This is the PIVOT 4A Learner’s Material for MAPEH (Physical Education), Grade 5, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), First Edition 2021, published by DepEd Region IV-A CALABARZON. It is a self-learning module for Grade 5 learners studying at home, with guidance from a teacher or parent. Over eight weeks, learners connect physical fitness with dancing, learn the history and steps of two Philippine folk dances, practice safety rules for dancing, and reflect on the value of taking part in activities.
On this page 8 sections
What learners will learn
The module is written in Filipino. Its four lessons aim to help learners:
- Identify, using the Filipino Pyramid Activity Guide, the physical fitness components that physical activities such as dancing develop
- Explain the nature and history of folk dances and describe basic dance skills
- Dance with extra care to avoid accidents or injury
- Recognize the importance of taking part in activities
Lessons in this module
| Weeks | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1 to 2 | Kahalagahan ng Physical Fitness sa Pagsasayaw (the importance of physical fitness in dancing) | Health-related and skill-related fitness components, a self-check of how active you are, and three fitness games |
| 3 to 5 | Kasaysayan ng Katutubong Sayaw (history of folk dances) | The Cariñosa and Polka sa Nayon: origin, costumes, props, music, and step-by-step figures, plus the five basic arm and foot positions |
| 6 | Wastong Pag-iingat (proper care and safety) | Safety rules before, during, and after dancing, with warm-up exercises |
| 7 to 8 | Pakikilahok sa mga Gawain (taking part in activities) | Health benefits of dancing and the good values learned from dancing with others |
Key ideas: fitness and dancing
The first lesson explains the five health-related fitness components:
- Cardiovascular endurance (katatagan ng puso at baga): doing long activities with big movements at moderate to high effort
- Muscular endurance (katatagan ng kalamnan): muscles lasting through repeated, long work
- Muscular strength (lakas ng kalamnan): muscles producing force in one burst
- Flexibility (kahutukan): reaching freely by stretching muscles and joints
- Body composition: the amount of fat and non-fat parts (muscle, bone, water) in the body
It also names six skill-related components: speed, balance, coordination, agility, alertness, and power. Dancing needs coordination and balance, and staying fit helps prevent illness, build stamina and muscles, improve flexibility, and keep a healthy weight. Learners rate how often they do ten everyday activities, such as using stairs, walking to school, and dancing, then try three games: Group Rope Jumps, Hula Hoop Over and Under Relay, and Coffee Grinder.
Key ideas: Philippine folk dances
Folk dances (katutubong sayaw), also called ethnic or traditional dances, show the way of life, beliefs, and traditions of the people who made them. Their music, formation, and costumes depend on where they came from.
- Cariñosa: described as the national dance, a courtship dance from the Visayas. Its name refers to being loving and affectionate. Women wear a Balintawak, patadyong, or Maria Clara costume and use a fan; men wear a Barong Tagalog with colored trousers and use a handkerchief. The module gives its figures, including three-step with a point, back-to-back, fanning, and hide-and-seek with a handkerchief.
- Polka sa Nayon: a social or rural dance, a popular ballroom polka from Batangas from the Spanish period, often danced at fiestas. It is a main dance in contests honoring Apolinario Mabini on the Batangas City anniversary every July 23. Its music has three parts (A, B, C).
The module also teaches the five basic arm positions and five basic foot positions. For example, the first foot position has the heels together and toes turned out in a V.
Key ideas: safety and participation
Safety rules for dancing include wearing comfortable clothes such as jogging pants or leggings, wearing rubber or dancing shoes, keeping the floor clear, doing warm-up and stretching before and cool-down after, and using a wide space with no obstacles. The last lesson notes that the Philippine Physical Activity Pyramid recommends dancing three to five times a week. Dancing with a partner or group teaches teamwork, cooperation, respect, discipline, and sacrifice.
How to use this module
- Learners: Do not write on the module; answer all activities (Gawain sa Pagkatuto) on a separate answer sheet. Read each instruction carefully, finish one activity before moving to the next, and be honest when checking your answers. Some activities ask you to perform and video the arm and foot positions, interview someone about the benefits of dancing, or do exercises like jumping jacks.
- Assessment card: After each activity, mark your performance level (LP) with a star (did it well), a check (did it with some difficulty), or a question mark (could not do it or need help). Lessons spanning several weeks get the same mark for each week.
- Parents: Help your child follow the safety rules during the dance and exercise activities, and support recording videos or interviews when asked.
- Teachers: The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto) for selected activities. Collect the module once all activities are done, as the module asks.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this PIVOT PE module for?
It is for Grade 5 MAPEH (Physical Education), Quarter 3. It is a PIVOT 4A Learner’s Material from DepEd Region IV-A CALABARZON, first edition 2021.
What lessons are in this module?
There are four: the importance of physical fitness in dancing (Weeks 1-2), history of folk dances (Weeks 3-5), proper care and safety (Week 6), and taking part in activities (Weeks 7-8).
Which folk dances does the module teach?
It teaches the Cariñosa, a courtship dance from the Visayas, and Polka sa Nayon, a rural ballroom polka from Batangas. It gives their history, costumes, props, and step-by-step figures.
Does the module have an answer key?
Yes. It has a Susi sa Pagwawasto (answer key) for selected activities, along with a PIVOT assessment card where learners rate their own performance.
What are the health-related fitness components?
The module lists cardiovascular endurance, muscular endurance, muscular strength, flexibility, and body composition.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Key Stage 2 SLM
MAPEH (P.E.)
GRADE 5
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
[illustration: children of varied ages and abilities, including a child using a wheelchair, reading, playing, and holding a musical instrument, with a TV showing numbers]
QUARTER 3
Key Stage 2 SLM
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Unang Edisyon, 2021
MAPEH (Physical Education) Ikalimang Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Rhona Liza B. Ubaldo Content Creator & Writer
Aries Pascual Internal Reviewer & Editor
Lerma M. Baldonado Language Editor
Fe M. Ong-ongowan & Ednelinda Robles Layout Artist & Illustrator
Jeweel L. Cabriga & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang MAPEH (Physical Education). Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin.
Salamat sa iyo!
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
- Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
| K to 12 Learning Delivery Process | Nilalaman | |
|---|---|---|
| Panimula (Introduction) | Alamin | Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. |
| Suriin | ||
| Pagpapaunlad (Development) | Subukin | Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. |
| Tuklasin | ||
| Pagyamanin | ||
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Isagawa | Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. |
| Linangin | ||
| Iangkop | ||
| Paglalapat (Assimilation) | Isaisip | Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon, pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dati ng natutuhan. |
| Tayahin |
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.
WEEKS 1-2
I. Aralin
Kahalagahan ng Physical Fitness sa Pagsasayaw
Ang aralín na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo, upang matulungan ka na maunawaan ang aralín tungkol sa mga sangkap ng Physical Fitness(cardiovascular Endurance,lakas ng kalamnan,tatag ng kalamnan at Flexibility Ang mga salitáng ginamit dito ay angkop para sa iyo. Ang aralín ay naaayon sa tamang pagkakasunod sunod para sa iyong pagkatuto.
Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa aralín na ito, inaasahang maiisa-isa mo sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na nalilinang/napapaunlad ng mga gawaing pisikal .Bibigyan kahalagahan sa araling ito ang mga pisikal na aktibidad na makakatulong sa kalusugan at kakayahan ng isang tao.Kabilang dito ang pagsasayaw.
Nais mo bang magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan? Hali na at isa-isahin natin sa Filipino Pyramid Activity Guide ang mga sangkap ng Physical Fitness na lilinang o magpapaunlad ng mga gawaing pisikal.
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, punan ang bawat bilog ng mga tamang Health Related Fitness Components. Hanapin ang sagot sa kahon
Katatagan ng puso at baga | Katatagan ng buto Katatagan ng kalamnan | Body Composition Lakas ng Pag-iisip | Kahutukan Lakas ng Kalamnan | Kalambutan ng katawan
[chart: diagram; web of five empty ovals connected to a central oval labeled “HEALTH-RELATED FITNESS COMPONENTS”]
Values are not labeled on the chart.
D
Ang Filipino Activity Pyramid Guide ay nagpapaalala sa mga gawaing pisikal na maaaring malinang sa isport, laro, sayaw, at pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng tahanan. Ang mga sumusunod ay mga iba’t-ibang gawaing pisikal na nalilinang na maaaring makuha sa isports, paglalaro, sa mga gawaing bahay, pagsasayaw at iba pa upang mapanatili ang kalusugan ng bawat isa.
Cardiovascular Endurance (Katatagan ng puso at baga) kakayahang makagawa ng pangmatagalang gawain na gumagamit ng malakihang mga galaw sa katamtaman hanggang mataas na antas ng paggawa.
[illustration: a person in a running pose on a track]
Muscular Endurance (Katatagan ng kalamnan) – kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na matagalan ang paulit-ulit at mahabang paggawa.
[illustration: a person holding a racket beside a stopwatch]
Muscular Strength (Lakas ng kalamnan) – kakayahan ng kalamnan (muscles) na makapagpalabas ng puwersa sa isang beses na buhos ng lakas.
Flexibility (Kahutukan) – kakayahang makaabot ng isang bagay nang malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng kalamnan at Kasukasuan.
[illustration: a person lifting dumbbells overhead]
Body Composition – dami ng taba at parte na walang taba (kalamnan, buto, at tubig) sa katawan.
Sa kabilang banda, mayroon namang anim na skill-related components gaya ng bilis, balanse, koordinasyon, liksi, alerto, at lakas. Ang components na ito ay nagagamit hindi lang sa paglahok sa mga isport, kundi maging sa mga pang-araw-araw na gawain.
Mahalaga na matingnan ang iyong fitness level sa pamamagitan ng mga regular na assessment o fitness test at matala ang resulta nito. Sa gayon, makikita ang iyong progreso sa paglipas ng bawat kwarter at sa iyong paglipat sa ibang baitang.
Alam mo na ang kahalagahan ng regular na paglahok sa mga pisikal na aktibidad at ehersisyo dahil nakatutulong ito sa paglinang ng health at skill-related components.
Ang mga ito ang nagsisilbing indikasyon ng iyong fitness. Nakatutulong din ito sa iyong kalusugan at kakayahan. Halimbawa sa pagsasayaw, kinakailangan ang koordinasyon ng iba’t ibang bahagi ng katawan upang magawa nang wasto ang paggalaw. Mahalaga rin ang balanse ng katawan sa paggalaw. Ang mga indikasyon ng fitness ay nakatutulong din sa:
- pag-iwas ng sakit;
- pagpapalakas ng stamina;
- pagpapalakas kalamnan;
- pagpapabuti ng iyong flexibility; at
- pagpapanatili ng tamang timbang.
Gawain Pagkatuto Bilang 2
Kailangan mo ring pag-isipan ang oras na iyong igugugol at ang hirap na iyong dadanasin sa mga aktibidad na ito. Kung gagawin nang tama, ang mga pisikal na aktibidad ay makatutulong magpaganda ng iyong buhay.
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Tunghayan ang mga nakatalang gawaing pisikal sa bahay, sa paaralan o sa labas ng tahanan. Tukuyin kung gaano kadalas mo ito ginagawa sa pamamagitan ng paglagay ng karampatang bilang:
4 = palagi 3 = madalas 2 = madalang 1 = paminsan-minsan
Isulat din kung anong sangkap ng fitness ang nalilinang at napapaunlad nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Gawaing Pisikal | Gaano Kadalas | Sangkap ng Fitness na nalilinang / napapaunlad |
|---|---|---|
| 1. Paggamit ng hagdan sa pag-akyat at pagbaba ng bahay/ gusali/mall | ||
| 2. Paglalakad patungo at pabalik sa paaralan, simbahan at parke | ||
| 3. Paglalaro ng batuhang bola at | ||
| 4. Pag-iigib ng tubig at pagbubuhat ng mabigat | ||
| 5. Pagtayo nang matagal habang nagaabang ng sasakyan | ||
| 6. Paglalaro ng syato/ tumbang lata | ||
| 7. Pakikipaglaro ng habulan | ||
| 8. Pagliligpit ng gamit/ | ||
| 9. Pag-eehersisyo | ||
| 10. Pagsasayaw | ||
| Kabuuang puntos |
Ilan ang natamo mong puntos sa gawaing ito? _____
Alam mo ba na may kahulugan ang punto na iyong natamo sa pagsagot sa unang gawain? Tunghayan ang kahulugan ng bawat puntos.
| PUNTOS | KAHULUGAN |
|---|---|
| 45 pataas | Pinakamataas na antas ng gawaing pisikal |
| 33 – 34 puntos | Mataas na antas ng gawaing pisikal |
| 21 – 32 puntos | Patungo sa mataas na antas ng gawaing pisikal |
| 11 – 20 puntos | Nagsisimula pa lamang sa gawaing pisikal |
| 10 pababa | Inactive, maaaring mauwi sa sedentary lifestyle |
Kahit ano pa man ang kinalabasan ng pagtaya sa iyong gawaing-pisikal, hindi pa huli ang lahat. Ngayon ang panahon upang magsimula ka dahil kapag nagwalang bahala ka baka dumating ang panahon na maging huli na ang lahat lalo pa sa panahon ngayon na uso na ang mga laro sa makabagong gadget tulad ng cellphone, computer, iPad, at iPhone.
Upang matiyak mo na magiging physically fit ka, piliing tumulong sa mga gawaing-bahay kaysa mag-utos.
Makipaglaro sa mga kaibigan sa paaralan o sa pamayanan kaysa maglaro ng computer games.
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng masayang mukha ☺ kung ang mga nasa ibaba ay nagpapakita ng layuning pangkalusugan at kakayahang pangkatawan. Malungkot na mukha ☹ naman kung hindi.
_____ 1. Magpalakas ng mga kalamnan
_____ 2. Kumain ng matatamis na pagkain
_____ 3. Pagsasayaw ng wellness is life dancercise.
_____ 4. Paggamit ng cellphone at manood ng TV maghapon.
_____ 5. Panatilihing malusog at makalas ang katawan sa pamamagitan ng pagkain ng wasto at may tamang nutrisyon.
Iba’t-ibang Uri ng Laro na Lumilinang at Napapaunlad ng mga Gawaing Pisikal
Group Rope Jumps (Sabayang Pagtalon sa Lubid)
[illustration: children jumping rope together in a group]
Hula Hoop Over and Under Relay
[illustration: two children holding hands passing a hula hoop over and under, with arrows showing the motion]
Coffee Grinder
[illustration: child bending forward with hands on the ground, circling the hands in a small circle, with arrows showing the motion]
Gawain Pagkatuto Bilang 4
Isulat ang angkop na Fitness ang nalilinang ng bawat gawain na tinutukoy sa ibaba. Lagyan ng tsek (/) ang angkot na hanay ayon sa iyong pagsasagawa ng Fitness Challenge. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Gawain | Sangkap ng Fitness na nalinang | Pagsasagawa 3 | Pagsasagawa 2 | Pagsasagawa 1 |
|---|---|---|---|---|
| Group Rope Jumps | ||||
| Hula Hoop Over and Under Relay | ||||
| Coffee Grinder |
3 – maayos na naisagawa 2 – naisagawa 1 – hindi naisagawa
Ang mga sangkap ng fitness malilinang nang mabuti kung naisasagawa ng tama ang gawain pisikal. Ang palagiang aktibong paglahok sa mga laro, gawain sa bahay, paaralan, at pamayanan ay makatutulong sa pagpapataas ng antas ng physical fitness. Ang mataas na antas ng physical fitness ay daan para sa magandang kalusugan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Ayon sa iyong paglahok sa laro, paano mo tatayain ang iyong sarili ayon sa iyong pagkilos. Tayain ang sarili sa pamamagitan ng pagtsek (/) sa patlang na naaayon sa iyong sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Gaano mo nagustuhan ang laro?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobraGaano kabilis ang iyong pagtakbo?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobraGaano kalakas ang iyong bisig sa paggawa ng coffee grinder?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobraNaramdaman mo ba ang bilis ng pintig ng iyong puso sa pagtalon sa lubid at pagtakbo?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobraNakatagal ka ba sa pagsubok na ginawa?
_____ sapat lang _____ sobra _____ sobra-sobra
A
Punan ang bawat talulot ng bulaklak ng mga Physical Fitness na nalilinang o napapaunlad ng mga gawaing pisikal at sa bawat tapat nito ay bigyang ng paliwanag.
[chart: flower diagram; unnumbered, with five empty petal circles around a center circle labeled “Health related components”]
Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Ano ang nagpapalusog sa isang tao?
a. Panonood ng telebisyon
b. Paggamit ng gadgets ng madalas
c. Pag-upo ng higit pa sa 30 minuto
d. Pagsasagawa ng mga pisikal na aktibidadGaano dapat kadalas kang lumalahok sa mga pisikal na aktibidad?
a. Palagian
b. Paminsan-minsan
c. Hindi kailanman
d. Minsan sa isang linggoAno ang mga panganib na maaaring maidulot ng paglahok sa mga pisikal na gawain kung hindi susunod sa mga patakaran?
a. Magiging ligtas
b. Matiwasay na makakapaglaro
c. Walang mangyayaring masama
d. Maaaring masaktan at masugatanSa paglahok sa mga pisikal na aktibidad, madidiskubre mo ang iyong mga kahinaan. Ang mga sumusunod ay maaari mong gawin upang mapabuti ang iyong sarili, maliban sa isa. Ano ito?
a. Sumunod sa mga patakaran
b. Pag-upo at paghiga maghapon
c. Manatiling malusog at malakas
d. Makilahok sa mga training ng isportPaano mo makukumbinsi ang iyong mga minamahal sa buhay na pagtuunan ng pansin at panahon ang pisikal na kaangkupan?
a. Pagsali sa mga isport
b. Yayain silang sumayaw
c. Magkaroon ng aktibong lifestyle
d. Lahat ng nabanggit ay tama
WEEKS 3-5
Kasaysayan ng Katutubong Sayaw
Aralin
I
Ang aralin na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo upang matutunan mo ang kasaysayan ng katutubong sayaw.
Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa aralín na ito, inaasahang maipapaliwanag ang likas at kasaysayan ng katutubong sayaw at mailalarawan ang mga kasanayan ng pagsasayaw.
Pagmasdan ang larawan na nasa ibaba, alam mo ba kung anong katutubong sayaw iyan ng ating bansa?
[illustration: a woman with a fan and a man holding a scarf overhead, in traditional Filipino dress, dancing]
[illustration: a boy and a girl in traditional Filipino dress standing side by side, facing each other, the boy with hands behind his back]
Napag-aralan mo na ang mga katutubong sayaw ay mga tradisyonal na sayaw mula sa partikular na lugar, rehiyon, o bansa. Pinapakita ng mga katutubong sayaw ang pamumuhay, paniniwala, at tradisyon ng mga taong gumawa nito.
Ang mga sayaw na ito ay pinasa mula sa henerasyon papunta sa susunod. Natutuhan mo rin na ang pagsasayaw ay isa sa mga nirekomendang pisikal na aktibidad ng Philippine Physical Activity Pyramid dahil sa mga fitness benefit na makukuha natin mula rito.
Karamihan sa mga katutubong sayaw ay nagtuturo ng magagandang asal. Sa araling ito, matutuhan mo ang pinagmulan ng katutubong sayaw na Carinosa at Polka sa Nayon at kung paano tanghalin ito. Mayroon din maikling pagtalakay rito tungkol sa mensaheng ipinahahatid nito. Karamihan kasi ng mga katutubong sayaw ay may sinisimbolo, kuwentong sinasalaysay, o mensaheng ipinahahatid. Maliban dito, tatalakayin din ang ginagamit na kasuotan ng mga mananayaw at iba pang mahahalagang detalye.
Gawain Pagkatuto Bilang 1
Ang mga larawang nasa ibaba ay nagpapakita ng mga materyales ng karaniwang ginagamit sa sayaw. Tukuyin kung ano-anong sayaw ang ginagamitan ng mga kagamitan. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
a. Cariñosa b. Tinikling c. Salakot Dance d. Banga Dance e. Polka sa Nayon
_____1. [illustration: pair of tinikling bamboo poles] _____2. [illustration: clay banga pot] _____3. [illustration: folded embroidered cloth with lace edging] _____4. [illustration: folding fan and a woven bag] _____5 [illustration: salakot hat]
Ang katutubong sayaw ay tinatawag ding etnikong sayaw o tradisyunal na sayaw. Madalas tinatanghal ang mga katutubong sayaw sa mga pagdiriwang sa lalawigan o probinsya. Malaking bahagi rin ito ng mga programa ng mga paaralan para sa Edukasyong Pangkatawan o PE.
Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang katutubong sayaw. Karamihan sa mga batang Pilipino ay natututo ng isang katutubong sayaw sa paaralan. Madalas din itanghal ang mga ito tuwing pista sa pamayanan.
Ang Pilipinas ay may mahabang listahan ng katutubong sayaw na nagmula sa iba’t-ibang ligar at probinsya sa bansa.
Ang musika, formation, at kasuotan ay nagkakaiba, depende sa pinanggalingan, kultura , at tradisyon ng mga lumikha ng katutubong sayaw.
Mayroong mga pangunahing posisyon o galaw para sa mga braso at mga paa na karaniwan sa mga katutubong sayaw.
Kasaysayan ng Cariñosa
Ang Pilipinas ay may mga pambansang sagisag na nagapakita ng ating kultura, tradisyon, paniniwala, at idea. Isa rito ang Cariñosa na itinututing na Pambansang Sayaw.
Ang salitang “Cariñosa” ay tumutukoy sa pagiging mapagmahal at malambing. Ang mga ito ang ilan sa mga katangiang Pilipino. Isang courtship dance ang Cariñosa na nagmula sa Visayas. Gamit ang pamaypay at panyo, ilan sa mga galaw na makikita sa mananayaw ay ang kanilang taguan sa isa’-isa at iba pa na nagpapakita ng lambing.
Source: Philippine Folk Dances by: Francisca Reyes Aquino
Kasuotan
Babae – Balintawak/patadyong o Maria Clara Costume
Lalaki – Barong Tagalog at pantalong may kulay
Props
Pamaypay para sa mga babae
Panyo para sa mga lalaki
Musika
Binubuo ng dalawang parte, A at B
Bilang
Isa, dalawa, tatlo isang measure
R – right o kanan
L – left o kaliwa
Formation
Ang magkapareha ay nakatayong magkaharap sa isa’t-isa at magkalayo nang anim na metro. Ang mga babae ay nasa kanan ng mga lalaki
R – right o kanan
L – left o kaliwa
Introduksiyon
Introduksiyon ng Musika
Magkaharap ang magkapareha. Gawin ang isang three-step turn papuntang kanan upang yumuko sa isa’t isa. Hawak ng mga babae ang kanilang palda habang nasa baywang ang mga kamay ng mga lalaki. ……………….2M I
Tatlong Hakbang at Ituro ang Kabilang Paa (Three-step with a Point)
Musika A
a. Simula sa (R) paa, humakbang nang tatlong beses sa kanang gilid (cts. 1,2,3). Ituro ang (L) paa sa harap ………………………………….(cts. 1,2,3). Ang (R) kamay ay nasa reverse T position at ang (L) kamay ay nasa baywang. I-kumintang ang (R) kamay habang ginagawa ang pagturo ng kaliwang (L) paa …………..2M
b. Ulitin ang (a) simula ng (L) paa at papuntang kaliwang gilid. Baligtad ang posisyon ng kamay ………………………………………………2M
c. Ulitin ang (a) at (b) nang tatlong beses 12M
II Pagturo (Pointing)
Musika B
Magkaharap ang magkapareha. Sa figure na ito, hawak ng babae ang kanilang palda habang nasa baywang ang mga kamay ng mga lalaki.
a. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang tatlong beses papunta sa iyong kapareha sa gitna (cts. 1,2,3). Ihakbang ang (L) paa malapit sa iyong kanang (R) paa (ct.1). Tumigil (cts. 2,3)…………… 2M
b. Gawin ang apat na touch steps sa harap, (R) paa at (L) paa (cts. 1,2,3), nang salitan. Tumingin sa isa’t isa 4M c. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang apat na beses papunta sa lugar ng iyong kapareha, kung saan dadaanan ninyo ang isa’t isa sa inyong (R) balikat (cts. 1,2,3,1). Umikot pakanan upang humarap sa isa’t isa at idikit ang (R) paa sa iyong (L) paa (cts. 2,3) 2M d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar 8M
C. Simula sa iyong (R) paa, humakbang nang apat na beses papunta sa lugar ng iyong kapareha, kung saan dadaanan ninyo ang isa’t isa sa inyong (R) balikat (cts. 1,2,3,1). Umikot pakanan upang humarap sa isa’t isa at idikit ang (R) paa sa iyong (L) paa (cts. 2,3) 2M
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar 8M
III Magkatalikod (Back-to-back)
Musika A
a. Ang magkapareha ay magkikita sa gitna gaya ng figure II (a) (cts. 1,2,3,1). Umikot pakanan upang maging magkatalikod sa iyong kapareha, na bahagyang nasa kanan ng iyong kapareha (cts. 2,3). Hawak ng babae ang kaniyang palda at nasa baywang ang mga kamay ng lalaki ………………………………………………………..2M
b. Ituro ang (R) paa sa harap at i-wiggle ang kanang hintuturo sa kapareha sa may (R) balikat, ang (L) kamay ay nasa baywang (cts. 1,2). Ihakbang ang (R) paa sa gilid upang nasa gilid ka ng iyong kapareha sa may (L) balikat, ilagay ang (R) kamay sa baywang ……………….(ct. 3).
Ulitin nang tatlong beses, Ituro ang L, R, L na paa at i-wiggle ang (L), (R), (L) na hintuturo sa iyong kapareha. Nakatayo ang magkapareha nang magkadikit ang kanilang (L) balikat habang i-wiwiggle ang (R) hintuturo sa kapareha at sa kanilang (L) balikat habang i-wiwiggle ang (L) na hintuturo sa kanilang kapareha.
Ang libreng kamay ay nakalagay sa baywang ………………………….4M
c. Umikot pakanan at magpalitan ng lugar gaya ng sa figure II (c) ..2M
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa inyong dating lugar 8M
IV Taguan sa Pamaypay (Fanning)
Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng figure II (a) 2M
b. Bubuksan ng babae ang hawak niyang pamaypay gamit ang (R) kamay. Ituro ang (R) paa sa harap at takpan ang mukha gamit ang pamaypay, ang (L) kamay ay hawak ang palda (cts. 1,2). Hahakbang ang babae gamit ang (R) paa padikit sa kaniyang (L) paa (ct. 3). Uulitin ito nang tatlong beses, habang ginagawa ang pagturong (L), (R), (L) na paa. Tatakpan niya ang kaniyang mukha gamit ang pamaypay sa cts. 1,2 sa bawat measure (3M). Ang lalaki naman ay ituro ang (R) at (L) paa nang salitan sa harap at titingnan ang babae mula sa ilalim ng pamaypay (cts. 1,2,3). Mananatili ang kaniyang kamay sa baywang. 4M
c. Magpalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa figure II (c) 2M
d. Ulitin lahat (a-c), magtatapos sa pagbalik sa dating lugar 8M
V Pagluhod at Pagpaypay (Kneeling and Fanning)
Musika A
a. Simula sa iyong (R), humakbang nang tatlong beses papunta sa gitna. Hawak ng babae ang kaniyang palda at nasa baywang naman ang kamay ng lalaki (cts. 1,2,3). Luluhod ang lalaki sa kaniyang (R) tuhod habang maglalakad ang babae sa may kanan ng lalaki at tatayo sa likod niya at nakaharap sa parehas na direksiyon. Nasa baywang ang mga kamay ng lalaki at palda para sa babae (cts. 1,2,3) ………………. 2M
b. Babae – Ituro ang (R) at (L) paa nang apat na beses nang salitan habang tinatap (R) at (L) na balikat ng lalaki gamit ang pamaypay na nakasara. Ang malayang kamay (freehand) ay nasa palda. Lalaki – Titingin sa kaniyang kapareha mula sa kaniyang (R) at (L) balikat nang salitan. Ang parehas na kamay ay nasa baywang 4M
c. Ang babae ay iikot pakanan habang ang lalaki ay tatayo papunta sa lugar ng babae gaya ng sa figure II (c) 2M
d. Ulitin lahat (a-c)
VI Taguan sa Panyo (Hide-and-Seek with Handkerchief)
Musika B
a. Magkikita ang magkapareha sa gitna gaya ng figure II (a) (cts. 1,2,3). Kukuhanin ng lalaki ang panyo mula sa kaniyang bulsa. Hahawakan ng magkapareha ang panyo sa magkabilang dulo nito sa isang perpendikular na posisyon at sa gitna ng kanilang mga mukha, kung saan ang kamay ng lalaki ay nasa bandang itaas ng kaniyang mukha (cts. 1,2,3) 2M
b. Ituturo ng magkapareha ang (R) at (L) paa nang salitan nang apat na beses gaya ng sa figure II (b). Babaligtarin ang panyo sa bawat measure, kung saan sa isang measure, ang kamay ng lalaki ay nasa itaas habang tinuturo ang (R) paa at sa susunod na measure, ang kamay ng babae ang nasa itaas habang tinuturo ang (L) paa. Kapag ang kamay ay nasa ibaba, titingnan ang kapareha sa ibaba at kung ang kamay ay nasa itaas, titingnan ang kapareha sa itaas ng panyo. 4M .
c. Bibitawan ng babae ang panyo. Magpapalitan ng lugar ang magkapareha gaya ng sa figure II (c) ………………………………………..2M
d. Ulitin lahat (a-c) at magtatapos sa pagbalik sa dating puwesto. Sa pagtatapos ng figure ay kukuhanin ng babae ang panyo …..8M
VII Lambingan Gamit ang Panyo (Flirting with Handkerchief)
Musika A
Note: Kung isang pares lamang ang sumasayaw, maaari silang pumunta saanmang direksyon basta matatapos sila sa dating puwesto sa pagtatapos ng figure.
a. Iikot ang magkapareha sa (R) balikat ng isa’t isa. Simula sa (R) paa, gawin ang walong waltz steps paharap, papunta sa direksiyong clockwise. Babae – hahawakan ang panyo sa isang dulo at ipapatong ito sa kaniyang (R) at (L) balikat nang salitan sa bawat measure habang lumilingon sa lalaki. Ang lalaki naman ay susunod sa babae, kunwaring inaabot ang panyo ng kaniyang (R) at (L) kamay nang salitan ……………………………………………………………………..8M
b. Umikot pakanan at ulitin ang (a) sa direksyong counterclockwise at ang babae ang magsisimula muli. Magtapos sa pagbalik sa dating puwesto ……………………………………………………………………….8M
VIII Lambingan (Flirting)
Musika A
a. Simula sa (R) paa, gawin ang dalawang waltz steps upang magkita sa gitna. Ang mga braso ng babae ay nasa lateral position papunta sa magkabilang gilid. Nasa baywang naman ang mga kamay ng lalaki. 2M
b. Ang magkapareha ay gagawin ang anim na waltz steps paharap, na ang babae ang nasa unahan, papunta sa direksiyong clockwise. Parehas ang posisyon ng kamay gaya ng sa (a), ngunit ang mga daliri ng mga babae ay isa-isang igagalaw nang mabilis nang 9 na sunud-sunod (fluttering) habang nililingon niya ang lalaki sa kaniyang (R) at (L) balikat nang salitan. Sinusundan naman ng lalaki ang babae 6M
c. Umikot pakanan. Ulitin ang (b) sa direksiyong counterclockwise. Nasa unahan naman ngayon ang lalaki. Hawak ng babae ang kaniyang palda at mga braso naman ng lalaki ay nasa lateral position, igagalaw muli nang mabilis ang mga daliri nang sunud-sunod (fluttering), at paminsan-minsang kinikindatan ang babae. Sa pagtatapos, magkatabi ang magkapareha, ang babae ay nasa kanan ng lalaki. 6M
Saludo
Gawin ang isang three-step turn pakanan sa iyong puwesto at yumuko sa isa’t isa. Hawak ng babae ang kaniyang palda habang nasa baywang naman ang mga kamay ng lalaki 3M
Kasaysayan ng Polka sa Nayon
Ang Polka sa Nayon ay isang halimbawa ng katutubong sayaw na kuna saan ito ay tinatawag na social dance o rural dance. Ito ay isang popular na ballroom polka na nanggaling sa probinsya ng Batangas noong panahon ng mga kastila. Ito ay kalimitang sinasayaw sa mga kapistahan dahil ito ay kasiyahan sa nayon. Nagpapakita ito ng tamang pakikitungo ng lalaki at babae sa isa’t-isa.
Ang sayaw na ito ay isa sa mga pangunahing sayaw na ginagawang patimpalak bilang parangal kay Apolinario Mabini tuwing anibersaryo ng Lungsod ng Batangas tuwing ika-23 ng Hulyo.
Source: Philippine Folk Dances by: Francisca Reyes Aquino
Kasuotan
Babae – Maria Clara / Balintawak o patadyong
Lalaki – Barong Tagalog / Camisa de chino at itim o putting pantalon.
Ang musika ay nasa time signature at binubuo ng tatlong bahagi: A,B at C.
Formation
Ang mga mananayaw ay nakapangkat ng apat na magkakapares sa isang pormasyong parisukat o maaaring anumang nanaisin, sang-ayon sa bilang ng pares o mananayaw.
L – Left o Kaliwa
R – right o Kanan
Musika
Binubuo ng tatlong bahagi: A,B, at C.
Bilang
Isa, dalawa/isa, at dalawa, at
Introduksiyon ng Musika
Haharap ang magkapareha sa mga manonod na magkahawak ang mga nakapaloob na kamay. Hawak ng babae ang kaniyang palda sa kabilang kamay habang nasa baywang naman ang kabilang kamay ng lalaki.
a. I-tap ang R paa sa bawat bilang ng measure 8M
b. Mananatili sa posisyong closed ballroom ang magkapareha hanggang handa na sa Figure I 4M
I
Musika A
Iunat ang mga bisig ng magkapareha na may magkapatong na mga kamay patungo sa mga manonood.
a. Simula sa L (R) paa, gawin ang apat na polka steps paikot clockwise, na magtatapos sa orihinal na posisyon 4M
b. Ituro ang L (R) sa gilid (cts. 1), ituro ang L (R) malapit sa R (L) (ct. 2). Gawin ang isang polka step sa gilid L (R) (cts. 1, at 2, at) 2M
c. Ulitin ang (b), simula sa R (L) paa 2M d. Ulitin lahat ng step (a-c) nang tatlong beses 24M
II
Musika B
Humarap sa mga manonood at bumitaw sa pagkakahawak sa kapareha. Tumayo nang magkatabi at maghawakan ng kamay. Sa kabilang kamay ay hawak ng babae ang kaniyang palda habang nasa baywang ang kabilang kamay ng lalaki.
a. Simula sa paang nasa labas, gawin ang heel-and-toe polka steps ng dalawang beses pasulong 4M
b. Gawin ang isang polka step palabas (1M) at isang polka step paloob (1M) 2M
c. Bitawan ang kamay ng kapareha. Simula sa paang nasa labas, umikot palabas sa iyong puwesto sa pamamagitan ng polka step. Magtapos nang nakaharap sa kabilang direksyon 2M
d. Ulitin ang (a-c), simula sa paang nasa loob. Kabilang direksiyong ang gawin sa (b) a (c) 8M e. Ulitin ang a-d 16M
III
Musika A
Nasa closed ballroom position muli ang magkapareha, ang mga bisig at kamay ay nakaturo sa mga manonood.
a. Simula sa L (R) paa, gawin ang apat na polka step sa direksiyong clockwise gaya ng Figure I (a) 4M 7
b. Gawin ang tatlong gallop step sa gilid L (R) papuntang harapan (3 cts.), mag-pause (ct. 1). Huwag ilagay ang iyong timbang sa pasarang paa sa pangatlong gallop step 2M
c. Ulitin ang (b), simula sa kabilang paa, tungo sa kabilang direksiyon 2M
d. Ulitin lahat ng step (a-c) nang tatlong beses.
IV
Musika C
Haharap ang magkapareha sa mga manonood, ang mga babae ay nasa kanan ng lalaki. Maghawak kamay gaya sa Figure II. Parehas magsisimula sa (R) paa.
a. Gagawin ng magkapareha ang isang polka step pakanan at isang polka step pakaliwa ……………………………………………………………….2M
b. Ituro ang (R) paa paharap (ct. 1) at itaas ito tungo sa (L) paa, sa bandang itaas lang ng bukungbukong (ankle) (ct. 1). Iturong muli ang (R) paa paharap (ct. 1), ihakbang ang (R) paa malapit sa (L) paa (ct. 2) 2M
c. Ulitin ang (a) at (b), simula sa L paa 4M bitawan ang kamay ng kapareha. Magharapan at ilagay ang mga kamay sa iyong baywang.
d. Iposisyon ang R siko malapit sa isa’t isa (Jaleo position) at gawin ang walong polka step pasulong habang umiikot ng clockwise nang dalawang beses (apat na polka step sa bawat ikot). Magtapos sa dating posisyon 8M
e. Ulitin lahat (a-d) ……………………………………………………..16M
Saludo
Musika ng Pagtatapos Haharap ang magkapareha sa mga manonood. Magkahawak ang kamay at ang kabilang kamay ay gaya ng sa Figure II.
a. Simula sa (R) paa, gawin ang apat na polka steps pasulong 4M
b. Iikot ang mga babae nang counterclockwise sa ilalim ng bisig ng lalaki nang ilang ulit ………………………………………………………3M
c. Magbitawan ng kamay. Magharapan at yumuko sa isa’t isa. Hawak ng babae ang kaniyang palda samantalang nasa baywang naman ang kamay ng lalaki.
Tandaan: Kung nanaisin, ang buong sayaw ay maaaring ulitin nang may apat na pares sa isang parisukat na formation. Lahat ay nakaharap sa gitna ng parisukat. Ang Saludo ay ginagawa sa pagtatapos ng sayaw at ang lahat ay nakaharap sa mga manonood.
MGA PANGUNAHING POSISYON AT GALAW PARA SA MGA BRASO AT PAA
Malaking bahagi ng kulturang Pilipino ang katutubong sayaw. Karamihan sa mga batang Pilipino ay natututo ng isang katutubong sayaw sa paaralan. Madalas ding itanghal ang mga ito tuwing pista sa pamayanan. Ang Pilipinas ay may mahabang listahan ng katutubong sayaw na nagmula sa iba’t ibang lugar at probinsya sa buong bansa. Ang musika, formation, at kasuotan ay nagkakaiba, depende sa pinanggalingan, kultura, at tradisyon ng mga lumikha ng katutubong sayaw. Mayroong mga pangunahing posisyon at galaw para sa mga braso at mga paa na karaniwan sa mga katutubong sayaw. Isa-isahin natin ang mga ito.
A. Mga Braso
Unang posisyon
a. Isaayos ang mga bisig at kamay sa harap ng dibdib. b. Ikurba ang mga bisig nang pabilog habang nakalabas ang mga siko. c. Panatilihing nakaharap sa iyo ang iyong mga palad.
[illustration: woman with forearms curved in front of the chest, elbows out]
Pangalawang Posisyon
a. Ibuka nang sabay ang mga bisig at kamay sa iyong tagiliran kapantay ng iyong mga balikat. b. Ikurba ang iyong mga bisig. c. Ang iyong mga palad ay nakaharap paitaas
[illustration: woman with arms opened to the sides at shoulder level, palms up]
Pangatlong Posisyon
a. Itaas ang kanang (kaliwang) bisig na ang iyong palad ay nakaharap sa baba. b. Panatilihing nasa pangalawang posisyon ang iyong kaliwang (kanang) bisig. (kanang) bisig sa harap, gaya ng sa unang posisyon.
[illustration: woman with one arm raised overhead and the other arm extended to the side]
Pang-apat na Posisyon
a. Panatilihing nasa pangatlong posisyon ang iyong kanang (kaliwang) bisig. b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang) bisig sa harap, gaya ng sa unang posisyon.
[illustration: woman with one arm raised overhead and the other arm curved in front of the body]
Panlimang Posisyon
a. Itaas ang iyong mga bisig. b. Ikurba ang iyong mga bisig at panatilihing nakaharap sa ibaba ang iyong palad.
[illustration: woman with both arms raised and curved overhead, palms facing down]
B. Mga Paa
Unang posisyon
a. Tumayo nang magkadikit ang iyong mga sakong (heel). b. Iposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa paa upang magporma itong letrang V.
[illustration: feet with heels together and toes turned outward forming a V]
Pangalawang Posisyon
a. Ihakbang sa gilid ang iyong kanang (kaliwang) paa habang pinapanatiling nakaposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa paa. Ang iyong mga paa ay kapantay ng iyong mga balikat.
[illustration: feet apart at shoulder width, toes turned outward]
Pangatlong Posisyon
a. Panatilihin sa dating posiyon ang iyong kanang (kaliwang) paa. b. Ilagay ang iyong kaliwang (kanang) paa sa arko ng talampakan (instep) ng iyong kanang (kaliwang) paa.
[illustration: feet with one foot placed against the instep of the other]
Pang-apat na Posisyon
a. Panatilihin sa dating posisyon ang iyong kanang (kaliwang) paa. b. Ihakbang ang iyong kaliwang (kanang) paa pa diagonal sa harap c. Panatilihing nakaposisyon sa labas ang iyong mga daliri sa paa.
[illustration: feet in a diagonal stance, one foot stepped forward, toes turned outward]
Panlimang Posisyon
a. Ilagay ang iyong kanang (kaliwang) paa sa harap ng iyong kaliwang (kanang) paa. b. Hayaang nakadikit ang sakong ng iyong kanang (kaliwang) paa sa mga daliri ng iyong kaliwang (kanang) paa.
[illustration: feet placed one in front of the other, heel touching the toes of the front foot]
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung anong sayaw ang tinutukoy. Isulat ang C kung Cariñosa at P kung Polka sa Nayon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_______1. Katutubong sayaw na nagmula sa Visayas. _______2. Sayaw na nagmula sa lalawigan ng Batangas. _______3. Isa itong courtship dance . _______4. Ginagamitan ito ng pamaypay at panyo. _______5. Ito ay isang uri ng rural dance.
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Isulat ang KATUTUBO kung totoo at SAYAW kung hindi totoo ang bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_______1. Ang henerasyon ngayon ay maalam sa mga katutubong sayaw. _______2. Karamihan sa mga batang Pilipino ay napag-aralan ang katutubong sayaw dahil sa mga programa ng paaralang palaguin ang ating kultura. _______3. Ang pagtanghal ng katutubong sayaw ay nakatutulong sa ating kakayahang pangkatawan. _______4. Ang katutubong sayaw a tinatawag din na etnikong sayaw. _______5. Ang katutubong sayaw ng Pilipinas ay nagmumula sa iba’t ibang lugar at probinsya sa buong bansa.
E
Ang katutubong sayaw ay nagpapakita ng kultura, tradisyon, at paniniwala ng isang pangkat mula sa isang komunidad, probinsya, at bansa.
Ang musika, formation, at kasuotan ng mga katutubong sayaw ay nakadepende sa pinagmulan nito.
Mayroong limang pangunahing posisyon ang braso at paa.
Gawain Pagkatuto Bilang 4: Gawin ang mga posisyon ng paa at sundin ang panuntunang binigay. I-video ang iyong mga galaw.
Gawin ang pangunahing posisyon ng paa. Gawin ang pangalawang posisyon ng paa. Gawin ang pangatlong posisyon ng paa. Gawin ang pang-apat na posisyon ng paa. Gawin ang panglimang posisyon ng paa.
Gawain Pagkatuto Bilang 5: Gawin ang mga posisyon ng braso at sundin ang panuntunang binigay. I-video ang iyong mga galaw.
Gawin ang pangunahing posisyon ng braso Gawin ang pangalawang posisyon ng braso. Gawin ang pangatlong posisyon ng braso. Gawin ang pang-apat na posisyon ng braso. Gawin ang panglimang posisyon ng braso.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Ipaliwanag ang kasaysayan ng mga sumusunod na katutubong sayaw. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel (5 puntos bawat isa).
Cariñosa
Polka sa Nayon
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pahayag at MALI kung di wasto. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Nagmula ang Polka sa Nayon sa Batangas.
- Ang sayaw na Polka sa Nayon ay may apat na figure.
- Ang Polka sa Nayon ay sinayaw noong panahon ng Amerikano.
- Ang katutubong sayaw ay mula sa isang komunidad na nagpapakita ng kanilang kultura, paniniwala, at tradisyon.
- Pinapakita lang ng Cariñosa ang mga mananayaw na nanliligaw.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Sagutin ang sumusunod sa iyong sagutang papel.
- Ano ang kahalagahan ng kaalaman sa mga pangunahing posisyon sa braso at paa sa pagtatanghal ng mga katutubong sayaw?
- Bakit sa tingin mo mahalagang matutunan at magtanghal ng mga katutubong sayaw ng Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.
WEEK 6
Wastong Pag-iingat
Aralin
I
Ang aralin na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyo upang matutuhan mo ang wastong pag-iingat at panuntunang pangkaligtasan.
Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa aralín na ito, inaasahang maisasagawa ng may ibayong pag-iingat upang makaiwas sa sakuna o pananakit ng katawan nang dahil sa pagsasayaw .
Gaya ng iba pang pisikal na aktibidad, kailangang sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan habang sumasayaw upang maiwasan ang aksidente.
Gawain Pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang bituin ☆ kung nagpapakita ng wastong pag-iingat at iguhit naman ang buwan ☾ kung ito naman ay hindi nagpapakita ng pag-iingat. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______1. Magsuot ng kasuotan gaya ng jogging pants, leggings at komportableng t-shirts upang makagalaw. _______2. Isuot ang tsinelas dahil komportable ka dito bilang pang-paa. _______3. Magsayaw agad para madaling matapos ang sayaw. _______4. Kailangang magkaroon ng warm-up at stretching exercise bago at pagkatapos magsayaw. _______5. Magensayo sa masikip na lugar.
D
Ang sayaw ay isang ritmong paggalaw ng katawan sa saliw ng musika. Ito rin ay isang epektibong paraan upang malikhaing maipakita, maipahatid, at maiparamdam ang emosyon, damdamin, at kaisipan. Napararating din ng sayaw ang isang makabuluhang mensahe.
Mahalaga din na ating mabatid ang kahalagahan ng mga panuntunang pangkaligtasan na dapat tandaan at sundin. Ang mga ito ay mahalaga upang makaiwas sa pananakit ng katawan at aksidente.
Panuntunang Pangkaligtasan
Magsuot ng tamang kasuotan gaya ng joggig pant, leggings, jazz pants at kumportableng shirt upang makagalaw nang malaya.
Siguraduhing may suot na tamang sapatos gaya ng rubber shoes o dancing shoes. May ilang sayaw na tinatanghal nang walang sapin sa paa. Tiyaking walang kalat ang sahig.
Magsimula sa isang warm up at stretching exercise. Nakatutulong itong ihanda ang iyong katawan at muscle para sa aktibidad. Huwag kakalimutang gawin ang cool down exercise pagkatapos ng aktibidad upang ma-relax at makalma ang iyong katawan.
Siguraduhing ang lugar ng pagtatanghalan ay malawak at walang sagabal na bagay na maaaring magdulot ng kapahamakan sa mga mananayaw.
Gawain Pagkatuto Bilang 2: Tunghayan ang mga nakatalang panuntunang pangkaligtasan sa pagsasayaw. Kopyahin sa sagutang papel.
Tukuyin kung gaano mo kadalas itong ginagawa sa pamamagitan ng paglagay ng karampatang bilang:
4 = palagi 3 = madalas 2 = madalang 1 = paminsan-minsan
Lagyan ng tsek ( / ) kung kahon kung saan nakalagay ang bilang.
| Panuntunang pangkaligtasan | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|
| 1. Siguraduhing may suot na tamang sapatos gaya ng rubber shoes o dancing shoes. | ||||
| 2. Magsuot ng tamang kasuotan gaya ng joggig pant, leggnigs, jazz pants at lumportableng shirt upang makagalaw nang Malaya. | ||||
| 3. Magsimula sa isang warm up at stretching exercise. | ||||
| 4. Siguraduhing ang lugar ng pagtatanghalan ay malawak at walang sagabal na bagay na maaaring magdulot ng pahamak sa mga mananayaw. | ||||
| 5. Huwag kakalimutang gawin ang cool down exercise pagkatapos ng aktibidad upang ma-relax at makalma ang iyong katawan. | ||||
| 6. Tiyaking walang kalat ang sahig. | ||||
| 7. Magligpit ng mga kalat pagkatapos ng pag-eensayo ng sayaw. | ||||
| 8. Itago ang mga kagamitang ginamit sa pagsasayaw. | ||||
| 9. Magkaroon ng sapat na bentilasyon at ilaw bago magsagawa ng ensayo. | ||||
| 10. Magdala ng lalagyan para sa mga personal na gamit upang hindi ito nakakalat. |
E
Gawain Pagkatuto Bilang 3: Gawin ang mga sumusunod na ehersisyo. Bago magsimula sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan na napag-aralan.
Jumping Jack sa pwesto (8 bilang) Head Isolation – paharap, patalikod, pakanan, pakaliwa (8 bilang) Torso isolation – paharap, patalikod, pakanan, pakaliwa (8 bilang bawat isa) Leg curl-up – kaliwa, kanan patalikod, paharap (16 bilang)
Mahalagang sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan upang makaiwas sa aksidente.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Sagutin ang mga katanungan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
- Bakit kailangang sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan tuwing sumasayaw?
- Ano ang iyong gagawin kung wala kang kasuotang angkop sa pag-eensayo ng sayaw?
- Ano ang magandang naidudulot ng pagsunod sa panuntunang pangkaligtasan?
A
Basahin ang gawain sa ibaba. Pumili ng isang itatanghal. Sa iyong sagutang papel ay isalaysay kung ano ano ang panuntunang pangkaligtasan ang isinagawa.
Sumayaw ka sa saliw ng paboritong tugtog.
Maglakad paharap, patalikod, kanan, kaliwa, habang itinataas at ibinababa ang mga kamay (8 bilang bawat isa)
Pakikilahok sa mga Gawain
Aralin
[transcriber’s note: the roman numeral “I” is printed in a yellow circle beside the lesson title, and the side tab reads “WEEKS 7-8”]
Ang aralin na ito ay inidisenyo at isinulat para sa iyo upang matutuhan mo ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawain.
Matapos basahin at isagawa ang mga gawain sa aralín na ito, inaasahang makikilala mo ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga gawain.
Sa pagsasayaw, nagtatanghal ang mananayaw ng iba’t-ibang galaw ng katawan. Dahil dito, maituturing na isang pisikal na aktibidad ang pagsasayaw.Katunayan, kung titingnan ang Philippine Physical Activity Pyramid, mapapansing ang sayaw ang isa sa mga titingnan na nirerekomendang gawain nang tatlo hanggang limang beses sa isang lingo. Ito ay dahil maraming dulot ang pagsasayaw ay ang sumusunod:
Cardiovascular Endurance Pagpapabuti ng stamina Pagpapanatili ng tamang timbang.
Ang sayaw ay isang uri ng komunikasyon at isang epektibong paraan ng paghahayag ng damdamin. Ang sayaw ay nakatutulong sa paglinang ng kakayahang pangkatawan.
Ang pagsasayaw ay nakatutulong din sa balance at koordinasyon ng katawan. Mas maiintindihan mo ang gamit ng iba’t ibang parte ng iyong katawan tuwing ikaw ay sumasayaw. Nakatutulong din sa pagkakaroon ng magandang postura ang pagsasayaw.
Mahalagang sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan upang makaiwas sa aksidente.
Gawain Pagkatuto Bilang 1
Sagutin ang mga katanungan sa iyong sagutang papel.
- Ano ang kabutihang naidudulot sa kalusugan ng pagsasayaw?
- Bakit kailangang panatilihin ng bawat isa ang isang malusog na pangangatawan?
Magandang Asal at Pakikisama
Ang sayaw ay hindi lamang nagbibigyay ng benepisyong pangkalusugan. Nagtuturo rin ito ng tamang asal at pakikisama sa kapwa. Ang pagsasayaw ay kadalasang ginagawa kasama ng isang kapareha o isang pangkat. Sa gayon, matutuhan mo ang mga magagandang asal tulad ng teamwork, kooperasyon, at respeto sa ibang tao. Magkakaroon ka rin ng pagpapahalaga sa pinapakitang sipag at tiyaga ng iyong kapareha o kapangkat.
Naiisabuhay din ng mga mananayaw ang mga asal tulad ng disiplina at sakripisyo. Gaya ng mga atleta, ang mga propesyonal na mananayaw ay kailangang mag-ensayo nang ilang oras bawat araw upang maging magaling sa kanilang kasanayan. May mga bagay silang pinagpapaliban para mas matutukan ang kanilang pagsasayaw.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay wasto at MALI naman kung ito ay di wasto. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
_____1. Ang pakikilahok sa mga gawain ay nagpapakita ng giliw at interes sa mga bagay na hindi natin alam.
_____2. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang bawat kasali sa sayaw kapag nagbibigay ng suhestyon.
_____3. Mapapanatili ang malusog na pangangatawan kung lalahok sa mga gawain.
_____4. Isa sa mabuting naidudulot ng pagsasayaw ay mental health.
_____5. Napapabuti ang stamina ang bawat isa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Punan ang Venn Diagram ng Mabuti ayon sa hinihingi nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[chart: Venn diagram; Gawain sa Pagkatuto Bilang 3] Left circle: Benipisyo ng pagsasayaw Overlap: Pagkakatulad Right circle: Nalilinang ng pakikilahok sa mga gawain
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Mag-interview sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono o kaya ay sa pamamagitan ng video call, chat sa messenger o kaya pwedeng makipanayam sa papamagitan ng pagsulat ng sagot ng ininterbyu ng isang kakilala at itanong kung ano ang mga benepisyo ng pagsali sa mga gawain tulad ng pagsayaw. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel. Ilagay ang pangalan ng taong nakapanayam.
_____.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Buuin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
- Nasiyahan ako sa pagsayaw ng Cariñosa dahil _____.
- Kung mabibigyan ng pagkakataon, sayawin ko ulit ito dahil _____.
- Natutuhan ko ang ilang magagandang asal tulad ng _____.
- Maliban sa mga benipisyong pangkalusugan at magagandang asal na natutunan, mainam ding matuto ng ganitong uri ng sayaw dahil _____.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Ano ano ang magandang asal ang iyong matutunan sa pakikipaglaro at pagsayaw?
B. Ano ano ang benipisyo ng pakikilahok sa mga gawain tulad ng pagsayaw/paglalaro?
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; it is transcribed in reading order from the upright text]
Assimilation
Ano ano ang mga magandang asal ang iyong matutunan sa pagsayaw?
A. Teamwork B. Kooperasyon C. Respeto sa ibang tao D. Pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pinapakitang sipag at tiyaga ng iyong kapareha o kapangkat E. Naisasabuhay ang asal tulad ng disiplina at sakripisyo
Benipisyo ng pakikilahok sa mga gawain tulad ng pagsayaw
- Ang sayaw ay isang uri ng komunikasyon at isang epektibong paraan ng pagpapahayag ng damdamin.
- Nakatutulong sa paglinang ng kakayahang pangkatawan.
- Pagpapanatili ng tamang timbang.
- Pagpapabuti ng stamina at cardiovascular endurance.
- Nakakatulong sa balance at koordinasyon ng katawan.
Weeks 1-2
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
- ☺
- ☺
- ☺
- ☺
- ☺
Weeks 3-5
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
- B
- D
- A
- A
- C
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
- TAMA
- MALI
- TAMA
- TAMA
- TAMA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
- TAMA
- TAMA
- MALI
- TAMA
- TAMA
Weeks 7-8
Assimilation (answer box for Bilang 3 is shown above under Weeks 1-2; the Weeks 7-8 box contains the Assimilation questions and answers listed above)
PIVOT Assessment Card for Learners
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Gatchalian, H. G., Ramos, G. G., Yap, J. C. (2016). Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5, Batayang Aklat. pp. 70-118.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply