Araling Panlipunan 5 Quarter 2 Module 3: Epekto ng mga Patakarang Ipinatupad ng Espanya

This is the Grade 5 Araling Panlipunan (Social Studies) self-learning module for Quarter 2, Module 3: “Ang Epekto ng mga Patakarang Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pang-ekonomiya at Patakarang Pampolitika” (the effects of the policies Spain imposed on the country: economic and political policies). It was prepared by DepEd Region VIII as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners should be able to explain how Spanish colonial policies changed the economy and government of the Philippines, and how they affected the lives of Filipinos.

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to analyze the effects of the colonial policies Spain imposed on the country, such as:

  • Patakarang pang-ekonomiya (economic policies): pagbubuwis (taxation), sistemang bandala, kalakalang galyon (the galleon trade), monopolyo ng tabako (the tobacco monopoly), the Royal Company, sapilitang paggawa (forced labor), and others
  • Patakarang pampolitika (political policy): the pamahalaang kolonyal (colonial government)

Lessons in this module

  1. Aralin 1: Pagbubuwis, Sapilitang Paggawa at Sistemang Bandala (taxation, forced labor, and the bandala system). How Spain used Filipino labor and the country’s resources through taxes, forced selling of crops, and unpaid work.
  2. Aralin 2: Kalakalang Galyon, Monopolyo ng Tabako, at Royal Company of the Philippines. The policies Spain added because taxes were not enough to support the colonial government, and their effects on Filipinos.
  3. Aralin 3: Patakarang Pampolitika (political policy). How the old barangay rule of the datu was replaced by a colonial central and local government.

Key ideas: Spanish economic policies

The module explains that all of these policies were meant to strengthen the Spanish colony, often at the cost of Filipino labor, money, and harvests.

Taxes, bandala, and forced labor (Aralin 1)

TermWhat it means in the module
TributoThe tax paid by natives, starting at eight reales and rising in later years. It could also be paid in crops or goods of the same value.
Cedula personalThe replacement for the tributo. All citizens aged 18 had to pay it to avoid punishment. It also served as proof of paying tax.
Sistemang bandalaA yearly quota of farm products that natives had to sell to the government. They were often not paid and were shown only a promissory note, so they lost income.
Polo y servicioForced labor of Filipino men aged 16 to 60, called polista. They built churches, roads, buildings, and galleons for 40 days without pay.
FallaThe amount a polista paid if he could not work in the polo.

By law, polistas were supposed to receive wages and food, but Spanish officials did not follow this. The module says this caused anger and revolts among the natives.

Galleon trade, tobacco, and the Royal Company (Aralin 2)

  • Kalakalang galyon (also called the Manila-Acapulco trade): galleons carried goods from Manila to Mexico and back. Most participants were Spanish officials and high-ranking leaders, who paid a boleta (a ticket or fee) to join. New plants and animals came to the country, but officials neglected the provinces, farmers could not harvest or plant on time, Filipinos were made to build the galleons and cut the timber, and only the Spaniards grew rich.
  • Monopolyo ng tabako (tobacco monopoly): tobacco was grown widely in Cagayan, Ilocos, Pampanga, La Union, and Nueva Ecija, and the government set how much farmers had to sell. Farmers could not grow food crops, payment was slow or never came, those who missed the quota were fined, and the Spaniards profited.
  • Royal Company of the Philippines: set up under Governor Basco by order of the King of Spain, and exempt from taxes for 25 years. It competed with the galleon trade and lost money, brought in more foreign traders, gave the Philippines no tax income, and left Filipino workers unpaid.

Key ideas: the colonial government (Aralin 3)

The Spaniards saw that the datu ruled each barangay separately, so they set up a new structure to make colonization easier.

Pamahalaang sentral (central government)

  • Gobernador-Heneral: held executive power, was the most powerful official in the country, lived in the Palacio del Gobernador, and also had authority over religious matters.
  • Royal Audiencia: the highest court, also headed by the Gobernador-Heneral, with oidores (judges) who helped in trials.

Pamahalaang lokal (local government)

  • Alcalde Mayor: governed the alcaldia (province) and collected its taxes.
  • Gobernadorcillo: led a town or pueblo, collected taxes, and kept the peace.
  • Cabeza de Barangay: led the smallest unit of government, usually a datu, and collected the tributo in the barangay.

Under this system, only Spaniards held the high positions, while Filipinos usually held the lowest ones.

How to use this module

  • Start with Subukin, the 10-item pretest, to see what you already know.
  • For each lesson, follow the parts in order: Balikan (review), Tuklasin (explore, often with a picture), Suriin (the main reading), and Pagyamanin (practice).
  • Finish with Isaisip (fill-in-the-blank summary), Isagawa (decide if each statement was good or bad for Filipinos), Tayahin (the 10-item final test), and Karagdagang Gawain (sort activities under Spaniards or Filipinos).
  • Write all answers on separate paper. The module asks learners not to write on or mark it so others can use it.

For learners: check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and answer honestly. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.

For parents and facilitators: the module notes that a guide for teachers and facilitators comes with it, with reminders and strategies for helping at home. The pretest shows whether your child needs extra help.

For teachers: the Tuklasin and Isagawa activities ask learners to judge effects as good or harmful, which works well for class discussion on how colonial policies affected Filipinos.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 5 Araling Panlipunan, Quarter 2, Module 3. It was prepared by DepEd Region VIII as a First Edition, 2020 self-learning module.

What lessons does the module cover?

It has three lessons: taxation, forced labor, and the bandala system; the galleon trade, tobacco monopoly, and Royal Company of the Philippines; and the political changes under the Spanish colonial government.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, each lesson’s activities, Isaisip, Isagawa, Tayahin, and Karagdagang Gawain.

What is polo y servicio?

It was forced labor of Filipino men aged 16 to 60, called polistas, who did heavy work such as building churches, roads, and galleons for 40 days without pay. A polista who could not work paid an amount called falla.

What was the sistemang bandala?

It was a yearly quota of farm products that natives had to sell to the government. They were often not paid and were given only a promissory note, so they lost income.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Epekto ng mga Patakarang Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pang-ekonomiya at Patakarang Pampolitika

[illustration: children reading and studying under a tree, a teacher helping students at a desk, and a student with a lamp and a globe]

CO_Q2_AralPan5_Modyul3

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Epekto ng mga Patakarang Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pang-ekonomiya at Patakarang Pampolitika

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII

Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte

Telefax: 053 – 832-2997

E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ramil P. Bingo at Philina G. Dadap

Editor: Edna C. Malasaga at Rosemarie M. Guino

Tagasuri: Engelyn P. Achacoso

Tagaguhit: Nelson Ponce

Tagalapat: Richie C. Blasabas

Tagapamahala:

Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag Ryan R. Tiu Rowena P. Vacal Genis S. Murallos Francis Angelo S. Gelera Rosemary S. Achacoso Mario R. Orais Roel C. Tugas Regel C. Mullet

5

Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 3: Ang Epekto ng mga Patakarang Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pang-ekonomiya at Patakarang Pampolitika

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral satahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mgakasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay saGuro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandangaralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawatpagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agadsa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

CO_Q2_AralPan5_Modyul3

Alamin

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa at ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Malalaman mo dito ang mga paghihirap ng mga katutubo sa pagsunod ng iba’t ibang patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga mananakop.

Matutunan mo rin kung paano nagbago ang politikal na aspekto ng bansa at ang epekto nito sa mga Pilipino. Ipinakita ng mga Espanyol na sa pagbabago ng pamamahala ng bansa ay may malaking epekto ito sa pagpapalawak ng kolonya. Matutunghayan mo dito ang paglipat ng sinaunang pamamahala hanggang sa kolonyal na uri ng pamahalaan.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Aralin 1- Ang Epekto ng mga Patakarang Kolonyal na Ipinatupad ng Espanya sa Bansa: Pang-Ekonomiya sa Pagbubuwis, Sapilitang Paggawa at Sistemang Bandala

Aralin 2- Epekto ng mga Patakarang Kolonyal na Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pang –Ekonomiya ng Kalakalang Galyon, Monopolyo ng Tabako, at Royal Company of the Philippines

Aralin 3- Epekto sa Patakarang Kolonyal na Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pampolitika

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagsusuri sa mga epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa tulad ng:

  • Patakarang pang-ekonomiya (Hal. Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang Galyon, Monopolyo ng Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa at iba pa)
  • Patakarang pampolitika (Pamahalaang Kolonyal)

CO_Q2_AralPan5_Modyul3

Subukin

Panuto: Subukin mong sagutin ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang tamang sagot at titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino na sila ay nagbabayad ng buwis sa Pamahalaang Espanyol?

    • A. bandala
    • B. cedula personal
    • C. listahan
    • D. resibo
  2. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na kailangang ibenta ay tinatawag na_____.

    • A. bandala
    • B. encomienda
    • C. real situdo
    • D. tributo
  3. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sapilitang paggawa sa Pilipinong polista?

    • A. Naging mapagkumbaba sila.
    • B. Natuto silang magtipid ng pagkain.
    • C. Sila ay naging matiyaga sa pagtatrabaho.
    • D. Nawawalay sila sa kanilang pamilya nang matagal.
  4. Ang pinakamapangyarihang opisyal sa bansa sa pamahalaang sentral ay___.

    • A. Alcalde Mayor
    • B. Cabeza de Barangay
    • C. Corrigedor
    • D. Gobernador-Heneral
  5. Ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi makapagtatrabaho sa sistemang polo.

    • A. encomienda
    • B. falla
    • C. reduccion
    • D. tributo

CO_Q2_AralPan5_Modyul3

  1. Bakit mahalaga ang tungkulin ng Royal Audiencia sa panahon ng Espanyol?

    • A. Ito ang nagsisilbing hukumang pambarangay noon.
    • B. Ito ang sumasaklolo sa mga Pilipinong nagkakasala
    • C. Ito ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol
    • D. Ito ang nagbibigay ng sweldo sa mga opisyal ng pamahalaan.
  2. Sino-sino ang nagtatrabaho sa Polo Y Servicio?

    • A. babaeng walang asawa
    • B. mga hindi lumipat sa poblacion
    • C. mga lalaking walang asawa
    • D. mga lalaking 16 hanggang 60 taon
  3. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga polista noon?

    • A. pagkakaingin
    • B. pagtitinda ng alahas
    • C. pagtatrabaho sa mga pamilihan
    • D. pangunguha ng mga ligaw na hayop at prutas
  4. Sa pagpapatupad ng patakarang bandala, ang mga magsasaka ay____

    • A. Binabayaran kaagad ang kanilang mga produkto.
    • B. Kinukumpiska ang mga produkto ng mga katutubo.
    • C. May kapalit na produkto rin galing sa mga Espanyol.
    • D. Binibigyan ng premyo ng mga Espanyol kung makukuha ang mga produkto.
  5. Ang paglikom ng buwis ay napupunta sa tungkulin ng ___

    • A. pamahalaang lokal
    • B. kataas-taasang hukuman
    • C. pamahalaang sentral
    • D. pampublikong pamahalaan

CO_Q2_AralPan5_Modyul3

Aralin 1

Ang Epekto ng mga Patakarang Pang-Ekonomiya na Ipinatupad ng Espanya sa Bansa: Pagbubuwis, Sapilitang Paggawa at Sistemang Bandala

Para madaling masakop ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino, kinakailangang maghanap sila ng paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kolonya. Nagpatupad ng mga patakarang pang-ekonomiya sa hangaring makuha lamang kung ano ang mga maaaring pakinabangan gaya ng lakas-paggawa at likas na yaman ng bansa.

Balikan

Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba at piliin ang titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat sa papel ang iyong sagot.

  1. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?

    • A. Para maging pari din ang mga Pilipino
    • B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
    • C. Para ganap na maipatupad ang kolonyalismo
    • D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
  2. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa?



    • A. pakikipagkaibigan sa mga katutubo

    • B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo

    • C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo

    • A. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa.


    transcriber’s note: the fourth option of question 2 is printed with the letter “A.” in the original, not “D.”


  3. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?

    • A. divide and rule
    • B. kolonyalismo
    • C. merkantilismo
    • D. sosyalismo
  4. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentro ng populasyon?

    • A. Falla
    • B. Polo Y Servicio
    • C. Reduccion
    • D. Residencia
  5. Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa Simbahang Katoliko noon?


A. Pagmimisa sa pamumuno ng pari

B. Pagsasaulo ng mga dasal at rosaryo

C. Pag-awit ng mga awiting pansimbahan

D. Pag-aayuno ng anim na buwan

Tuklasin

Tingnan o suriing mabuti ang larawan sa ibaba. Pumili ng limang pahayag na naglalarawan sa Pilipinong nagtatrabaho at sa Espanyol na nakabantay. Isulat ang sagot sa iyong sariling papel

[illustration: a Filipino farmer plowing with a carabao while a man in a hat stands watching nearby]

[illustration: Filipino workers pulling a heavy cart up a ramp while a man stands at the top, with a Spanish overseer nearby]

  • Ang Espanyol ay nanonood lamang habang ang mga Pilipino ang nagtatrabaho.
  • Ang Espanyol na nagbabantay ang humihila sa kalabaw.
  • Masisipag ang mga Pilipinong nagtatrabaho.
  • Ang Alcalde Mayor ang Espanyol na humihila sa kariton.
  • Ang Gobernador-Heneral ang nag-uutos sa mga Pilipinong gumawa ng kalsada.
  • Ang Espanyol na nagbabantay ay opisyal ng pamahalaan.
  • Masayang tingnan ang mga taong nagtatrabaho dahil sila ang yayaman.
  • Mabuti ang epekto nito sa panig ng mga Espanyol.
Suriin

Maraming patakarang pang-ekonomiya ang ipinatupad sa Pilipinas sa panahon ng mga Espanyol. Lahat ng mga pangkabuhayang ito ay nakatuon sa pagpapatatag ng kolonyang Espanyol. Sinamantala ng mga dayuhang Kastila ang serbisyo ng mga katutubo at ang kanilang mga salapi at yaman mula sa kinikita ng mga pangkabuhayang itinatag ng pamahalaan. Ilan sa mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Espanyol ay ang pagbabayad ng buwis, sistemang bandala, at sapilitang paggawa.

Tributo- ay sistema sa pagbabayad ng buwis sa mga katutubo sa halagang walong reales sa simula at tinutubuan sa mga sumusunod na taon. Pwede rin silang magbayad nito gamit ang kanilang mga ani o anumang produkto katumbas ng parehong halaga.

Cedula personal- ang ipinalit sa tributo kung saan lahat ng mga mamamayang 18 taong gulang ay kailangang magbayad para hindi maparusahan.

Sistemang bandala- ay ang taunang quota ng mga produkto na dapat ipagbili ng mga katutubo mula sa kanilang sakahan o ani. Kadalasan, hindi sila binabayaran ng mga Espanyol sa kanilng mga produkto. Ang promissory note lamang ang ipinapakita sa kanila. Nalugi sila at nawalan ng kita.

Polo Y Servicio- ito ang sapilitang paggawa o pagtatrabaho ng mga Pilipinong lalaki na 16 – 60 taong gulang. Ang tawag sa kanila ay polista. Nagtatrabaho sila ng mga mabibigat na gawain tulad ng paggawa ng malalaking simbahan, kalsada, gusali, galyon at iba pa sa loob ng 40 araw na walang sweldo.

Falla- ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi makapagtatrabaho sa sistemang polo. Ayon sa batas, ang mga polista ay may sweldo at bibigyan ng pagkain ngunit hindi ito tinupad ng mga opisyal ng Espanyol. Ito ang naging dahilan ng galit at pag-aalsa ng mga katutubo.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga tanong at piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat ito sa isang malinis na papel.

mga opisyal na Espanyolnagpahirap sa buhay ng Pilipino
sistemang bandalaMehiko
40 araw25 taon
nagbabayad ng fallahindi binayaran ang mga Pilipino
  1. Ano ang gagawin ng mga polista kung hindi sila makakapagtrabaho sa polo?


  2. Ano ang tawag sa taunang pagbibigay ng produkto ng mga katutubo?


  3. Ilang araw ang iginugugol na trabaho ng mga katutubo na walang bayad?


  4. Bakit ikinagalit ng mga Pilipino ang sistemang bandala?


  5. Ano ang epekto ng pagbibigay buwis sa mga Pilipino


Aralin 2 – Epekto ng mga Patakarang Kolonyal na Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pang-ekonomiya ng Kalakalang Galyon, Monopolyo ng Tabako, at Royal Company of the Philippines

Isa sa malaking pagbabagong naganap sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas ay may kaugnayan sa ekonomikong kalagayan ng bansa bilang sakop ng Espanya. Layunin nilang makilala sa buong daidig bilang isang makapagyarihang bansa, kaya mabilis na ipinatupad ang mga patakarang pang-ekonomiko sa mga bansang sinakop nito.

Balikan

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon para mabuo ang talata. Isulat ang sagot sa iyong papel.

tributobandalawalong reales
16-60polo y servicio16-65
40cedulafalla

Nang ipinatupad ng mga Espanyol ang sistema ng pagbubuwis na tinatawag na ______, ang mga katutubo ay nagbabayad ng _____________ bilang buwis. Maliban dito, sapilitang binibili ng pamahalaan ang mga produkto o ani ng mga katutubo na tinatawag na _______. Ang _________ o pilit na pagpapatrabaho ng mga katutubo ng iba’t ibang mabibigat na gawain tulad ng imprastruktura at pagtotroso ay isa sa mga dahilan ng pagkagalit ng mga katutubo laban sa mga Espanyol. Ang mga lalaking may edad ____ hanggang _____ taon ay nagtatrabaho pa rin sa loob ng _____ araw.

Tuklasin

Tingnan ang larawan. Ito ang nagpapakita sa kalakalang galyon at monopolyo ng tabako na ipinapatupad ng mga Espanyol.

[illustration: a galleon ship tilting on the water]

[photo: a field of tobacco plants]

Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang Yehey kung nakabubuti sa mga Pilipino at Aray kung hindi nakabubuti. Isulat sa iyong papel ang sagot.

  1. Ang mga Pilipino ang pinapagawa ng mga malalaking galyon na walang sweldo.


  2. Naging malikhain ang mga Pilipinong gumawa ng galyon.


  3. Ang mga tabako ay itinatanim sa mga sakahan at kinukuha ng mga Espanyol na walang bayad.


  4. Nabigyan ng bagong produkto ang mga katutubo tulad ng tabako.


  5. Tanging mga Espanyol ang yumaman sa kalakalang galyon.


Suriin

Hindi sapat ang nakolektang buwis ng mga Kastila sa mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan ng pamahalaan. Kaya nagpatupad ang mga Espanyol ng patakaran upang may mapagkunan ng kita ang pamahalaan.

Ang mga sumusunod ay mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa.

A. Kalakalang galyon

**Galyon-**tawag sa sasakyang nagdadala ng mga produkto galing sa Maynila papuntang Mexico. Nagdadala rin ito ng mga kalakal galing Mexico pabalik sa bansa. Tinawag rin itong Kalakalang Maynila-Acapulco. Karamihan sa mga kasali dito ay mga Opisyal o may katungkulan sa bansang Espanya at mga matataas na pinuno.

Boleta- ang nagsisilbing tiket o bayad ng isang mangangalakal para makasali sa kalakalang galyon.

Mga Epekto sa Kalakalan:

  • May mga bagong uri ng tanim at hayop ang dumating sa bansa.
  • Napabayaan ng mga opisyal ang mga lalawigan dahil abala sila sa pagsali sa kalakalan.
  • Ang mga produktong agrikultura ay hindi na naaani ng mga katutubo sa takdang panahon at hindi na rin sila nakapagtatanim.
  • Ang mga Pilipino ang inatasang gumawa ng galyon at nangunguha ng mga malaking kahoy na gagawing galyon.
  • Tanging mga Espanyol ang yumaman sa kalakalan.
B. Monopolyo ng Tabako

Ang malawakang pagtatanim ng tabako ay sa mga Lalawigan ng Cagayan, Ilocos, Pampanga, La Union, at Nueva Ecija. Sa patakarang ito, may itinakda ang pamahalaan sa dami ng tabakong ipagbibili ng mga magsasaka. Iniluluwas ang mga tabako sa Maynila para gawing sigarilyo.

Mga Epekto ng Monopolyo

  • Hindi nakapagtatanim ang mga magsasaka ng produktong pagkain dahil sa tabako.
  • Matagal ang pagbabayad sa mga magsasaka at mayroong mga hindi nababayaran
  • Pinatawan ng multa ang hindi nakakaabot sa quota ng pamahalaan.
  • Nakikinabang at yumaman ang mga Espanyol
B. Royal Company of the Philippines

Ang kompanyang ito ay naitatag sa panahon ni Gobernador Basco ayon sa utos ng hari ng Espanya. Walang buwis na ipapataw sa kanilang pangangalakal sa loob ng 25 na taon. Nagbebenta rin ito ng mga produkto galing sa Pilipinas at sa ibang karatig- bansa ng Asya.

Mga Epekto sa Royal Company

  • Kompetensiya sa kalakalang galyon dahilan ng pagkalugi ng kita nito.
  • Dumami ang mga dayuhang mangangalakal sa bansa .
  • Walang kita ang Pilipinas dahil walang bayad na buwis.
  • Hindi nabayaran ang mga Pilipinong nagtatrabaho dahil sa pagkalugi nito.
Pagyamanin

Magbigay ng maaaring epekto sa mga sumusunod na patakaran. Isulat ang sagot sa inyong papel.

[chart: flowchart; Pagyamanin graphic organizer with three rows of arrows]

  1. Monopolyo ng Tabako → Epekto sa Pilipino → 1. 2. 3.


  2. Kalakalang Galyon → Epekto sa Espanyol → 4. 5.


  3. Royal Company of the Philippines → Epekto sa Pilipino → 6. 7.


Aralin 3 – Epekto ng Patakarang Kolonyal na Ipinatupad ng Espanya sa Bansa sa Patakarang Pampolitika

Sa araling ito ay masusuri mo ang mga pagbabagong pampolitika na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan. Susuriin din ang naging pagbabago sa politikal na aspekto ng bansa at ang epekto nito sa mga katutubong Pilipino mula sa kinagisnang sinaunang pamamahala hanggang sa panahon ng kolonyalismo.

Balikan

Panuto: Basahin ang mga sumusunod at ibigay ang tamang sagot. Isulat sa papel ang iyong sagot.

_____________ 1. Ang malaking barkong pangkalakalan na nagdadala ng mga produkto mula sa Pilipinas patungo sa bansang Mexico.

_____________ 2. Sila ang tanging makakasali sa negosyo sa kalakalang galyon.

_____________ 3. Ito ang kompanyang itinatag ng hari ng Espanya na patuloy ring nangangalakal.

_____________ 4. Ang patakarang nag-uutos sa pagtatanim ng tabako.

_____________ 5. Nagtatrabaho ng mabibigat na gawain sa galyon at lupain

Tuklasin

Pamahalaang Sentralisado

[photo: harapan ng gusaling Palacio del Gobernador]

Palacio del Gobernador

Tingnan ang larawan sa itaas. Sino kaya ang namamahala sa gusaling ito? Ano ang tawag sa namamahala dito?

[chart: diagram; walang numero at pamagat na nakalimbag, lumilitaw sa pahina ng Tuklasin]

  • Vertical na letra: P A M A H A L A A N G (Pamahalaang), katabi ang vertical na letra: S E N T R A L (Sentral), na may dalawang arrow na nakaturo sa:
    • EHEKUTIBO
    • HUDISYAL
  • Vertical na letra: P A M A H A L A A N G (Pamahalaang), katabi ang vertical na letra: L O K A L (Lokal), na may bracket na nakaturo sa:
    • ___ALCALDIA
    • ____PUEBLO
    • ____BARANGAY

Sa ilustrasyong iyong nakikita, ano ang dalawang pamahalaang itinatag ng mga Espanyol?

Alin ang nasa pinakamababang yunit?

Suriin

Pamahalaang Sentral

Napansin ng mga Espanyol na hiwa-hiwalay ang pamamahala ng mga datu sa iba’t ibang barangay. Nakita nila na kailangan ang pagbabago sa pamahalaan upang mapadali ang kanilang layunin sa pananakop ng bansa. Ito ang isa sa mga naging batayan ng mga Espanyol para magtatag ng panibagong istruktura ng pamahalaan sa kolonya.

Narito ang ilang pagbabago sa mga tungkulin ng pamahalaan:

Ehekutibo- ay hawak ng Gobernador-Heneral. Siya ang pinakamapangyarihang opisyal ng bansa. Nakatira sa Palacio del Gobernador ang Gobernador-Heneral. Siya rin ay may kapangyarihan sa mga gawaing panrelihiyon sa bansa.

Royal Audiencia- ang Kataas-taasang hukuman ng bansa sa panahon ng Espanyol. Pinamumunuan din ito ng Gobernador-Heneral at may mga kasama siyang oidores o huwes na tumutulong kung may paglilitis.

Pamahalaang Lokal

Alcalde Mayor- namamahala sa alcaldia o buong lalawigan. Tungkulin niyang mangulekta ng buwis sa kanyang nasasakupang lalawigan.

Gobernadorcillo- pinuno ng isang bayan o pueblo. Siya rin ang naglilikom ng buwis sa buong bayan at nangangasiwa sa katahimikan ng lugar.

Cabeza de Barangay- ang namumuno sa pinakamaliit na yunit ng pamahalaan. Karaniwan ang mga datu ang napiling pinuno dito. Siya ang nangungulekta ng tributo o buwis sa barangay.

❖ Sa pagbabago ng pamahalaan, ang mga Espanyol lamang ang humawak ng matataas na posisyon sa pamahalaan.

❖ Karaniwan ang mga Pilipino ang nasa pinakamababang katungkulan.

Pagyamanin

Panuto: Iugnay ang mga pahayag sa Hanay A sa mga salita sa Hanay B. Isulat ang titik lamang sa sagutang papel.

Hanay AHanay B
1. Ang pinakamataas na hukuman ng bansaA. Gobernador-Heneral
2. Ang pinamamahalaan ng gobernadorcilloB. Cabeza de barangay
3. Ang nasa pinakamababang katungkulan ng pamahalaang lokalC. Royal Audiencia
4. Siya ang humahawak sa mga gawain sa Alcaldia.D. Pueblo
5. Siya ang namamahala sa sangay ng ehekutibo.E. Alcalde Mayor
F. Palacio del Gobernador

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Isulat sa inyong sagutang papel.

  1. Ang _____ay isang uri ng buwis na ibinabayad ng mga Pilipino mula sa kanilang sariling produkto o ani.


  2. Ang ______ay ang taunang quota ng mga produktong dapat ipagbili sa pamahalaan mula sa mga magsasaka.


  3. ________ ang tawag sa sapilitang paggawa ng mga Pilipinong 16-60 taong gulang na walang bayad. Sila ang mga polista.


  4. Ang ____________ay ang kalakalang galyon na nagdadala ng mga produkto galing Maynila patungong Acapulco Mexico.


  5. Ang ___________ay katulad ng galyon na pawang Espanyol lamang ang nakikinabang dahil sa ito ay pag-aari ng Espanyol.


  6. Ang ___________ay ang pagbabago sa uri ng pamahalaan mula sa barangay patungo sa pambansang pamamahala at lokal na pamamahala.


Isagawa

Panuto: Basahin ang mga pangungusap na sumusunod. Gumuhit ng ♡ kung nakakabuti sa mga Pilipino ang pahayag at ♥ naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

  1. Ang pagtatayo ng simbahan ay nakatulong sa pagpapaunlad ng relihiyon.


  2. Ang buwis ay napupunta sa mga opisyal na Espanyol na namamahala.


  3. Sapilitang ipinapabenta ang lahat ng mga ani ng mga magsasaka .


  4. Ipinapatayo ng mga gusali sa bansa ang mga buwis na kinokolekta.


  5. Ang mga namamahalang pinuno ng lalawigan ay mga Espanyol lamang.


Tayahin

Panuto: Suriin ang mga patakaran sa ibaba. Pumili ng mga naging kaugnay na epekto nito.Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

A. Mga Patakaran at PolitikaMga Epekto
1. Tributo
2.Kalakalang Galyon
3.Sapilitang Paggawa
4.Pamahalaang Sentral
5. Pamahalaang Lokal
a. Pinipili ang mga kamag-anak ng Espanyol lamang.
b. Nagpapahirap sa mga lalaki sa pagtatrabaho nang mabibigat
c. Nagpipilit sa mga katutubo na magbayad kahit walang kita
d. Napabayaan ang tungkulin ng mga Espanyol sa pagbenta ng kalakal
e. Nagpapahina sa negosyo sa galyon
f. Malawakang kapangyarihan sa bansa dahil sa pagkakaloob ng maraming titulo sa pamumuno.
B. Pumili ng titik ng tamang sagot sa kabilang hanay
6. Royal Audiencia
7.Sistemang Bandala
8. Patakarang Pang-Ekonomiya
9. Sistemang Politika
10.Pamahalaang Pambarangay
g. Pinakamababang yunit ng pamahalaan
h. Nakasentro sa pagbabago ng pangkabuhayan ng bansa.
i. Nagpabago sa uri ng pamahalaan ng mga Pilipino
j. Ang inatasang tagahukom ng bansa.
k. Nawalan ng kita ang mga magsasaka sa malakihang produktong kinuha sa kanila.

Karagdagang Gawain

May iba ka pang hamon na haharapin ngayon dahil susubukan mo pa rin ang susunod na gawain sa pamamagitan ng pagpili ng mga pahayag na angkop sa mga pangyayari noong pananakop ng mga Espanyol. Isulat ang sagot sa papel.

  1. Pagtatrabaho sa malalayo


  2. Pagtatanim ng maraming tabako


  3. Pagsali sa kalakalan


  4. Pagbibigay ng falla


  5. Pangangasiwa sa mga lungsod


[illustration: dalawang walang lamang bilog na magkatabi, may label na “Mga Espanyol” at “Mga Pilipino” sa itaas]

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the text is transcribed upright in reading order]

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. B
  2. A
  3. D
  4. D
  5. B
  6. C
  7. D
  8. A
  9. B
  10. A
Balikan – Aralin 1
  1. C
  2. C
  3. A
  4. C
  5. D
Tuklasin – Aralin 1
  • Ang Espanyol ay nanonood lamang ang Pilipino ay habang nagtatrabaho.
  • Masisipag ang mga Pilipinong nagtatrabaho.
  • Ang gobernador-heneral ang nag-uutos sa mga Pilipinong gumawa ng kalsada.
  • Ang Espanyol na nagbabantay ay opisyal ng pamahalaan.
  • Mabuti ang epekto nito sa panig ng mga Espanyol
Pagyamanin – Aralin 1
  1. nagbabayad ng falla
  2. sistemang bandala
  3. 40 araw
  4. hindi binayaran ang mga Pilipino
  5. nagpapahirap sa buhay ng Pilipino

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the text is transcribed upright in reading order]

Balikan – Aralin 2
  1. Tributo
  2. Walong Reales
  3. Bandala
  4. Polo y servicio
  5. 16-65 taong gulang
  6. 40 araw
Tuklasin – Aralin 2
  1. Aray
  2. Yehey
  3. Aray
  4. Yehey
  5. Aray
Pagyamanin – Aralin 2

Maaaring sagot sa tanong 1

  • Hindi nakapagtanim ang mga magsasaka ng produktong pagkain dahil sa tabako.
  • Matagal ang pagbabayad sa mga magsasaka at mayroong hindi nabayaran
  • Pinatawan ng multa ang hindi nakaabot sa quota ng pamahalaan.

Maaaring sagot sa tanong 2

  • Napabayaan ng mga opisyal ang mga lalawigan dahil abala sila sa pagsali sa kalakalan.
  • Tanging mga Espanyol ang yumaman sa kalakalan.

Maaaring sagot sa tanong 3

  • Walang kita ang Pilipinas dahil walang bayad na buwis.
  • Hindi nabayaran ang mga Pilipinong nagtatrabaho dahil sa pagkalugi nito.
Aralin 3 – Tuklasin
  • Gobernador-heneral
  • Palacio del gobernador
  • Pamahalaang sentral at lokal
  • Barangay
Aralin 3 – Balikan
  1. Galyon
  2. Espanyol
  3. Royal Company of the Philippines
  4. Monopolyo ng Tabako
  5. Mga katutubong Pilipino
Aralin 3 – Pagyamanin
  1. C
  2. D
  3. B
  4. E
  5. A
Isaisip
  1. Tributo
  2. Bandala
  3. Polo Y Servicio
  4. Kalakalang Acapulco-Maynila
  5. Real company of the Philippines
  6. Patakarang Pampolitika
Isagawa
  1. [illustration: unfilled heart]
  2. [illustration: filled heart]
  3. [illustration: filled heart]
  4. [illustration: unfilled heart]
  5. [illustration: filled heart]

[transcriber’s note: the numbers 1 to 5 are printed beside the five hearts, which are filled or unfilled as shown above.]

Tayahin
BilangSagot
1C
2D
3B
4F
5A
6J
7K
8H
9I
10G
Karagdagang Gawain
EspanyolMga Pilipino
-Pagsali sa kalakalan
-Pangangasiwa sa mga lungsod
-Pagtatrabaho sa malayo
-Pagtatanim ng maraming tabako
-Pagbibigay ng falla

SANGGUNIAN

patrickroque01, 2019. Palacio Del Gobernador – Facade (Intramuros, Manila; 11-10-2019).Jpg. [online] En.wikipedia.org. Available at: <https://en.wikipedia.org/wiki/File:Palacio_Del_Gobernador_-_facade_(Intramuros,_Manila;_11-10-2019).jpg> [Accessed 17 June 2020].

Man, R., 2006. File:Nicotiana Tobacco Plants 1909Px.Jpg – Wikimedia Commons. [online] Commons.wikimedia.org. Available at: <https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Nicotiana_Tobacco_Plants_1909px.jpg> [Accessed 17 June 2020].

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

One response to “Araling Panlipunan 5 Quarter 2 Module 3: Epekto ng mga Patakarang Ipinatupad ng Espanya”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *