This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Grade 5 MAPEH (Physical Education), Quarter 4, published in 2022 by DepEd Region 4A CALABARZON. It is a self-learning module written in Filipino for Grade 5 learners studying at home or in school. It covers eight weeks of lessons. After it, learners can check how active they are using the Philippine Physical Activity Pyramid, perform basic folk dance steps such as those of the Tinikling, create a simple original dance, and explain why regular physical activity matters.
On this page 7 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Assess their participation in the physical activities of the Philippine Physical Activity Pyramid
- Explain the nature and history of folk dances and describe basic dance skills
- Show the skills needed in dancing
- Show that they value taking part in physical activity
Lessons in this module
| Week | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| Week 1 | Philippine Physical Activity Pyramid | How often to do different activities, and the health-related and skill-related fitness components |
| Weeks 2-3 | Katutubong Sayaw at mga Kasanayan (folk dances and skills) | The history of the Tinikling, basic dance positions, and basic folk dance steps |
| Weeks 4-6 | Mga Kasanayang Kailangan sa Pagsasayaw (skills needed in dancing) | Choreography, facial expression, and the elements of creating an original dance |
| Weeks 7-8 | Partisipasyon sa Pisikal na Aktibidad (participation in physical activity) | The benefits of regular activity, safety, and good values in play |
Key ideas: the activity pyramid and fitness components
The Philippine Physical Activity Pyramid is a guide to daily activities. It shows which ones to do often and which ones to cut down. The module prints it this way:
- Every day: playing outside, helping with house chores, walking to the market or mall, bathing the pet dog, picking up scattered toys, feeding pets
- 3 to 5 times a week: roller blading, biking, running, swimming, basketball, volleyball, sipa
- 2 to 3 times a week: tumbling, climbing trees, playing house, push-ups, pull-ups, modern or ballroom dancing
- Once a week: sitting or lying down for long periods, watching TV, playing computer games
The module explains that for children aged 6 to 13, regular activity helps keep the mind sharp. It also lowers the risk of heart disease and diabetes and helps keep a healthy weight.
Health-related fitness components: cardiovascular endurance (heart and lung endurance), muscular strength, muscular endurance, flexibility (kahutukan), and body composition, which is measured with the Body Mass Index (BMI).
Skill-related fitness components: balance, coordination, power, reaction time (pagka-alerto), and speed.
Learners match Physical Fitness Test items to these components. Examples include the Three-minute Step Test, Basic Plank, Curl-up, Sit and Reach, Stork Balance, Paper Juggling, Standing Long Jump, Stick Drop Test, and 50-meter sprint.
Key ideas: folk dance and creating a dance
The Tinikling comes from Leyte in the Visayas. It is named after the tikling, a bird with long legs and neck. Dancers copy the bird’s grace and speed as they step between two long bamboo poles. Two people clap the poles together in a one-two-three count. The woman wears a patadyong or balintawak, and the man wears a Barong Tagalog.
Basic positions and movements taught:
- Hayon-hayon: one arm in front and one behind at the waist, alternating
- Sarok: one foot crossed in front, body slightly bowed, hands crossed in front
- Saludo: a bow to your partner and the audience
- Do-si-do: partners pass each other by the right shoulder and return by the left
- Tap: tapping the floor with the balls of the feet
Basic steps, each done in one measure (1M):
| Step | Step pattern | Count |
|---|---|---|
| Bleking | heel-place, close | 1, 2 |
| Change step | step, close, step | 1 and 2 |
| Slide step | slide, close | 1, 2 |
| Swing step | step, swing | 1, 2 |
| Hop polka | hop, step, close, step, pause | and 1 and 2 and |
In Weeks 4-6, learners study choreography, the art of creating movements and patterns for a dance. The module lists what to plan when creating a dance:
- Theme
- Music, avoiding songs with rude or malicious words
- Rhythm
- Story
- Number of dancers
- Formation: choral line, column line, or serpentine line
- Costume, using easy-to-find materials such as old clothes
- Props, using recyclable materials
The last lesson uses the Maglalatik, a war dance, as an example of a dance tied to history. It then lists the benefits of regular activity:
- Healthy weight
- Better cardiovascular endurance
- Lower risk of diabetes and heart disease
- Better sleep
- Better balance, coordination, and agility
It also stresses warming up, cooling down, fair play, and following rules.
How to use this module
- Learners: Read each lesson in order and follow the directions carefully. Write your answers on separate paper, not on the module. Several activities ask you to record a video of yourself dancing or doing facial expression exercises, often with a partner or family member. After each activity, mark the PIVOT Assessment Card for Learners on page 38 with a star, a check, or a question mark. These show how well you did. Return the module to your teacher when you finish.
- Parents and guardians: Help your child find a safe, open space for the dance activities. Help record the video outputs, and be ready to dance as a partner when an activity calls for one.
- Teachers: Each performance task comes with a scoring rubric on a 5-4-3 scale. The Susi sa Pagwawasto (answer key) on page 37 covers Week 1, Weeks 4-6, and Weeks 7-8. Open-ended activities have no fixed answers.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this PIVOT module for?
It is for Grade 5 MAPEH (Physical Education), Quarter 4. It was published by DepEd Region 4A CALABARZON as its first edition in 2022.
What lessons does the module cover?
It has four lessons. They are the Philippine Physical Activity Pyramid (Week 1), folk dances and skills (Weeks 2-3), skills needed in dancing (Weeks 4-6), and participation in physical activity (Weeks 7-8).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto on page 37 gives answers for selected activities in Week 1, Weeks 4-6, and Weeks 7-8. Open-ended activities are marked as having varied answers.
Where does the Tinikling come from?
According to the module, the Tinikling comes from Leyte in the Visayas. It is named after the tikling bird, whose movements the dancers copy as they step between two bamboo poles.
Do learners need to submit videos?
Several activities ask learners to record a video as their output. These include the folk dance steps, the Tinikling, the facial expression exercises, and an original dance of 1 to 2 minutes.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A Learner’s Material – Grade 5 MAPEH (P.E.) Quarter 4
[illustration: Cover art of children engaged in writing, singing, playing volleyball, reading, and using a magnifying glass beside a flower; musical notes and a xylophone appear at right.]
GRADE 3 – SCIENCE GRADE 5 MAPEH (P.E.)
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
GRADE 5 MAPEH (P.E.)
QUARTER 4
DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
MELC SLM
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
[signature]
Mga Tagasuri
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material
PIVOT 4A Learner’s Material Ikaapat na Markahan Unang Edisyon, 2022
MAPEH (Physical Education)
Ikalimang Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
John Chester C. Macatangay & Hanna Shen S. de Ocampo Content Creator & Writer
Gelsie M. Garrido & Joylet D. Martinez Internal Reviewer & Editor
Helen B. Katigbak & Mary Ann M. Reyes Language Reviewer & Technical Reviewer
Fe M. Ong-ongowan, Marites K. Chavez & Esmeralda B. Timoteo Layout Artists & Illustrator
Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang MAPEH (Physical Education). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinegurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang magtiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa sumusunod na mga aralin.
Salamat sa iyo!
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
- Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito!
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
[chart: table; Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul]
| Panimula (Introduction) | K to 12 Learning Delivery Process | Nilalaman |
|---|---|---|
| Panimula (Introduction) | Alamin | Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. |
| Panimula (Introduction) | Suriin | (same as above, see Nilalaman) |
| Pagpapaunlad (Development) | Subukin | Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. |
| Pagpapaunlad (Development) | Tuklasin | (same as above) |
| Pagpapaunlad (Development) | Pagyamanin | (same as above) |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Isagawa | Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills, at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Linangin | (same as above) |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Iangkop | (same as above) |
| Paglalapat (Assimilation) | Isaisip | Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga idea, interpretasyon, pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-uugnay, o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dating natutuhan. |
| Paglalapat (Assimilation) | Tayahin | (same as above) |
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.
PIVOT 4A CALABARZON P.E. G5 6
Aralin
Philippine Physical Activity Pyramid
WEEK 1
Ang aralín na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo, upang matulungan ka na maunawaan ang aralín tungkol sa mga gawaing pisikal mula sa Philippine Physical Activity Pyramid na makatutulong upang makamit ang iyong layuning pangkalusugan.
Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa aralín na ito, inaasahan na iyong matataya ang partisipasyon sa mga gawaing pisikal mula sa Philippine Physical Activity Pyramid.
[illustration: Children playing outdoors; a girl with a fan, a girl with a ball-and-stick game, a boy holding a ball, and a woman in a long skirt.]
Sa mga naunang aralin, natutuhan mo ang iba’t ibang mga pisikal na aktibidad na makatutulong sa iyo upang magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan. Kabilang sa mga aktibidad na ito ay ang pag-eehersisyo, paglalaro, isports, at pagsasayaw. Sa iyong pakikilahok sa mga aktibidad na ito ay nalinang din ang iyong kagandahang-asal at pakikipagkapwa.
Sa mga gawaing pisikal na ito, alin ang madalas mong ginagawa? Alin naman ang hindi mo ginagawa? Sa iyong pakikilahok sa iba’t ibang pisikal na aktibidad, may naramdaman ka bang pagbabago sa iyong pangangatawan?
7 PIVOT 4A CALABARZON P.E. G5
Ang Philippine Physical Activity Pyramid ay isang representasyon ng mga pang-araw-araw na gawain. Nagsisilbi itong gabay sa pagpili ng mga nararapat na aktibidad upang makamit ang layuning pangkalusugan. Makikita sa pyramid na ito ang iba’t ibang mga aktibidad na kailangang gawin nang madalas at mga aktibidad na kailangang bawasan ng oras. Kung susunding mabuti ang mga gawaing iminumungkahi sa pyramid na ito, tiyak na makakamit mo ang mabuting dulot nito sa iyong kalusugan.
Ang mga pang-araw-araw na gawain gaya ng paglalakad, pagtakbo, pag-akyat baba sa hagdan, at maging ang pagtulong sa mga gawaing bahay ay nakatutulong sa kalusugan at kakayahang pangkatawan. Lalo na kung sasabayan pa ng mga aktibidad gaya ng pagbibisikleta at paglahok sa mga isport.
[chart: pyramid diagram; Philippine Physical Activity Pyramid]
Values are not labeled on the chart.
Tiers and activities as printed:
- 1 beses sa isang linggo: Pag-upo nang matagal; Paghiga nang matagal; Panunood ng TV; Paglalaro sa kompyuter
- 2-3 beses sa isang linggo: Pagtumbling; Pag-akyat sa puno; Pagbahay-bahayan; Push-up; Pull-up; Pagsasayaw ng modern dance o ballroom
- 3-5 beses sa isang linggo: Pagro-roller blades; Pabibisikleta; Pagtakbo; Paglangoy; Paglaro ng basketball; Balibol; Sipa
- Araw-araw: Paglaro sa labas ng bahay; Pagtulong sa gawaing bahay; Paglalakad papuntang palengke o mall; Pagpapaligo ng alagang aso; Pamumulot ng nagkalat na laruan; Pagpapakain ng mga alagang hayop
[illustration: Children and adults performing activities shown on the pyramid tiers.]
Ang mga pang-araw-araw na gawain gaya ng paglalakad, pagtakbo, pag-akyat baba sa hagdan, at maging ang pagtulong sa mga gawaing bahay ay nakatutulong sa kalusugan at kakayahang pangkatawan. Lalo na kung sasabayan pa ng mga aktibidad gaya ng pagbibisikleta at paglahok sa mga isport.
PIVOT 4A CALABARZON P.E. G5 8
Para sa mga batang nasa edad na 6 hanggang 13, ang regular na pisikal na aktibidad ay maaaring makatulong na panatilihing matalas ang pag-iisip. Maaari din nitong bawasan ang panganib na magkaroon ng mga sakit tulad ng sakit sa puso at diabetes. Makatutulong din ito upang mapanatili ang wastong timbang ng katawan at maaaring mapabuti ang kalusugan ng isip, kalidad ng buhay at kagalingan.
Ito ang dahilan kung bakit mahalagang lumahok sa mga physical fitness test upang makita at mabantayan ang iyong progreso at mapabilis ang pagkamit ng iyong layuning pangkalusugan.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Magtala ng limang pisikal na aktibidad na iyong ginagawa. Markahan ng tsek (✓) ang hanay batay sa kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga ito.
| Gawaing Pisikal | Palagi | Madalas | Madalang | Minsan |
|---|---|---|---|---|
| 1. | ||||
| 2. | ||||
| 3. | ||||
| 4. |
Nalilinang ang mga health-related at skill-related fitness component sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga pisikal na aktibidad. Ang mga gawaing ito ay nagiging daan upang mas mapaunlad pa ang resistensya ng katawan sa paggawa, mapalakas ang iba’t ibang bahagi ng katawan, mas mapabuti ang koordinasyon at balanse ng katawan.
Health-Related Fitness Component
Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at baga) – kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa.
Muscular Strength (Lakas ng kalamnan) – kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas.
Muscular Endurance (Katatagan ng kalamnan) – kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa.
Fexibility (Kahutukan) – kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at kasu-kasuan.
Body Composition – dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto, at tubig) sa katawan. Ito ay nasusubok sa pamamagitan ng pagkuha ng Body Mass Index (BMI).
Skill-Related Fitness Component
Balance (Balanse)– kakayahan ng katawan na panatilihing nasa wastong tikas at kapanatagan habang nakatayo sa isa o dalawang paa (static balance), kumikilos sa sariling espasyo at patag na lugar (dynamic balance) o sa pag-ikot sa ere (in flight).
Coordination (Koordinasyon)– kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan na kumilos nang sabay-sabay na parang iisa nang walang kalituhan.
Power (Lakas)– kakayahang makapaglabas ng puwersa nang mabilisan batay sa kombinasyon ng lakas at bilis ng pagkilos
Reaction Time (Pagka-alerto)– kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot, at pagtanggap ng paparating na bagay o sa mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang bagay o pangyayari.
Speed (Bilis)-kakayahang makagawa ng kilos sa maiksing panahon.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Tukuyin kung anong Fitness Component ang nalilinang ng mga gawaing pisikal na isinasagawa sa Physical Fitness Test. Piliin ang iyong sagot sa kahon at isulat sa tapat ng bawat sangkap.
Three-minute Step Test Basic Plank Test Sit and Reach Curl-up
Health-Related Fitness Component
Cardiovascular Endurance – _____
Muscular Strength – _____
Muscular Endurance – _____
Flexibility – _____
Paper Juggling 50 meter sprint Stork Balance Standing Long Jump Stick Drop Test
Skill-Related Fitness Component
Balance – _____
Coordination – _____
Power – _____
Reaction Time – _____
Speed – _____
E
Gawain sa Pagkatuto bilang 3
Isulat ang T kung tama ang pahayag sa bawat pangungusap at M kung mali . Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
_____1. Ang pagtakbo, paglakad nang mabilis, at pag-akyat sa hagdan ay nakatutulong upang malinang ang katatagan ng iyong puso at baga.
_____2. Ang pagtulong sa gawaing bahay ay nakatutulong upang mapaunlad ang iyong kalusugan at kakayang pangkatawan.
_____3. Ang pinakamataas na bahagi ng pyramid ay nagpapakita ng mga gawaing dapat isagawa nang mas madalas.
_____4. Nakatutulong ang fitness test sa pagtukoy ng iyong kalakasan at kahinaan.
_____5. Ang panonood ng tv, paggamit ng cellphone, at paglalaro ng computer games ay hindi dapat paglaanan ng mahabang oras sapagkat ito ay maaaring magdulot ng banta sa ating kalusugan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Tignan ang listahan ng mga gawain na nasa ibaba. Isulat kung gaano kadalas mong ginagawa ang mga aktibidad. Isulat kung anong Health-Related Fitness Components at Skill-Related Fitness Components ang nalinang dito.
Health-Related Fitness Components
- Cardiovascular endurance
- Muscular strength
- Muscular endurance
- Flexibility
- Body composition
Skill-Related Fitness Components
- Bilis
- Liksi
- Balanse
- Koordinasyon
- Pagka-alerto
- Lakas
| Gawain | Health-Related Fitness Components | Skill-Related Fitness Components | Gaano kadalas ito ginagawa |
|---|---|---|---|
| Pagkokompyuter | |||
| Pagsasayaw | |||
| Pagbibisikleta | |||
| Paglalaro sa labas ng bahay | |||
| Paglilinis ng pinagkalatan |
A
Sa iyong kuwaderno, isulat ang iyong natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagdurugtong ng mga salita sa patlang upang makabuo ng kaisipan.
Naunawaan ko na _____
_____.
Aking napagtanto na _____
_____.
Ang gusto ko pa matutunan _____
_____.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Sagutin sumusunod na tanong sa isang buong papel.
Ano-anong aktibidad sa Philippine Physical Activity Pyramid ang iyong nilahukan noong nagdaang buwan?
Kaugnay sa iyong sagot sa bilang 1, ano ang mga naging benepisyo nito sa iyo?
Bakit mo kailangang gawin nang regular ang mga aktibidad na matatagpuan sa ibabang bahagi ng pyramid?
Aralin I
Katutubong Sayaw at mga Kasanayan
WEEKS 2-3
Ang aralín na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo, upang matulungan ka na maunawaan ang aralín tungkol sa mga gawaing pisikal mula sa Philippine Physical Activity Pyramid tulad ng pagsasayaw. Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa aralín na ito, ikaw ay inaasahan na maipaliliwanag ang likas at kasaysayan ng katutubong sayaw at mailalarawan ang mga kasanayan sa pagsasayaw.
[illustration: two pairs of students dancing; one pair in a folk dance pose, the other holding glasses up in a dance]
Batay sa iyong karanasan, ang pagtatanghal ng mga katutubong sayaw ay masaya at makabuluhang gawain. Kaya mahalagang matutunan ang mga pangunahing galaw ng katutubong sayaw. Marahil ang iba sa inyo ay nahihirapang sabayan ang galaw sa katutubong sayaw. Ang mga ito ay karaniwan at maaaring matutunan kung madalas inuulit ng maraming beses.
Maraming Pilipino na ang hanapbuhay ay ang pagsasayaw. Ang iba ay lumalabas sa telebisyon at entablado o kaya naman ay nagtuturo ng mga sayaw. Mayroon din namang nagsasayaw dahil hilig nila ito at upang maipakita ang kanilang emosyon at damdamin. Ginagawa rin itong libangan habang ang iba ay ginagawang ehersisyo.
Lahat ng katutubong sayaw sa ating bansa ay may mga kasaysayan na sumasalamin sa bawat pangkat na kanilang kinabibilangan. Dahil ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit pitong libong isla kaya naman iba’t ibang sayaw ang maaaring makita na sumisimbolo sa kanilang kultura at paniniwala. At ang bawat kasaysayan ng katutubong sayaw ay dapat na igalang at pahalagahan dahil ito ay bahagi na ng kanilang buhay sa kinabibilangang pangkat na kanilang kinagisnan.
Ang ating bansa ay mayaman sa mga katutubong sayaw na nagmula sa iba’t ibang bayan at probinsya.
Ang huling kwarter, natutuhan mong sayawin ang Cariñosa at Polka sa Nayon.
Gusto mo bang matutuhan ang iba pang katutubong sayaw?
Kung ikaw ay mahilig sumayaw at may angking galing at kasanayan dito, magandang matutunan ang mga katutubong sayaw. Hindi lamang sayaw ang iyong matutunan , mauunawaan mo din ang kasaysayan at kultura ng mga Pilipino. Higit pa rito’y maaari ding itong maging daan upang mabuksan ang pinto ng oportunidad. Alam mo ba na may pangkat ng mananayaw na kilala sa buong mundo dahil sa galling nila sa katutubong sayaw? Ang “Bayanihan Dance Troupe” at “Sining Kumintang ng Batangas” ay ilan sa mga sikat na grupo na naglalakbay sa buong mundo upang maipamalas ang galling ng Pilipino sa larangan ng pagsasayaw.
[illustration: dancers performing tinikling between two bamboo poles, with two people kneeling at the ends clapping the poles]
Ang Tinikling, isa sa mga popular at kilalang sayaw sa Pilipinas, ay nagmula sa lalawigan ng Leyte sa Visayas. Hango ang pangalan ng tinikling mula sa tikling, isang uri ng ibon na may mahahabang paa at leeg, matulis ang tuka at malalambot ang balahibo.
Ang sayaw ay tulad sa galaw ng ibon, kung saan sila ay lumulusong sa gitna ng mga damo at tumatakbo-takbo o lumulundag-lundag sa mga sanga o bitag sa mga palayan.
Tinutularan ng mga mananayaw ng tinikling ang tikling sa yumi at bilis nito sa pamamagitan ng mahusay na pagdaan sa dalawang mahabang piraso ng kawayan. Iniuugnay ito sa pagdiriwang na may kinalaman sa agrikultura. Ang kawayan (Bambusa Blumeana) ay alinman sa mga damong tropiko na animoy punongkahoy, matibay, karaniwang may hungkag na uhay, patulis na dahon, at namumulaklak pagkaraan ng mahabang taon ng pagtubo ay pangunahing kagamitan sa pagsasayaw ng tinikling.
Sa ating bansa ang kawayan ay malaking bahagi ng kultura dahil kaugnay ito ng iba’t ibang tradisyon, pagdiriwang at paniniwala. Halimbawa na lamang nito ay ukol sa panitikan. Ayon sa alamat, ang unang lalaki at babae ay nagmula sa isang pirasong kawayan. Sa sayaw na tinikling, singkil at subli ay isinasayaw gamit ang kawayan.
Ginagamit din ito bilang instrumentong pangmusika. Maging sa mga katutubong laro gaya ng luksong kawayan at palosebo na patuloy na nilalaro sa mga pistang bayan sa ibat ibang lugar sa Pilipinas tulad sa lalawigan ng Nueva Ecija ay gumagamit ng damong tropikong ito. Ang kawayan na isa mga sagisag kultura ng bansa ay pangunahing kagamitan sa pagsasayaw ng tinikling. Ito ay kalimitang makikita sa mga baryo o mga lugar na maraming kakahuyan. Kabilang ang Cabanatuan sa mga lugar na katatagpuan ng maraming kawayan tulad sa Pangatian, Cabu, at Bagong Sikat.
Pamamaraan:
Ang pares ng lalaki at babaeng mananayaw ay iindak sa gilid o kaya’y sa pagitan ng dalawang buho o kawayan na may haba na siyam na talampakan.
Ang dalawang buho ay nakapatong pa sa isang piraso ng kawayan na may habang 30 pulgada at kapal na dalawang pulgada. May tig-isang tao na humahawak sa bawat dulo ng pares ng buho.
Sa saliw ng isang awitin, sabay na palalagitikin ng dalawang tao ang hawak nilang kawayan at pag-uumpugin ng paulit-ulit ang dalawang kawayan sa bilang na isa-dalawa-tatlo, kasabay sa ritmo ng sayaw.
Ang mga mananayaw ay magsisimulang pumasok sa gitna ng mga kawayan at kinakailangan na hindi sila maipit upang maging tuloy-tuloy ang kanilang pagsasayaw.
Ang babae ay nakasuot ng patadyong o balintawak samantalang Barong Tagalog naman ang sa lalaki.
Mga Pangunahing Posisyon at Galaw
Hayon-hayon – ilagay ang isang braso sa harap at isang braso sa likod sa may baywang. Gawin ito nang salitan.
Sarok – ilagay ang kanan o kaliwang paa sa harap ng kaliwa (o kanan) habang bahagyang nakayuko ng pagharap ang katawan at naka-cross ang mga kamay sa harap, ang kanan (o kaliwa) sa ibabaw ng kaliwa (o kanan).
Saludo – yumuko sa iyong kapareha at sa mga manonood.
Do-si-do – humarap sa iyong kapareha, umabante at dumaan sa direksyon ng kaniyang kanang balikat. Bumalik sa dating pwesto sa pamamagitan ng pagdaan sa direksyon ng inyong kaliwang balikat.
Tap – i-tap ang sahig sa pamamagitan ng iyong balls of the feet.
[illustration: three drawings of feet showing the tap position on the floor]
Heto ang mga pangunahing galaw sa sayaw na kailangan mong mapag-aralan. Sundin ang mga step pattern at bilang ng bawat measure.
Bleking
Step Pattern: heel-place, close Bilang: 1M
1 2Change step
Step Pattern: step, close, step Bilang: 1M
1 at 2Slide Step
Step Pattern: slide, close Bilang: 1M
1 2Swing step
Step Pattern: step, swing Bilang: 1M
1 2Hop polka
Step Pattern: hop, step, close, step, pause Bilang: 1M
at 1 at 2 at
Ang tamang pagsasagawa ng mga hakbang sa sayaw ay makatutulong sa pagpapahalaga sa kultura ng mga tao sa bayan o rehiyon na pinagmulan ng sayaw. Ang pagsasayaw ay isa lamang sa mga gawaing pisikal na nakatutulong upang mapaunlad ang physical fitness ng tao.
[transcriber’s note: the red circle labels D and E mark the module’s section headings]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pag-aralan at gawin ang sumusunod.
- Bleking – 2M
- Change step – 2M
- Hop polka – 8M
- Hayon-Hayon – 4M
- Do-si-do – 6M
Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mo maisagawa ang gawain?
Paano mo isinagawa ang mga kasanayan sa pagsasayaw ng katutubong sayaw?
Bakit kailangan matutunan ang mga kasanayan sa pagsasayaw?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
A. Kumuha ng isang kapareha (maaaring kapatid, pinsan o kaklase na malapit sa bahay) at gawin ang mga sumusunod. I-video ang pagtatanghal bilang output.
Gawin ang Hop polka
paharap L at R nang salitan -4MGawin ang slide step
patalikod R at L nang salitan -4MI-tap ang R sa paa sa harap
I-tap ang L sa paa sa harap -4M
Gawin ang change step
paharap -2MGawin ang change step -2M
patalikod
| Pamantayan | Napakahusay (5) | Mahusay (4) | Kailangan pang linangin (3) |
|---|---|---|---|
| Pamamaraan ng pagsasayaw | Naipamalas ang kahusayan sa pagsasagawa ng lahat ng hakbang ng sayaw | Naipamalas ang mga hakbang ng sayaw | Hindi naipamalas ang mga hakbang sa pagsayaw |
| Tiyempo | Naipakita ang wastong tiyempo sa pagsasagawa nito | Naipakita ang tiyempo sa pagsasagawa nito | Hindi naisagawa ang mga kasanayan |
B. Sagutin ang sumusunod sa iyong sagutang papel.
Nagawa mo ba ng tama ang mga galaw? Ano ang iyong naramdaman matapos mo itong maisagawa?
Aling mga galaw ang nahirapan kang gawin? Bakit?
Bakit mahalaga na matutunan ang mga kasanayan sa pagsasayaw?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Humanap ng kapareha at isagawa ang mga hakbang sa sayaw na tinikling. Ibidyo ang pagtatanghal bilang output. Narito ang pamantayan sa pagsasayaw na dapat sundin.
| Pamantayan | Napakahusay (5) | Mahusay (4) | Kailangan pang linangin (3) |
|---|---|---|---|
| Pamamaraan ng pagsasayaw | Naipamalas ang kahusayan sa pagsasagawa ng lahat ng hakbang ng sayaw | Naipamalas ang mga hakbang ng sayaw | Hindi naipamalas ang mga hakbang sa pagsayaw |
| Tiyempo | Naipakita ang wastong tiyempo sa pagsasagawa nito | Naipakita ang tiyempo sa pagsasagawa nito | Hindi naisagawa ang mga kasanayan |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sa lima o higit pang pangungusap, Ipaliwanag ang kasaysayan ng katutubong sayaw na Tinikling (5 puntos).
Tinikling
Dugtungan ang mga sumusunod na pahayag batay sa iyong natutunan sa aralin.
Mahalagang matutunan at maitanghal ang mga katutubong sayaw ng Pilipinas dahil…
_____________________________________________________________________.
WEEKS 4-6
Mga Kasanayang Kailangan sa Pagsasayaw
Aralin
[illustration: three dancers in different poses, a couple dancing, a woman mid-jump, and a dancer doing a backspin]
Ang aralin na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo, upang matulungan ka na maunawaan ang aralín tungkol sa mga kasanayang dapat mong matutunan sa pagsasayaw. Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa araling ito, inaasahan na iyong maipamamalas ang mga kakayahang kailangan sa pagsasayaw.
Mahilig ka bang sumayaw? Nararamdaman mo bang gumagalaw ang iyong katawan tuwing ikaw ay nakaririnig ng musika o tugtog? Naranasan mo na bang gumawa ng iyong sariling sayaw habang nakikinig sa musika?
Ang pagiging malikhain ay ang abilidad na bumuo ng sariling ideya lalo na sa larangan ng sining. Ang sayaw ay isang larangan ng sining.
Sa araling ito tatalakayin ang mga mahahalagang kasanayan upang makalikha ng isang orihinal na sayaw. Sa ganitong paraan, magagamit mo ang pagiging malikhain na makatutulong sa iyong kalusugan at sa pakikipagkapwa tao.
Marami tayong napapanuod na mga programa sa telebisyon o Internet na mga makabagong sayaw. Isa sa mga sikat na grupo ng mananayaw mula sa Pilipinas ay ang grupo ng SB19. Makikita mo na ang mga mananayaw ay nagtatanghal ng iba’t ibang klase ng sayaw. Bago nila magawa ito, pag-iisipan mula nila ang kanilang mga galaw. Ang prosesong ito ay kinakailangan ng malikhaing pag-iisip.
Alam mo ba kung anong tawag sa gawaing ito?
Malilinang din ang mahahalagang kasanayang kaakibat ng pagsasayaw tulad ng pagpili ng musikang gagamitin, kasuotang babagay sa sayaw; at pagsasanay sa paggamit ng angkop na ekspresyon ng mukha.
[illustration: three people in plain shirts and pants striking a dance pose]
Ang choreography ay tumutukoy sa sining ng paglikha ng mga galaw at pattern para sa sayaw na itatanghal ng mga mananayaw. Kailangang maging malikhain kung nanaising maging choreographer at makalikha ng mga sayaw.
Ang iyong koordinasyon sa iba’t ibang parte ng katawan ay napabubuti rin, at nakatutulong sa pagsasayaw.
Sa pag-choreograph, malalaman mo ang kapasidad ng flexibility ng iyong katawan. Nasusubukan mo ang mga galaw na kayang gawin ng iyong katawan. Ang iyong muscular strength at endurance ay napabubuti rin lalo na sa mga dance routine na may lifting, acrobatic movement, at iba pa.
Ang mga mananayaw ay gumagamit ng iba’t ibang galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, mga emosyon tulad ng kasiyahan at kalungkutan, at mga ideya at aspirasyon upang makapagsalaysay ng isang kuwento. Kung ikaw ay lilikha ng sayaw, kailangang maisagawa ang mga galaw nang may tamang bilang sa musika. Sa paglikha ng mga galaw, ikaw ay nag-eeksperimento ng iba’t ibang baryasyon at kombinasyon ng galaw ng katawan. Dito naipakikita ang iyong pagkamalikhain.
Kapag tayo ay lilikha ng isang sayaw, may mga mahahalagang bagay na kailangan nating tandaan. Ang ilan sa mga ito ang mga sumusunod:
Tema – Pag-isipan ang pangunahing ideya ng iyong sayaw. Lahat ng gagamitin – mula sa kasuotan, galaw at props – kailangang magkaugnay sa tema. Mahalagang malaman ang layunin ng sayaw at mula rito, makagagawa na ng angkop na plano para sa pagtatanghal.
Musika – Ang iyong pipiliing musika ay may mahalagang parte sa pagbuo ng iyong sayaw. Siguraduhing ang musika ay angkop sa iyong ema kung possible tingnan din kung ang mga instrumentong gagamitin ay angkop din sa iyong tema. Dapat ba itong maging mabagal o mabilis? Hiphop ba o jazz? Anuman ang iyong piliin, siguraduhing ang kahulugan ng kanta ay nagbibigay ng mgandang mensahe sa inyong manonood. Iwasang gumamit ng musika na may bastos, malisyoso o di-magandang salita.
Ritmo – Ito ay nakatutulong sa paglikha ng mga galaw sa sayaw. Dito maipamamalas ang angking galling sa pagsasayaw sa saliw ng musika.
Kwento – Ang ating katawan ay maaaring gamitin upang magpahayag ng isang kwento. Kung ikaw ay gagawa ng isang interpretative dance, siguraduhing ipinapakita ng mga galaw ang nais na mensahe o kwento.
Bilang ng mananayaw – planuhin ang bilang ng mga mananayaw para sa pagtatanghal maliit man o malaki ang pagtatanghal.
Formation – maraming klase ng formation na maaaring pagpilian, gaya ng:
- Choral line
- Column line
- Serpentine line
Kasuotan – Ito ang unang nakikita ng mga manonood. Sa kasuotan nagkakaroon ng ideya ang manonood kung anong klase ng sayaw ang itatanghal. Mabuting gumamit ng mga materyal na madaling makuha gaya ng lumang damit. Maging malikhain sa paggawa ng inyong kasuotan upang maipakita ang pagkakaisa ng iyong pagtatanghal
Props/Materyales – Pumili ng props o materyales na kinakailangan at angkop sa sayaw. Iwasang gumastos ng malaki. Gumamit ng mga recyclable na materyales.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Lagyan ng tsek (✓) kung ang isinasaad sa pangungusap at ekis (x) kung mali.
_____1. Ang choreography ay isang sining ng pagdidisenyo ng galaw para sa mga mananayaw.
_____2. Ang mga galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, at formation ay ginagamit upang magsalaysay ng isang kwento.
_____3. Ang pagiging malikhain ay ang abilidad na magpakita ng emosyon, lumikha ng orihinal na ideya.
_____4. Ang pagsasayaw araw araw ay isang magandang klase ng ehersisyo.
_____5. Ang pagsasayaw sa loob ng isang oras nang dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo ay isang epektibong aktibidad para sa kakayahang pangkatawan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Gawin ang sumusunod at i-video ang mga ito. Maaaring magpatulong sa nakatatandang kapatid o kasamahan sa bahay. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsasayaw na dapat sundin.
- Head isolation, kanan, kaliwa 8 bilang
- Iunat ang braso, pataas, pull-up 8 bilang
- Iunat ang binti. Baluktutin ang kanang tuhod at tumayo sa kaliwang paa 8 bilang
- Ulitin sa kaliwang tuhod at kanang paa 8 bilang
- Lunges, pakanan, pakaliwa 8 bilang bawat isa
Ano ang iyong naramdaman pagkatapos maisagawa ang mga gawain?
Bakit kailangan nating malaman ang mga pangunahing kasanayan sa pagsasayaw ng makabagong sayaw?
Paano tayo makaiiwas sa mga sakunang dulot ng pagsasayaw?
| Pamantayan | Napakahusay (5) | Mahusay (4) | Kailangan pang linangin (3) |
|---|---|---|---|
| Pamamaraan ng pagsasagawa | Naipamalas ang kahusayan sa pagsasagawa | Naipamalas ang mga pangunahing kasanayan | Hindi naipamalas ang mga hakbang sa pagsayaw |
| Tiwala sa sarli at postura | Naipamalas ang kahusayan sa postura at tiwala sa sarili sa pagsasagawa ng mga kasanayan | Naipamalas ng kaunti ang kahusayan sa postura at tiwala sa sarili sa pagsasagawa ng mga kasanayan | Hindi naisagawa ng may kahusayan at tiwala sa sarili ang mga kasanayan |
| Pamantayan | Napakahusay (5) | Mahusay (4) | Kailangan pang linangin (3) |
|---|---|---|---|
| Pamamaraan ng pagsasagawa | Naipamalas ang kahusayan sa pagsasagawa ng ehersisyo sa mukha | Naipamalas ang mga pangunahing kasanayan sa pag-ehersisyo sa mukha | Hindi naipamalas ang mga kasanayan sa pag-ehersisyo ng mukha |
| Pagsasagawa ng pag-ehersisyo | Naisagawa ng buong husay ang lahat ng ehersisyo | Naipamalas ang lima sa mga ehersisyo sa mukha | Hindi naisagawa ng may kahusayan ang ehersisyo |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Subuking i-ehersisyo ang mga muscle sa iyong mukha. Gawin ang sumusunod na ekspresyon. I-video ang mga ito at maaaring magpatulong sa nakatatandang kapatid o kasamahan sa bahay. Pagkatapos, sagutan ang mga katanungan sa papel. Gamitin at sundin ang pamantayan sa pagsasayaw.
- Ngumiti nang todo
- Tumawa
- Magmukhang malungkot
- Kunwaring nagulat
- Magmukhang nahiya
- Umiyak
- Sumimangot
- Ngumisi
- Natatakot
- Kinakabahan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Bumuo ng isang sayaw na may 1 hanggang 2 minutong tugtog. Lumikha ng simpleng kombinasyon ng mga galaw ng katawan at ekspresyon ng mukha sa isang sayaw. Pag-isipang mabuti ang iyong lilikhaing output. Maaaring magpatulong sa nakatatandang kapatid o kasamahan sa bahay. Ibidyo ang iyong sayaw. Isaalang-alang ang pamantayan sa sayaw na dapat gamitin.
| Pamantayan | Napakahusay (5) | Mahusay (4) | Kailangan pang linangin (3) |
|---|---|---|---|
| Musikang gagamitin | Angkop at napapanahon ang musikang ginamit sa sayaw | Angkop ang musikang ginamit sa pagsasayaw | Gumamit ng kahit anong musika |
| Ekspresyon ng mukha | Naipamalas ang kahusayan na may tamang ekspresyon ng mukha habang nagsasayaw | Naipamalas ng kaunti ang kahusayan sa ekspresyon ng mukha habang nagsasayaw | Hindi naisagawa ng may kahusayan at walang ekspresyon ang mukha |
| Espasyong Gagamitin | Gumamit ng tamang laki ng espasyo sa pagsasayaw | Gumamit ng kaunting espasyo sa pagsasayaw | Gumamit ng sobrang liit na espasyo sa pagsasayaw |
| Galaw ng sayaw | Gumamit ng iba’t ibang uri ng galaw, maaaring likha ito o hindi. | Gumamit ng galaw na may kaayusan | Gumamit ng galaw na walang kahusayan |
| Kasuotan | Nagsuot ng angkop at tamang kasuotan sa pagsasayaw | Nagsuot ng kasuotang angkop sa pagsasayaw | Nagsuot ng kahit anong kasuotan sa pagsasayaw |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang buong papel o kwaderno.
- Ano ang iyong naramdaman habang bumubuo ng sayaw?
- Bakit kailangang ipakita ang iba’t ibang uri ng galaw sa pagsasayaw?
- Paano ito makakatulong sa iyong sarili?
A
Sa iyong Reflection Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________.
Nababatid ko na _____________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________.
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa _________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________
WEEKS 7-8
Partisipasyon sa Pisikal na Aktibidad
Aralin
I
Ang aralín na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo, upang matulungan ka na maunawaan ang aralín tungkol sa kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawaing pisikal tungo sa ikapagtatamo ng layuning pangkalusugan.
Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa aralín na ito, ikaw ay inaasahan na maipakikita ang pagpapahalaga ng partisipasyon sa pisikal na aktibidad.
[illustration: two children performing the Maglalatik dance, with latik-coated shell discs on their bodies]
Maglalatik Dance
Gaya ng iyong natutunan, ang pagsasayaw ay isang paraan ng pagpapahayag ng sarili o self-expression. Ang sayaw ay nagpapakita ng emosyon at maaari ring magsalaysay ng isang kwento.
Halimbawa, ang mga katutubong-sayaw ay nagpapakita ng tungkol sa kutura, tradisyon, at gawain ng mga taong lumikha nito. Nagpapakita rin ang mga ito ng kaugalian at katangian ng mga tao.
Tulad ng sayaw na Cariñosa na pinag-aralan noong nakaraang kwarter, ang salitang Cariñosa mismo ay nangangahulugang malambing at maamo.
May sayaw naman na may kinalaman sa kasaysayan. Tulad ng Maglalatik. Isa itong war dance na batay sa sinaunang pakikidigma ng mga Moro laban sa Kristiyano para sa latik.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Kopyahin ang tsart sa iyong kuwaderno at punan ito.
| Mga Sayaw na Alam Ko | Mga Sayaw na nais kong Malaman |
|---|---|
Ang regular na pisikal na aktibidad ay isa sa pinakamahalagang bagay na maaari mong gawin para sa iyong kalusugan. Maaari itong makatulong upang kontrolin ang timbang, palakasin ang iyong mga buto at kalamnan at bawasan ang panganib ng sakit.
Ang paglalaro, pagsasayaw at iba pang mga gawain ay makapagdudulot ng masiglang pangangatawan, lalo’t higit ang mga laro na nangangailangan ng paggalaw ng iba’t ibang bahagi ng katawan. Makapagtuturo rin ito ng mga mahahalagang kaugalian. Ito ang makatutulong sa atin upang higit na dumami ang mga kaibigan at maging masigla at masiyahing bata.
Kailangan lamang ng ibayong pag-iingat. Ito ay makatutulong sa bawat isa sa atin upang mas maging kagiliw-giliw sa mga gawain.
Batay sa Philippine Physical Activity Pyramid, ang paglalaro sa labas ay dapat tatlo hanggang limang beses ginagawa kada linggo na tatagal ng 30 hanggang 45 minuto.
Ang mga iba’t ibang gawaing pisikal ay nangangailangan ng katamtamang paggalaw ng mga bahagi ng ating katawan tulad ng pagtakbo, paglundag, pagsasayaw, at iba pa ay malaki ang maitutulong upang magkaroon ng malusog na pangangatawan. Gusto mo ba ang mga gawaing ito?
Ang pagsasagawa ng mga gawaing tulad nito ay makapagdudulot ng mga sumusunod:
Nakapagpapatibay ng metabolism at nakatutulong na mapanatili ang tamang timbang. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagiging obese ng mga bata.
Nakapagpapabuti ng cardiovascular endurance. Ito ay makatutulong upang makagawa ng mas maraming pisikal na mga gawain nang hindi kaagad napapagod.
Nababawasan ang panganib ng pagkakaroon ng diabetes at mga karamdamang may kaugnayan sa puso. Mas maliit ang posibilidad na magkaroon ng mga karamdamang may kaugnayan sa pagiging obese o sa pagkakaroon ng mabigat na timbang.
Nakatutulong upang makatulog nang mahimbing. Ang pagkakaroon ng sapat at wastong tulog at pahinga ay makatutulong upang maging masigla.
Nakatutulong upang magkaroon ng balanse, koordinasyon, at liksi ng katawan. Ang mga kakayahang ito ay mahalaga sa isports, sa pagsasayaw, at sa iba pang pang-araw-araw na gawain.
Nakatutulong upang magkaroon ng malalakas at matitibay na kaalaman. Ito ay mahalagang salik upang maisagawa nang maayos ang mga pang-araw araw na gawain. Ito rin ay makatutulong kung ikaw ay aktibo sa larangan ng isports at iba pang gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Dugtungan ang mga sumusunod:
- Ang partisipasyon sa pisikal na aktibidad ay makatutulong upang
- Ang paglalaro ng 30 hanggang 45 minuto ng apat na beses sa isang linggo ay makatutulong upang
- Maraming kabutihang dulot ang mga pisikal na aktibidad, di lamang sa kalusugan kundi
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang T kung totoo ang mga nakasaad sa pangungusap at H kung hindi. Isulat ito sa isang malinis na papel.
_____1. Upang maiwasan ang pinsala, kailangan munang mag-warm-up bago isagawa ang ano mang pisikal na aktibidad.
_____2. Ang pagwarm-up at pagcool-down ay maaaring makapagdulot ng pinsala sa kalamnan.
_____3. Ang pagiging patas sa paglalaro ay pagsunod sa mga patakaran at regulasyon ng laro.
_____4. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay mahalaga di lamang upang manalo sa laro kundi pati na rin sa pakikipagkaibigan.
_____5. Ang pagsunod sa mga patakaran ay nagpapakita ng ikaw ay isport.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Magbigay ng halimbawa ng mga pagkakataon o sitwasyon sa paglalaro kung kalian maipakikita ang sumusunod na kagandahang-asal.
- Pagiging patas
- Pakikisama
- Pakikipagtulungan
- Pagsasabi ng katotohanan
- Pagkakaroon ng pananagutan
- Paglalaro ng walang daya
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Punan ang patlang upang mabuo ang pangungusap.
- Ang paglalaro ay dapat isinasagawa sa isang _____ at maluwang na lugar.
- Alisin ang mga _____ sa pagsasagawa ng pisikal na aktibidad upang maiwasang mabangga ang mga ito at masaktan.
- Ang pagsasagawa ng mga pisikal na gawain ay nakatutulong upang maging malakas at matibay ang mga _____ ng katawan.
- Mahalagang sundin ang mga _____ sa pagsasagawa ng gawain para sa kaligtasan.
- Ang partisipasyon sa pisikal na aktibidad ay makatutulong upang magkaroon ng _____ na pangangatawan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
- Ano ang kahalagahan ng partisipasyon sa mga pisikal na aktibidad?
- Bakit mahalaga na sundin ang pagwarm-up at pag-cool-down bago at pagkatapos ng gawaing pisikal?
- Paano nahuhubog ng gawaing pisikal ang kagandahang pag-uugali ng kabataang tulad mo?
Sa iyong Reflection Notebook, magsulat ng nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Nauunawaan ko na _____
_____.
Nababatid ko na _____
_____.
Kailangan kong higit pang matutuhan ang tungkol sa _____
_____.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer key on this page is printed upside down (rotated 180 degrees); the content is transcribed below in its logical order]
Week 1
Gawain sa Pagkatuto 1: Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Gawain sa Pagkatuto 2:
Health-Related Fitness Component
- Three Minute Step – Cardiovascular Endurance
- Basic Plank – Muscular Strength
- Curl Up – Muscular Endurance
- Sit and Reach – Fexibility
Skill-Related Fitness Component
- Stork Balance – Balance
- Paper Juggling – Coordination
- Standing Long Jump – Power
Gawain sa Pagkatuto 3: Gawain sa Pagkatuto bilang 3
- T
- T
- M [?]
- T
- T
Gawain sa Pagkatuto 4-5: Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Weeks 4-6
Gawain sa Pagkatuto 1:
- /
- /
- /
- /
- /
Gawain sa Pagkatuto bilang 5: Magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral
Weeks 7-8
Gawain sa Pagkatuto 3:
- T
- H
- T
- T
- T
Gawain sa Pagkatuto bilang 5:
- malaki, maaliwalas
- sagabal
- bahagi
- patakaran/alituntunin
- malakas, malusog
PIVOT Assessment Card for Learners
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Gatchalian, H. G., Ramos, G. G., Yap, J. C. (2016). Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, Batayang Aklat. pp. 100-118.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply