AP 7 Quarter 4 Module 6: Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay-Wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

This is the Araling Panlipunan 7 (Grade 7 social studies) self-learning module for Quarter 4, Module 6: “Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay-Wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya” (the role of nationalism in ending imperialism in East and Southeast Asia). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd MIMAROPA Region, First Edition 2020, written in Filipino for learners studying at home. It shows how China, Indonesia, Burma (Myanmar), Korea, and the Philippines won their freedom from foreign rule. Learners then reflect on how they can show love of country today.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  1. Define nationalism (nasyonalismo).
  2. Discuss how the countries of Northeast and Southeast Asia gained their freedom.
  3. Explain why nationalism mattered in ending imperialism in East and Southeast Asia.

The module is tied to this Most Essential Learning Competency, marked for Week 6:

  • Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya (values the role nationalism played in ending imperialism in East and Southeast Asia).

It supports the quarter’s content and performance standards. These ask learners to value, and critically analyze, how Asians responded to change and development in East and Southeast Asia from the 16th to the 20th century.

Key ideas: nationalism in Asia

The module explains that Western conquest and exploitation of Asian countries led to the rise of nationalism in Asia. It defines nasyonalismo as a patriotic feeling shown through deep love and high regard for the motherland. It names two forms:

  • Defensive nationalism (mapagtanggol na nasyonalismo), as shown by the Philippines.
  • Aggressive nationalism (mapusok na nasyonalismo), as Japan once showed.

The two World Wars played a big part. After World War I, the balance of power shifted and Japan rose as a strong military power. It pushed for racial equality, which Western nations ignored. World War II strengthened nationalism in Southeast Asia, and many countries there became independent after the war.

How each country gained its freedom

CountryLeaders named in the moduleIdeology or methodKey events
ChinaSun Yat-sen, Chiang Kai-shek; the Boxers; Mao ZedongDemocratic nationalism; traditional nationalism (Boxer Rebellion); nationalism influenced by communismJapan’s Manchurian incident and attack on Nanking; after World War II, Mao’s communists won the mainland and the nationalists fled to Formosa (Taiwan)
IndonesiaAchmed SukarnoGuided democracy based on PancasilaIndependence on August 17, 1945 through a revolution against the Dutch; Sukarno made president for life in 1963
Burma (Myanmar)Aung San, U Nu, General Ne WinAnti Fascist People’s Freedom League (AFPFL); Anglo-Burmese agreement; “Myanmar way to socialism”Separated from India in 1935; occupied by Japan; independence declared January 4, 1948
KoreaThe Korean peopleRepeated attempts to drive out the JapaneseJapan used Korea as a military base and forced its culture on it; freedom came faster after Japan’s defeat in World War II
PhilippinesEmilio AguinaldoFirst Philippine Republic in Malolos, Bulacan (democratic government)Spanish-American War; Benevolent Assimilation and the Treaty of Paris; Japanese occupation; independence returned in July 1946

A few points the module stresses:

  • Pancasila is Sukarno’s five guiding principles: belief in God, nationalism, humanitarianism, social justice, and democracy guided by wisdom.
  • In Burma, Aung San’s group first worked with Japan against the British. They later saw that Japan meant to rule them, not free them, and formed the AFPFL. Aung San and his cabinet were later killed by men hired by his rival U Saw, and U Nu continued his work.
  • In the Philippines, some Filipinos fought the Americans, while others cooperated with them. Because Filipinos were not united, the Americans set up a colonial government. American rule was paused when Japan invaded during World War II. The module cites historian Renato Constantino: even after 1946, the Philippines was not fully free, because the United States kept strong economic and political influence.

How to use this module

The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:

  1. Subukin (pretest): 15 items, multiple choice and naming the country.
  2. Balikan (review): a diagram on women’s movements in Japan and the Philippines from the previous lesson.
  3. Tuklasin (explore): a jumbled-letters game and the first column of a generalization table.
  4. Suriin (discuss): the reading on nationalism and each country’s road to freedom.
  5. Pagyamanin (practice): a country summary table, sentence completion, and a short narrative essay.
  6. Isaisip (remember): finishing the generalization table.
  7. Isagawa (apply): writing a personal pledge to protect the country’s freedom, and drawing on why love of country matters.
  8. Tayahin (post-test): 15 items.
  9. Karagdagang Gawain (extra activity): composing a short patriotic song.

For learners: Write your answers on separate paper or in your notebook, not on the module. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after you finish, and answer honestly. Contact your teacher if a lesson is hard to follow.

For parents and guardians: Help your child follow the parts in order and keep the module clean so others can use it.

For teachers: The teacher’s notes say the activities are planned for a three-day session. You are encouraged to adapt them to your learners’ interests and abilities. The answer key for the Balikan review lists names and organizations without matching them. Also check pretest item 8 against the reading: the printed key gives D, but the lesson says American rule paused because of World War II, which is choice C.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 7 Araling Panlipunan, Quarter 4, Module 6. Its learning competency is marked for Week 6.

Which countries does the module discuss?

It covers how China, Indonesia, Burma (Myanmar), Korea, and the Philippines won their freedom from foreign rule.

How does the module define nasyonalismo?

It defines nationalism as a patriotic feeling shown through deep love and high regard for the motherland. It names two forms: defensive nationalism, as shown by the Philippines, and aggressive nationalism, as Japan once showed.

Does the module have an answer key?

Yes. It includes answers for the Balikan review, the Tuklasin word game, the pretest, and the post-test. The printed pretest answer for item 8 (D) does not match the lesson, which points to World War II (C).

What is Pancasila?

Pancasila is the set of five guiding principles behind Sukarno’s guided democracy in Indonesia: belief in God, nationalism, humanitarianism, social justice, and democracy guided by wisdom.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan

Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay-Wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

7

[illustration: students reading and studying outdoors and at a desk, a teacher, and a globe]

CO_Q4_AP7_Module6

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay-Wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lanie D. Vallejo Editor: Jim Paul M. Belgado Tagasuri: Nimfa V. Alaska Tagaguhit: Glendale John V. Felizarte, Karl Gabriel G. Buenafe Tagalapat: Liezl O. Arosio Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, Mariflor B. Musa, Danilo C. Padilla, Freddie Rey R. Ramirez, Cyril C. Serador, Ronald S. Brillantes, Marites L. Arenio, Eva Joyce C. Presto, Rhea Ann A. Navila

Inilimbag sa Pilipinas ng __________________

Department of Education – MIMAROPA Region Office Address : Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telefax : (02) 8631-4070; 8637-3093; 8637-3139 Email Address : region4b@deped.gov.ph

7

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay-Wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluraning bansa ang nagbigaydaan sa pagbangon ng nasyonalismo sa Asya. Iyong napag-alaman sa mga naunang aralin ang maraming salik sa pag-usbong ng nasyonalismo ng isang bansa, nangunguna na ang pinagdaanang kasaysayan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

[illustration: dove with an olive branch]

“Ibon man may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak.” Ipinahihiwatig ng bahagi ng awiting “Bayan Ko” ang pagmamahal sa kalayaan. Para sa iyo, bakit mahalaga ang kalayaan? Ano ang gagawin mo kung may mga dayuhang nais sakupin ang ating bansa? Sa kasalukuyan, paano mo ipapakita ang pagmamahal sa iyong bansang sinilangan? Paano ipinakita ng mga kapwa nating Asyano ang damdaming nasyonalismo?

Sa bahaging ito ng aralin ay lubos mong mapahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Halina at iyong tuklasin!

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahan sa iyo ang sumusunod:

  1. Nabibigyang kahulugan ang nasyonalismo;
  2. Natatalakay ang paglaya ng mga bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya; at
  3. Naipahahayag ang kahalagahan ng bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Ang pagkamit mo sa nabanggit na layunin ay magiging tulay upang tiyak na matutunan mo ang sumusunod na pamantayan at kasanayan:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)

Ang mag-aaral ay napahahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika 16-ika hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYAN SA PAGGAWA (Performance Standard)

Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo).

PAMANTAYANG PAMPAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
  • Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya. (Week 6)

Subukin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan o pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa kalahating bahagi ng papel.

  1. Tukuyin sa sumusunod na mga pangungusap ang angkop sa konsepto ng Digmaang Español-Amerikano.

    • A. Pinangunahan ng mga Español ang pakikidigma sa Amerikano.
    • B. Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa mga Pilipino upang matalo ang mga Español.
    • C. Pinangunahan ng mga Amerikano ang pakikidigma sa mga Español.
    • D. Nakipagsabwatan ang mga Español sa mga Pilipino upang matalo ang mga Amerikano.
  2. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin. May mga gumamit ng rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya, at pagtatatag ng mga makabayang samahan upang maipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?

    • A. Magmasid sa mga pangyayaring nagaganap sa bansa.
    • B. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pansariling interes.
    • C. Mag-aral upang hindi maging pabigat sa lipunan.
    • D. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad.
  3. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng nasyonalismo MALIBAN sa:

    • A. Si Juan ay malimit na bumili at gumamit ng produktong imported sa paniniwala na mahinang uri ang mga gawa sa Pilipinas.
    • B. Masipag mag-aral si Maria at sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral ay plano niyang magtrabaho sa kanyang sariling bansa.
    • C. Nangangarap si Pedro na maging isang sundalo upang maging tagapagtanggol ng bansang Pilipinas.
    • D. Si Ana ay nanirahan ng permanente sa bansang kanyang sinilangan upang maging kabahagi sa pag-papaunlad nito.
  4. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang maaaring epekto o bunga ng pagpapakita ng damdaming nasyonalismo?

    • A. Pandarayuhan upang takasan ang mga obligasyon bilang Filipino.
    • B. Pag-unlad ng mga negosyanteng Tsino.
    • C. Pagtulong sa kapwa at gobyerno sa panahon ng kagipitan gaya ng sakuna.
    • D. Pagdagsa ng imported na mga produkto.
  5. Damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan:

    • A. Imperyalismo C. Nasyonalismo
    • B. Kolonyalismo D. Patriotismo
  6. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagpapakita ng sitwasyon ng bansang nakamit ang hinahangad na kasarinlan?

    • A. May pangulo at ikalawang pangulo.
    • B. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga dayuhan.
    • C. Nakakagawa ng sariling pasya o desisyon para sa ikabubuti ng bansa.
    • D. Ang mga likas na yaman ay kontrolado at pinakikinabangan ng mga dayuhan.
  7. Ang dahilan ng paglaya ng mga Indonesian noong Agosto 17, 1945:

    • A. Rebolusyon laban sa mga French C. Rebolusyong Komersyal
    • B. Rebolusyon laban sa mga Olandes D. Digmaang Indones-French
  8. Ang dahilan ng pansamantalang pagtigil ng pananakop ng mga Amerikano:

    • A. Batas Tydings-McDuffie C. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • B. Benevolent Assimilation D. Unang Digmaang Pandigdig
  9. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa nasyonalismo sa Burma (ngayon ay Myanmar)?

    • A. Nakamit ng Burma ang kalayaan sa pamamagitan ng kasunduang Anglo-Burmese noong Enero 4, 1948.
    • B. Agad na nagtagumpay ang rebolusyong nilunsad ng mga Burmese.
    • C. Ang bansang China ang matagal na sumakop sa Burma.
    • D. Kinontrol ng China ang Burma sa tulong ng India at Britanya.
  10. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang TAMA sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya?

    • A. Patuloy na pagtanggap at pagsunod sa mga kanluranin.
    • B. Takot na makitil ang sariling buhay sa pakikipaglaban.
    • C. Paggamit ng iba’t ibang pamamaraan para matamo ang kasarinlan.
    • D. Pagyakap at pakikiisa sa mga kanluranin.

Panuto: Tukuyin kung anong bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya ang ipinapahayag ng sumusunod na mga pangungusap. Pumili ng sagot na nasa kahon. Gawin ito sa kwaderno.

[transcriber’s note: the answer choices are printed in a box: Pilipinas; Burma (Myanmar); Korea; China; Indonesia]

  1. Nasakop ng Japan at ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan.


  2. Pinamunuan ni Emilio Aguinaldo ang isang demokratikong pamahalaan.


  3. Nakaranas ng kahirapan laban sa mga Hapones kaya itinatag ang kilusang Anti Fascists People’s Freedom League o AFPFL.


  4. Umusbong ang nasyonalismong tradisyunal upang paalisin ang mga kanluranin at ang impluwensya nito na pinangunahan ng samahang Boxers.


  5. Pinasimulan ni Sukarno ang pamahalaang guided democracy (limited democracy).


Aralin 1: Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay-Wakas sa Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Nasuri mo sa nakaraang aralin ang kababaihan sa Asya, mga samahan, kilusan o organisasyong naitatag tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya, at karapatang pampolitika.

Natatandaan mo ba ang mga ito? Halika at sagutin mo ang gawain!

Balikan
Gawain: Diagram-Impormasyon

Panuto: Punan ng wastong impormasyon ang mga blankong kahon na bahagi ng diagram. Kopyahin at sagutin ito sa kalahating bahagi ng papel.

[chart: graphic organizer diagram; Gawain: Diagram-Impormasyon]

  • Kababaihan sa Silangan at Timog-Silangang Asya
  • Japan | Pilipinas
  • Nanguna/Nagtatag
  • _____ | _____
  • Samahan o Kilusan
  • _____ | _____
Mga Tala para sa Guro

Naglalaman ang modyul na ito ng iba’t ibang mungkahing gawain upang malinang ang kakayahan at kasanayan ng mga mag-aaral. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang estratehiya tulad ng paggamit ng talahanayan, jumbled letters, generalization table, pagsulat ng pangako, pagguhit, pagbuo ng awit, atbp. Ang bawat gawain sa isang aralin ay nakabatay sa tatlong araw na sesyon. Iminumungkahi na pagyayamanin pa ng guro ang mga mungkahing gawain at estratehiya batay sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral.

Tuklasin

Bago mo lubos na unawain ang araling nakapaloob sa modyul na ito ay subuking sagutin ang mga gawain at kumuha ng ideya sa magiging paksa.

Gawain 1: Hula-Salita

Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong letra upang mabuo ang angkop na salita. Sagutin ito sa iyong kuwaderno.

A. _____________________

K L A N A A Y A

Ibang katawagan sa kasarinlan.

B. _____________________

N S A Y A L S M I O N O

Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa.

C. _____________________

K N L U A I N R A N

Ang mga nanakop sa mga bansa sa Asya.

D. _____________________

S Y A A

Pinakamalaking kontinente.

E. _____________________

D M K A A S Y O R E

Kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.

Pamprosesong Tanong:

  1. Ano-ano ang nabuong salita?
  2. Ano ang ipinahihiwatig ng mga salitang ito?
  3. Sa iyong palagay, ano ang magiging paksa ng ating aralin?
Gawain 2: Ang Aking Pang-unawa (Unang Bahagi)

Panuto: Sagutan ang Generalization Table. Ano na ang iyong alam tungkol sa ating aralin? Sagutan ang hanay na Ang Aking Naunang Pagkakaunawa. Samantala, masasagutan mo lamang ang iba pang bahagi ng talahanayan sa susunod na bahagi ng aralin na ito. Kopyahin at sagutin ito sa kuwaderno.

Mga TanongAng Aking Naunang PagkakaunawaAng Aking mga Natuklasan at Pagwawastong GinawaAng Aking mga PatunayAng Aking Paglalahat
1. Ano-ano ang pangyayaring nagbigay daan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
2. Bakit magkakaiba ang paraan ng pagpapakita ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano?
3. Paano ipinamalas ng mga mamamayan sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang nasyonalismo?
4. Ibigay ang kahalagahan ng pagpapamalas ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

(Pinagkunan: Rosemarie C. Blando et al., ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2014, 347.)

Naibigay mo ba ang iyong ideya sa maaaring pag-aralan sa modyul na ito? Mahalaga ang pagpapahayag ng iyong mga naunang pang-unawa o kaalaman at sa pagtatapos ng araling ito ay higit mong mapalalalim ang iyong kaisipan at lubos mong mauunawaan ang kahalagahan ng nasyonalismo sa pagwawakas ng imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Suriin

[illustration: collage of Asian historical figures and people with raised hands and keys]

Nasyonalismo sa Asya

Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano, ang nagbigay-daan sa pag-usbong ng Nasyonalismo sa Asya.

Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan, ayon sa aklat na kabihasnang Asyano (SEDP Edisyon). Ang nasyonalismo sa Asya ay may iba’t ibang anyo tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon.

Paano nga ba lumawak ang damdaming nasyonalismo? Naging matagumpay ba ang mga Asyano na wakasan ang Imperyalismo sa pamamagitan ng nasyonalismo? Halina at ating alamin sa pamamagitan ng modyul na ito.

Hakbang sa Paglaya ng Silangan at Timog-Silangang Asya

Ang pananakop at paniniil sa mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon sa pag-aabuso at pagyurak sa karapatan ng mga bansa sa dalawang rehiyon na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.

Ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaapekto upang makamit ang Kalayaan. Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, nagbago ang balance of power. Nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kaniyang hukbong militar. Isinulong na rin nito pagkatapos ng digmaan ang racial equality o pantay na pagtingin sa lahi na hindi pinansin ng mga Kanluranin.

Dahil naman sa Ikalawang Pandigmaang Pandaigdig, lumakas ang nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya. Napabilis ang paglaya kaya maraming mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang nagsarili pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Masasabi na ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang isa sa nakaapekto upang magising ang damdaming nasyonalismo ng mga Asyano. Ang pagmamalabis na kanilang naranasan ang isa sa naging sanhi ng pag-usbong ng pagmamahal sa bansa at lumaban upang makamit ang Kalayaan.

Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya

Hindi man tuwirang nasakop ng mga kanluranin, dumanas ng maigting na imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo. Ang imperyalismong Kanluranin sa Silangang Asya ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at kultura ng mga Asyano.

[chart: map of Asia with portraits of leaders; visible labels include Russia, China, Kazakhstan, Mongolia, India, Mao Zedong, Sun Yat-sen]

Paglaya ng China
Pinuno/ LiderIdeolohiya/ NasyonalismoLayunin/Pangyayari
Dr. Sun Yat-sen [photo: portrait of Dr. Sun Yat-sen] Chiang Kai-shek [photo: portrait of Chiang Kai-shek]DemokratikoNasyonalismong may impluwensya ng Kanluran na ang layunin ay maging republika ang China.
Boxer (Rebelyong Boxer) [illustration: Boxer rebels with a bag marked CHINA]Nasyonalismong tradisyunalPaalisin ang mga Kanluranin at ang impluwensya nito.
Mao Zedong [photo: portrait of Mao Zedong]Nayonalismong may impluwensya ng komunismoTunggalian ng uring-manggagawa o proletariat laban sa kapitalista o bourgeois.

Sa paglakas ng nasyonalismong Tsino, nabahala ang Japan na maapektuhan ang interes nito sa China kung kaya’t naging sunod-sunod ang ginawang pakikidigma at pananakop nito. Una na rito ang naganap na Manchurian incident sinundan ng pagsalakay sa Nanking na nasundan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy ang kaguluhan sa China sa pagitan ng puwersa komunista ni Mao Zedong at nasyonalista ni Chiang Kai-shek. Natalo ang nasyonalista at napasailalim sa komunistang pangkat ang mainland China samantalang ang nasyonalista ay tumakas noong October 1, 1949 at pumunta sa isla ng Formosa na ngayon ay tinatawag na Taiwan.

Paglaya ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya

[chart: map of South and Southeast Asia with portraits of leaders and captions; visible labels include Russia, China, Kuomintang, Civil Disobedience, India, Sri Lanka, Philippines, Indonesia; one small caption is [illegible]]

Lubos na naramdaman ang kalupitan ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa Timog-Silangang Asya. Iba-iba ang pamamaraang ginamit ng mga naging pinunong lider sa mga kilusang naghangad ng paglaya sa mga Europeong mananakop sa rehiyong ito.

Naghain ang mga Asyano ng mga reporma, nagbuo ng mga makabayang organisasyon, at nang lumaon ay gumamit din ng mga madugong pakikihamok laban sa kanilang mananakop upang mapagtagumpayan nila ang kanilang paghahangad sa pagsasarili.

Paglaya ng Indonesia
Pinuno/ LiderIdeolohiya/ NasyonalismoLayunin/Pangyayari
Achmed Sukarno [photo: portrait of Achmed Sukarno]Guided democracy (limited democracy)-Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa pamamagitan ng Rebolusyong laban sa mga Olandes.
-Umigting ang pagnanasang lumaya nang pagkalooban ng simbolikong kalayaan si Sukarno noong sakupin sila ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nang matalo ang Japan, dumating muli ang mga Olandes upang ibalik ang kanilang pamamahala sa Indonesia.
-Subalit ang Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay lumaban sa loob ng 23 taon.
-Pinasimulan ni Sukarno ang pamahalaang guided democracy base sa Pancasila – limang (5) patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Diyos, nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang panlipunan, at demokrasyang gagabayan ng karunungan.
-Tinanggap at ipinagbunyi ito ng mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong 1963. Subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pag-abuso niya sa kapangyarihan.
Paglaya ng Burma (Myanmar)
Pinuno/ LiderIdeolohiya/ Nasyonalismo/ Kilusan o KasunduanLayunin/Pangyayari
U Nu – Pinunong Ministro ng Republika ng Burma na kalaunan ay inilipat kay Heneral Ne Win na isang diktador-militarIdeolohiyang Myanmar way to socialism-Kinumpiska ng pamahalaan ang negosyo, bangko at pribadong ariarian. Ito ang dahilan kaya nawalan ng hanapbuhay ang mga dayuhan.
-Noong hindi pa nakamit ng Burma ang kalayaan, ang kumukontrol dito ay ang India sa tulong ng Britanya at China. Bilang pagtugon sa pananakop na ito, nagtatag ang Burma ng iba’t ibang kilusang naghahangad ng kalayaan. Nang maramdaman ng Ingles ang pagpupunyagi sa kalayaan ng mga Burmese nagkaroon ng pagbabago sa bansa na humantong sa paghiwalay ng Burma sa India noong 1935. Ilan pang pagbabago ang tinangka ng pamahalaang Ingles ngunit hindi ito nangyari

(table continued from the previous page)

Pinuno/ LiderIdeolohiya/ Nasyonalismo/ Kilusan o KasunduanLayunin/Pangyayari
dahil sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nasakop ng bansang Japan ang Burma.
-Upang makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese, maagang ipinahayg ng Japan ang pagtataguyod tungo sa kasarinlan.
Pangkat ni Aung San ng Dohama Asiayona (Burma of Burmese)-Nakipagkasundo sa Japan tungkol sa pagtustos ng sandata at sa pamumuno sa militar. Sila ay nagsanib-puwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga Ingles. Kahit ipinahayag ng Japan ang kalayaan ng Burma, ngunit sa katotohanan ay sakop pa rin nito ang bansa.
-Sa kalaunan, nadama ng mga Burmese ang tunay na layunin ng pagtulong na ito ng Japan, hindi para sila ay palayain kundi para sila ay sakupin.
Aung San [photo: portrait of Aung San]Anti Fascitsts People’s Freedom League o AFPFL (Na binubuo ng Makademokratiko at Komunistang Pangkat)-Nakaranas ng kahirapan ang Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kaya nagtatag sila ng kilusan laban sa Japan.
-Nagapi nila ang mga Hapones at bumalik ang mga Ingles subalit hindi na pumayag ang mga Burmese kaya’t sunod-sunod na usaping pangkalayaan ang naganap.
U Nu [photo: portrait of U Nu]Kasunduang Anglo-Burmese-Nagpahayag ng kalayaan sa Burma noong Enero 4, 1948.
-Sa kasawiang palad, pinatay si Aung Sun at ang kanyang gabinete ng upahang armado ng kanyang talunang kalaban na si U Saw.
-Nang maaresto si U Saw ay ipinagpatuloy ni U Nu ang naiwan ni Aung San.
Paglaya at Pagkakahati ng Korea
Pinuno/ LiderIdeolohiya/ NasyonalismoLayunin/Pangyayari
Korean⇨Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan. Bunsod nito, maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones.
⇨Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang mga Hapones.
Nasyonalismo sa Pilipinas
Pinuno/ LiderIdeolohiya/ NasyonalismoLayunin/Pangyayari
Heneral Emilio Aguinaldo [photo: portrait of Heneral Emilio Aguinaldo]Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan Huyo 12, 1898 (Demokratikong pamahalaan)⇨Nakamit ng Pilipinas ang paglaya. Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Español sa Digmaang Español-Amerikano kung saan natalo ang mga Español. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis ang mga Amerikano at ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino kaya idineklara ang kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan.
⇨Samantala, iba naman ang ikinilos ng mga Amerikano. Nagpalabas ito ng patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng paglipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Español. Naging hayagan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano kaya’t sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ibang Pilipino⇨Subalit may ibang Pilipino na hindi sumunod, walang pakialam, at tuluyang nakiisa sa mga Amerikano. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag ang Amerikano ng pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa interes ng mga Amerikano at pinalaganap ang edukasyong makabanyaga. Tinugis din nila ang mga Pilipinong lumaban para sa kalayaan at ipinatapon ang ibang lider-Pilipino sa ibang bansa.
Ibang Pilipino⇨Ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga Amerikano ay isinulong ang paghingi ng kalayaan. Dahil ang kalayaan ay hinihingi, matagal bago ito naibalik at sa bawat paghingi ito ay tinumbasan ng mas malaking kapalit katulad ng mga likas na yaman at pagkontrol sa kalakalan.

Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano nang tayo’y masangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nilusob tayo ng Japan dahil kaalyado natin ang mga Amerikano at dahil nasa ating bansa ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano. Sa kasagsagan ng digmaan, iniwan tayo ng mga lider-Amerikano at natira tayong lumalaban at nagtanggol sa ating kalayaan. Nasakop tayo ng Japan sa loob ng limang taon. Natalo ang Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya binalikan tayo ng mga Amerikano at ibinigay ang ating kalayaan noong Hulyo 1946. Ayon kay Renato Constantino, hindi naman ganap na nakamtan

ng Pilipinas ang kalayaan dahil nanatili pa ring makapangyarihan at maimpluwensya ang Amerikano sa Pilipinas sa larangan ng kabuhayan at politika.

Iyong nabatid ang mga pamamaraang ginawa ng mga Asyano sa rehiyon ng Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya upang lumaya sa mga mananakop.

Tunghayan mo ang sumusunod na gawain upang ipakita ang iyong mga nakuhang kaalaman at nabuong konsepto sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay wakas ng imperyalismo sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya.

Pagyamanin

Gawain 1: I-Tala Mo

Iyong natunghayan kung paano lumaya ang mga bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya. Upang magkaroon ng buong pananaw sa paglaya ng mga bansa ay sagutin ang gawain sa talahanayan.

Panuto: Punan ng impormasyon ang talahanayan. Kopyahin at sagutin ito sa kuwaderno.

Bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang AsyaNamunoMga Bansang NanakopPamamaraang Ginamit sa PaglayaIdeolohiya/Nasyonalismong Niyakap
China
Indonesia
Burma
Korea
Pilipinas

Pamprosesong Tanong:

  1. Paano ipinakita ng mga bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya ang pagmamahal sa bayan? Magbigay ng patunay sa iyong mga sagot.


  2. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya? Magbigay ng patunay sa iyong sagot.


  3. Naging mahalaga ba ang pagpapakita o pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo o ideolohiya sa paglaya ng mga bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya? Pangatwiranan ang iyong sagot.


Gawain 2: Dugtungang Pangungusap

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pangungusap. Gawin ito sa kalahating bahagi ng papel.

  1. Ang damdaming nasyonalismo ay …


  2. Ang paglaya ng mga bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya ay makasaysayan dahil sa…


  3. Mapahahalagahan ko ang mga pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa ganitong paraan…


Gawain 3: Mahalagang Papel

Panuto: Para sa iyo, ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa paksang “Bahaging Ginampanan ng Nasyonalismo sa Pagbibigay Wakas sa Imperyalismo sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya.” Isa-isahin ito at bigyan ng patunay. Isulat ito sa iyong kuwaderno sa paraang pasalaysay o pakuwento.

Isaisip

Gawain 1: Ang Aking Pang-unawa-2

Panuto: Sagutan ang Generalization Table. Sa bahaging ito ay sagutan ang hanay na Ang Aking mga Natuklasan at Pagwawastong Ginawa, Ang Aking mga Patunay, at Ang Aking Paglalahat. Sagutin ito sa kuwaderno karugtong ng Unang bahagi.

Mga TanongAng Aking Naunang PagkakaunawaAng Aking mga Natuklasan at Pagwawastong GinawaAng Aking mga PatunayAng Aking Paglalahat
1. Ano ano ang pangyayaring nagbigay daan sa paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
2. Bakit magkakaiba ang paraan ng pagpapakita ng damdaming nasyonalismo o ideolohiya ng mga Asyano?
3. Paano ipinamalas ng mga mamamayan sa Silangan at Timog-Silangang Asya ang nasyonalismo?
4. Ibigay ang kahalagahan ng pagpapamalas ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo Silangan at Timog-Silangang Asya.

Ngayon ay nabigyan mo nang buod ang mga pangyayaring nagbigay-laya sa mga Asyano, kung gaano kahalaga ang nasyonalismo upang ganap na matamo ang kalayaan ng sariling bansa.

Isagawa

Gawain 1: Pangako Sa’yo!

Panuto: Bilang isang mag-aaral, sumulat ng pangako. Gawing gabay ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

“Bilang isang Pilipino, paano mo mapangangalagaan ang kalayaan ng ating bansa?”

Ang Aking Pangako

Ako si_____________________ ay





Lagda

Inaasahan na ang iyong pangako ay maisabuhay at mas lalo pang uusbong ang iyong damdaming nasyonalismo.

Gawain 2: I-Guhit Mo

Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang panahon. Gawing gabay ang katanungang, “Gaano kahalaga ang katapatan at pagmamahal sa sariling bayan o bansa?” Iguhit ito sa isang buong short bondpaper.

Sa pagkakataong ito, makikita mo ang importansiya ng isang komunidad na maayos, mapayapa, at maunlad sa pamamagitan ng pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan o pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa kalahating bahagi ng papel.

  1. Damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan:

    • A. Imperyalismo
    • B. Kolonyalismo
    • C. Nasyonalismo
    • D. Patriotismo
  2. Ang dahilan ng paglaya ng mga Indones noong Agosto 17, 1945:



    • C. Rebolusyon laban sa mga French

    • D. Rebolusyon laban sa mga Olandes

    • C. Rebolusyong Komersyal

    • D. Digmaang Indones-French


    [transcriber’s note: the choices for item 2 are printed with the letters C and D twice, in two columns; the letters are kept as printed]


  3. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang TAMA sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya?

    • A. Patuloy na pagtanggap at pagsunod sa mga kanluranin.
    • B. Takot na makitil ang sariling buhay sa pakikipaglaban.
    • C. Paggamit ng iba’t ibang pamamaraan para matamo ang kasarinlan.
    • D. Pagyakap at pakikiisa sa mga kanluranin
  4. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa nasyonalismo sa Burma (ngayon ay Myanmar)?

    • A. Nakamit ng Burma ang kalayaan sa pamamagitan ng kasunduang Anglo-Burmese noong Enero 4, 1948.
    • B. Agad na nagtagumpay ang rebolusyong nilunsad ng mga Burmese.
    • C. Ang bansang China ang matagal na sumakop sa Burma.
    • D. Kinontrol ng China ang Burma sa tulong ng India at Britanya.
  5. Tukuyin sa sumusunod na mga pangungusap ang angkop sa konsepto ng Digmaang Español- Amerikano.

    • A. Pinangunahan ng mga Español ang pakikidigma sa Amerikano.
    • B. Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Español.
    • C. Pinangunahan ng mga Amerikano ang pakikidigma sa Español.
    • D. Nakipagsabwatan ang mga Español sa Pilipino upang matalo ang mga Amerikano.
  6. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang maaaring epekto o bunga ng pagpapakita ng damdaming nasyonalismo?

    • A. Pandarayuhan upang takasan ang mga obligasyon bilang Filipino.
    • B. Pag-unlad ng mga negosyanteng Tsino.
    • C. Pagtulong sa kapwa at gobyerno sa panahon ng kagipitan gaya ng sakuna.
    • D. Pagdagsa ng imported na mga produkto.
  7. Ang dahilan ng pansamantalang pagtigil ng pananakop ng mga Amerikano:

    • A. Batas Tydings-McDuffie
    • B. Benevolent Assimilation
    • C. Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • D. Unang Digmaang Pandigdig
  8. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksyon ng mga Asyano sa kolonyalismo at imperyalismong kanluranin. May mga gumamit ng rebolusyon, pagyakap sa ideolohiya at pagtatatag ng mga makabayang samahan upang maipakita ang damdaming nasyonalismo. Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?

    • A. Magmasid sa mga pangyayaring nagaganap sa bansa.
    • B. Makiisa sa mga samahan na nagsusulong ng pansariling interes.
    • C. Mag-aral upang hindi maging pabigat sa lipunan.
    • D. Maging mabuting mag-aaral at makilahok sa mga gawaing pangkomunidad.
  9. Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang nagpapakita ng sitwasyon ng bansang nakamit ang hinahangad na kasarinlan?

    • A. May pangulo at ikalawang pangulo.
    • B. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay mga dayuhan.
    • C. Nakakagawa ng sariling pasya o desisyon para sa ikabubuti ng bansa.
    • D. Ang mga likas na yaman ay kontrolado at pinakikinabangan ng mga dayuhan.
  10. Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng nasyonalismo MALIBAN sa isa:

    • A. Si Juan ay malimit na bumili at gumamit ng produktong imported sa paniniwala na mahinang uri ang mga gawa sa Pilipinas.
    • B. Masipag mag-aral si Maria at sa pagtatapos ng kanyang pag-aaral ay plano niyang magtrabaho sa kanyang sariling bansa.
    • C. Nangangarap si Pedro na maging isang sundalo upang maging tagapagtanggol ng bansang Pilipinas.
    • D. Si Ana ay nanirahan ng permanente sa bansang kanyang sinilangan upang maging kabahagi sa pag-papaunlad nito.

Panuto: Tukuyin kung anong bansa sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya ang isinasaad ng sumusunod na pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon.

Indonesia | China | Pilipinas | Korea | Burma (Myanmar)

  1. Nakaranas ng kahirapan laban sa mga Hapones kaya itinatag ang kilusang Anti Fascists People’s Freedom League o AFPFL.


  2. Pinasimulan ni Sukarno ang pamahalaang guided democracy (limited democracy).


  3. Nasakop ng Japan at ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan.


  4. Pinamunuan ni Emilio Aguinaldo ang isang demokratikong pamahalaan.


  5. Umusbong ang nasyonalismong tradisyunal upang paalisin ang mga kanluranin at ang impluwensya nito na pinangunahan ng samahang Boxers.


Karagdagang Gawain

Gawain: Ang Awiting Ito

Panuto: Sa isang buong papel ay sumulat o mag-compose ng isang maikling awiting nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan (Makabayan song). Gumamit ng orihinal na lyrics at lapatan ng tono. Maaaring manghiram ng mga kilala o pamilyar na tono ng isang alam mong awitin at sagutin ang sumusunod na katanungan:

  1. Ano ang iyong naging damdamin matapos mong magawa ang iyong komposisyon?


  2. Nakatulong ba ito upang mas higit mong maramdaman ang kahalagahan ng damdaming nasyonalismo? Pangatwiranan.


Binabati kita! Mahusay mong nagampanan ang mga gawain sa iba’t ibang bahagi ng aralin. Lubos mong naunawaan ang kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa imperyalismo sa Hilagang-Silangan at Timog-Silangang Asya.

Susi sa Pagwawasto

Balikan

Pinuno/Lider

Eva Estrada Kalaw – Pura Villanueva Kalaw – Hiratsuka Raicho – Nogami Yaeko – Ichiro Iwasaki Ch[?] – Zenaida Quezon Avanceña –

Samahan:

New Japan Womens Association – Association Feminista Ilonga – Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan Samahang Progresibo ng mga Kababaihang Pilipino National Commission on The Role of Filipino Women National Organization of Women – Concerned Women of the Philippines

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the sections are transcribed here in the order Balikan, Tuklasin, Tayahin, Subukin]

Tuklasin

Gawain 1: HULA-SALITA

  1. KALAYAAN
  2. NASYONALISMO
  3. KANLURANIN
  4. ASYA
  5. DEMOKRASYA
Tayahin
  1. C
  2. B
  3. C
  4. A
  5. B
  6. C
  7. C
  8. D
  9. C
  10. A
  11. Burma
  12. Indonesia
  13. Korea
  14. Pilipinas
  15. China
Subukin
  1. B
  2. D
  3. A
  4. C
  5. C
  6. C
  7. B
  8. D
  9. A
  10. C
  11. Korea
  12. Pilipinas
  13. Burma
  14. China
  15. Indonesia

Sanggunian

Aklat

Blando, Rosemarie C., Adelina A. Sebastian, Angelo C. Espiritu, Erna C. Golveque, August M. Jamora, Regina R. Capua, Armi S. Victor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, Randy R. Mariano. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon. Pasig City: Department of Education, 2014.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *