Araling Panlipunan 3 Quarter 1 Module 5: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa mga Lalawigan at Rehiyon

Grade 3 AP Quarter 1 Module 5 on how Mt. Apo, Davao Gulf, and other landforms and waters link provinces in the Davao Region, with activities and a key.

This is Araling Panlipunan 3, Unang Markahan (Quarter 1), Modyul 5: “Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa mga Lalawigan at Rehiyon” (how bodies of water and landforms connect provinces and regions). It is a self-learning module for Grade 3 learners from DepEd Region XI, so its examples come from the Davao Region. After it, learners can name the mountains, gulf, and river that link or separate provinces in their region, and explain why caring for them matters.

The module builds on the previous lesson, where learners compared the main bodies of water and landforms of the provinces in their own region.

On this page 7 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • Identify how bodies of water and landforms connect the provinces of their own region (AP3LAR-If-9)
  • Value the connections between bodies of water and landforms in their own province and region
  • List the provinces that are connected by bodies of water and landforms in their own province and region

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa mga Lalawigan at Rehiyon.” It explains that the Davao Region is blessed with many mountains and bodies of water. These link its provinces to each other and to neighboring provinces, and they also serve as natural borders with other regions.

Key ideas: landforms and waters that connect the Davao Region

The “Tuklasin” (discover) part gives these examples:

Landform or body of waterWhat it connects or separates
Mt. ApoIn the southern part of the region. Separates Davao del Sur from North Cotabato in Region XII. The module calls it the highest mountain in the Philippines.
Mountains in western Davao del NorteSeparate Davao del Norte from Bukidnon in northern Mindanao
Mountains of Davao de Oro and Davao del NorteSeparate these provinces from Agusan del Sur in Region XIII
Davao GulfConnects the five provinces of the Davao Region
Agusan River and its branchesCover most of the Caraga Region and some parts of Davao de Oro

The main point is that the same mountain or body of water can do two things. It can act as a border between provinces and regions, and it can link the people who live around it.

Key ideas: caring for shared landforms and waters

Because provinces share these landforms and waters, they also share the job of protecting them. The module asks learners how provinces can work together to keep the resources of the mountains. Its pretest gives tree planting as the right answer.

The “Tayahin” (assessment) shows which actions are good care and which are harmful:

  • Good care: cleaning around rivers so the water stays clean on its way to the countryside
  • Good care: planting trees on mountains to keep rivers in the lowlands clean
  • Good care: protecting the waters around the region for young people
  • Harmful: flattening mountains to make more farmland
  • Harmful: burning dead trees

The pretest also names the livelihood of the provinces at the foot of Mt. Apo as farming and wood gathering (pagsasaka at pangangahoy).

How to use this module

The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:

  1. Alamin: read the goals of the lesson.
  2. Subukin: answer the 5-item multiple-choice pretest.
  3. Balikan: review the previous lesson on the waters and landforms of Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Occidental, and Davao Oriental.
  4. Tuklasin: read about Mt. Apo, the mountains, Davao Gulf, and the Agusan River.
  5. Suriin: answer five questions about the reading.
  6. Pagyamanin: do three activities.
    • Gawain A: use a topographic map to fill in a table of places linked by a body of water or landform. Mt. Apo, linking Davao City, Davao del Sur, and North Cotabato, is given as the example.
    • Gawain B: make a slogan about caring for the landforms and waters you listed.
    • Gawain C: draw and color a connected landform or body of water in your province and region.
  7. Isaisip: reflect on how these landforms and waters connect your province and region, and why that matters.
  8. Isagawa: cut out a picture of a landform or body of water from an old newspaper, paste it on clean paper, name the places it covers, and explain how you can help improve and care for it.
  9. Tayahin: draw a happy face for good care and a sad face for harmful actions.
  10. Karagdagang Gawain: answer two extra questions.

For learners: Do not write on the module. Use a separate answer sheet or notebook for all activities. Ask your teacher right away if a part is hard to understand.

For parents: Read the directions with your child and help with the map and newspaper activities. Check the answer key only after your child has finished, and encourage honest use of it.

For teachers: The teacher’s note asks you to explain the directions for each part. All answer sheets and finished projects are submitted to the teacher for grading. The answer key covers the Subukin and Tayahin. For the pretest, the answers are 1-B, 2-D, 3-C, 4-C, and 5-A.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 3, Unang Markahan (Quarter 1), and it is Modyul 5 of Araling Panlipunan.

What competency does this module cover?

It covers AP3LAR-If-9: identifying how bodies of water and landforms connect the provinces of one’s own region.

Which places does the module use as examples?

It uses the Davao Region, including Mt. Apo, the mountains of Davao del Norte and Davao de Oro, Davao Gulf, and the Agusan River, along with neighboring provinces such as North Cotabato, Bukidnon, and Agusan del Sur.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest and the Tayahin assessment. The other activities are submitted to the teacher for grading.

What does pagkakaugnay-ugnay mean?

It means interconnection. In this module, it refers to how mountains, gulfs, and rivers link or separate provinces and regions.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 5: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa mga Lalawigan at Rehiyon

3

[illustration: learners studying outdoors and at home, with a teacher, a globe, and a lantern]

ALTERNATIVE DELIVERY MODE

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig at Anyong Lupa sa mga Lalawigan at Rehiyon Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jean M. Salomon, Gina L. Ticong

Editor: Glee S. Cavan, Eve B. Espiritu, Merlyn M. Lanoza

Tagasuri: Rosemarie T. Realino, Myrene M. Saragena, Jean Christi B. Rivera, Alemer O. Veloso, Myleen C. Robiños, Alejandre S. Fernandez Jr.

Tagaguhit: Cris A. Aquino, Aiza Lou A. Bernaldez, Cherie Mae A. Caduyac, Eduardo, Jr. A. Eroy, Jules Bernard G. Guinita, Marvin P. Linogao, Edieson John C. Mag-aso, Sharon C. Marimon, Ryan R. Padillos, Nylle Ernand D. Silayan

Tagalapat: Alpha Amor G. Manglicmot, Patrick John P. Peresores

Tagapamahala: Allan G. Farnazo, Nelson C. Lopez, Mary Jeanne B. Aldeguer, Cheerylyn A. Cometa, Analiza C. Almazan, Christopher P. Felipe, Danilo R. Dohinog, Leonora Liza D. Dacillo, Ma. Cielo D. Estrada, Alicia I. Ayuste

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region XI Office Address: F. Torres St., Davao City Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147 E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this inner title page repeats the cover text above (Araling Panlipunan, Unang Markahan – Modyul 5 title, grade number 3, and DepEd logo) and is not transcribed again]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Matapos mong pag-aralan at paghambingin sa nakaraang aralin ang iba’t ibang pangunahing anyong tubig at anyong lupa ng iba’t ibang lalawigan sa sariling rehiyon, tatalakayin naman ang pagkakaugnay-ugnay nito sa isa’t isa.

Alam mo bang marami tayong mga natatanging anyong tubig at anyong lupa sa ating lalawigan at rehiyon na magkakaugnay-ugnay? Alamin mo kung ano-ano ang mga anyong tubig at anyong lupa na magkaka-ugnay sa rehiyon at karatig nito.

Sa araling ito, inaasahang:

  1. Natutukoy ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon (AP3LAR-If-9);
  2. napahahalagahan ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at anyong lupa sa sariling lalawigan at rehiyon; at
  3. naitatala ang mga lalawigang pinag-uugnay ng mga anyong tubig at anyong lupa sa sariling lalawigan at rehiyon.

Subukin

Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ano-ano ang mga lalawigan na tumatalunton sa Mt. Apo?
    • A. Davao de Oro at Davao del Sur
    • B. Davao del Sur at North Cotabato
    • C. Davao Oriental at Davao del Norte
    • D. Davao Occidental at Davao Oriental
  2. Ito ay nagsisilbing hangganan ng Davao Region mula sa lalawigan ng Agusan del Sur na sakop ng ibang rehiyon.
    • A. kabahayan
    • B. kanayunan
    • C. kapatagan
    • D. kabundukan
  3. Ano-ano ang kabuhayan ng mga lalawigan sa paanan ng Mt. Apo?
    • A. pagsasaka at pangingisda
    • B. pangingisda at pagmimina
    • C. pagsasaka at pangangahoy
    • D. pangangalakal at pagmimina
  4. Paano maipakikita ng mga lalawigan ang pagtutulungan para mapapanatili ang yaman ng kabundukan?
    • A. magkakaingin taun-taon
    • B. kakatayin ang mga hayop
    • C. magtatanim ng maraming puno
    • D. bubungkalin ang mga bundok para patagin
  5. Ano-ano ang naghihiwalay sa Davao del Norte at sa karatig lalawigan ng Bukidnon?
    • A. mga bundok
    • B. mga kabahayan
    • C. maliliit na baybayin
    • D. mga malalalim na ilog

Aralin 1: Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Lupa at Anyong Tubig sa mga Lalawigan at Rehiyon

Ang Davao Region ay biniyayaan ng mga anyong tubig at anyong lupa na siyang dahilan ng pagkakaugnay-ugnay ng mga lalawigan sa iba pang bahagi ng rehiyon. Maraming bundok sa ating rehiyon na nagsisilbing tagapag-ugnay sa mga lalawigan at karatig na lalawigan.

Balikan

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat sa sagutang papel.

  1. Ano-ano ang anyong tubig na makikita sa lalawigan ng Davao de Oro?
  2. Ano ang katangian ng Davao de Oro kung saan naroroon ang Summer Capital ng Davao Region?
  3. Anong lugar sa lalawigan ng Davao del Norte ang may magagandang baybayin na patuloy na umaakit sa mga turista?
  4. Ano ang katangian ng Balut Island sa Davao Occidental na maihahantulad sa Vanishing Island sa Davao del Norte?
  5. Anong anyong tubig ang tanyag sa Davao Oriental na umaabot ang daloy nito hanggang sa mga karatig lugar ng rehiyon?
Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa nang mabuti ang mga panuto sa bawat hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga gawain. Lahat ng mga sagutang papel at mga proyektong nagawa ay ipapasa sa guro upang mabibigyan ng nararapat na marka.

Tuklasin

Ang Davao Region ay biniyayaan ng mga kabundukan. Nasa bahaging timog ng Davao Region ang Mt. Apo na itinuturing na pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas. Ang Mt. Apo ay naghihiwalay sa lalawigan ng Davao del Sur at North Cotabato sa Rehiyon XII.

Mayroon ding mga kabundukan sa kanlurang bahagi ng Davao del Norte na naghihiwalay sa karatig na lalawigan ng Bukidnon na nasa hilagang bahagi ng Mindanao.

Marami pang ibang anyong lupa na magkakaugnay-ugnay. Kasama na rito ang kabundukan ng Davao de Oro at Davao del Norte na naghihiwalay sa lalawigan ng Agusan del Sur sa Rehiyon XIII.

Sa mga nabanggit na anyong lupang naghihiwalay sa ibang lugar, ang anyong tubig ay isa ring dahilan sa pagkakahiwalay ng mga lalawigan sa iba pang rehiyon kagaya ng Davao Gulf na siya ring nag-uugnay sa limang lalawigan sa Davao Region. Ang Ilog ng Agusan naman at mga sangay nito ay sumasaklaw sa kalakhan ng Caraga Region at ilang bahagi ng Davao de Oro.

Suriin

Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Ilang lalawigan ang tinatalunton ng Mt. Apo? Ano-ano ang lalawigang ito?
  2. Ano-ano kaya ang hanapbuhay ng mga lalawigang nasa paanan ng Mt. Apo?
  3. Paano maipakikita ng mga lalawigan ang pagtutulungan upang mapananatili ang mga yaman ng kabundukan?
  4. Ano kaya ang maaaring gagawin ng mga tao upang mapananatili ang kasaganaan ng yamang tubig at yamang lupa ng buong rehiyon?
  5. Paano maipakikita ang pagtutulungan ng mga nasasakupang lalawigan upang mapananatili ang kagandahan ng Mt. Apo?
Pagyamanin
Gawain A

Itala ang mga lugar na pinag-uugnayan ng mga anyong tubig o anyong lupa gamit ang mapang topograpiya. Kopyahin ang gabay at gawin ito sa kwaderno.

Pangalan ng lugarAnyong tubigAnyong lupa
1. Davao City, Davao del Sur at North CotabatoMt. Apo
Gawain B

Gumawa ng isang slogan tungkol sa pangangalaga sa ating mga kasagutang anyong tubig at anyong lupa mula sa Gawain A. Gawin ito sa papel.

Gawain C

Gumuhit ng isang magkakaugnay na anyong tubig o anyong lupa sa sariling lalawigan at rehiyon sa isang papel. Kulayan ito ayon sa gusto mo.

Isaisip

Paano nagkakaugnay-ugnay ang mga anyong tubig at anyong lupa sa ating lalawigan at rehiyon?

Ano ang kahalagahan ng pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at anyong lupa sa ating lalawigan at rehiyon?

Isagawa

Gumupit ng isang larawan ng anyong tubig o anyong lupa mula sa lumang diyaryo. Idikit ang larawan sa isang malinis na papel at tukuyin ang lugar o mga lugar na nasasakupan ng napiling larawan.

Sagutin: Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad at mapapaganda ng husto ang napiling larawan?

Tayahin

Iguhit ang masayang mukha [illustration: smiling face icon] kung nagpapakita ng wastong pangangalaga ang sumusunod na pahayag sa mga anyong tubig at anyong lupa at malungkot na mukha [illustration: frowning face icon] kung hindi. Iguhit ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Palalawakin ang mga taniman sa pamamagitan ng pagpatag sa mga kabundukan. _____2. Lilinisin ang paligid ng mga ilog para manatiling malinis ang tubig patungong kanayunan. _____3. Pananatilihing ligtas ang mga kabahayan sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga patay na puno. _____4. Pagtatanim ng mga punongkahoy sa kabundukan upang mapanatili ang kalinisan ng mga ilog sa kapatagan. _____5. Pangangalagaan ang iba’t ibang anyong tubig na nakapalibot sa buong rehiyon para sa ating mga kabataan.

Karagdagang Gawain

Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa sagutang papel.

  1. Ano-ano ang nabanggit na anyong tubig at anyong lupa na nag-uugnay sa mga lalawigan sa ating rehiyon?
  2. Paano mo mapananatili ang kagandahan ng mga anyong tubig at anyong lupa ng iyong lalawigan?

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. B
  2. D
  3. C
  4. C
  5. A
Tayahin
  1. [illustration: frowning face, answer for item 1]
  2. [illustration: smiling face, answer for item 2]
  3. [illustration: frowning face, answer for item 3]
  4. [illustration: smiling face, answer for item 4]
  5. [illustration: smiling face, answer for item 5]

Sanggunian

Amboni Ma. Lynie R., Archie E. Año, Rheex G. Castor, Myla A. Gerodias, Rosemarie T. Realino, Melfrie E. Gudmalin, Julieta V. Maluenda, Genelly A. Priagola, Ruth D. Salarda, Imelda T. Cardines, Jonathan B. Catubig, Gemma G. Daño, Iren C. Limit, Grace D. Pontillas, EdD, Rowena P. Flores, Lovelyrose Mary L. Sabuga-a, Rona T. Apique, Leonora Liza D. Dacillo, Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon XI – Rehiyon ng Davao. Pasig City Philippines: Studio Graphic Corp., 2019, 79 – 84.

Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral Sinugbuanong Binisaya. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc. 2015, 71 – 77.

Manalo, Thea Joy G., Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, and Rodel C. Sampang, Araling Panlipunan 3 Gabay ng Guro. Pasig City Philippines: Book Media Press, Inc. 2015, 37 – 41.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district