Araling Panlipunan 5 Quarter 3 Module 2: Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

This is the Self-Learning Module (SLM) for Araling Panlipunan 5, Quarter 3, Module 2: “Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol” (the defense of Filipinos against Spanish colonialism). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. It explains why native groups revolted against the Spaniards, how they fought back, and why some groups were never conquered.

What learners will learn

After completing all the activities, learners are expected to:

  • Value the defense of Filipinos against Spanish colonialism (napapahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol).
  • Form a conclusion about how native Filipinos defended themselves against the Spaniards (nakabubuo ng konklusyon tungkol sa pagtatanggol ng mga Katutubong Pilipino laban sa mga Espanyol).

Why Filipinos fought back

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It explains that the Spaniards took control of the islands by force and weapons, and also used Christianity and strict laws and policies. Our ancestors suffered hardship, cruelty, and abuse. Because of this, they launched more than 100 revolts during more than 300 years of Spanish rule.

The module also stresses that the Spaniards did not conquer everyone. The geography of the Philippines and the bravery of some native groups kept them free despite repeated Spanish attempts.

Revolts and resistance covered in the module

EventWhat happened, as the module explains it
Revolt of Lakan Dula and SulaymanAfter Legazpi died, Governor-General Guido de Lavezares took away rights Legazpi had granted. The revolt broke out in Tondo in 1574 and stopped only when the rights were restored.
Revolt of Magat SalamatLakan Dula’s son formed a secret society in early 1587 to regain freedom. He plotted with Juan Gayo and Dionisio Fernandez to bring in weapons, but the plan failed and they were arrested and executed.
Gaddang RebellionLed by Felipe Catabay and Gabriel Tayag in Cagayan Valley in 1621. The Dominican priest Pedro de Santo Tomas persuaded them to stop, and they surrendered.
Maniago RebellionFrancisco Maniago led the Kapampangan revolt in October 1660 against forced labor. They blocked rivers to stop food from reaching Manila. It ended after negotiations, a promise of a large sum, and permission to return to their farm work.
Malong RebellionAndres Malong led a revolt in Lingayen, Pangasinan, on December 15, 1660, and sent messengers to other provinces. His forces weakened and were defeated at Binatongan (San Carlos City).
Groups in the mountain provinces of LuzonThe Ifugao, Kalinga, Bontoc, Tinggian, Apayao, Kankanai, and Ibaloi, along with the Aeta of Zambales, Sierra Madre, Negros, and Panay, were never conquered.
Muslim resistanceMuslims made their own weapons and fought Spanish expeditions sent in 1571. Six wars, called the Digmaang Moro (Moro Wars), broke out.
Attempt to conquer the IgorotLegazpi sent his grandson Juan de Salcedo to look into the gold the Igorot sold. The search for gold in the Cordillera was stopped in 1624.

Key terms

  • Comandancia: a military government set up by the colonial government to keep a territory peaceful and obedient to Spanish rules. It was set up in the Cordillera in the 19th century.
  • Digmaang Moro (Moro Wars): the six wars between Muslims and Spaniards.
  • Jihad: a holy war launched by Muslims to defend their religion and way of life. It was declared during the fourth Moro War.
  • Moro: a term taken from Moors, the North African ethnic group that conquered Spain in the eighth century.
  • Sultan Kudarat of Maguindanao: called the bravest warrior of Mindanao (1619 to 1671), who defended freedom and Islam.

Why the Spaniards failed to conquer some groups

The Pagyamanin activity sorts the reasons into two groups:

  • Native groups of the Cordillera: the area is mountainous; the Spaniards did not know the winding paths; and there were too few missionaries, who also found it hard to reach the mountains often.
  • Muslims of Mindanao: they already had three strong sultanates by the 16th century (Sulu, Maguindanao, and Buayan); they fought the Moro Wars; and they held strong views and beliefs about freedom.

The Isaisip part sums up the lesson: the defense of native communities awakened their nationalism and opened their minds to defending their freedom, and the foundation of their ancient culture continues today.

How to use this module

The module follows this order: Alamin (objectives), Subukin (a 10-item pretest marking statements true or false with a check or cross), Balikan (review of how ancestors reacted to Spanish rule), Tuklasin (identify terms from a word box), Suriin (the lesson discussion), Pagyamanin (sorting the reasons), Isaisip (key idea), Isagawa (true or false on why Spain failed), Tayahin (final assessment with identification and a semantic web), and Karagdagang Gawain (naming Filipino traits such as Katapangan, courage, and Pagkakaisa, unity, shown in situations).

  • Learners: Write all answers on a separate answer sheet and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Use the pretest to see whether your child needs extra help. The answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end is for checking work after answering, and the module asks everyone to use it honestly.
  • Teachers: The module’s teacher notes say it is meant for learners who need extra help with lessons they missed, and ask that learners work on the activities independently but with steady guidance.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 3, Module 2. It was prepared by DepEd Region VIII as a first-edition 2020 Alternative Delivery Mode module.

What revolts does the module discuss?

It covers the revolts of Lakan Dula and Sulayman, Magat Salamat, the Gaddang, Maniago, and Malong, plus the resistance of the Muslims of Mindanao, the mountain groups of Luzon, and the Igorot.

Why did the Spaniards fail to conquer the Cordillera and Mindanao?

The Cordillera was mountainous, the Spaniards did not know its paths, and there were too few missionaries. In Mindanao, the Muslims had three strong sultanates, fought the Moro Wars, and held strong beliefs about freedom.

What is a comandancia?

It is a military government set up by the Spanish colonial government to keep a territory peaceful and make its people follow Spanish rules. The Spaniards tried to set one up in the Cordillera in the 19th century.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the activities and assessments, and learners are asked to use it honestly.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

5

[illustration: students reading and studying outdoors under a tree, a teacher at a desk with a student, a boy with a lantern writing numbers, and two students with a globe]

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Nathaniel G. Teves Jr., Marlon D. Lopez, Loida L. Castaños
Ma. Rosa B. Balista, Florenda C. Humamoy
Editor:Hilda D. Olvina, Elizabeth M. Deligero, Ruth T. Poblete, Charity M. Nogra
Tagasuri:Emmanuel A. Gerardo, Evangeline A. Gorduiz, Ma. Michelle L. Perez
Tagaguhit:Carlito B. Buctot
Tagalapat:Nadir M. Beringuel, Paulina Crescini
Tagapamahala:Ma. Gemma M. Ledesma
Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino Joy
B. Bihag
Ryan R. Tiu
Nova P. Jorge
Pedro T. Escobarte Jr.
Joel A. Zartiga
Liza L. Demeterio
Eduardo E. Legantin

Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa modyul na ito tatalakayin natin ang mga dahilan ng paglunsad ng pakikipagdigma o pag-aalsa ng mga katutubong pangkat laban sa mga Espanyol. Susuriin din natin ang mga naging tugon ng mga katutubong pangkat sa armadong pakikikibakang inilunsad ng mga Espanyol laban sa kanila. Bakit kaya hindi napagtagumpayang sakupin ng mga Espanyol ang mga katutubong pangkat? Nais mo bang malaman ang mga dahilan? Kung gayon, basahin at unawain mo ang kabuuan ng modyul na ito.

Pagkaraang masunod ang lahat ng gawain ay inaasahang magagawa mo na ang sumusunod:

  • Napapahalagahan ang pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol, at
  • Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa pagtatanggol ng mga Katutubong Pilipino laban sa mga Espanyol.

Subukin

Panuto: Ilagay ang tsek (✓) sa patlang kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng tunay na nangyari at ekis (×) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______ 1.) Dalawang paraan ang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng dahas at pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

_______ 2.) Maraming matapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga Espanyol. Gumawa sila ng mga sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga dayuhan.

_______ 3.) Mayroong mga katutubong pamayanan na tumangging mapasailalim sa Kristiyanismo.

_______ 4.) Hindi lumaganap ang Kristiyanismo sa mga Muslim sa katimugan ng Pilipinas at sa mga katutubong pangkat ng Cordillera.

_______ 5.) Nagtagumpay ang pag-aalsa ni Magat Salamat laban sa mga Espanyol dahil higit na makabago ang kanilang sandata.

_______ 6.) Sa pang-apat na Digmaang Moro inilunsad ang kauna-unahang jihad, o banal na digmaan, laban sa mga Espanyol.

_______ 7.) Mayroon ng apat na matatag na sultanato sa Mindanao sa pagsapit ng ika-16 na siglo.

_______ 8.) Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsakop sa Pilipinas.

_______ 9.) Ninais ng mga Espanyol na mabura ang sinaunang paniniwala ng mga Igorot at baguhin ang kanilang pamumuhay ayon sa pamantayan ng mga Espanyol.

_______ 10.) Kahit payak lamang ang mga armas ng mga pangkat-etnikong naninirahan sa mga bulubunduking lalawigan ng Luzon, matagumpay nilang naitaboy ang mga mananakop.

Aralin 1 Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, sapilitang sinakop ng mga Espanyol ang ating mga ninuno sa pamamagitan ng paggamit ng dahas at armas upang makamkam nila ang teritoryo nito. Subalit, hindi lahat ay napagtagumpayan nilang sakupin. Dahil sa heyograpikal na katangian ng Pilipinas at katapangang ipinamalas ng ilang katutubong pangkat, hindi sila nasakop ng mga Espanyol, sa kabila ng maigting na pagtatangka ng mga ito na sakupin sila.

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay naging reaksiyon at ginawa ng ating mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Tinanggap nila ang mga Espanyol bilang kaibigan at kakampi.
  2. Nagustuhan nila ang epekto ng Reduccion.
  3. Nasiyahan sila sa patakarang ipinatupad ng mga Espanyol ang Sistemang Encomienda.
  4. Tumanggi silang makipagkasundo sa mga Espanyol.
  5. Naghandog sila ng mga regalo sa mga Espanyol.
  6. Nag-alsa sila laban sa mga mapang-abusong Espanyol.
  7. Inalok nila ang mga Espanyol na makipagkalakalan.
  8. Sumang-ayon sila sa pamamalakad sa sistemang sapilitang paggawa.
  9. Nakipag-usap sila sa hari ng Espanya.
  10. Labis nilang tinutulan ang Tributo.

_______ (blank line for item 7 continues on the previous page; see above)

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay para sa ating mga mag-aaral na higit na nangangailangan ng tulong upang mas lalong maintindihan ang mga aralin sa panahong hindi sila nakadalo sa talakayan. Patnubay ng guro ay lubos na kailangan upang maihatid ang dunong na kinakailangan ng bawat mag-aaral upang maitawid ang pansariling kaunlaran at maging kapaki-pakinabang sa pamayanan.

Ang susunod na gawain ay taglay ang iba’t ibang kasanayan at bagong kaalaman upang matulungan ang ating mga mag-aaral na mapaunlad ang sarili at maipamalas ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng ating bansa.

Hayaan ang mag-aaral na gawin ang iba’t ibang kasanayan na walang pagkaantala. Ipagawa ang mga gawain nang malaya, subalit ang mabisang pagdaloy ay kailangan.

Tuklasin

Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

anim | Digmaang Moro | Legazpi | walo Moors | comandancia | Jihad | 1964

1.) Ito ay pamahalaang militar na itinatag ng pamahalaang kolonyal upang masiguradong magiging mapayapa ang partikular na teritoryo at susunod sa mga patakarang Espanyol ang mga nakatira dito.

[transcriber’s note: item 1 is accompanied by a crossword-style answer grid of boxes; the empty grid boxes are not transcribed]

2.) Ang katawagang “Moro” ay buhat sa _____________, o ang pangkat-etnikong mula sa hilagang Aprika na sumakop sa Espanya noong ikawalong siglo.

3.) Banal na digmaang inilunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay.

4.) Ilang digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at mga Espanyol?

5.) Sino ang nagpadala ng misyon sa Ilocos na pinamunuan ng kaniyang apo na si Juan de Salcedo upang siyasatin ang mga gintong ibinebenta dito ng mga Igorot?

[transcriber’s note: items 2 to 5 are each accompanied by crossword-style answer grids of boxes; the empty grid boxes are not transcribed]

Suriin

Mga Pagtatanggol na Ginawa ng mga Pilipino Laban sa mga Espanyol

Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo at iba pang patakaran upang masakop ang Pilipinas. Napasunod nila ang ating mga ninuno sa mahigpit na mga batas, kautusan, o patakaran na ipinatupad ng mga Espanyol. Nakaranas sila ng matinding paghihirap, pagmamalupit, at pang-aabuso. Dahil dito, mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng mahigit 300 taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.

PangyayariPaliwanag
Pag-aalsang Lakan Dula at Sulayman➢ Nang mamatay si Legazpi, ang naging kapalit niyang Gobernador-Heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Naging matindi ang galit nina Lakadula at Sulayman kaya sila ay nag-alsa. Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik ang kanilang mga karapatan.
Pag-aalsa ni Magat Salamat➢ Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni Lakan Dula, kaysa sa naunang pag-aalsa ng kaniyang ama at tiyuhin. Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587. Nakipagsabwatan siya kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata subalit hindi nagtagumpay ang kanilang balak. Sila ay dinakip at binitay.
Rebelyon ng Gaddang➢ Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol, pinamunuan nina Felipe Catabay at Gabriel Tayag ang paghihimagsik ng mga Gaddang sa Cagayan Valley noong 1621. Pinakiusapan sila ng Dominikong Paring si Pedro de Santo Tomas na itigil na ang labanan. Dahil sa mahusay magsalita ang pari, nakinig sila at sumuko.
Rebelyon ni Maniago➢ Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga Kapampangan. Nagrebelde sila noong Oktubre 1660 sa nais nilang maging malaya. Tinutulan nila ang sapilitang pagpapatrabaho. Hinarangan nila ang mga ilog para mapigilan ang pagdadala ng mga pagkain patungong Maynila, upang magutom ang mga Espanyol. Nahikayat ni Maniago ang mga taga-Pangasinan at Ilocos na sumama sa kanya. Nagkaroon ng negosasyon ang gobernador-heneral at si Maniago. Sila ay pinangakuan ng malaking halaga at hinayaang gumawa ng kanilang gawain sa bukid kaya natigil ang pag-aalsa.
Rebelyong Malong➢ Si Andres Malong ang namuno sa pag-aalsa laban sa kalupitan ng mga Espanyol sa Lingayen, Pangasinan noong Disyembre 15, 1660. Lumaganap ang pag-aalsa at nakisama rin ang mga taga ibang bayan sa kilusan nila. Nagpadala si Malong ng mga mensahero sa iba’t-ibang lalawigan para hikayatin ang mga tao na makiisa sa kanila. Hindi nagtagal, nanghina ang kanilang hukbo at natalo sila ng mga Espanyol sa bayan ng Binatongan (Lungsod ng San Carlos).
Mga Pangkat sa mga Bulubunduking Lalawigan ng Luzon➢ Ang mga pangkat-etnikong naninirahan sa mga bulubunduking lalawigan ng Luzon ay hindi kailanman nasakop ng mga Espanyol dahil bulubundukin ang lugar at hindi nila kabisado ang mga pasikot-sikot na daan. Kabilang sa mga pangkat na ito ang mga Ifugao, Kalinga, Bontoc, Tinggian, Apayao, Kankanai, at Ibaloi. Naninirahan sila sa bulubunduking lalawigan ng Hilagang Luzon tulad ng Cagayan, Abra, at Nueva Ecija. Ang mga Aeta na nasa kabundukan ng Zambales, Sierra Madre, Negros, at Panay ay hindi rin nasakop ng mga Espanyol. Pagsapit ng ika-19 na siglo, muling nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa Cordillera upang magtatag dito ng Pamahalaang Militar o Comandancia. Hindi rin nagtagumpay ang mga Espanyol sa misyong binyagan sa Kristiyanismo ang mga katutubo, dahil naging mahirap sa mga misyonero na tunguhin nang madalas ang bulubundukin ng Cordillera at nagkaroon ng kakulangan sa mga misyonerong maaaring ipadala sa lalawigan.

[transcriber’s note: table continued from the previous page; the header row is empty as printed]

Pakikidigma ng mga Muslim➢ Maraming matapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga Espanyol. Gumawa sila ng mga sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga dayuhan. Mayroon ng tatlong matatag na sultanato sa Mindanao sa pagsapit ng ika-16 na siglo. Ito ay ang Sultanato ng Sulu, Sultanato sa Maguindanao, at Sultanato ng Buayan. May mga ipinadalang ekspedisyon ang pamahalaang kolonyal sa Mindanao noong 1571 upang sakupin ito ngunit buong tapang na nanlaban ang mga Muslim. Sa panahong ito, anim na digmaan ang sumiklab sa pagitan ng mga Muslim at mga Espanyol na tinawag na Digmaang Moro kung saan sa pangapat na digmaan inilunsad ang Jihad o banal na digmaan laban sa mga Espanyol. Ang katawagang “Moro” ay buhat sa salitang Moors o ang pangkat-etnikong mula sa hilagang Aprika na sumakop sa Espanya noong ikawalong siglo. Isa sa mga Muslim ng Mindanao na namuno sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan at relihiyong Islam laban sa mga mananakop na Espanyol ay si Sultan Kudarat ng Maguindanao, ang tinaguriang pinakamagiting na mandirigma ng Mindanao noong 1619 hanggang 1671.
Tangkang Pananakop sa mga Igorot➢ Pagsapit ng ika-16 na siglo, agad nagpadala ng misyon si Legazpi sa pamumuno ng kaniyang apo na si Juan de Salcedo upang siyasatin ang mga gintong ibinebenta dito ng mga Igorot. Lalong naging maigting ang paghahanap ng ginto sa pagsiklab ng mga labanan sa Europa dahil sa matinding pangangailangan ng Espanya ng pantustos sa digmaan. Naging mahirap para sa mga sundalong Espanyol na ipinadala sa Cordillera ang talunin ang mga mandirigmang Igorot sa bulubunduking kabisado nila ang pasikot-sikot. Noong 1624, tuluyang inihinto ang paghahanap ng minang ginto sa Cordillera.
Pagyamanin

Panuto: Itala ang mga dahilan ng hindi matagumpay na pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong pangkat sa Cordillera at mga Muslim sa Mindanao gamit ang diagram sa susunod na pahina. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipiliian sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  • Bulubundukin ang Cordillera
  • May tatlong Sultanato
  • Kakulangan sa mga Misyonero
  • Digmaang Moro
  • Hindi nila kabisado ang pasikot-sikot sa lugar
  • Mga pananaw at paniniwala tungkol sa kalayaan
Isaisip

Ang pagtatanggol ng mga katutubong pamayanan sa Pilipinas laban sa kolonyalismong Espanyol ay nagsilbing hamon sa paggising ng nasyonalismo ng mga katutubo. Nabuksan ang kaisipan ng mga ito na ipagtanggol ang kanilang kalayaan. Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang pundasyon ng kanilang sinaunang kalinangan.

[chart: graphic organizer; no number or title printed]

  • KATUTUBONG PANGKAT SA CORDILLERA
  • MUSLIM

[transcriber’s note: the two lower boxes under the labels are empty]

Isagawa

Panuto: Basahin ang bawat isang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa pananakop sa mga katutubong pamayanan ng Pilipinas, at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1.) Naging mahirap sa mga misyonerong Espanyol na tunguhin nang madalas ang bulubundukin ng Cordillera.

_____ 2.) Naging madali para sa mga sundalong Espanyol na talunin ang mga Muslim sa timog ng Pilipinas.

_____ 3.) Nagkaroon ng kakulangan sa mga misyonerong Espanyol na maaaring ipadala sa mga lalawigan.

_____ 4.) Mahalaga sa mga Muslim na mapanatili nila ang kanilang kalayaan.

_____ 5.) Naging mahirap din para sa mga sundalong Espanyol na ipinadala sa Cordillera na talunin ang mga mandirigmang Igorot sa bulubundukin sapagkat kabisado nila ang pasikot-sikot dito.

Tayahin

A. Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Muslim Igorot Digmaang Moro ginto Moors comandancia

  1. Ano ang tawag sa pamahalaang itinatag ng mga Espanyol sa Cordillera?
  2. Ano ang tunay na pakay ng mga Espanyol sa kanilang pagsalakay sa Cordillera?
  3. Ano ang tawag sa katutubong pamayanang naninirahan sa Mindanao na hindi nasakop ng mga Espanyol?
  4. Anong katutubong pangkat sa Cordillera ang hindi nasakop ng mga Espanyol?
  5. Ano ang tawag sa serye ng digmaan sa pagitan ng Espanyol at Muslim noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas?

B. Panuto: Bumuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng hindi matagumpay na pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong pangkat sa Pilipinas. Gamitin ang mga salita sa loob ng kahon sa pagkumpleto sa semantic web sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Matapang may pananaong sa kalayaan

Hmm

B. Panuto: Bumuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng hindi matagumpay na pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong pangkat sa Pilipinas. Gamitin ang mga salita sa loob ng kahon sa pagkumpleto sa semantic web sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Matapang may pananaw sa kalayaan walang pakialam Nagkakaisa may paniniwala sa kalayaan umiwas sa gulo watak-watak mahina ang loob

[chart: semantic web; no number or title printed]

[transcriber’s note: the center oval and the four surrounding ovals are empty]

Karagdagang Gawain

Panuto: Ano-anong katangian ng mga Pilipino ang kanilang ipinakita sa bawat sitwasyon? Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Katalinuhan Kasipagan Katapatan Katapangan Pagkakaisa Pagkamatiisin Pagmamahal sa Kalayaan Lakas ng Loob Tiwala sa Sarili Pagkamalikhain

  1. Lumalaban ang mga katutubo kahit mahina ang kanilang armas.


  2. Sumapi ang mga tao mula sa iba’t ibang lalawigan sa lihim na samahang itinayo ni Magat Salamat.


  3. Hinarang ng mga kasamahan ni Maniago ang daanan ng mga pagkain para sa mga Espanyol upang sila ay magutom at mapilitang ibigay ang kanilang mga hinihiling.


  4. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga Espanyol.


  5. Hindi iniwan ng mga katutubo ang ibang kasamahan sa pag-aalsa laban sa mapang-abusong Espanyol hanggang sa makamit ang kalayaang inaasam-asam.


Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down, except for the heading; the answers below are read from the rotated text]

Subukin

[transcriber’s note: the check and cross marks in the Subukin block could not be read reliably]

1.) [illegible] 6.) [illegible] 2.) [illegible] 7.) [illegible] 3.) [illegible] 8.) [illegible] 4.) [illegible] 9.) [illegible] 5.) [illegible] 10.) [illegible]

Balikan
  1. Tama 6. Mali
  2. Mali 7. Mali
  3. Mali 8. Mali
  4. Mali 9. Tama
  5. Tama 10. Mali
Tuklasin

1.) Comandancia 2.) Moors 3.) Jihad 4.) anim 5.) Legazpi

Pagyamanin

KATUTUBONG PANGKAT NG CORDILLERA:

  • Bulubundukin ang Cordillera.
  • Kakulangan sa mga Misyonero
  • Hindi kabisado nila ang pasikot-sikot sa lugar

MUSLIM:

  • May tatlong Sultanato
  • Digmaang Moro
  • Mga pananaw at paniniwala tungkol sa kalayaan
Isagawa

1.) Tama 2.) Mali 3.) Tama 4.) Tama 5.) Tama

Tayahin

A. 1.) Comandancia 2.) ginto 3.) Muslim 4.) Igorot 5.) Digmaang Moro

B. [transcriber’s note: the answer is written in the semantic web key as follows]

  • Center: Mga konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di matagumpay na pananakop
  • Top: nagkakaisa
  • Left: may pananaw sa kalayaan [?]
  • Right: may paniniwala sa kalayaan
  • Bottom: matapang
Karagdagang Gawain

1.) Katapangan 2.) Pagkakaisa 3.) Katalinuhan 4.) Pagkamalikhain 5.) Katapatan

Sanggunian

DepEd-RO8, TG Araling Panlipunan, 2016.

Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., and Jose, Mary Dorothy dL., Pilipinas Bilang Isang Bansa, Vibal Group, 2016.

Guerra, Restituta San Pedro, Ed.D., Ang Bayan Kong Mahal, Abiva Publishing House, Inc., 1999.

Palu-ay, Alvenia P., Makabayan Kasaysayang Pilipino, LG&M., 2006.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

2 responses to “Araling Panlipunan 5 Quarter 3 Module 2: Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *