Araling Panlipunan 4 Quarter 3 Module 8: Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan

This is the Araling Panlipunan 4 self-learning module for Quarter 3, Module 8: “Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan, Ating Pahalagahan!” (Let us value the roles of the government). It was prepared by DepEd Region V as an Alternative Delivery Mode module (first edition, 2020) for Grade 4 learners studying at home. After the lesson, learners should be able to name the main roles the government plays for Filipinos and show how they value them.

The module builds on the previous lesson, which covered the government’s health, education, peace, economic, and infrastructure programs.

What learners will learn

The module lists these standards.

  • Content standard (Pamantayang Pangnilalaman): understand the role of the government, its leaders, and others who serve the unity, order, and progress of the country.
  • Performance standard (Pamantayan sa Pagganap): take an active part in the projects and activities of the government and its leaders for the common good.

Learning competencies (Pamantayan sa Pagkatuto). By the end, the learner:

  1. Identifies the roles the government plays (natutukoy ang mga bahaging ginagampanan ng pamahalaan).
  2. Values the roles the government plays (napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan).

Six roles of the government

The module presents a “Trayanggulo ng Karunungan” (triangle of knowledge) with six roles of the government. The table below summarizes each role and the agencies and laws the module names.

RoleWhat the government doesAgencies and laws named
Paglilingkod sa mga bata at matatanda (serving children and the elderly)Protects and shelters abused, orphaned, and street children, and children in danger. Shelters elderly people with no family to care for them.DSWD (lead), DOJ, CHR; RA 7610; DSWD Haven for the Elderly (formerly Golden Acres); RA 7432
Pabahay (housing)Provides decent homes for low-income citizensNational Housing Authority (NHA), with GSIS, SSS, and PAG-IBIG for housing loans
Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad (helping disaster victims)Prepares communities, warns citizens, evacuates them, prevents disease in evacuation centers, and gives food and clothingNDRRMC (lead), local government, DSWD, MMDA, PAGASA, DepEd, DOH, DND
Transportasyon at komunikasyon (transport and communication)Builds roads, bridges, underpasses, overpasses, skyways, railways, and tunnels. Makes sure vehicles are registered.DPWH; LTO under DOTr
Malinis at maayos na pagkain (clean and proper food)Monitors prices and quality of goods, food, and medicine. Builds public markets with inspectors.DTI, NFA, BFAD
Pagtulong sa mga may kapansanan (helping persons with disabilities)Protects the rights of PWDs through programs, services, and lawsNCDA; RA 7277; BP 344; RA 6759

Laws to remember

  • RA 7610 gives children special protection against abuse, exploitation, and discrimination.
  • RA 7432 gives senior citizens and persons with disabilities a 20% discount on food, medicine, and public transport fares, as the module states.
  • RA 7277, the Magna Carta for Disabled Persons, requires government agencies and corporations to reserve at least 1% of all positions for PWDs.
  • Batas Pambansa Blg. 344, the Accessibility Law, is linked in the module to express lanes for PWDs, educational help from elementary to college and in vocational or technical schools, and protection against verbal and non-verbal insults.
  • RA 6759, the White Cane Act, protects the welfare of people with visual impairments. It also promotes the white cane as a symbol of their mobility and independence.

How citizens can value these roles

The activities give everyday examples of valuing government services:

  • Follow the local government’s warnings during disasters.
  • Listen to PAGASA reports when a typhoon is coming.
  • Pay housing loan dues on time.
  • Keep public places clean.
  • Remind a bus conductor about an elderly passenger’s 20% discount.
  • Support blind masseurs.
  • Join outreach programs for abandoned elderly people.

Examples of not valuing them include mocking street children, damaging public vehicles, and urinating in tunnels and on bridges.

How to use this module

The module follows the usual self-learning module parts, in this order:

  1. Subukin: a 10-item multiple-choice pretest.
  2. Balikan: a review where learners unscramble letters to name government programs.
  3. Tuklasin: a short slogan to discuss.
  4. Suriin: the main reading on the six roles.
  5. Pagyamanin: a word hunt with guide questions, then a set of statements to judge.
  6. Isaisip: a symbol puzzle that reveals the key idea.
  7. Isagawa: correct or incorrect statements (WASTO or HINDI WASTO).
  8. Tayahin: a true-or-false test, plus a star-coloring task.
  9. Karagdagang Gawain: an interview with a family member about disasters and government help, and an open letter (bukas na liham) on the government’s roles.

For learners: Answer on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your work honestly with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and contact your teacher if a lesson is hard to understand.

For parents: Read your child’s open letter and score it with the rubric in the module. The rubric gives 1 to 3 points each for the message, the organization of the letter, and the completeness of the work.

For teachers: Use the pretest to see who needs extra help. Answers to the interview and letter tasks depend on each learner’s experience.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 4 Araling Panlipunan, Quarter 3, Module 8.

What roles of the government does the module cover?

It covers six roles: serving children and the elderly, housing, helping disaster victims, transport and communication, clean and proper food, and helping persons with disabilities.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, and final test. Answers to the interview and letter tasks depend on each learner’s own experience.

Which agency leads the government’s response to disasters?

The module says the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) leads it. It coordinates agencies such as the local government, DSWD, PAGASA, DepEd, DOH, and DND.

What law protects children from abuse according to the module?

Republic Act 7610 gives children special protection against abuse, exploitation, and discrimination.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

CO_Q3_AP4_Module8

Araling Panlipunan – Ikatlong Markahan – Modyul 8: Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan, Ating Pahalagahan !

[illustration: students reading and studying under a tree and at a desk, a teacher, a child studying by lamp light beside a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 8: Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan, Ating Pahalagahan! Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Regional Office V Office Address: Regional Site, Rawis, Legaspi City Telefax: (052) 482-0046 (f); 820-8404; 482-0373 820-2663; 820-4045; 482-0523 E-mail Address: region5@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Flaviana L. Merciales Editor: Jerry P. Ramirez at Ma. Leilani R. Lorico Tagasuri: Ana N. Calisura Tagaguhit: Tagalapat: Edsel D. Doctama, Katherine Obrero Cordora Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Imelda R. Caunca, Marites B. Tongco

4

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 8: Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan, Ating Pahalagahan!

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit spa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kumusta mahal kong mag-aaral! Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang mga programang pangkalusugan, pang-edukasyon, pangkapayapaan, pang-ekonomiya at pang-impraestruktura ng ating pamahalaan.

Sa modyul na ito, palalawigin pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga bahaging ginagampanan ng pamahalaan para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino. Higit mong mapahahalagahan ang gampanin ng pamahalaan sa ating lipunan.

Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas mo ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa.

Pamantayan sa Pagganap

Nakapagpapakita ka ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common good).

Pamantayan sa Pagkatuto

Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

  1. Natutukoy ang mga bahaging ginagampanan ng pamahalaan.
  2. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan.

Subukin

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Nakararanas ang Pilipinas ng iba-ibang kalamidad tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol at pagputok ng bulkan. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang pangunahing nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna?

A. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

B. Land Transportation Office (LTO)

C. Bureau of Foods and Drugs (BFAD)

D. National Food Authority (NFA)

_____2. Ang pamilya ni Eduardo ay nakatira malapit sa ilog. Tuwing may papalapit na bagyo, inaabisuhan sila ng kanilang Punong Barangay na lumikas sa mataas na lugar. Kalimitan sa malapit na paaralang pampubliko sila dinadala upang pansamantalang palipasin ang bagyo. Kung ikaw si Eduardo paano mo pahahalagahan ang ginawang pag-aabiso at paglilikas sa inyo ng lokal na pamahalaan?

A. Lilipat sa pampublikong paaralan kung mataas na ang tubig sa ilog at kung malakas na ang ulan.

B. Susundin ang abiso ng Punong Barangay at magdadala ng mahahalagang gamit gaya ng damit, pagkain at iba pa.

C. Susundin ang abiso ng Punong Barangay ngunit hindi na magdadala ng mahahalagang gamit dahil bahala na ang pamahalaan sa mga ito.

D. Mananatili na lamang sa bahay, dahil mainit at walang magandang higaan sa mga pampublikong paaralan na paglilipatan.

_____3. Aling batas ang nagbibigay sa mga bata ng natatanging proteksyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala at diskriminasyon?

A. Batas Republika Bilang 7610

B. Batas Republika Bilang 7277

C. Batas Republika Bilang 7432

D. Batas Republika Bilang 6759

_____4. Aling ahensiya ng pamahalaan ang naatasang tumulong sa mga batang inabuso, inabandona, mga nasa lansangan at mga nasa mapanganib na sitwasyon?

A. Kagawaran ng Katarungan

B. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

C. Komisyon ng Karapatang Pantao

D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas

_____5. Aling ahensya ng pamahalaan ang naatasang kumukupkop sa mga matatandang walang kamag-anak na umaaruga?

A. Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan

B. Kagawaran ng Katarungan

C. Komisyon ng Karapatang Pantao

D. Golden Acres

_____6. Paano ka makakatulong sa pamahalaan na pahahalagahan ang mga matatandang inabandona ng kanilang mga kamag-anak?

A. Ang pamahalaan lamang ang dapat magpahalaga sa kanila.

B. Magkikibit balikat na lamang.

C. Magbigay ng tulong pinansiyal sa mga matatandang inabandona ng kanilang mga kamag-anak.

D.Wala akong responsabilidad na tulungan sila.

_____7. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mamamayan lalo na yaong maliliit ang kita. Anong ahensiya ang tumutulong sa proyektong pabahay ng pamahalaan?

A. Kagawaran ng Repormang Pansakahan

B. Kagawaran ng Enerhiya

C. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas

D. Pangangasiwa ng Pambansang Pabahay

_____8. May mga pamilyang masuwerteng nabigyan ng murang pabahay ng pamahalaan. Paano nila ito pahahalagahan?

A. Mag imbita ng mga kaibigan sa bahay

B. Sulatan ang mga dinding

C. Magpaliban sa buwanang pagbabayad

D. Magbayad ng buwanang bayad sa pabahay ng pamahalaan

_____9. Paano pinaunlad ng pamahalaan ang transportasyon at komunikasyon sa iba-ibang dako ng bansa?

A. Nagpagawa ng mga tulay na gawa sa kawayan.

B. Pinakipot ang mga kalsada.

C. Pinatanggal ang mga daang bakal.

D. Nagpatayo ng mga daan, tulay, skyway, daang bakal at tunnel

_____10. Aling ahensya ng pamahalaan ang naatasang bumalangkas ng mga patakaran ukol sa mga isyu ng mga may kapansanan at alalahanin?

A. Pambansang Pangasiwaan ng Pagkain (National Food Authority o NFA)

B. Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (Metro Manila Development Authority o MMDA)

C. National Council on Disability Affairs (NCDA)

D. Komisyon sa mga Karapatang Pantao (Commission on Human Rights o CHR)

Aralin 1 Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan, Ating Pahalagahan!

Balikan
TUKOY-PROGRAMA

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Tukuyin kung anong programa at serbisyo ng pamahalaan ang inilalarawan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga titik sa loob ng kahon. Gawin ito sa loob ng 2 minuto sa iyong sagutang papel.

  1. Pagpapatayo ng pamahalaan ng mga health centers upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng mamamayan.

P A N G A K U L U S N A G

  1. Pagtataguyod ng K to 12 na kurikulum upang makamit ang mga kasanayang kailangan sa pag-aaral at paghahanapbuhay.

P A N G Y O N K A S D U E

  1. Inaasahan ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ipagtanggol ang bansa sa panganib ng terorismo at iba pang kaguluhan.

P A N G A N PA AK PA YA

  1. Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga patakaran sa pangangalaga ng likas na yaman upang maging kalakal panloob at panlabas.

P A N G M I Y A N O E K O

  1. Tinutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng bansa sa maayos na kalsada, paaralan, tulay at sistema ng komunikasyon.

P A N G T U R A T R U K A E S I M P R

Tuklasin

Gampanin ng pamahalaan, Tugunan ang pangangailangan ng mamamayan Ating pahalagahan!

[illustration: mascot character giving a thumbs up beside a speech bubble]

Nabasa mo ang islogan sa itaas? Ano kaya ang nais nitong ipahatid? Ano ang mga gampanin ng pamahalaan? Napahalagahan mo na ba ito? Halina’t ating alamin.

Suriin

Sinisikap ng ating pamahalaan na matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. Kaya naman may mga proyekto at programang itinatag upang makapamuhay nang maayos, mapayapa, at maunlad. Pag-aralan ang Trayanggulo ng Karunungan.

Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan

[chart: pyramid diagram; Mga Bahaging Ginagampanan ng Pamahalaan]

  • Paglilingkod sa mga Bata at Matatanda
  • Pabahay
  • Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad
  • Transportasyon at Komunikasyon
  • Malinis at Maayos na Pagkain
  • Pagtulong sa mga Taong may Kapansanan
Paglilingkod sa mga bata at matatanda

Ang pamahalaan ay may mga programa at serbisyo para sa pangangalaga at paglilingkod sa mga bata, kabataan at matatanda. Ang Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (Department of Social Welfare and Development o DSWD) ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na naatasang manguna sa mga programa ukol dito. Katuwang ng DSWD ang Kagawaran ng Hustisya (Department of Justice o DOJ) at Komisyon sa Karapatang Pantao (Commission on Human Rights o CHR) sa pagpapatupad ng mga serbisyo ng pamahalaan.

Ayon sa Batas Republika Bilang 7610, binibigyan ng natatanging proteksyon ang mga bata laban sa pang-aabuso, pagsasamantala at diskriminasyon. Kasama sa mga tinutulungan ng pamahalaan ang mga bata at kabataang inabuso, inulila, mga batang lansangan at mga batang nasa biktima ng digmaan at mapanganib na sitwasyon. Inaasahan ang DSWD na pansamantalang kumupkop sa mga batang nasa nasabing mga sitwasyon.

Bukod sa mga bata at kabataan, tinutulungan din ng pamahalaan ang mga matatandang inulila at walang kumukupkop na kamag-anak. Sila ay pinatutuloy sa isang pasilidad ng pamahalaan, ang DSWD Haven for the Elderly o dating Golden Acres. Bukod dito, binibigyan din ng dalawampung porsyento (20%) na pribilehiyong diskwento ang mga nakatatanda at may kapansanan sa pagkain, gamot, pamasahe sa pampublikong sasakyan ayon na rin sa Batas Republika Bilang 7432.

Pabahay

Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mamamayang maliliit ang kita sa tulong ng Pangangasiwa ng Pambansang Pabahay (National Housing Authority o NHA) na direktang inatasan ng pamahalaan sa mga proyektong ito.

Katuwang nito ang Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at Gobyerno (PAG-IBIG) na magpautang para sa pangangailangan sa pabahay.

Pagtulong sa mga Biktima ng Kalamidad

Nakararanas ang Pilipinas ng iba’t ibang likas at di-likas na kalamidad tulad ng bagyo, baha, sunog, lindol, at pagputok ng bulkan. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paghahanda at pagtugon sa mga biktima ng kalamidad. Sinisiguro ng ating pamahalaan na maging handa ang isang komunidad upang maiwasan o mapababa ang pinsala sa buhay at mga ari-arian ng mga mamamayan.

May mga ahensiyang itinatag ang pamahalaan para sa kaligtasan ng mga mamamayan. Pinangungunahan ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nagsisilbing tagapag-ugnay ng iba’t ibang ahensiya

ng pamahalaan o pribadong institusyon upang mabigyan agad ng tulong ang mga naapektuhan ng kalamidad.

Katuwang nito ang pamahalaang lokal, DSWD, Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (Metro Manila Development Authority o MMDA), at Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o (PAGASA), Kagawaran ng Edukasyon (Department of Education o DepEd), Kagawarang Pangkalusugan (Department of Health o DOH), at Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense o DND), Ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o (PAG-ASA), ang naguulat tungkol sa paparating na bagyo, lakas ng ulan at hangin.

Sa pangunguna ng NDRRMC inaabisuhan ng pamahalaan ang mga mamamayang maaapektuhan ng mga kalamidad tulad ng matinding pag-uulan at lakas ng baygo sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe sa radyo at cellphone. Ang mga sundalo naman ng DND ay tumutulong sa paglikas ng mga mamamayang naapektuhan ng kalamidad. Pinangangalagaan din ng pamahalaan ang kalusugan ng mga mamamayan, tulad ng pagsugpo ng pagkalat ng kolera, tigdas at iba pang nakahahawang sakit sa panahong may kalamidad at pansamantalang naninirahan sa mga evacuation center. Kadalasang ginagamit na evacuation center ang mga pampublikong paaralan. Gampanin ng pamahalaan ang agarang pagbibigay ng tulong gaya ng pagkain, damit at iba pang pangangailangan o serbisyo na pinangangasiwaan ng DSWD.

Transportasyon at Komunikasyon

Pinauunlad din ng pamahalaan ang transportasyon at komunikasyon sa iba-ibang dako ng bansa upang maging mabilis ang pagluwas ng mga produkto. Nagpagawa ng mga daan, tulay, underpass, overpass, skyway, daang bakal, at tunnel na naguugnay sa mga lalawigan at hiwa-hiwalay na pulo ng ating bansa. Pinalawak din ang mga kalsada o nautical highway sa

pangangasiwa ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (Department of Public Works and Highways o DPWH). Upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng mga mamamayan habang naglalakbay, sinisiguro ng pamahalaang nakarehistro ang mga sasakyan. Pinangangasiwaan ito ng Tanggapan ng Transportasyong-Lupa o Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr).

Malinis at Maayos na Pagkain

Sinusubaybayan ng pamahalaan ang presyo at kalidad ng mga bilihin sa ilalim ng pangangalaga ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ng Pilipinas (Department of Trade and Industry o DTI).

Nakasalalay sa pamahalaan ang kalidad ng mga pagkain sa tulong ng National Food Authority (NFA). Maging ang kalidad ng gamot ay kailangang dumaan sa masusing pag-aaral ng Bureau of Foods and Drugs (BFAD) upang masigurong ligtas ito sa kalusugan ng mga mamamayan

Nagpatayo rin ng mga pamilihang bayan o palengke ang pamahalaan. Dito ipinagbibili ang mga pagkain at iba pang produkto na kailangan ng mga mamamayan. Tinitiyak ng mga inspektor sa mga palengkeng ito na ang mga itinitinda rito ay maayos, malinis, at hindi magiging sanhi ng pagkakasakit, at may tamang halaga.

Sapagkat gampanin ng pamahalaang palawigin ang kalakalan at industriya sa bansa sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagong hanapbuhay at tumaas ang kinikita ng mga Pilipino upang magkaroon ng sapat na perang pambili ng malinis at maayos na pagkain.

Pagtulong sa mga may Kapansanan

Tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan at protektahan ang mga may kapansanan. Magsagawa ng mga programa, maghatid ng serbisyo at magpapatupad ng mga batas upang matiyak ang

proteksiyon sa mga sibil at politikal na mga karapatan ng taong may kapansanan (persons with disabilities, PWDs).

Itinatag ng pamahalaan ang National Council on Disability Affairs (NCDA) upang bumalangkas ng mga patakaran at makipag-ugnay sa mga gawain ng lahat ng mga ahensiya, publiko o pribado, tungkol sa mga isyu ng may kapansanan at alalahanin.

Nagpatupad rin ang pamahalaan ng mga batas upang higit silang mapangalagaan. Ang Republic Act No. 7277 kilala sa tawag na Magna Carta for Disabled Persons ay nagtatalaga sa mga ahensya, korporasyon ng pamahalaan na magreserba ng hindi bababa sa isang porsyento (1%) ng lahat ng mga posisyon para sa mga PWD.

Ang Batas Pambansa Blg. 344 o Accessibility Law ay nagbibigay pribilehiyo na magtalaga ang mga komersyal at establisyemento ng pamahalaan ng express lane para sa may kapansanan, tulong pang-edukasyon upang makapag-aral sila mula elementarya hanggang kolehiyo, pati na rin ang bokasyonal o teknikal na edukasyon sa parehong pampubliko at pribadong paaralan at pinoprotektahan rin sila ng pamahalaan laban sa berbal o di-berbal na pang-aalipusta at paninirang-puri.

Ang Republic Act 6759 o White Cane Act ay nagtataguyod na protektahan ang pisikal, moral, at panlipunang kagalingan ng lahat ng mga taong may kapansanan sa paningin at itanim ang kamalayan ng publiko sa kalagayan ng bulag. Itinataguyod nito ang pagkilala at pagtanggap ng “puting tungkod” bilang isang simbolo ng kanilang kadaliang kumilos at Kalayaan at magsilbing paalala sa publiko na pangalagaan at bigyan ng angkop na paggalang ang mga mahihinang tao sa ating lipunan.

Pagyamanin
A. WORD HUNT

PANUTO: Hanapin ang mga sumusunod na salita o lipon ng mga salitang maaring mabuo.

  • Paglilingkod sa mga bata at matatanda
  • Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad
  • Pabahay
  • Pagtulong sa mga may Kapansanan
  • Malinis at maayos na pagkain
  • Transportasyon at Komunikasyon

Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

  1. Aling gampanin ng pamahalaan ang pinangangalagaan ng National Housing Authority (NHA)?

  1. Aling gampanin ng pamahalaan sumasakop upang mapabilis ang pagluwas ng mga produkto mula sa malalayong bayan?

  1. Ang pagbibigay ng 20% diskwento sa mga senior citizen ay sakop ng paglilingkod na ito.

  1. Ang pagtatalaga ng express lane sa mga may kapansanan ay sagot sa paglilingkod na ito ng pamahalaan.

  1. Aling gampanin ng pamahalaan ang tinutugunan ng abiso mula sa PAGASA?

[transcriber’s note: the word search grid is part of this activity, and item B follows it]

PAPABAHAYSAA
MGAABTCVBNMTL
OTFXCBMLHFJO
TRANSPORTASYON
KOMUNIKASYON
TYOKLPOLRGSJKL
PAGLILINGKODY
SABATAATSA
MATANDASFPYYJO
PMKCVBMKLLOY
AGAMGASMALINIS
GAPABATMAAYOS
TATNAPAGKAIN
UTNASDDTASMATA
LASOPAGTULONG
OOASAMGA
NNNUBIKTIMANG
GGALKALAMIDAD
NKOLGDST
SMLPAATRMS
AASHJOWMGAAGA
YACMKETQWTA

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng ang puwang kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawaing ginagampanan ng pamahalaan at kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

_____ 1. Pagbibigay ng tulong sa mga programang inilunsad ng pamahalaan para sa mga nasalanta ng Bagyong Reming.

_____ 2. Pag-ihi sa mga tunnel at tulay na pinagawa ng pamahalaan.

_____ 3. Pangungutya sa mga batang lansangan na tinutulungan ng pamahalaan.

_____ 4. Pagsali sa mga outreach programs para sa mga matatandang naulila na nasa pangangalaga ng pamahalaan.

_____ 5. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid sa mga pampublikong lugar.

_____ 6. Pagsunod sa abiso ng lokal na pamahalaan sa panahon ng kalamidad.

_____ 7. Pagpapaalala sa konduktor sa 20% na pribilehiyong diskwento sa pamasahe ng nakasabay na matanda.

_____ 8. Pagsunod sa mga patakaran na ipinatutupad sa pampublikong palengke para sa mga mamimili.

_____ 9. Paggamit ng pribadong sasakyan na nakarehistro.

_____ 10. Hindi pagbabayad ng pautang sa pabahay mula sa pamahalaan.

Isaisip
SIMBOLUHAN

Gamit ang mga simbolo. Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang kaisipan.

[illustration: sun-like burst symbol] pamahalaan

[illustration: star-like symbol] programa

[illustration: heart] bigyang halaga

[illustration: smiley face] mamamayan

[illustration: circle with ring] proyekto

[illustration: circle with cross] kaunlaran

[illustration: diamond] pangangailangan

Isagawa

PANUTO: Isulat ang salitang WASTO kung tama ang pahayag at HINDI WASTO kung mali ang pahayag sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Ugaliing makinig sa ulat ng PAGASA sa mga panahong may paparating na bagyo upang makapaghanda.

_____ 2. Matutong alagaan at kupkupin ang mga nakatatandang kasapi ng pamilya gaya ng lolo at lola.

_____ 3. Ipahabol sa aso ang mga batang lansangan.

_____ 4. Pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan sa mga abiso nito sa panahon ng kalamidad.

_____ 5. Hindi karapat dapat tanggaping manggagawa ang may kapansanan gaya ng pilay, bulag, bingi at iba pa.

Ang iba-ibang [illustration: circle with ring] at [illustration: star-like symbol] ng [illustration: sun-like burst symbol] ay itinataguyod para sa [illustration: circle with cross] at [illustration: diamond] ng bawat [illustration: smiley face] Nararapat lamang na [illustration: heart] ito ng mga [illustration: smiley face].

[illustration: cartoon character in a speech bubble] Magaling! Madali mong nasagutan ang nakatagong pangungusap. Nawa’y magsilbi itong paalala sa paksang iyong natutunan.

Tayahin

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa mga gampanin ng pamahalaan. Isulat ang T kung tama ang pahayag, at M kung mali ang pahayag sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Pinababayaan ng pamahalaan ang mga batang inabuso at inabandona na manirahan sa mga kalye.

_____ 2. Sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ng disenteng tirahan ang mga mamamayan lalo na yaong maliliit ang kita.

_____ 3. Nagbibigay ng suporta ang pamahalaan upang magkaroon ng sariling bahay ang mga mamamayan.

_____ 4. Sa tuwing magkakaroon ang sakuna, naglulunsad ang pamahalaan ng serbisyo upang matulungan ang mga naapektuhan ng sitwasyon.

_____ 5. Hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagtatakda ng presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan.

PANUTO: Kulayan ang bituin ng dilaw ( [illustration: yellow star] ) kung ang pahayag ay nagpapahalaga sa gampanin ng pamahalaan at pula ( [illustration: red star] )naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

[illustration: outline star] 1. Pagtangkilik sa serbisyo ng mga masahistang bulag.

[illustration: outline star] 2. Pagtatag ng scholarship program sa mga batang lansangan.

[illustration: outline star] 3. Pagbibigay tulong pinansiyal sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

[illustration: outline star] 4. Pagbutas ng upuan ng mga pampublikong sasakyan.

[illustration: outline star] 5. Pagbebenta ng mga expired na tsokolate.

Karagdagang Gawain
GAWAIN 1

Kapanayamin ang isa sa kasapi ng inyong pamilya, maari ang iyong ama, ina, ate o kuya. Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong. Gawin ito sa sagutang papel.

  1. Alin sa mga sumusunod na kalamidad ang naranasan mo na?

_____ bagyo

_____ lindol

_____ sunog

  1. May natanggap ka bang tulong mula sa pamahalaan?

_____ meron

_____ wala

  1. Kung ang sagot sa bilang 2 ay meron. Ano ang mga ito?


  1. Paano mo pinahalagahan ang tulong na natanggap?


  1. Kung ikaw ang nasa katayuan ng iyong kapanayam paano mo ito pahahalagahan?


GAWAIN 2

Gumawa ng isang bukas na liham para sa mga kamag-aral, kamag-anak o mga tao sa pamayanan. Ilahad ang gampanin ng pamahalaan at paano ito pahahalagahan. Maaaring gamitin ang gabay sa ibaba. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.

[illustration: scroll-shaped letter template]

Bukas na Liham

Petsa: _____

Minamahal kong mga kamag-aral, malaki ang bahaging ginagampanan ng ating pamahalaan para sa ating kabutihan,

kaya,_____



Gumagalang,


Ipabasa ang iyong liham sa iyong magulang at hayaang bigyan ng puntos ayon sa sumusunod na rubrik.

Rubriks sa paggawa ng liham

Puntos321
Mensahe na nais iparating ng liham321
Kaayusan ng nabuong liham321
Kabuuan ng natapos na gawain321

[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed here in reading order, and the faces and stars are listed as they appear]

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. A 2. B 3. A


  2. B 5. D 6. C


  3. D 8. D 9. D 10. C


Balikan
  1. PANGKALUSUGAN


  2. PANGEDUKASYON


  3. PANGKAPAYAPAAN


  4. PANGEKONOMIYA


  5. PANGIMPRAESTRUKTURA


Pagyamanin
A
  1. Pabahay


  2. Transportasyon at komunikasyon


  3. Paglilingkod sa mga bata at matatanda


  4. Pagtulong sa mga may kapansanan


  5. Pagtulong sa mga biktima ng kalamidad


B
  1. [illustration: face outline] 2. [illustration: face outline] 3. [illustration: face outline]


  2. [illustration: face outline] 5. [illustration: face outline] 6. [illustration: face outline]


  3. [illustration: face outline] 8. [illustration: face outline]


  4. [illustration: face outline] 10. [illustration: face outline]


[transcriber’s note: the expressions on the faces are not clear enough in the rendering to be described]

Isaisip

Ang iba-ibang proyekto at programa ng pamahalaan ay itinataguyod para sa kaunlaran at pangangailangan ng bawat mamamayan. Narararapat lamang na bigyang halaga ito ng mga mamamayan.

Isagawa
  1. WASTO


  2. WASTO


  3. HINDI WASTO


  4. WASTO


  5. HINDI WASTO


Tayahin
A
  1. M


  2. T


  3. T


  4. T


5 M

B
  1. [illustration: yellow star] 2. [illustration: yellow star] 3. [illustration: yellow star]


  2. [illustration: red star] 5. [illustration: red star]


Karagdagang Gawain

Ang mga sagot ay naayon sa kapanayam at karanasan ng mag-aaral

Sanggunian

Adriano, Ma. Corazon V. Caampued, Marian A. Capunitan, Charity A. Galarosa, Walter F. Miranda, Noel P. Quintos, Emily R. Dado, belen P. Gozun, Ruth A. Magsino, Maria Lucia L. Nabaza, Jose B. Naval, Evelyn P., Araling Panlipunan 4, 2015

Republic Act 7610 https://pcw.gov.ph/republic-act-7610-special-protection-of-children-against-abuse-exploitation-and-discrimination-act/

Republic Act 7432 https://pcw.gov.ph/republic-act-7432/

Republic Act 7277 https://www.ncda.gov.ph/disability-laws/republic-acts/republic-act-7277/

Republic Act 6759 https://www.ncda.gov.ph/disability-laws/republicacts/republicact-6759/

Batas Pambansa 344 https://www.ncda.gov.ph/disability-laws/batas-pambansa/batas-pambansa-blg-344/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *