Sa nakaraang modyul ay natukoy ang hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas. Sa modyul na ito, palalawigin mo ang iyong kaalaman tungkol sa ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito.
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.
Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.
Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon ng Pilipinas sa heograpiya nito.