This is the Araling Panlipunan 4 self-learning module for Quarter 3, Module 5: “Programa at Serbisyong Pangkalusugan, Handog ng Pamahalaan” (health programs and services provided by the government). It is written in Filipino for Grade 4 learners studying at home. After working through it, learners should be able to examine the government’s health programs and explain how each one helps Filipinos stay healthy.
The module was prepared by DepEd Region V (Bicol) under the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020). It follows the earlier modules on the roles of government in meeting citizens’ needs.
What learners will learn
The module lists these standards in its “Alamin” (learn) section:
- Pamantayang Pangnilalaman (content standard): Learners show understanding of the part played in society by the government, its leaders, and others who serve the unity, order, and progress of the country.
- Pamantayan sa Pagganap (performance standard): Learners show active participation and cooperation in the projects and activities of the government and its leaders for the common good.
- Pamantayan sa Pagkatuto (learning competency): Learners analyze the government’s health programs (“Masusuri mo ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pangkalusugan”).
Why the government cares about health
The module opens its discussion with the 1987 Philippine Constitution. Article II, Section 15 says the State must promote and protect the people’s right to health and instill health awareness among them. The module explains that the welfare of citizens is a country’s greatest wealth. A healthy body supports a healthy mind, so healthy citizens can help make good decisions and take proper action for the country.
The agency in charge of health services is the Kagawaran ng Kalusugan, or Department of Health (DOH).
The government’s main health programs
The module describes these programs:
| Program | What it does |
|---|---|
| National Health Insurance Program (NHIP) | Gives all citizens health insurance and access to quality health facilities and services. Under it, PhilHealth helps people pay for treatment and get free medicine, especially poor families. |
| Pagbabakuna o imunisasyon (vaccination or immunization) | Protects children from diseases such as diarrhea, polio, measles (tigdas), and flu (trangkaso). It is given at health centers across the region. |
| Complete Treatment Pack | Aims to reach the poorest citizens and give them complete medicine, especially for the country’s major diseases. |
| Programa para sa mga Ina at Kababaihan (program for mothers and women) | Gives mothers and women free vitamins and vaccines against diseases such as neonatal tetanus. |
Programs against other diseases
- Tuberculosis (TB): Check-ups are free, and health centers give medicine until the patient fully recovers.
- HIV-AIDS: The government spreads information on prevention, control, and treatment. The module notes there is no cure or vaccine yet.
- COVID-19: The DOH works with the World Health Organization (WHO). Programs include quarantine facilities and testing centers. The DOH also advises wearing a face mask and face shield and washing hands often.
- Dengue and leptospirosis: These rise during the rainy season. The module teaches the 4S Kontra Dengue: Search and destroy breeding places, Seek early consultation, Secure self-protection, and Say yes to fogging. It also stresses cleaning the surroundings.
The government also builds health centers in every barangay. Each has doctors, nurses, and barangay health workers (BHW) assigned to care for residents.
Activities in the module
The module has one lesson, with these parts:
- Subukin (pretest): 10 multiple-choice questions on the health programs.
- Balikan (review): True-or-false items about the previous lesson on government services, marked with a star or a circle.
- Tuklasin (discover): A word hunt for health words such as bakuna, gamot, tigdas, and PhilHealth.
- Suriin (examine): The reading on the health programs summarized above.
- Pagyamanin (enrich): Three activities. Learners sort statements as health-related or not, fill in a graphic organizer of health programs, and name programs from clues.
- Isaisip (remember): A fill-in-the-blank summary of the lesson.
- Isagawa (apply): Five real-life situations. Examples include a free dental mission, protecting the family from COVID-19, and helping a playmate’s mother who has TB.
- Tayahin (assess): True-or-false items (drawn as happy or sad faces) and a matching test.
- Karagdagang Gawain (extra activities): Learners check which health services their own family has received. They also list two services in their area and the effect of each on the community.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper, because the module asks you not to write on it. Each activity has a suggested time limit, usually 2 to 5 minutes. Check your work with the answer key (Susi sa Pagwawasto) only after answering, and be honest. Contact your teacher if anything is unclear.
