This is the PIVOT 4A Learner’s Material for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP, values education), Grade 2, Quarter 3, published by DepEd Region 4A CALABARZON (Second Edition, 2021). It covers eight weeks of lessons on children’s rights, gratitude, thrift, cleanliness, and peace and order. Learners read short stories, a song, and a poem, then answer activities on their answer sheet, often with help from a parent or guardian.
On this page 6 sections
What learners will learn
By the end of the quarter, learners are expected to:
- Show ways of giving thanks for the rights they enjoy, such as studying well and saving things
- Identify the rights that their family gives them and express happiness and gratitude for them
- Use things wisely and carefully, such as water, energy, and food
- Identify community programs that keep the barangay and the country clean and orderly, and take part in them
- Show order and cleanliness in their own ways, starting with themselves
- Show love for order and peace at home, in school, and in the community
Lessons in this module
| Week | Lesson | What it covers |
|---|---|---|
| 1 | Pagpapasalamat sa mga Karapatang Tinatamasa (giving thanks for the rights we enjoy) | Ways to thank God, parents, and family for one’s rights |
| 2-3 | Pagtukoy sa mga Karapatang Tinatamasa (identifying the rights we enjoy) | The rights a family gives a child, and how to express joy and thanks for them |
| 4 | Paggamit nang Masinop sa Anumang Bagay (using things thriftily) | Saving water, electricity, and food, and taking care of belongings |
| 5 | Pakikibahagi sa Programa para sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan (joining programs that keep the community clean and orderly) | Why cleanliness matters and which barangay programs support it |
| 6-7 | Pagpapakita ng Kaayusan at Kapayapaan sa iba’t ibang Paraan (showing order and peace in different ways) | Personal cleanliness, helping at home and in the community, and recycle, reuse, reduce |
| 8 | Pagpapakita ng Pagmamahal sa Kaayusan at Kapayapaan (showing love for order and peace) | Obeying parents, house rules, curfew, traffic rules, and barangay ordinances |
Key ideas in the module
Rights and gratitude (Weeks 1 to 3)
In the story “Salamat sa Aking mga Karapatan” (thank you for my rights), Helen learns that her father works so she can study, eat healthy food, and grow up well. She promises to study hard, behave, and be respectful. The module lists five ways to give thanks:
- Praying every day
- Being kind and obedient to the family
- Studying well
- Helping with household chores
- Speaking respectfully
The Weeks 2-3 lesson explains that rights (karapatan) are given to every child so they can live happily, freely, and well. It lists ten rights a family gives, including the right to be born and have a name, to have a caring family, to get an education, to have enough food, clothing, and shelter, to be protected from harm, to play, and to express one’s own views. Learners also read the lyrics of the song “Bawat Bata” by Apo Hiking Society. The lesson reminds children to use their rights while respecting the rights of others.
Being thrifty (Week 4)
The story “Si Agatha Maaksaya” (wasteful Agatha) shows a girl who plays with running tap water and takes more food than she can finish. The module explains that being masinop means three things:
- Being frugal with water, energy, food, and other things at home, which helps parents cut costs
- Taking good care of toys, school supplies, and household items
- Keeping used things, like old clothes, that can still be used, given away, or turned into something useful
Cleanliness, order, and peace (Weeks 5 to 8)
A clean and orderly community looks better, prevents sickness, keeps people and animals safe, and keeps people disciplined. Learners look at programs such as Tapat Mo, Linis Mo, tree planting, waste management, feeding programs, and curfew. The poem “Kahit Ako ay Bata” (even though I am a child) lists small tasks children can do, like washing hands, watering plants, picking up litter, and following traffic rules. The module also defines:
- Recycle: using discarded things in a new way
- Reuse: using things many times before replacing them
- Reduce: avoiding things that harm the environment, such as plastic
The last lesson teaches that love for order and peace starts at home, by obeying parents and elders and following rules at home and in the community. Examples include crossing at the right lane, wearing a face mask outside, following curfew, and stopping siblings who fight.
How to use this module
- Learners: Work on one lesson per week as labeled. Read the story or text first, then do each Gawain sa Pagkatuto (learning activity) on your answer sheet. Finish each lesson by filling in the closing sentence using the words given. At the end, rate how you did on each activity with a star, a check, or a question mark in the Personal na Pagtatása (self-assessment) table.
- Parents and guardians: Many activities ask for your help, such as making a gratitude list, drawing a right your child enjoys, and checking which barangay programs exist in your area. In Weeks 6-7, an older family member rates the child’s chores and signs the checklist.
- Teachers: Several activities use rubrics with three levels (Mahusay, Maayos, Kailangan ng Pag-unlad), which you can use to check drawings and short stories. Note that the answer key printed in this file is for a different subject, so prepare your own answers for the EsP activities.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this EsP module for?
It is the PIVOT 4A Learner’s Material for Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 2, Quarter 3, from DepEd Region 4A CALABARZON.
What topics does the module cover?
It covers giving thanks for rights, identifying the rights a family gives a child, using things thriftily, keeping the community clean and orderly, and showing love for order and peace.
Does the module have an answer key?
The file includes a page titled Susi sa Pagwawasto, but its answers are for lessons from a different subject, such as Pangngalan and Mga Salitang Magkakatugma. Teachers and parents should check the EsP answers themselves.
What does masinop mean in this module?
Masinop means being thrifty and careful: saving water, energy, and food, taking care of belongings, and keeping used things that can still be used or given away.
What are recycle, reuse, and reduce?
Recycle means using discarded things in a new way, reuse means using things many times before replacing them, and reduce means avoiding things that harm the environment, such as plastic.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
PIVOT 4A LEARNER’S MATERIAL
GRADE 2 – EsP
QUARTER 3
[illustration: cartoon children studying, reading, playing with blocks, and playing a xylophone, with a television showing number patterns]
DepEd CALABARZON Curriculum and Learning Management Division
PAG-AARI NG PAMAHALAAN Hindi Ipinagbibili
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitahan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Ang modyul na ito ay masusing sinuri at nirebisa ayon sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa karapatang pampagkatuto.
Mga Tagasuri
Edukasyon sa Pagpapakato
Ikalawang Baitang
Job S. Zape, Jr. PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead
Shenandoah T. Kwek Content Creator & Writer
Philips T. Monterola & Philip D. Cruz Internal Reviewer & Editor
Lhovie A. Cauilan, Jael Faith T. Ledesma, Jayson K. Latade & Michelle Anne V. Medillo Layout Artist & Illustrators
Jeewel L. Cabriga, Alvin G. Alejandro & Melanie Mae N. Moreno Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas IT & Logistics
Kirt John C. Segui, Komisyon sa Wikang Filipino External Reviewer & Language Editor
Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON Patnugot: Francis Cesar B. Bringas
PIVOT 4A Learner’s Material Ikatlong Markahan Ikalawang Edisyon, 2021
[illustration: title page showing the heading “Edukasyon sa Pagpapakato” with the subtitle “Ikalawang Baitang”; the same credits and publisher lines appear below]
WEEK 1
Aralín
Pagpapasalamat sa mga Karapatang Tinatamasa
Bilang isang batang Filipino, marami kang karapatang tinatamasa. Mula sa iyong pamilya, sa iyong mga kaibigan, at sa lahat ng taong nasa iyong paligid.
Ngayon, malalaman mo sa araling ito kung paano mo maipakikita ang mga paraan ng pagpapasalamat sa anumang karapatang tinatamasa mo tulad ng pag-aaral nang mabuti at pagtitipid sa anumang kagamitan.
[illustration: four black-and-white panels: a child studying on the floor with books; a teacher pointing at a board to students; two children playing with blocks; a child eating a salad, with an apple and a watermelon slice nearby]
Katulad ng nasa larawan, iba’t ibang karapatan ang tinatamasa ng mga batang tulad mo. Narito ang pagkakaroon ng karapatang makapag-aral nang mabuti, pagkakaroon ng iba’t ibang kagamitan, at marami pang iba. Ang mga karapatang ito ay kinakailangang ipagpasalamat una ay sa Diyos at pangalawa ay sa lahat ng tao sa iyong paligid.
Nararapat magpasalamat upang maipakita ang pagiging masaya sa bawat karapatan na tinatamasa. Ikaw? Marunong ka bang magpasalamat? Paano ka magpasalamat? Basahin mo ang kuwento ni Helen tungkol sa pagpapasalamat sa iyong mga karapatan.
Halina’t basahin ang kuwento tungkol sa pagpapakita ng mga paraan ng pagpapasalamat sa anumang karapatang tinatamasa.
Salamat sa Aking mga Karapatan
ni Shenandoah T. Kwek
[illustration: three children standing together, one holding a basket]
Isang umaga, pagkagising ni Helen ay nakita niya ang kaniyang Tatay Oca na papasok sa trabaho. Pag-alis ng kaniyang tatay, tinanong niya ang kaniyang Nanay Remy, ” ‘Nay, bakit po kailangang magtrabaho ni Tatay?” Nakangiting sumagot si Nanay Remy, “Siyempre anak, kailangang magtrabaho ni Tatay upang maibigay sa iyo lahat ng iyong mga pangangailangan. Gusto namin na ikaw ay makapag-aral, makakain ng masusustansiyang pagkain, at lumaki nang maayos.”
Niyakap ni Helen nang mahigpit ang kaniyang nanay at sinabi, “Napakaswerte ko po pala! Maraming salamat po sa inyo! Bilang pasasalamat ko po, mag-aaral po ako nang mabuti. Ako rin po ay laging magpapakabait. Magiging magalang rin po ako.” Tuwang-tuwa si Nanay Remy sa sinabi ni Helen.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1
Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan batay sa kuwento na iyong binasa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Saan papunta si Tatay Oca ayon sa kuwento? _____
- Bakit kailangang magtrabaho ni Tatay Oca? _____
- Anong mabuting pag-uugali ang natutuhan mo kay Helen? _____
[illustration: a family with parents and children sitting at a table with hands folded in prayer]
Napakahusay! Mahalagang magpasalamat sa mga karapatang iyong tinatamasa. Kapag ikaw ay nagpapasalamat, mahalagang gawin mo ito nang may kasiyahan at pagmamahal. Pero, kanino ka ba dapat magpasalamat?
Dapat magpasalamat ka sa iyong mga magulang, sa lahat ng kasapi ng iyong pamilya, at sa lahat ng tao na nagbibigay sa iyo ng anumang karapatan. Higit sa lahat, ikaw ay magpasalamat sa Poong Maykapal na maygawa ng lahat.
Maraming paraan upang makapagpasalamat sa kanila, tulad ng sinabi ni Helen sa kuwento. Sa mga paraang ito, maipakikita mo kung gaano kahalaga ang mga karapatan na iyong tinatamasa. Maipakikita mo din kung gaano ka kasaya sa pagtatamasa ng mga karapatang ito. Ang pagpapasalamat ay isang magandang pag-uugali na dapat mong ginagawa sa araw-araw.
Halina’t isa-isang linangin ang mga sumusunod na paraan ng pagpapasalamat para sa mga karapatang tinatamasa ng mga batang tulad mo.
- Pagdadasal araw-araw sa Poong Maykapal
- Pagiging mabait at masunurin sa pamilya
- Pag-aaral nang mabuti
- Pagtulong sa mga gawaing bahay
- Pagiging magalang sa pakikipag-usap
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2
Pumili ng isa sa mga paraan ng pasasalamat na nabanggit sa itaas. Isulat ito bilang pasasalamat sa iyong pamilya para sa mga karapatang iyong tinatamasa. Gawing gabay ang pahayag na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Nagpapasalamat ako sa aking pamilya sa pamamagitan ng _____
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3
Sa tulong ng iyong magulang o guardian, lumikha ng sariling talaan kung paano mo maipakikita ang pasasalamat sa mga karapatang iyong tinatamasa. Gawing makulay ang iyong talaan sa pamamagitan ng pagguhit at pagkukulay ng mga disenyong angkop sa paksa. Gamitin bilang gabay ang mga pamantayan ng kasanayan na nakasaad sa ibaba.
| Pamantayan ng Kasanayan Ang gawa ay: | Mahusay | Maayos | Kailangan ng Pag-unlad |
|---|---|---|---|
| 1. nakapagpapakita ng pasasalamat tungkol sa mga karapatang tinatamasa. | |||
| 2. nakapagbibigay nang maganda at malinaw na mensahe. | |||
| 3. nakapagpapakita nang pagkamalikhain. |
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Ang _____ sa mga _____ tinatamasa ay mahalagang _____ na dapat kong ginagawa.
karapatang pagpapasalamat pag-uugali
Pagtukoy sa mga Karapatang Tinatamasa
WEEKS 2-3
Aralín
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa pagpapakita ng mga paraan ng pagpapasalamat sa anumang karapatang iyong tinatamasa.
Ngayon, sa araling ito, inaasahang matutukoy mo ang iba’t ibang bagay na ibinibigay sa iyo ng iyong pamilya bilang karapatan na dapat mong tinatamasa. Dito din ay bibigyan ka ng pagkakataong makapagpahayag ng kasiyahan at makapagbahagi ng pasasalamat sa pamamagitan ng kuwento.
Tingnan mo ang mga larawan sa ibaba. Ano-ano ang mga nakikita mo? Ang mga ito ba ay nagpapakita ng mga karapatan ng isang batang tulad mo?
[illustration: four black-and-white panels: a woman helping a boy with his work at a table; a girl with her hands clasped in prayer before a plate of food; a family of several people seated together on a sofa; a boy playing volleyball]
Ang tawag sa mga ibinibigay sa bawat bata sa mga larawan ay tinatawag na KARAPATAN. Alam mo ba na ang isang batang katulad mo ay may mga karapatan? Ang mga ito ay ibinibigay sa iyo upang ikaw ay mabuhay nang masaya, malaya, at maayos sa mundo. Dahil ikaw ay mahalaga, marami sa mga karapatang ito ay tinatamasa mo simula ng ikaw ay isilang.
Bilang bata, ikaw ay binibigyan ng karapatan na kakailanganin mo habang ikaw ay lumalaki. Marami sa mga karapatan mo ay ibinibigay sa iyo ng iyong pamilya. Alam mo ba kung ano-ano ang mga ito?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Balikan mo ang mga larawan sa pahina 6. Sa tulong ng iyong magulang o guardian, kompletuhin mo ang mga salita sa ibaba. Isulat mo ang sagot sa iyong sagutang papel.
- karapatang m __ k a __ a g—a __ a l
- karapatang m __ b u h __ y nang maayos at masaya
- karapatang u m u __ l __ d
- karapatang m a p __ o t e k ta __ a n
- karapatang m a __a p a g l ___r o at makapaglibang
- karapatang makapagpahayag ng sariling p a __ a n a __
Magaling! Ilan lamang ang mga iyan sa iyong mga karapatan. Masuwerte ka dahil ginagawa ng iyong pamilya ang lahat upang matamasa mo ang iyong mga karapatan.
Ikaw ay binibigyan ng pagkakataon na makapag-aral at matuto, mabuhay nang maayos at masaya, umunlad sa maraming bagay, protektahan sa lahat ng bagay na maaaring makasakit sa iyo.
Binibigyan ka rin nila ng kalayaan na makapaglaro at magkapaglibang kasama ang iyong mga kaibigan at maipahayag ang iyong saloobin sa magalang at maayos na mga paraan.
Basahin mo ang mga salita sa kantang “BAWAT BATA” na inawit ng Apo Hiking Society. Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng kanta?
I Ang bawat bata sa ating mundo Ay may pangalan may karapatan Tumatanda ngunit bata pa rin Ang bawat tao sa ating mundo
II Hayaan mong maglaro ang bata sa araw Kapag umulan nama’y nagtatampisaw Mahirap man o maykaya Maputi, kayumanggi At kahit anumang uri ka pa Sa ‘yo ang mundo ‘pag bata ka
III Bawat nilikha sa mundo’y Minamahal ng Panginoon Ang bawat bata’y may pangalan May karapatan sa ating mundo
IV
O kayganda ng kanta ‘di ba? Mahalagang malaman mo na bawat isa sa atin ay may karapatan na dapat nating tinatamasa. Anong nararamdaman mo ngayong alam mo na ang iyong mga karapatan? Masaya ka ba?
Para mas maintindihan mo kung gaano kaganda ang mga karapatang ito, narito ang ilan pa sa mga karapatang ibinibigay sa iyo ng iyong pamilya.
Alin sa mga karapatang ito ang masaya mong tinatamasa? Mapalad ka dahil ikaw ay nabibigyan ng ganitong mga karapatan. Lahat ng ito ay dapat na naibibigay sa iyo dahil ang bawat isa ay
MGA KARAPATANG IBINIBIGAY NG ISANG PAMILYA
- Maisilang at magkaroon ng pangalan.
- Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga.
- Mabigyan ng sapat na edukasyon.
- Magkaroon ng sapat na pagkain, damit, at tirahan.
- Magkaroon ng malusog at aktibong katawan.
- Maturuan ng mabuting-asal at kaugalian.
- Mabigyan ng proteksiyon laban sa kahit na anong panganib, sakit, o anumang bagay na makakasakit.
- Manirahan sa isang payapa at tahimik na pamayanan.
- Makapagpahayag ng sariling pananaw.
- Mapaunlad ang kasanayan.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Ipakita mo ang iyong kasiyahan sa pagkakaroon ng karapatan. Gumuhit ng masayang mukha sa loob ng hugis bilog. Kulayan ito ng paborito mong kulay. Pagkatapos, kompletuhin ang pangungusap sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
[illustration: empty circle for drawing a happy face]
Ako ay _________________________________________ dahil ako ay may mga ____________________________________________________ tinatamasa.
Mahusay! Nakatutuwang malaman na ngayon ay alam mo na ikaw ay maraming karapatan bilang isang bata. Nararapat lamang na ikaw ay maging masaya dahil ito ay nagpapatunay na ikaw ay mahalaga at pinangangalagaan ng ating lipunan. Kaya dapat din na gamitin mo ang iyong mga karapatan para sa ikabubuti at ikauunlad mo.
Pangalagaan mo at gamitin ang iyong mga karapatan nang may pagsasaalang-alang din sa karapatan ng iba. Lagi mong iisipin na sa paggamit mo ng iyong karapatan, dapat ay iginagalang mo rin ang karapatan ng ibang tao sa pamamagitan ng pagpapasalamat.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3: Tukuyin ang mga karapatang maaaring ibigay ng isang mag-anak na tinutukoy sa bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- _____ Sinusuportahan ni Nanay Cora si Ela sa mga pangangailangan niya sa paaralan.
- _____ Masayang nakipaglaro si Anton sa kaniyang mga kaibigan.
- _____ Ginabayan ni Kuya Harold si Ana sa pagtawid sa kalsada.
- _____ Tinuruan ni Lola Imang si Peter kung paano mag-ipon.
- _____ Sinabi ni Clare na mas gusto niya ang gatas kaysa sa kape.
a. Makapaglaro b. Maprotektahan c. Magpahayag ng sariling pananaw d. Umunlad e. Makapag-aral
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4: Gumuhit ng hugis puso na katulad ng nasa ibaba. Suriin ang mga karapatang nakatala sa ibaba kung iyong tinatamasa. Pagkatapos, isulat sa loob ng puso kung paano mo naipahahayag ang kasiyahan sa pagkakaroon ng mga karapatang ito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
- Nakapag-aaral
- Nakapaglalaro
- Nakakakain ng masustansiyang pagkain
- Nakapagsusuot ng maayos na damit
- May mapagmahal na pamilya
- Mayroong nag-aalaga at gumagabay
- Mayroong mabait at mapagmahal na magulang at mga kapatid
[illustration: outline of a heart to be drawn for Gawain 4]
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5: Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Lagyan ng tsek (✓) kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawain sa ibaba bilang pagpapahayag ng iyong pasasalamat sa iyong pamilya sa pagkakaroon mo ng iba’t ibang karapatan.
| Gawain | Madalas | Minsan | Hindi |
|---|---|---|---|
| 1. Tinutulungan ko ang aking nanay at tatay sa mga gawaing bahay. | |||
| 2. Nag-aaral ako nang mabuti. | |||
| 3. Sumasagot ako nang magalang sa mga | |||
| 4. Kumakain ako nang maayos. |
[transcriber’s note: table continued from the previous page]
| Gawain | Madalas | Minsan | Hindi |
|---|---|---|---|
| 5. Inaalagaan ko ang mga gamit at laruang ibinibigay sa akin. | |||
| 6. Ginagamit ko nang matipid ang tubig at koryente sa aming bahay. | |||
| 7. Minamahal ko ang aking mga kalaro | |||
| 8. Iginagalang ko ang aking mga kapatid. |
Gawain sa Pagkatuto Bílang 6: Sa tulong ng iyong magulang o guardian, gumuhit o gumupit ng larawan ng isang karapatan na masaya mong tinatamasa ngayon. Pagkatapos, sumulat ng isang maikling kuwento na nagbabahagi ng iyong pasasalamat sa pagkakaroon ng ganitong karapatan. Gawing gabay ang mga pamantayan sa ibaba. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
| Pamantayan ng Kasanayan Ang gawa ay nagtataglay ng: | Mahusay | Maayos | Kailangan ng Pag-unlad |
|---|---|---|---|
| 1. masusi at maayos na kuwento ng pasasalamat | |||
| 2. maganda at malinaw na mensahe | |||
| 3. mahusay at malikhaing awtput |
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Ako ay bata. Ako ay may mga _____________________________ na
masaya · karapatan · tinatamasa · matupad
Week 4
Paggamit nang Masinop sa Anumang Bagay
Aralín
Natutuhan mo sa nakaraang aralín ang pagtukoy sa mga karapatang maaaring ibigay ng isang mag-anak at kung paano maipahahayag ang pasasalamat sa pagtatamasa ng iba’t ibang uri ng karapatan.
Sa pagkakataong ito, inaasahang ikaw ay matututo ng paggamit nang masinop sa anumang bagay tulad ng tubig, enerhiya, pagkain, at iba pa.
Masdan mo ang larawan sa ibaba. Sila ba ay nagpapakita ng pagiging masinop?
[illustration: four panels: a girl washing dishes at a table; a boy turning off a light switch by a door; a boy filling a container at a water tap outdoors; a woman pushing a shopping cart while a child stands beside her at a store entrance]
Ang bawat larawan ay nagpapakita ng pagiging masinop. Ito ay isa sa mga magagandang kaugalian na dapat matutuhan ng isang batang katulad mo. Ito ay makatutulong hindi lamang sa iyong mga magulang upang makapagtitipid, kung hindi pati na rin sa ating kapaligiran. Ito din ay makatutulong upang maalagaan at mapanatiling maganda at maayos ang kalikasan.
Alam mo ba ang ibig sabihin ng pagiging masinop? Paano nga ba maging masinop? Halika at alamin sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.
Ito si Agatha. Sa labas ng kanilang bahay, siya ay masayang naglalaro ng tubig sa gripo. Mag-iisang oras nang nakabukas ang gripo at patuloy lamang ang pagsalok niya ng tubig gamit ang kaniyang maliit na tabo. Isinasalin niya ito sa maliit na lalagyan.
Maya-maya pa ay nakita siya ng kaniyang Nanay, “Agatha! Isara mo ang gripo! Huwag ka magaksaya ng tubig!” “Mamaya na ‘Nay!” sagot ni Agatha. “Marami naman po tayong tubig ‘di ba?”. Sumagot ang kaniyang nanay, “Anak, hindi magandang nag-aaksaya ng tubig. Tigilan mo na ‘yan at kakain na tayo.”
Ang ibig sabihin ng pagiging masinop ay pagiging matipid sa mga bagay na iyong ginagamit. Ang pagtitipid sa mga gamit tulad ng tubig, enerhiya, pagkain, at iba pang kagamitan sa bahay ay makatutulong sa iyong nanay at tatay na mabawasan ang kanilang gastusin.
Isa pang ibig sabihin ng pagiging masinop ay ang pagiging maingat sa mga gamit na mayroon ka, katulad ng mga laruan, gamit sa paaralan, at gamit sa inyong bahay.
Panghuli, ang pagiging masinop ay pagtitipon ng mga kagamitan na maaari pang mapakinabangan muli. Anumang bagay na pinaglumaan, katulad ng damit, ay hindi dapat basta–bastang itatapon kung maaari pa itong magamit, ipamigay, o gamitin sa iba pang bagay para mas maging kapaki-pakinabang.
[illustration: a girl and a boy at a table with papers and bottles; speech bubble reads “Kuya, i-recycle po natin”]
Si Agatha Maaksaya
ni Shenandoah T. Kwek
[illustration: girl at a sink with a tap running water onto the floor, holding a small cup]
Malungkot na isinara ni Agatha ang gripo ng tubig at dali-daling pumasok sa kanilang bahay.
Pagkatapos niyang magpunas ng kamay, umupo na siya upang mananghalian. Sa gutom niya ay kumuha siya ng napakaraming pagkain. “Mauubos mo ba ‘yan?” tanong ng tatay niya. “Hindi magandang nag-aaksaya ng pagkain, anak.” Napaisip si Agatha.
[illustration: a girl eating at a table, with a plate of food, a glass of water, and a bowl of fruit]
Madalas nga niyang hindi maubos ang pagkain na kaniyang kinukuha kaya ito ay nasasayang. Muli siyang tumayo at ibinalik ang pagkain na sa tingin niya ay hindi niya mauubos. “Pasensiya na po, tatay. Kukuha na lang po ako ng pagkain na kaya kong ubusin.” “Ganiyan nga, anak”, wika ng tatay. “Mahalaga ang pagiging masinop sa lahat ng bagay na ating ginagamit, tulad ng tubig, koryente at pagkain. Hindi natin dapat ito inaaksaya. Dapat tayo ay maging matipid at maingat sa lahat ng bagay na mayroon tayo.”
Matapos maibalik ang labis na kinuhang pagkain, masayang nananghalian ang mag-anak.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa kuwentong iyong binasa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
Anong ugali ang ipinakita ni Agatha sa kuwento?
a. Pagiging masinop b. Pagiging mapagbigay
c. Pagiging maaksaya d. Pagiging matulunginTama bang mag-aksaya ng tubig at pagkain?
a. Opo, dahil ito ay nagpasaya sa kaniya.
b. Opo, dahil marami naman silang tubig at pagkain.
c. Hindi po, dahil ito po ay masasayang.
d. Hindi po, dahil siya ay pagagalitan.Anong pag-uugali ang dapat na matutunan ni Agatha?
a. Pagiging mapagbigay b. Pagiging matulunginKung ikaw si Agatha, paano ka magiging masinop?
a. Hindi ako mag-aaksaya ng tubig at pagkain.
b. Itatapon ko ang malinis na tubig sa kalsada.
c. Hindi ko uubusin ang kinuha kong pagkain.
d. Hindi na lang ako gagamit ng tubig at pagkain.Ayon kay Tatay, paano mo maipakikita ang pagiging masinop?
a. Sa pamamagitan ng paglalaro ng tubig at iba pang gamit.
b. Sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iingat sa gamit.
c. Sa pamamagitan ng pagtatapon ng pagkain na hindi maubos.
d. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga bagay na hindi sa iyo.
Magaling! Ang pagiging masinop ay hindi lamang sa pagtitipid sa mga bagay na ginagamit sa bahay kundi ang pag-iingat din sa mga ito. Katulad ng natutuhan mo sa kuwento ni Agatha, mahalaga na hindi mo inaaksaya ang tubig, pagkain, at anumang ginagamit ninyo sa inyong bahay.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2
Kopyahin ang talaan sa iyong sagutang papel. Lagyan ng tsek (✔) kung gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawain sa ibaba na nagpapakita ng pagiging masinop.
| Gawain | Madalas | Minsan | Hindi |
|---|---|---|---|
| 1. Isinasara ko ang gripo kapag puno na ang balde tuwing ako ay naliligo. | |||
| 2. Inuubos ko ang pagkaing nasa aking pinggan. | |||
| 3. Pinapatay ko ang sindi ng ilaw sa bahay kapag hindi naman ito kailangan. | |||
| 4. Iniipon ko ang perang ibinibigay sa akin nina nanay at tatay. | |||
| 5. Ginagawa kong kapakipakinabang ang mga patapong bagay |
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3
Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, gumuhit ng larawan ng isang halimbawa kung paano mo magagamit ang pagiging masinop sa anumang bagay na mayroon sa inyong tahanan. Gawin gabay ang mga pamantayan sa ibaba. Iguhit ang larawan sa iyong sagutang papel.
| Pamantayan ng Kasanayan: Ang gawa ay nagtataglay ng… | Mahusay | Maayos | Kailangan ng Pag-unlad |
|---|---|---|---|
| 1. maganda at malinaw na mensahe ng pagiging masinop. | |||
| 2. masusing pamamaraan ng pagguhit. | |||
| 3. mahusay at malikhaing awtput. |
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Ako ay batang _____________. Ako ay marunong _______________, mag ipon, at _________________ ng aking mga kagamitan. Ito ay magandang _____________ na aking natutuhan.
masinop magtipid mag-ingat
magalang pag-uugali
WEEK 5
Aralín I
Pakikibahagi sa Programa para sa Pagpapanatili ng Kalinisan at Kaayusan
Sa nakaraang aralin ay iyong natutuhan kung paano maging masinop sa lahat ng bagay na ating ginagamit sa loob at labas ng ating bahay.
Ngayon naman, ating pag-aaralan ang tungkol sa kalinisan at kaayusan sa ating bahay at pamayanan. Sa araling ito ay matutukoy mo ang iba’t ibang programa ng pamayanan na makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan at bansa. Inaasahang ikaw ay makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lahat ng oras. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang kanilang ginagawa?
[illustration: four panels: a boy sweeping leaves in a yard; a boy dropping trash into a bin; a child being washed in a basin; a woman and child crossing the street at a crosswalk with a traffic light]
Ginagawa mo din ba ang mga gawaing ipinakikita sa mga larawan? Ang batang tumutulong upang maging malinis at maayos ang ating pamayanan ay totoong pag-asa ng ating bayan.
Ang bawat isa sa atin ay may mahalagang reponsibilidad upang panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa ating pamayanan. At kahit na ikaw ay bata pa, marami kang magagawa at maitutulong upang makamit natin ang mga layuning ito. Pero bakit nga ba natin kailangan ang maayos at malinis na pamayanan?
Tama ka! May pagkakaiba nga ang dalawang larawan. Sa iyong palagay, aling larawan ang nagpakita ng kalinisan at kaayusan?
Isipin mo, ano kaya ang magiging itsura ng ating mundo kung walang nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan nito? Hindi maganda, ‘di ba? Mahalaga ang kalinisan at kaayusan sa ating pamayanan dahil:
- Magiging mas maganda at kaaya-ayang tingnan ang ating paligid.
- Maiiwasan ang pagkakasakit ng mga tao.
- Mas magiging ligtas ang ating lugar, ang mga tao, at hayop.
- Mapananatili ang disiplina ng mga tao.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1
Masdan ang dalawang larawan sa ibaba. May pagkakaiba ba sila? Sa tulong at gabay ng iyong magulang o guardian, tukuyin ang pagkakaiba ng larawan A sa larawan B. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
A. [illustration: a child standing in a yard with chickens, scattered trash, and a barrel and plants] “Bahala na d’yan si nanay.”
B. [illustration: a woman in a long dress sweeping the yard with a broom, with chickens and plants] “Anak, nasaan ka? Bakit mo ito iniwan?”
O ‘di ba? Pinananatili natin ang kalinisan para sa ikabubuti nating lahat. Mas magiging maganda ang ating mundo kung lahat tayo ay nagtutulungan sa paglilinis at pag-aayos nito. At ang lahat ng ito ay tungkulin at pananagutan ng bawat isa sa atin.
Basahin at unawain ang diyalogo.
Sabado ng umaga. Nagdidilig ng halaman si Ryan sa kanilang bakuran nang dumating si Rodel sa kanilang bahay.
[illustration: two panels of two boys in a yard with plants; one boy waters the plants with a watering can, the other carries a broom]
Panel 1: “Hi Rodel! Hahaha oo nga eh! Mahalaga kasing dinidiligan ang mga halaman sa umaga, at saka ito ang isa sa mga tungkulin ko dito sa bahay.” “Uy Ryan! Magandang Umaga! Ang sipag mo ah!”
Panel 2: “Ah ganoon ba? Oo naman! O heto!” “Naku, ako rin. May tungkulin din para maging malinis at maayos ang aming bahay. Kaya nga ako nagpunta rito para manghiram sana ng walis tingting. P’wede ba? Hehehe” “Walang anuman.” “Salamat, Ryan. Maglilinis na’ko.”
Ganiyan ka rin ba sa inyong bahay? Isang magandang pag-uugali ang pagtulong sa paglilinis at pag-aayos ng inyong bahay. Ang pagtulong kina nanay at tatay sa mga gawaing bahay ay talagang napakahalaga at seguradong ikasasaya nila. Ngunit, huwag mo ring kalilimutan na ikaw ay mayroong responsibilidad na tumulong sa paglilinis at pagsasaayos ng inyong pamayanan.
Siguradong maraming programa ang inyong barangay at bayan. Alam mo ba kung ano-ano ang mga ito?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2
Sa tulong ng iyong magulang o guardian, piliin ang mga programa sa ibaba na ipinatutupad sa inyong barangay o bayan. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
[chart: mind map; Programa para Kalinisan at (center node)]
- Tapat Mo, Linis Mo
- Free Medical Check up
- Tree Planting
- Pagroronda ng mga tanod tuwing
- Barangay Health
- Pagpapatupad ng Curfew
- Waste Management Reduction
- Feeding Programs
Magaling! Dahil sa mga programang ito, mas nagiging madali ang pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa inyong lugar. Ngunit hindi ito magiging posible kung hindi magtutulungan ang bawat tao na nakatira dito.
Kailangan ang iyong aktibong pakikibahagi sa mga programang ito. Dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya upang magkaroon din ng kaayusan at kalinisan sa inyong mga sariling bahay at bakuran.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 3
Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng mga gawain na makapagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa pamayanan, at MALI kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel.
____ 1. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan. ____ 2. Hindi pagsunod sa mga babala sa kalsada. ____ 3. Pagpuputol ng mga halaman sa paligid. ____ 4. Paglilinis ng bakuran araw-araw. ____ 5. Pagkakalat sa kalsada.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 5
Iguhit ang hugis ng iyong kamay sa iyong sagutang papel. Sa loob ng iginuhit mong kamay, isulat ang iyong pangako na ikaw ay tutulong sa paglilinis at pag-aayos ng inyong bahay at pamayanan.
Halimbawa:
[photo: a hand traced with a black marker, showing the outline of the fingers]
[illustration: outline of a hand with the text inside: “Ako ay / nangangakong / _______ / _________________ / _________________”]
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Ang _________________ at _______________________ ay isang palatandaan ng _________________ sa ating pamayanan.
pagmamahal kalinisan kaayusan kagandahan
Aralín I
Pagpapakita ng Kaayusan at Kapayapaan sa iba’t ibang Paraan
Sa nakaraang aralin ay iyong napag-aralan ang halaga ng kalinisan at kaayusan sa isang pamayanan. Natutuhan mo ang iba’t ibang programa ng iyong barangay na tutulong sa pagkamit nito sa inyong lugar. Ngayon naman, ating mas palalawakin ang iyong kaalaman sa kung paano mo pa maipakikita ang kaayusan at kalinisan sa paraang kaya mo. Masdan ang mga larawan sa ibaba.
[illustration: a child showering]
[illustration: a boy sorting items into three bins]
[illustration: a child brushing his teeth]
[illustration: a boy holding a paper at a desk with a backpack]
Anong ginagawa ng mga bata sa larawan? Ginagawa mo rin ba ito?
Ang pag-aalaga at pagiging malinis sa kapaligiran ay lagi munang mag-uumpisa sa pagiging malinis at maayos sa sarili. Ang pagiging malinis sa katawan, pagiging maayos sa mga gamit, at pag-aalaga sa ating kalusugan ay malaki ang maitutulong upang tayo ay magkaroon ng malinis at maayos na pamayanan.
Bago ka makatulong sa paglilinis at pagsasaayos ng ating paligid, mahalaga din na magsimula ka muna sa iyong sarili. May kasabihan na,
“Ang batang malinis sa katawan ay malayo sa karamdaman.”
Ang kalinisan at kaayusan sa iyong katawan at gamit ay hindi mo dapat na nakalilimutan. Kapag malinis ka at maayos sa iyong katawan at gamit, malalayo ka sa mga sakit o karamdaman. Ito rin ay iyong madadala at maipakikita saan ka man magpunta.
Malinis at maayos ka ba sa iyong katawan at kagamitan?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 1
Lagyan ng tsek (✔) ang pangungusap na nagpapakita ng pagiging malinis sa sarili at sa gamit. Isulat mo ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
____1. Naliligo ako araw–araw.
____2. Ako ay nagsesepilyo dalawang beses sa isang araw.
____3. Maayos kong sinusuklay ang aking buhok.
____4. Inaayos ko ang aking higaan pagkagising sa umaga.
____5. Inililigpit ko ang aking mga laruan pagkatapos ko itong gamitin.
Lahat ba ng ito ay iyong nagagawa? Ang iyong kalinisan sa sarili ay naipakikita kung paano mo linisin at ayusin ang mga bagay sa iyong paligid.
Ano–ano kaya ang maaaring gawin ng isang batang tulad mo upang makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa inyong bahay, at mga kalapit na lugar?
Gawain sa Pagkatuto Bílang 2
Kopyahin ang mga kataga sa tula na nagsasaad ng iba’t ibang paraan na maaari mong gawin upang makatulong na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa iyong pamayanan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
KAHIT AKO AY BATA
Shenandoah T. Kwek
Kahit ako ay bata at ako ay maliit pa
sa aking pamayanan, ako ay mahalaga
Maliliit man na gawain ay makatutulong
Upang kalinisan at kaayusan ay aking maisulong.
Paghuhugas ng kamay bago kumain
Halaman sa bakuran aking didiligin
Kalat sa paligid aking pupulutin
At dumi sa ‘ming bahay ay lilinisin.
Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan
Pagliligpit at pagtatanim ng mga halaman
Pagsunod sa batas-trapiko ay ‘di kalilimutan
Para sa isang malinis at maayos na pamayanan.
Alin sa mga paraang ito ang iyong ginagawa?
[illustration: children cleaning and tending plants in a town plaza]
[illustration: a girl and a boy cleaning a room]
[illustration: a girl throwing trash into bins labeled with recycling symbols]
Napakahusay mo! Gaya ng sabi sa tula, hindi mahalaga na ikaw ay maliit at bata pa. Ang mahalaga ay ginagawa mo ang iyong makakaya upang makatulong sa ating pamayanan. Ang kalinisan at kaayusan ay makakamit lamang kung ang bawat isa sa atin ay handang sumunod at tumulong ng may pagmamahal.
Isa sa mga maaari mong gawin upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa ating pamayanan ay ang pagtatapon nang wasto ng iyong mga basura sa tamang basurahan. Lahat tayo ay hinihikayat na mag-RECYCLE, REUSE, at REDUCE.
[illustration: a plastic bin overflowing with bottles and cans, labeled PLASTIC]
Recycle
Paggamit ng mga bagay na patapon na sa panibagong paraan.
Reuse
Paggamit ng mga bagay nang maraming beses bago ito palitan.
[illustration: a hand putting an item into a bin]
Reduce
Ang pag-iwas sa paggamit ng mga bagay na hindi maganda sa kapaligiran katulad ng plastic.
[illustration: a hand dropping a plastic bottle into a bin]
Madali lang ‘di ba? Seguradong kayang–kaya mo itong gawin! Kung lahat tayo ay gagawin ito, magiging napakalinis at napakaayos, hindi lamang ang ating paligid, kung hindi ang buong mundo.
Gawain sa Pagkatuto Bílang 4
Pag–aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang letra ng larawang nagpapakita ng pagpapanatili ng kalinisan at kayusan sa pamayanan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Kumain ka ng saging. Ano ang dapat mong gawin sa balat nito?
a. A. [illustration: a boy putting a banana peel into a recycling bin]
b. B. [illustration: a boy dropping a banana peel on the ground]Nakita mong tumatawid ang kaibigan mo sa hindi tamang tawiran. Ano ang dapat mong gawin?
a. A. [illustration: two children talking to each other]
b. B. [illustration: two boys pushing each other]Nagtanim ng mga rosas ang nanay mo sa inyong bakuran. Ano ang dapat mong gawin?
a. A. [illustration: a boy watering plants with a watering can]
b. B. [illustration: a girl picking tulips; sign reads “No picking of flowers!”]Nakita mong nagsusulat sa pader ang iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
a. A. [illustration: a girl pointing angrily at a younger girl]
b. B. [illustration: a girl and her mother smiling at each other]May nakita kang kalat sa labas ng inyong bakuran. Ano ang dapat mong gawin?
a. A. [illustration: a boy sweeping leaves in front of a fence]
b. B. [illustration: a boy standing near scattered trash]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Kopyahin ang talaan sa ibaba sa sagutang papel. Pumili ng isang nakatatandang kasapi ng pamilya upang suriin kung napapanatili mo ang kaayusan at kalinisan sa inyong bahay.
Tagubilin sa Gabay: Lagyan ng tsek (✔) kung paano naisagawa ang mga sitwasyon. Pagkatapos ay isulat ang pangalan at lagda.
| Gawain | Palagi | Minsan | Hindi |
|---|---|---|---|
| 1. Nililigpit ang mga gamit sa higaan. | |||
| 2. Naghuhugas ng pinagkainan. | |||
| 3. Nagwawalis sa loob ng bahay. | |||
| 4. Nagwawalis sa labas ng bahay. | |||
| 5. Itinatapon ang mga basura sa tamang basurahan. | |||
| 6. Tumutulong sa gawaing bahay. |
Pangalan at Lagda
Bilang pangwakas
Masasabi mo na:
Ang _____ at _____ ay mahalaga sa isang pamayanan. Bilang bata, ako ay _____ upang ito ay mapanatili sa napakaraming _____.
Mga salita: kalinisan, kaayusan, makatutulong, tahanan, paraan
Pagpapakita ng Pagmamahal sa Kaayusan at Kapayapaan
Aralín I
Sa nakaraang aralin ay iyong napag-aralan ang iba’t ibang paraan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa pamayanan tulad ng pagsunod sa mga babalang pantrapiko, wastong pagtatapon ng basura at pagtatanim ng mga halaman sa paligid.
Ngayon naman ay pag-aaralan natin kung paano maipakikita ang pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan.
Masdan ang mga larawan sa ibaba. Nagpapakita ba sila ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan?
[illustration: three panels: two children talking; two boys, one pushing the other; a child crossing at a pedestrian lane beside a parked car while an adult points, with a speech bubble reading “[illegible]“]
Tama! Ang una at ikatlong larawan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan.
Sa pagtatapos ng araling ito ay inaasahan na makapagpapakita ka ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan.
Ang pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan ay dapat magsimula sa tahanan . Bilang bata, may magagawa ka din upang maipakita mo ang pagmamahal sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng mga magulang at nakatatanda sa tahanan. Ang pagsunod sa mga tuntunin sa tahanan maging sa pamayanan ay nagpapakita rin ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Sa iyong sagutang papel, iguhit ang puso (♥) kung ang larawan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan at bilog (O) naman kung hindi.
____1. [illustration: two boys in a scuffle, one punching the other]
____2. [illustration: a boy hugging his mother from behind as she washes dishes at the sink]
____3. [illustration: a teacher standing before seated pupils seen from behind]
____4. [illustration: three boys grabbing and pulling a schoolbag]
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan at ekis (×) kung hindi.
_____1. Si Rizza ay tumatawid sa tamang tawiran.
_____2. Hindi sinusunod ni Lita ang tuntunin sa kanilang tahanan.
_____3. Nagsusuot ng facemask si Lira kapag lumalabas ng bahay.
_____4. Hindi sumusunod sa curfew ang magkakaibigan.
_____5. Ang mga tao sa Barangay Matiwasay ay sumusunod sa mga batas na ipinatutupad.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa tulong ng iyong magulang o guardian, kopyahin sa iyong sagutang papel at lagyan ng tsek (✓) kung nagpapakita o hindi nagpapakita ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan ang gawain.
| Gawain | Nagpapakita | Hindi Nagpapakita |
|---|---|---|
| 1. Sumusunod sa oras ng curfew si Lorna. | ||
| 2. Hinahayaan ang mga alagang aso sa kalsada. | ||
| 3. Makilahok sa programang pangkapayapaan ng barangay | ||
| 4. Palagiang pagsunod sa mga batas trapiko. | ||
| 5. Nakikipag-away kapag natatalo sa laro. |
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Sa iyong sagutang papel, isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pagmamahal sa kaayusan at kapayapaan at Mali kung hindi.
_____1. Sumali sa pag-aaway ng iyong mga kaibigan.
_____2. Upang makaiwas sa kumakalat na sakit, hindi lumalabas ng bahay si Agatha.
_____3. Sinasaway ni Dino ang mga kapatid niyang nag-aaway.
_____4. Pinipilit mo ang nanay mo na isama ka sa palengke kahit alam mong bawal lumabas ang mga bata.
_____5. Nakikiisa ang pamilya nina Liza sa mga ordinansang ipinatutupad ng barangay.
Bilang pangwakas
Bilang pangwakas, masasabi mo na:
Ang pagmamahal sa kaayusan at _____ ay naipakikita sa pamamagitan ng _____ sa ordinansa at _____. Bilang bata, ang pagsunod sa mga _____ sa tahanan at paaralan ay isa ring paraan.
Kapayapaan kaayusan batas alituntunin pagsunod
Susi Sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the boxes below are listed in reading order after rotation]
Weeks 6-7
Pagbabaybay ng mga Salitang Tatlo o Apat na Pantig
Gawain Bilang 1
- a
- A
- A
- A
- A
Gawain Bilang 1
- hospital
- Apoy
- Magkasakit
- Lagnat
- nanay
Week 8
Mga Salitang Magkakatugma
Gawain BIilang 1
- Takbo
- Kaso
- dito
- Kilo
- Langit
Weeks 1 and 2
Pangngalan
Gawain Bilang 1:
- Pusa, Aso, kuneho, pagong, ibon, palaka
- Gawain Bilang 1.
A,B,B, B,C,E,B,A,D,C
Week 3
Pamalit sa Pangngalan
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
- Ako
- Kami
- Siya
- Tayo
- Tayo
Week 4
Pag-ugnay sa Sanhi at Bunga
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
- A
- A
- A
- A
- A
Week 5
Pagpapahayag sa sariling damdamin o reaksiyon sa kuwento
- A
- B
- B
- A
- A
Personal na Pagtatása sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.
☆ Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
✓ Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
? Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2, lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ☆, ✓, ?.
Gawain sa Pagkatuto
| Week 1 | LP | Week 2 | LP | Week 3 | LP | Week 4 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
| Week 5 | LP | Week 6 | LP | Week 7 | LP | Week 8 | LP |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 1 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 2 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 3 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 4 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 5 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 6 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 7 | ||||
| Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 | Gawain sa Pagkatuto Blg. 8 |
Sanggunian
Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of Education Curriculum and Instruction Strand.
Department of Education Region 4A CALABARZON. (2020). PIVOT 4A Budget of Work in all Learning Areas in Key Stages 1-4: Version 2.0. Cainta, Rizal: Department of Education Region 4A CALABARZON.
Salud, G. P. & Dela Cruz, E. (2017). Prototype Lesson Plan Grade 6. Lipa City: Department of Education-SDO Lipa City.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2, Karangalan Village, Cainta, Rizal Landline: 02-8682-5773, locals 420/421 https://tinyurl.com/Concerns-on-PIVOT4A-SLMs
[logo] [logo] [logo]
Leave a Reply