Araling Panlipunan 6 Quarter 3 Module 1: Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1972)

This is the Araling Panlipunan 6 self-learning module for Quarter 3, Module 1: “Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1972)” (responding to the problems, issues, and challenges of the nation’s independence, 1946-1972). It is for Grade 6 learners studying at home or in class. It explains the economic problems the Philippines faced after World War II, the unequal agreements signed with the United States, and how Filipinos reacted to them.

What learners will learn

After the module, learners are expected to:

  1. Discuss the economic problems after the war and how the government responded to them.
  2. Discuss the laws and unequal agreements between the Philippines and the United States.
  3. Analyze the different reactions of Filipinos to the effects of independence shown in unequal agreements such as the Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights, and the Kasunduang Base-Militar (Military Bases Agreement).

Lessons in this module

  • Aralin 1: Mga Suliraning Pangkabuhayan na Kinaharap ng Pilipinas Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (economic problems the Philippines faced after World War II). Covers war damage, the weak economy, and President Manuel A. Roxas’s decision to accept American aid in exchange for unequal agreements.
  • Aralin 2: Iba’t ibang Reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Pagsasarili ng Bansa (Filipinos’ different reactions to the effects of independence). Covers public criticism of the Roxas administration, neocolonialism, the Hukbalahap, and the good and bad effects of trade with the United States.

Lesson 1 key ideas: problems after the war and the agreements with the United States

After World War II, the newly independent Philippines had to rebuild. The module lists these challenges:

  • Heavy damage to buildings and infrastructure, and paralyzed transportation
  • A weak economy and low production because rice fields and farms were destroyed
  • Uprisings of some groups against the government
  • Corruption among government officials
  • The need to strengthen foreign relations
  • The need to promote the welfare of citizens

Despite opposition from many Filipinos, President Manuel A. Roxas accepted aid from the United States. The agreements tied to that aid were:

AgreementWhat it said
Philippine Rehabilitation ActThe US would give $620 million in financial aid and pay $800 million for damage to civilian property caused by the war.
Bell Trade ActFree trade between the Philippines and the US for eight years, from 1946 to 1954.
Parity RightsAmericans would have equal rights with Filipinos to do business in the Philippines and develop its natural resources.
Military Bases AgreementAllowed 23 US military bases to stay in different parts of the country.

The module explains that because of these unequal agreements, the country did not become fully free. Roxas died of heart disease on April 15, 1948, before the problems were solved. Another problem grew: a high level of “colonial mentality”, the preference for foreign or “stateside” products, which hurt Filipino workers and the economy.

The module also describes the Ikatlong Republika (Third Republic), which lasted from 1946 to 1972 and was led by Manuel A. Roxas, Elpidio R. Quirino, Ramon F. Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado P. Macapagal, and Ferdinand E. Marcos.

Lesson 2 key ideas: how Filipinos reacted

Many Filipinos criticized the Roxas administration for signing agreements they saw as against the Constitution. Luis Taruc, Claro M. Recto, and others opposed them, but Roxas still pushed them through.

Neocolonialism is the way strong, powerful countries interfere in newly established states, using economic, political, and other influence to control them. The module says neocolonialism took hold in the Philippines because of US pressure on its economy and politics. As Filipinos lost trust in the government, the Hukbalahap (Hukbo Laban sa Hapon), led by Luis Taruc, became active again.

The agreements had both good and bad effects:

  • Good effects: many Philippine products were exported to the US and earned money for Filipino traders; traders learned to use machines and new technology; investment grew; products such as sugar, coconut, copra, and oil became known in Western countries.
  • Bad effects: the Philippine market became tied to the American market; less important goods entered the country; traditional industries weakened; local farm products competed with American ones; the middle class grew richer as investors in American-founded industries; tastes shifted toward foreign products; and Filipino farmers lost money on the costs of new machines and technology.

How to use this module

Each lesson follows the same parts: Balikan (review), Tuklasin (explore), Suriin (discussion), Pagyamanin (practice), Isaisip (key points), Isagawa (application), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (extra activity).

  • Learners: Start with the two-part Subukin (pretest) to see what you already know. Do not write on the module; answer on separate paper. Activities include a fish bone chart, a concept map, a stick-figure drawing of Filipinos’ reactions, and a spider web of good and bad effects. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Check answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end only after your child has finished, and encourage honest use.
  • Teachers: The answer key covers the pretest and the Lesson 1 Tayahin, gives possible answers for the Pagyamanin task on buying local products, and includes a 3-point rubric for written answers.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is Araling Panlipunan for Grade 6, Quarter 3, Module 1.

What are the unequal agreements discussed in the module?

The Philippine Rehabilitation Act, the Bell Trade Act, Parity Rights, and the Military Bases Agreement, all signed with the United States under President Manuel A. Roxas.

What is neocolonialism according to the module?

It is the way strong, powerful countries interfere in newly established states, using their economic, political, and other influence to control them.

What is colonial mentality?

The module describes it as Filipinos’ preference for products and culture from America and other countries over local goods, which made the economy weaker.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest and the Lesson 1 assessment, possible answers for one activity, and a scoring rubric.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1972)

[illustration: students reading and studying under a tree and in a classroom, with a teacher, a globe, and a child reading by a lantern]

CO_Q3_AP 6_ Module 1

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1962) Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VI – Western Visayas Office Address: Schools Division of Sagay City, Quezon St., Brgy Poblacion 1, Sagay City, Neg. Occ, 6122 Telefax: (034) 488-0415; 488-0416 E-mail Address: sagay.city001@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ruth Ann D. Monterroyo Editor: Mayo P. Villamor, Analee B. Alingco Tagasuri: Rizamie E. Flores, Ma. Analyn T. Villamor, Ryan Alvarez, Joy B. Fernandez Tagaguhit: Jessa P. Remata, Joeval P. Romelo Tagalapat: Bella P. Balandra, Cherry Ann R. Varon Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Elina D. Gonzaga, Donald T. Genine, Celestino Dalumpines IV, Nenita P. Gamao, Marlon Dublin, Jordan T. Beleganio, Ma. Gemma M. Ledesma, Josilyn S. Solana, Elena P. Gonzaga, Arlene G. Bermejo

6

Araling Panlipunan

Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagtugon sa mga Suliranin, Isyu at Hamon sa Kasarinlan ng Bansa (1946-1972)

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with arrow]

Kalayaan ang isa sa pinakadakilang handog ng ating mga ninuno. Sila ay nakipaglaban at nagbuwis ng buhay upang ito ay ating makamtan. Subalit alam mo ba na hindi naging madali para sa ating pamahalaan ang pagbangon mula sa mga hamon na dulot ng ikalawang digmaang pandaigdig kahit na naideklara na ang Pilipinas bilang isang bansang malaya?

Sa kabila ng pagsusumikap ng ating pamahalaan na iangat ang kabuhayan at moralidad nating mga Pilipino, ay ang mga suliranin sa lipunan na pilit binigyang solusyon ng mga lider at mga pangulong nagsilbi sa ating lipunan.

Sa modyul na ito, tatalakayin at ipapaliwanag natin ang mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon sa mga suliraning ito. Tatalakayin din natin ang ilang mga batas at mga hindi pantay na kasunduan sa pamamagitan ng Pilipinas at Estados Unidos at ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto ng pagsasarili ng bansa na ipinahahayag ng ilang di pantay na kasunduan tulad ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base-Militar.

May dalawang aralin sa modyul na ito:

  • Aralin 1- Mga Suliraning Pangkabuhayan na Kinaharap ng Pilipinas Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Aralin 2- Iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto ng Pagsasarili ng Bansa

Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang makakagawa ng mga sumusunod:

  1. Natatalakay ang mga suliraning pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon sa mga ito.
  2. Natatalakay ang mga batas at mga hindi pantay na kasunduan sa pamamagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
  3. Nasusuri ang iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga epekto ng pagsasarili ng bansa na ipinahahayag ng ilang di pantay na kasunduan tulad ng Philippine Rehabilitation Act, Parity Rights at Kasunduang Base-Militar.

1 CO_Q3_AP 6_ Module 1

Subukin

Unang Bahagi

Panuto: Ano ano kaya ang mga naging suliranin ng Pilipinas pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig? Lagyan ng (√) tsek ang mga pangungusap o parirala na naglalarawan sa mga suliraning ito. Gawin mo ito sa sagutang papel.

_____ 1. Naging mahirap ang transportasyon at komunikasyon sa bansa. _____ 2. Maraming nawasak na mga gusali. _____ 3. Kawalan ng mga makinarya at mga gamit na pang agrikultura. _____ 4. Naging masaya at maunlad ang pamumuhay sa Pilipinas _____ 5. Dumami ang mga iskwater sa Maynila. _____ 6. Maraming mga naging problema sa sistema ng edukasyon. _____ 7. Halos lahat ng mga dayuhan ay gustong mag negosyo sa Pilipinas. _____ 8. Lalong umunlad ang mga pamayanan sa Pilipinas. _____ 9. Nalugmok sa kahirapan ang ekonomiya ng Pilipinas. _____ 10. Nagkaroon ng malakas na antas ng “colonial mentality” ang mga Pilipino o ang pagkahilig sa mga produkto na galing o gawa sa ibang bansa.

2 CO_Q3_AP 6_ Module 1

Ikalawang Bahagi

Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

  1. Bakit maraming Pilipino ang nagalit at hindi sumang-ayon sa pagpirma ni Pangulong Roxas sa kasunduang inilahad ng Estados Unidos?
    a. Ang kasunduan ay pabor lamang sa mga Pilipino.
    b. Hindi naging pantay ang kasunduan sa mga Pilipino.
    c. Ang mayayaman lamang ang nakatanggap ng tulong at benepisyo.
    d. Marami ang nakatanggap ng benipisyo at tulong mula sa Estados Unidos.


  2. Bakit labag sa konstitusyon at saligang batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights?
    a. Ito ay isang paraan ng pakikipagkaibigan sa ibang bansa.
    b. Ito ay patakarang nag uutos na tumangkilik sa mga produkto ng ibang bansa.
    c. Ito ay isang paraan ng panghihimasok ng makapangyarihang mga bansa at mga bagong tatag na estado.
    d. Ito ay kasunduang nagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Pilipino at Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa.


  3. Naging aktibo ang kilusang Hukbalahap (Hukbo Laban Sa hapon) sa administrasyong Roxas. Alin kaya sa mga sumusunod ang maaring naging dahilan ng kanilang pag-aalsa?
    a. Pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga produkto ng ibang bansa.
    b. Hindi pagsang-ayon ng pamahalaan sa kasunduang Batas Militar.
    c. Pagbabayad ng pamahalaang Amerikano ng napakababang halaga sa Pilipinas bilang bayad pinsala sa digmaan.
    d. Galit at kawalan ng tiwala sa pamahalaan dahil sa pagsang-ayon nito sa mga hindi pantay na kasunduan na inilahad ng Estados Unidos.


  4. Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa mga reaksiyon ng mga Pilipino sa mga ilang hindi pantay na kasunduan. Alin sa mga ito ang hindi nabibilang sa kanilang mga reaksiyon?
    a. Pag-aalsa laban sa pamahalaan.
    b. Pagbatikos sa administrasyong Roxas
    c. Pakikipagsaya kasama ang mga Amerikano
    d. Galit dahil sa paglabag ng kanilang mga Karapatan


3 CO_Q3_AP 6_ Module 1

Aralin 1

Mga Suliraning Pangkabuhayan na Kinaharap ng Pilipinas Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matatag sa pagharap ng mga pagsubok at suliranin. Ang positibong katangian na ito ay napatunayan na mula sa ating mga ninuno na pilit bumangon at lumaban sa mga suliranin pagkatapos ng ikalawang digmaan. Tatalakayin at aalamin natin ang mga ito ngayon sa aralin na ito. Handa ka na ba? Magaling! Tara na!

Balikan

[illustration: puzzle pieces icon]

Panuto: Isa-isahin ang mga suliraning pangkabuhayan na hinarap ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel sa pamamagitan ng pagkumpleto sa fish bone chart.

[chart: fish bone diagram; Balikan fish bone chart for completing the economic problems faced by Filipinos after World War II] Values are not labeled on the chart.

4 CO_Q3_AP 6_ Module 1

Tuklasin

[illustration: ruined city with collapsed buildings, damaged houses, a damaged car, and a church, with smoke rising in the background]

Tingnang mabuti ang larawan.

Ano ang masasabi mo sa kalagayan ng Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Sa iyong palagay paano kaya nalagpasan ng mga Pilipino ang mga hamon na dulot ng digmaan?

Suriin

Sa pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig, naging isang malaking hamon sa Pilipinas ang pagbangon nito mula sa kinasadlakang suliranin at dulot na mga pinsala ng digmaan. Ilan sa mga hamon at suliraning ito ay ang mga sumusunod:

  1. matinding pinsala sa mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon
  2. mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at sakahan.
  3. pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan
  4. katiwalian ng mga opisyales sa pamahalaaan

Tinanggap ni Pangulong Manuel A. Roxas ang tulong na inialok ng Amerika dahil sa mga suliraning kinakaharap nito sa kabila nang pagtutol nang maraming Pilipino. Ang kasunduang ito ay ang tinatawag na Philippine Rehabilitation Act. Isinasaad sa kasunduan ang pagtanggap ng Pilipinas ng tulong mula sa Estados Unidos kapalit ng ilang mga hindi pantay na kasunduan.

Ang Philippine Rehabilitation Act ay nagsasad ng pagbibigay ng pamahalaang Amerikano ng halagang $620milyon na tulong pinansyal sa Pilipinas. Nakasaad din sa kasunduan pagbabayad ng Amerika nang halagang $800 milyon bilang bayad-pinsala sa mga ari-arian ng mga sibilyang naapektuhan ng digmaan.

Kapalit ng Philippine Rehabilitation Act, nilagdaan ang Bell Trade Act na nagsasaad na sa loob ng walong taon ay magkakaroon ng malayang kalakalan ang Pilipinas at Amerika mula 1946 hanggang 1954.

Maliban sa Bell Trade Act, ay nilagdaan din ang Parity Rights o ang kasunduan na nagpapahayag ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na magnegosyo sa Pilipinas at linangin ang mga likas na yaman nito.

Kaakibat ng mga Kasunduang Bell Trade Act at Parity Rights ay ang Kasunduang Base Militar na nagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang 23 base militar ng Amerika sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Ang sumusunod na balangkas ng kaisipan ay naglalarawan sa ikatlong republika ng Pilipinas at ang mga pangulong namuno nito kaakibat ang mga suliranin at hamong kinaharap ng kanilang mga administrasyon.

[chart: flowchart; Ikatlong Republika ng Pilipinas]

  • Ikatlong Republika ng Pilipinas
    • Naharap sa hamon at suliranin tulad ng:
      • Matinding pinsala ng digmaan
      • Mabuway na ekonomiya
      • Pag-aalsa ng ilang pangkat
      • Katiwalian sa pamahalaan
      • Pangangailangang patatagin ang ugnayang panlabas
      • Pangangailangang isulong ang kapakanan ng mga mamamayan
    • Nagtagal mula 1946 hanggang 1972
    • Pinamunuan nina:
      • Manuel A. Roxas
      • Elpidio R. Quirino
      • Ramon F. Magsaysay
      • Carlos P. Garcia
      • Diosdado P. Macapagal
      • Ferdinand E. Marcos
Pagyamanin

Ipinatupad ni Pangulong Manuel A. Roxas ang pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos sa kabila ng pagtutol ng maraming Pilipino. Siya ay naniniwala na malaki ang maitutulong ng hakbang na ito sa pagbangon ng ating bansa mula sa mga suliraning kinakaharap nito sa kasalukuyan.

Subalit, hindi nalutas ang mga suliranin dahil sa biglang pagpanaw ni Pangulong Roxas noong Abril 15, 1948 dahil sa sakit sa puso.

Sa halip na malutas ang mga suliranin ng ating bansa ay nagbunga pa ito nang isa pang matinding suliranin. Ito ay ang pagkakaroon ng mataas na antas ng “colonial mentality” ng mga Pilipino o ang pagkahilig at pangtakilik sa mga produktong gawa sa ibang bansa o “stateside” na mas lalong nagpahirap sa ekonomiya ng Pilipinas dahil sa halip na kumita ang mga manggawang Pilipino, ang mga dayuhang produkto ang mas tinatangkilik ng mga Pilipino.

Bakit kaya mahalaga ang pagtangkilik ng sariling produkto sa pag unlad at pagsulong ng bansa? Magbigay ng ilang mga dahilan. Isulat ang mga ito sa inyong papel.

Kahalagahan ng pagtangkilik ng sariling produkto sa pag unlad at pagsulong ng bansa.






[transcriber’s note: the answer lines are blank in the original]

Isaisip

Matinding dagok ang naging dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino ng mga pinsalang dala ng ikalawang digmaang pandaigdig. Kailangan nitong harapin ang mga hamon at suliranin na mga sumusunod: matinding pinsala sa mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon, mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at sakahan, pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan, katiwalian ng mga opisyales sa pamahalaaan, pangangailangang patatagin ang ugnayang panlabas at pangangailangang maisulong ang kapakanan ng mga mamamayan.

Napilitan ang Pangulong Manuel A. Roxas na tanggapin ang alok na tulong mula sa Estados Unidos kapalit ng ilang mga hindi pantay na kasunduan sa paniniwalang malaki ang magagawa nito sa pagbangon ng Pilipinas mula sa mga suliraning dulot ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Ito ang naging dahilan kung bakit hindi naging ganap na malaya ang ating bansa sa pagkakatali nito sa mga ilang hindi na pantay na kasunduan sa Estados Unidos kapalit ng tulong pinansyal na ibinigay nito sa Pilipinas.

Ang mga hindi pantay na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay ang mga sumusunod, Philippine Rehabilitation Act, Bell Trade Act, Parity Rights at Kasunduang Base Militar o Military Bases Agreement.

Ang kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas ay nagdulot ng isa pang suliranin. Ito ay ang pagkakaroon ng mataas na antas ng “colonial mentality” sa mga Pilipino o ang pagkahilig at pagtangkilik nito sa mga kultura at produkto mula sa Amerika at ibang bansa o “imported products” na lalong mas naka apekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

Isagawa

Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na concept map. Isa isahin ang mga suliraning pangkabuhayan na kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.

[chart: concept map; blank concept map, center “Mga suliranin pangkabuhayan kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaan”]

Center circle: Mga suliranin pangkabuhayan kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaan

Seven blank circles, each with blank lines:

  • Top circle: _____ _____ _____ _____ _____
  • Top-right circle: _____ _____ _____ _____ _____
  • Right circle: _____ _____ _____ _____ _____
  • Bottom-right circle: _____ _____ _____ _____ _____
  • Bottom-left circle: _____ _____ _____ _____ _____
  • Left circle: _____ _____ _____ _____ _____
  • Top-left circle: _____ _____ _____ _____ _____

[transcriber’s note: each blank circle has five lines in the original]

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong papel.

  1. Alin sa mga sumusunod ang hindi naging suliranin ng ating pamahalaan pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig?
    a. pag-aalsa ng ilang pangkat sa pamahalaan
    b. pagkakaroon ng mataas na antas ng pamumuhay na tulad ng Estados Unidos.
    c. wasak na mga gusali, imprastraktura at pagka paralisa ng mga transportasyon.
    d. mabuway na ekonomiya at bagsak na produksyon sanhi ng pagkasira ng mga palayan at sakahan.


  2. Anong hakbang ang ginawa ni Pangulong Manuel A. Roxas upang Matugunan ang mga hamon at suliranin sa kanyang administrasyon?
    a. Nakipag ugnayan at nakipag kaibigan sa bansang Espanya.
    b. Umalis papuntang Estados Unidos kasama ang kanyang gabinete.
    c. Pumirma nang kasunduang Philippine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Espanya.
    d. Pumirma nang kasunduang Philipine Rehabilitation Act sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.


  3. Sa iyong palagay, ang pagpirma ni Pangulong Manuel A. Roxas ng kasunduan sa Estados Unidos ay nakatulong ba upang matugunan ang mga suliranin at hamon na kinaharap ng Pilipinas pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig? Bakit?
    a. Hindi, dahil umasa na lamang ang mga Pilipino sa tulong na ibinigay ng Estados Unidos.
    b. Oo, dahil malaki ang naitulong nang perang ibinigay ng Estados Unidos sa Pilipinas sa rehabilitasyon at pagpapagawa ng mga bagong gusali sa ating bansa.
    c. Hindi tiyak o sigurado kung natugunan ba o hindi ang mga suliranin at hamong kinaharap ng pamahalaan.
    d. Oo, dahil nagkaroon ang mga Pilipino ng sapat na kamalayan sa mga produkto at kulturang kanluranin na siyang naging paraan upang bumuti ang antas ng kanilang pamumuhay.


  4. Ang mga sumusunod ay ang mga kasunduang kaagapay o kapalit ng Philippine Rehabilitation Act. Alin sa mga ito ang hindi?
    a. Batas Militar
    b. Bell Trade Act
    c. Parity Rights
    d. Military Bases Agreement


  5. Bakit mahalaga sa ekonomiya ng ating bansa ang pagtangkilik ng mga produktong sariling atin?
    a. Ipinapakita nito na mahal natin ang ating bansa.
    b. Makatutulong ito upang umangat pa at mas makilala ang ating produkto sa ibang bansa.
    c. Makatutulong tayo upang kumita at umunlad ang kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino
    d. Lahat ng mga nabanggit.


Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang suliraning pangakabuhayan na kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Magbigay ng iyong sariling mungkahi kung paano ito masolusyonan. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the original has an empty rounded answer box here]

Aralin 2: Iba’t ibang Reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Epekto ng Pagsasarili ng Bansa

Iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagpapatupad ng ilang mga hindi pantay na kasunduan sa ating bansa kapalit ng Philippine Rehabilitation Act. Ang pagpirma sa kasunduang ito ay nagbunga ng maganda at hindi magandang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

[illustration: puzzle-piece icon beside the “Balikan” heading]

Balikan

Panuto: Kilalanin ang mga sumusunod na hindi pantay na kasunduan. Piliin ang inyong sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Neocolonialism Military Bases Agreement Philippine Rehabilitation Act Military Assistance Agreement Parity Rights Bell Trade Act

_____________1. Kasunduan mula sa Estados Unidos na nagbibigay tulong sa Pilipinas sa halagang $620 milyon kapalit ng ilang mga hindi pantay na kasunduan.

_____________2. Kasunduan na nagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang mga hukbong sandatahan ng Estados Unidos.

_____________3. Kasunduan na nagsasaad ng pagkakaroon malayang kalakalan sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas sa loob ng walong taon.

_____________4. Kasunduan na nagbibigay karapatan sa mga Amerikano na tumulong sa pamamahala at pagpaplano ng hukbong sandatahan ng Pilipinas gayundin ang pagtutustos ng mga armas at kagamitang pangmilitar nito.

_____________5. Kasunduang nagsasaad ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Amerikano at Pilipino sa Pilipino.

Tuklasin

[illustration: grandfather seated in an armchair beside a television, pointing at it, with a boy standing before him; “IBAGSAK” sound burst beside the TV]

Lolo Simon, bakit po ba marami sa mga Pilipino ang nag rarally at kumokondena sa ating pamahalaan? Galit po ba sila sa ating gobyerno?

Naku apo, iba’t iba kasi ang naging pagtanggap ng mga Pilipino sa mga batas at patakaran na pina-iiral sa ating bansa.

Ano ang pinag-uusapan ng mag lolo?

Bakit kaya maraming mga Pilipino ang bumabatikos sa ating pamahalaan at sa mga patakarang pina-iiral nito?

Suriin

[illustration: magnifying glass with a question mark icon beside the “Suriin” heading]

Inulan ng batikos ng maraming Pilipino ang administrasyong Roxas dahil sa pakikipagkasundo nito sa Estados Unidos at pagpirma nito sa mga ilang hindi pantay na kasunduan na labag sa saligang batas. Marami sa mga Pilipino ay hindi natuwa. Para sa kanila, hindi tuluyang magiging malaya ang Pilipinas dahil sa pagpirma nito ng kasunduan at muling pagpapasailalim ng Pilipinas sa kapangyarihan ng Estados Unidos.

Sa gitna ng pagtutol nina Luis Taruc, Claro M. Recto at iba pang kasamahan ay matagumpay na naisulong ni Pangulong Roxas ang Rehabilitation Act kasabay ng ilang mga hindi pantay na kasunduan tulad ng Bell Trade Act, Parity Rights at Military Bases Agreement.

Tuluyang naghari ang neocolonialism sa Pilipinas dahil sa pakikiaalam at panggigipit ng Estados Unidos sa ekonomiya at politika nito.

Ang neocolonialism ay isang paraan ng panghihimasok ng malalakas at makapangyarihang mga bansa sa mga bagong tatag na estado. Ginagamit nito ang impluwensiya sa ekonomiya, pulitika at iba pa upang makontrol ang mga nagsisimulang estado.

Ikinagalit nang maraming Pilipino ang paghahari ng neocolonialism sa bansa. Bukod dito ay nagbunga pa ng ibang suliranin sa bansa ang pamamalagi at impluwensiya ng mga Amerikano tulad ng muling pagiging aktibo ng samahang Hukbalahap (Hukbo Laban Sa Hapon) dahil maraming Pilipino ang unti-unting nawalan ng tiwala sa pamahalaan.

Nagbunga ng maganda at di-magandang epekto ang pagpirma ng administrasyong Roxas sa mga hindi pantay na kasunduan. Maganda, sa dahilang maraming produktong Pilipino ang nailuwas sa Estados Unidos at nagdulot ng malaking kita sa mangangalakal na Pilipino. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ng mga Pilipinong mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya. Ang pamumuhunan ay napaunlad at nakilala ang ating pangunahing mga produkto gaya ng asukal, niyog, copra at langis sa Kanluraning bansa.

Ang ilan naman sa mga di-magandang epekyo ng pakikipaglakalan sa mga Amerikano ay ang mga sumusunod: pagkakatali ng ating pamilihan sa pamilihang Amerikano, pagpasok ng di gaanong mahalagang produkto sa Pilipinas, paghina ng mga tradisyunal nating industriya, kompetisyon ng ating mga grikultural na produkto sa mga produktong agrikultural ng mga Amerikano, lalong pagyaman ng mga Pilipinong nasa panggitnang antas ng lipunan dahil sila ang namumuhunan sa industriyang itinatag ng mga Amerikano, pagbabago ng panlasa at pagpapahalaga sa mga produkto ng dayuhan at lubusang pagka lugi ng magsasakang Pilipino sa mga gastusin ng mga sakahan dala ng pagkakaroon ng makabagong teknolohiya at mga makinarya.

Pagyamanin

[illustration: ABC blocks icon beside the “Pagyamanin” heading]

Panuto: Ipahayag ang iyong damdamin/reaksiyon batay sa mga sumusunod na sitwasyon. Gawin ito sa sagutang papel.

  1. Sa iyong palagay, nakabuti ba o nakatulong sa mamamayang Pilipino ang pagpirma ni Pangulong Manuel A. Roxas sa Philippine Rehabilitation Act kapalit ng ilang mga hindi pantay na kasunduan?
    Mangatwiran sa iyong sagot.




  1. Bakit labag sa saligang batas ang kasunduang Parity Rights?




  1. Ang inyong kapitbahay na si Mang Berto ay gumagawa ng mga sapatos. Magaganda at matitibay ang mga ito. Sa iyong kaarawan ay nagdesisyon ang iyong ina na bilhan ka nang bagong pares ng sapatos na mamahalin o branded sa mall. Sa anong paraan mo matutulungan si Mang Berto upang mas umunlad ang kanyang kabuhayan?




Isaisip

[illustration: light bulb icon beside the “Isaisip” heading]

Nilagdaan ni pangulong Roxas ang kasunduang inilahad ng Estados Unidos sa gitna ng pagtutol ng maraming Pilipino. Hindi tuluyang naging ganap na estado ang bansa dahil sa pakikiaalam at panghihimasok ng mga Amerikano sa pamahalaang Pilipino.

Tuluyang naghari ang neocolonialism sa bansa na naging daan upang magkaroon ang mga Pilipino ng mataas na antas ng colonial mentality na lalong nagpahirap sa ekonomiya ng bansa.

Sa paghahari ng neocolonialism sa bansa, maraming Pilipino ang nawalan ng tiwala sa pamahalaan. Bukod dito ay nagbunga ng ibang pang suliranin sa bansa ang pamamalagi ng mga Amerikano tulad ng muling pagiging aktibo ng samahang Hukbalahap (Hukbo Laban sa Hapon) na pinamunuan ni Luis Taruc.

Iba’t iba ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa pagpapatupad ng administrasyong Roxas ng mga ilang hindi pantay na kasunduan. May maganda at di magandang epekto naman ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Amerika. Malaki ang naging impluwensya nito sa pamumuhay at kultura nating mga Pilipino.

Isagawa

[illustration: wrench and nuts icon beside the “Isagawa” heading]

Panuto: Gumuhit ng isang stick figure na naglalarawan ng mga iba’t ibang naging reaksiyono mukha ng mga Pilipino sa pagpapatupad ni Pangulong Roxas ng mga ilang hindi pantay na kasunduan sa ating bansa. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap na naglalarawan sa kanilang mga reaksiyon. Gawin ito sa sagutang papel.

Iba’t ibang reaksiyon ng mga Pilipino sa mga Hindi Pantay na Kasunduan








Tayahin

[illustration: pencil icon beside the “Tayahin” heading]

Panuto: Iguhit ang [illustration: smiling face] kung ikaw sumasang-ayon sa sumusunod na pahayag at [illustration: frowning face] kung hindi.

_________1. May maganda at hindi magandang dulot sa ating bansa at pamumuhay ang pagtanggap ni Pangulong Roxas sa mga ilang hindi pantay na kasunduan na dala ng Rehabilitation Act.

_________2. Nararapat lamang pagpapanatili ng 23 base militar ng Amerikano sa Pilipinas dahil hindi pa kayang protektahan ng Pilipinas ang sariling bansa laban sa mga mananakop pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig.

_________3. Labag sa saligang batas ang pagpirma ni Pangulong Manuel Roxas sa kasunduang parity rights dahil ang Pilipinas ay isang malayang bansa at may sariling estado. Nararapat lamang na unahin ng pamahalaan ang pag protekta sa mga mga karapatan ng mga mamamayan nito.

_________4. Ang Bell Trade Act ay nagpatatag sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming mga Pilipino ang nakinabang at nagkaroon ng kabuhayan ngunit ito ay may dala ding hindi magandang epekto tulad ng colonial mentality.

_________5. Maraming Pilipino ang bumatikos at kumondena sa desisyon ng Pangulong Roxas na tanggapin ang tulong mula sa pamahalaang Amerikano kapalit ng mga hindi pantay na kasunduan.

Karagdagang Gawain

[illustration: gears icon beside the “Karagdagang Gawain” heading]

Ang pagpirma sa kasunduan ng Philippine Rehabilitation Act ay may maganda at hindi magandang epekto sa pamumuhay ng maraming mga Pilipino. Punan ang mga sumusunod na spider web. Gawin ito sa sagutang papel.

[chart: spider web diagram; Karagdagang Gawain (unnumbered)]

Magandang EpektoMasamang Epekto
(blank box)Philippine Rehabilitation Act; -Parity Rights; -Bell Trade Act; -Military Bases(blank box)
(blank box)(blank box)
(blank box)(blank box)

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed rotated upside down; the three columns are transcribed below in the order the answer key runs (Aralin 2 column, Aralin I column, Aralin 2 column), with the columns as printed in the source order from left to right after turning the page]

Aralin I
Subukin
  1. √
  2. √
  3. √
  4. √
  5. √
  6. √
  7. √
Ikalawang Bahagi
  1. b
  2. d
  3. d
  4. c
Aralin 2
Pagyamanin

Mga Posibleng Sagot

  1. Ipinapakita nito na mahal natin ang ating bansa.
  2. Makatutulong ito upang umangat pa at mas makilala ang ating produkto sa ibang bansa.
  3. Makatutulong tayo upang kumita at umunlad ang kabuhayan ng ating mga kapwa Pilipino.
  4. Mas uunlad ang ating ekonomiya dahil tataas ang produksyon ng ating mga kalakal.
Rubrik sa Pagwawasto

3 puntos: Maayos ang pagkakasulat at tama o kumpleto ang pagkakabigay ng mga dahilan.

2 puntos: Maayos ang pagkakasulat at tama ang mga dahilan subalit hindi kumpleto.

1 puntos: Hindi maayos ang pagkakasulat at may mga hindi tamang dahilan.

Tayahin

Aralin 2 Tayahin answers (rotated page):

  1. [illustration: smiling or frowning face]
  2. [illustration: smiling or frowning face]
  3. [illustration: smiling or frowning face]
  4. [illustration: smiling or frowning face]
  5. [illustration: smiling or frowning face]

[transcriber’s note: the smiley faces in this answer key are rotated and small; their expressions could not be read reliably, so they are not transcribed as smiling or frowning]

Tayahin (Aralin I)
  1. b
  2. d
  3. b
  4. a
  5. d

Sanggunian

Ailene G. Baisa-Julian and Nestor S. Lontoc, Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino, Batayang Aklat sa Ika-anim na Baitang Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,2016, 195-201

Lovella Jane Bade Danozo, 2019, Pagtugon sa hamon sa kasarinlan, https://www.slideshare.net/eLLacanlog/pagtugon sa hamon sa kasarinlan, Danozo, Lovella Jane-Bade

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *