Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Quarter 2 Module 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon

SHS Komunikasyon Q2 Module 1 on language used in radio and TV interviews and news, with pretest, activities, writing tasks, and answer key.

This is the Self-Learning Module (SLM) for Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 1: “Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon” (language in interviews and in radio and television news). It is a Senior High School module, first edition 2021, from DepEd Region 4A CALABARZON. It is meant for learners studying at home with a parent or other facilitator. After it, learners should be able to spot how language is used in broadcast interviews and news, and write a short interview and news report of their own.

On this page 7 sections

What learners will learn

The module’s learning competency (Kasanayang Pampagkatuto) is:

  • Identify the different uses of language in statements heard in interviews and news on radio and television (F11PN – IIa – 88)

Its objectives (Layunin) are for learners to:

  • identify the different uses of language in radio and television interviews and news;
  • use language suited to the interviews and news they have listened to; and
  • create a radio or television interview or news report using the language these media use.

Parts of the module

The module has one lesson, Aralin 1, arranged in the usual SLM parts:

PartWhat learners do
Subukin (pretest)15 multiple-choice items on word choice in news and interviews
Balikan (review)Name a TV newscaster and program, a personality often interviewed, and an interview topic they enjoy
Tuklasin (explore)Listen to a TV news report on a drug buy-bust arrest, then state the issue, what was reported, and five words linked to it
Suriin (discussion)Read about news, interviews, and the language of mass media
Pagyamanin (practice)Pagsasanay 1: 5 items based on sample interviews and a news item
Isaisip (reflect)Summarize the answers of three interviewees and how the commuting problem was solved
Isagawa (apply)Write an interview answer and a short news report
Tayahin (post-test)15 fill-in-the-blank, multiple-choice items
Karagdagang Gawain (extra activity)Write an interview and a news report on a current issue
Susi sa PagwawastoAnswer key for Subukin, Pagyamanin, and Tayahin

Key ideas: news and interviews

Balita (news)

The module explains that news, also called ulat (report), covers events in society and the people in it. Good news writing has these traits:

  • The notes about an event are written up right away.
  • The most important points get the focus.
  • Names of people, events, and dates must be correct.
  • News contains no personal opinions (kuro-kuro).
  • It is presented fairly, without taking sides, and clearly.

Panayam (interview)

An interview is a conversation between two or more people about a specific issue. The person interviewed shares what they know, using language suited to the topic. The module calls the interview a primary source, often used to get deeper information about a particular thing or event.

Mass media and language

Watching TV news, listening to the radio, and reading newspapers are part of daily Filipino life. The module stresses that language is the main partner of mass media, and that Filipino is openly used in public stations.

Key ideas: how language changes with the topic

The module’s main point is that the words used in news and interviews follow the subject being discussed. Its examples include:

  • Health news during COVID-19. Doctors reporting on the virus use scientific language (wikang pang-agham). Words such as pandemic, lockdown, quarantine, and social distance appear. A math term like growth rate can also appear, because it makes the issue clearer.
  • Transport news during the pandemic. When public vehicles stopped, people walked home. The government responded by running MRT and LRT trains. Words like tren (train) and terminal fit this topic.
  • Work during the pandemic. A clinical psychologist noted that people moved into jobs they were not trained for. Examples include a freelance wedding photographer and a filmmaker.
  • Interviews about the national language. Tagalog is the basis of Filipino, and Filipino is the national language. Each field has its own vocabulary. Filipino is still the main language during Buwan ng Wika (Language Month). New words such as “ganern,” and words from jeproks to jejemon, show that language is alive and evolving.
  • Choosing a language for the audience. Stations outside Tagalog-speaking areas may broadcast in a regional language. Many news reports mix Filipino and English so they are clear to listeners.

How to use this module

  • Learners: Take the Subukin pretest first, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper; do not write on the module. Check your answers with the Susi sa Pagwawasto only after you finish, and be honest when you do. Some activities ask you to listen to news and interviews, so watch or listen when the module tells you to.
  • Parents and facilitators: The pretest shows whether the learner needs extra help. Encourage the learner to follow the recent news and to try the writing tasks in Isagawa and Karagdagang Gawain.
  • Teachers: A note in Balikan asks you to prepare learners for the next part after they answer the review questions. The Isagawa and Karagdagang Gawain outputs (an interview and a news report) can show whether learners met the third objective. Learners who have trouble understanding the lessons are encouraged to contact their teacher right away.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is a Senior High School module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 1 of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Its competency code, F11PN – IIa – 88, refers to Grade 11.

What is the competency covered by this module?

Learners identify the different uses of language in statements heard in interviews and news on radio and television (F11PN – IIa – 88).

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the 15-item Subukin pretest, the 5-item Pagyamanin practice, and the 15-item Tayahin post-test.

What is the difference between balita and panayam in the module?

Balita (news) reports events in society accurately, fairly, and without opinion. Panayam (interview) is a conversation between two or more people on a specific issue, where the interviewee shares knowledge; the module calls it a primary source.

What do learners have to write in this module?

In Isagawa they answer an interview question about online learning and report on their life under enhanced quarantine. In Karagdagang Gawain they write an interview and a news report on a current issue.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon

Senior High School

[illustration: students reading and learning outdoors and at home, a teacher at a desk, a student with a globe, and a child writing by lamp light]

CO_Q2_KPWKP SHS Module 1

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ana Maria L. Josue Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr., Leilani E. Vizzara, Jammie A. Esguerra, Christine M. Cordero, Shaine Rita I. Krebs Tagaguhit: Ronie C. Suinan Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado, Jhunarlyn Apple O. Busia Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta, Leonila L. Custodio, Julie Anne V. Vertudes

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon

Senior High School

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: hand pressing a button inside a circle]

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang ugnayang sanhi at bunga. Ang sakop ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pag-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Kasanayang Pampagkatuto:
  • Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN – IIa – 88)
Layunin:
  • Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon;
  • Nagagamit ang mga wikang angkop sa napakinggang panayam at balita sa radyo at telebisyon; at
  • Nakabubuo ng panayam o balita sa radyo at telebisyon gamit ang wikang ginagamit dito.

1 CO_Q2_KPWKP SHS Module 1

Subukin

[illustration: hand holding a pencil inside a circle]

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin ang angkop na salita sa nakaitalisadong salita na nauukol sa situwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Karaniwang ginagamit na salita sa pamagat ng balita sa nahuling salarin.
    a. huli
    b. may sala
    c. timbog
    d. utas


  2. Ang paksa sa panayam ay tungkol sa wika kaya nababanggit ang covid-19.
    a. jejemon
    b. mensahe
    c. pahayagan
    d. tuligsaan


  3. Ibinalita sa telebisyon na mahigit limang daan na ang nauutas sa kumakalat na sakit sa lugar.
    a. naapektuhan
    b. nagagamot
    c. namamatay
    d. naoospital


  4. Ayon sa balita sa radyo, kinatatakutan ng marami ang mawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng kompanya.
    a. pinag-iisipang
    b. pinag-uusapang
    c. pinangangambahang
    d. pinupunang


  5. Ang lumaganap na sakit ay viral na dapat pag-ingatan, sabi sa balita.
    a. virus
    b. virrus
    c. vital
    d. vitus


  6. Ang wika na maaaring ginagamit sa pagbabalita kung ang istasyon ng radyo o telebisyon ay wala sa Katagalugan.
    a. Bicol
    b. Bisaya
    c. Ingles
    d. Rehiyunal


2 CO_Q2_KPWKP SHS Module 1

  1. Ang dapat gamiting wika sa panayam kung ang kapanayam ay Tagalog at ang panayam ay nasa Cebu.
    a. Bisaya
    b. Capampangan
    c. Hiligaynon
    d. Tagalog


  2. Pinag-uusapan ang kultura sa wika kaya maaaring mabanggit ito sa panayam.
    a. bekimon
    b. hugot line
    c. simbolo
    d. text message


  3. Ang salitang tumutukoy sa nangyayari ayon sa balita tungkol sa corona virus.
    a. frontliner
    b. drug abuse
    c. lockdown
    d. railways


  4. Ang kapanayam sa telebisyon ay isang doktor na ang pinag-uusapan ay tungkol sa kalusugan ng senior citizen kaya nabanggit ang sakit na ito.
    a. atake sa puso
    b. baktirya
    c. ehersisyo
    d. jogging


  5. Kadalasang wika na ginagamit para maipaliwanag sa balita kung ano ang corona virus.
    a. purong Filipino
    b. sari-saring wika
    c. wikang Ingles
    d. wikang pang-agham


  6. Mas ginugusto ang mass midyang ito ng mga tagapakinig ng balita dahil nakikita nila ang ibinabalita.
    a. cell phone
    b. radyo
    c. telebisyon
    d. video


  7. Wikang ginagamit sa pagbabalita sa radyo o telebisyon gayundin sa mga panayam para madaling maunawaan ang paksa.
    a. ayon sa larangang pinag-uusapan
    b. hashtag at hugot lines
    c. mga napapanahong wika
    d. wikang opisyal


3 CO_Q2_KPWKP SHS Module 1

  1. Dahilan ng paggamit ng iba’t ibang wika sa balita sa radyo at telebisyon
    a. araw-araw ay may balita
    b. ibaíba ang paksa sa balita
    c. marami ang nakikinig sa balita
    d. may sariling pang-unawa ang nakikinig ng balita


  2. Ang wikang ginamit sa pagbabalita na tumutukoy sa laki ng sakop ng sakit na covid 19.
    a. academic
    b. lockdown
    c. pandemic
    d. quarantine


4 CO_Q2_KPWKP SHS Module 1

Aralin 1 Wika sa Panayam at Balita sa Radyo at Telebisyon

Ang wika ay lumilinang sa kultura at ang kaugnayan ng kultura sa taong gumagamit ng wika. Dito masusukat ang kasanayan ng isang tao sa paggamit ng wika na naaayon sa kanyang kultura na pinapanday naman sa edukasyong kanyang natamo.

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutin ang mga tanong ayon sa inyong kaalaman. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang o kaya’y sa iyong sagutang papel.

  1. Magbigay ng kilala mong tagapagbalita sa telebisyon at ang pangalan ng kanyang programa


  1. Sino ang kilala mong personalidad na laging kinakapanayam?


Ano ang madalas niyang tinatalakay? _____________________________________________




  1. Anong paksa sa panayam ang pumupukaw sa iyong kawilihan? Bakit?


Mga Tala para sa Guro

Pagkatapos sagutan ang mga tanong, ihanda ang mga mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul.

Tuklasin

Panuto: Sa napapakinggang balita nalalaman ang mga pangyayari sa bansa. Magtala ng mga impormasyon na inilahad sa balita. Pagkatapos makinig ay sagutan ang mga tanongsa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang o kaya’y sa iyong sagutang papel.

[photo: still from a television news broadcast showing a police officer between two men, with on-screen captions. Printed captions: “QUEZON CITY”, “GMA”, “UNANG BALITA”, “MAGKAPATID NA TULAK UMANO NG DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION”; the bottom ticker line reads “[illegible]“]

  1. Ano ang isyu sa napakinggang balita?


  1. Ano-ano ang mga inilahad ng nagsasalita sa balita?



  1. Magtala ng limang (5) salitang ginamit kaugnay ng isyu sa balita.





Suriin

Naging kakabit na ng mga Pilipino ang pag-upo sa harap ng telebisyon upang makapanood ng balita at matunghayan ang mga sinusubaybayan at paboritong programa sa telibisyon gayundin sa pakikinig sa radyo at pagbasa ng mga balita sa pahayagan.

Hindi lamang naaapektuhan nito ang pang-araw-araw na pamumuhay ng tao lagpas pa rito na mas pangunahing katuwang ng mass media ang wikang ginagamit sa loob nito. Dahil dito mas nagiging lantaran ang wikang ginagamit na siyang arbitraryo sa mga tao kung kaya’t lumalabas na may mahalagang tungkulin ang wika sa larangang ito bukod pa sa lantad ang paggamit ng wikang Filipino sa mga pampublikong istasyon.(mula sa Kanlungan Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Estrella L. Pena, et al.)

Tinatawag ding ulat ang balita. Ito ay mga pangyayari sa lipunan at sa mga taong nabibilang sa nasabing lipunan.

Para masabing balita, dapat na isinusulat agad ang mga nakuhang tala kaugnay ng pangyayari. Binibigyang-halaga ang mahahalagang punto sa balita. Kailangang tama ang mga pangalan ng mga taong ibinabalita, maging ang mga pangyayari at petsa nito. Ang balita ay hindi naglalaman ng mga kuro-kuro. Inilalahad ito ng parehas, walang pinapanigan, at malinaw.(mula sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino ni Magdalena O. Jocson)

Maaari namang kumuha ng impormasyon sa panayam, ang pag-uusap ng dalawang tao o higit pa para sa isang tiyak na usapin. Ito ang pagbibigay ng mga kaalaman ng kinakapanayam o ng taong tinatanong tungkol sa usapin na gumagamit ng mga angkop na wika batay sa kung ano ang pinag-uusapan.

Tinatawag din itong primary source at madalas itong isagawa kung nais na matukoy ang mas malalim na impormasyon tungkol sa partikular na bagay, pangyayari, atbp. (https://www.slideshare.net/caylamaecarlos/panayam)

[transcriber’s note: the following two lines are printed in speech bubbles]

Ano po ba ang pagkakaiba ng Tagalog sa Filipino?

Tagalog ang pinagbatayan ng Wikang Filipino at Filipino naman ang ating Wikang Pambansa

May mga panayam sa video tungkol sa mga pagbabagong nagaganap sa wikang pambansa tulad sa isang kinapanayam na ayon sa kanya ay naririnig niya ang salitang ‘ganern’. Marami ng bagong wika kaya iba’t ibang salita na ang maririnig. Magkagayon pa man, Tagalog pa rin ang dapat gamitin, anila. Kaya anomang mga pagbabago ang magaganap Tagalog pa rin ang maririnig ng marami sa ating bansa

Ayon sa balita, nang panahon ng pandemic, halos lahat ng tao sa Pilipinas ay kailangang tumigil sa bahay. Kasabay nang pagtigil na ito ang paghinto rin sa pagpasada ng mga sasakyan lalo na ng mga papublikong sasakyan. Kaya naman ang mga taong may matinding pagnanais na makauwi ay nagtiyagang maglakad gaano man ito kalayo.

Tinugunan ito ng pamahalaan para makabiyahe ang publiko. Naglabas sila ng mga tren ng MRT at LRT para magbiyahe nang sa ganyon ay may masakyan na ang mgamamyan sa kanilang pupuntahan.

Pagyamanin

Subukin natin ang mga naunawaan mo sa ating aralin. Ang mga nakatala sa loob ng kahon ay halimbawang usapan sa isang video. Tandaan na ang tuon ng pag-aaral ay nasa mga wikang ginamit.

Pagsasanay 1. Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang papel.
  1. Ano ang wikang ginamit para masabi na may pagbabago sa wikang Filipino?
    a. bagong wika
    b. katext messaging
    c. modernong wika
    d. text language


  2. Wika ang pinag-uusapan, ano ang dapat gamiting wika ayon sa unang kinapanayam?
    a. barayti
    b. Filipino
    c. Ingles
    d. Tagalog


  3. Binanggit ng isang kapanayam ang pagbabago sa wika, anong salita ang ginamit ng kinapanayam bilang pagbabago?
    a. bekimon
    b. ganern
    c. jejemon
    d. w8t


Ayon sa balita, nang panahon ng pandemic, halos lahat ng tao sa Pilipinas ay kailangang tumigil sa bahay. Kasabay nang pagtigil na ito ang paghinto rin sa pagpasada ng mga sasakyan lalo na ng mga papublikong sasakyan. Kaya naman ang mga taong may matinding pagnanais na makauwi ay nagtiyagang maglakad gaano man ito kalayo.

Tinugunan ito ng pamahalaan para makabiyahe ang publiko. Naglabas sila ng mga tren ng MRT at LRT para magbiyahe nang sa ganyon ay may masakyan na ang mgamamyan sa kanilang pupuntahan.

  1. Ano ang salitang ginamit sa bagay na pinag-uusapan sa balita bilang kalutasan sa isyu ng suliranin ng publiko sa pagbibiyahe?
    a. bagon
    b. barko
    c. eroplano
    d. tren


  2. Ano ang binanggit na salitang tumutukoy sa isang lugar na pinupuntahan ng mga tao kaugnay ng transportasyon?
    a. airport
    b. express way
    c. terminal
    d. transportation


Isaisip

Nagawa mo nang tukuyin ang mga salitang ginagamit sa panayam at balita sa radyo at telebisyon na umaayon sa paksa nito. Upang lubusan mo pang matandaan, may ilan pang tanong na iyong tutugunan para sa higit pang pagkatuto.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Sagutin ang mga tanong sa ibaba kaugnay ng mga napakinggan sa panayam at balita sa bahagi ng Pagyamanin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Ano ang tugon ng tatlong kinapanayam sa isyu ng wika? Gamitin ang mga wikang nauugnay sa isyu.

Kinapanayam 1: _________________________________________________________



Kinapanayam 2: _________________________________________________________



Kinapanayam 3: _________________________________________________________



  1. Paano nilutas ang suliranin ng mga mamamayan ng bansa sa pagbibiyahe para bumalik sa trabaho sa ilalim ng new normal na pamumuhay? Gamitin ang mga kaukulang salitang nasa balita.




Kinapanayam ang isang clinical psychologist, ayon sa kanya sa panahon ng pandemic napilitan ang iba na pasukin ang trabahong hindi naman sila ‘trained’. Ang isa ngang freelance photographer na ang kanyang trabaho ay kumuha ng larawan depende sa okasyon pero nang magkapandemic ay naiba ang kanyang gawain na walang kaugnayan sa kanyang dating gawain ganoon din ang isang film maker.

Isagawa

Siguradong marami ka nang nalaman sa wikang ginagamit sa panayam at mga balita sa radyo at telebisyon kaugnay ng isyung pinag-uusapan dito. Iba’t ibang isyu at balita sa araw-araw ang naririnig mo na magbibigay sa iyo ng ideya kung ano ang tatalakayin gamit ang mga wikang nauukol dito. Sa gawaing ito, ibigay mo ang iyong natutuhan.

Panuto: Isulat ang iyong kahilingan o request sa bawat bilang gamit ang mga angkop na wika batay sa nakaitalisadong salita.

  1. Panayam:

Ikaw ang kinakapanayam tungkol sa makabagong pamaraan ng pag-aaral, ang online. Ano ang tugon mo tungkol dito?



  1. Balita sa radyo o telebisyon:

Magbibigay ka ng ulat tungkol sa situwasyon ng pamumuhay mo sa panahong mayroon enhance quarantine.



Tayahin

Mahusay! Narito ka na sa pagtatapos ng modyul. Sagutan mo nang buong giting ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel. Basahin at unawaing mabuti ang panuto at magpatuloy ka sa pagdukal ng kaalaman.

Panuto: Tukuyin ang wastong gamit na salita sa patlang na ginamit sa pagpapahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Freelance wedding photographer ang kinapanayam, ang trabaho niya ay nauugnay sa ______ ng okasyon.
    a. ballroom
    b. event
    c. party
    d. wedding


  2. Sinabi ng film maker na kinapanayam na, “Hindi ganoon ka essential ang film, ang _____.
    a. commitment
    b. photography
    c. video production
    d. wedding plan


  3. Sa kabuuan, sinabi ng kinapanayam na clinical psychologist na, “Kumakambyo ang mga tao at pumapasok sa _____ hindi sila trained.”
    a. aksyong
    b. kinabibilangang
    c. larangang
    d. psychology na


  4. Ayon sa balita, sa mga kinapanayam na kahit hindi nakalinya ang kanilang _____ ay nagagawa pa rin nilang kumita sa ibang paraan.
    a. edukasyon
    b. gawain
    c. propesyon
    d. trabaho


  5. Ang ilang mga _____ ay naghahanap ng bagong trabaho kahit malayo sa kanilang tunay na propesyon.
    a. Filipino
    b. mamamayan
    c. Pinoy
    d. tao


Ayon sa panayam, ang Tagalog ang siyang pinagbatayan ng Filipino na wikang pambansa ng Pilipinas at ang Tagalog ay dayalekto na isang rehiyon. Samantalang sa bawat larangang kinabibilangan ng isang tao ay may kanya silang wikang ginagamit na iba sa wika ng ibang larangan. Gayunpaman, tuwing sasapit ang Buwan g Wika ay wikang Filipino pa rin ang pangunahing ginagamit. Ang mga pagbabago namang nagagnap ay dahil sa ebolusyong nangyayari sa ating wika dahil buhay ang wika at nagkakaroon ito ng mga pagbabago.

  1. Ang mga wikaang binanggit sa panayam ay tungkol sa pagkakaiba ng dalawang wikang _____.
    a. Bisaya at Tagalog
    b. Filipino at Rehiyunal
    c. Ingles at Filipino
    d. Tagalog at Filipino


  2. Sinabi ng kinapanayam na taga-UP na _____ ang paggamit ng salita sa bawat larangan.
    a. nag-iiba
    b. pang-edukasyon
    c. magkakatulad
    d. pare-pareho


  3. Ang paksa sa panayam o balita ay _____ kapag sumasapit ang Buwan ng Wika.
    a. Wikang dayuhan
    b. Wikang Filipino
    c. Wikang magkakaiba
    d. Wikang Tagalog


  4. Ang pinag-uusapan sa panayam ay _____ kaya nababanggit ang mga salitang jeproks hanggang jejemon.
    a. ebolusyon ng wika
    b. kasaysayan ng wika
    c. paano ginagamit ang wika
    d. pinanggalingan ng wika


Sa panahon ng COVID 19 ay madalas ang pagbabalita ng mga doktor tungkol sa kumalat na sakit at ang pag-iingat na maaaring gawin upang maiwasan ito. Isa na rito ang social distance lalo na sa mga pampasehong sasakyan na halos nagkakadikit-dikit ang mga pasehero. Kaya para mapangalagaan ang kaligtasan ay sumunod sa mga pag-iingat na dapat gawin.

  1. Sa balita ay nagsalita ang _____ upang ipahayag ang ulat tungkol sa corona virus na kumalat sa bansa.
    a. doktor
    b. enhinyero
    c. frontliner
    d. nurse


  2. Karaniwang ginamit ang wikang _____ sa balita dahil sa paksa nito.
    a. dayalekto
    b. matematika
    c. pang-agham
    d. rehiyunal


  3. May mga balitang dumadaan (nagpa-flash) sa ilalim ng nagsassalita na ginagamit ang wika ayon sa _____ nito.
    a. edukasyon
    b. gamit
    c. isyu
    d. sinabi


  4. Ang pagbanggit ng salitang _____ ay wikang pangmatematika subalit nauugnay pa rin ito sa paksa para sa kalinawan ng isyu.
    a. bahagdan
    b. bilang
    c. frontline
    d. growth rate


  5. Ano ang wikang ginamit na may kaugnayan sa transportasyon at covid 19 na ibinalita upang mapanatili ang kaligtasan ng tao?
    a. face mask
    b. lockdown
    c. quarantine
    d. social distance


  6. Batay sa iyong napuna sa pakikinig ng balita, anong wika ang ginamit upang mailahad ng malinaw ang balita?
    a. Filipino
    b. Filipino at Ingles
    c. Ingles
    d. lahat ng wika


Karagdagang Gawain

Binabati kita! Natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul na ito. Dahil diyan, gusto kitang maging handa sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang madalas na naririnig na salita sa mass media batay sa iba’t ibang sitwasyon.

Panuto: Pagtibayin natin ang iyong natutunan sa gawaing ito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Sumulat ng isang panayam tungkol sa napapanahong isyu.


    Tanong:_____




    Tugon:_____




  2. Sumulat ng balita tungkol sa napapanahong isyu


    Pamagat ng balita: _____


    Ulat:_____





Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. C
  2. A
  3. B
  4. D
  5. A
  6. D
  7. D
  8. B
  9. C
  10. A
  11. D
  12. C
  13. A
  14. B
  15. C
Pagyamanin
  1. A
  2. D
  3. B
  4. D
  5. C
Tayahin
  1. B
  2. D
  3. C
  4. C
  5. B
  6. D
  7. B
  8. B
  9. A
  10. A
  11. C
  12. C
  13. D
  14. D
  15. B

Sanggunian

Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Quezon City, Vibal Group, Inc.

Pena, Estrella L., et al. 2017. Kanlungan Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Ermita, Manila, Elp Campus Journal Printing,

https://www.slideshare.net/caylamaecarlos/panayam

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district