This is the Grade 5 Araling Panlipunan self-learning module for Quarter 3, Module 1: “Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol” (ways Filipinos responded to Spanish colonialism). It is written in Filipino for learners studying at home, and it was prepared by DepEd Region VIII (First Edition, 2020). It explains how the Spaniards tried to conquer the Igorot of the Cordillera and the Muslims of Mindanao, and how these groups fought back to stay free.
In this article 7 sections
What learners will learn
After finishing all the activities, learners should be able to:
- Identify the ways the Spaniards conquered the native groups (Natutukoy ang mga paraan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong pangkat)
- Explain the ways Filipinos responded to Spanish colonialism (Naipapaliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol)
- Value the Filipinos’ response to Spanish colonialism (Napahahalagahan ang pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol)
Key ideas: how the Spaniards tried to conquer
The module starts from a simple picture. Before the Spaniards came, the native groups of the Cordillera and the Muslims of Mindanao lived freely and peacefully under their own laws and culture. Spanish rule took that freedom away, and the people resisted.
The Cordillera: Christianity and gold
- The Igorot are native ethnic groups living in the Cordillera mountains. They saw nature as the home of spirits.
- Under the reduccion policy, friars urged the Igorot to come down from the mountains and live in pueblos (towns) in the lowlands.
- The friars used the cross (krus) as a symbol of Christianity and the sword (espada) as a symbol of conquest. When the Igorot refused baptism, their houses were burned and they were put down by force.
- The Spaniards also found gold mines in the Cordillera. The module says the search for gold was the real reason for conquering the region.
The Cordillera: the tobacco monopoly
- The monopolyo sa tabako (tobacco monopoly) was a policy where tobacco was grown in chosen places and could be sold only to the Spanish government at a set price.
- The Igorot suffered abuse because government agents often cheated them.
- To watch over them, the Spaniards set up a military government called the comandancia.
- The plan failed because the Igorot disobeyed the rules, rebelled, and fought back through pangangayaw (headhunting of enemies).
Mindanao: the Moro Wars
- The Muslim sultanates had active ties with each other and with neighboring sultanates in Southeast Asia, so the Spaniards knew they would be hard to defeat.
- Spain began its attempt to conquer Mindanao in 1571. The Muslims fought back in what is called the Digmaang Moro (Moro Wars). There were six Moro Wars.
- The Spaniards sent repeated military expeditions to weaken the Muslims and spread Christianity.
- In the fourth Moro War, the first jihad was launched. A jihad is a holy war fought by Muslims to defend their religion and way of life. It was led by Sultan Kudarat.
- Because of their bravery, the Muslims were never conquered and stayed free.
Key ideas: how Filipinos responded
The module sums it up this way: the Spaniards used armed force, but it did not succeed because the natives fought back. The ways they responded include:
| Group | Response |
|---|---|
| Igorot of the Cordillera | Disobeyed Spanish rules, rebelled, and used pangangayaw |
| Muslims of Mindanao | Fought the Moro Wars and launched a jihad under Sultan Kudarat |
The main lesson is that the conquest failed because of the natives’ katapangan (bravery) and their high value for kalayaan (freedom).
Activities in the module
- Subukin (pretest): pick the words that describe Spanish conquest methods, then choose statements that show appreciation of the Filipino response.
- Balikan (review): sort the good and bad effects of the tobacco monopoly in a Venn diagram.
- Tuklasin: choose the sentences that describe how the Spaniards conquered.
- Suriin: the reading on the Cordillera and Mindanao.
- Pagyamanin: fill in the blanks in a paragraph about native bravery.
- Isaisip: a short summary of the lesson.
- Isagawa: Tama or Mali (true or false) on armed methods of conquest.
- Tayahin (final test): 10 items marked with a check or an X.
- Karagdagang Gawain: put together picture pieces of an object the Spaniards used in armed conquest and draw it.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then work through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The module comes with a guide for facilitators. Check answers with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after your child finishes, and encourage honest use of it.