- Parents and guardians: Help your child relate the lesson to real life. The extra activities ask about your family’s own experience with PhilHealth, vaccinations, and barangay health center services.
- Teachers: The answer key covers all parts. For Isagawa and the extra activities, the key accepts other reasonable answers from the learner.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is Araling Panlipunan for Grade 4 (Ikaapat na Baitang), Quarter 3, Module 5. It was prepared by DepEd Region V (Bicol).
What health programs does the module cover?
It covers the National Health Insurance Program and PhilHealth, vaccination of children, the Complete Treatment Pack, and the program for mothers and women. It also discusses programs against TB, HIV-AIDS, COVID-19, dengue, and leptospirosis.
What is the Complete Treatment Pack?
According to the module, it is a government program that aims to reach the poorest citizens and give them complete medicine, especially for the country’s major diseases.
What is the 4S Kontra Dengue?
It is the strategy against dengue taught in the module: Search and destroy breeding places, Seek early consultation, Secure self-protection, and Say yes to fogging.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end has answers for the pretest, the activities, and the assessment. Open-ended activities accept other reasonable answers.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 5: Programa at Serbisyong Pangkalusugan, Handog ng Pamahalaan
[illustration: children reading and studying outdoors and indoors with a teacher, a globe, and a child with a lamp]
CO_Q3_AP 4_ Module 5
Copyright and Development Team
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Programa at Serbisyong Pangkalusugan, Handog ng Pamahalaan Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region Region V Bicol
Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: (052) 482-0373; 820-8404 E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Iren A. Nuñez Editor: Jerry P. Ramirez, Ma. Leilani R. Lorico Tagasuri: Ana N. Calisura Tagaguhit: Tagalapat: Edsel N. Doctama, Jera Mae B. Cruzado Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas, Ma. Leilani R. Lorico, Imelda R. Caunca, Marites B. Tongco
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Programa at Serbisyong Pangkalusugan, Handog ng Pamahalaan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: target with arrow]
Kumusta! Ngayon ay nasa ikalimang modyul ka na. Natutuhan mo sa mga nakaraang aralin ang mga gampanin ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
Sa modyul na ito, matutuhan mo naman ang iba’t- ibang programa at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan para sa ikabubuti ng bawat mamamayan. Nangunguna sa mga ito ang serbisyong pangkalusugang handog ng pamahalaan.
Pamantayang Pangnilalaman
Ikaw ay makapagpapamalas ng pang- unawa sa bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Pamantayan sa Pagganap
Ikaw ay makapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo sa kabutihan ng lahat (common good).
Pamantayan sa Pagkatuto
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Masusuri mo ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa pangkalusugan.
1 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Subukin
[illustration: pencil icon]
PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan. Pagkatapos ay piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.
Anong programang pangkalusugan ng pamahalaan ang may layuning makapagbigay ng kumpletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit para sa mga mamamayan?
a. Pagbabakuna
b. National Health Insurance Program
c. Philhealth
d. Complete Treatment PackBakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?
a. Walang bayad itong ibinibigay sa mga bata.
b. Maiiwasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata
c. Para maiwasan ang pagpapadoktor
d. Para makatipid ang pamilya.Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga programa ng pamahalaan para sa kalusugan?
a. Edukasyon Para sa Lahat
b. Pagbabakuna
c. Complete Treatment Pack
d. PhilHealthBakit mahalagang malusog ang mga mamamayan sa isang bansa?
a. Magagawa niya ang anumang naisin niya kung malusog siya.
b. Magandang tingnan ang malulusog na mamamayan.
c. Ang malusog na mamamayan ay kapaki-pakinabang sa bansa.
d. Kailangan ng pamahalaan ang mga mamamayan.
2 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Alin sa mga sumusunod na programa ang itinataguyod ng pamahalaan upang masugpo ang mga sakit gaya ng polio, tigdas, diarrhea, at trangkaso?
a. Pagbabakuna
b. PhilHealth
c. Complete Treatment Pack
d. National Health Insurance ProgramAlin sa mga programang ito ng pamahalaan ang naglalayong mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina?
a. Bakuna laban sa Neo Tetanus
b. Complete Treatment Pack
c. Abot-Alam
d. Edukasyon Para sa LahatNalaman mo na may nakatakdang pagbabakuna o imunisasyon para sa mga bata laban sa sakit na polio sa inyong barangay. Paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta sa programang ito ng pamahalaan?
a. Magsasawalang kibo lamang.
b. Hayaan ang mga Barangay Health Worker sa programang ito dahil gawain nila ito.
c. Ipagbigay alam sa mga kapitbahay ang programang ito.
d. Hikayatin ang kapwa-bata na huwag magpabakuna.Malala na ang ubo ng iyong kapatid sapagkat hindi maipagamot dahil wala kayong pera. Napag-aralan ninyo ang mga programa ng pamahalaan para sa kalusugan. Ano ang dapat mong gawin?
a. Hintayin na maipagamot ang kapatid.
b. Sabihin sa magulang ang nalamang programa ng pamahalaan para sa kalusugan.
c. Hayaan na malaman ng magulang ang tungkol sa programa ng pamahalaan tungkol dito.
d. Dalhin sa health center ang kapatid kahit hindi alam ng magulang.
3 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Kabilang sa pinakamahihirap na pamilya sa inyong lugar ang pamilya ng kalaro mong si Alex. Nagkasakit ito nang malubha kaya hindi na makapaglaro. Paano mo matutulungan si Alex?
a. Sabihin sa munisipyo ang kalagayan ng kalaro mong si Alex.
b. Layuan na lang si Alex upang hindi mahawa sa kanyang sakit.
c. Ibahagi sa pamilya ni Alex ang programa tungkol sa Complete Treatment Pack ng pamahalaan.
d. Hayaan na lang ang pamilya ni Alex sa kalagayan nila.Bakit kailangang magkaroon ng mga programa ang pamahalaan tungkol sa kalusugan ng mga mamamayan ng bansa?
a. Tungkulin ito ng pamahalaan.
b. Para makilala sila ng mga tao
c. Para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan
d. Para tuparin ang pangako nila sa mga tao.
Aralin 1: Programa at Serbisyong Pangkalusugan, Handog ng Pamahalaan
Balikan
PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng bituin ★ ang puwang kung Tama ang isinasaad ng pahayag, at bilog ● naman kung Mali. Gawin ito sa sagutang pael sa loob ng 3 minuto.
____1. Nagsasagawa ang pamahalaan ng mga proyekto upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
4 CO_Q3_AP 4_ Module 5
____2. Isang epekto ng maayos na pamamahala ang paghirap ng mga mamamayan sa bansa. ____3. Ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay ay nagpapatunay ng maayos na serbisyong pang-imprastraktura ng pamahalaan. ____4. Pinangangalagaan ng pamahalaan ang karapatan ng mamamayan sa pagkakaloob lamang ng serbisyong panlipunan at pangkalusugan. ____ 5. May mga kaparaanan din ang pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan laban sa hindi patas na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.
Naalala mo pa ba ang nakaraang aralin? Nakuha mo ba lahat ng sagot? Sige magpatuloy ka na.
[illustration: mascot character peeking over a ledge]
Mga Tala para sa Guro
Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
Anong mga programa kaya mayroon ang pamahalaan para sa ating kalusugan? Ikaw, may alam ka ba? Tara, at sabay nating alamin sa modyul na ito.
Tuklasin
Pag-aralan at suriin mo ang Word Hunt. Hanapin at isulat sa sagutang papel ang mga salitang may kaugnayan sa kalusugan. Gawin ito sa loob ng 2 muinuto.
| N | B | A | K | U | N | A | C | B | G | C | L |
|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
| A | E | G | M | A | L | U | S | O | G | O | U |
| R | W | D | O | C | T | O | R | J | O | V | N |
| S | G | A | M | O | T | I | G | D | A | S | A |
| P | H | I | L | H | E | A | L | T | H | Q | S |
Anong mga programa kaya mayroon ang pamahalaan para sa ating kalusugan? Ikaw, may alam ka ba? Tara, at sabay nating alamin sa modyul na ito.
[illustration: mascot character peeking over a ledge]
Suriin
IBA’T-IBANG PROGRAMA NG PAMAHALAAN
Basahin at unawain
Mahalaga sa isang bansa ang kapakanan ng mga mamamayan nito. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang yaman. Sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas pa lamang ay ipinapahiwatig nang pamahalaan ang mga serbisyo para sa bansa. Isinasaad sa Artikulo II, Seksyon 15 na dapat itaguyod at pangalagaan ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng mga mamamayan at ilagay sa isipan ang kaalamang pangkalusugan sa kanila.
Mahalagang malusog ang pangangatawan upang malusog din ang pag-iisip. Ito ay isinasaalang-alang ng pamahalaan upang lubos na mapakinabangan ang mamamayan at maging katuwang ito sa pagbuo ng tamang pasiya at pagsasagawa ng wastong pagkilos para sa maayos na pamamalakad at kalagayan ng bansa.
PROGRAMANG PANGKALUSUGAN
Iba’t ibang programang pangkalusugan ang ipinapatupad ng pamahalaan para sa kabutihan ng lahat ng mga mamamayan nito.
Ang Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH) ay ang ahensyang naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan.
Ilan sa malalaking programa ng kagawaran ang National Health Insurance Program (NHIP) Complete Treatment Pack, pagbabakuna, programa sa mga ina at kababaihan at programa laban sa mga sakit gaya ng AIDS, dengue, COVID-19 at marami pang iba.
Ang National Health Insurance Program ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na pasilidad at serbisyong pangkalusugan. Isa sa programa ng NHIP ay ang PhilHealth na tumutulong sa pagpagamot at mabigyan ng libreng gamot lalo na ang mga mahihirap na mamamayan.
Layunin ng Complete Treatment Pack na marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa.
Ang Programa para sa mga Ina at Kababaihan ay isa sa mga pangunahing programa ng pamahalaan para sa kalusugan. Dito binibigyan sila ng libreng bitamina, bakuna laban sa mga sakit gaya ng neo tetanus at marami pang iba.
Ang Pagbabakuna o imunisasyon ng mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas, at trangkaso. Isinasagawa ito sa mga sentrong pangkalusugan o health centers sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.
[chart: graphic organizer of health programs; boxes with labels and descriptions, as printed]
| Programa | Paglalarawan |
|---|---|
| NATIONAL HEALTH INSURANCE PROGRAM ( NHIP) | Ang National Health Insurance Program ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na pasilidad at serbisyong pangkalusugan. Isa sa programa ng NHIP ay ang PhilHealth na tumutulong sa pagpagamot at mabigyan ng libreng gamot lalo na ang mga mahihirap na mamamayan. |
| PAGBABAKUNA O IMUNISASYON | Ang Pagbabakuna o imunisasyon ng mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas, at trangkaso. Isinasagawa ito sa mga sentrong pangkalusugan o health centers sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon. |
| COMPLETE TREATMENT PACK | Layunin ng Complete Treatment Pack na marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa. |
| PROGRAMA PARA SA MGA INA AT KABABAIHAN | Ang Programa para sa mga Ina at Kababaihan ay isa sa mga pangunahing programa ng pamahalaan para sa kalusugan. Dito binibigyan sila ng libreng bitamina, bakuna laban sa mga sakit gaya ng neo tetanus at marami pang iba. |
PROGRAMA LABAN SA IBA PANG MGA SAKIT
Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosis (TB) ay madali nang malunasan sa tulong ng programa ng pamahalaan. Maliban sa walang bayad ang pagpapatingin, may mga gamot pang ibinibigay ang mga health center para sa tuluyang paggaling ng mga mamamayang may karamdamang ito. May programa rin sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pag-iwas, tamang pagsugpo, at paggamot sa human immune-deficiency virus infection at acquired immune deficiency syndrome (HIV-AIDS). Sa kasalukuyan, wala pang gamot o bakuna para malabanan ang sakit na ito.
Isa rin sa mga sakit ngayon ang coronavirus disease o COVID-19 na isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Sa kasalukuyan, ang DOH katuwang ng World Health Organization (WHO) ay nagsasagawa ng mga programa laban sa Coronavirus Disease o CoViD-19. Dahil sa mabilis na pagkalat nito sa buong mundo, ito ay nauri bilang pandemya. Kabilang sa mga programa ng pamahalaan ay pagpapagawa ng mga quarantine facilities at testing centers.
Nagbibigay din ng mga payong pangkalusugan ang kagawaran gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, at palagiang paghuhugas ng kamay.
Patuloy ang pangangalaga ng pamahalaan sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na tuwing nalalapit ang tag-ulan kung saan maraming mga bata ang nagkakasakit gaya ng dengue mula sa lamok at leptospirosis mula sa ihi ng daga. Kasama sa panlaban sa pagdami ng nagkakasakit na mga bata ang paglilinis sa kapaligiran at pagsunod sa 4S Kontra dengue-Search and destroy breeding places, Seek early consultation, Secure Self-protection at Say Yes to Fogging. Nagpapatayo din ng mga health centers sa bawat barangay at may nakatalagang mga doktor, nars at barangay health workers (BHW) para mapangalagaan ang kalusugan ng mga nakatira dito.
Naintindihan mo ba ang mga aralin sa modyul na ito? Kung gayon, humanda ka ng sagutin ang mga susunod na gawain
Tara, subukin nga natin ang iyong kaalaman.
Pagyamanin
A.
PANUTO: Basahin mo ang mga sumusunod na pahayag Isulat mo ang PK kung may kaugnayan sa programang Pang Kalusugan, WK naman kung Walang Kaugnayan. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.
Pagtatalaga ng pamahalaan ng mga nars at doktor sa mga barangay health centers
Pagtatanggol ng mga sundalo sa banta ng mga mananakop.
Pagbibigay ng libreng pagpapaaral ng lokal na pamahalaan.
Pagpapalaganap ng impormasyon sa tamang pag-iwas, pagsugpo, at paggamot sa mga nakahahawang sakit ng DOH.
Pagkakaroon ng libreng check-up ng mga ina sa bawat health center.
Pagbuo ng mga programa sa pagsulat at pagbasa sa mga paaralan.
Pagpapatayo ng mga health center at ospital sa mga bayan.
Pagkakaroon ng programa para sa kapayapaan at pag-unlad ng lugar na apektado ng kaguluhan.
Pagtataguyod ng edukasyon para sa lahat o Education for All.
Pagbibigay ng libreng bitamina at mga bakuna upang malabanan ang malubhang karamdaman.
B.
PANUTO: Punan ang graphic organizer ng mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ayon sa tinalakay na teksto. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.
[chart: graphic organizer; hexagon diagram. Center: “Mga Programang Pangkalusugan”. Five empty hexagons around it, connected to the center by arrows.]
Values are not labeled on the chart.
C.
PANUTO: Tukuyin kung anong programang pangkalusugan ng pamahalaan ang inilalarawan sa mga sumusunod na sitwasyon. Gamitin mo ang gabay na titik. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.
Sa tulong ng programang ito maraming mga mamamayan ang nakapagpapagamot at nabibigyan libreng gamot. P_____.
Ang programang naglalayong maprotektahan ang mga bata laban sa sakit gaya ng polio at tigdas. P_____.
Layunin ng programang ito na marating ang pinakamahirap na mamamayan at mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit ng bansa. C_____.
Ang programa na naglalayong mabigyan ng kasiguraduhan ang mga mamamayan na mabigyan ng kalidad na serbisyong pangkalusugan. N_____.
Ang programa kung saan binibigyan ang mga kababaihan ng libreng bitamina gaya ng neo tetanus at marami pang iba. P_____.
Kumusta? Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa mga gawain? Sige magpatuloy ka pa.
[illustration: mascot character peeking over a ledge]
Isaisip
PANUTO: Punan ng tamang salita ang mga sumusunod na puwang upang mabuo ang kaisipan sa bawat pangungusap. Isulat ang mensaheng nabuo sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.
Ang Kagawaran ng (1) ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa mga serbisyong (2) para sa mga mamamayan.
May iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan ang ibinibigay ng pamahalaan. Ilan sa mga ito ay ang (3), (4), (5) _____at ang (6) na magagamit sa libreng nakapagpapagamot sa mga ospital.
[speech bubble: Nakuha mo ba ang mensahe ng modyul na ito? Kung gayon ay magpatuloy ka pa sa susunod na gawain.]
Isagawa
PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat ang nararapat mong gawin sa iyong sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
- Ang iyong kalusugan ay pinahahalagahan ng pamahalaan. Paano mo mapangangalagaan ang iyong kalusugan?
- Nalaman mong may magaganap na free dental mission sa inyong lugar at kailangang magpalista sa inyong BHW. Ano ang maaari mong gawin?
- Ang COVID-19 ay isang pandemya na nilalabanan ng ating pamahalaan sa kasalukuyan. Paano mo mapoprotektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya laban dito?
- Nakita mong pinupunit ng mga bata ang nakapaskil na poster tungkol sa magaganap na imunisasyon laban sa polio sa darating na buwan. Ano ang gagawin mo?
- May sakit na TB ang nanay ng iyong kalaro. Hindi sya madala sa ospital dahil sa kakulangan sa pera ng kanilang pamilya. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong?
[speech bubble: Nakuha mo ba ang sagot sa mga gawain? Sige subukan mo ngayon ang mga nalaman mo sa modyul na ito.]
Tayahin
A. PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit ang masayang mukha [illustration: smiling face] kung TAMA ang sitwasyon at malungkot na mukha naman [illustration: sad face] kung MALI. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.
Ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa at serbisyong pangkalusugan para sa malusog na mga mamamayan.
Dapat na suportahan ng mga mamamayan ang programang pangkalusugan ng pamahalaan.
Sa serbisyong Complete Treatment Pack, nagtatalaga ang pamahalaan ng mga doktor, nars, at komadrona sa malalayong munisipyo upang mabilis na matugunan ang mga pangangailangan ng mga tao rito.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ang ahensiyang nangangalaga sa kalusugan ng buong bansa.
Ang Complete Treatment Pack ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan ng may kalidad na mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan.
B. PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
| Hanay A | Hanay B |
|---|---|
| 1. Ang programang pinatupad para mabawasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata sa bansa. | A. Department of Health ( DOH ) |
| 2. Kasama sa programang ito ang regular na pagpapatingin sa sentrong pangkalusugan ng mga nagdadalangtao, libreng bitamina at bakuna laban sa sakit gaya ng neo tetanus. | B. PhilHealth |
| 3. Itinatag ang programang ito upang maipagkaloob sa mamamayan ang mga serbisyong pangkalusugan at makamit ang pangkalahatang kalusugan. | C. Complete Treatment Pack |
| 4. Sa tulong ng programang ito maraming mamamayan ang nakapagpapagamot at nabibigyan ng libreng gamot. | D. Pagbabakuna |
| 5. Ang programang ito ay naglalayong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa. | E. Programa para sa mga Ina at Kababaihan |
| F. Programa laban sa Iba pang mga Sakit | |
| G. National Health Insurance Program ( NHIP) |
Karagdagang Gawain
GAWAIN 1
PANUTO: Surii ang mga programa at serbisyong pangkalusugang ibinibigay ng pamahalaan sa mga mamamayan. Alin sa mga ito ang nararanasan ng pamilya mo? Lagyan ng masayang mukha [illustration: smiling face] kung ito ay nararanasan mo, malungkot na mukha naman [illustration: sad face] kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 2 minuto.
- Naging miyembro ng Philhealth.
- Nabakunahan sa barangay health center laban sa anomang sakit na kumakalat.
- Nagpacheck-up sa doktor ng pampublikong ospital.
- Nabigyan ng libreng gamot sa inyong barangay health center.
- Nakapagpagamot sa health center sa inyong barangay.
Nabigyan ng libeng bitamina mula sa pamahalaan.
[speech bubble: Nakuha mo ba ang mga sagot sa Tayahin mo? Kumusta ang iskor mo? Sige subukin pa natin ang natutuhan mo.]
GAWAIN 2
PANUTO: Gamitin ang graphic organizer. Magtala ng 2 serbisyong pangkalusugan na ibinibigay ng pamahalaan sa inyong lugar at isulat ang epekto nito sa mga mamamayan. Gawin ito sa iyong sagutang papel sa loob ng 5 minuto.
[chart: graphic organizer; GAWAIN 2 (no values; blank boxes to be filled in)]
| Serbisyong Pangkalusugan | Epekto sa mga Mamamayan |
|---|---|
[speech bubble: Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.]
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed in reading order, and the answer symbols are transcribed as printed]
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
- D 2. B 3. A 4. C 5. A 6. A 7. C 8. B 9. C 10. C
BALIKAN
- [illustration: star] 2. [illustration: circle] 3. [illustration: star] 4. [illustration: circle] 5. [illustration: star]
TUKLASIN
- Bakuna 5. Lunas
- Tigdas 6. Doctor
- PhilHealth 7. Nars
- Gamot 8. Malusog
PAYAMANIN
A. 1. PK 2. W 3. W 4. PK 5. PK 6. W 7. PK 8. W 9. W 10. PK
B. Programang pangkalusugan PhilHealth . Pagbabakuna Complete Treatment Pack NHIP Programa para sa Ina at Kababaihan Programa para sa iba pang Sakit
C. 1. PhilHealth 2. Pagbabakuna 3. Complete Treatment Pack 4. NHIP 5. Programa para sa Ina at Kababaihan
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the text below is transcribed in reading order]
ISAISIP
- Kalusugan 2. Pangkalusugan 3. Complete Treatment Pack 4. Pagbabakuna o imunisasyon 5. Programa para sa Ina at Kababaihan 6. Philhealth ( Maaring magkapalit ang sagot sa bilang 3-5)
ISAGAWA
- Alagaan ang katawan, Kumain ng masustansyang pagkain.
- Hikayatin ang magulang na magpalista sa BHW ng barangay.
- Magsuot ng face mask at face shield kapag lalabas ng bahay at palagiang maghugas ng kamay.
- Pagsasabihan ang mga bata tungkol sa kahalagahan ng poster na ito.
- Sasabihin sa nanay ang kalagayan ng ina ng iyong kalaro.
( Tanggapin ang iba pang maaaring sagot ng bata)
TAYAHIN
A. 1. [illustration: face] 2. [illustration: face] 3. [illustration: face] 4. [illustration: face] 5. [illustration: face]
[transcriber’s note: the faces in the answer key are too small to tell reliably whether each is smiling or sad, so they are not transcribed as smiling or sad]
B. 1. D 2. E 3. G 4. B 5. C
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 1. Depende sa naging karanasan ng bata
Gawain 2. Depende sa sagot ng bata
Sanggunian
Department of Education. Araling Panlipunan 4, Learner’s Materials. pp. 273-278 Pasig City: Instructional Materials Secretariat (DepEd-IMCS), 2015.
Department of Health Press Release 2018, 4S Strategy Against Dengue (doh.gov.ph)
Department of Health Press Release 2020, Bida Solusyon sa Covid-19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply