This is the Araling Panlipunan 6 (Grade 6 Social Studies) self-learning module for Quarter 2, Module 8: “Iba’t-ibang Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaan” (different ways Filipinos showed love of country in times of war). It was prepared by DepEd Region VI as an Alternative Delivery Mode module for learners studying at home. After the lesson, learners should be able to name the ways Filipinos showed patriotism during war and explain why love of country still matters today.
What learners will learn
The module states three learning objectives. Learners should be able to:
- List the different ways Filipinos showed love of country during times of war.
- Infer the importance of love of country and of keeping our freedom.
- Show love of country as a Filipino citizen.
Lessons in this module
The module has one lesson:
- Aralin 1: Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaan (ways Filipinos showed love of country during war). It starts with the Japanese occupation, when the freedom Filipinos thought was near seemed out of reach. The Japanese used many methods to suppress Filipino patriotism, but Filipinos kept their love of country and their hope for freedom.
Four ways Filipinos showed love of country
The lesson explains that whatever their gender or status in life, Filipinos shared one goal: freedom. The module groups their ways of showing patriotism into four.
Fighting for freedom with arms
Many Filipinos joined the Katipunan, the guerrillas (gerilya), and the HUKBALAHAP. Members came from many professions. Some stayed in the mountains, forests, and remote places, while others stayed in towns and cities. They raided the invaders’ garrisons and took the enemy’s weapons to use in the fight.
Giving up one’s life for the motherland
Many heroes showed their love of country by sacrificing their lives. The module names Jose Abad Santos, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, and Diego Silang, along with women such as Theresa Magbanua and Gabriela Silang.
Using art and literature
Some Filipino writers opposed the invaders’ policies and used their writing to expose abuses against Filipinos. Some joined groups such as the Kilusang Propaganda (Propaganda Movement) and La Liga Filipina. The module names Marcelo H. del Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Jose Ma. Hernandez (Panday Pira), NVM Gonzales, Narciso Reyes, and Liwayway Arceo as writers, and the painters Juan Luna and Felix R. Hidalgo as artists.
Helping fellow Filipinos in need
Women also played a part. Josefa Llanes Escoda founded the Girl Scouts of the Philippines (Babaeng Iskawt ng Pilipinas), which helped soldiers during the Japanese period. Melchora Aquino, known as Tandang Sora, cared for the wounded and those in need during the Spanish period.
The Isaisip (key ideas) part closes with this message: love of country should be shown not only in times of war but in everyday life.
Activities in the module
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | Mark 10 traits with a check if they show love of country during war, or an X if not |
| Balikan (review) | Answer 5 questions about the Japanese occupation using a word box |
| Tuklasin (explore) | Choose which statements show love of country during war |
| Pagyamanin (practice) | Write P for positive traits and HP for traits that are not positive |
| Isagawa (apply) | Fill in a chart comparing wartime and present-day ways of showing love of country, then answer two questions |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Complete a graphic organizer of ways to show love of country today |
How to use this module
- Learners: Start with the pretest to see what you already know, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it. Check your answers honestly with the answer key, and contact your teacher if anything is unclear.
- Parents and guardians: The module comes with a guide for teachers and facilitators that has reminders and strategies for helping your child at home. Sit with your child for the Isagawa chart, which asks how they can show love of country today.
- Teachers: The answer key covers the Subukin, Balikan, and Pagyamanin parts. The key states that the teacher checks and decides on answers for the Isagawa and Karagdagang Gawain parts, since these are open-ended.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Araling Panlipunan, Quarter 2, Module 8.
What are the four ways Filipinos showed love of country during war, according to the module?
Fighting for freedom with arms, giving up their lives for the country, using art and literature, and helping fellow Filipinos in need.
Does the module have an answer key?
Yes. It has answers for the pretest (Subukin), the review (Balikan), and the practice (Pagyamanin). The open-ended activities are checked by the teacher.
Who were some women the module mentions?
It names Theresa Magbanua and Gabriela Silang among those who gave their lives. It also names Josefa Llanes Escoda, who founded the Girl Scouts of the Philippines, and Melchora Aquino (Tandang Sora), who cared for the wounded.
Should learners write on the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for answers.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Iba’s-ibang Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaan
6
[illustration: students reading and studying under a tree, a teacher with a student at a desk, a boy writing by a lantern, and two students with a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q2_AP6_Module8
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 8: Iba’t-ibang Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Vie Gee Lou G. Opsima Editor: Carmela M. De Gracia, Rejean L. Tibus, Jewelyn Q. Cadigal, Blas P. Tabayag, Jr. Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Pedro T. Escobarte, Jr., Portia M. Mallorca, Nelly E. Garrote, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine, Celestino S. Dalumpines IV, Junry M. Esparar, Mary Helen M. Bocol, Blas P. Tabayag, Jr., Jewelyn Q. Cadigal, Emee Ann P. Valdez
6
Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 8: Iba’t-ibang Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ng SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo an gating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Sa pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas, ang inakalang malapit na na paglaya ng mga Pilipino ay tila bang hindi na makakamit. Maraming paraan ang ginamit ng mga Hapones upang supilin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino at ipatupad ang kanilang mga nais sa bansa. Subalit hindi pa rin nito napigil ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan. Hindi man naging madali ngunit hindi pa rin sila nawalan ng pag-asa na makakamit pang muli ang kalayaang minimithi.
Sa araling ito, mapag-aaralan mo kung paano ipinakita ng mga Pilipino sa iba’t-ibang paraan ang pagmamahal nila sa bayan at sa kalayaan.
May isang aralin sa modyul na ito:
- Aralin 1- Iba’t- ibang paraan ng pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan
Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito ay inaasahang magagawa mo ang sumusunod na kasanayan:
- Naiisa-isa ang iba’t-ibang paraan ng pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan;
- Nahihihinuha ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at sa pagpapanatili ng ating kalayaan; at
- Naipapamalas bilang isang mamamayang Pilipino ang pagmamahal sa bayan.
Subukin
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, subukan mo munang gawin ang gawain sa ibaba.
Panuto: Suriin ang angkop na katangiang ipinamalas ng mga Pilipino na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan. Lagyan ng tsek (✓) ang kolum ng katangiang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at ekis (X) naman kung hindi.
| Katangian | Tsek | Ekis |
|---|---|---|
| 1. Pagsisilbi bilang espiya ng mg Hapones upang mapadali ang buhay. | ||
| 2. Pagbubuwis ng buhay para sa Kalayaan. | ||
| 3. Pagtulong sa mga nasugatan at pagbibigay ng pagkain sa mga sundalong nakikipaglaban. | ||
| 4. Pagpapakita ng pagmamahal at pagtangkilik sa kulturang Pilipino. | ||
| 5. Pagsang-ayon sa mga nais ipatupad ng mga mga banyagang mananakop ng ating bansa. | ||
| 6. Pagtuligsa sa ginagawang kamalian ng mga mananakop sa panulat na paraan. | ||
| 7. Hindi pagsali sa mga samahang ang adhikain ay makamit ang pagbabago at kalayaan | ||
| 8. Hindi alintanan ang kasarian sa pagtulong sa mga nangangailangan. | ||
| 9. Pagtaguyod at pakikiisa sa mga adhikain ng mga samahang naglalayong makamit ang Kalayaan. | ||
| 10. Pagsasawalang kibo sa mga kamaliang nagaganap sa lipunan basta’t hindi ka nadadamay. |
Aralin 1: Paraan ng Pagmamahal sa Bayan na Ipinamalas ng mga Pilipino sa Panahon ng Digmaan
Ang mga bayani natin ay nag-iwan ng mga aral na nagiging halimbawa kung paano nila ipinaglaban ang kalayaan at ipinamalas ang pagmamahal sa bayan. Iba’t-iba man ang kanilang paraan, nanatili parin ang layuning makamit ang kalayaan.
Balikan
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang sagot sa bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Manuel L. Quezon 1942
Asya gerilya
Jose P. Laurel Jonathan Wainwright
Niponggo
- Kailan dumating ang mga Hapones sa Piipinas?
- Sino ang Pangulo ng Pilipinas noong sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas?
- Sino ang naging pangulo ng Japanese – sponsored Philippine Republic o tinawag na Republikang Papet?
- Ano ang tawag sa mga rebeldeng pangkat na kumalaban sa mga Hapones.
- Sinong Amerikanong Heneral ang natira upang ipagtranggol ang Corregidor?
Tuklasin
Bago ka pumunta sa iyong aralin, suriin mo ang mga pangungusap sa loob ng mga bilog. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan? Kopyahin at ilagay ang sagot sa sagutang papel.
- Pagiging isang Makapili.
- Paggamot sa mga nasugatan ng labanan.
- Pagtuligsa sa ginagawa ng mga Hapones sa panulat na paraan.
- Pagsali sa sa mga samahang kumalaban sa mga mananakop.
- Pagyakap sa mga turo at aral ng mga dayuhan.
Suriin
Ilang dayuhan man at pananakop ang napagdaanan ng Pilipinas, ang hangarin at pagsisikap ng mga Pilipino upang maging malaya ay hindi kailanman napawi. Magkaiba man ang kasarian at estado sa buhay at iba-iba man
ang naging paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan, iisa pa rin ang layunin ng mga mamamayan at ito ay ang pagkamit ng kalayaan na minimithi.
Ang sumusunod ay ilan sa mga paraan ng mga Pilipino ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan:
Pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa gamit ang armas
Marami sa mga Pilipino ang sumama sa kilusang katipunan, gerilya at HUKBALAHAP. Iba’t-iba ang naging propesyon ng mga taong sumapi dito.Hindi sila naniwala sa ipinakitang layunin ng mga mananakop sa bansa kaya ninais nilang wakasan ang pananakop ng mga ito. Ang ilan sa kanila ay naglagi sa mga kabundukan, kagubatan at malalayong pook; ang iba naman ay nanatili sa mga lungsod o bayan. Sinasalakay nila ang mga garison ng mananakop. Kinukuha nila ang mga armas ng mga kalaban at ginagamit ito sa pakikipaglaban. Ilan naman sa kanila ay labis ang naging galit sa mga kalaban kung kaya’t pinapatay nila ang mga ito.
Pagbubuwis ng buhay para sa inang bayan
Ipinamalas ng marami sa ating mga bayaning Pilipino ang pagmamahal nila sa bayan sa pamamagitan ng pagbubuwis ng kanilang mga buhay. Ilan sa Pilipinong nagbuwis ng buhay sa panahon ng digmaan ay sina Jose Abad Santos, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, Diego Silang, mga kababaihang sina Theresa Magbanua, Gabriela Silang at marami pang iba.
Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan gamit ang sining at Panitikan
Ilan sa mga manunulat na Pilipino ang nagpakita ng hindi pagsang-ayon sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop sa bansa. Gamit ang kanilang sining at panitikan inilathala nila ang mga pagmamalabis at di mabuting ginagawa ng mga mananakop sa mga Pilipino. Ilan sa kanila ay sumapi sa mga samahan kagaya ng Kilusang Propaganda at La Liga Filipina. Ilan sa mga Pilipinong nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa panulat na paraan ay sina Marcelo H. del Pilar, Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Jose Ma Hernandez (Panday Pira), NVM Gonzales, Narciso Reyes at Liwayway Arceo. Ang iba naman ay sa pamamagitan ng sining gaya ng mga bantog na pintor na sina Juan Luna at Felix R. Hidalgo.
Pagtulong sa mga nangangailangang kapwa Pilipino sa panahon ng digmaan
Hindi lamang kalalakihan ang nagpakita ng pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan. Ang kababaihan ay may papel ring ginampanan para makamit ang kalayaan. Ilan sa mga babaeng ito ay sina Josefa Llanes Escoda, na kilala dahil sa pagtatag niya ng Babaeng Iskawt ng Pilipinas na tumulong sa mga sundalo noong panahon ng Hapon. Melchora Aquino na kilala rin bilang Tandang Sora na nag-alaga sa mga nasugatan at mga nangangailangan ng tulong sa panahon ng Espaňol at marami pang iba.
Iba-iba man ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan hindi matatawaran ang mga nagawa nila upang makamit ng bansa ang inaasam-asam nitong kalayaan.
Sa kasalukuyan paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa bayan? Katulad ka rin ba ng mga bayani sa ating kasaysayan?
Pagyamanin
[illustration: letter blocks A, B, C]
Anong mga positibong katangian ang ipinakita ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan?
Panuto: Isulat ang titk P kung ito ay positibong katangiang naipakita at HP kung ito ay hindi positibong katangian. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| _____1. pagkamaparaan | _____6. katamaran |
| _____2. pagkamadasalin | _____7. kasipagan |
| _____3. pagmamahal sa kapwa | _____8. pandaraya |
| _____4. katapangan | _____9. pagkamatiisin |
| _____5. pagsasamantala | _____10. pagkamatulungin |
Isaisip
[illustration: light bulb]
Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga Pilipino para ipakita ang pagmamahal nila sa bayan noong panahon ng digmaan. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Pakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa gamit ang armas.
- Pagbubuwis ng buhay para sa inang bayan
- Pagpapakita ng pagmamahal sa bayan gamit ang sining at panitikan
- Pagtulong sa mga nangangailangang kapwa Pilipino sa panahon ng digmaan
Ang pagmamahal sa bayan ay dapat ipakita hindi lamang sa panahon ng digmaan kundi pati na sa araw-araw na pamumuhay.
Isagawa
[illustration: wrench and gears]
Panuto: Buuin ang tsart. Itala sa unang hanay kung paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagmamahal sa bayan sa panahon ng digmaan at sa ikalawang hanay naman kung sa anong paraan mo maipapakita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyan.
| Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan: Sa Panahon ng Digmaan | Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan: Sa Kasalukuyan |
|---|---|
| 1. 2. 3. 4. | 1. 2. 3. 4. |
Ipaliwanag.
Anong gawain ng mga unang Pilipino ang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan?
Ano ang halaga sa kasalukuyang lipunan ang pagpapahalaga ng pagmamahal sa bayan?
Karagdagang Gawain
[illustration: gears]
Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan sa kasalukuyan.
[chart: graphic organizer; Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan]
- Root box: Mga Paraan ng Pagpapakita ng Pagmamahal sa Bayan
- Three empty boxes below the root box.
[transcriber’s note: the three lower boxes of the graphic organizer are empty in the original]
Susi sa Pagwawasto
Subukin
- X
- ✓
- ✓
- ✓
- X
- ✓
- X
- ✓
- ✓
- X
Pagyamanin
- P
- P
- P
- P
- HP
- HP
- P
- HP
- P
- P
Balikan
- 1942
- Manuel L. Quezon
- Jose P. Laurel
- Gerilya
- Jonathan Wainwright
Tayahin
Ang guro ang susuri at magmamarka sa sagot mag-aaral.
Isagawa
Nasa guro ang pagsusuri at pagpapasiya sa mga kasagutan ng mga mag-aaral.
Karagdagang Gawain
Nasa guro ang pagsusuri at pagpapasiya sa mga kasagutan ng mga mag-aaral.
Sanggunian
Palu-ay, Ivenia P. Makabayan Kasaysayang Pilipino, Batayang Aklat sa Ikalimang Baitang. Manila, Philippines: LG & M, 2010.
Antonio, Eleanor D., et al. Makabayan 5. Manila, Philippines: Rex Printing Company, Inc., 2004.
Capiña, Estelita B., and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya 5, Batayang Aklat Heograpiya, Kasaysayan at Sibika. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply