This is the Araling Panlipunan 5 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6: “Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino” (the social, cultural, and political life of early Filipinos). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. Learners explore the beliefs, rituals, burial customs, clothing, ornaments, and boats of their ancestors, and the two kinds of government, barangay and sultanate, that existed before the Spaniards came.
What learners will learn
After the module, learners are expected to:
- Analyze the social, cultural, and political life of early Filipinos, including:
- worship (animism and other rituals)
- pagbabatok/pagbabatik (tattooing)
- burial practices (mummification, primary and secondary burial)
- boat making
- adornment (clothing, jewelry, tattoos, pusad/halop)
- holding celebrations
- political life (leaders, lawmaking, and trials)
- Write an essay showing the social and cultural life of Filipinos
- Value the social, cultural, and political life of Filipinos
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module.
Social and cultural life of early Filipinos
The module defines kalinangang sosyo-kultural (socio-cultural heritage) as a people’s skill in art, beliefs, relationships with others, and ways of behaving.
Beliefs, rituals, and burial
- Animismo (animism): early Filipinos worshipped nature, such as trees, rivers, the sun, and stones, because they believed these had souls.
- Rituals: Pag-anito was an offering to the anito (spirits), and Pandot was a community offering held at a balete tree. Rituals were led by the Katalonan among the Tagalogs and the Babaylan among the Visayans, who were like the priests of today.
- Burial: the body was cleaned, rubbed with oil, and dressed in fine clothes. It was buried with items such as ceramics and ornaments for use in the afterlife. Once the bones had dried, they were dug up and placed in a banga (jar).
Clothing, ornaments, and tattoos
- In the Visayas, people wore gold ornaments such as the pomares, a rose-shaped piece of jewelry, and the gambanes, a gold bracelet worn on the arms and legs. Gold was also used to decorate teeth.
- Tattoos were a symbol of bravery and beauty.
- Clothing showed a person’s rank. The datu wore a red kangan (upper garment), while those of lower rank wore blue or black.
- A warrior wearing a red putong (headcloth) had killed one person; an embroidered putong meant seven or more.
- Tagalog women wore the baro (blouse) and saya (skirt); Visayan women wore the patadyong, a loose skirt.
- The B’laan of Mindanao: men wore the Saul Laki (top) and Salwal B’laan (bottom); women wore the Saul S’lah (top) and Dafeng (bottom).
- The Maranao are known for the malong, a large, colorful cloth wrapped around the body.
Boats
Early Filipinos built strong, fast boats, like those found in Butuan, held together with wooden pegs instead of nails. The historian Antonio Pigafetta called these boats “balangay.”
Political life: barangay and sultanate
| Barangay | Sultanate (sultanato) | |
|---|---|---|
| Leader | Datu | Sultan |
| Helpers | Lupon ng Matatanda (council of elders), who helped make and carry out laws | Ruma Bichara, the sultan’s advisers |
| Who can lead | A member of the highest social class | A descendant of the Prophet Muhammad |
| Size | Smaller | Larger territory |
- Barangay laws were written (on divorce, crime, property, and more) or unwritten (traditions, beliefs, and customs).
- Sanduguan (blood compact): barangays made peace and trade agreements by cutting the arm with a dagger, letting the blood drip into a cup of wine, and having both sides drink it as a sign of friendship.
- Sultanate laws rested on three systems: the Adat (laws on tradition), the Sharia (laws based on Islam), and the Qur’an (the holy book of Islam).
- Sharif ul-Hashim, also called Sayyid Abu Bakr, an Arab, founded the first sultanate in Sulu in 1450.
How to use this module
The module asks learners to answer on separate paper and not to write on the module. Work through the parts in order:
- Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
- Balikan: a 5-item true-or-false review of the previous lesson on early trade and metalwork.
- Tuklasin: Activity A, five multiple-choice questions, and Activity B, a table on changes in daily life and laws during the COVID-19 community quarantine.
- Suriin: the reading on the lesson’s key ideas.
- Pagyamanin: an essay on your community quarantine experience, and a check-or-cross activity on following laws.
- Isaisip: fill in a paragraph using a word box.
- Isagawa: explain two questions (how we honor the dead then and now, and why laws matter), scored with a rubric on content, presentation, and organization.
- Tayahin: label ten statements SK (socio-cultural) or PM (political).
- Karagdagang Gawain: imagine you are a datu and write five laws for your barangay.
For learners: take the pretest honestly and check your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) only after finishing each part.
For parents: the open-ended tasks, such as the essays and the five laws, have no single right answer, so help your child explain ideas in complete sentences.
For teachers: the module comes with a teacher’s or facilitator’s guide, and the Isagawa rubric can be used to grade the written answers. Learners should contact you if they have trouble understanding the lesson.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is Araling Panlipunan 5 (Grade 5), Quarter 1 (Unang Markahan), Module 6.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, and final assessment; open-ended tasks like the essays have varied answers.
What is animismo?
Animismo (animism) is the belief of early Filipinos that nature, such as trees, rivers, the sun, and stones, has a soul, which is why they worshipped it.
What were the two kinds of government of early Filipinos?
The barangay, led by a datu with a council of elders, and the sultanate, led by a sultan with the Ruma Bichara as advisers. The sultanate covered a larger area.
What is the sanduguan?
It is the blood compact barangays used to seal peace and trade agreements. Both sides drank wine mixed with blood from cuts on their arms as a sign of friendship.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
5 CO_Q1_AP5_Modyul6
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6: Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
[illustration: learners reading and studying under a tree, at a table, and with a globe, with a lantern and a child writing]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VIII Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte Telefax: 053 – 832-2997 E-mail Address: region8@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Rosalio Garcia at Ramil P. Bingco Editor: Jessica V. Tan, Ronald Llaneta, at Rosemarie M. Guino Tagasuri: Loreta R. Pimentel, Eva D. Divino, Donnalyn B. Matillano, Alex S. Didal, at Rosemarie M. Guino Tagaguhit: Rosalio R. Garcia Tagalapat: Richie C. Blasabas Tagapamahala: Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Nova P. Jorge Genis S. Murallos Francis Angelo S. Gelera Rosemary S. Achacoso Mario R. Orais Roel C. Tugas Regel C. Mullet Wilberto M. Peligro
5 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ii
1 CO_Q1_AP5_Modyul6
Alamin
[illustration: target with arrow]
Ang modyul na ito ay tumatalakay tungkol sa sosyo-kultural at pampolitikang pamumuhay ng ating mga ninuno na dapat mong pag-aaralan dahil sila ay mga pamana ng ating lahi at kontribusyon ng lumang kabihasnan sa pagbuo ng ating lipunan at pagkakakilanlan sa ating pagka Pilipino. Ang ating mga ninuno ay sagana sa paniniwala at mga ritwal,mga palamuti sa damit at katawan. Pinahalagahan din ng ating mga ninuno ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakasundo sa taga ibang barangay.
Ang mga sinaunang Pilipino ay may sarili ng paraan ng pamumuno sa kanilang pamayanan. Katulad ngayon, tayo ay may kinkilalang lider sa ating bansa at kahit pa sa ating barangay ngayon ay may kinikilala tayong tagapanguna. Malalaman mo sa modyul na ito ang dalawang uri ng pamamahala at ang kanilang mga patakarang sinunod ng mga sinaunang Pilipino.
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
A. Makasusuri sa sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino
- sosyo-kultural (pagsamba (animismo at iba pang ritwal),
- pagbabatok/pagbabatik,
- paglibing (mummification primary/secondary burial practices),
- paggawa ng bangka,
- pagpapalamuti (kasuotan, alahas, tatoo, pusad/halop),
- pagdaraos ng pagdiriwang,
- politikal (hal. namumuno, pagbabatas at paglilitis);
B. Makasusulat ng isang sanaysay na nagpapakita ng sosyo-kultural na pamumuhay ng mga Pilipino; at
C. Makapagpapahalaga sa sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino.
2 CO_Q1_AP5_Modyul6
Subukin
[illustration: pencil]
Panuto: Kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong pre-kolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
a. may sariling teritoryo
b. may sariling pamahalaan
c. may pananampalatayang Kristiyano
d. may sistema ng pagbasa at pagsulatAno ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa?
a. Animismo
b. Islam
c. Judismo
d. KristyanismoAlin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?
a. Kaayusan
b. Kabaitan
c. Katalinuhan
d. Kagitingan at kagandahanAno ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?
a. Adat
b. Hariraya
c. Ruma Bichara
d. ZakatAno ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan?
a. nagkaroon sila ng isang paligsahan
b. kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
c. sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
d. nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugoAnong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
a. asul
b. berde
c. itim
d. pula
3 CO_Q1_AP5_Modyul6
Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao?
a. pamahalaang lokal
b. pamahalaang lalawigan
c. pamahalaang sultanato
d. pamahalaang pambarangayAlin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang miyembro na yumao at ililibing?
a. paglilinis sa katawan
b. pagpapadala ng pera at pagkain
c. pagbibihis ng magarang kasuotan
d. paglalagay ng langis sa katawanSino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos at yumao?
a. babaylan
b. ganbanes
c. pari
d. pomaresAng mga sumusunod ay batas ng Pamahalaang Sultanato MALIBAN sa isa. Alin dito?
a. Adat
b. Sharia
c. Qur’an
d. Ulama
4 CO_Q1_AP5_Modyul6
Aralin 1
Sosyo-Kultural at Pampolitikang Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
Sa araling ito ay malalaman mo ang kalagayang sosyo-kultural at pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Masusuri at mapapahalagahan mo ang mga kaugaliang ito na sumasalamin sa mayamang kasaysayan ng ating bansa.
Balikan
[illustration: puzzle pieces]
Panuto: Sagutin ng TAMA kung ang pangungusap sa ibaba ay tama, at MALI naman kung ang mga ito ay hindi wasto.
______ 1. Naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa ang Maynila.
______ 2. Metalurhiya ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto.
______ 3. Ang plastik ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at hikaw noong pre-kolonyal.
______ 4. Ang kristal ay dalang produkto ng mga Tsino sa bansa.
______ 5. Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa bakal, karpentero ang tawag sa iyo.
Tuklasin
[illustration: sprouting plant]
Gawain A.
Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Titik lamang ang isulat.
- Ito ay isang yunit na pampolitika, panlipunan, at pangkabuhayan noong sinaunang panahon sa Pilipinas.
a. bansa
b. barangay
c. lungsod
- D. sultanato
- Nagbubuklod-buklod ang mga barangay at bumuo ng alyansa sa pamamagitan ng_____________.
- A. pagdiriwang
- B. pag-iinuman
- C. paligsahan
- D. sanduguan
- Ang kaunaunahang Arabeng Muslim na nagtatag ng pamahalaang Sultanato sa Sulu noong 1450.
- A. Sharif ul-Hashim o Sayyid Abu Bakr
- B. Karim Ul-Makdum
- C. Tuan Masha‘ika
- D. Raja Baginda
- Ang Sultanato ay isang sistema ng pamahalaan na batay sa katuruan ng ________.
- A. Animismo
- B. Islam
- C. Judismo
- D. Katoliko
- Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung sultan naman, kailangang ikaw ay____________.
- A. matapang at mayaman
- B. magaling gumawa ng batas
- C. galing sa angkan ni Muhammad
- D. galing sa pinakamataas na antas ng lipunan
Gawain B.
Naranas ng mga mamamayang Pilipino ang “Community Quarantine“ dahil sa pandemya ng COVID- 19. Dahil dito maraming mga pagbabago sa pamumuhay ang naranasan ng mga Pilipino. Anong pagbabago sa pamamaraan ng buhay at sistema ng mga batas ang inyong nararanasan?
Isulat sa tamang hanay ang inyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.
| Pagbabago sa Pamamaraan ng Buhay | Pagbabago sa Politikal na Pamumuhay |
|---|---|
Suriin
Ang kagalingan sa larangan ng sining, paniniwala, pakikipagkapwa-tao at pag-aaral ng pag-uugali ng tao ay tinatawag na kalinangang sosyo-kultural. Makikita ang pamamaraan ng pamumuhay sa kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya ng isang bansa. Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba pa dahil naniniwala sila na ang mga ito ay may kaluluwa. Tinatawag na animismo ang paniniwalang. Pinapahalagahan ng ating mga ninuno ang kanilang mga patay. Bago pa ilibing ang bangkay, ito ay nililinis muna, lalagyan ng langis, at bihisan ng magarang kasuotan.Pinapabaunan din ang bangkay ng mga kasangkapan katulad ng seramika at mga palamuti upang may magamit siya sa kabilang buhay.Matapos malibing at matuyo na ang mga buto ng bangkay, ito ay huhukayin at isisilid sa banga.
Sa Bisayas, ang mga ninuno natin ay nagsusuot ng mga palamuti katulad ng ginto katulad ng pomares na isang alahas na hugis rosas, at gambanes na isang gintong pulseras na isinusuot sa braso at binti. Ginagamit din ang ginto bilang palamuti sa ngipin. Naglagay din sila ng mga tattoo sa katawan bilang simbolo ng kagitingan at kagandahan.
Ang mga ninuno natin ay nagsagawa ng ibat-ibang ritwal at pagdiriwang katulad ng Pag-anito at Pandot. Ang pag-anito ay pagbibigay alay sa mga anito, at ang pandot naman ay isang pampamayanang alay na isinagawa sa puno ng balete. Ang mga ritwal ay pinangunahan ng mga Katalonan (sa mga Tagalog) at Babaylan (sa mga Bisaya). Sila ang katumbas ng mga pari sa ngayon.
Ang kasuotan ng ating mga ninuno ay batay sa kanilang katayuan sa buhay. Ang Datu ay nagsusuot ng pulang kangan, habang asul o itim naman ang mga mas mababa pa kay sa Datu. Upang maging isang datu, kailangang ikaw ay kabilang sa pinakamataas na antas ng lipunan, at kung sultan naman, kailangang ikaw ay galing sa angkan ni Muhammad. Ang mandirigmang nagsusuot ng pulang putong ay nagpapahiwatig na nakapatay na siya ng isang tao, at Burdadong Putong naman para sa mga nakapatay na ng pito o mahigit pa. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng baro, kasuotang pang-itaas at saya ng mga Tagalog at patadyong ng mga Bisaya na isang maluwag na palda na isinusuot pang –ibaba. Kilala sa Mindanao ang Tribong B’laan sa pagsusuot ng pang-itaas na damit na tinatawag na Saul Laki at ang kanilang pang-ibabang kasuotan ay tinatawag na Salwal B’laan. Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng pang-itaas na damit na kung tawagin ay Saul S’lah at ang kanilang pang-ibabang kasuotan ay tinatawag na Dafeng. Ang mga Maranao ay kilala sa kanilang tradisyunal na kasuotan na tinatawag na Malong. Ito ay malaki at makulay na tela na isinusuot sa pamamagitan ng pagtapis sa katawan.
Ang mga ninuno natin ay kilala sa paggawa ng mga sopistikadong mga bangka. Matitibay, matutulin, at hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas, katulad ng natagpuan sa Butuan. Ito ay pinagbuklod lang ng tinatawag na “wooden peg” hindi ng pako. Maraming mga lumang bangka ang nahukay ng mga eksperto sa Pilipinas. Ang mga bangkang ito ay tinawag ni Antonio Pigafetta, isang historyador na “Balangay”.
Ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling paraan ng pamumuno at mga batas bago pa man dumating ang mga Espanyol. May dalawang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas-ang barangay at sultanato. Datu ang tawag sa namumuno sa isang barangay at sultan naman ang tawag sa namuno sa isang sultanato. Higit na mas malaki ang sakop ng sultanato kaysa baranggay. Katulong ng datu ang Lupon ng Matatanda sa paggawa at pagpatupad ng batas, habang katulong naman ng sultan ang Ruma Bichara na kanyang tagapayo.
May dalawang uri ng batas ang umiiral sa isang barangay-ang Batas na Nakasulat at Batas na Hindi Nakasulat. Napaloob sa batas na nakasulat ang mga usapin tungkol sa deborsiyo, krimen, pagmamay-ari ng ari-arian, at iba pa. Sa hindi nakasulat na batas, nakasulat ang tungkol sa mga tradisyon, paniniwala, at kaugalian. Nakipagkasundo ang mga baranggay sa isat-isa para sa kapayapaan at kalakalan sa pamamagitan ng sanduguan. Ang sanduguan ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa bisig gamit ang punyal at pagpapatulo ng dugo sa kopang may alak. Ang pag-inom ng magkabilang panig sa pinaghalong alak at dugo ay nagsisilbing simbolo ng kanilang pagkakaibigan.
Ang batas ng sultanato ay batay sa tatlong Sistema. Ang una ay ang Adat , ang batas tungkol sa tradisyon. Ikalawa ay ang Sharia, ang batas na naaayon sa paniniwalang Islam. Ikatlo ay ang Qur’an, ang banal na aklat ng Islam. Si Sharif ul-Hashim o Sayyid Abu Bakr na isang Arabe ang kauna-unahang nagtatag ng pamahalaang sultanato sa Sulu noong 1450.
Pagyamanin
Pag-ugnay sa Kasalukuyang Sitwasyon
Gawain A.
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay sa loob ng kahon na naglalarawan tungkol sa iyong karanasan ng Community Quarantine na nagdulot ng pagbabago sa inyong pamumuhay.
[transcriber’s note: empty answer box for the learner’s essay]
Gawain B.
Panuto: Upang magkaroon ng kaayusang panlipunan, tayong mga mamamayan ay dapat pahalagahan ang mga batas na ipinatutupad. Isulat sa sagutang papel ang tsek (✔) ang pahayag sa ibaba kung ito ay nagpapakita ng pagtupad sa mga batas, ekis (✖) kung hindi nagpapakita ng pagtupad sa mga batas.
- Nagsusuot ng mask kapag lumalabas sa bahay.
- Umiinom ng alak habang nasa community quarantine.
- Nasa loob ng bahay sa oras ng curfew.
- Sumusunod sa utos ng pamahalaan na stay at home.
- Dikit-dikit ang mga tao sa pampublikong lugar habang nasa community quarantine.
Isaisip
Panuto: Buuin ang talata. Piliin ang sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel.
- Tatlong
- Sultan
- Baro at saya
- Pomaras
- Banga
- Barangay at sultanato
- Datu
- Animismo
- Kangan
- Sanduguan
[transcriber’s note: the word box is printed in two columns; the left column is listed first, then the right column]
Maraming natatanging kaugalian ang mga sinaunang Pilipino. Sa pananamit, ang kalalakihan ay nagsuot ng pantaas na damit na tinatawag na (1) _____ at ang kababaihan ay nagsuot ng (2) _____ at ____. Sa palamuti naman ang ating mga ninuno ay nagsuot ng isang alahas na hugis rosas na tinatawag na (3) . Sa kaugalian sa paglilibing kung ang buto ng bangkay ay natutuyo na, ito ay huhukayin at isisilid sa (4). Naniniwala din ang mga sinaunang Pilipino na may espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran.Ang tawag sa paniniwalang ito ay (5)____.
Mula sa mga natatag na mga pamayanan ay umusbong ang pangangailangan sa kaayusan kaya naitatag ang sistema ng pamamahala. May dalawang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas ang (6) _____ at _____. Ang tawag sa namumuno ng barangay ay (7) _____ (8) _____ naman ang tawag sa namumuno sa isang sultanato. Nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t-isa para sa kapayapaan at kalakalan sa pamamagitan ng (9) _____. Habang ang batas ng sultanato ay batay sa (10) _____ sistema.
Isagawa
Panuto: Sa isang sagutang papel sagutin at ipaliwanag ang mga tanong sa ibaba. Gamitin ang rubrik sa ibaba bilang gabay sa pagsagot.
- May naiiba ba sa pagbibigay halaga sa mga patay o yumao noong sinaunang panahon at sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
- Mahalaga ba ang pagkakaroon ng batas sa pagkamit ng kaayusang panlipunan? Bakit?
Rubrik sa Pagsulat ng Talata
| Kraytirya | Napakahusay (4) | Mahusay (3) | Nalilinang (2) | Nagsisimula (1) |
|---|---|---|---|---|
| Nilalaman | Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon. | Kumpleto ang nilalaman at wasto ang lahat ng impormasyon. | May ilang kulang sa nilalaman at may ilang mali sa impormasyon. | Maraming kulang at may mali sa nilalaman at impormasyon. |
| Presentasyon | Malikhaing nailahad ang nilalaman at maayos ang daloy. | Maayos na nailahad at naunawaan ang nilalaman. | Hindi gaanong maayos na nailahad ang impormasyon. | Hindi maayos na nailahad at hindi naunawaan ang nilalaman. |
| Organisasyon | Organisa at malinaw ang nilalaman ng ideya. | Organisado at malinaw, ang nilalaman ng ideya. | Organisado na ideya pero may bahaging di gaanong malinaw. | Hindi organisado ang ideya at marami ang bahagi na hindi malinaw ang paglalahad. |
| Kabuuan |
Tayahin
Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat ang SK kung ito ay tungkol sa sosyo-kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Isulat PM kung ito ay tungkol sa pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.
- Pagsamba sa kalikasan, katulad ng kahoy, ilog, araw, bato, at iba
- Barangay at sultanato ang uri ng pamahalaan na umiiral sa sinaunang panahon sa Pilipinas.
- Ruma Bichara ang tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas.
- Pagpapahalaga sa mga mahal sa buhay na yumao na
- Nagsusuot ng mga palamuti sa katawan
- Naglagay ng mga tattoo sa katawan bilang simbolo ng kagitingan at kagandahan.
- Pakikipagkasundo ng mga barangay sa isa’t-isa para sa kapayapaan at kalakalan
- Pagkatatag ng pamahalaang Sultanato sa Sulu
- Pagsasagawa ng iba’t- ibang ritwal at pagdiriwang
- Ang batas ng Sultanato ay batay sa tatlong sistema.
Karagdagang Gawain
Panuto: Base sa mga larawang nasa ibaba, ipalagay ang iyong sarili na isa sa mga datu noong sinaunang panahon sa Pilipinas, ano-ano ang mga batas na iyong gagawin at ipapatupad sa iyong baranggay para sa katahimikan sa inyong lugar? Kumuha ng isang pirasong papel at magsulat ng limang batas na iyong ipapatupad.
[illustration: a tattooed warrior holding a spear and a sword, beside a tattooed man seated on a bamboo chair]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- C
- A
- D
- C
- D
- D
- C
- B
- A
- D
Balikan
- TAMA
- TAMA
- MALI
- MALI
- MALI
Tuklasin
Gawain A
- B
- D
- A
- B
- C
Gawain B
Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
Isagawa
Magkaiba ang sagot ng mga mag aaral.
Pagyamanin
A. Magkaroon iba’t-ibang sagot ang mga bata.
B.
- ✔
- ✖
- ✔
- ✔
- ✖
Isaisip
- Kanggan
- Baro at saya
- Pomaras
- Banga
- Animismo
- Barangay at sultanato
- datu
- sultan
- sanduguan
- tatlo
Karagdagang Gawain
Magkaroon iba’t-ibang sagot ang mga bata.
Tayahin
- SK
- PM
- PM
- SK
- SK
- SK
- PM
- PM
- SK
- PM
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply