Araling Panlipunan 3 Quarter 1 Module 8: Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Grade 3 Araling Panlipunan Quarter 1 Module 8 on proper ways to manage and protect the natural resources of your own province and region.

This is the Araling Panlipunan (Social Studies) self-learning module for Grade 3, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 8: “Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon” (ways of managing the natural resources of one’s own province and region). DepEd Region XI (Davao Region) prepared it in 2020 as an Alternative Delivery Mode module for learners studying at home. After working through it, learners can name proper ways to care for forests, waters, land, and minerals, and can do simple actions that protect them.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module states that by the end of the lesson, learners should be able to:

  • Explain the proper ways of managing the natural resources of their own province and region (AP3LAR-Ii-13)
  • Value the wise management of natural resources in their province and region
  • Carry out good practices in managing the natural resources of their province and region

The module has one lesson (Aralin 1), with the same title as the module.

Key ideas: caring for our natural resources

The lesson starts from a simple point: the Philippines is rich in forests, fishing grounds, and mines, and these help people earn a living and keep the economy stable. Because these resources are found in many regions and provinces, everyone has a part in caring for them. The Suriin (analyze) section then lists proper practices for each kind of resource.

Forests

  • Stopping kaingin (slash-and-burn farming)
  • Cutting only trees that are mature enough
  • Planting trees in bare, neglected forest areas
  • Cleaning nearby beaches properly
  • Planting a seedling to replace every tree that is cut

Bodies of water (anyong tubig)

  • Using fishing nets with medium-sized holes, so small fish stay in the sea
  • Banning the dumping of garbage in rivers, seas, lakes, and streams
  • Planting mangroves (bakawan) along bare rivers and streams
  • Avoiding motorboats in fishing
  • Avoiding fishing tools that harm small fish

Minerals (yamang mineral)

  • Valuing non-metallic minerals
  • Protecting mining land from damage
  • Using metallic minerals properly
  • Controlling pollution from mining
  • Studying modern, scientific methods of mining

Land (anyong lupa)

  • Banning the burning of dry tree branches
  • Replanting trees to prevent landslides
  • Enriching forests by planting trees
  • Changing crops to help keep the soil fertile
  • Making a compost pit from rotting leaves and animal manure to fertilize the soil

The module also reminds learners to separate garbage into biodegradable (nabubulok) and non-biodegradable (di-nabubulok). In its practice questions, it contrasts good actions with harmful ones such as dynamite or poison fishing, throwing dead animals into rivers, and burning tires.

Parts and activities of the module

  • Subukin (pretest): five multiple-choice questions on caring for water, fishing, trees, and compost
  • Balikan (review): five questions that recall the previous lesson on typhoons, floods, and disaster preparedness in Davao
  • Tuklasin (discover): learners mark two pictures with a check if they show proper care of resources, or an x if not, then answer three questions
  • Suriin (analyze): the lists of proper practices above
  • Pagyamanin (practice): Gawain A asks learners to sort proper and improper practices in a cluster map; Gawain B asks for examples of water, land, and mineral resources found in their province
  • Isaisip (remember): five key reminders from the lesson
  • Isagawa (apply): a graphic organizer on proper management of resources in the province and region, done in the notebook
  • Tayahin (assessment): a five-item multiple-choice test
  • Karagdagang Gawain (extra activities): cutting out newspaper pictures of proper resource care and explaining them, and writing an opinion on managing water, land, and mineral resources

How to use this module

For learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper or in your notebook, not on the module, so other learners can use it later. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) honestly, and ask your teacher for help if a part is hard to understand.

For parents and guardians: Read the instructions with your child and help with the activities that use local examples, such as naming rivers, mountains, or minerals found in your province. The newspaper activity needs old newspapers, scissors, paste, and clean paper.

For teachers: The module’s teacher notes ask you to explain each instruction carefully and remind learners to use separate answer sheets. All answer sheets and projects are submitted to the teacher for grading. The answer key accepts other reasonable answers for the open-ended activities.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 3 (Ikatlong Baitang), Quarter 1 (Unang Markahan). It is Module 8 of the quarter.

What competency does this module cover?

It covers explaining the proper ways of managing the natural resources of one’s own province and region, with the competency code AP3LAR-Ii-13.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, and final test, and accepts other reasonable answers for open-ended items.

What are examples of proper management of natural resources in the module?

Examples include using fishing nets with medium-sized holes, replanting trees to prevent landslides, planting mangroves, separating biodegradable and non-biodegradable garbage, and making compost pits from leaves and manure.

Should learners write their answers in the module?

No. The module asks learners to use a separate sheet of paper or a notebook so the module stays clean for other learners.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8: Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

CO_Q1_AP 3_ Module 8

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 8: Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

3

[illustration: group of students studying outdoors and at a desk, with a globe and a lamp, and a teacher at right]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q1_AP 3_ Module 8

Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annabelle F. Mier

Editor: Mailen D. Cabillan, Glee S. Cavan, Adelma D. Cudera

Tagasuri: Rosemarie T. Realino, Zimrose R. Pedrera, Gemma G. Daño, Guillesar P. Villarente, Myleen C. Robiños, Alejandre S. Fernandez Jr.

Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P. Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Nelson C. Lopez, Mary Jeanne B. Aldeguer, Cheerylyn A. Cometa, Analiza C. Almazan, Christopher P. Felipe, Danilo R. Dohinog, Leonora Liza D. Dacillo, Ma. Cielo D. Estrada, Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

3

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 8: Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa araling ito ay malalaman ang mga paraan sa wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Tatalakayin din ang bawat pamamaraan upang higit mong maunawaan ang kahalagahan nito.

Sa araling ito, inaaasahang:

  1. Naipaliliwanag ang mga wastong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman ng sariling lalawigan at rehiyon (AP3LAR- Ii-13);
  2. Napahahalagahan ang mga paraan ng matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa sariling lalawigan at rehiyon; at
  3. Naisasagawa ang mabuting gawain sa pangangasiwa sa likas na yaman ng sariling lalawigan at rehiyon.

Subukin

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

  1. Isa sa mga yamang tubig na nakukuha sa karagatan.
    A. isda
    B. damo
    C. prutas
    D. bungang-kahoy


  2. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ang yamang tubig, maliban sa isa.
    A. Pagtatapon ng basura sa ilog.
    B. Pagbibigay ng pagkain sa mga isda.
    C. Pagtatanim ng mga puno sa tabing-ilog.
    D. Paggamit ng lambat na may katamtamang butas.


  3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangasiwa sa pangingisda?
    A. paggamit ng dinamita
    B. paggamit ng lason sa paghuhuli ng isda
    C. paggamit ng bangkang pinapaandar ng makina
    D. paggamit ng lambat na may katamtamang butas


  4. Alin sa sumusunod ang dapat tularan?
    A. pagtatapon ng mga patay na hayop sa gitna ng ilog
    B. pamumutol ng punong-kahoy at gawing panggatong
    C. pagsusunog ng mga gulong para mamatay ang mga insekto
    D. pagtatanim ng mga puno pamalit sa mga pinutol na punong-kahoy


  5. Paano pinapahalagahan ang mga nabubulok na dahon at dumi ng hayop?
    A. sunugin ng maayos
    B. gumawa ng compost pit
    C. itago sa malalayong lugar
    D. hayaan hanggang matuyo


Aralin 1

Mga Paraan ng Pangangasiwa sa Likas na Yaman ng Sariling Lalawigan at Rehiyon

Mayaman ang ating bansa sa kagubatan, palaisdaan at minahan na nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay at katatagan ng ating kabuhayan. Makikita ang mga ito sa iba’t ibang rehiyon ng ating bansa lalo na sa mga lalawigan.

Kilala ang Pilipinas sa pag-angkin ng saganang mga likas na yaman. Mayroon tayong mayamang kagubatan, karagatan at minahan sa ating kapaligiran na nakakatulong sa pagpapaunlad sa kabuhayan at nakapatatag sa ating pangkabuhayan.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na tanong.

  1. Anong anyong lupa ang panganib sa bagyo at baha?


  2. Anong uri ng kalamidad ang kadalasang magdudulot ng malaking pinsala sa mga lugar na malapit sa dagat?


  3. Ano-anong lalawigan sa Davao ang nakaranas sa isa sa mga pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan?


  4. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang mga sakuna sanhi ng bagyo at baha?


  5. Paano mapaghahandaan at maiiwasan ang mga sakuna na nagdudulot ng malaking pinsala?


Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

Tuklasin

Tingnan ang mga larawan. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung sa palagay mo ay wastong pangangasiwa at ekis (x) naman kung hindi. Sagutin din ang sumusunod na tanong batay sa larawang ipinakita.

transcriber’s note: the empty boxes beside images A and B are answer boxes for a check mark or an x.

A
[illustration: two children with tools working on the ground beside a tree stump]
Larawan A

B
[illustration: a child pouring water near a large rock beside a tree]
Larawan B

  1. Alin sa larawang ipinakita ang may wastong pangangasiwa sa likas na yaman?
  2. Aling larawan naman ang nagpapakita ng hindi tamang gawain sa ating likas na yaman?
  3. Sa palagay mo, paano ka makatutulong sa pangangalaga sa likas na yaman?
Suriin
Pangangasiwa sa Likas na Yaman

Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman. Mayroon tayong mayamang kagubatan, palaisdaan, minahan at marami pang iba sa ating bansa na nakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay at katatagan ng ating kabuhayan. Makikita sa sumunod na mga pahina ang wastong pangangalaga at pangangasiwa sa ating mga likas na kayamanan.

Mga Salik sa Wastong Pangangasiwa sa Likas na Yaman

  1. Pagpigil sa gawaing pagkakaingin.
  2. Pagputol sa mga punong may sapat na gulang.
  3. Pagtatanim sa mga nakatiwangwang na gubat.
  4. Paglilinis ng maayos sa mga kalapit na dalampasigan.
  5. Pagtatanim ng punlang puno bilang kahalili ng pinutol na puno.
Anyong Tubig
  1. Paggamit ng lambat na may katamtamang butas.
  2. Pagbawal sa pagtatapon ng basura sa ilog, dagat, lawa at sapa.
  3. Pagtanim ng mga bakawan sa mga nakatiwangwang na ilog at sapa.
  4. Pag-iwas sa paggamit ng bangkang de-motor sa pangingisda.
  5. Pag-iwas sa paggamit ng mga kasangkapang nakapipinsala sa mga maliliit na isda.
Yamang Mineral
  1. Pahalagahan ang mga mineral na di-metal.
  2. Pag-iingat sa pagkasira ng lupang-minahan.
  3. Paggamit ng wasto sa mga mineral na metal.
  4. Pagkontrol sa polusyong idudulot ng pagmimina.
  5. Pag-aaral sa makabago at siyentipikong pamamaraan sa pagmimina sa bansa.
Anyong Lupa
  1. Pagbawal sa pagsusunog ng mga tuyong sanga ng punong-kahoy.
  2. Muling pagtatanim ng mga puno upang mapigilan ang pagguho ng lupa.
  3. Pagyamanin ang kagubatan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.
  4. Pagpapalit ng pananim upang makatulong sa pagpapanatili sa katabaan ng lupa.
  5. Paggawa ng compost pit mula sa mga nabubulok na dahon at dumi ng hayop bilang pataba ng lupa.
Pagyamanin
Gawain A

Bubuuin Mo – Ano ang naiisip mong gawain para sa likas na yaman? Isulat sa kanang bahagi ng cluster map ang mga wastong pangangasiwa at sa kaliwang bahagi naman ang mga di-wastong pangangasiwa na dapat maiwasto ng bawat tao.

[chart: cluster map; Gawain A. Pangangasiwa sa Likas na Yaman]

  • Kaliwang Bahagi: Wastong Pangangasiwa
  • Kanang Bahagi: Di-wastong Pangangasiwa
  • Center: Pangangasiwa Ng Likas na Yaman
  • Six empty circles, connected to the center circle.
Gawain B

Magbigay ng mga halimbawa sa sumusunod na likas na yaman na matatagpuan sa iyong lalawigan. Isulat sa mga bilog ang iyong sagot.

[chart: cluster map; Gawain B]

  • Center: Yamang Tubig
  • Three empty circles, connected to the center circle.

[chart: cluster map; untitled, continuation of Gawain B]

  • Center: Yamang Lupa. Three empty circles, connected to the center circle.
  • Center: Yamang Mineral. Three empty circles, connected to the center circle.
Isaisip
  1. Gumamit ng lambat na may katamtamang mga butas.
  2. Kailangan na ang basura ay pinaghihiwalay sa nabubulok at di-nabubulok.
  3. Muling pagtatanim ng mga puno upang mapigilan ang pagguho ng lupa.
  4. Pag-aaral sa makabago at siyentipikong pamamaraan sa pagmimina sa bansa.
  5. Ang mga gawain sa wastong pangangasiwa sa likas na yaman ay mahalaga.
Isagawa

Punan ang isang graphic organizer sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

[chart: graphic organizer; Isagawa (four empty boxes, each connected by a line to a central box)]

Central box: Wastong Pangangasiwa sa Likas na Yaman sa Lalawigan at Rehiyon

Tayahin

Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

  1. Paano pagyamanin ang mga nakakalbong lupain?

    • A. maglilinis ng mga bakuran
    • B. magtatanim ng mga puno
    • C. magsusunog ng mga gulong
    • D. mag-iwan ng mga basura sa bundok
  2. Bakit kinakailangan natin ngayong ang “reforestation” o pagtatanim muli sa mga lupain?

    • A. mapanatili ang dami ng mga puno sa lupain
    • B. mapagbigyan ang kagustuhan ng mga kabataan
    • C. maproteksyunan ang mga halaman sa init ng araw
    • D. mapangalagaan ang iba’t ibang uri ng puno sa lupain
  3. Paano ang wastong pagtatapon ng mga basura?

    • A. itago ang mga basurang di-nabubulok
    • B. sunugin ang mga papel sa labas ng bahay
    • C. iwanan ng maayos ang mga basurang plastik
    • D. ihiwalay ang mga nabubulok sa di-nabubulok
  4. Bakit kailangang gumamit ng katamtamang laki ng lambat ang mga mangingisda? Upang…

    • A. makahuli agad ng isda
    • B. makahuli ng maraming isda
    • C. maiwan sa dagat ang mga maliliit na isda
    • D. maisakatuparan ang kagustuhan ng mga mangingisda
  5. Ano ang dapat gawin sa ating mga likas na yaman?

    • A. hahayaan lang
    • B. baliwalain at hindi na makikialam
    • C. pangangasiwaan ng tama at mabuti
    • D. ipauubaya ang pangangasiwa sa may kapangyarihan

Karagdagang Gawain

A.

Gumupit ng mga larawan sa dyaryo na nagpapakita ng wastong pangangasiwa sa mga likas na yaman. Idikit ito sa isang malinis na papel.

Bakit mo maituturing na wastong pangangasiwa sa mga likas na yaman ang mga naidikit na larawan?

[transcriber’s note: blank bordered box for the learner’s written answer]

B.

Isulat ang iyong sariling opinyon sa pangangasiwa ng sumusunod na likas na yaman.

  1. Yamang Tubig



  1. Yamang Lupa



  1. Yamang Mineral



Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. A
  2. A
  3. D
  4. D
  5. B
Balikan
  1. Kapatagan
  2. Baha
  3. Baganga, Caraga, Cateel, Monkayo, New Bataan
  4. Makinig sa balita sa mga kalamidad.
    • Lumikas sa lugar na mapanganib.
    • Gumamit ng iba’t ibang uri ng mapa upang matukoy ang lugar na mapanganib sa kalamidad.

(Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)

Tuklasin
  1. [illustration: two small pictures, one above the other, shown beside item 1]
  2. Itapon sa tamang lugar ang mga basurahan.
  3. Paghihiwalayin ang mga basura sa nabubulok at di nabubulok.

(Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)

[transcriber’s note: the numbering of the Tuklasin answers is hard to confirm because this key page is printed upside down; items 2 and 3 are read from the rotated text]

Pagyamanin
Gawain A

Sa kaliwang bahagi

  1. Pagtatapon ng basura sa ilog.
  2. Pagputol ng mga kahoy sa kabundukan.
  3. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

Sa kanang bahagi

  1. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.
  2. Pagtatanim ng mga kahoy.
  3. Paggamit ng lambat na may katamtamang butas.

(Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)

Gawain B

Yamang Tubig

  1. Dagat
  2. Ilog
  3. Talon

Yamang Lupa

  1. Kapatagan
  2. Bundok
  3. Burol

Yamang Mineral

  1. Ginto
  2. Tanso
  3. Pilak
Isagawa
  1. Gumamit ng lambat na may katamtamang mga butas.
  2. Kailangan na ang basura ay pinaghihiwalay sa nabubulok at di-nabubulok.
  3. Muling pagtatanim ng mga puno upang mapigilan ang pagguho ng lupa.
  4. Pag-aaral sa makabago at siyentipikong pamamaraan sa pagmimina sa bansa.

(Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)

Tayahin
  1. B
  2. A
  3. D
  4. C
  5. C
Karagdagang Gawain B

Yamang Tubig

Gumamit ng lambat na may katamtamang butas sa pangingisda.

Yamang Lupa

Pagtatanim ng mga puno sa kabundukan.

Yamang Mineral

Pag-aaral sa makabagong pamamaraan ng pagmimina.

(Tanggapin ang iba pang sagot ng mag-aaral.)

Sanggunian

Slideshare. “Rehiyon XI Rehiyon ng Davao”. September 08, 2014. www.slideshare.net/avigailgabaleomaximo/region-II-davao-region.

Wikipedia. “Rehiyon ng Davao”. “April 21, 2020. www.wikipedia.org.

Amboni, Ma. Lynie R., Archie E. Año, Rheex G. Castor, Myla A. Gerodias, Rosemarie T. Realino, Melfrie E. Gudmalin, Julieta Maluenda, Genelly A. Priagola, Ruth D. Salarda, Imelda T. Cardines, Jonathan B. Catubig, Gemma G. Daño, Iren C. Limit, Grace D. Pontillas, EdD, Rowena P. Flores, Lovelyrose Mary L. Sabuga-a, Rona T. Apique, Leonora Liza D. Dacillo, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao. Pasig City Philippines: Studio Graphic Corp., 2019, 128-135.

Manalo, Thea Joy G, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc., 2015, 125 -133.

Manalo, Thea Joy G, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Guro. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc., 2015, 65 – 68.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district