isang bansa?


    A. Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto.
    B. Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.
    C. Tataas ang pambansang kita at mapabubuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.
    D. Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.


  4. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?


    A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas-paggawa.
    B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang-yaman ng mga bansa.
    C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa.
    D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.


  5. Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Higit na napaunlad ng tao ang antas ng pamumuhay at natutugunan ang pangunahing pangangailangan. Kung kayo ang mag-iisip ng pamamaraan, ano ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?


    A. Gagamitin nang wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.
    B. Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.
    C. Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng mamamayan.
    D. Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.


  6. Ang pagkakaroon ng malawak at matabang lupain ay nakapagbibigay ng maraming produkto at nakapagpapalaki ng produksiyon na nakatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng mga tao sa isang bansa. Anong larangan ang pinagtutuunan ng pansin dito?


    A. Agrikultura
    B. Ekonomiya
    C. Panahanan
    D. Turismo


  7. Alin sa sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?


    A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar.
    B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsiyento ng kriminalidad.
    C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman.
    D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan.


  8. Ano ang epekto ng Land Conversion?


    A. Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao
    B. Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan
    C. Pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop
    D. Pagdami ng produksiyon ng pagkaing butil


Ilan ang nakuha mong puntos? Nasiyahan ka ba sa iyong puntos? Huwag kang mag-alala sapagkat masasagot mo ang lahat ng mga katanungan sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito.

Aralin 1

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pamumuhay ng Mga Asyano

[illustration: hand holding a puzzle piece, icon beside the part title]

Balikan
Gawain 1. Isang Sulyap

Bago natin lubos na alamin ang susunod na aralin, iyong balikan ang nakaraang paksa.

Panuto: Pagtatapat-tapatin ang Hanay A (Likas Yaman) at Hanay B (Bansa). Gawin ito sa iyong sagutang papel.

AB
1. Ang rehiyon na tagapagluwas ng caviar (itlog) ng sturgeonA. Myanmar
2. Bansang may pinakamaraming puno ng teak sa daigdigB. Kanlurang Asya
3. Ang rehiyon sa Asya na pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo.C. Hilagang Asya
4. Ang bansang nangunguna sa produksiyon ng gintoD. Pilipinas
5. Bansang nangunguna sa produksiyon ng langis ng niyog at kopraE. Uzbekistan

Binabati kita sa iyong mga naging kasagutan. Alam kong lumalim ang iyong pag-unawa sa mga bagay na may kinalaman sa likas na yaman at ang kaugnayan nito sa tao.

Tuklasin

[illustration: hand holding a seedling, inside a circle]

Gawain: Lugar Mo, Kilalanin Mo!

Kilala mo ba ang lugar na tinitirhan mo? Paano ka naapektuhan ng iyong pinanahanan? Ikaw ba ay bunga ng kung ano at saan ka nabibilang? Kung hindi ka tiyak sa iyong mga kasagutan, maglaro tayo! Bakatin o iguhit ang mapa ng Pilipinas at ilapat dito ang numero ng mga gawain sa ibaba na may kaugnayan sa agrikultura, ekonomiya, pananahanan at kultura na alam mong ginagawa o makikita sa partikular na lalawigan o rehiyon sa bansa. Gawin ito sa iyong kwaderno.

[illustration: outline map of the Philippines]

  1. Sa probinsyang ito nagmumula ang marmol na ginagawang mga muwebles at iba pang kagamitan.
  2. Sa lugar na ito matututunan mong kumain ng iba’t ibang prutas na pinakapangunahin nilang produkto katulad ng durian at iba pa.
  3. Dito matatagpuan ang sikat na bird’s nest o pugad ng ibon na balinsasayaw na nagkakahalaga ng ₱250,000.00 ang bawat kilo sa pamilihan.
  4. Madalas daanan ng bagyo ang kanilang pananahanan at iba’t ibang hagupit ng dahas ng kalikasan ang kanilang naranasan ngunit sa kabila nito nanatiling matatag, malakas at puno ng pag-asa.
  5. Bahagi na ng kultura namin ang pagpaparada ng mga nagagandahang mga bulaklak tuwing Penagbenga Festival dahil sa kaakmaan sa pagtatanim ng iba’t ibang halaman sa aming lugar.

Suriin

[illustration: magnifying glass held in a hand, inside a circle]

Matapos mong malaman ang mga impormasyon tungkol sa likas na yaman ng Asya at ang rehiyon sa Pilipinas na kung saan ka kabilang at ang implikasyon nito sa pamumuhay bilang mga Asyano at Pilipino, ngayon ipagpatuloy mong alamin ang implikasyon ng likas na yaman sa kaniyang kapaligiran upang lubos mo itong maunawaan.

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO
Agrikultura

Dahil sa pagiging angkop ng kapaligiran ng Asya sa pagsasaka, agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay ng mga naninirahan dito. May malalawak na kapatagan at matatabang lupain na mataas ang produksyon ng mga produktong agrikultural na kadalasang iniluluwas ng mga bansang Asyano. Agrikultura rin ang nagsisilbing tagapagtaguyod ng kabuhayan ng mga maliliit na sakahan at ng mga nakatira sa mga kanayunan, na nagbibigay ng siguradong kabuhayan o pagkain lalo na sa panahon ng pandemya.

Ekonomiya

Ang pagiging sagana sa likas na yaman ng mga bansa sa Asya ay nagdudulot ng mataas na produksyon ng mga hilaw na materyales, na iniluluwas sa mga mauunlad na bansa. Ang mga ito ay kailangan nila sa kanilang mga pagawaan o pabrika. Dito umuunlad ang ugnayang import at eksport dahil pinapabilis nito ang ugnayang kalakalang pandaigdigan. Malaki ang bahaging ginagampanan nito upang mapataas ang pambansang kita ng isang bansa o GNP.

Pananahanan

May malaking kaugnayan ang katangiang pisilkal o kapaligiran ng tao sa kanyang mga gawaing pangkabuhayan. Dahil sa pagkakaroon ng kasiguruhan ng pagkain, mas bumibilis ang pagdami ng tao. Nakakabuo ng isang pamayanan o lipunan at dahil dito, ang lipon ng mga taong ito ay may mga kinabihasnang mga kaugalian o kultura na natatangi at naayon sa kanilang panirahan. Lahat ng aspektong kultural ng mga tao ay nasasalamin sa lokasyon o lugar na kanilang pinananahanan.

Ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan natin sa kasalukuyan ay pangunahing epekto ng paglaki ng populasyon na mayroon ding malaking epekto sa ating kalagayang pandaigdig. Tunghayan natin ang talahanayan na nagpapaliwanag sa epekto ng paglaki ng populasyon sa kalikasan.

EPEKTO NG MALAKING POPULASYON SA KALIKASAN
Napakapalad ng mga tao sa pagkakaroon ng pananahanang nilikha ng Maykapal na ang lahat ng pangangailangan ay nasa kapaligiran, mga pagkain para mabuhay at mga halamang gamot para sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan. Ngunit sa patuloy na pagdami ng mga tao, unti-unting nauubos ang mga luntiang kapaligiran upang matugunan lamang ng tao ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng tao, hindi maiwasang magkaroon ng mga pagbubukas sa mga lugar na kinilala ng DENR bilang timberland. Ito ay upang linisan para tamnan at gawing panirahan. Nagbubunga ito ng malawakang pagkasira ng kagubatan at ng unti-unting pagkawala o pagkaubos ng iba’t ibang uri ng hayop at halaman.Malaki rin ang problemang dulot ng mataas na produksyon ng basura. Hindi maikakaila na may mga programa ang pamahalaan para sa wastong pagtatapon ng mga basura at iba pang pamamaraan, subalit marami pa rin ang nagtatapon lamang ng basura ng walang pakundangan. Dahil dito ay lalong nanganganib ang mga tao sa kontaminasyon ng hangin, tubig at lupa na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga tao.

Kamusta ang iyong naging pagbabasa? Marami ka bang nakuhang impormasyon? Magaling, magagamit mo ito sa pagsagot sa mga gawain na inihanda para sa ‘yo. Halika na at magsimula na sa pagsagot.

Pagyamanin

[illustration: hand stacking blocks, inside a circle]

Gawain 1: Suri-Epekto

Panuto: Batay sa impormasyon na iyong binasa, sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel. Gagamit ang iyong guro ng rubrik upang tasahin ang iyong kakayahan.

  1. Ano ang magiging epekto sa ekonomiya ng isang bansa kung ito ay salat sa likas na yaman?
  2. Ano ang implikasyon o epekto ng pagdami ng populasyon ng isang bansa sa usaping pangkabuhayan?
  3. Bunsod ng pagdami ng populasyon, ano ang nangyayari sa mga lupain at sa likas na yaman ng isang bansa?

RUBRICS PARA SA SANAYSAY

DeskripsyonIskalaIskor
1. Kagalingan sa pag-unawa sa paksa1 – 5
2. Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong1 – 5
3. Kagalingan sa interpretasyon1 – 5
4. Kagalingan sa pag-uugnay sa ibang isyu1 – 5
5. Kagalingan sa pagbubuod1 – 5

Napakaganda ng iyong mga kasagutan. Mayroon ka nang malalim na pananaw ukol sa nagiging epekto ng likas na yaman sa pamumuhay ng maraming tao.

Gawain 2: Ano ang Mangyayari?

Panuto: Ilahad mo ang mga implikasyon o epekto ng sumusunod na sitwasyon sa iba’t ibang aspeto. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

ASPETOSITWASYONEPEKTO O IMPLIKASYON
AGRIKULTURAPagkakaroon ng mataba at malawak na lupang sakahan
EKONOMIYAKakulangan ng mga hilaw na materyales
PANAHANANPaglaki ng populasyon
Gawain 3: S-R-O (Suhestiyon, Reaksiyon at Opinyon)

Panuto: Batay sa mga impormasyong nakalap sa mga teksto, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel. Gagamit ang iyong guro ng rubrik upang tasahin ang iyong kakayahan.

  1. Ano ang nangyayari sa ating biodiversity bunsod ng paglaki ng ating populasyon?
  2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng likas na yaman sa isang bansa?
  3. Bilang isang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapangalagaan ang iyong kapaligiran?

RUBRICS PARA SA SANAYSAY

DeskripsyonIskalaIskor
1. Kagalingan sa pag-unawa sa paksa1 – 5
2. Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong1 – 5
3. Kagalingan sa interpretasyon1 – 5
4. Kagalingan sa pag-uugnay sa ibang isyu1 – 5
5. Kagalingan sa pagbubuod1 – 5

Napakahusay mo! Ipagpatuloy mo pa ang iyong mas malalim na pag-aaral sa aralin. Ang susunod na gawain ay higit na makatutulong sa pagkamit mo ng mga kaalaman. Bunga ng iba’t ibang kaganapan sa mundo, hindi lamang ang agrikultura, ekonomiya, panahanan at kultura ang naaapektuhan maging ang ating kapaligiran. Aalamin natin ang implikasyon ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran bunsod ng paglaki ng populasyon ng daigdig.

Isaisip

[illustration: hand holding a light bulb, inside a circle]

Gawain 1: Anong Masasabi Mo?

Panuto: Isulat mo sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap ang epekto o implikasyon ng paglaki ng populasyon sa ekonomiya, panahanan at suliraning pangkapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang-papel.

Ang implikasyon o epekto ng paglaki ng populasyon ay




Gawain 2: Opinyon Ko, Basahin N’yo!

Panuto: Ipaliwanag ang iyong opinyon ayon sa hinihingi ng katanungan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gagamit ang iyong guro ng rubrik upang mataya ang iyong kakahayan.

  1. Paano ka makatutulong upang maiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran na nakikita mo sa iyong komunidad?


  1. Bilang kabataan, ano ang magagawa mo upang mapangalagaan ang iyong kapaligiran at likas na yaman?


RUBRICS PARA SA SANAYSAY

DeskripsyonIskalaIskor
1. Kagalingan sa pag-unawa sa paksa1 – 5
2. Kagalingan sa pagsagot sa mga tanong1 – 5
3. Kagalingan sa interpretasyon1 – 5
4. Kagalingan sa pag-uugnay sa ibang isyu1 – 5
5. Kagalingan sa pagbubuod1 – 5

Isagawa

[illustration: hand holding gears, inside a circle]

Gawain 1: Open Letter

Panuto: Nabatid mo na ang epekto ng paglaki ng populasyon ay may malaking epekto sa pagkaubos ng likas na yaman, pagkasira ng pisikal na katangian ng ating daigdig at pagkakaroon ng mga suliraning pangkapaligiran sa Asya at sa malaking parte ng ating daigdig. Ngayon naman ay gumawa ka ng isang open letter o bukas na liham para sa iyong kapuwa kabataan at mga magulang na naglalaman ng panghihikayat sa kanila upang makatulong na mabawasan ang mga suliraning kinakaharap natin sa kasalukuyan.

Pamantayan sa Paggawa ng Open Letter o Bukas na Liham

Pamantayan531Puntos
NilalamanLubusang naipakikita ang tunguhin ng liham.Naipakikita ang tunguhin ng liham.Simpleng naipakikita ang tunguhin ng liham.
Paggamit ng BantasWalang mali sa paggamit ng maliit at malaking titikMay 1-3 maling bantasMay 4 o higit pa na maling bantas

[transcriber’s note: table continued from the previous page]

Pamantayan531Puntos
Paggamit ng SalitaWalang mali sa paggamit ng salitaMay 1-3 mali sa paggamit ng salitaMay 4 o higit pa na mali sa paggamit ng salita
Gawain 2: Panata Ko!

Panuto: Dugtungan mo ng angkop na pangungusap ang pahayag upang makabuo ng isang panata na naglalaman sa iyong pangangalaga sa iyong kapaligiran.

ANG AKING PANATA

Ako ay si _____, na nakatira sa _____ ay buong pusong nangangako na _____.

Ako ay magiging kabahagi ng lipunan sa _____.

Tayahin

[illustration: hand holding a pencil, inside a circle]

I.Panuto: Tukuyin kung saang aspekto nabibilang ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang-papel.

A- Agrikultura B- Ekonomiya C- Panahanan

  1. Ang mga magsasaka at mangingisda sa Timog-Silangang Asya ay karaniwang nakatira sa bahay-kubo.
  2. Ang South Korea ay kabilang sa mauunlad na bansa sa Asya, ang pangunahing industriya ay ang kagamitang elektroniks, kotse, kemikal, paggawa ng barko, bakal, tela, damit, sapatos, tsinelas, at pagpoproseso ng pagkain.
  3. Maliit na bansa ngunit mayaman ang ekonomiya ng bansang Brunei. Mahigit sa kalahati ng taunang kita nito ay nagmumula sa pagluluwas ng krudo, petrolyo at natural gas.
  4. Kilala ang bansang Malaysia bilang nangunguna sa pagluluwas ng goma dahil sa pangunahing itinatanim dito ang rubber tree at palm tree.
  5. Ang bansang Vietnam sa Timog-Silangang Asya ang nangungunang exporter ng bigas na mahigit 6.5 tonelada kada taon sa buong daigdig.
  6. Sa Japan, ang mga magsasaka at mangingisda ay karaniwang naninirahan sa malalayong pulo ng bansa.
  7. Ang mga tirahan sa Bhutan ay kailangang makatagal sa mahaba at napakalamig na klima.

Mahusay mong naisagawa ang mga gawaing naiatas sa iyo. Binabati kita sa iyong pagtitiyaga at pagsusumikap na matapos ang mga gawain sa modyul na ito. Sa bahaging ito naman ay tatayahin natin ang iyong mga natutunan sa buong aralin.

II.Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng pagkakaroon ng urbanisasyon?
    A. Pagtaas ng antas ng malnutrisyon sa mga mahihirap na lugar
    B. Pagkakaroon ng mas mataas na porsyento ng kriminalidad
    C. Pagkaubos ng mga pinagkukunang yaman
    D. Pagkakaroon ng maraming trabaho para sa mamamayan
  2. Malaki ang epekto ng paglaki ng populasyon sa ating likas na yaman sapagkat maraming mamamayan ang nangangailangan ng mga hilaw na materyales lalo’t higit sa mga bansang mauunlad at bansang papaunlad pa lamang. Kung ating susuriing mabuti, ano ang magiging implikasyon nito sa ating likas na yaman ng Asya pagdating ng panahon?
    A. Ang likas na yaman ng Asya ay mauubos o mawawala.
    B. Mapreserba ang mga yamang likas ng Asya.
    C. Aangkat ang mga bansa sa Asya sa ibang mga kontinente.
    D. Higit na madaragdagan ang likas na yaman ng Asya.
  3. Sa larangan ng Agrikultura higit na nakadepende ang tao sapagkat dito nagmumula ang ating pangunahing pangangailangan at maging ang mga produktong panluwas. Ano ang mabubuo mong konklusyon ukol sa pahayag na ito?
    A. Ang larangan ng agrikultura ang tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao.
    B. Ang mga Asyano ay nakikipagkalakalan sa ibang bansa bunga ng kakulangan sa produksiyon.
    C. Nangangailangan ang mga Asyano ng makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang Agrikultura.
    D. Nagiging kulang ang produksiyon sa agrikultura bunga ng pang-aabuso ng tao.
  4. Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?
    A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.
    B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.
    C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan nang lubos.
    D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.
  5. Ano ang magiging implikasyon sa larangan ng agrikultura kung mayroong malawak at matabang lupa ang isang bansa?
    A. Matutugunan nito ang pangangailangan ng bansa at makapagluluwas ng mas maraming produkto.
    B. Magkakaroon ng mga land conversion upang maging panahanan ng tao.
    C. Tataas ang pambansang kita at mapapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan.

D. Lalago ang mga industriya sa bansa dahil may sapat na panustos sa hilaw na materyales.

  1. Ano ang nakikita mong sitwasyon sa mga pinagkukunang yaman ng isang bansa kung patuloy ang pagtaas ng populasyon?

A. Mas higit na uunlad ang bansa dahil sa lakas paggawa. B. Unti-unting mauubos ang pinagkukunang yaman ng mga bansa. C. Magkakaroon ng maayos na panirahan ang mga tao sa bansa. D. Patuloy na pagkawasak ng mga tirahan ng mga species ng hayop.

  1. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagtulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?

A. Pagsusunog ng mga basura tulad ng mga tuyong damo, dahon at mga plastik B. Palagiang pagwawalis at pagdadamo sa paaralan C. Pagsuporta sa mga programang pangkalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim at di pagputol ng maliliit na mga punong kahoy. D. Pagsunod sa mga ipinag-uutos ng paaralan at ng pamahalaan

15.Alin sa mga sumusunod ang land conversion?

A. Kakulangan ng espasyo ng tirahan ng tao B. Paglaki ng bolyum ng basura sa mga tahanan C. Pagkawasak ng tirahan ng iba’t ibang species ng hayop D. Pagdami ng produksiyon ng pagkaing butil

Karagdagang Gawain

[illustration: hand holding gears, icon beside the part title]

Gawain: Hugot Mo, Sulat Mo!

Panuto: Lumikha ng tatlong hugot na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran.

Halimbawa:

“Ang kalikasan ay parang pag-ibig, kapag iyong pinabayaan ito ay mawawala”

Matagumpay mong naisagawa ang lahat ng mga gawain. Binabati kita sa iyong husay at galing. Ipagpatuloy mo ang iyong magandang simulain. Inaasahan ko na maisasabuhay mo ang iyong natutunan.

Susi sa Pagwawasto

[illustration: key in a circle with a hand, icon beside the part title]

Balikan

C 1.

A 2.

B 3.

E 4.

D 5.

Tuklasin

Gawain: Lugar Mo, Kilalanin Mo!

Romblon 1.

Davao 2.

Palawan 3.

Rehiyon V 4.

Baguio City 5.

Subukin

B 1.

B 2.

C 3.

C 4.

A 5.

C 6.

B 7.

A 8.

A 9.

A 10.

B 11.

A 12.

A 13.

D 14.

C 15.

Tayahin

C 1.

B 2.

B 3.

B 4.

A/B 5.

C 6.

C 7.

D 8.

A 9.

A 10.

A 11.

A 12.

B 13.

C 14.

C 15.

Sanggunian

Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd – IMCS). Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Quezon City: Enduresources Publishing, Inc., 2014.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district