- Teachers: Use the pretest to see who needs extra help, and the Tayahin results to measure what was learned. The answer key covers Subukin, Balikan, Tuklasin, Pagyamanin, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 3, Module 1.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the activities, and the final test.
Why did the Spaniards want to conquer the Cordillera?
They wanted to convert the Igorot to Christianity, but the module says the real reason was the gold mines they found there. They also wanted the Igorot to follow the tobacco monopoly.
What is a jihad in this lesson?
A jihad is a holy war launched by Muslims to defend their religion and way of life. The first jihad against the Spaniards was led by Sultan Kudarat during the fourth Moro War.
What is pangangayaw?
Pangangayaw is the headhunting of enemies. The module says the Igorot used it, along with rebellion and disobeying rules, to resist Spanish rule.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol
[illustration: students studying outdoors under a tree and indoors at a desk, with a globe and a lamp]
CO_Q3_AP5_Module1
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Regional No. VIII Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 323-3156 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Loida L. Castaňos, Jeraldhyn Rufin-Negrido, Elsa Maldo Maceda, Editor: Salvador A. Artigo Jr., Rony T. Gono, Jaime Leon T. Cardona Tagasuri: Emmanuel A. Gerardo, Evangeline A. Gorduiz Tagaguhit: Carlito B. Buctot Tagalapat: Nadir M. Beringuel, Katherine Obrero Cordora Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu, Nova P. Jorge, Pedro T. Escobarte Jr., Joel A. Zartiga, Liza L. Demeterio, Eduardo E. Legantin, Emmanuel A. Gerardo
5
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa sinaunang panahon, ang mga katutubong pangkat sa Cordillera at mga Muslim sa Mindanao ay namuhay nang malaya at payapa alinsunod sa kanilang mga batas at kulturang kinagisnan. Nang dumating ang mga Espanyol sa kanilang lugar, nagkaroon ng mga pagbabago sa kanilang kalagayan at pamumuhay.
Pagkaraang masunod ang lahat ng gawain ay inaasahang magagawa mo na ang sumusunod:
- Natutukoy ang mga paraan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong pangkat;
- Naipapaliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol; at
- Napahahalagahan ang pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol.
Subukin
A. Panuto: Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa paraan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong pangkat sa Cordillera at Mindanao. Isulat ang titik lamang sa sagutang papel.
A.) puwersang militar B.) paggamit ng dahas C.) ekspedisyong militar D.) espada E.) pakikipagkaibigan F.) paggamit ng lakas G.) pang-aabuso H.) pakikidigma I.) kabutihang-loob J.) pananakot K.) baril L.) pagtatag ng comandancia
B. Panuto: Basahin at piliin ang mga pangungusap na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagtugon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
A. Dahil sa katapangan ng mga Muslim sa pamumuno ni Sultan Kudarat, nanatili silang malaya mula sa pananakop ng mga dayuhang Espanyol.
B. Itinatag ng mga Espanyol ang pamahalaang militar o comandancia upang pigilin ang pagsuway ng mga Igorot.
C. Pinapahalagahan ng mga katutubong Pilipino ang kalayaan kaya sila ay nakikipaglaban sa mga Espanyol.
D. Namayani sa puso ng mga katutubong Pilipino ang pagmamahal sa kapwa at sa bayang sinilangan kaya sila ay nakikipaglaban.
E. Nahirapan ang mga Espanyol na maisakatuparan ang layunin na sakupin ang mga katutubong Igorot at mga Muslim dahil sa angking katapangan ng mga ito.
Aralin 1: Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol
Nang dumating ang mga Espanyol sa Cordillera at sa Mindanao, nagkaroon ng mga pagbabago sa kalagayan at pamumuhay ng mga Katutubong Pangkat sa Cordillera at Muslim na naninirahan rito.
Hindi nagustuhan ng mga katutubong pangkat ang biglaang pag-alis ng kanilang karapatang mamuhay ng malaya. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Ito ay nagbunga ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga nasabing pangkat.
Ano sa palagay mo ang ginawa ng mga katutubong pangkat sa mga pagbabagong naranasan?
Balikan
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, isa-isahin ang mga kabutihan at kasamaang naidulot ng monopolyo ng tabako sa ating bansa. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
[chart: Venn diagram; Balikan. Labels: Kabutihang dulot (left circle); Monopolyo ng Tabako (overlap); Kasamaang dulot (right circle)]
- Umabuso ang mga kolektor na Espanyol sa kanilang kapangyarihan.
- Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong Silangan.
- Binigyang-pagkakataon ang mga maliliit na mga magsasaka na siyang magtatanim ng tabako at ang maaani ay kokolektahin ng mga kolektor na nagsisilbing tagapamagitan sa mga transaksiyon sa pagitan ng mga Espanyol at Pilipino.
- Hindi na nababayaran nang tama ang mga magsasakang Pilipino.
- Umusbong ang rebelyon.
- Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salaping nakolekta sa buwis ng lupa, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal.
Tuklasin
Panuto: Basahin at piliin ang mga pangungusap na tumutukoy sa paraan ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Isulat ang bilang ng tamang sagot sa sagutang papel.
1.) Nakipagdigma ang mga Espanyol sa mga katutubong pangkat sa Mindanao, kaya, naglunsad ng unang jihad si Kudarat laban sa mga ito. 2.) Maigting ang pagpapadala ng mga Espanyol ng ekspedisyong militar sa Mindanao upang tuluyan itong mapasailalim sa kanila. 3.) Itinatag ang comandancia o pamahalaang militar sa Cordillera upang pasunurin ang mga Katutubong Pangkat sa Cordillera sa patakarang monopolyo sa tabako. 4.) Ginamit ng mga Espanyol ang kanilang puwersa at lakas sa pananalakay at nilabanan naman ito ng mga Muslim. Ang labanang ito ay tinawag na Digmaang Moro. 5.) Tinanggap ng mga Katutubong Pangkat sa Cordillera ang Kristiyanismo at sila ay nagpabinyag.
Suriin
“Pananakop sa mga Katutubo sa Cordillera”
Pananakop dahil sa Kristiyanismo at Ginto
Ang Igorot ay mga katutubong pangkat-etniko na naninirahan sa bulubundukin ng Cordillera. Mayroon silang paniniwalang panrelihiyon kung saan tinitingnan nila ang kalikasan bilang tahanan ng mga espiritu. Alinsunod sa panukalang reduccion, hinikayat ng mga Prayle ang mga Igorot na bumaba sa kabundukan at manirahan sa mga itinatag na pueblo sa kapatagan bilang mamamayang may sibilisasyon. Hinikayat rin sila na baguhin ang kanilang pamumuhay. Ninais ng mga Espanyol na mabura ang kanilang sinaunang relihiyon. Ginamit ng mga Prayle ang krus bilang simbolo ng Kristiyanismo upang baguhin ang kanilang paniniwala, at espada bilang simbolo ng Kolonyalismo o pananakop upang
sumunod ang mga katutubo sa kanilang pamahalaan. Tumutol ang mga Igorot sa pagpapabinyag bilang mga Kristiyano kaya ipinasunog ang mga bahay at puwersahang sinupil ang mga katutubo.
Natuklasan ng mga Espanyol ang mina ng ginto sa Cordillera. Kaya, ang layunin ng pagpapadala ng misyon sa Cordillera ay hindi lamang ang gawing Kristiyano ang mga Igorot kundi upang maghanap ng ginto. Ito ang tunay na dahilan ng pagsakop nila sa Cordillera.
Pananakop dahil sa Monopolyo sa Tabako
Ang pagtatanim ng tabako sa mga piling lugar na tanging sa pamahalaang Espanyol lamang maaring ipagbili ayon sa takda na halaga ay patakarang monopolyo sa tabako.
Maraming pang-aabuso ang naranasan ng mga katutubong Igorot sa ilalim ng monopolyo dahil kadalasang dinadaya lamang sila ng mga ahente ng pamahalaan. Upang mabantayan ang mga Igorot, itinatag ng mga Espanyol ang pamahalaang militar na tinatawag na comandancia. Ito ay upang mapayapa ang partikular na teritoryo at matiyak na susunod sa mga patakaran ang mga nakatira dito. Gayunpaman, hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa binabalak dahil sa pagsuway ng mga Igorot sa mga patakaran, pagsagawa ng rebelyon, at paglaban sa pamamagitan ng pangangayaw (pamumugot ng ulo sa mga kaaway).
Pananakop sa mga Muslim sa Mindanao
Sa Mindanao, batid ng mga Espanyol na hindi magiging madali na magapi ang mga Muslim. Ang mga Sultanato ay may aktibong ugnayan sa bawat isa at sa mga karatig-Sultanato sa Timog-Silangang Asya. Sinimulan ng mga Espanyol ang tangkang pagsakop sa Mindanao noong 1571. Subalit nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga Espanyol. Ang labanang ito ay tinatawag na Digmaang Moro.
Tulad ng ginawa ng mga Espanyol sa Cordillera, naging maigting din ang pagpapadala nila ng ekspedisyong militar (biyahe ng mandirigma) sa Mindanao upang tuluyan itong mapasailalim sa kanila. Maraming ginawang paraan ang mga Espanyol sa pagsakop ng mga Sultanato sa Mindanao. Nais nilang mapahina ang kapangyarihan ng mga Muslim at maipalaganap ang Kristiyanismo. Sa panahong ito, may anim na Digmaang Moro laban sa mga Espanyol ang naganap. Sa pangapat na Digmaang Moro, inilunsad ang kauna-unahang jihad laban sa mga Espanyol. Ang jihad ay isang banal na digmaan na inilunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay. Ito ay pinamunuan ni Sultan Kudarat. Dahil sa katapangan ng mga Muslim, hindi sila nasakop ng mga dayuhang Espanyol at sila ay nanatiling malaya.
Pagyamanin
Panuto: Paano naipamalas ng ating mga katutubong Pilipino ang kanilang katapangan? Punan ang patlang upang mabuo ang nais ipabatid ng talata. Gawin ito sa sagutang papel
Ang mga katutubong pangkat sa _____ at _____ sa Mindanao ay sumuway sa patakaran ng mga Espanyol. Umusbong ang rebelyon, ang mga katutubong pangkat ay nakikipaglaban sa pamamagitan ng _____ o pamumugot ng ulo sa mga kaaway. Naglunsad din ang mga Muslim ng _____ o banal na digmaan upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay na pinamunuan ni _____. Dahil sa angking _____ ng mga Katutubong Pangkat sa Cordillera at Muslim, hindi sila nasakop ng mga dayuhang Espanyol at sila ay nanatiling _____.
Isaisip
Ang mga katutubong Pilipino ay namuhay nang malaya ayon sa kanilang kinagisnang uri ng pamumuhay. Payapa at masaya sila sa kanilang panirahan. Nang dumating ang mga dayuhang Espanyol, nagbago ang kanilang kalagayan at naging magulo na ang kanilang pamumuhay. Ginamit ng mga Espanyol ang armadong paraan ng pananakop upang sila ay pilit na sakupin. Subalit hindi nagtagumpay ang paraang ito dahil lumaban ang mga katutubo. Sa gayon, hindi nagtagumpay ang pananakop dahil sa ipinamalas na katapangan at pagpapahalaga sa kalayaan ng mga katutubo.
Isagawa
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang Tama kung ang pangungusap ay tumutukoy sa armadong paraan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubo sa Cordillera at Mindanao, at Mali kung hindi.
_____ 1. Itinatag ang comandancia o pamahalaang militar sa Cordillera upang pasunurin ang mga Igorot sa patakarang monopolyo sa tabako.
_____ 2. Nakipagdigma ang mga Espanyol sa mga katutubong pangkat sa Mindanao, kaya naglunsad ng unang jihad si Kudarat laban sa mga ito.
_____ 3. Maigting ang pagpapadala ng mga Espanyol ng ekspedisyong militar sa Mindanao upang tuluyan itong mapasailalim sa kanila.
_____ 4. Tinanggap ng mga katutubo sa Cordillera ang Kristiyanismo at sila ay nagpabinyag.
_____ 5. Ginamit ng mga Espanyol ang kanilang puwersa at lakas sa pananalakay at nilalabanan naman ito ng mga Muslim. Ang labanang ito ay tinatawag na Digmaang Moro.
Tayahin
Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang tsek (✓) kung ang pangungusap ay nagpapaliwanag ng mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol at ekis (✗) kung hindi.
_____ 1. Ginamit ng mga katutubo ang pangangayaw upang labanan ang marahas na paraan ng pananakop ng mga Espanyol.
_____ 2. Ipinakita ng mga katutubo ang rebelyon laban sa maling pamamahala ng mga Espanyol.
_____ 3. Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol sa binabalak sakupin ang mga Katutubong Pangkat sa Cordillera dahil sa angking katapangan ng mga katutubo.
_____ 4. Namayani ang katapangan, pagmamahal sa kapwa at sa bayang sinilangan ng mga katutubo.
_____ 5. Inilunsad ng mga Muslim ang Digmaang Jihad laban sa mananakop na Espanyol upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at paraan ng pamumuhay.
_____ 6. Tinanggap ng mga Espanyol ang Pamahalaang Sultanato upang madaling sakupin ang mga Muslim.
_____ 7. Natutong lumaban ang mga katutubo upang ipagtanggol ang kanilang kinagisnang kalayaan sa pamumuhay.
__________ 8. Nagkaisa ang mga katutubo laban sa mga Espanyol.
_____ 9. Lumaban ang mga katutubo para sa sariling kapakanan.
_____ 10. Hindi napagtagumpayan ang tangkang pananakop ng mga Espanyol sa pangkat ng mga katutubo dahil sa ipinamalas nilang katapangan at pagpapahalaga sa kalayaan.
Karagdagang Gawain
Gamit ang mga pira-pirasong bahagi ng larawan, buuin ang isang bagay na ginamit ng mga Espanyol sa armadong paraan ng pananakop. Iguhit ito sa sagutang papel.
[illustration: scattered pieces of a sword (hilt, guard, blade fragments), to be assembled]
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the sections below are transcribed in reading order after turning the page upright]
Tuklasin
[illustration: four numbered pictures]
1 2 3 4
Balikan
- Kabutihang Dulot
- Binigyang pagkakataon ang mga maliliit na mga magsasaka na siyang magtatanim ng tabako at ang maaani kokolektahin ng mga kolektor na nagsisilbing tagapamagitan sa mga transaksiyon sa pagitan ng mga Espanyol at Pilipino
- Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong Silangan.
- Di-kabutihang Dulot
- Umabuso ang mga kolektor na mga Espanyol sa kanilang kapangyarihan.
- Hindi na nababayaran ng tama ang mga magsasakang Pilipino.
- Umusbong ang rebelyon.
- Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang salaping nakolekta sa buwis ng lupa, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal.
Subukin
A.
- A
- B
- C
- D
- F
- G
- H
- J
- K
- L
B. A C D E
Isagawa
1.) Tama 2.) Tama 3.) Tama 4.) Mali 5.) Tama
Tayahin
1.) ✓ 2.) ✓ 3.) ✓ 4.) ✓ 5.) ✓ 6.) ✗ 7.) ✓ 8.) ✓ 9.) ✗ 10.) ✓
Karagdagang Gawain
[illustration: a completed sword]
Pagyamanin
- Cordillera
- Muslim
- pangangayaw
- jihad
- Sultan Kudarat
- katapangan
- malaya
Sanggunian
DepEd-RO8, TG Araling Panlipunan, 2016
Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado, Michael M., and Jose, Mary Dorothy dL., Pilipinas Bilang Isang Bansa, Vibal Group, 2016
Guerra, Restituta San Pedro, Ed.D., Ang Bayan Kong Mahal. Abiva Publishing House, Inc., 1999
Palu-ay, Alvenia P., Makabayang Kasaysayang Pilipino, LG&M., 2006
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply