This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education), Grade 4, Quarter 3 (Ikatlong Markahan), published by DepEd Region IV-A CALABARZON as its First Edition, 2021. It covers eight weeks of lessons on two big themes: loving the country by valuing Filipino culture, and caring for the environment. It is written for Grade 4 learners studying at home, with guidance from a parent, guardian, or teacher.
On this page 7 sections
What learners will learn
By the end of the quarter, learners are expected to:
- Show interest in listening to or reading materyal (material) cultural heritage such as folk tales, legends, and epics, and in practicing di-materyal (non-material) culture such as good customs and respect for elders.
- Take pride in and value the culture of different ethnic groups, including their folk tales, native dances, songs, and games.
- Follow laws and rules on caring for the environment, even when no one is watching.
- Help keep the surroundings clean and orderly through waste segregation, avoiding burning, and recycling.
Lessons in this module
| Weeks | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1-2 | Pakikinig o Pagbabasa ng mga Pamanang Kulturang Materyal at Di-Materyal (listening to or reading material and non-material cultural heritage) | Folk tales, legends, epics, and good Filipino customs like pagmamano and saying “po” and “opo” |
| 3-4 | Pagmamalaki at Pagpapahalaga sa Kultura ng Iba’t ibang Pangkat Etniko (pride in and respect for the culture of ethnic groups) | Native games, dances, songs, and stories of groups such as the Igorot and Ivatan |
| 5 | Pagsunod sa mga Batas tungkol sa Pangangalaga ng Kapaligiran (following laws on caring for the environment) | Obeying environmental rules and signs even when no one sees you |
| 6-8 | Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran (helping keep the environment clean and orderly) | Segregating waste, avoiding burning, and recycling |
Key ideas: Filipino culture
The module defines kultura (culture) as the way of life of a people. It gives a nation its identity, seen in its food, clothing, games, stories, national symbols, customs, and songs.
In this module, materyal culture includes stories such as kuwentong-bayan (folk tales), alamat (legends), and epiko (epics). Examples used are “Ang Alamat ng Mariang Makiling,” “Ang Alamat ng Bayabas,” “Si Bantugan,” and “Biag ni Lam-ang.” Di-materyal culture includes good customs and respect for elders, such as pagmamano to parents and answering elders politely. Reading and listening to these, and sharing them with others, are ways of showing love for the country’s culture.
The second lesson explains that each region and ethnic group has its own culture, and that this variety makes the nation’s culture rich. Learners can show pride and respect by:
- Playing native games like luksong baka, kadang-kadang, tumbang preso, patintero, and piko.
- Joining performances of native dances like Tinikling, Itik-Itik, Binanog, Dugso, and Maglalatik.
- Singing native songs like Salidumay, Sarong Banggi, Magtanim ay Di Biro, and Bahay Kubo.
- Reading folk tales, legends, and epics and sharing them with others.
The lessons include a poem, “Kultura, Ating Pausbungin!”, and a story, “Idol ko si Tatay!”, about a boy named Albert who learns the Maglalatik from his father and performs it at school.
Key ideas: caring for the environment
In Week 5, a short dialogue, “Tayo nang Kumilos!”, shows Miguel reminding Jane not to litter just because no one saw her. The lesson teaches that following the government’s environmental laws has good effects, and that self-discipline matters even when no one is watching.
Weeks 6 to 8 teach three practical habits:
- Segregation: putting nabubulok (biodegradable) and di-nabubulok (non-biodegradable) waste in the right bins.
- Avoiding burning: burning trash harms the environment and endangers everyone’s health.
- Recycling: reusing discarded items such as plastic, paper, and bottles. The story “Ang Eroplano ni Popoy” shows a boy who makes a toy airplane from bottles. The module also mentions the saying “May Pera sa Basura” (there is money in trash), since many waste items can be sold.
How to use this module
Each lesson follows four parts: Introduction (Alamin, Suriin), Development (Subukin, Tuklasin, Pagyamanin), Engagement (Isagawa, Linangin, Iangkop), and Assimilation (Isaisip, Tayahin). Activities are labeled Gawain sa Pagkatuto Bilang 1, 2, 3, and so on.
For learners: The module asks you to:
- Write all answers on a separate sheet of paper, not on the module.
- Read directions carefully before each activity.
- Be honest when doing activities and checking answers.
- Finish the current activity before moving on.
- Return the module to your teacher or facilitator when done.
The Susi sa Pagwawasto (answer key) is at the end. After each activity, mark the PIVOT Assessment Card with a star (did it well), a check (did it with slight difficulty), or a question mark (found it very hard and need help).
For parents and guardians: Several tasks ask for your help and guidance, such as a poster on following environmental rules and a useful project made from discarded items. Encourage your child to ask you or older family members when a task is hard.
For teachers: Rubrics are included for the slogan (Weeks 3-4), the poster (Week 5), and the recycled project (Weeks 6-8), each scoring creativity and completeness or neatness at 50% each.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is for Grade 4 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3 (Ikatlong Markahan). It is the PIVOT 4A Learner’s Material, First Edition 2021, from DepEd CALABARZON.
What lessons are in EsP 4 Quarter 3?
Weeks 1-2 cover material and non-material cultural heritage, Weeks 3-4 cover pride in the culture of ethnic groups, Week 5 covers following environmental laws, and Weeks 6-8 cover keeping the environment clean through segregation, avoiding burning, and recycling.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the activities with fixed answers in each lesson.
What is the difference between kulturang materyal and di-materyal in this module?
The module treats stories such as folk tales, legends, and epics as materyal culture, and good customs such as pagmamano and respect for elders as di-materyal culture.
Where should learners write their answers?
On a separate answer sheet. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to return it to the teacher when finished.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Key Stage 2 SLM
EsP GRADE 4
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
EsP GRADE 4
QUARTER 3 Key Stage 2 SLM
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
[illustration: children of varied ages reading, playing music, writing, and using a computer-like screen showing numbers]
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Unang Edisyon, 2021
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A SLMs Development Lead
Patrick O. Opeña Content Creator & Writer
Philips T. Monterola & Myrasol D. Beltran Internal Reviewer & Editor
Vanessa A. Bautista Language Editor
Edita T. Olan Content Reviewer
Patrick O. Opeña & Sonny Boy L. Flores Layout Artist & Illustrator
Jeweel L. Cabriga & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4
Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay sinigurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging gabay sa mga sumusunod na aralin.
Salamat sa iyo!
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
- Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
- Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
- Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
- Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
- Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
| K to 12 Learning Delivery Process | Nilalaman | |
|---|---|---|
| Panimula (Introduction) | Alamin | Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang kailangan para sa aralin. |
| Panimula (Introduction) | Suriin | (same as above, merged) |
| Pagpapaunlad (Development) | Subukin | Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad, gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya alam at ano pa ang gusto niyang malaman at matutuhan. |
| Pagpapaunlad (Development) | Tuklasin | (same as above, merged) |
| Pagpapaunlad (Development) | Pagyamanin | (same as above, merged) |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Isagawa | Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D. Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan, gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha ng isang produkto o gawain upang ganap niyang maunawaan ang mga kasanayan at konsepto. |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Linangin | (same as above, merged) |
| Pakikipagpalihan (Engagement) | Iangkop | (same as above, merged) |
| Paglalapat (Assimilation) | Isaisip | Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon, pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto. Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga bago at dati ng natutuhan. |
| Paglalapat (Assimilation) | Tayahin | (same as above, merged) |
Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4 6
WEEKS 1-2
I
Pakikinig o Pagbabasa ng mga Pamanang Kulturang Materyal at Di-Materyal
Aralin
Noong ikalawang markahan, iyong natutuhan ang pakikipagkapuwa-tao at ang pag-unawa na hindi naghihintay ng anumang kapalit ang paggawa ng mabuti.
Ngayong ikatlong markahan naman ay dapat mong pag-aralan ang pag-unawa at pagsasabuhay sa pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal katulad ng kuwentong-bayan, alamat, mga epiko, at di-materyal katulad ng mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa nakakatanda, at iba pa.
Halina’t suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pag-aralan kung naipakikita ba nila ang kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal.
[illustration: four panels showing a storyteller reading to children; two children reading a book titled “Ang Alamat ng Mariang Makiling”; a boy pointing at shelves labeled “Epiko,” “Kuwentong Bayan,” and “Mga Alamat”; a boy saying “Opo” to an adult]
Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao ay tinatawag na kultura. Nagbibigay ito sa isang bansa ng sariling pagkakakilanlan. Sa mga pagkain, pananamit, laro, kuwento, pambansang sagisag, kaugalian, o awit ay nakikilala ang isang lahi. Sa mga ganito rin nakilala ang lahi at kulturang Filipino.
7 PIVOT 4A CALABARZON EsP G4
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang salitang Tama kung nagpapakita ang mga larawan ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at salitang Mali kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- [illustration: two children reading a book together]
- [illustration: a person holding a stack of papers and smiling]
- [illustration: a mother hugging a child]
- [illustration: a teacher with two students, one carrying a bag]
- [illustration: a child looking worried while an adult speaks to them at a desk]
Natukoy mo ba nang tama ang mga larawang nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal? Saan mo ibinatay ang iyong kasagutan?
Ang pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal tulad ng mga kuwentong-bayan, alamat, epiko; at kulturang di-materyal gaya ng mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa nakatatanda, at iba pa ay mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal at pagyakap sa kultura ng bansa.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G4 8
Habang ikaw ay bata pa, maganda na maipakikita mo ang pagmamahal sa kulturang materyal at di-materyal.
Laging tandaan na ang iyong pagmamahal sa kulturang materyal at di-materyal ay isang magandang pag-uugali. Ang pagtataglay at pagsasabuhay nito ay pagpapakita na ikaw nga ay tunay na Filipino.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Suriin ang halimbawa ng mga pamanang kultura ng mga Filipino. Isulat ang titik M sa bawat bilang kung ito ay kulturang materyal at DM naman kung di-materyal na kultura. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
- Ang Diwata ng Karagatan
- Pagmamano sa Nanay at Tatay
- Si Bantugan
- Magalang na pagsagot sa mga nakatatanda
- Ang Alamat ng Bayabas
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin kung ito ay nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal. Lagyan ng masayang mukha () ang bawat bilang kung oo at malungkot na mukha () naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Pagbibigay ng respeto sa sinumang makakahalobilong nakatatanda.
- Pangongolekta ng mga alamat at iba pang kuwentong-bayan.
- Pagsusunog ng mga libro kapag nakakalat kung saanman.
- Pagtugon nang may paggalang kapag tinatanong.
- Pagsali ng isang bata sa usapan ng mga matatanda.
Maraming matututuhan kung palaging magbabasa at makikinig sa mga pamanang kulturang materyal katulad ng kuwentong-bayan, alamat, at mga epiko.
[illustration: two children looking at a large open book]
Bilang bata, ang pagbabasa ng mga kulturang materyal ay makatutulong upang lalong malinang ang iyong kaalaman. Makapagbabahagi ka rin sa iba at maisasalin mo ang mga kuwentong nabasa o napakinggan.
[illustration: a smiling family of four embracing]
Ipagpatuloy ang pagbabasa at pakikinig sa mga ito upang lalo pang
Malaking bahagi sa iyong pagkatao ang mga itinuturo ng iyong mga magulang at mga nakatatanda sa iyo. Ang di-materyal na kultura naman, katulad ng mga magagandang kaugalian, pagpapahalaga sa nakatatanda, at iba pa ay isa ring pamamaraan upang mapaunlad ang kulturang Filipino.
Isabuhay ang magandang mga kaugalian na nagpapakita ng kulturang Filipino. Magaan sa kalooban kung habang bata ay napapanatili ang kaugaliang ito upang madala mo ito habang lumalaki.
[illustration: a family of four reading a book together]
Kultura, Ating Pausbungin! ni Patrick O. Opeña
Ang pagbabasa at pakikinig ay lalong buhayin,
Makulay na kultura ay ating pagyamamin.
Maraming matututuhan sa mga kuwentong-bayan,
Mga alamat at mga epiko na kay sarap pahalagahan.
Ibahagi sa iba ang mga binasang kuwento,
Ipagpatuloy ang pag-unlad at huwag makuntento.
Kahit sa murang isipa’y marami kang magagawa,
Buklatin ang libro ng kaalaman at sa sarili’y magtiwala.
Kagandahang-loob at kabutihan ay ipakita sa iba,
Magandang kaugalian ay bitbitin kahit ikaw ay bata pa.
Ipagmalaki ang kultura at buksan ang imahinasyon,
Nariyan ang iyong pamilya na siya mong inspirasyon.
Magbago man ang henerasyon patuloy na mananatili,
Ang pagmamahal at paggalang sa mga nakatatanda.
Ipagpatuloy ang tunay na pagpapahalaga upang mapabuti,
Kultura’y ating pausbungin sa mahal nating bansa.
[illustration: a grandparent-like figure and children reading, drawn along a swirling border]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa tulang iyong binasa. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.
Ang kagandahang-loob at kabutihan ay ipakita sa ___________.
a. sarili b. iba
c. wala d. labasAlin sa mga sumusunod ang dapat mas pagyamanin pa?
a. paglalaro b. buhay
c. kultura d. sariliBatay sa tula, sino ang iyong inspirasyon sa paglago ng iyong kagandahang-asal?
a. pamilya c. kalaro
b. kapitbahay d. kapuwaSaan mo pauusbungin o palalaguin ang kultura?
a. sa ating pamilya c. sa ating sarili
b. sa ating kapuwa d. sa ating bansaKahit ikaw ay bata pa, alin sa mga sumusunod ang palagi mong dapat isinasabuhay?
a. magandang damit c. magandang ngiti
b. magandang kaugalian d. magandang araw
Maipakikita ko ang pagpapahalaga sa aking mga magulang o sa mga nakatatanda sa pamamagitan ng:
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa iyong mga magulang o sa mga nakatatanda? Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Ang kulturang materyal at di-materyal ay may magagandang epekto sa paghubog ng buong pagkatao ng isang indibidwal. Ito ay katulad ng mga sumusunod:
- nagkakaroon ng karagdagang impormasyon na makatutulong sa paghubog ng kaalaman;
- napananatili ang mga kaugaliang Filipino sa pagpapakita ng pagiging makabansa;
- nakapagbabahagi sa iba ng mga nabasang kuwentong-bayan, alamat, epiko, at iba pa; at
- naipakikita ang kabutihang-asal na natutuhan una sa pamilya, sa kapuwa, at sa mga nakatatanda.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Pagkatapos, suriin mo ang iyong sarili. Gaano mo kadalas ipinakikita ang kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal? Lagyan ng tsek (✓) ang hanay na angkop sa iyong kasagutan gamit ang batayan sa ibaba.
3—Madalas
2—Paminsan-minsan
1—Hindi ko ginagawa
| Kawilihan sa Pakikinig o Pagbabasa ng mga Pamanamang Kulturang Materyal at Di-Materyal | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|
| 1. Ibinabahagi ang mga nabasang kuwentong-bayan, alamat, at mga epiko sa iba. | |||
| 2. Nagmamano sa mga magulang o mga nakatatanda. | |||
| 3. Nagsasabi ng “po” at “opo” sa mga nakatatanda. | |||
| 4. Nagbabasa ng kuwentong-bayan, alamat, at mga epiko. | |||
| 5. Nakikinig ng ng mga kuwentong-bayan, alamat, at mga epiko. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Mahilig makinig ng alamat ang kapatid mo. Sinabihan ka niya na sabay ninyong basahin ang kuwento dahil nahihirapan siyang magbasa. Ano ang gagawin mo?
- Napansin mo na ang kaibigan mo ay sumasagot nang hindi tama at walang galang sa mga nakakatanda? Ano ang sasabihin mo?
- Nakita mo na nilalaro ng iyong pinsan ang mga aklat ng kuwentong-bayan, alamat, at epiko na hiniram sa iyo. Ano ang gagawin mo?
Ang pakikinig o (1) ____________ ng mga pamanang kulturang materyal tulad ng kuwentong-bayan, alamat, mga epiko at di-materyal gaya ng mga magagandang (2) ____________, pagpapahalaga sa nakatatanda, at iba pa ay isang paraan ng pagpapakita ng (3) ____________ at pagyakap sa kulturang Filipino.
Laging tandaan na ang iyong (4) __________________ sa kulturang materyal at di-material ay isang magandang pag-uugali. Ang pagtataglay at (5) _____________ nito ay pagpapakita na ikay nga ay tunay na Filipino.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8
Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng “Big Book” na katulad ng nasa ibaba. Pagkatapos, basahin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon. Isulat sa loob nito ang mga titik na nagpapahayag ng mga katangian na nagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal.
Bilang pangwakas masasabi mo na:
respeto pagsasabuhay nakatatanda
pagmamahal pagbabasa kaugalian
a. tinatapos ang mga kuwentong nasimulang basahin
b. binabalewala ang pagrespeto sa mga nakatatanda
c. ibinabahagi sa iba ang mga magagandang kuwentong nabasa
d. sinusuway ang utos at bilin ng mga magulang
e. ipinaparamdam ang pagmamahal sa pamilya
[illustration: an open book drawn in outline]
Ang pakikinig o (1) ____________ ng mga pamanang kulturang materyal tulad ng kuwentong-bayan, alamat, mga epiko at di-materyal gaya ng mga magagandang (2) ____________, pagpapahalaga sa nakatatanda, at iba pa ay isang paraan ng pagpapakita ng (3) ____________ at pagyakap sa kulturang Filipino.
WEEKS 3-4
Pagmamalaki at Pagpapahalaga sa Kultura ng Iba’t ibang Pangkat Etniko
Aralin
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang kulturang materyal at di-materyal.
Sa araling ito ay matututuhan mo naman kung paano maipagmamalaki at mapahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko. Ang pagmamahal, pagpapayaman, at ang paraan ng pagpapahalaga sa mga kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa ay matutuhan mo sa araling ito.
Halina’t suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pag-aralan kung naipakikita ba nila ang pagmamalaki at pagpapahalaga sa nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko.
[illustration: children with bamboo poles, a game being played] [illustration: people performing a folk dance] [illustration: a boy sitting and reading a book] [illustration: boys singing; label printed: “Salidumay”]
Ang bawat rehiyon at pangkat etniko ay may iba’t ibang kultura. Mahalagang matutuhan mo na ang mga ito upang mapahalagahan at maipagmalaki.
Ang pagpapahalaga at pagsasabuhay sa kulturang nakagisnan ay isang paraan nang pagpapakita ng pagmamahal sa bansa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Suriin ang bawat larawan. Isulat ang titik L kung ito ay laro, titik A kung ito ay awit, KB kung ito ay kuwentong-bayan, at KS kung ito ay katutubong sayaw. . Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- [illustration: children playing outdoors, one bending over]
- [illustration: a person carrying a large sack; a boy walking beside]
- [illustration: a girl stretched out in a dance pose]
- [illustration: a book on a stack labeled “BIAG NI LAM-ANG”]
- [illustration: a child singing into a microphone beside a speaker; music sheet labeled “BAHAY KUBO”]
Mayroong iba’t ibang pangkat etniko sa bansa katulad ng mga Igorot, Ivatan, at marami pang iba. Ang mga ito ay grupo o pangkat na binubuo ng mga taong may magkakatulad na kultura o pinagmulan. Sila ay may mayaman at bukod-tanging kulturang materyal at di-materyal katulad ng mga kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa.
Ang magkakaibang kultura ng mga pangkat etniko sa ating bansa ay nararapat na ipagmalaki dahil sa mayamang sining, tradisyon, at paniniwala na mayroon ang mga ito. Mahalaga na malaman mo ang mga ito dahil ito ang nagpapayaman at nagpapabukod-tangi sa ating pangkabuuoang kultura bilang isang bansa.
- Inaawit nang buong puso ang mga katutubong awitin katulad ng Bahay Kubo, Leron, Leron Sinta, Sitsiritsit, Paruparong Bukid, at iba pa
- Pinagtatawanan ang mga kasuotan ng ibang pangkat etniko.
- Minamahal at pinapahalagahan ang makulay na kultura ng bansa.
- Inaalam at pinag-aaralan ang mga katutubong sayaw ng bansa katulad ng Tinikling, Itik-Itik, Cariñosa, Pandanggo sa Ilaw, Maglalatik, at iba pa.
- Kinakalimutan na ang mga larong Pinoy katulad ng larong sungka, patintero, piko, luksong lubid, luksong tinik at marami pang iba dahil sa paglalaro ng gadyets.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumuhit ng bilog na may “thumbs up sign” sa iyong sagutang papel. Pagkatapos, pag-aralang mabuti ang mga pahayag na nasa loob ng kahon. Sa loob ng iyong iginuhit, isulat ang mga titik na nagpapahayag ng pagpapahalaga sa kultura ng iba’t ibang pangkat etniko. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
a. Kumakanta ng Paruparong Bukid
b. pinupunit ang aklat ng mga katulad ng mga alamat at epiko
c. nakikipagkaibigan sa mga Igorot
d. tumatanggi sa paglalaro ng piko
e. nakikipaglaro ng patintero sa mga kaibigan
f. pinag-aaralan ang sayaw na Itik-Itik
[illustration: a thumbs-up hand inside a circle]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung naipagmamalaki at napahahalagahan ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko at ekis (×) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- Inaawit nang buong puso ang mga katutubong awitin katulad ng Bahay Kubo, Leron, Leron Sinta, Sitsiritsit, Paruparong Bukid, at iba pa
- Pinagtatawanan ang mga kasuotan ng ibang pangkat etniko.
- Minamahal at pinapahalagahan ang makulay na kultura ng bansa.
- Inaalam at pinag-aaralan ang mga katutubong sayaw ng bansa katulad ng Tinikling, Itik-Itik, Cariñosa, Pandanggo sa Ilaw, Maglalatik, at iba pa.
- Kinakalimutan na ang mga larong Pinoy katulad ng larong sungka, patintero, piko, luksong lubid, luksong tinik at marami pang iba dahil sa paglalaro ng gadyets.
Mahalaga na malaman mo na ang kultura ng bansa ay makulay sapagkat may iba’t ibang pangkat etniko. Ito ay dapat mapanatili kahit sa paglipas ng panahon at sa kabila ng mga banta at hamon. Bilang Filipino, nararapat mong suriin ang kultura ng iba’t ibang pangkat etniko upang maipagmalaki at mapahalagahan ang kulturang mayroon ang bansa.
[illustration: a couple dancing in traditional attire, a child singing into a microphone, two children running near a tree, and an open book labeled “MGA KWENTONG BAYAN”]
Paano mo maipakikita na ipinagmamalaki at pinahahalagahan mo ang nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa? Maaari mo itong maipakikita sa pamamagitan ng sumusunod:
- Paglalaro ng mga katutubong larong tulad ng luksong baka, kadang-kadang, tumbang preso, at marami pang iba.
- Pagsali sa mga pagtatanghal ng mga katutubong sayaw tulad ng Tinikling, Itik-Itik, Binanog, Dugso, at marami pang iba.
- Pagkanta ng mga katutubong awit tulad ng Salidumay, Sarong Banggi, Magtanim ay Di Biro, at iba pa.
- Pagbabasa ng mga kuwentong-bayan tulad ng mga alamat at epiko. Maaari ring ibahagi ang kuwentong binasa sa iba.
[illustration: two smiling children giving thumbs up]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Basahin at unawain ang kuwento sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Idol ko si Tatay!
ni Patrick O. Opeña
“Albert, gising ka na,” sabi ni Nanay. Maaga akong ginigising ni Nanay kapag may pasok sa paaralan. Si Tatay naman ay nagkakape at sinalubong ako ng ngiti. Anak, mag-almusal ka na at isasabay na kita pagpasok mo. Yehey! Idol ko talaga si Tatay Mario. Kilala si Tatay sa aming barangay sa husay niya sa pagsayaw at pagpapapahalaga ng mga katutubong sayaw.
Sa aming paaralan, gaganapin ang Buwan ng Wika. Gusto kong sumali pero nahihiya ako. Pag-uwi ko sa bahay ay sinabi ko kay Nanay Edna na may palatuntunan sa paaralan.
“O, anak, gusto mo bang sumali?” tanong ni Nanay. “Kaso ‘Nay nahihiya ako. Gusto ko po sanang sumali sa katutubong sayaw,” sagot naman ni Albert.
Narinig ni Tatay ang aming usapan. “Albert, huwag kang mag-alala tuturuan kita,” saad ni Tatay. “Talaga po ‘Tay?” ang paniniguradong tanong ni Albert. “Oo, anak! Ako ang bahala sa iyo. Tuturuan kita sapagkat nais kong ipamana sa iyo ang pagmamahal at pagpapahalaga sa mga katutubong sayaw tulad ng sayaw na Maglalatik.
Nagsimula na kaming mag-ensayo ni Tatay gamit ang mga bao na inilagay sa aking braso, dibdib, likod, at tuhod. Itinuro niya sa akin ang mga dance steps sa pagsasayaw nito. Buong husay kong natutuhan ang sayaw. Hindi na ako makapag-hintay na maipamalas ito sa araw ng palatuntunan.
[illustration: a child performing on stage under a banner reading “PAGTATANGHAL NG MGA TALENTONG PILIPINO,” with an audience clapping]
Sa mismong palatuntunan ay nanood si Nanay at Tatay. Maraming pumalakpak sa aking sayaw. Nagkamit din ako ng medalya dahil sa mahusay kong pagsayaw.
Idol ko talaga si Tatay! Lagi na akong sasali sa palatuntunan ng paaralan. Kaya ko na sa susunod!
Mga tanong:
- Anong katutubong sayaw ang naipakita sa kuwento? Ano ang gamit sa pagsasayaw nito?
- Sa anong paraan natutuhan ni Albert ang sayaw?
- Paano naipakita ni Albert ang kaniyang pagpapahalaga sa katutubong sayaw katulad ng nabanggit sa kuwento? Pangatwiranan.
- Sa iyong palagay, naipagmalaki ba ni Albert ang katutubong sayaw na ipinamana sa kaniya ni Tatay Mario? Pangatwiranan.
- Bilang isang batang Pinoy, bakit mahalagang maipakita natin ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa mga katutubong sayaw?
Mahalin at pahalagahan ang iba’t ibang kultura ng mga pangkat etniko. Ipagmalaki ang sariling atin! Bilang isang batang Filipino, maaari mong maibahagi sa iba, sa tulong ng iyong mga magulang, mga kaibigan, at kakilala ang yaman at ganda ng kultura ng iba’t ibang pangkat etniko ng bansa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Suriin ang larawan na nasa ibaba. Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga at pagmamalaki sa katutubong laro katulad ng nasa larawan? Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: two children playing a game with a can labeled “GATAS” and a sandal on the ground, with shadows of other players in the background]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Ano ang kahalagahan ng nasuri mong kultura ng iba’t ibang pangkat etniko tulad ng kuwentong-bayan, katutubong sayaw, awit, laro, at iba pa? Kopyahin ang dayagram sa ibaba at magbigay ng tatlong kasagutan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[chart: graphic organizer; Gawain sa Pagkatuto Bilang 6 diagram]
- Box 1: 1. ____________________ ____________________ ____________________
- Box 2: 2. ____________________ ____________________ ____________________
- Box 3: 3. ____________________ ____________________ ____________________
- Center: Kahalagahan ng Nasuring Kultura ng Iba’t ibang Pangkat Etniko
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Basahin ang bawat sitwasyon. Sa tulong at gabay ng magulang o guardian, isulat kung ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa sitwasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral ni Ginoong Yarzo sa pagtatanghal ng mga sayaw na Tinikling. Kinakabahan ang kagrupo mo dahil kayo na ang susunod.
- Mayroon kang libro ng kuwentong-bayan na nabasa mo na. Gusto ng kaibigan mong si Myra na hiramin ang libro mo.
- Pinagtawanan ng pinsan mong si Rolly ang katutubong nakita nila na namamasyal sa Baguio dahil sa suot nilang bahag.
- Nakita mo kasama ang mga kaibigan mong sina Sonny, Jerome at Alex ang isang batang Badjao na nanonood sa inyo habang kayo ay naglalaro ng patintero sa isang bakanteng lote.
- Maraming koleksyon ng iba’t ibang awiting-bayan tulad mga awiting Kundiman at Manang Biday ng Ilocano ang Tatay mo. Nakita mo na pinaglalaruan ito ng kapatid mo.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8
Gumawa ng isang islogan na nagpapahayag ng pagmamalaki at pagpahahalaga sa kultura ng iba’t ibang pangkat etniko. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Rubrik para sa Paggawa ng Islogan
| Batayan | Mahusay na Mahusay (5 puntos) | Mahusay (4-3 puntos) | Hindi Mahusay (2-1 puntos) | Kabuuan |
|---|---|---|---|---|
| Pagkamalikhain (50%) | Nakakagawa ng islogan sa pinakamalikhaing paraan | Nakakagawa ng islogan sa malikhaing paraan | Hindi naipakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng islogan | |
| Kabuuan at Kaayusan ng Ideya (50%) | Buo at maayos ang ideya ng ginawang islogan | Maayos ngunit hindi gaanong buo ang ideya ng pagkakagawa ng islogan | Hindi buo at walang kaayusan ang ginawang islogan |
Bilang pangwakas masasabi mo na:
Mahalaga na malaman mo na ang (1) _____ng bansa ay makulay sapagkat may iba’t ibang (2) _____. Ito ay dapat mapanatili kahit sa paglipas ng panahon at sa kabila ng mga banta at hamon. Bilang (3) _____, nararapat mong suriin ang kultura ng iba’t ibang pangkat etniko upang (4) _____ at mapahalagahan ang kulturang mayroon ang (5) _____.
kultura | maipagmalaki | pangkat etniko kamalayan | Filipino | bansa
WEEK 5
Pagsunod sa mga Batas tungkol sa Pangangalaga ng Kapaligiran
Aralin
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagmamalaki at pagpapahalaga sa nasuring kultura ng iba’t ibang pangkat etniko.
Sa araling ito ay matututuhan mo naman ang pagsunod sa mga batas at panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit na walang nakakakita. .
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay magkakaroon ng kaalaman at disiplina sa pangangalaga ng kapaligiran kahit nasaan ka man.
Halina’t suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pag-aralan kung ang mga ito ba ay nagpapakita ng pagsunod sa mga batas o panuntunang pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
[illustration: four-panel comic. Panel 1: a boy beside a sign reading “Munting kalat ibuksa [?]” near a waterfall. Panel 2: a boy sweeping leaves beside a fence, with the speech label “TAPAT KO, LINIS KO!”. Panel 3: two children holding a sack, with the sign “Clean and Green”. Panel 4: two people beside bins, with the sign “Tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan” and bins labeled “NABUBULOK” and “DI-NABUBULOK”]
Bilang isang bata, mahalaga ring malaman mo ang pagsunod sa mga batas o panuntunan tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran kahit walang nakakakita sa iyo. Kailangan mo rin ang pagmamahal, pagmamalasakit sa kalikasan, at disiplina sa sarili upang maisabuhay ito.
Basahin ang maikling diyalogo nang may pag-unawa.
Tayo nang Kumilos!
ni Patrick O. Opeña
Magkakaroon ng proyekto ang barangay Milagrosa. Ito ay ang “Linis para sa Kinabukasan”.
Miguel: Jane, bakit kung saan mo lang itinapon ang pinagkainan mo? Jane: Hayaan mo na. Wala namang nakakita. Miguel: Ayan oh… may nakasulat na “Bawal Magtapon ng Basura Dito”. Alam mo ba na maliit man o malaki ang kalat ay may epekto ito sa ating kapaligiran. Jane: Oo nga may karatula. Sige pupulutin ko na. Miguel: Sumali ka na lang sa proyekto ng barangay. Mas matututo ka pa at makatutulong sa paglilinis. Jane: Wow! Sige. Sasali na ako. Nakaka-excite naman! Miguel: Mas mabuti na sumunod tayo sa mga batas na pinaiiral at tama lagi ang gawin para sa kapaligiran. Kaya naman magpalista na tayo! Jane: Tara na, Miguel! Tayo nang kumilos!
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Batay sa diyalogong iyong binasa, isulat ang salitang SANG-AYON kung tama ang ipinahahayag sa bawat bilang at DI-SANG-AYON naman kung mali . Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Mahalaga kay Miguel ang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang barangay.
- Maganda ang katwiran ni Jane na wala namang nakakita sa kaniya kaya maaari na niyang itapon ang basura kung saanman .
- Malaki ang maitutulong nina Jane at Miguel sa pangangalaga ng kapaligiran sa kanilang barangay.
- Wala namang mapapala sina Jane at Miguel sa pagtulong nila sa paglilinis.
- Pinulot ni Jane ang itinapon niyang kalat dahil sa karatulang itinuro ni Miguel.
Ang pagsunod sa mga batas at panuntunang pinaiiral ng ating pamahalaan para sa pangagalaga ng kalikasan ay may magandang epekto sa kapaligiran.
Maraming paraan upang mapangalagaan ang kapaligiran. Ang pagkalinga, pagpapaunlad, at pagmamahal sa Inang Kalikasan ay ilan sa mga paraang ito. Maging huwaran ka kahit ikaw ay bata pa lamang. Laging isaisip na ito ay makabubuti hindi lamang sa sarili kundi pati rin sa iba. Sundin ang mga batas na pinaiiral bilang isang mahusay na batang Filipino.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Gaano mo kadals ipinakikita ang iyong pagsunod sa pangangalaga ng kapaligiran? Kopyahin at lagyan ng tsek (✔) ang hanay na tumutugma sa iyong kasagutan gamit ang batayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
3-Madalas 2-Paminsan-minsan 1-Hindi ko ginagawa
| Gawain | 1 | 2 | 3 |
|---|---|---|---|
| 1. Pinagbubukod ko ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. | |||
| 2. Tumutulong ako sa pagwawalis sa aming bakuran. | |||
| 3. Inilalagay ko muna sa bulsa ang aking basura kapag nakita kong walang basurahan sa paligid. | |||
| 4. Hindi ko itinatapon sa bintana ng sasakyan ang mga balat ng pagkain matapos kumain kapag nagbibiyahe. | |||
| 5. Sinusunod ko ang mga batas na aking nababasa. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Suriin ang mga larawan. Isulat ang NK kung nagpapakita ng pagsunod sa batas o panuntuang pinaiiral sa pangangalaga ng kapaligiran at HNK kung hindi nakasusunod. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- [illustration: a girl pouring trash into a stream, with a sign reading “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO” [?]]
- [illustration: two people beside bins labeled “NABUBULOK” and “DI-NABUBULOK”, with the sign “Tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan”]
- [illustration: a boy sweeping beside a fence, with the sign “TAPAT KO, LINIS KO”]
- [illustration: two children beside a burning bin, with a sign reading [illegible]]
- [illustration: a girl dropping trash while another child points to a sign reading “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO!”]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagsunod sa mga batas o mga panuntunang pinaiiral sa inyong pamayanan tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Rubrik para sa Paggawa ng Poster
| Batayan | Mahusay na Mahusay (5 puntos) | Mahusay (4-3 puntos) | Hindi Mahusay (2-1 puntos) | Kabuuan |
|---|---|---|---|---|
| Pagkamalikhain (50%) | Nakakagawa ng poster sa pinakamalikhaing paraan | Nakakagawa ng poster sa malikhaing paraan | Hindi naipakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng poster | |
| Kalinisan at Kaayusan (50%) | Malinis at maayos ang ginawang poster | Malinis ngunit hindi gaanong maayos ang pagkakagawa ng poster | Hindi malinis at walang kaayusan ang ginawang poster |
A
Bilang pangwakas masasabi mo na:
Ang pagsunod sa mga (1) _____________ at panuntunang pinaiiral ng pamahalaan para sa pangangalaga ng (2) _____________ ay may magandang epekto sa kapaligiran. Mas matututo kang maging (3) _____________. Kahit walang nakakakita, gawin ang tama. Itapon ang mga kalat sa tamang basurahan.
Maraming paraan upang mapangalagaan ang (4) _____________. Mahalin ang Inang kalikasan upang hindi ito masira. Maging disiplinado kahit ikaw ay bata. Laging iisipin na ito ay (5) _____________ hindi lamang sa sarili pati na rin sa iba.
batas kalikasan disiplanado kapaligiran huwaran sarili
Aralin I
Pagtulong sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran
WEEKS 6-8
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagsunod sa mga batas na pinaiiral tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Sa araling ito ay matututuhan mo ang mga dapat gawin upang makatulong sa pagpapanatiling malinis at maayos ng kapaligiran saanman sa pamamagitan ng: a.) segregasyon o paglalagay sa mga basurang nabubulok at di-nabubulok sa tamang lagayan; b.) pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay; at c.) pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay (Recycling).
Halina’t suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pag-aralan kung naipakikita ba ang pagtulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.
[illustration: four panels: a boy with a broom and a sign reading “TAPAT KO, LINIS KO!”; people cleaning a street; a boy near a potted plant holding a bottle; a boy shouting beside a bin with smoke rising from it]
Nararapat mong matutuhan na mapangalagaan ang kapaligiran kahit ikaw ay bata pa lamang. May mga paraan kung paano ka makatutulong upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan nito.
Inaasahan na mas maipamamalas mo ang iyong pagmamahal sa kapaligiran pagkatapos ng araling ito. Inaasahan din na maisabuhay mo ang natatanging pagpapahalagang Filipino– ang pagiging malinis at maayos.
D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Suriin ang bawat larawan. Isulat ang titik T kung nakatutulong ito sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at titik M naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- [illustration: children beside a house, one carrying a sack of trash under a tree]
- [illustration: a boy dropping a bottle into a bin labeled NABUBULOK]
- [illustration: a boy beside two bins labeled BUBULOK and DI-NABUBULOK]
- [illustration: children standing near a burning pile of trash giving off thick smoke]
- [illustration: a boy with scissors and a broken toy robot on the floor]
Makatutulong ka sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran kung alam mo at ginagawa mo ang tamang paraan ng paraan ng paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok. Maaari ring gawin ang pagre-recycle o paggamit muli ng mga patapong bagay na makatutulong upang mabawasan ang kalat. Hangga’t maaari iwasan ang pagsusunog ng mga basura na nakakasira ng kapaligiran at nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng bawat isa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng dalawang basurahan katulad ng nasa ibaba. Pagkatapos, suriin ang uri ng basura at isulat ito sa tamang basuran.
balat ng prutas bote karton balat ng itlog metal nabubulok na pagkain balat ng kendi balat ng gulay lata sirang laruan
[illustration: two waste bins, one labeled NABUBULOK and one labeled DI-NABUBULOK]
Mahalaga na malaman mo ang tamang paraan ng paghihiwalay at pagtatapon ng mga basura. Alamin ang angkop na basurahan para sa nabubulok at di-nabubulok. Sa ganitong paraan ay maipakikita mo ang pagtulong sa pamayanan upang mapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran.
Disiplina ang kailangan upang mabigyan ng pagpapahalaga ang kapaligiran. Kung may nakitang kalat, pulutin at itapon ang mga ito sa tamang basurahan.
Kahit walang nakakakita sa iyo, panatilihin ang mabuting gawi ng pagtatapon ng basura, kahit saan ka man naroroon. Laging tatandaan na sa iyong murang edad ay may malaking bahagi kang dapat gampanan sa lipunan. Ito ay ang makiisa at maisabuhay ang pangangalaga sa kapaligirang bigay ng Poong Maykapal.
Ang Eroplano ni Popoy
ni Patrick O. Opeña
[illustration: a boy holding up a toy airplane made from a bottle; scissors and scraps lie on the table]
Mahilig si Popoy sa laruan. Nakita niya ang isa niyang kalaro na may bago at magandang eroplano.
“Wow! Ang laki ng laruang eroplano mo, Jonathan!” ang humahangang sabi ni Popoy.
“Oo, Popoy! Binili ito ni Papa noong isang araw,” pagmamalaki ni Jonathan.
Gustong gusto ni Popoy na magkaroon ng laruang eroplano katulad ng kay Jonathan ngunit wala naman siyang pera.
Pagdating ng bahay nakaisip siya ng paraan. Nakakita siya ng maraming bote.
“Ayan! Gagawa ako ng sarili kong eroplano. Maaari pa akong gumawa ng eroplanong may iba’t ibang kulay. Yehey! Dapat matapos ko na kaagad ito,” sabi ni Popoy.
Habang ginagawa niya ang laruang eroplanong yari sa bote ay nakita siya ng kaniyang Nanay.
[illustration: a woman hugging a boy]
“‘Nay, tingnan ninyo! Gumagawa ako ng eroplano!” pagmamalaki ni Popoy.
“Wow! Anak, ang ganda naman niyan. Pasensya ka na ha, wala pang pera si Nanay,” sagot ni Nanay.
“Wala iyon ‘Nay! Ang ganda nga nito! Puwede pa ako makagawa ng marami pang eroplano,” sagot ni Popoy.
Napangiti ang kaniyang Nanay at niyakap siya nito. Kaagad nagpaalam si Popoy upang ipagmalaki kay Jonathan ang natapos na laruang eroplano.
Binilisan niya ang takbo papunta sa bahay nina Jonathan para makipaglaro. Nakita niya ito sa tapat ng kanilang bahay.
“Jonathan, ito na ang laruan kong eroplano,” buong pagmamalaking sabi ni Popoy.
“Wow! Ang galing! Sinong gumawa?” tanong ng kalaro.
“Ako ang gumawa nito para parehas na tayong may laruang eroplano,” wika ni Popoy.
Hiniram ni Jonathan ang laruang eroplanong ginawa ni Popoy. Pinahiram naman niya ito ng kaniyang malaki at maganda laruang eroplano.
[illustration: two boys playing outdoors; one holds a large toy airplane and the other holds a bottle airplane]
“Popoy, turuan mo naman ako gumawa niyan,” hiling ni Jonathan.
“Oo ba! Kapag gagawa uli ako, sabay na tayong gumawa,” ang nangangakong sagot ni Popoy.
At ipinagpatuloy ng dalawa ang masaya nilang paglalaro.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa kuwentong iyong binasa. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
- Ano ang pamagat ng kuwentong iyong binasa?
- Sino ang kaibigan ni Popoy?
- Ano ang laruan mayroon ang kaniyang kaibigan?
- Ano ang naramdaman ni Popoy nang makita niya ang laruan ng kalaro?
- Ano ang kaniyang ginawa upang magkaroon ng sariling laruan?
- Ano ang katangian mayroon si Popoy?
- Ang katangian ba na mayroon si Popoy ay mahalaga sa pangangalaga ng kapaligiran? Bakit?
- Kung ikaw si Popoy, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
Maaari pang magamit ang mga patapong bagay. Ang tawag dito ay “recycling“. May mga bagay na akala mo ay basura na ngunit maaari mo pa palang pakinabangan. Maraming mga bagay tulad ng plastik, papel, bote, at iba pa na maaari mong gawing kapaki-pakinabang.
Ang pag-recycle ng mga patapong bagay ay nakatutulong sa kapaligiran upang mabawasan ang mga kalat. Sa ganitong paraan din nabibigyang halaga ang mga ito bilang mga patapong bagay.
Huwag maliitin ang mga bagay na ito. Ang karamihan din sa mga basura ay maaari pang ibenta at pagkakitaan. Isang halimbawa nito ang bag na yari mula sa plastik. Tunay nga ang kasabihang “May Pera sa Basura”.
Pagsumikapang paunlarin ang kapaligiran. Maging mapamaraan at malikhain sa pagre-recycle ng mga patapong bagay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Suriin ang larawan na nasa ibaba. Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa pagsasaayos nito? Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, magbigay ng tatlong paraan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[illustration: a roadside store with a sign reading “TINDAHAN NI ALING MIRASOL”; trash lies on the ground beside bins labeled NABUBULOK and DI-NABUBULOK; a pole sign reads “BAWAL MAGTAPON NG BASURA DITO MULTA 10,000 PESOS” [?]]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Gaano mo kadalas ginagawa ang bawat sitwasyon na nasa unang hanay ng talaan? Kopyahin ang talaan at iguhit ang bituin (☆) sa hanay na tumutugma sa iyong kasagutan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
| Gawain | Palagi | Paminsan-minsan | Hindi |
|---|---|---|---|
| 1. Inihihiwalay ko ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok. | |||
| 2. Ginagamit kong muli ang mga patapong gamit sa kapaki-pakinabang ng bagay. | |||
| 3. Nakikiisa ako at tumutulong sa mga programang pangkalinisan at pangkapaligiran sa aming paaralan. | |||
| 4. Pinupulot ko ang mga kalat sa mga pasilyo at iba pang lugar sa paaralan kahit walang nag-uutos sa akin. | |||
| 5. Tumutulong ako sa paglilinis sa loob at labas ng aming tahanan araw-araw. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Gumuhit ng kamay sa iyong sagutang papel. Pagkatapos, suriin ang mga payahag na nasa loob ng kahon. Piliin ang mga titik na maaaring magpahayag ng iyong pangako o komitment sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran. Isulat ang mga napili mong titik sa daliri ng iginuhit mong kamay.
a. Gamitin muli ang bagay na maari pang gamitin b. Hayaan lang ang lahat ng kalat sa bahay c. Magtanim ng halaman d. Itapon sa compost pit ang mga nabubulok na basura e. Magtapon ng kalat sa wastong basurahan
[illustration: outline of an open hand, to be traced on the answer paper]
E
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Isulat ang salitang SANG-AYON kung tama ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at salitang DI-SANG-AYON naman kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Itinatapon ni Cristy ang basura sa tamang lalagyan o basurahan.
- Sinusunog ni Larry tuwing umaga ang mga tuyong dahon at basura.
- Pinaghahalo-halo ni Jessy ang mga basura sa iisang lagayan.
- Nagre-recycle ng mga patapong bagay si Randy.
- Pinababayaan ni Jared na nakatambak ang mga basura sa kalsada kung hindi pa nakokolekta ng trak ng basura.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8
Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Pagkatapos, suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Kulayan ng pula ang hugis bilog sa hanay ng Nagawa Ko Na kung ang sitwasyon ay nagawa mo na at asul naman sa hanay ng Hindi Ko Pa Nagawa kung hindi mo pa nagagawa.
[transcriber’s note: the circles in the two answer columns are blank drawn circles for the learner to colour]
| Mga Sitwasyon | Nagawa Ko Na | Hindi Ko Pa Nagawa |
|---|---|---|
| 1. Ginagawang taniman ng mga halaman sa bakuran ang mga lumang boteng plastik. | ||
| 2. Pinaghihiwa-hiwalay ang basurang nabubulok at hindi nabubulok. | ||
| 3. Iniiwasang magsunog ng mga basurang papel, plastik, dahon at iba pa. | ||
| 4. Ginagawang kapaki-pakinabang ang mga lumang gamit na patapon na. | ||
| 5. Tinatakipan ang basurahan upang hindi langawin. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 9
Basahin ang bawat sitwasyon. Isulat ang salitang OO kung ginagawa mo ang isinasaad sa bawat bilang at salitang HINDI naman kung hindi mo ginagawa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Ginagawa kong lalagyan ng lapis at bolpen ang mga lumang kahon sa aming bahay.
- Ginagawa kong bagong laruan ang mga lumang kahon at lata.
- Sinisigurado ko na naitatapon ko ang lahat ng kalat na nakikita ko sa loob ng bahay.
- Ibinebenta ko ang naiipon kong bote, karton, at papel.
- Mula sa mga luma kong kuwaderno, nakabuo ako ng bagong sulatan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 10
Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Pagkatapos, suriin ang bawat sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha (☺) kung kasiya-siya ang ipinahahayag sa bawat sitwasyon at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
[transcriber’s note: the answer column is blank for the learner to draw a face in each row]
| Mga Sitwasyon | ☺ o ☹ |
|---|---|
| 1. May ginawang hukay sa inyong paaralan upang maging compost pit na tapunan ng mga basurang nabubulok. | |
| 2. Nagsusunog ng mga tuyong dahon ang iyong kapitbahay. | |
| 3. Mula sa patapong bagay, nag-iisip ka ng maaaring i-recycle. | |
| 4. Ang kapatid ng kalaro mo ay gumagawa ng laruan mula sa mga patapong bagay. | |
| 5. Inutusan ka ng iyong nanay na paghiwalayin ang mga basurang nabubulok sa hindi nabubulok. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 11
Iguhit ang hugis puso (♡) sa bawat bilang kung ang gawain ay wasto at hugis tatsulok (∆) naman kung hindi wasto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
- Pagsamahin sa basurahan ang lata at balat ng prutas at gulay.
- Gamiting muli ang bote ng shampoo bilang lalagyan ng pangkulay.
- Sunugin ang mga basurang hindi nadala ng trak ng basura.
- Palagiang pagsasagawa ng waste segregation sa mga tahanan.
- Malimit na pagtatapon ng basura sa mga kanal kapag puno na ang inyong basurahan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 12
Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumuwa ng isang kapaki-pakinabang na proyekto o gamit mula sa patapong bagay. Gawing gabay ang rubrik sa paggawa sa ibaba. Isaalang-alang ang pagkamalikhain at kaligtasan sa paggawa ng proyekto.
Bilang pangwakas masasabi mo na:
kalusugan kalat paghihiwalay
patapong bagay pagsusunog kalinisan
Rubrik para sa Paggawa ng Kapaki-pakinabang na Proyekto o Gamit
| Batayan | Mahusay na Mahusay (5 puntos) | Mahusay (4-3 puntos) | Hindi Mahusay (2-1 puntos) | Kabuuan |
|---|---|---|---|---|
| Pagkamalikhain (50%) | Nakakagawa ng Kapaki-pakinabang na Proyekto o Gamit sa pinakamalikhaing paraan | Nakakagawa ng Kapaki-pakinabang na Proyekto o Gamit sa malikhaing paraan | Hindi naipakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng Kapaki-pakinabang na Proyekto o Gamit | |
| Kabuuan at Kaayusan ng Ideya (50%) | Buo at maayos ang ideya ng ginawang Kapaki-pakinabang na Proyekto o Gamit | Maayos ngunit hindi gaanong buo ang ideya ng pagkakagawa ng Kapaki-pakinabang na Proyekto o Gamit | Hindi buo at walang kaayusan ang ginawang Kapaki-pakinabang na Proyekto o Gamit |
A
Bilang pangwakas masasabi mo na:
Makatutulong sa pagpapanatili ng (1) _____ at kaayusan ng kapaligiran kung alam at ginagawa ang tamang paraan ng (2) _____ ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok.
Maaari ring gawin ang pagre-recycle o paggamit muli ng mga (3) _____ na makatutulong upang mabawasan ang (4) _____. Hangga’t maaari iwasan ang (5) _____ ng mga basura na nakakasira ng kapaligiran at nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng bawat isa.
kalusugan kalat paghihiwalay
patapong bagay pagsusunog kalinisan
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated upside down; the answer blocks below are listed in the order they appear on the page, with their labels]
Weeks 1-2
Gawain sa Pagkatuto 1: 1. Tama 2. Mali 3. Tama 4. Tama 5. Mali
Gawain sa Pagkatuto 2: 1. M 2. DM 3. M 4. DM 5. M
Gawain sa Pagkatuto 3: ☺ 1. ☺ 2. ☹ 3. ☺ 4. ☹ 5.
Gawain sa Pagkatuto 4: 1. b 2. c 3. a 4. d 5. b
Gawain sa Pagkatuto 8: a c e
Weeks 3-4
Gawain sa Pagkatuto 1: 1. L 2. KS 3. A 4. KB 5. L
Gawain sa Pagkatuto #2: a c e f
Gawain sa Pagkatuto 3: 1. ✔ 2. x 3. ✔ 4. ✔ 5. x
Gawain sa Pagkatuto 4: 1. b 2. d 3. a 4. c 5. c
Week 5
Gawain sa Pagkatuto 1: 1. SANG-AYON 2. DI SANG-AYON 3. SANG-AYON 4. DI SANG-AYON 5. SANG-AYON
Gawain sa Pagkatuto 3: 1. HNK 2. NK 3. NK 4. HNK 5. HNK
Weeks 6-8
Gawain sa Pagkatuto 1: 1. T 2. T 3. M 4. M 5. T
Gawain sa Pagkatuto 2:
| Nabubulok | Di Nabubulok |
|---|---|
| Balat ng prutas | Bote |
| Itlog | Balat ng kendi |
| Karton | metal |
| Sirang pagkain |
Gawain sa Pagkatuto 6: a c d e
Gawain sa Pagkatuto 7: 1. SANG-AYON 2. DI SANG-AYON 3. DI SANG-AYON 4. SANG-AYON 5. DI SANG-AYON
Gawain sa Pagkatuto 10: ☺ 1. ☹ 2. ☺ 3. ☹ 4. ☺ 5.
Gawain sa Pagkatuto 11: ∆ 1. ♡ 2. ∆ 3. ♡ 4. ∆ 5.
PIVOT Assessment Card for Learners
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
☆ -Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ -Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? -Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ★, ✓, ?.
Sanggunian
Department of Education. 2016. “K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay Pangkurikulum.” lrmds.deped.gov.ph. Accessed April 2, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/5451.
Department of Education. 2020. Most Essential Learning Competencies in Edukasyon sa Pagpapakatao.
Department of Education. 2020. Revised MELC sa Edukasyon sa Pagpapakatao. RM 306, s. 2020 Corrigendum to the Enclosures in Regional Order No. 10, s. 2020, Re: Implementing Guidelines on the Implementation of MELC PIVOT 4A Budget of Work (BOW) in all Learning Areas for Key Stage 1 – 4.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply