This is the Araling Panlipunan 6 self-learning module for Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1: “Ang Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pag-usbong ng Damdaming Nasyonalismo” (the effect of liberal ideas on the rise of Filipino nationalism). It was prepared by DepEd Region VI as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for Grade 6 learners studying at home. After the module, learners should be able to explain how liberal ideas reached the Philippines and how they awakened Filipinos’ love of country.
What learners will learn
The module states that learners are expected to:
- discuss the arrival of liberal ideas in the country
- explain the events that led to the growth of nationalist feeling
- analyze the effects of liberal ideas on the rise of nationalism
- value the efforts of Filipinos to work for the country’s freedom and independence
Lessons in this module
- Aralin 1: Pag-usbong ng Kamalayang Nasyonalismo (the rise of nationalist awareness). This lesson covers the factors that stirred Filipino nationalism, from world trade and the Suez Canal to the execution of the three martyr priests.
- Aralin 2: Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pilipinas (effects of liberal ideas in the Philippines). This lesson covers the movements that followed: the Propaganda Movement, La Liga Filipina, and the Katipunan.
Key ideas in Lesson 1: Factors behind Filipino nationalism
The module defines damdaming nasyonalismo (nationalist feeling) as sharing one goal for the motherland: to make it better. It names these factors:
- Opening to world trade. A 1789 decree partly opened Manila to world trade. Traders increased after the Suez Canal in Egypt opened on 17 November 1869. The canal links the Mediterranean Sea and the Red Sea, and it cut the trip from Manila to Spain to one month. Goods, news, and books from Europe and the United States arrived faster. Filipinos also read about the American and French struggles for freedom.
- Entry of liberal ideas. The word “liberal” was first used in Spain for Spanish rebels in 1820, but it means the freedom to push for change in society. Liberal ideas arrived when the Philippines was opened to world trade from 1834 to 1873. These ideas, including those of John Locke, Rousseau, Voltaire, and Montesquieu, spread the influence of La Ilustracion (the Enlightenment).
- Rise of the middle class. Wealthy Filipinos, Spanish mestizos, and Chinese formed the panggitnang uri (middle class). Their children studied in Manila or Europe. Those whose minds were opened by liberal ideas were called ilustrados, such as Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, and Juan and Antonio Luna.
- Rule of Governor-General Carlos Maria de la Torre. He became governor-general on 23 June 1869. He believed in liberalism, treated Spaniards and Filipinos as equals, banned flogging, ended spying on newspapers, and encouraged a free press.
- The 1872 Cavite Mutiny and the three martyr priests. De la Torre’s successor, Rafael Izquierdo, ruled harshly with “the cross in one hand and the sword in the other.” Workers in Cavite who could not pay the yearly tax lost their rights and livelihood. This led to the mutiny of 20 January 1872, led by Sergeant Fernando La Madrid. Fathers Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto Zamora (GomBurZa) were falsely blamed and executed by garrote on 17 February 1872 in Bagumbayan (now Rizal Park). Their death fully awakened Filipino nationalism.
The module also explains the secularization movement. Regular priests belonged to religious orders and sekular (secular) priests did not. The movement defended secular priests’ right to parishes. It was led by Father Pedro Pelaez and, after his death on 3 June 1863, by Father Jose Burgos.
Key ideas in Lesson 2: Effects of liberal ideas
| Movement | Founded by | Method | Newspaper |
|---|---|---|---|
| Kilusang Propaganda (Propaganda Movement), 1872 | Ilustrados; leading reformists Rizal, Lopez Jaena, del Pilar | Peaceful reform through writing | La Solidaridad |
| La Liga Filipina, 3 July 1892 | Jose Rizal | Unite Filipinos, protect members, promote education, farming, trade, and reform | Not stated |
| Katipunan (KKK), 7 July 1892 | Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano | End Spanish rule by force | Ang Kalayaan |
Other points from the lesson:
- Graciano Lopez Jaena founded La Solidaridad. After he died on 20 January 1896, Marcelo H. del Pilar became its editor.
- Rizal’s novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo criticized Spanish abuses.
- Del Pilar, known as Plaridel, founded Diyaryong Tagalog, which the module calls the first Tagalog newspaper.
- The Propaganda Movement did not win its reforms, but it led to the Katipunan. La Liga Filipina also did not last, but it stirred feelings that led to the 1896 revolution.
- Bonifacio was the Supremo of the Katipunan and was inspired by the French Revolution of 1789 (liberty, equality, fraternity). Emilio Jacinto, his adviser, was called the “Utak ng Katipunan” (brains of the Katipunan).
How to use this module
- Learners: Start with the 15-item pretest (Subukin). Then work through each lesson’s parts in order: Balikan (review), Tuklasin (discover), Suriin (discussion), Pagyamanin (practice), Isaisip (reflect), Isagawa (apply), Tayahin (assessment), and Karagdagang Gawain (additional activity). Lesson 2 includes singing the song “Bayan Ko” and a number-to-letter code puzzle. Write all answers on a separate sheet; do not write on the module.
- Parents and guardians: The module comes with a guide for whoever supports the learner at home. Check answers with the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end, and encourage honest use of it.
- Teachers: Use the pretest to see who needs extra help. The answer key accepts varied answers for open-ended items. Learners are told to contact you when they have trouble understanding the lessons.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Araling Panlipunan, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1.
What lessons are in this module?
It has two lessons: Aralin 1 on the rise of nationalist awareness, and Aralin 2 on the effects of liberal ideas in the Philippines, covering the Propaganda Movement, La Liga Filipina, and the Katipunan.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and the activities and assessments of both lessons.
Why was the opening of the Suez Canal important?
According to the module, it opened on 17 November 1869, shortened the trip from Manila to Spain to one month, and let goods and liberal ideas from Europe reach the Philippines faster.
Who were the GomBurZa?
They were Fathers Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto Zamora, who were falsely blamed for the 1872 Cavite Mutiny and executed by garrote on 17 February 1872. Their deaths fully awakened Filipino nationalism.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Ang Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pag-usbong ng Damdaming Nasyonalismo
6
CO_Q1_AP6_Module1
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pag-usbong ng Damdaming Nasyonalismo Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Carmela M. De Gracia, Mitzel M. Alvaran Editor: Alma J. Gascon, Jewelyn Q. Cadigal, Venetia Anne A. Tropa, Blas P. Tabayag, Jr. Tagasuri: Blas P. Tabayag, Jr., Mary Helen M. Bocol, Junry M. Esparar Tagaguhit: Krisha Marie T. Paltu-ob, Nancy H. Molde, Roland B. Tarrazona Tagalapat: Jewelyn Q. Cadigal Tagapamahala: Ramir B. Uytico, Pedro T. Escobarte, Jr., Portia M. Mallorca, Nelly E. Garrote, Elena P. Gonzaga, Donald T. Genine, Celestino S. Dalumpines IV, Junry M. Esparar, Mary Helen M. Bocol, Blas P. Tabayag, Jr., Jewelyn Q. Cadigal, Emee Ann P. Valdez
Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816, (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph
[transcriber’s note: this page repeats the cover title and the DepEd logo; the repeated text is not transcribed again]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ng SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo an gating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Naranasan mo na bang magtiis? Magtimpi at masaktan? Sadyang likas sa ating mga Pilipino ang mapagmatiis at mapagbigay kung kaya’t matagal tayong nagtiis sa kamay ng mga mapang-abuso at malulupit na mga Español. Subalit dumating ang sandali na kung saan nagising ang ating mga bayani sa katotohanan. Tulad ng wika ni Gat Jose Rizal, “Walang mang-aalipin, kung walang paaalipin.”
Sa modyul na ito ay iyong malalaman mo kung paano nakaapekto ang kaisipang liberal sa pagsibol ng damdaming makabansa na nakapagpausbong ng nasyonalismong Pilipino.
May dalawang aralin sa modyul na ito:
- Aralin 1- Pag-usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
- Aralin 2- Epekto ng Kaisipang Liberal Sa Pilipinas
Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa modyul na ito ay inaasahang magagawa mo ang sumusunod na kasanayan:
- natatalakay ang pagdating ng kaisipang liberal sa bansa;
- naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglinang ng damdaming nasyonalismo;
- nasusuri ang mga epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo; at
- napahalagahan ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na isulong ang kalayaan ay pagsasarili ng bansa.
Subukin
Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin, subukan mo munang sagutan ang katanungan sa ibaba.
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Bakit mahalaga ang pagbukas ng Suez Canal?
A. Dahil naging matagal ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain
B. Dahil nakarating sa atin ang kaisipang liberal
C. Dahil naging mahal ang bilihin
D. Dahil naging mayaman ang PilipinasKailan naganap ang pag-alsa sa Cavite?
A. 17 Nobyembre 1869
B. 20 Enero 1872
C. 17 Pebrero 1872
D. 19 Setyembre 1868Alin ang hindi naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino?
A. Pagbukas ng Suez Canal
B. Pagdating ng liberal na kaisipan sa Pilipinas
C. Pagbayad ng buwis
D. Pag-alsa sa CaviteAno ang tawag sa paglagay ng mga Paring Sekular sa mga parokya?
A. Regular
B. Sekularisasyon
C. GOMBURZA
D. PrincipaliaAno ang tawag sa mga paring hindi nabibilang sa anumang samahang relihiyoso?
A. Regular
B. Sekular
C. Ilustrados
D. GOMBURZASino ang namuno sa kilusang itinatag ng mga Paring Pilipino?
A. Mariano Gomez
B. Jose Burgos
C. Jacinto Zamora
D. Pedro PelaezKailan binitay ang GOMBURZA?
A. 17 Nobyembre 1869
B. 20 Enero 1872
C. 17 Pebrero 1872
D. 19 Setyembre 1868Sino ang namuno sa pag-alsa sa Cavite?
A. Mariano Gomez
B. Pedro Pelaez
C. Fernando La Madrid
D. Jose BurgosAnong samahan ang itinatag ng mga Pilipinong kabataan na naliwanagan o tinatawag na ilustrados?
A. Kilusang Propaganda
B. Katipunan
C. Sekularisasyon
D. Panggitnang-uriKailan nabuksan ang Suez Canal?
A. 17 Nobyembre 1869
B. 17 Pebrero 1872
C. 20 Enero 1872
D. 19 Setyembre 1868Saan nabibilang ang mga mayayamang Pilipino, mga mestisong Español, at Tsino?
A. Ilustrado
B. regular
C. Propagandista
D. Panggitnang uriAno ang naging bunga ng pagkakaroon ng pandaigdigang kalakalan?
A. Maraming mga Pilipino ang umunlad ang pamumuhay.
B. Nagkaroon ng pagbabago sa pamahalaan.
C. Maraming Pilipino ang naghirap.
D. Naging malupit ang mga EspañolAnong pahayagan ang itinatag ni Graciano Lopez Jaena?
A. Diaryong Tagalog
B. La Solidaridad
C. Kalayaan
D. KatipunanAno ang tawag sa mga anak ng mayayamang Pilipino na nakapag-aral at naging propesyonal?
A. Middle Class
B. Mestiso
C. Tsino
D. IlustradoAno ang tawag sa panahon ng pag-usbong ng liberal na ideya ng Pilipino?
A. Panahon ng Kalayaan
B. Panahon ng Katapangan
C. Panahon ng Kaliwanagan
D. Panahon ng Kapayapaan
Aralin 1: Pag-usbong ng Kamalayang Nasyonalismo
Nasyonalismo, ano nga ba ang ibig sabihin nito? Paano nga ba nagising ang kamalayan ng mga Pilipino sa tinatawag na nasyonalismo? Sino kaya ang nag-udyok sa kanila? Ano nga ba ang mga panyayaring naganap kung bakit naghangad sila ng tinatawag na kalayaan, pagkapantay-pantay, at kapatiran? May kinalaman kaya ang pagbukas ng tinatawag na Suez Canal? Pagpasok ng kaisipang liberal sa bansa? O kaya dahil sa pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Maria de la Torre? Kaya ang mga Pilipino ay unti-unting nabuksan ang isipan sa katotohana na hindi sila dapat maging bilanggo sa sariling bansa at nagkaroon ng lakas na maging malaya.
Tatalakayin sa araling ito kung ano ang nagbigay-lakas upang magkaisa ang mga naaaping Pilipino upang maging malaya sa mga mabagsik na kamay ng mga Kastila. Handa ka na ba?
Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang sumusunod mong kasanayan:
- natatalakay ang pagdating ng kaisipang liberal sa bansa;
- naipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglinang ng damdaming nasyonalismo;
- naiintindihan ang kahulugan ng liberal na ideya tungo sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo; at
- napahalagahan ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na isulong ang kalayaan ay pagsasarili ng bansa.
Balikan
Panuto: Kunin ang iyong sanayang papel. Katulad ng nakikita mo sa ibaba kulayan mo diyan ang sasakyang Galyon at sa loob ng kahon sa ibaba ng larawan ay isulat kung saan ito ginagamit ng mga unang Pilipino.
[illustration: galleon ship with sails on the sea, to be colored]
Gamit ng Galyon
Illustration on this page is made by Nancy H. Molde
Tuklasin
Bago ka pumunta sa iyong aralin, suriin mo ang mga larawan sa ibaba. Isulat ang mga letra ng mga larawan na may kinalaman sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.
A. Ang Ang tatlong paring martir: Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora
[illustration: three men’s faces]
B. Suez Canal 1869
[illustration: harbor with ships and figures along a canal]
C. Pag-alsa sa Cavite 1872
[illustration: men with a bolo charging over a brick wall]
D. Basi Revolt Monument
[photo: monument with inscription “The Basi Revolt”]
E. Ang liberal na si Carlos Maria dela Torre
[illustration: portrait of a bearded man in uniform with a medal]
All illustrations on this page is made by Krisha Marie T. Paltu-ob (A, B, C, and D) and Roland B. Tarrazona (E)
Suriin
Mga Salik na Nakapagpausbong ng Damdaming Nasyonalismo
Ang damdaming nasyonalismo ay ang pagkakaroon ng iisang adhikain para sa Inang Bayan na mapabuti ito. Ano ano ang salik na nagbunsod sa mga Pilipino upang isulong ang adhikaing ito?
Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
Noong 1789, sa pamamagitan ng isang dekreto, bahagyang nabuksan ang Maynila sa pandaigdigang kalakalan, kaya’t nagkaroon ng pagkakataon ang mga dayuhan na makapagnegosyo sa Pilipinas.
Dumami pa lalo ang mga mangangalakal sa Maynila nang mabuksan ang Suez Canal noong 17 Nobyembre 1869. Ang Suez Canal ay matatagpuan sa Egypt, pinag-uugnay nito ang Mediterranean Sea at Red Sea. Sa pagbukas nito naging madali ang pagpasok ng mga kalakal at pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europe patungo sa ibang panig ng daigdig. Naging maikli sa isang buwang ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain. Napabilis din ang paghahatid ng mga impormasyon na galing sa Europa. Maraming Pilipino rin ang nakarating sa Spain at sa ibang bansa sa Europa upang mag-aral at maglakbay.
Sa pagpunta ng mga Pilipino sa ibang bansa ay natuto silang makisalamuha sa ibang dayuhan. Ito ay naging daan upang mamulat sila sa mga bagong ideya. Ganoon din ang mga dayuhan, napadali sa kanila na makarating sa Pilipinas dala ang kani-kanilang sariling kultura, pananaw, at kaisipan. Naging maluwag din ang pagpasok ng ideyang liberal nina John Locke, Jean Jacques Rousseau, Voltaire, Montesquieu, at iba pang Europeong pilosopo sa bansa.
Nakarating din sa Pilipinas ang mga aklat, pahayagan, at iba pang babasahing mula sa Estados Unidos at Europa. Natutuhan ng mga Pilipino mula sa mga aklat at magasin ang tungkol sa pagsisikap ng mga Amerikano at Pranses na matamo ang kalayaan. Ang mga aklat na ito ang nagbigay sa mga Pilipino ng bagong kaisipang politikal at mga mithiin ng mga Rebolusyong Pranses at Amerikano, na siyang nagmulat sa mga Pilipino sa tinatawag na kalayaan, pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran.
Pagpasok ng Kaisipang Liberal sa Pilipinas
Unang ginamit ang katagang “liberal” sa Spain at tumutukoy ito sa mga rebeldeng Español noong 1820. Bagamat ang tunay na kahulugan nito ay ang kalayaang isulong ang pagbabago sa lipunan.
Ang kaisipang liberal ay nakarating sa ating bansa nang buksan ang Pilipinas sa pandaigdigang pangangalakal noong 1834 hanggang 1873. Malaki ang naiambag ng pagbukas ng Suez Canal sa paglaganap ng liberalismo. Dahil sa naging mabilis ang pagdating ng mga kalakal at naging maunlad ang pamumuhay ng ibang magsasaka at mangangalakal, marami sa kanilang mga anak ang nakapag-aral sa Maynila o sa Spain. Ganoon din ang pagdating ng mga dayuhan sa bansa at may naiiwang mga bagong ideya na siyang nagbigay daan upang lumaganap ang impluwensiyang “La Ilustracion” (Enlightenment) o pagkamulat.
Namulat ang mga Pilipino sa tunay na kalagaan ng mga malayang bansa. Nakita nila at naranasan kung paano mamuhay sa isang malayang kapaligiran. Napaghambing nila ang pamamahala ng mga Español sa ibang bansa sa Europa. Napag-alaman nila na may karapatan silang dapat ipaglaban at hindi sila dapat maging alipin ng mga dayuhan sa sariling lupa.
Pag-usbong ng Panggitnang Uri
Sa pagsigla ng kalakalan sa Maynila, maraming mga Pilipino at mga dayuhan ang naganyak na makipagkalakalan. Ang mga Ingles, Amerikano, at Tsino ay nakapagpasok ng malaking kapital sa bansa. Nagbigay daan ito sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Sila ang bumuo sa panggitnang uri (Middle Class) sa lipunan sa Pilipinas. Ang panggitnang uri ay binubuo ng mayayamang Pilipino, mestizong Español, at Tsino na ang kabuhayan ay higit pa sa karaniwang Pilipino.
Dahil sa kasaganahan na nakamit nila marami sa mga anak nila ang nakapag-aral sa Maynila o sa Europa. Dahil sa kanilang pagsasanay sa ibang bansa naging malawak ang kanilang pananaw sa buhay. Doon, ang mga kabataang naliwanagan o nabuksan ang kamalayan tungkol sa mga ideya o kaisipang liberal ay tinawag na ilustrados. Ang mga ilustrados tulad nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar, Antonio Luna, Juan Luna, Mariano Ponce, Jose Maria Panganiban, at marami pang iba. Ang kaisipang liberal na kanilang nabasa at sa edukasyong kanilang nakamit ang siyang nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan ng Pilipinas.
Pamumuno ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre
Sumiklab ang labanan sa Spain noong 19 ng Setyembre 1868. Ang himagsikan bunga ng pagpalit ng pamamahala mula sa kamay ng mga konserbatibo tungo sa mga liberal. Sa panahong iyon ipinadala sa Pilipinas si Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre.
Isang magiting na kawal si Heneral Carlos Maria de la Torre, naging gobernador heneral noong 23 Hunyo 1869. Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran at mahusay na pakikitungo sa mga tao. Pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga Español at mga Pilipino.
Ipinagbawal niya ang parusang paghahagupit; winakasan ang pag-eespiya sa mga pahayagan; at hinikayat ang malayang pamamahayag. Naniniwala siya na ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Kaya sa panahong ng kaniyang panunungkulan ay naramdaman ng mga Pilipino ang Kalayaan at ang malaking pagbabago.
Maikli lamang ang pamumuno ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre ngunit napakilala niya ang kalayaan, pagkapantay-pantay, at kapatiran.
Ang Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 at ang Pagbitay sa Tatlong Paring Martir
Nang matapos ang panahon sa pamumuno ni Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre, ang pumalit sa kanya ay si Heneral Rafael Izquierdo. Kalaban siya ng mga liberal sa pamahalaan.
Si Izquirdo ay kabaliktaran sa paraan ng pamumuno ni de la Torre. Ipinagmalaki ni Izquierdo ang kaniyang pamamaraan sa pamamahala. Ito ang paggamit ng krus sa isang kamay at espada sa isang kamay. Ang pamamahala ni Goberdor Izquierdo naging mahigpit at nagdulot ng pahirap sa mga Pilipino ang kaniyang mga kautusan. Inalisan niya ng karapatan at kabuhayan ang mga manggagawang Pilipino sa Cavite na hindi nakapagbayad ng taunang buwis.
Sa ginawa ni Izquierdo na pagmamalupit naramdaman ng mga Pilipino ang malaking pagkaiba ng pamumuno ni dela Torre. Dahil dito nagkaroon ng di pagkakaunawaan at nauwi sa pag-alsa noong 20 Enero 1872, sa pamumuno ni Sarhento Fernando La Madrid. Napatay nila ang mga pinuno ng hukbong Español at nakuha ang arsenal sa Cavite. Lumusob ang malaking tropa ng mga Español at nagkaroon ng madugong labanan, na siyang ikinasawi ng mga nag-alsang Caviteño kasama na si La Madrid. Ang mga nakaligtas ay ipinadala sa Intramuros, Maynila bilang mga bilanggo.
Nasugpo kaagad ng mga Español ang pag-alsa sa Cavite, hinuli lahat na nasangkot at pinagbintangang pinuno nito, kabilang sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos, at Padre Jacinto Zamora. Pinagbintangan sila na mga pinuno sa pag-alsa sa Cavite upang matahimik ang noon mainit na isyu ng sekularisasyon.
Ang Kilusang Sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya. May dalawang uri ng pari noon ang regular at sekular. Ang regular ito ang mga paring kasama sa mga samahang relihiyoso at sekular ang hindi kasama. Pinamumunuan ni Padre Pedro Pelaez ang Kilusang Sekularisasyon.
Noong 3 Hunyo 1863 binawian ng buhay si Padre Pelaez. Ang pumalit sa kanya sa pamumuno ay si Padre Jose Burgos na kilala bilang pinakamagaling na mag-aaral ni Padre Pelaez, kasama sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora (GomBurZa)
Pinadakip at hinatulan sila ni Gobernador Izquierdo ng kamatayan sa pamamagitan ng garote noong 17 Pebrero 1872. Ngunit naniniwala si Arsobispo Gregorio Meliton Martinez na walang kasalanan ang tatlong pari. Kaya hindi niya pinaalis ang abito nang binitay ang mga ito sa Bagumbayan (Rizal Park na sa ngayon).
Nagalit ang mga Pilipino sapagkat hindi totoo ang bintang sa tatlong paring martir at dahil dito ganap na napukaw ang kanilang damdaming nasyonalismo.
Pagyamanin
Ngayon alam mo na ang mga salik ng pag-usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Handa ka na bang pagyamanin ang kaalamang ito? Subukin mong sagutin ang sumusunod na gawain.
Gawain 1
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin sa loob ng panaklong ang tamang sagot. Isulat ito sa inyong sagutang-papel.
Ano ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa galit ng mga Pilipino sa mga Español?
a. A. Pagbukas ng Suez Canal
b. B. Pagbitay sa tatlong paring martirAno ang tawag sa kaisipang galing sa Europa na nagpapakita ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan?
a. A. Kaisipang Liberal
b. B. EnlightenmentAno ang tawag kina Jose Burgos, Mariano Gomez, at Jacinto Zamora?
a. A. Ilustrados
b. B. Ang tatlong paring martirPaano natin maipapakita ang damdaming nasyonalismo?
a. A. Pakikiisa at pagtataguyod ng mga pagbabago sa lipunan
b. B. Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisisAlin ang salik na nagpa-usbong sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
a. A. Pagpasok ng kaisipang liberal
b. B. Pag-alis ng parusang paghahagupit
Gawain 2
Panuto: Punan ng wastong letra ang bawat kahon upang mabuo ang salitang tinutukoy. Isulat sa sagutang-papel ang buong salita.
Ano ang tawag sa Enlightenment o naliwanagan sa Spain?
L _ _ L _ S _ _ C _ _ N
[transcriber’s note: the boxes are shown as underscores in sequence; spacing between box groups is approximate]
Anong uri ng pamumuno ang pina-iral ni Carlos Maria de la Torre?
_ _ B _ _ _ L
Ilang buwan na lamang ang paglalakbay mula Maynila patungong Spain matapos mabuksan ang Suez Canal?
_ S _
Sino ang pumalit kay Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre?
_ _ F _ _ L d e
_ Z Q _ I _ R _ O
Sa anong paraan pinatay ang tatlong paring martir?
G _ _ _ _ _
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang-papel ang iyong sagot.
Ano ano ang mga salik sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismong Pilipino?
Makatarungan ba ang ginawang pagbitay kina Padre Gomez, Burgos, at Zamora? Bakit?
Ang pagbitay sa tatlong paring martir ay nagpasidhi ng damdaming _______________ ng mga Pilipino.
Isagawa
A. Ano anong salita ang maiuugnay sa salitang “malayang kaisipan.” Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng bilog (isa bawat bilog). Gawin ito sa iyong kuwaderno.
[chart: concept web; four empty circles connected to a central circle labeled “Malayang Kaisipan”]
B. Bilang kabataang Pilipino, paano mo maipakita ang iyong damdaming nasyonalismo? Isulat ang iyong sagot sa loob ng puso.
[illustration: blank heart outline for writing the answer]
Tayahin
A. Tama o Mali. Isulat ang Tama kung ang ipinahahayag sa pangungusap ay wasto. Kung mali, palitan ang salitang nasalungguhitan upang maging wasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
- Si Pedro Pelaez ang namuno sa pag-alsa sa arsenal Cavite.
- Hinatulan ng kamatayan ang tatlong paring martir sa pamamagitan ng garote sa Cavite, noong 17 Pebrero 1972.
- Ang Suez Canal ang nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea.
- Ang dalawang pangkat ng mga pari noon ay regular at sekularisasyon.
- Ang nasyonalismo ay ang pagkaroon ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
B. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
- Siya si _____, ang naniniwala sa liberal na paraan ng pamumuno.
- Bakit nag-alsa ang mga sundalo sa arsenal sa Cavite noong 1872? Magbigay ng isang dahilan.
- Anong kaisipan ang dala ng mga babasahin mula sa Europe?
- Ano ang naramdaman ng mga Pilipino nang patayin sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora?
- Ano ano ang mga nalaman ng mga Pilipino nang pumasok sa Pilipinas ang kaisipang liberal? Magbigay ng dalawa.
Karagdagang Gawain
Panuto: Isulat ang tsek (✓) sa sagutang-papel kung ang pahayag ay salik na nakapagpausbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.
_____ 1. Republika ng Biak na Bato _____ 2. Pagpagawa ng mga daan _____ 3. Kaisipang liberal sa Pilipinas _____ 4. Pagtatatag ng ibat ibang parokya _____ 5. Saligang Batas ng Malolos _____ 6. Si Gobernador Carlos Maria de la Torre _____ 7. Pagbubukas ng Suez Canal _____ 8. Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 _____ 9. Pagtipon ng mga ginto at pilak _____ 10. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir
Aralin 2 Epekto ng Kaisipang Liberal Sa Pilipinas
Kumusta na? Natapos mong mapag-aralan ang mga salik ng pag-usbong ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Ano ang iyong naramdaman? Nagkaroon rin ba ng epekto sa iyo? Marami ang naging salik upang mapukaw ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Ang bunga at epekto ng mga patakarang kolonyal sa Pilipinas, ang matagal na panahon ng pananakop, at pang-aapi at katiwalian ng mga pinunong Español ang unti-unting nagbuklod sa isipan at puso ng mga Pilipino upang malinang ang damdaming makabansa.
Ngayon sa aralin na ito ating pag-aaralan kung ano ang naging epekto ng kaisipang liberal sa Pilipinas.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:
- nasusuri ang mga epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng damdaming nasyonalismo; at
- napahalagahan ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na isulong ang kalayaan ay pagsasarili ng bansa.
Balikan
Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang tungkol sa mga salik ng pag-usbong ng damdaming nasyonalismo. Natatandaan mo pa kaya ito?
Panuto: Sagutin ang BLOCKBUSTER. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
M _____ 1. Sinong M ang naniniwala na walang kasalanan ang tatlong paring martir? C _____ 2. Sinong C ang gobernador na naging pantay ang pagtingin sa mga Pilipino at Español? S _____ 3. Anong S ang tawag sa daraanan ng mga barkong pandagat sa Ehipto na binuksan para sa mabilis na kalakalan? I _____ 4. Sinong I ang nag-utos na hulihin at bitayin ang GomBurZa? L _____ 5. Anong L na kaisipan ang pumasok sa Pilipinas na gumising sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino?
Tuklasin
A. Awitin ng buong puso ang popular na kundiman na “Bayan Ko”. Pagkatapos mong awitin ito, sagutin ang ilang katanungan sa ibaba.
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas,
Lupain ng ginto’t bulaklak.
Pag-ibig ang sa kaniyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kaniyang yumi at ganda,
Dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad,
kulungin mo at umiiyak!
Bayan pa kayang sakdal dilag,
Ang ‘di magnasang makaalpas?
Pilipinas kong minumutya,
Pugad ng luha ko’t dalita,
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!
Source: Jose Corazon de Jesus, Bayan Ko
Sagutin:
- Ano ang nais iparating ng awiting Bayan Ko?
- Paano mo maipapakita ang iyong pagkamakabayan bilang isang bata?
B. Subukan mong ilarawan ang sumusunod na bayani natin ayon sa iyong pagkakakilala sa kanila. Isulat ang iyong sagot sa sagutang-papel.
Mga Bayani:
a. Graciano Lopez Jaena b. Jose Rizal c. Andres Bonifacio d. Marcelo H. Del Pilar
Suriin
Ang malaking pagkakamaling ginawa ni Gobernador Izquierdo ay ang hatulan niya ng kamatayan ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Iniutos ni Arsobispo Gregorio Meliton Martinez na patunugin ang mga kampana sa lahat ng simbahan. Ang pagkamatay ng tatlong pari ay itinuturing na kabayanihan ng mga Pilipino. Ang pangyayaring ito ay isa sa gumising sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Nadama ng bayan na kailangan na ang pagbabago, dahil sa patuloy na kalupitan at katiwalian ng mga Español, ito ang nagbunsod sa mga Pilipino sa Espanya upang ilunsad ang Kilusang Propaganda.
Epekto ng Kaisipang Liberal sa Pilipinas
Ang Kilusang Propaganda
Noong 1872 matapos mabitay ang tatlong paring martir ay itinatag ang Kilusang Propaganda. Ang samahang ito ay gumamit ng mapayapang pamamaraan sa pamamagitan ng lapis, pluma, papel, at karunungan upang maipaabot ang kanilang paghingi ng reporma o pagbabago sa kolonya.
Ang Kilusang Propaganda ay isang samahang binuo ng ilang ilustrados upang humingi ng reporma sa mapayapang paraan. Hindi radikal o mapanghimagsik ang kahilingan ng mga propagandista. Ang mga kasapi nito ay sina Jose Rizal, Marcelo H, del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Juan Luna, Mariano Ponce, Trinidad Hermenegildo Pardo de Tavera, Jose Maria Panganiban, Pedro Paterno, Felix Resurreccion Hidalgo, at Dominador Gomez. Kabilang sa mga dayuhan na tumutulong sa kanila ay sina Ferdinand Blumentritt, kaibigan ni Rizal at si Miguel Morayta, isang politikong Español. Bagamat walang opisyal na pamunuan ang Kilusang Propaganda, maituturing na tatlo ang kinikilalang pinakatanyag na repormista o mga ulo ng Kilusang Propaganda ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, at Marcelo H. del Pilar.
Sa pamamgitan ng mga akda ng mga tanyag na repormista tulad nina Rizal, Lopez Jaena, at del Pilar ay napapaabot nila sa pamahalaang Español ang hangarin ng mga Pilipino. Upang mailathala ang kanilang saloobin at mga akda, itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad. Ang La Solidaridad ay opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Ang mga paksang makabayan ang mga inilathala rito. Pinapadala ito sa Pilipinas upang mabasa ng mga Pilipino at magkakaroon ng kamalayan ang mga ito sa nagaganap sa Pilipinas at maunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng reporma sa bansa.
Ginamit ng mga propagandista ang lakas ng panulat sa pagsulong ng kanilang layunin. Inilathala ni Jose Rizal ang kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tumuligsa sa mga maling patakaran ng mga Español.
Itinatag naman ni Marcelo H. del Pilar ang Diyaryong Tagalog, ang unang pahayagang Tagalog. Dito niya unang ibinunyag ang kalupitan ng mga Español sa mga Pilipino. Ginamit ni del Pilar ang bansag na Plaridel. Nagalit ang mga Español sa kanya, kaya saglit siyang tumakas patungong Spain. Nang mamatay si Graciano Lopez Jaena noong 20 Enero 1896, si del Pilar ang pumalit bilang patnugot ng La Solidaridad.
Hindi maituturing na tagumpay ang Kilusang Propaganda sa kahilingan nitong pagbabago sa pamahalaan. Ngunit nagbigay daan naman ito sa pagbubuo ng isang lihim na kapisanang tinatawag na Katipunan.
Ang La Liga Filipina
Ang La Liga Filipina ay isang samahang binuo ni Jose Rizal noong 3 Hulyo 1892. Ang layunin nito ay ang mapagsamasama ang mga Pilipino sa buong kapuluan; maipagsanggalang sila sa mga mapang-abusong opisyal ng pamahalaan at sa katiwalian ng mga Español; proteksiyon sa bawat kasapi; paghihikayat sa edukasyon, agrikultura at komersyo; at pag-aaral at pagsagawa ng mga reporma sa bansa.
Marami ang sumali sa La Liga Filipina. Nahati ang mga kasapi, ang mga ilustradong kasapi ay nagtaguyod ng pakikipaglaban para sa reporma at ang iba ay nagbalak ng paghihimagsik.
Bagaman hindi nagtagal at natupad ang repormang ipinaglaban ng La Liga Filipina, nagising naman nito ang damdamin ng mga tao laban sa mga Español at nagbigay daan ito sa pagsiklab ng himagsikan ng 1896.
Ang Katipunan
Ang Katipunan o KKK (Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) ay lihim na samahang naglayong wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng puwersa o lakas. Itinatag ito nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, at Deodato Arellano. Noong 7 Hulyo 1892 sa isang bahay sa 72 Kalye Azcarraga (Claro M. Recto na ngayon). Kasama ng ibang naging kasapi ay nagsanduguan sila. Ginamit nila ang sariling dugo sa pagsulat ng pananda ng kanilang mga pangalan. Si Andres Bonifacio ang tinaguriang Supremo ng Katipunan.
Naging inspirasyon ni Andres Bonifacio ang French Revolution 1789. Itinaguyod ng French Revolution ang konsepto ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran (liberty, equality, at fraternity).
Si Emilio Jacinto ang tagapagpayo ni Andres Bonifacio, tinagurian din siyang Utak ng Katipunan. Siya rin ang patnugot ng pahayagan ng Katipunan, Ang Kalayaan, na naglalahad ng mga mapanghihimagsik na kaisipan ng kapisanan.
Ang Katipunan ay natuklasan bago pa man nakapaghanda ang mga kasapi nito para sa labanan. Ngunit para kay Andres Bonifacio, nakatakda na ang himagsikan. Iyon na ang hudyat upang makipaglaban sila sa nga Español.
Pagyamanin
Ngayon alam mo na ang epekto ng kaisipang liberal sa Pilipinas. Handa ka na bang pagyamanin ang kaalamang ito? Subukin mong sagutin ang sumusunod na gawain.
Panuto: Palitan ng letra ang bawat bilang sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod-sunod ng alpabetong Ingles upang mabuo ang mga pangalan.
| 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| A | B | C | D | E | F | G | H | I | J | K | L | M | N | O |
| 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| P | Q | R | S | T | U | V | W | X | Y | Z |
Halimbawa:
| 11 | 1 | 9 | 19 | 9 | 16 | 1 | 14 | 7 | 12 | 9 | 2 | 5 | 18 | 1 | 12 | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| K | A | I | S | I | P | A | N | G | L | I | B | E | R | A | L |
- Anong samahan ang itinatag ni Dr. Jose Rizal noong 3 Hulyo 1892?
| 12 | 1 | 12 | 9 | 7 | 1 | 6 | 9 | 12 | 9 | 16 | 9 | 14 | 1 | ||
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
- Anong samahan ang itinatag ng mga ilustrado na humihingi ng reporma sa pamahalaan?
| 11 | 9 | 12 | 21 | 19 | 1 | 14 | 7 |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| 16 | 18 | 15 | 16 | 1 | 7 | 1 | 14 | 4 | 1 |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
- Sino ang tagapagpayo ni Andres Bonifacio?
| 5 | 13 | 9 | 12 | 9 | 15 | 10 | 1 | 3 | 9 | 14 | 20 | 15 | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
- Anong samahan ang itinatag nina Andres Bonifacio noong 7 Hulyo 1892?
| 11 | 1 | 20 | 9 | 16 | 21 | 14 | 1 | 14 |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
- Anong rebolusyon noong 1789 ang nagbigay inspirasyon kay Andres Bonifacio?
| 6 | 18 | 5 | 14 | 3 | 8 | 18 | 5 | 22 | 15 | 12 | 21 | 20 | 9 | 15 | 14 | |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Isaisip
- Ano ang naging epekto ng kaisipang liberal sa Plipinas?
- Anong pamamaraan ang ginamit ng mga Kilusang Propaganda sa paghingi ng pagbabago?
- Ano ang ginamit ng Katipunan sa pakikipaglaban sa mga Español?
- Sino sino ang tinuturing na pinakatanyag na repormista o kinikilalang mga ulo ng kilusan?
- Ano ang Kilusang Propaganda?
Isagawa
Punan ang tsart tungkol sa Kilusang Propaganda at Katipunan.
| Mga Nagtatag ng Kilusang Propaganda | Pahayagan ng Propaganda | Mga Nagtatag ng Katipunan | Pahayagan ng Katipunan |
|---|---|---|---|
Tayahin
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang-papel.
Sino ang unang patnugot ng La Solidaridad?
- A. Emilio Jacinto
- B. Graciano Lopez Jaena
Ano ang opisyal na pahayagan ng Katipunan?
- A. Diyaryong Tagalog
- B. Kalayaan
Kailan naitatag ang La Liga Filipina?
- A. 3 Hulyo 1892
- B. 7 Hulyo 1892
Ano ang tawag kay Andres Bonifacio bilang lider ng Katipunan?
- A. Utak ng Katipunan
- B. Supremo
Kailan itinatag nina Andres Bonifacio ang Katipunan?
- A. 3 Hulyo 1892
- B. 7 Hulyo 1892
Sinong Gobernador Heneral ang naghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir?
- A. Miguel Morayta
- B. Rafael Izquierdo
Sino ang pumalit kay Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad?
- A. Jose Rizal
- B. Marcelo H. del Pilar
Sino ang mga kasapi ng Katipunan?
- A. Ladislao Diwa at Deodoro Plata
- B. Juan Luna at Pedro A. Paterno
Sino ang tinaguriang Utak ng Katipunan?
- A. Deodato Arellano
- B. Emilio Jacinto
Anong samahan ang nais wakasan ang pananakop ng mga Español sa pamamagitan ng puwersa o lakas?
- A. Kilusang Propaganda
- B. Katipunan
Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ang patlang. Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagtukoy sa tamang salita. Isulat ang sagot sa sagutang-papel.
- Ang La Solidaridad ang naging tagapagpahayag ng mithiin at kahilingan ng _____.
- Kataas-taasan Kagalang-galangang _____ ng mga Anak ng Bayan ang lihim na samahan na itinatag nina Andres Bonifacio.
- Sina Rizal, Lopez Jeana, at del Pilar ang kinikilang pangunahing _____.
- Inilathala ni Jose Rizal ang kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at _____ na tumuligsa sa mga maling patakaran ng mga Español.
- Ang La Liga Filipina ay isang samahang binuo ni _____ noong 3 Hulyo 1892.
Susi sa Pagwawasto: Aralin 1
[transcriber’s note: the two boxes on this page are printed rotated 180 degrees; they are transcribed in printed reading order, starting with the right-hand box, then the left-hand box]
Subukin
- B
- B
- C
- B
- B
- D
- C
- C
- A
- A
- D
- A
- B
- D
- C
Balikan
- ❖ Nagdadala ng mga produkto o kalakal mula Maynila patungo sa ibang bansa.
- ❖ Pagdala ng mga tao
- ❖ Pagdala ng mga aklat at babasahin.
Tanggapin ang mga sagot ng bata kung ito’y naayon din lamang sa sagot.
Tuklasin
A, C, D, & E
Pagyamanin
Gawain 1
- B
- A
- B
- A
- A
Gawain 2
- LA ILUSTRACION
- LIBERAL
- ISA
- RAFAEL DE IZQUIERDO
- GAROTE
Isaisip
-
- a. Pagbukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
- b. Pagpasok ng Kaisipang Liberal sa Pilipinas
- c. Pag-usbong ng Panggitnang uri
- d. Pamumuno ni Gob. Hen. Carlos Maria de la Torre
- e. Ang Pag-aalsa sa Cavite – Ang Pagbitay noong 1872 at ang Tatlong Paring Martir
- Hindi, kasi pinatay sila na walang kasalanan.
- Nasyonalismo
Isagawa
A.
- pagkapantay-pantay
- kapayaan
- kapatiran
- malayang pagpapahayag
B.
- Tutulong ako upang umunlad ang bansa.
- Ipagmamalaki ko ang aking pagkapilipino.[?]
- Tatangkilikin ko ang kulturang Pilipino.
- Tatangkilikin ko ang produktong Pinoy o Pilipino.
- Handa kong ipaglaban ang kalayaan ng bansa.
- Tanggapin ang sagot ng bata kung naayon din lamang ito.
Tayahin
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees]
A.
- Fernando La Madrid
- Bagumbayan
- Tama
- regular at secular
- kaisipang liberal
B.
- Carlos Maria de la Torre
- Dahil inalisan ng karapatan at pangkabuhayan ang hindi nakapagbayad ng taunang buwis.
- Kaisipang liberal o malayang kaisipan
- Lalong tumindi ang galit sa mga Español.
- Nalaman nila ang tungkol sa tinatawag na kalayaan, pagkapantay-pantay, at kapatiran.
Tanggapin ang sagot ng bata kung naayon lamang din ito sa sagot.
Karagdagang Gawain
- X
- X
- ✓
- X
- X
- ✓
- ✓
- ✓
- X
- ✓
Susi sa Pagwawasto: Aralin 2
[transcriber’s note: the boxes on this page are printed rotated 180 degrees; the Isagawa table is printed at the top of the page, below the heading]
Balikan
- Martinez
- Carlos Maria de la Torre
- Suez Canal
- Izquierdo
- Liberal
Tuklasin
A.
- Tungkol sa Kalayaan o pagnanais ng Kalayaan
- Susundin ko ang mga batas ng buong puso.
B.
- a. Graciano Lopez Jaena – Nagtatag ng La Solidaridad, Kasapi ng Kilusang Propaganda
- b. Jose Rizal – Sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Nagtatag ng La Liga Filipina, kasapi ng Kilusang Propaganda
- c. Andres Bonifacio – Supremo ng Katipunan
- d. Marcelo H. del Pilar – nagtatag ng Diyaryong Tagalog at kasapi ng Kilusang Propaganda
Tanggapin ang mga sagot ng bata kung naayon din lamang ito.
Pagyamanin
- LA LIGA FILIPINA
- KILUSANG PROPAGANDA
- EMILIO JACINTO
- KATIPUNAN
- FRENCH REVOLUTION
Isaisip
- Nagising sa katotohanan ang mga Pilipino na sila ay alipin sa sariling bansa.
- Gumamit sila ng lapis, papel, at [illegible] sa mapayapang paraan.
- Lakas at dahas
- Jose Rizal, Graciano Lopez Jeana, at Marcelo H. del Pilar
- Isang samahan na humihingi ng pagbabago sa mapayapang paraan.
Tayahin
- B
- B
- A
- B
- B
- B
- B
- A
- B
- B
Karagdagang Gawain
- Kilusang Propaganda
- Katipunan
- Repormista
- El Filibusterismo
- Jose Rizal
Isagawa
| Mga Nagtatag ng Kilusang Propaganda | Pahayagan ng Propaganda | Mga Nagtatag ng Katipunan | Pahayagan ng Katipunan |
|---|---|---|---|
| Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Juan Luna, Mariano Ponce, Trinidad Hermenegildo Pardo de Tavera, Jose Maria Panganiban, Pedro Paterno, Felix Resurreccion Hidalgo, Dominador Gomez. | La Solidaridad | Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano. | Kalayaan |
Sanggunian
Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino, Batayang Aklat sa Ikalimang Baitang Quezon City: LG&M, 2006, 104-105.
Alvenia P. Palu-ay. Makabayan Kasaysayang Pilipino, Batayang Aklat sa Ikalimang Baitang Quezon City: LG&M, 2006, 109-112.
Estelita B. Capiña and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya, Batayang Aklat Heograpiya, Kasaysayan at Sibika Quezon City: SD Publications, Inc., 2000, 96-99.
Estelita B. Capiña and Gloria P. Barrientos. Pilipinas: Bansang Malaya, Batayang Aklat Heograpiya, Kasaysayan at Sibika Quezon City: SD Publications, Inc., 2000, 100-101.
Florencia C. Domingo, Ph.D. et al. Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 1 Makati City: EdCrisch International, Inc., 2006, 118-122.
Florencia C. Domingo, Ph.D. et al. Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 1 Makati City: EdCrisch International, Inc., 2006, 127-142.
Jose Corazon de Jesus. Bayan Ko, Wikipedia, last modified June 22, 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/Bayan_Ko.
Project EASE (Effective and Alternative Secondary Education). Araling Panlipunan I, Modyul 13, Ang Paghahanda para sa Pagsasarili, Department of Education, 2014.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


Leave a Reply