Araling Panlipunan 5 Quarter 2 Module 2: Pwersang Militar at Kristiyanisasyon

This is the Araling Panlipunan 5 self-learning module for the second quarter, Modyul 2: “Pagsasailalim ng Katutubong Populasyon sa Kapangyarihan ng Espanya (Pwersang Militar at Kristiyanisasyon)” (bringing the native population under Spanish power through military force and Christianization). It was prepared by DepEd Region VIII (first edition, 2020) for Grade 5 learners studying at home. After the module, learners should be able to explain the two main ways Spain brought Filipinos under its rule.

What learners will learn

The module states one main objective. Learners are expected to:

  • Analyze the ways the native population was brought under Spanish power through military force (Pwersang Militar) and divide and rule, and through Christianization (Kristiyanisasyon).

Along the way, learners also compare the beliefs of the early Filipinos with the religion the Spaniards spread.

Lessons in this module

  • Aralin 1: Pwersang Militar / Divide and Rule (military force and divide and rule). How the Spaniards used weapons, expeditions, and the turning of Filipino groups against each other to conquer the islands.
  • Aralin 2: Kristiyanisasyon ng mga Katutubo (Christianization of the natives). How the Church and the friars replaced native beliefs with Christianity and how this helped Spain’s colonization.

Key ideas: military force and divide and rule

The module explains that the arrival of the Spaniards brought many changes to the lives of native Filipinos and led to their being placed under foreign rule. It gives these reasons and events:

  • Lack of weapons. Filipinos had fewer arms, so the Spaniards took advantage of this to conquer the provinces.
  • Cebu. Miguel Lopez de Legaspi set up a settlement in Cebu after the natives failed to defend it, and Humabon surrendered and accepted the Spaniards.
  • Manila. Legaspi attacked Manila, and it fell under Spanish rule. Martin de Goiti was named the first head of Spain’s military force in Manila.
  • Luzon and Bicol. Juan de Salcedo conquered Southern Luzon and Bicol and continued the conquest of provinces in southern and northern Luzon.
  • Force when talks failed. Later expeditions used military force whenever a place could not be won by agreement or diplomacy.
  • Lack of unity. The natives’ disunity weakened the revolts they launched.
  • The sword (espada) symbolized Spanish power and strength in the conquest.
  • Divide and rule. The Spaniards set Filipino groups against one another. Those who fought Spain received harsh punishment, and sadly, Filipinos even killed their fellow Filipinos.

Key ideas: Christianization

The Church played a big role in colonization. The Spaniards told the natives that their old religion was Paganismo (paganism), the worship of many gods and goddesses believed to live in nature, and should no longer be followed.

  • Friars (prayle or misyonero) were sent to teach the new religion and run the churches the Spaniards built.
  • Changes in belief included worship of one God, priests leading religious rites such as Mass and baptism, rituals in holy places, and ceremonies for saints.
  • Winning over the natives. Friars attracted people through baptism and by giving blessings, and they put up large crosses (Krus) in the places they entered.
  • Reduccion was the forced relocation of natives to a pueblo, or town center, so they could easily be gathered for Mass and religious activities. Those who refused were not baptized, and those who resisted were punished.
  • Filipinos came to see religion as a way to strengthen family ties, since families prayed together.

The module concludes that Christianization was the key method that made Spain’s colonization of the country succeed.

How to use this module

Each lesson follows the same parts: Balikan (review), Tuklasin (look at a picture and answer questions), Suriin (the lesson reading), and Pagyamanin (practice questions). After both lessons come Isaisip (fill in the blanks), Isagawa (choose activities that show Christianity or military force), Tayahin (a 10-item matching test), and Karagdagang Gawain (sort statements into a heart for Christianization and a sword for violent conquest).

  • Learners: Start with the 10-item Subukin pretest to see what you already know. Write all answers on separate paper and do not write on the module. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.
  • Parents and guardians: Use the answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end to check work after your child answers, and encourage honest use of it.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. Review the answer key before sharing it, since a few answers do not match the lesson text (for example, Subukin item 9 and Pagyamanin Aralin 2 item 4).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Araling Panlipunan module for?

It is for Grade 5 Araling Panlipunan, second quarter (Ikalawang Markahan), Module 2.

What are the two lessons in this module?

Aralin 1 covers Pwersang Militar and divide and rule, and Aralin 2 covers Kristiyanisasyon, the spread of Christianity among the natives.

What is Reduccion?

Reduccion was the forced relocation of natives to a pueblo or town center so they could easily be gathered for Mass and religious activities. Those who refused were not baptized, and those who resisted were punished.

What does divide and rule mean in this module?

It was the Spanish method of turning Filipino groups against one another, which weakened Filipinos and led them to fight and even kill their fellow Filipinos.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, the practice activities, the Isaisip, Isagawa, Tayahin, and the additional activity.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Araling Panlipunan – Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagsasailalim ng Katutubong Populasyon Sa Kapangyarihan ng Espanya (Pwersang Militar at Kristiyanisasyon)

5

[illustration: students reading, studying, and using a globe and lamp under a tree]

CO_Q2_AralPan5_Modyul2

Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagsasailalim ng Katutubong Populasyon sa Kapangyarihan ng Espanya (Pwersang Militar at Kristiyanisasyon)

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – SDO – Region VIII

Office Address: Government Center, Cadahug, Palo, Leyte

Telefax: 053 – 832-2997

E-mail Address: region8@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ramil P. Bingco at Philina G. Dadap

Editor: Jessica B. Tan at Rosemarie M. Guino

Tagasuri: Engelyn P. Achacoso

Tagaguhit: Nelson C. Ponce

Tagalapat: Earl Bennette A. Roz

Tagapamahala:

Ramir B. Uytico

Arnulfo M. Balane

Rosemarie M. Guino

Joy B. Bihag

Ryan R. Tiu

Rowena T. Vacal

Genis S. Murallos

Francis Angelo S. Gelera

Rosemary S. Achacoso

Mario R. Orais

Roel C. Tugas

Regel C. Mullet

5

Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan – Modyul 2: Pagsasailalim ng Katutubong Populasyon Sa Kapangyarihan ng Espanya (Pwersang Militar at Kristiyanisasyon)

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Sa nakaraang aralin ay nalaman mo ang kahalagahan ng pananampalataya para sa ating mga ninuno. Ito ang isa sa mga kontribusyon nila sa paghubog ng ating kabihasnan. Sa araling ito ay malalaman mo ang pagkakaiba ng paniniwala ng mga katutubo sa relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol. Matutuklasan mo rin dito ang paraang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop ng mga katutubo at sa pagbabago sa buhay ng mga Pilipino nang mapasailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol.

Nasakop ng mga Espanyol ang ating bansa sa pamamagitan ng kanilang ipinakilalang relihiyon at ginamit rin nila ang paraang militar. Matutunghayan mo sa mga araling nakapaloob dito kung paano nila ipinatutupad ito.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Aralin 1- Pwersang Militar / Divide and Rule

Aralin 2- Kristiyanisasyon

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang makasusuri ng mga paraan sa pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya sa pamamagitan ng Pwersang Militar/ divide and rule, at Kristiyanisasyon.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba at piliin ang titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat sa papel ang iyong sagot.

  1. Ang malaking papel sa pagpapatupad ng Kristiyanismo ay ginampanan ng
  • A. gobernadorcillo
  • B. pamahalaan
  • C. simbahan
  • D. tahanan
  1. Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pananakop ng mga katutubo?
  • A. pagpapayaman ng mga katutubo
  • B. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
  • C. pagtatag ng pamahalaang sultanato
  • D. paglalakbay sa mga magandang tanawin
  1. Paano naakit ang mga Pilipino sa Kristiyanismo?
  • A. Binigyan ng sertipiko ang mga Pilipino.


  • B. Binigyan sila ng mga lupaing sasakahin.


  • C. May libreng pabahay ang mga dayuhan.


  • D. Gumawa ng paraan ang mga prayle para matanggap sila.


  1. Paano ipinakita ni Magellan ang Pwersa Militar ng Espanya sa pagpasok nila sa Pulo ng Mactan?
  • A. Sinalakay ng mga Espanyol ang Mactan.
  • B. Nagsanduguan sina Lapu-lapu at Magellan.
  • C. Nagdadala sila ng mga pagkain galing sa Cebu.
  • D. Nagdaraos ng pagpupulong si Magellan sa kanilang pinuno.
  1. Sino ang unang itinalagang pinuno ng Pwersang Militar ng Espanya sa Maynila?
  • A. Andres de Urdaneta
  • B. Ferdinand Magellan
  • C. Martin de Goiti
  • D. Rajah Matanda
  1. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
  • A. divide and rule
  • B. kolonyalismo
  • C. merkantilismo
  • D. sosyalismo
  1. Ano ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol para magtagumpay ang kanilang pananakop sa bansa.
  • A. pakikigpagkaibigan sa mga katutubo
  • B. pagbili ng mga produktong gawa ng mga katutubo
  • C. pagpapalaganap ng Relihiyong Kristiyanismo sa mga katutubo
  • A. paglaban sa mga mananakop gamit ang mga sibat, bangkaw, at iba pa.
  1. Alin sa mga gawaing nakatala sa ibaba ang hindi ginawa sa simbahan noon?
  • A. Pagmimisa sa pamumuno ng pari
  • B. Pagsasaulo ng mga dasal at rosaryo
  • C. Pag-aawit ng mga awiting pansimbahan
  • D. Pagsasagawa ng novena sa pamumuno ng ministro
  1. Bakit kailangang pilitin ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa bagong paniniwala?
  • A. Para maging pari din ang mga Pilipino
  • B. Para sila ay makapunta sa mga bundok
  • C. Para ganap na maipapatupad ang kolonyalismo
  • D. Para makakuha sila ng mga agimat sa mga Pilipino
  1. Ano ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo o sentro ng populasyon?
  • A. Falla
  • B. Polo Y Servicio
  • C. Reduccion
  • D. Residencia

Aralin 1 Pwersang Militar (Divide and Rule)

Sa araling ito ay malalaman mo ang paraang Divide and Rule na ginamit ng mga Espanyol na lalong nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-aaway sila ng kapwa Pilipino sa ibang pangkat. Mararahas na parusa ang natanggap sa mga lumaban sa Espanyol at sa kasamaang-palad ay pinatay ng kapwa Pilipino ang kanilang mga kasama.

Balikan

Gamit ang iyong sariling papel, pumili ng limang mga pahayag na nagpapakita ng mga dahilan ng pagpapalaganap ng kolonyalismo ng Espanyol. Isulat ang titik lamang.

A. Nais ng mga Espanyol na makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain.

B. Layon ng mga Espanyol na turuan ang mga Pilipino na maging mahusay na manlalayag.

C. Ipinakita ng mga Espanyol na mas mahusay ang kanilang mga armas sa pamamagitan ng pagkatalo ng mga Pilipino sa labanan.

D. Hangad ng mga Espanyol na makamit ang kapangyarihan sa paggalugad ng mga yaman sa ibang bansa.

E. Gustong ipakita sa ibang lahi ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

F. Nais ding makamit ng mga Espanyol ang karangalan laban sa kanilang mga katunggaling bansa.

G. Layunin ng mga Espanyol na mapalakas ang kolonyalismo laban sa ibang bansa.

Tuklasin

Tingnan at suriin ang nga larawan sa ibaba. Ano kaya ang ginawa ng mga tao? Sino-sino ang may mga dalang baril? Ano anong sandata ang dala ng mga Pilipino sa larawan? Sa tingin ninyo, sino kaya ang mananalo dito? Maaari mong isulat ang iyong sagot sa papel.

[illustration: Filipino warriors with bladed weapons and shields fighting Spanish soldiers in armor on the water, with ships in the background]

Iginuhit ni: Brian Jessen M. Dignos

Suriin

Ang pagdating ng mga Espanyol sa bansa ang naging hudyat sa iba’t ibang mga pagbabago sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Ito ang naging daan upang sila’y mapasailalim sa kapangyarihan ng mga dayuhang Espanyol.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan sa pagsasailalim ng mga Pilipino.

❖ Ang mga Pilipino ay kulang sa mga armas at sandata sa pakikipaglaban kaya sinamantala ng mga Espanyol ang pananakop sa mga lalawigan.

❖ Itinalagang pinuno ng Puwersang Militar ng Espanya sa Maynila si Martin De Goiti.

❖ Sinakop ni Juan de Salcedo ang Timog Luzon at Bicol

❖ Itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi ang pamayanan sa Cebu matapos nabigong ipaglaban ng mga katutubo ang kanilang lugar.

❖ Isinuko ni Humabon ang kanilang lugar at tinanggap ang mga Kastila.

❖ Sumunod ang iba pang ekspedisyonn naglalayon ding sakupin ang bansa sa paraang pwersa militar, kapag hindi ito makukuha sa kasunduan.

❖ Nilusob ni Legaspi ang Kamaynilaan at napasailalim ito sa mga Espanyol.

❖ Nagpatuloy ang kanilang pananakop sa mga lalawigan sa timog at hilagang Luzon sa pamumuno ni Juan de Salcedo.

❖ Ang kawalan ng pagkakaisa ng mga katutubo ang naging daan upang pahinain ang mga pag-aalsang ginawa ng mga Pilipino. Kung hindi noon mahimok ang mga katutubo sa pamamagitan ng diplomasya, lakas-militar ang ginamit nila.

❖ Sinisimbolo ng espada ang kapangyarihan at lakas ng mga Espanyol sa kanilang pananakop.

❖ Ang paraang Divide and Rule na ginamit ng mga Espanyol ay lalong nagdulot ng kahinaan sa mga Pilipino dahil pinag-aaway sila sa kapwa Pilipino sa ibang pangkat. Mararahas na parusa ang matatanggap sa mga lumaban sa Espanyol at sa kasamaang-palad ay pinatay ng kapwa Pilipino ang kanilang mga kasama.

Pagyamanin

Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Piliin ang tamang sagot sa papipilian. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

  1. Sa pananakop ng mga Espanyol , ang simbolo ng hukbong sandatahan ay__

    • A. espada
    • B. ginto
    • C. krus
    • D. pera
  2. Sino ang pinuno ng Cebu nang sakupin ni Legaspi ang kanilang lugar?

    • A. Humabon
    • B. Kolambu
    • C. Lapu-lapu
    • D. Martin de Goite
  3. Ano ang kadalasang nangyari sa mga lumaban sa mga Espanyol?

    • A. binibiyayaan
    • B. pinaparusahan
    • C. nagiging opisyal
    • D. nagiging sundalo
  4. Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng mga katutubo sa kanilang lugar?

    • A. lumisan sila
    • B. nagpaalipin sila
    • C. nagmamakaawa sila
    • D. gumagamit sila ng puwersa
  5. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?

    • A. duwag sila
    • B. kulang sa armas
    • C. maawain sila sa dayuhan
    • D. marunong silang gumamit ng baril

Aralin 2 Kristiyanisasyon ng mga Katutubo

Malaki ang naging papel na ginampanan ng simbahan sa pagpapatupad ng kolonisasyon. Pilit na ipinaunawa ng mga Espanyol sa mga katutubo na ang kanilang katutubong relihiyon ay hindi na dapat pang ipagpatuloy sapagkat di umano ito ay paganismo, o pagsamba sa maraming diyos at diyosang pinaniniwalaan sa kalikasan.

Balikan

Natandaan mo pa ba ang pinagdaanan ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng mga Espanyol? Kung gayon sagutin ang mga sumusunod na pangungusap ng T kung tama at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa inyong papel.

  1. Nasiyahan ang mga katutubo sa pananakop ng mga Espanyol sa kanila.


  2. Humanga ang mga Espanyol sa pagkakaisa ng mga katutubo.


  3. Unang nagtayo ng pamayanan si Miguel Lopez de Legaspi sa Cebu.


  4. Binalewala ng mga Espanyol ang mga Pilipinong lumaban sa kanila.


  5. Nagtagumpay si Legaspi sa paglusob ng Maynila kaya napasailalim ito sa mga Espanyol.


Tuklasin

Tingnang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Anong gawaing panrelihiyon ang ipinakita ng pari sa larawan A? Anong uri ng gusali ang nasa larawan B? Magbigay ng tatlong gawaing panrelihiyon ang ginagawa sa loob ng simbahan? Isulat ang sagot sa iyong papel.

A   B

[illustration: a priest and three people at a baptismal font (larawan A)] Iginuhit ni: Brian Jessen M. Dignos

[photo: a stone church with a bell tower and facade (larawan B)]




Suriin

Ginamit ang simbahan ng mga Espanyol para mapalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo sa bansa. Ito rin ang ginamit nila para mapatupad ang Kolonyalismo. Ginawa nila ito upang mapalitan ang dating paniniwala ng mga katutubo sa mga diyos sa kalikasan o ang paniniwalang Paganismo. Ipinadala dito sa bansa ang mga prayle o misyonero para magturo sa relihiyon. Sila ang namamahala sa mga simbahang itinatag ng mga Espanyol. Maraming mga pagbabago sa mga paniniwala ang ipinatupad ng mga prayle. Kabilang dito ay ang pagsamba sa iisang Diyos, pamumuno ng mga pari sa gawaing pangrelihiyon tulad ng misa at binyag, mga ritwal na ginagawa sa mga banal na pook, at seremnyang isinasagawa sa mga santo.

Maraming ginawa ang mga prayle para maakit ang mga katutubo tulad ng pagbibinyag at pagbibigay ng biyaya. Nagtayo din sila ng malalaking Krus sa mga lugar na kanilang napasok at nasakop.Nagpatupad ng Reduccion o sapilitang paglilipat ng mga katutubo sa pueblo o sentro ng populasyon upang madali silang matawag sa pagtitipon sa misa at sa mga gawaing panrelihiyon**.** Ang sinumang hindi lumipat ay hindi mabinyagan at maparusahan ang mga lumaban.Nagkaroon ng konsepto ang mga katutubong Pilipino na ang kanilang paniniwala sa relihiyon at Kristiyanismo ay mahalaga sa pagpapatibay ng ugnayan sa pamilya dahil sila ay nagsasama sa pagdarasal. Ang Kristiyanisasyon ang naging mahalagang paraan na ginamit ng mga Espanyol upang maging matagumpay ang Kolonisasyon sa bansa.

Pagyamanin

Sagutin mo ang mga tanong at pumili ng titik ng tamang sagot sa mga pagpipilian. Isulat ito sa isang papel.

  1. Ang relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol ay ____.

    • A. Animismo
    • B. Budismo
    • C. Kristiyanismo
    • D. Paganismo
  2. Ito ay patakarang sapilitang ipinatupad ng mga Espanyol para lumipat ng tirahan ang mga katutubo.

    • A. Doctrina Ekspedisyon
    • B. EkspedisyonReduccion
    • C. Kristiyanisasyon
    • D. Reduccion
  3. Ano ang simbolong Kristiyano ang ipinatayo ng mga Espanyol para maipalaganap ang Relehiyong Kristiyanismo?

    • A. Espada
    • B. Krus
    • C. Simbahan
    • D. Tubig
  4. Sa paggawa ng seremonya, ano ang ginamit ng mga Espanyol kapalit ng mga bagay sa kalikasan?

    • A. Imahen ng Pari
    • B. Imahen ng Gobernador
    • C. Imahen ng Santo at Santa
    • D. Imahen ng Hari ng Espanya
  5. Ang sapilitang pagpapatupad ng Kristiyanismo ay naging daan para sa_________.

    • A. Kanonisasyon
    • B. Kolonisasyon
    • C. Komunikasyon
    • D. Komunyon
Isaisip

Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa inyong papel.

Pagkakawatak-watak · Diyos · Kalikasan · Simbahan · Puwersa-Militar · Kababaang-loob

  1. Kristiyanismo ang tawag sa pagbabagong paniniwala ng mga katutubo sa pagsamba ng iisang ______.


  2. Paganismo ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga bagay sa _______.


  3. Ang mga ____________ ay ginagamit nilang pook dasalan.


  4. Ang _________ ay ginamit ng mga Espanyol sa pagsakop sa bansa maliban sa relihiyon.


  5. Ang kawalan ng mga sandata at ______________ ang dahilan kaya madaling napasok ng mga dayuhang Espanyol ang mga lugar sa bansa.


Isagawa

Kilalanin kung anong mga gawaing nakasulat sa ibaba ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa Relihiyong Kristiyanismo. Pumili ng tatlo (3) at isulat ang iyong sagot sa papel.

❖ Pagsisimba at pagdalo sa misa ❖ Pagbabasa ng nobela at kuwento ❖ Pagdadasal sa mga anito at diwata ❖ Pagpapabinyag sa pari ❖ Paniniwala sa mga santo at santa

Pumili ng dalawa sa mga gawaing napapakita ng Puwersa Militar sa sumusunod. Isulat mo rin ang sagot sa inyong papel:

❖ Paggamit ng armas sa pagpasok sa mga lugar ❖ Pagbibigay ng mga pagkain sa mga tao ❖ Pananakot sa mga tao gamit ang lakas

Tayahin

Pagtambalin ang pangungusap/parirala sa hanay A sa kaugnay na salita sa hanay B. Pumili ng titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa papel.

AB
1. Ginamit ng mga Espanyol sa pagsakop sa bansa maliban sa pakikipagkaibigan.A. Cebu
2. Paniniwala sa mga bagay sa kalikasanB. ritwal
3. Ang namamahala sa pagbibinyag at pagmimisaC. simbahan
4. Dito ginanap ang mga gawaing pagmimisa at iba pang panrelihiyong mga pagdiriwang.D. Paganismo
5. Ang unang pamayanang itinatag ni LegaspiE. pari
6. Ang itinalaga ni Legaspi na sakupin ang Maynila.F. puwersa militar
7. Ang sapilitang paglipat sa bagong pananahanan ng mga PilipinoG. Maynila
8. Ipinalit ng mga Espanyol sa mga bagay sa kalikasanH. santo at santa
9. Ang sumakop sa mga lalawigan ng katimugang LuzonI. Juan de Salcedo
10. Ang pangalawang pamayanang itinatag ni LegaspiJ. Reduccion
K. Martin de Goiti
Karagdagang Gawain

Sa iyong papel gumuhit ng hugis puso at isulat sa loob ang mga titik na nagpapahayag ng pagpapatupad ng Kristiyanisasyon. Gumuhit ka rin ng espada at isulat sa loob nito ang mga titik na nagpapahayag ng dahas sa pananakop sa mga pamayanan ngayon.

A. Pagdarasal sa Diyos bilang Panginoon.

B..Pagpapasabog sa mga lugar na aagawin gamit ang bomba.

C.Pari ang namumuno sa misa at mga seremonya ng binyag.

D.Pagtawag sa mga espiritu at diwata kung may handaan sa pista.

E.Paglalagay ng dugo ng hayop sa noon g batang biniyagan.

F. Pagrorosaryo at pagbigkas ng mga dasal sa simbahan.

G. Pagsalakay at gawing bihag ang mga mamayan sa lugar na sasakupin.

[illustration: outline of a heart and a sword, for drawing the answers]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; its answer boxes are transcribed upright, in logical order]

Subukin
  1. C
    2. B
    3. D
    4. A
    5. C


  2. A
    7. C
    8. C
    9. A
    10. C


Balikan-Aralin 1

A, C, D, F, G

Tuklasin-Aralin 1

(Maaaring sagot)

✓ Naglabanan/ Nag-aaway

✓ Mga Espanyol

✓ Mga itak, pana at sibat

✓ Mga Espanyol

Pagyamanin-Aralin 1
  1. A
  2. A
  3. B
  4. D
  5. B
Balikan-Aralin 2
  1. M
  2. M
  3. T
  4. M
  5. T
Pagyamanin-Aralin 2
  1. C
  2. D
  3. B
  4. A
  5. B

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; its answer boxes are transcribed upright, in logical order]

Isagawa
  • Pagsisimba at pagdalo sa misa
  • Pagpapabinyag sa pari
  • Paniniwala sa mga santo
  • Paggamit ng armas sa pagpasok sa mga lugar
  • Pananakot sa mga tao gamit at dahas ang lakas
Tayahin
  1. F
    2. D
    3. E
    4. C
    5. A


  2. K
    7. J
    8. H
    9. I
    10. G


Karagdagang gawain

a, c, f

b, g

Tuklasin-Aralin 2
  • pagbibinyag
  • simbahan
  • pagmimisa
  • pagdarasal
  • pagtuturo ng doktrina
  • pagpapakasal
  • at iba pang gawaing panrelihiyon
Isaisip
  • Diyos
  • Kalikasan
  • Simbahan
  • Pwersa-militar
  • Pagkakawatak-watak

Sanggunian:

Morano Diaman, Carl Frances. 2008. “Mactanshrinepainting2.Jpg”. Tl.M.Wikipedia.Org. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Talaksan:MactanShrinePainting2.jpg.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

One response to “Araling Panlipunan 5 Quarter 2 Module 2: Pwersang Militar at Kristiyanisasyon”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *