Araling Panlipunan 5 Quarter 1 Module 7: Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas

This is the Araling Panlipunan 5 self-learning module for the first quarter (Unang Markahan), Module 7: “Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas” (the spread of Islam in the Philippines). It is written in Filipino for Grade 5 learners studying at home, and it was prepared by DepEd Region VIII as part of its Alternative Delivery Mode materials (First Edition, 2020). After working through it, learners should be able to explain how Islam spread to different parts of the country.

What learners will learn

The module states one main learning goal. By the end, the learner is expected to:

  • Discuss how Islam spread to the different parts of the Philippines (“makapagtatalakay sa paglaganap ng Relihiyong Islam sa iba’t ibang bahagi ng bansa”).

The module has one lesson, Aralin 1: Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas.

Key terms about Islam

The pretest and activities use these basic terms, which learners should know before studying the timeline:

  • Islam: a religion that believes in one God, called Allah.
  • Allah: the one God that Muslims believe in.
  • Muslim: a person who believes in Allah.
  • Qur’an: the holy book of Muslims.
  • Muhammad: the founder of Islam, according to the module.
  • Imam: a leader in worship, listed in the answer key of the comparison activity.

The review part (Balikan) also recalls the sultanate (Sultanato), the government Muslims set up in Mindanao. The sultan was the highest person in it, the Ruma Bichara helped carry out Islamic law, and the laws used were the Adat, the Sharia, and the Qur’an.

How Islam spread in the Philippines

The heart of the lesson is a timeline in the Suriin section. Arab Muslims first came to the southern islands to trade, not to conquer, and Islam spread from there.

YearEvent
1210Arab traders arrive in the southern part of the islands.
1280Tuan Masha’ika arrives in Sulu. He is considered the first to introduce Islam in the Philippines.
1380Karim Ul-Makdum comes from Malacca and preaches Islam in Sulu.
1390Raja Baginda succeeds in persuading natives of Sulu to join Islam.
1450Abu Bakr, also called Sharif ul-Hashim, comes from Palembang, spreads Islam in Sulu, and becomes the first sultan of the Sultanate of Sulu.

The final test adds one more date: in 1478, Sharif Kabungsuan established the sultanate in Mindanao.

The module explains that Abu Bakr received the name Sharif ul-Hashim when he became the first sultan of a government based on the sultanate of Arabia. During his time, Islam spread quickly in Sulu. From Mindanao, it also spread quickly to Luzon and the Visayas.

This spread was cut short when the Spaniards arrived. Filipino Muslims moved to the southern part of the country to keep their independence. That is why Islam remains the main belief in the Mindanao region, and why most Muslims in the Philippines today live in Mindanao.

Parts of the module

  • Alamin: the goal of the module.
  • Subukin: a pretest with five multiple-choice items and five scrambled-word items (for example, NAQUR for Qur’an).
  • Balikan: a review of the sultanate from the previous lesson.
  • Tuklasin: questions about a picture of a boy and a girl in traditional clothing, asking what their religion might be and where most of them live.
  • Suriin: the timeline and explanation above.
  • Pagyamanin: “Tara na, Lakbay Tayo!” (let’s travel), map questions on the three main island groups where Islam spread and where it first spread.
  • Isaisip: fill-in-the-blank sentences using words from a box.
  • Isagawa: check-or-cross statements on the lesson.
  • Tayahin: the final test, with true-or-false items and a timeline chart to complete with names.
  • Karagdagang Gawain: a table comparing Islam with the learner’s own religion (name of God, holy book, worship leaders, beliefs).
  • Susi sa Pagwawasto: the answer key for all activities.

How to use this module

  • Learners: Start with the pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Do not write on the module; use a separate answer sheet or notebook, as the instructions say. Check your answers with the answer key honestly, and contact your teacher if a part is hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child read the timeline and remember the names and dates, since the final test asks for them. For the Tuklasin and comparison activities, answers may vary, so talk them through together.
  • Teachers: The pretest shows which learners need more help. The final test (Tayahin) and the timeline chart check whether learners can explain how and where Islam spread, and the comparison table can lead to a respectful discussion of different faiths.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 5 Araling Panlipunan, first quarter (Unang Markahan), Module 7.

Who is considered the first to introduce Islam in the Philippines?

The module names Tuan Masha’ika, who arrived in Sulu in 1280, as the first to introduce Islam in the country.

Where did Islam first spread in the Philippines?

It first spread in Sulu in Mindanao, brought by Arab Muslim traders, and from there it spread to Luzon and the Visayas.

Why do most Filipino Muslims live in Mindanao today?

When the Spaniards came, Filipino Muslims moved to the south to keep their independence, so Islam stayed the main belief in Mindanao.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto section at the end gives the answers for the pretest, the activities, and the final test.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas

[illustration: students and a teacher at a table, a student reading outdoors, a student holding a globe, and a child studying by lamplight]

CO_Q1_AP5_Modyul7

Diagonal printed text: PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Grace Orit at Ramil P. Bingco Editor: Myrna D. Gerardo, Aiene M. Molina, at Rosemarie M. Guino Tagasuri: Engelyn P. Achacoso, Eva D. Divino, Donnalyn Matillano, Alex S. Didal, Rosemarie M. Guino Tagaguhit: Leonila Rhea R. Tolibas Tagalapat: Richie C. Blasabas Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Arnulfo M. Balane, Rosemarie M. Guino, Joy B. Bihag, Ryan R. Tiu, Nova P. Jorge, Genis S. Murallos, Francis Angelo S. Gelera, Rosemary S. Achacoso, Mario R. Orais, Roel C. Tugas, Regel C. Mullet, Wilberto M. Peligro

Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________ Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph

5

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow, icon beside the heading]

Ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling sistema ng paniniwala bago pa man sila masakop ng mga dayuhan. Isa na rito ang Relihiyong Islam. Ang modyul na ito ay mahalagang mapag-aralan mo upang malaman at maiintindihan mo kung paano lumaganap ang Relihiyong Islam sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagtatalakay sa paglaganap ng Relihiyong Islam sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Subukin

[illustration: pencil icon beside the heading]

Gawain A.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

  1. Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
    a. Islam
    b. Animismo
    c. Hudaismo
    d. Kristiyanismo


  2. Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
    a. Luzon
    b. Mindanao
    c. Samar
    d. Visayas


  3. Dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang _______.
    a. bumisita
    b. makipaglaban
    c. makipagkalakalan
    d. manakop


  4. Sino ang sinasamba o Diyos ng mga Muslim?
    a. Allah
    b. Hesus
    c. Maria
    d. Mohammad


  5. Siya ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas
    a. Janjalani Abdulah
    b. Rajah Baginda
    c. Sharif Kabungsuan
    d. Tuan Masha’ika


Gawain B.

Panuto: Gamit ang ibinigay na kahulugan, ayusin ang mga titik upang makabuo ng bagong salita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Ito ay tawag sa mga taong naniniwala kay Allah.
    SMULIM


  2. Ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim.
    NAQUR


  3. Ito ang relihiyon ng mga Muslim.
    SIMAL


  4. Siya ang nagtatag ng Relihiyong Islam.
    HAMMUMAD


  5. Ang nag-iisang Diyos na pinaniniwalaan ng mga Muslim.
    HALLA


Aralin 1: Ang Paglaganap ng Relihiyong Islam sa Pilipinas

Balikan

[illustration: jigsaw puzzle icon beside the heading]

Panuto: Basahin ang pangungusap at piliin ang tamang sagot.

  1. Isang uri ng pamahalaang naitatag sa Mindanao ng mga Muslim.
    a. Barangay
    b. Sultanato
    c. Panlalawigan
    d. Panrehiyon


  2. Pinakamataas na uri ng tao sa Pamahalaang Sultanato.
    a. Imam
    b. Pare
    c. Sultan
    d. Alkalde


  3. Taglay ng sultan ang mga sumusunod maliban sa isa.
    a. may kayamanan
    b. ataas ang pinag-aralan
    c. mataas ang bilang ng mga taga sunod
    d. may mahalagang ambag sa lipunang Muslim


  4. Sila ang katulong sa pagpapatupad ng batas ng Islam.
    a. Abogado
    b. Pulisya
    c. Ruma Bichara
    d. Sundalo


  5. Ang Adat, Sharia, at ___________ mga batas ng Islam sa ilalim ng Pamahalaang Sultanato.
    a. Bibliya
    b. Qur’an
    c. Vedas
    d. Torah


Tuklasin

[illustration: sprouting seedling icon beside the heading]

Panuto: Tingnan ang larawan. Sagutin ang mga katanungan sa gilid. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

[illustration: a boy in a cap and a girl wearing a white head covering, standing side by side in traditional clothing]

  1. Sino-sino ang nakikita mo sa larawan?
  2. Ano kaya ang kanilang relihiyon?
  3. Bakit mo nasabing Islam ang relihiyon nila?
  4. Saang bahagi ng Pilipinas nakatira ang karamihan sa kanila?
  5. Sila ba ay mga mamamayang Pilipino tulad mo?
Suriin

Suriin ang timeline sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa paglaganap ng Relihiyong Islam sa bansa.

1210Pagdating ng mga Arabong mangangalakal sa katimugang bahagi ng kapuluan
1280Ang pagdating sa Sulu ni Tuan Masha’ika, itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas
1380Ang pagdating ni Karim Ul-Makdum mula sa Malacca at nangaral ng Islam sa Sulu.
1390Matagumpay na nahikayat ni Raja Baginda ang mga katutubo sa Sulu na sumapi sa Relihiyong Islam.
1450Dumating mula sa Palembang si Abu Bakr o Sharif ul-Hashim at nagpalaganap ng Islam sa Sulu. Siya ang kauna-unahang sultan ng itatag ang Sultanato sa Sulu.

[transcriber’s note: the timeline table has no printed header row; the header above is left blank]

Si Abu Bakr ang nagpalaganap ng Islam sa Sulu. Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif ul- Hashim nang maging kauna-unahang sultan ng itinatag niyang pamahalaang batay sa Sultanato ng Arabia. Sa panahon niya ay mabilis na lumaganap ang Islam sa Sulu. Mula sa Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Islam sa Luzon at Visayas.

Gayunpaman, mabilis ding natuldukan ang paglaganap na ito pagdating ng mga Espanyol. Nagtungo ang mga Pilipinong Muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas upang mapanatili ang kanilang pagsasarili kaya patuloy pa ring pangunahing paniniwala ang Relihiyong Islam sa rehiyon ng Mindanao. Sa ngayon, karamihan sa mga naniniwala ng Relihiyong Islam ay matatagpuan sa Mindanao.

Pagyamanin
Tara na, Lakbay Tayo!

Panuto: Tingnan ang mapa ng Pilipinas. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

[chart: map of the Philippines, with islands shaded in green, red and blue; no number or title printed]

  1. Ano-ano ang tatlong malalaking pulo kung saan lumaganap ang
  2. Relihiyong Islam?

  3. Saang pulo ng Pilipinas unang lumaganap ang Relihiyong Islam?
  4. Paano lumaganap ang Relihiyong Islam sa ating bansa?
Isaisip

Panuto: Pumili ng salita sa loob ng kahon para mabuo ang bawat pahayag.

Mindanao, mangangalakal, Sulu, Tuan Masha’ika, Paramisuli, Pilipino

  1. Ang mga _____________ ay mayroon ng sistema ng pananampalataya noon bago paman dumating ang mga Muslim.
  2. Ang Relihiyong Islam ay dala ng mga _____________ na Arabong Muslim.
  3. Mula sa _____ sa Mindanao, ang Relihiyong Islam ay mabilis na lumaganap sa Visayas at Luzon.
  4. Ang Islam ay paniniwalaan ng karamihan sa lugar ng _____________.
  5. Itinuturing si _____________ ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.
Isagawa

Panuto: Lagyan ng tsek (✔) kung ang ipinapahayag ng pangungusap ay tama at ekis (✖) kung mali. Isulat ang iyong sagot sa isang sagutang papel.

_______1. Ang Relihiyong Islam ay dala ng mga mangangalakal na Arabong Muslim.

_______2. Si Tuan Masha’ika ang itinuturing na kauna-unahang nagpakilala ng Relihiyong Islam sa Pilipinas.

_______3. Unang lumaganap ang Relihiyong Islam sa Mindanao.

_______4. Si Rajah Baginda ay hindi nagtagumpay sa paghikayat ng ilang katutubo sa Sulu na lumipat sa Relihiyong Islam.

_______5. Mula sa Mindanao ay mabilis na lumaganap ang Relihiyong Islam sa Luzon at Visayas.

Tayahin
Gawain A.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TAMA kung wasto ang pangungusap at MALI kung hindi.

_____ 1. Dala ng mga mangangalakal na Espanyol ang Relihiyong Islam kaya ito nakarating sa Pilipinas.

_____ 2. Si Abu Bakr ay tinatawag ding Sharif ul-Hashim nang maging kauna-unahang sultan sa Sulu.

_____ 3. Ang Rehiliyong Islam ay isang mahalagang impluwensiyang umambag sa kultura ng mga Pilipino.

_____ 4. Nang dumating ang mga Espanyol, nagtungo ang mga katutubong Muslim sa katimugang bahagi ng Pilipinas upang mapanatili ang kanilang pagsasarili.

_____ 5. Unang lumaganap ang Relihiyong Islam sa Luzon.

Gawain B.

Panuto: Punan ng tamang pangalan ang tsart para mabuo ang timeline ng pagdating ng Islam sa bansa. Piliin ang sagot sa kahon.

Tuan Masha’ika, Sharif Ul-Hashim o Abu Bakr, Raja Baginda, Sharif Kabungsuan, Sharif Karim Ul- Makdum

TAONPANGALANPANGYAYARI
1280Dumating sa Sulu at itinuturing na unang nagpakilala ng Relihiyong Islam sa Pilipinas
1380Dumating sa Sulu at nangaral ng Islam.
1390Dumating sa Sulu at matagumpay niyang nahikayat ang ilang katutubo na lumipat sa Relihiyong Islam.
1450Siya ang kinikilalang nagpalaganap ng Islam sa Sulu dahil sa panahon niya ay mabilis itong lumaganap.
1478Itinatag ang sultanato sa Mindanao
Karagdagang Gawain

Panuto: Punan ng tamang datos ang talahanayan ng paghahambing sa Islam, sa sinaunang relihiyon at ang relihiyong iyong kinabibilangan.

Batayan ng PaghahambingIslamRelihiyong Kinabibilangan
Pangalan ng Diyos
Banal na Aklat
Mga Pinuno sa pagsamba
Paniniwala sa kanilang Diyos

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down and its answer boxes are laid out in several blocks; the blocks are transcribed below in the module’s section order]

Tuklasin

Mga Posibleng Sagot

  1. Ang nasa larawan ay mag-asawa/lalaki at babae.
  2. Ang kanilang relihiyon ay Islam.
  3. Dahil sa kanilang kasuotan
  4. Ang karamihan sa mga Muslim ay naninirahan sa Mindanao.
  5. Oo
Balikan
  1. B
  2. C
  3. B
  4. C
  5. B
Subukin

Gawain A

  1. A
  2. B
  3. C
  4. A
  5. D

Gawain B

  1. Muslim
  2. Qur’an
  3. Islam
  4. Muhammad
  5. Allah
Pagyamanin

(Maaring hindi magkasunod ang sagot sa bilang 1 hanggang 3)

  1. Mindanao
  2. Luzon
  3. Visayas
  4. Mindanao/Sulu
  5. Ito ay lumaganap dahil sa mga Arabong Muslim na nakipagkalakalan sa mga sinaunang Pilipino.
Isaisip
  1. Pilipino
  2. Mangangalakal
  3. Sulu
  4. Mindanao
  5. Tuan Masha’ika
Isagawa
  1. ✔
  2. ✔
  3. ✔
  4. ✖
  5. ✔
Tayahin

Gawain A

  1. Mali
  2. Tama
  3. Tama
  4. Tama
  5. Mali

Gawain B

  1. Tuan Masha’ika
  2. Sharif Karim Ul-Makdum
  3. Raja Baginda
  4. Sharif Ul-Hashim o Abu Bakr
  5. Sharif Kabungsuan
Karagdagang Gawain

Islam: Alla; Koran; Imam; Iisang diyos

Relihiyon ngayon: (depende sa relihiyon ng batang kinaaniban)

[transcriber’s note: the column placement of the Karagdagang Gawain answers is not certain in the rotated print; the lines above list the printed words in the order they appear]

Sanggunian

Denofra, R., Mercado M. (2016). Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa Gabay ng Guro Batayang Aklat 5. Vibal Group Inc.

Gabuat, M., Mercado, M., dL San Jose, Mary Dorothy. Araling Panlipunan Pilipinas Bilang Isang Bansa Batayang Aklat Baitang 5. Vibal group Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *