This is the Araling Panlipunan 7 Self-Learning Module for Quarter 4, Module 7: “Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya” (the role of religion in the way of life in Northeast and Southeast Asia). It was prepared by DepEd MIMAROPA Region (first edition, 2020) for Grade 7 learners studying at home. After working through it, learners should be able to name the major religions of these regions, explain their teachings, and show how religion shapes the lives of Asians.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Identify the religions of Northeast and Southeast Asia and their teachings and doctrines
- Explain the role religion plays in different aspects of life of Asians in Northeast and Southeast Asia
- Show the role religion plays in different aspects of life of Asians in these regions
The module is tied to this Most Essential Learning Competency: Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay (evaluates the role of religion in different aspects of life), AP7TIS-IVh1.21.
It also supports the Quarter 4 content and performance standards, which ask learners to appreciate and critically analyze how Asians responded to change, development, and continuity in Northeast and Southeast Asia during the transitional and modern periods (16th to 20th century).
What religion means in this module
The module explains that the word religion comes from the Latin re-ligare, meaning to bind together and to return. Religion becomes part of believers’ lives and guides how they act. Many religions began in Asia, and they became a basis for ethical and moral rules. The module stresses that despite differences in language, race, religion, and culture, people can remain united.
The religions covered
| Religion | Where the module places it | Key teachings in the module |
|---|---|---|
| Shintoismo (Shinto) | Native religion of Japan | Worship of Kami (gods or spirits in nature); purification; the name means “way of the gods” |
| Confucianismo (Confucianism) | Began in Shandong, China; spread to Japan, Korea, Singapore, Vietnam | Good living brings peace; respect for family and elders; the Golden Rule |
| Taoismo (Taoism) | China; taught by Lao Tzu | Oneness with nature; Tao (“the way”); Yin and Yang |
| Hinduismo (Hinduism) | Began in India; reached Cambodia, Myanmar, Thailand, and Bali in Indonesia | Many gods, karma, reincarnation, the caste system |
| Budismo (Buddhism) | Began in India; spread in Southeast Asia | Four Noble Truths, Eightfold Path, Nirvana |
| Kristiyanismo (Christianity) | In Southeast Asia, mainly the Philippines | Life and teachings of Jesus Christ; the Ten Commandments |
| Islam | Majority religion in Indonesia, Malaysia, and Brunei; in the Philippines, mostly in Mindanao | Full submission to Allah; the Five Pillars |
Confucianism and Taoism
Confucius (551-479 B.C.) taught loyalty to family, respect for the dead, and respect of the young for their elders. He taught the Golden Rule: “Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin din nila sa iyo” (do not do to others what you do not want them to do to you). The module lists his six principles, including that human nature is good, that people are free to choose, and that virtue is its own reward. It also lists five virtues of life: Jen (benevolence), Yi (righteousness), Li (propriety), Chin (wisdom), and Hsin (honesty).
Lao Tzu taught oneness with nature, self-reflection, and calmness. Yin stands for the feminine, soft, calm, and dark; Yang stands for the masculine, strong, lively, and bright. Together they show balance in nature.
Hinduism and Buddhism
Hindus believe in karma (reward for good deeds and suffering for bad ones) and reincarnation. Their sacred texts are the Vedas. The caste system ranks people as Brahmin (priests), Kshatriya (warriors), Vaishya (common citizens), and Sudra (the lowest class), while the Pariah are outside Hindu society.
Buddhism was founded by Siddhartha Gautama, a prince who gave up his comfortable life to seek enlightenment (Nirvana). Its Four Noble Truths teach that life and suffering go together, desire causes suffering, suffering ends when desire is removed, and desire is removed by following the Eightfold Path (Walong Dakilang Daan), such as right thinking, right speech, right action, and right livelihood.
Christianity and Islam
The module describes Catholicism as the main part of Christianity, with belief in the Holy Trinity, the sacraments, the Ten Commandments, and the Pope as the highest leader of the Catholic Church.
Islam means complete surrender and submission to Allah, and comes from Salam (peace). Its Five Pillars are:
- Shahada: declaring the oneness of Allah and that Muhammad is His prophet
- Salah: the five daily prayers, from Salatul Fajr (dawn) to Salatul Isha (night)
- Zakat: required charity
- Sawm: fasting during Ramadan
- Hajj: pilgrimage to Makkah (Mecca)
How to use this module
The module follows the usual SLM parts: Subukin (15-item pretest), Balikan (a review of the previous lesson on socialism), Tuklasin, Suriin (the reading), Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin (15-item post-test), and Karagdagang Gawain.
- Learners: Answer the pretest first, then read each religion carefully. Write all answers in your notebook or on separate paper, and do not write on the module. Activities include a color-wheel matching task, “Pader ng Kaalaman” (wall of knowledge), reflection questions, a slogan about religion’s role in Asian life, and an interview of three people of different faiths. Be respectful when you interview.
- Parents and guardians: Help your child keep the module clean and encourage honest use of the answer key. Contact the teacher if your child has trouble understanding the lessons.
- Teachers: The module notes that each activity is designed for a three-day session and invites you to adapt the activities to your learners’ interests and abilities. Check the answer key against the questions before use, since some printed answers do not match the choices.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 7.
Which religions does the module discuss?
It covers Shintoism, Confucianism, Taoism, Hinduism, Buddhism, Christianity, and Islam, and how each shapes life in Northeast and Southeast Asia.
What is the competency code of this module?
The module prints the Most Essential Learning Competency code AP7TIS-IVh1.21, about evaluating the role of religion in different aspects of life.
Does the module have an answer key?
Yes, it includes a Susi sa Pagwawasto for the pretest, the post-test, and the Tuklasin activity. Some printed answers do not match the choices, so check them against the lesson.
What does the word religion mean according to the module?
The module says it comes from the Latin re-ligare, which means to bind together and to return.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya
[illustration: learners reading and studying under a tree, at a desk with a teacher, and with a globe and a lamp; a child writes on paper]
CO_Q4_AP7_Module7
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________ Department of Education – MIMAROPA Region Office Address : Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax : (02) 8631-4070; 8637-3093; 8637-3139 Email Address : region4b@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Cyrus B. Mamagat Editor: Jim Paul M. Belgado Tagasuri: Nimfa V. Alaska Tagaguhit: Karl Gabriel G. Buenafe Tagalapat: Liezl O. Arosio Tagapamahala: Dr. Benjamin D. Paragas Mariflor B. Musa Danilo C. Padilla Freddie Rey R. Ramirez Cyril C. Serador Ronald S. Brillantes Marites L. Arenio Eva Joyce C. Presto Rhea Ann A. Navilla
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya
7
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ii CO_Q4_AP7_Module7
Alamin
[illustration: hand pointing at a finger-touch icon beside the heading]
Sa lawak ng nasasakupan ng kontinente ng Asya, hindi marahil nakapagtataka kung bakit ito ang nagsilbing lundayan ng iba’t ibang makasaysayang pangyayari sa daigdig. Kaalinsabay ng pagsibol ng kasaysayan ay ang makulay at makabuluhang pagsibol ng mga relihiyon. Hindi kataka-taka ito sapagkat iba ang pagturing ng mga Asyano kung ang pag-uusapan ay relasyon ng tao at ng lumikha o Diyos. Kung kaya sa paglipas ng daang libong taon, nananatili pa rin ang pagkilala ng mga tao sa kanilang kinabibilangang relihiyon. Ito ay makikita sa anyo ng kanilang pamumuhay, mga pagpapahalagang panlipunan at espirituwal, mga istrukturang ipinatayo bilang simbolo, at maging sa paglinang ng kanilang kultura at tradisyon.
Kung kaya’t sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan sa iyo ang sumusunod:
- Natutukoy ang mga relihiyon sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya gayundin ang mga aral at doktrina nito;
- Naipaliliwanag ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya; at
- Naipapakita ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya.
Ang pagkamit mo sa mga layuning nabanggit sa itaas ay magiging tulay upang tiyak na matutunan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mag-aaral ay napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy ng Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya sa transisyunal at makabagong panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad, at pagpapatuloy sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya sa transisyunal at makabagong panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).
PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay. AP7TIS-IVh1.21
1 CO_Q4_AP7_Module7
Subukin
[illustration: hand holding a pencil beside the heading]
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa inyong kuwaderno.
Ang salitang ito ay nangangahulugang “re-ligare” na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.
A. Islam B. Qur’an C. Relihiyon D. TorahBilang tagasunod ng pananampalatayang Islam, sa papaanong paraan nila ito naisasabuhay?
A. Pag-aaral ng bibliya.
B. Pagsunod sa utos ni Brahma.
C. Ganap na pagpapasakop at pagtatalima sa utos ni Allah.
D. Pagkain ng mga ipinagbabawal ayon sa aklat ng Quran.Papaano nakaaapekto ang paniniwalang Budismo sa sistema ng pamumuhay ng mga tagasunod nito?
A. Nagsilbi itong batayan ng paggawa ng mabuti sa kapwa at lipunan.
B. Nagsilbi itong batayan ng pagbibigay parusa sa mga nagkakasala.
C. Ang mga tagasunod ay naging mapanuri sa kanilang kilos at gawi.
D. Ang mga tagapagpalaganap ay naging mataas ang tingin sa sarili dahil sa sistema ng lipunan.Sa relihiyong Hinduismo makikita ang pag-uuri ng tao sa lipunan. Sino-sino ang bumubuo sa hanay ng mga alipin?
A. Brahmin B. Kshatriya C. Pariah D. VaishyaAng mga Brahmin ang tinaguriang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Hinduismo. Ano ang pangunahing tungkulin nila sa lipunan?
A. Sila ang tagapanguna sa espirituwal na gawain na binubuo ng hanay ng kaparian.
B. Sila ang mga mamamayan mula sa hanay ng mga mandirigma.
C. Nagmula sa hanay ng mga aliping nakagawa ng mabuti at nabigyan ng pagkakataong manungkulan sa lipunan.
D. Mga hanay ng mga edukador, artisan, at mangangalakal.Ano ang implikasyong dulot ng pagkakaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunang Hindu?
A. Ito ay nagsilbing batayan ng yaman ng mga mamamayan.
B. Nagdulot ito ng kaguluhan dahil sa mas maraming mayayaman ang bumubuo sa lipunan.
C. Nakapagpababa ito ng tingin sa sarili para sa mga mahihirap at ang kahalagahan nila sa lipunan.
D. Nakapagdulot ito ng mabuting pamamaraan ng klasipikasyon ng tao.
2 CO_Q4_AP7_Module7
Alin ang HINDI napapabilang sa ilalim ng 10 utos ng Kristiyanismo?
A. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
B. Huwag kang papatay.
C. Sundin mo ang kautusan ng nakatatanda.
D. Igalang mo ang iyong ama at ina.Alin sa mga sumusunod ang HINDI napapabilang sa Walong Dakilang Daan ng relihiyong Budismo?
a) Tamang Pag-iisip
b) Tamang Aspirasyon
c) Tamang Pananaw
d) Tamang Paghangad ng YamanAlin Ang HINDI napapabilang sa anim na prinsipyo ni Confucius?
A. Ang kalikasan ng tao ay mabuti at anumang kasamaan ay hindi natural.
B. Ang tao ay malayang kumilos ayon sa kaniyang kagustuhan at siya ang panginoon ng kanyang pagpipili.
C. Ang birtud ay ang sarili niyang gantimpala. Kung ang isang tao ay gumawa ng mabuti dahil sa gantimpala o umiwas sa masama dahil sa takot sa parusa nito, ito ay hindi maituturing na isang birtud.
D. Paghihiganti sa kapwa bunga ng maling nagawa.Tumutukoy sa tradisyunal na pagsamba ng mga Hapon sa kalikasan at paniniwala sa mga diyos o anito na mula sa kalikasan.
A. Budismo B. Jainismo C. Shintoismo D. TaoismoBatay sa pananampalatayang Kristiyano, sino ang pinakamataas na lider ng simbahang Katolika at pinakamataas sa hanay ng kaparian na sumisimbolo bilang unibersal?
A. Hesukristo B. Pablo C. Pedro D. Santo PapaAyon kay Confucius, ang kalikasan ng tao ay mabuti at anumang kasamaan ay hindi natural. Tinuran niya rin na ang tao ay may kalayaang kumilos ayon sa kanyang kagustuhan. Sa papaanong paraan ito maiiugnay sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa ng mabuti sa kapwa na may hinihinging kapalit.
B. Pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan tulad ng mga nasalanta ng sakuna.
C. Pagpili ng mga taong tinutulungan batay sa estado ng pamumuhay.
D. Pagbibigay tulong sa mahihirap ngunit labag sa kalooban.“Anumang mabuti ay galing sa mabuti at anumang masama ay galing sa masama.” Ano ang nais ipabatid ng pangungusap na ito?
A. Ang tao ay gumagawa ng naaayon sa pansariling kagustuhan.
B. Ang kalikasan ng tao ay masama at dapat baguhin ayon sa aral ni Confucius.
C. Ang tao ay may likas na pag-iisip at may kakayahang malaman ang masama at mabuti.
D. Ang pagpapasya sa tama o maling gawi ay dapat nakabatay sa pansariling pananaw.
3 CO_Q4_AP7_Module7
Batay sa Limang Haligi ng Islam, alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakawanggawa, pagbibigay-malasakit at tulong sa kapwa?
A. Sawm B. Salah C. Shahadah D. ZakatAno ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa aspekto ng pamumuhay ng mga tao sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya?
A. Nagsilbi itong tagapagbuklod sa mga tao sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala at nagbukas ng kaisipan sa paggawa ng mabubuti batay sa aral ng relihiyong kinapapalooban nito.
B. Nagdulot ito ng maraming suliranin bunga ng kawalan ng matibay na batayan sa paghahambing ng mga paniniwala.
C. Nagbigay ito ng negatibong epekto dahil sa iba’t ibang paniniwala at pinagmulan ng mga relihiyon.
D. Nagbigay-daan ito sa pagtamo ng kapayapaan bunga ng sigalot sa aspekto ng paniniwala.
Aralin 1
Bahaging Ginampanan ng Relihiyon sa Aspekto ng Pamumuhay sa Silangan at Timog-Silangang Asya
May natutunan ka bang aral sa nakalipas na aralin? Napagnilayan mo ba ang mga ito? Paano mo ito binigyang pansin? Muli nating sariwain ang nakalipas na aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing ito.
Balikan
[illustration: hand holding a puzzle piece beside the heading]
Gawain: Kahulugan, Itala Mo!
Panuto: Maglagay ng mga datos na may kaugnayan sa Ideolohiyang Sosyalismo. Para sa mas malinaw na daloy ng impormasyon kaugnay sa paksa ay maaari mong balikan ang iyong tala sa kuwaderno.
[illustration: a bucket with smoke rising, above three trapezoid-shaped labeled boxes]
| PRINSIPYO NG SOSYALISMO | MGA PINUNO AT BANSANG YUMAKAP | MABUTI AT MASAMANG EPEKTO |
|---|---|---|
4 CO_Q4_AP7_Module7
Tuklasin
Mga Tala para sa Guro
Naglalaman ang modyul na ito ng mga mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng graphic organizer, puzzle box, teksto suri, pagbuo ng salita, at pagsulat ng maikling talata upang masukat ang kaalamang nakuha sa teksto. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyamanin pa ng mga guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.
Matapos mong masukat ang iyong kakayahang sagutin ang naunang gawain, ngayon ay lilinangin mo ang iyong kaalaman at kasanayan ukol sa mga relihiyon. Upang lubos mo itong maunawaan, simulan mo ito sa pagpuno sa mga gawain.
Gawain: Makulay Ka Nga Ba?
Panuto: Suriin ang color wheel. Ang bawat hati ay may katumbas na kulay na sumisimbolo sa bawat relihiyon sa Asya. Kulayan ang loob ng kahon na angkop sa iyong sagot. Tukuyin kung sa anong relihiyon napapabilang ang mga pangungusap batay sa paniniwalang Asyano. Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang umunawa. Halika at iyong simulan!
Pula – Kristiyanismo, Lila – Taoismo, Dilaw – Confucianismo
Berde – Islam Asul – Budismo Kahel – Hinduismo
Suriin
[illustration: color wheel divided into eight segments of different colors]
- Walong dakilang daan
- Gintong kautusan at paggalang
- Pagmamahal sa kalikasan
- Pagbibigay-abuloy o limos
- Pagsunod sa 10 Utos
- Pag-uuri ng tao batay sa estadong panlipunan.
- Paggalang sa nakatatanda
Napag-isipan mo ba kung bakit umusbong ang relihiyon sa Asya? Sinasabing ang relihiyon ay kalipunan ng mga paniniwala na nag-ugat libong taon na ang nakararaan. Ito ay sumibol at naipalaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig maging sa Asya. Ang mga pinagmulan ng mga establisadong relihiyon na ito ay nahati sa tatlong pangkat: ang Silangan, Kanluran, at Timog, kung saan umusbong ang mga unang relihiyon na hanggang sa ngayon ay isinasabuhay ng nakararami. Sa kasalukuyan, ang relihiyon ang pangunahing salamin ng mga tao sa kanilang mga painiwala at gawi. Sa araling ito, iyong pagtutuunan ng pansin ang mga relihiyong umusbong sa Hilagang-Silangang Asya at mga relihiyong lumaganap at nagimpluwensya sa Timog-Silangang Asya at kung papaano nito naimpluwensiyahan ang pamumuhay ng bawat kasapi.
Mga Relihiyon sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya
Mga dapat mong malaman:
- Anumang batayan ang gamitin sa pagkilala ng mga tao sa daigdig, ang mahalagang tandaan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng wika, lahi, relihiyon, at kultura ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga tao sa mundo.
- Ang relihiyon ay nagmula sa salitang Latin na ”re-ligare” na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob. Ang relihiyon ay naging bahagi na ng buhay ng mga tagasunod at dito na rin nila ibinabatay ang kanilang mga ikinikilos at ginagawa.
- May kani-kaniyang mga aral, doktrina, at paniniwalang sinusunod ang mga mananampalataya nito. Bagaman sinasabing ito ay kalipunan ng mga sistemang paniniwala at maging kultural, ito ay nag-uugnay sa lahat. Mapapansin natin sa kasalukuyan na malaki ang nagiging bahagi ng relihiyon sa paghubog ng pagkatao ng mananampalataya nito na nagsilbing gabay nila sa kanilang pamumuhay.
- Maraming relihiyon ang nagmula sa Asya at pinagyaman ng mga mananampalataya sa ngayon. Ito din ang naging batayan sa pagsasagawa ng mga batayang batas pang-etika at moral.
Sa araling ito, mas lalo pa nating palalalimin ang iyong pag-unawa ukol sa kahalagahan ng relihiyon sa paghubog ng pamumuhay ng tao. Handa ka na ba? Tara at iyong aralin ang mga relihiyon sa Asya!
Shintoismo
Ang Shinto ay ang katutubong relihiyon ng bansang Hapon at dating pambansang relihiyon ng estado. Ito ay kinapapalooban ng pagsamba sa Kami, o mga diyos. Ang ibang Kami ay lokal at maaaring ang mga espiritu o ang henyo ng isang partikular na lugar, ngunit ang iba ay nagpapakita ng mas malaking bagay na natural ang proseso. Halimbawa nito ay si Amaterasu-ōmikami na diyosa ng araw na kilala bilang Bundok Fuji.
Ang Shinto ay isang sistemang may paniniwalang animistiko. Ito ay nagmula sa salitang Tsinong Shén Dào na ang kahulugan ay daan ng mga diyos.
Mga Paniniwala
- Purification: Pagtatanggal ng masamang espiritu sa katawan.
- Kami: Banal na espiritu na lumalabas nasa anyo ng mga bagay.
- Aragami: Masamang Kami na pinatay at ngayon ay naghahanap ng paghihiganti.
- Mizuko: Mga batang hindi naipanganak at naging sanhi ng problema.
- Mizuko Kuyo: Pagsamba sa mga Mizuko upang maiwasan ang problema.
Confucianismo
Ang Confucianismo ay umusbong sa Shandong, China mula sa isang iskolar na nagngangalang Confucius. Ayon sa paniniwala ni Confucius, ang mabuting paraan ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala ng kapayapaan. Hindi ito
itinuturing na relihiyon ng iba dahil hindi lahat ng elemento ng isang relihiyon ay taglay ng Confucianism. Nakapokus ito sa paraan ng pamumuhay at ethical teachings. Naniniwala sila sa isang panginoon sa langit at nag-aalay sila ng iba’t ibang sakripisyo rito. Hindi sila naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan.
Mula sa China, ang mga aral ng Confucianismo ay nakarating sa mga bansang Hapon at Korea maging sa ilang bahagi ng Timog-Silangang Asya tulad ng Singapore at Vietnam.
Confucius (551-479 B.C)
[photo: portrait of Confucius, a bearded man in traditional robes]
Si Confucius ang sinasabing sumulat at namatnugot ng marami sa mga klasikong teksto ng Tsina kabílang ang lahat ng Five Classics, ngunit ang mga makabagong iskolar ay maingat sa pagbibigay ng tiyak na mga asersiyon kay Confucius.
Ang prinsipiyo ni Confucius ay nakabase sa mga paniniwala at tradisyon ng mga Tsino. Pinalaganap niya ang matatag na katapatan sa pamilya, paggalang sa mga sumakabilang-buhay, paggalang ng mga bata sa mga matatanda at ng mga bána sa kanilang asawa. Pinapayo niya rin na gawing basehan ang pamilya para sa isang ulirang pamahalaan. Siya ang yumakap sa tanyag na Ginintuang Patakaran o Aral: “Huwag mong gagawin sa iba ang ayaw mong gawin din nila sa iyo.”
Ang Anim na Prinsipyo ni Confucius
- Ang kalikasan ng tao ay mabuti at anumang kasamaan ay hindi natural.
- Ang tao ay malayang kumilos ayon sa kaniyang kagustuhan at siya ang panginoon ng kanyang pagpipili.
- Ang birtud ay ang sarili niyang gantimpala. Kung ang isang tao ay gumawa ng mabuti dahil sa gantimpala o umiwas sa masama dahil sa takot sa parusa nito, ito ay hindi maituturing na isang birtud.
- Ito ang batas para sa pansariling pagkilos: “Huwag mong gagawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin nila sa iyo.”
- Ang tao ay may limang pangunahing relasyon at tungkulin: sa kaniyang hari, sa kaniyang ama, sa kaniyang asawa, sa kaniyang nakatatandang kapatid, sa kaniyang kaibigan.
- Ang tao ay kailangang magsumikap na maging superyor o nakakaangat na tao.
Ito ang isa sa mga batayang pangkaisipan ng bansang Tsina. Isa sa pinakamahusay na mangangaral nito ay si Lao Tzu. Siya ay isinilang noong 500 B.C. sa Hunan sa Timog China. Nagtrabaho siya sa Imperial Library. Nagsilbi siyang tagapayo at tagaturo sa mga maharlikang pinuno. Isinasabuhay sa kanyang mga aral ang kahalagahan ng pakikipag-isa sa kalikasan at ang tamang balanse ng kaisipan. Sa kaniyang simpleng pamumuhay, natuto siyang sumunod sa tinatawag niyang “Tao” na ang ibig sabihin ay ang daan.
Ang pagiging isa sa kalikasan ang kanyang pangunahing aral. Sinangguni niya sa kanyang mga aral ang kahalagahan ng pansariling pagbubulay-bulay, pakikipag-ugnayan sa kalikasan, at ang pagiging mahinahon sa lahat ng oras at pagkakataon.
Mga paniniwala ng Taoismo
| Mga Turo: | Mga Paniniwala: |
|---|---|
| Lahat ng bagay ay iisa. Paniniwala na kapag gumawa ng masama, ang dapat na kapalit ay paggawa ng mabuti. Sa reyalidad, ang buhay at kamatayan ay magkasama Mga birtud: pagpipigil sa sarili, pagpapasensiya, at pagpapakumbaba. Ang estado ay dapat payak at mapayapa. | Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan Chi: Enerhiya na nanggagaling sa kalikasan o sa tao Tao: isang puwersa sa likod ng mga natural na kaayusan Wu wei: Pagtatakwil sa mga gawaing may hinihintay na kapalit Pu: Lahat ng bagay ay nakikita at ito ay walang preconceptions De: Pagkakaroon ng birtud, moralidad, at integridad. |
Limang Birtud ng Buhay
- Benebolensya (Jen)– ang pag-iisip lagi ng kabutihan ng mamamayan sa kanyang kapuwa
- Kabutihan (Yi)- huwag mong gawin ang mga bagay na makasasama sa iyong pinuno at kapuwa tao
- Propriety (Li)- laging pagkilos nang may paggalang at kagandahangloob
- Karunungan (Chin)- laging napapatnubayan ng kaalaman at pagunawa
- Katapatan (Hsin)- pagiging tapat at makatotohanan sa lahat ng ginagawa
Taoismo
[photo: portrait of Lao Tzu, an elderly bearded man in robes]
Ang Konsepto ng Yin at Yang
- Ang simbolo ng balanseng kalikasan at daigdig.
- Ang Yin ang sumisimbolo sa pagkababae – malambot at kalmado, kumakatawan din sa kadiliman.
- Ang Yang naman ang sumisimbulo sa kalalakihan matigas at masigla, at kumakatawan sa kaliwanagan.
[illustration: yin and yang symbol with mountains, sun, and landscape scenes]
Hinduism
[photo: statue of a figure with one hand raised]
Ang Hinduismo ay isa sa nananaig na relihiyon ng subkontinenteng Indiano. Bagaman nagsimula sa India, ang Hinduismo ay nakarating at lumaganap sa ilang bahagi ng Timog-Silangang Asya. Pinaniniwalaan na dumating ito sa rehiyon noong unang siglo ng kasalukuyang panahon. Ang malaking impluwensya nito sa Timog-Silangang Asya ay makikita sa mga kahariang may bakas ng Hindu-Buddhist tulad ng matatagpuan sa Cambodia, Burma (Myanmar ngayon), Thailand, at ilang bahagi ng Indonesia lalo sa Bali.
Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo, Śrauta, at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na ispektrum ng mga batas at preskripsiyong mga “pang-araw-araw na moralidad” batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga paniniwala.
Bagaman ito ang pangunahing relihiyon sa India, ang mga Aryan ang unang tribong sumampalataya sa relihiyong ito. Naniniwala sila sa mga diyos-diyosan na mula sa iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ang kanilang paniniwala ay napalitan ng pagsamba kay Brahma. Veda ang tawag sa banal na kasulatan ng mga Hindu na nagmula pa sa panahon ng mga Aryan. Tinuturo ng Veda kung paano magkaroon ng mahaba at mabuting buhay ang tao. Ginagalang ng Hinduismo ang indibiduwal na pagsamba; mayroon silang mga altar at pumupunta rin sila sa mga banal na lugar.
Paniniwala ng mga Hindu
[chart: pyramid; Paniniwala ng mga Hindu. Labels from top to bottom: BRAHMIN; KSATRIYA; VAISYA; SUDRA; PARIAH]
Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala ng pagkakaisang espirituwal. Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto sa lahat ng mga bagay na may buhay at espiritu o kaluluwa.
Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng diyos na tinatawag na polytheism. Bahagi ng kanilang paniniwala ang reinkarnasyon na kung saan ang namatay na katawan ng tao ay isisilang muli sa ibang anyo, paraan, o nilalang. Naniniwala rin sila sa Karma.
Ang Karma ay ang pagkakaroon ng gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapuwa at pagdurusa naman kung di mabuti ang ginawa. Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa buhay at ito ay dapat na inaalay sa diyos anuman ang kaniyang antas sa lipunan.
Sinusunod din nila ang isang sistemang panlipunan na nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng bawat antas ng tao. Brahmin ang tawag sa hanay ng mga kaparian, samantalang Khsatriya naman ang hanay ng mga mandirigma. Ang mga Vaishya ang tinatawag na pangkaraniwang mamamayan; Sudra ang pinakamamabang uri ng tao sa lipunan, at ang mga Pariah ay ang indibiduwal na hindi kabilang sa lipunang Hindu.
Paano naisasabuhay ng mananampalataya ng Hinduismo ang mga aral ni Brahma? Ito ba ay may pagkakatulad sa iyong paniniwala? Sa ilalim ng sistemang Caste, paano nito nasasalamin ang katayuang panlipunan ng mga tao?
Budismo
Ang Budismo (Buddhism) ay isa sa mga nangungunang relihiyon ngayon sa daigdig pagdating sa dami ng tagasunod, pamamahagi sa heograpiya, at impluwensiya sa lipunan at kultura. Katulad ng Hinduismo, isinilang ito sa India at lumaganap rin sa Timog-Silangang Asya. Isang malaking relihiyon sa Silangan, ito ay naging kilala at maimpluwensya rin. Bagaman marami itong pagkakahalintulad sa Hinduismo na parehong nagtuturo ng Karma (tuntunin ng sanhi-epekto), Maya (ang ilusyong kalikasan ng mundo), at Samsara (ang muling pagkakatawang-tao) marami rin itong kaibahan sa Hinduismo.
Ang mga Buddhist ay naniniwala na ang pinakalayunin sa buhay ay ang makamit ang tinatawag nilang “enlightenment” o Nirvana. Ang Budismo ay itinatag ni Sidharta Gautama, isang prinsipe. Isinuko niya ang karangyaan, luho, at masarap na buhay bilang tagapagmana ng kanyang ama. Iniwan niya ang kanyang pamilya at naglakbay hanggang matuklasan ang kaliwanagan (Nirvana).
Alam mo ba?
Apat na Dakilang Katotohanan ng Budismo:
- Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay.
- Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
- Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
- Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at matatamo ang tunay na kaligayahan o Nirvana.
Walong Dakilang Daan
a) Tamang Pag-iisip b) Tamang Aspirasyon c) Tamang Pananaw d) Tamang Intensiyon e) Tamang Pagsasalita f) Tamang Pagkilos g) Tamang Hanap-buhay h) Tamang Pagkaunawa
[chart: stacked layers diagram; Walong Dakilang Daan. Center layer label: Apat na Dakilang Katotohanan ng Budismo]
Papaano nakaaapekto sa pamumuhay ng mananampalataya ng Budismo ang pagsunod sa walong dakilang daan?
Kristiyanismo
[photo: image of Jesus Christ with hand raised, in a red-and-white robe]
Ang Kristiyanismo ang may pinakamalaking bilang sa lahat ng mga relihiyon sa mundo batay sa dami ng mga tagasunod at kasapi nito ngunit sa Timog-Silangang Asya, tanging ang Pilipinas lamang ang may malaking bilang ng tagasunod nito. Ito ay relihiyong batay sa buhay at turo ni Kristo Hesus. Ang Kristiyanismo ay mula sa relihiyong Judaismo. Si Kristo-Hesus ang ipinangakong Mesiyas at manunubos. Siya ang tagapagligtas na ipinadala upang iligtas ang sanlibutan. Ayon kay Hesus, mahal ng Diyos Ama ang lahat ng taong tatanggap at mananampalataya nang tunay at lubos sa Kanya.
Ang Katolisismo ang pangunahing bumubuo sa Kristiyanismo na pinagtibay ng Simbahang Katolika, naniniwala sa Santisima Trinidad na may nag-iisang Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Ito ay nakabatay sa dalawang paniniwala: ang pagkilala kay Hesus bilang anak ng Diyos at paniniwala sa kaniyang muling pagkabuhay. Bahagi ng paniniwalang Katolisismo ang pagsunod sa Pitong Sakramento at pagsasabuhay ng Sampung Utos ng Diyos at mga kautusan ng simbahan na nagmumula sa Santo Papa sa Rome. Ang Santo Papa ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika.
CO_Q4_AP7_Module7
[transcriber’s note: the module title is not printed on these pages; the module code from the page footer is used as the title]
Mga Sakramento
- ✓ Pagbibinyag
- ✓ Pagkukumpisal
- ✓ Kasal
- ✓ Pagbabasbas ng Kamatayan
Islam
[illustration: silhouette of a person praying in front of a mosque skyline]
Ang Islam ay isang salitang Arabik na nangangahulugan ng ganap na pagsuko at pagpapasakop. Kapag ito ay ginamit sa terminong pangrelihiyon, ang kahulugan nito ay ang ganap na pagpapasakop at pagsunod sa nag-iisang Diyos si Allah.
Ang salitang Islam ay nagmula sa salitang “Salam” na ang kahulugan ay kapayapaan. Ang sinumang ganap na nagpapasakop at tumatalima sa utos ng Allah ay tinatawag na Muslim.
Sa Timog-Silangang Asya, ang Islam ang relihiyong pinaniniwalaan ng karamihan sa mga mamamayan ng Indonesia, Malaysia, Brunei. Sa Pilipinas, matatapuan sa Mindanao ang karamihan ng mga Muslim sa bansa.
[photo: pilgrims gathered around the Kaaba in Makkah]
Pamprosesong Tanong
- Pamilyar ka ba sa istrakturang nasa larawan?
- Ano kaya ang kaugnayan nito sa pananampalatayang Islam?
Limang Haligi ng Islam
- Shahada [Ang Pagsaksi sa Kaisahan ng Allah at Pagkapropeta ni Muhammad]
- Salah [Ang Tungkuling Pagdarasal]
- Salatul Fajr (pagdarasal sa madaling araw)
- Salatul Duhr (pagdarasal sa tanghali)
- Salatul Asr (pagdarasal sa hapon)
- Salatul Magrib (pagdarasal sa takipsilim)
- Salatul Isha (pagdarasal sa gabi)
- Zakat [Ang Itinakdang Kawanggawa/Ang Nagpapadalisay na Limos]
- Sawm [Ang Pag-aayuno sa buwan ng Ramadan]
- Hajj [Ang Paglalakbay sa Makkah o Mecca]
Mga Pangunahing Paniniwala sa Islam
Ang tunay at matapat na Muslim ay naniniwala sa sumusunod na pangunahing saligan ng pananampalataya.
- Naniniwala at sumasampalataya sa iisang Diyos (Allah), ang Kataastaasan at Walang Hanggan, Ang Makapangyarihan, Mahabagin, Madamayin, ang Lumilikha at Tagapanustos.
- Naniniwala sa lahat ng Propeta ng Allah nang walang pagtatangi-tangi. Bawat lahi ay nagkaroon ng Tagapagbabala o Propeta mula sa Diyos.
- Naniniwala at sumusunod sa mga kasulatan at Pahayag ni Allah (Banal na Qur’an). Ito ang mga patnubay na tinanggap ng mga Propeta upang ipakita sa sangkatauhan ang tamang landas tungo kay Allah.
- Naniniwala sa mga anghel ni Allah. Sila ay mga ispirituwal at kahangahangang nilikha na likas na hindi nangangailangan ng pagkain, inumin, o tulog.
- Naniniwala sa Araw ng Paghuhukom. Sa araw ng pagwawakas, ang mga patay ay ibabangon upang humarap sa makatarungang paglilitis.
- Naniniwala sa Tadhana, mabuti man o masama ito.
(Pinagkunan: Ahmed Ricalde, Magbalik Islam, Islamic Da’wah & Guidance Center – Dammam Kingdom of Saudi Arabia, 3-5.)
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks, activity icon]
Kumusta ang iyong paglalakbay sa mga relihiyong sumibol sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya? May napulot ka bang mga mabuting aral at bagong kaalaman? Hinihikayat kitang gawin mo ang huling bahagi ng ating gawain.
Subukin natin ngayon ang iyong kakayahan at kaalaman sa paksang binasa. Punan mo ng impormasyon ang pader ng kaalaman sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Gawain 1: Pader ng Kaalaman
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong sariling ideya tungkol sa tanong sa ibaba. Masasagot mo ito sa anyo ng pangungusap o pagguhit. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Paano mo maipakikita ang pang-unawa sa kahalagahan ng mga aral at turo ni Confucius at Lao Tzu sa pamumuhay ng mga Tsino?
[transcriber’s note: a blank bordered frame for the learner’s answer appears at the top of this page, before the Gawain 2 heading; it is printed without text]
Gawain 2: Sagip-isip
Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan ang nilalaman ng teksto at maisakatuparan ang Gawain 1 na nasa itaas, subukin mo namang sagutin ang ilang katanungan sa ibaba upang higit pang mapalalim ang iyong pang-unawa sa aralin. Sagutin mo ito nang may buong katapatan at kahusayan gamit ang iyong kuwaderno.
- Batay sa teksto, ano ang pangunahing papel na ginagampanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano?
- Bakit madaling nahikayat ang mananampalataya na yakapin ang mga relihiyong kanilang kinabibilangan?
- Paano nagkakatulad ang papel na ginagampanan ng bawat relihiyon sa Asya sa gampanin nitong mapabuti ang pangangailangang espiritwal ng bawat kasapi?
- Paano mo pinili ang kasalukuyang relihiyon na iyong pinaniniwalaan? Nakaapekto ba ito sa pananaw mo sa buhay?
Gawain 3: Tore ng Kasanayan
Panuto: Punan ang loob ng kahon ng mga hinihinging impormasyon ayon sa natutuhan mo sa binasang teksto. Gawin ito sa kuwaderno.
Magbigay ng tatlong mahahalagang aral na iyong nagustuhan sa mga nabanggit na relihiyon.
1.______________________________________ 2.______________________________________ 3.______________________________________
Isaisip
[illustration: hand holding a lightbulb, activity icon]
Gawain: Hayag-Laya
Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga mamamayang sumisimbolo sa aspektong panrelihiyon sa daigdig. Subukin mong sagutin ang mga katanungan sa loob ng kahon. Gawin ito sa kuwaderno.
[illustration: leaning tower of Pisa with three arrows pointing to its levels, labeled Top, Middle, and Ground]
| Level | Konsepto o kaalaman at tanong |
|---|---|
| Top | Konsepto o kaalaman na aking natutunan. 1. 2. 3. |
| Middle | Konsepto o kaalaman na di ko gaanong naunawaan. 1. 2. |
| Ground | Tanong na nais ko pang mabigyang-linaw. 1. |
Magbigay ng tatlong mahahalagang aral na iyong nagustuhan sa mga nabanggit na relihiyon.
1.______________________________________ 2.______________________________________ 3.______________________________________
Isagawa
[illustration: hand holding hexagon shapes, activity icon]
Gawain: Gumawa ng isang islogan na sa tingin mo ay magpapakita ng bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng mga Asyano. Pumili ng isa at isulat ito sa papel.
[illustration: globe surrounded by people of different religious traditions, with speech bubbles]
- Bilang isang kabataan, ano ang relihiyon na nais mo? Bakit?
- May pagkakatulad ba ang Islam sa Kristiyanismo?
- Mayroon bang pagbabagong naidulot sa aspekto ng pamumuhay ng mga Asyano ang relihiyon nila?
[chart: concept map; untitled]
Center: RELIHIYON
Connected to:
- PAMAHALAAN
- POPULASYON
- EKONOMIYA
- PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG BABAE AT LALAKI
- LIPUNAN
Tayahin
[illustration: hand holding a pencil, activity icon]
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Ang salitang ito ay nangangahulugang ”re-ligare” na ang ibig sabihin ay pagbubuklod at pagbabalik-loob.
A. Islam
B. Relihiyon
C. Quran
D. TorahBilang tagasunod ng pananampalatayang Islam, sa papaanong paraan nila ito naisasabuhay?
A. Pag-aaral ng bibliya.
B. Pagsunod sa utos ni Brahma.
C. Ganap na pagpapasakop at pagtatalima sa utos ng Allah.
D. Pagkain ng mga ipinagbabawal ayon sa aklat ng Quran.Sa relihiyong Hinduismo makikita ang pag-uuri ng tao sa lipunan. Sino-sino ang bumubuo sa hanay ng mga alipin?
A. Brahmin
B. Kshatriya
C. Pariah
D. VaishyaPapaano nakaaapekto ang paniniwalang Budismo sa sistema ng pamumuhay ng mga tagasunod nito?
A. Nagsilbi itong batayan ng paggawa ng mabuti sa kapwa at lipunan.
B. Nagsilbi itong batayan ng pagbibigay parusa sa mga nagkakasala.
C. Ang mga tagasunod ay naging mapanuri sa kanilang kilos at gawi.
D. Ang mga tagapagpalaganap ay naging mataas ang tingin sa sarili dahil sa sistema ng lipunan.Ang mga Brahmin ang tinaguriang pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Budismo. Ano ang kanilang pangunahing tungkulin sa lipunan?
A. Sila ang tagapanguna sa espirituwal na gawain na binubuo ng hanay ng kaparian.
B. Sila ang mga mamamayan mula sa hanay ng mga mandirigma.
C. Nagmula sa hanay ng mga aliping nakagawa ng mabuti at nabigyan ng pagkakataong manungkulan sa lipunan.
D. Mga hanay ng mga edukador, artisan, at mangangalakal.Alin ang HINDI napapabilang sa anim na prinsipyo ni Confucius?
A. Ang kalikasan ng tao ay mabuti at anumang kasamaan ay hindi natural.
B. Ang tao ay malayang kumilos ayon sa kaniyang kagustuhan at siya ang panginoon ng kanyang pagpipili.
C. Ang birtud ay ang sarili niyang gantimpala. Kung ang isang tao ay gumawa ng mabuti dahil sa gantimpala o umiwas sa masama dahil sa takot sa parusa nito, ito ay hindi maituturing na isang birtud.
D. Paghihiganti sa kapwa bunga ng maling nagawa.Ano ang implikasyong dulot ng pagkakaroon ng pag-uuri ng tao sa lipunang Hindu?
A. Ito ay nagsilbing batayan ng yaman ng mga mamamayan.
B. Nagdulot ito ng kaguluhan dahil sa mas maraming mayayaman ang bumubuo sa lipunan.
C. Nakapagpababa ito ng tingin sa sarili para sa mga mahihirap at ang kahalagahan nila sa lipunan.
D. Nakapagdulot ito ng mabuting pamamaraan ng klasipikasyon ng tao.Sa paniniwalang Islam ano ang tawag sa kaugalian ng pagdarasal sa madaling araw?
A. Salatul Fajr
B. Salatul Duhr
C. Salatul Isha
D. Salatul AsrTumutukoy sa tradisyunal na pagsamba ng mga Hapon sa kalikasan at paniniwala sa mga diyos o anito.
A. Budismo
B. Jainismo
C. Shintoismo
D. TaoismoIto ay salitang Arabik na nangangahulugan ng ganap na pagsuko at pagpapasakop?
A. Budismo
B. Islam
C. Taosimo
D. ConfucianosmoAyon kay Confucius, ang kalikasan ng tao ay mabuti at anumang kasamaan ay hindi natural. Tinuran niya rin na ang tao ay may kalayaang kumilos ayon sa kanyang kagustuhan. Sa papaanong paraan ito maiiugnay sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa ng mabuti sa kapwa na may hinihinging kapalit.
B. Pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan tulad ng mga nasalanta ng sakuna.
C. Pagpili ng mga taong tinutulungan batay sa estado ng pamumuhay.
D. Pagbibigay tulong sa mahihirap ngunit labag sa kalooban.Batay sa pananampalatayang Kristiyano, sino ang pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika na sumisimbolo bilang unibersal?
A. Hesukristo
B. Pablo
C. Pedro
D. Santo Papa“Anumang mabuti ay galing sa mabuti at anumang masama ay galing sa masama.” Ano ang nais ipabatid ng pangungusap na ito?
A. Ang tao ay gumagawa ng naaayon sa pansariling kagustuhan.
B. Ang kalikasan ng tao ay masama at dapat baguhin ayon sa aral ni Confucius.
C. Ang tao ay may likas na pag-iisip at may kakayahang malaman ang masama at mabuti.
D. Ang pagpapasya sa tama o maling gawi ay dapat nakabatay sa pansariling pananaw.Batay sa Limang Haligi ng Islam, alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakawanggawa, pagbibigay-malasakit at tulong sa kapwa?
A. Salah
B. Sawm
C. Shahada
D. ZakatAno ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa aspekto ng pamumuhay ng mga tao sa Timog at Timog-Silangang Asya?
A. Nagsilbi itong tagapagbuklod sa mga tao sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala at nagbukas ng kaisipan sa paggawa ng mabubuti batay sa aral ng relihiyong kinapapalooban nito.
B. Nagdulot ito ng maraming suliranin bunga ng kawalan ng matibay na batayan sa paghahambing ng mga paniniwala.
C. Nagbigay ito ng negatibong epekto dahil sa iba’t ibang paniniwala at pinagmulan ng mga relihiyon.
D. Nagbigay-daan ito sa pagtamo ng kapayapaan bunga ng sigalot sa aspekto ng paniniwala.
Karagdagang Gawain
[illustration: hand holding gears, activity icon]
Gawain: Ako at ang Aking Pamayanan
Panuto: Sa iyong kuwaderno, pumili ng tatlong tao na maaari mong makapanayam na may iba’t ibang paniniwala o relihiyong kinabibilangan. Sa loob ng graphic organizer sa ibaba, punan mo ang mga hinihinging datos. Maging maingat at magalang sa pagkuha ng mga impormasyon.
[chart: graphic organizer; untitled]
Two smiling face outlines flank a stack of four labeled boxes, from top to bottom:
- Relihiyong kinabibilangan.
- Tagal ng taon bilang kasapi/miyembro.
- Mga aral at turo na may kahalintulad sa ibang relihiyon.
- Bagong aral na iyong isinabuhay.
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
- C
- C
- B
- C
- A
- B
- C
- D
- D
- C
- D
- D
- C
- A
- A
TAYAHIN
- B
- C
- D
- B
- A
- D
- B
- A
- C
- B
- D
- D
- C
- D
- A
TUKLASIN
GAWAIN 1
- Asul – Budismo
- Dilaw – Confucianismo
- Lila – Taoismo
- Berde – Islam
- Pula – Kristiyanismo
- Asul – Nudismo
- Dilaw – Confucianismo
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answers above are read from the rotated image]
Sanggunian
Aklat
Ahmed Ricalde, Magbalik Islam, Islamic Da’wah & Guidance Center – Dammam Kingdom of Saudi Arabia.)
Modyul
Project EASE Modyul 14: Ang Mundo ng Kabanalan sa Asya, PROJECT EASE MODULE 14- Araling Panlipunan II.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply