Pansariling Kaunlaran 12 Quarter 2 Module 7: Personal na Pakikipag-ugnayan

Grade 12 Personal Development module on personal relationships: five types, common problems, healthy communication, and recognizing abuse.

This is Module 7 for Quarter 2 of Pansariling Kaunlaran (Personal Development), a Senior High School self-learning module for Grade 12 learners. It covers “Personal na Pakikipag-ugnayan” (personal relationships): the kinds of relationships people have, why they matter, common problems, and how to keep relationships healthy, safe, and free of abuse. It was prepared by DepEd National Capital Region (first edition, 2020) for home learning, with a parent or facilitator guiding the learner.

On this page 5 sections

What learners will learn

The module’s Alamin (what you need to know) part states that, after the module, learners can:

  • Discuss how understanding the concerns of adolescence and where they come from can help find ways to deal with them for healthy living.

The lesson itself also asks learners to:

  • Write an essay on personal relationships: why they are important and how to keep them strong.
  • Make a poster on the basic rights in a relationship.

The competency codes printed for the lesson are EsP-PD11/12PR-IIa-9.1, EsP-PD11/12PR-IIa-9.2, and EsP-PD11/12PR-IIb-9.3. The lesson opens with a guiding question: how personal attraction, love, and commitment help a person become responsible in a relationship. It also discusses teen relationships and acceptable and unacceptable ways of expressing attraction.

Key ideas in the module

Review: emotions and emotional intelligence

The Balikan (review) part recalls that an emotion is a feeling that causes physical and emotional changes and can affect behavior. It cites Daniel Goleman’s view of emotional intelligence and Peter Salovey’s five domains:

  1. Kamalayan sa Sarili (self-awareness): the ability to reflect on oneself.
  2. Pamamahala ng Emosyon (managing emotions)
  3. Pag-uudyok sa Sarili (self-motivation): seeing hope in every task.
  4. Pagkilala ng Damdamin ng Iba (recognizing others’ feelings), or empathy.
  5. Paghawak ng Relasyon (handling relationships)

The five types of personal relationships

A personal relationship is a close connection between people, built on emotional bonds and social interaction, often formed through shared experiences. The module names five types:

  • Pamilya (family): two or more people related by birth, marriage, or adoption who live together in one home.
  • Mga Kaibigan (friends): a strong bond formed through shared experiences, interests, and closeness.
  • Kinakasama o Partner (partner): a romantic relationship, including marriage, built on attraction, trust, and sharing.
  • Kakilala (acquaintances): people we know by name and talk to now and then, with limited interaction.
  • Malapit na Kaibigan (close friends): people we share deep commitment with, trust, lean on, and confide in.

Why relationships matter

The module links strong relationships to a longer life, better handling of stress, better health, and a sense of well-being. It also warns that low social support is linked to depression, weaker immune function, and higher blood pressure.

Problems and ways to build relationships

The module lists 25 common relationship problems, including infidelity, big differences in values and beliefs, jealousy, family issues, abuse at home, unrealistic expectations, addiction, too much dependence on social media, and poor communication. To build better relationships, it suggests:

  • Connect with family.
  • Show gratitude (pagtanaw ng utang na loob) to friends and partners.
  • Learn to forgive.
  • Be kind and compassionate.
  • Accept others’ strengths and weaknesses.
  • Create shared rituals, such as a Friday phone call or a Sunday movie.

It also gives “10 commandments” for lasting love, such as loving yourself first, seeing love as a process, and knowing that communication and negotiation are essential.

Love is not hurtful

Under “Ang Pag-ibig ay Hindi Mapanakit” (love does not hurt), the module explains three kinds of abuse in dating:

  • Physical abuse: causing pain or injury, such as punching, slapping, or kicking.
  • Sexual abuse: any unwanted sexual activity, from unwanted sexual comments to intercourse.
  • Emotional abuse: hurtful words that harm a person’s dignity, cause shame, or control them.

It reminds learners that victims should not blame themselves, and that anyone can experience abuse or become abusive.

Communication, decisions, and peer pressure

The module encourages open talk between partners about their needs and limits, including STIs, possible pregnancy, and the right time for sex. It lists questions to ask oneself before deciding about sex and stresses that every choice must be respected. It urges teens to talk with parents or other trusted adults, such as teachers, guidance counselors, or coaches, rather than relying only on friends or the internet. Tips against peer pressure include going out in groups, introducing friends to parents, carrying a phone or fare money, and saying “no” when you mean it. A final section explains how alcohol and drugs lead to poor decisions and greater risk of forced sex, STIs, and unwanted pregnancy.

How to use this module

The module follows the usual parts of a DepEd self-learning module:

  1. Subukin (pretest): fill in the term defined in each of 10 sentences.
  2. Balikan, Tuklasin (review and discussion): read the review on emotions and the main lesson.
  3. Suriin: answer four questions on a whole sheet of paper.
  4. Pagyamanin: fill in a table of factors that help relationships grow and their effects.
  5. Isaisip: read the five key takeaways.
  6. Isagawa: write an essay on personal relationships.
  7. Tayahin: give five key words from the module with your own definitions.
  8. Karagdagang Gawain (extra activity): make a poster on basic rights in a relationship.

Learners: Write all answers on separate paper, do not mark the module, and check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key). Contact your teacher if anything is unclear.

Parents and facilitators: The module notes that a teacher or facilitator guide comes with it. Since it deals with dating, sex, and abuse, it is a good opening for the calm, respectful talks the module itself recommends.

Teachers: The essay and poster are the main outputs tied to the printed competencies.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Pansariling Kaunlaran module for?

It is Module 7 of Quarter 2 of Pansariling Kaunlaran (Personal Development), a Senior High School module labeled for Grade 12.

What are the five types of personal relationships in the module?

Family (pamilya), friends (mga kaibigan), partner (kinakasama o partner), acquaintances (kakilala), and close friends (malapit na kaibigan).

What kinds of abuse does the module discuss?

It discusses physical abuse, sexual abuse, and emotional abuse, and stresses that love should never hurt and that victims should not blame themselves.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest, Pagyamanin, and Tayahin parts.

What outputs do learners need to make?

Learners write an essay on why personal relationships are important and how to keep them strong, and make a poster on the basic rights in a relationship.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Pansariling Kaunlaran – Ikalawang Markahan – Modyul 7: Personal na Pakikipag-ugnayan

Senior High School

[illustration: students and teachers reading and studying under a tree, at a desk, and with a globe]

CO_Q2_Pansariling Kaunlaran SHS_Module 7

Pansariling Kaunlaran – Grade 12

Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 7: Personal na Pakikipag-ugnayan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul PANSARILING KAUNLARAN – SENIOR HIGH SCHOOL

Manunulat: Josephine L. Coprada | Jonas Feliciano C. Domingo EdD | Evelyn S. Plaza Editor: Rhoda M. Manual EdD Tagasuri: Tessie M. Cruz | Eulafel C. Pascual | Nenita R. Romero Rosemarie C. Cuaresma | Erlinda T. Reyes | Emma A. Sendiong EdD Tagaguhit: Justine Montoya Tagalapat: Michael P. Rull Tagapamahala: Malcolm S. Garma PhD Genia V. Santos PhD Dennis M. Mendoza Micah S. Pacheco Helen G. Padilla PhD Jonas Feliciano C. Domingo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR) Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph

Senior High School

Pansariling Kaunlaran

Ikalawang Markahan – Modyul 7: Personal na Pakikipag-ugnayan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ALAMIN

Dinisenyo at nilikha ang modyul na ito upang maging dalubhasa ang mga mag-aaral sa kursong Pansariling Kaunlaran. Saklaw rin ng modyul na ito na linangin at hubugin ang mga mag-aaral na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa. Sa tulong ng modyul, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtamasa ng kaalaman at kasanayan gamit ang talino, kahusayan, at angkop na pagkilos upang ilapat ang natutuhan sa pamamagitan ng epektibong pagkatuto. Ang bawat aralin ay nakaayos at nakasunod sa pagkasunod-sunod ng pamantayan ng kurso.

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

  1. Natatalakay na ang pag-unawa sa mga alalahanin at ang mga pinagmulan nito sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay maaring makatutulong na matukoy ang mga paraan upang matugunan ang mga ito para sa malusog na pamumuhay.

1 CO_Q2_Pansariling Kaunlaran SHS Module 7

SUBUKIN

Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salita sa patlang na binibigyang-kahulugan sa bawat pangungusap.

_____ 1. Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tao na may kaugnayan sa pagkasilang, kasal o pag-ampon at namumuhay na magkakasama sa iisang tahanan.

_____ 2. Ito ay isang uri ng pang-aabuso na nakapagdudulot ng sakit o kapinsalaan sa tao, gaya ng panununtok, pananampal o paninipa.

_____ 3. Ito ay isang uri rin nag pang-aabuso na may kinalaman sa di kanais-nais na komentong sekswal, hanggang sa pagtatalik.

_____ 4. Ito ay may kinalaman sa pananakit ng damdamin o pamamahiya.

_____ 5. Ang paggamit nito ay nakakaimpluwensya sa pagkakaroon ng pagtatalik.

_____ 6. Ito ay hindi lamang sa pisikal na pananakit. Ito rin ay may kaugnayan sa damdamin o emosyon.

_____ 7. Ito ay ang pakiramdam ng isang tao na nagreresulta ng mga pagbabago sa pisikal at emosyonal na aspeto ng tao.

_____ 8. Ito ang kakayahan ng isang tao upang makapagmuni o self reflection.

_____ 9. Mga taong kabahagi sa malalim na pangako, pinagkakatiwalaan, sinasandalan, pinagsiswalatan at itinatangi.

_____ 10. Ang lagging pagpapasalamat sa kaibigan o partner sa pakikinig o pagbibigay ng anuman sa inyo

2 CO_Q2_Pansariling Kaunlaran SHS Module 7

Aralin 1: Personal na Pakikipag-ugnayan

[transcriber’s note: on the printed page, “Aralin” and the number “1” appear in a black box beside the title “Personal na Pakikipag-ugnayan”]

Paanong ang personal na atraksyon, pagmamahal at pangako ay nakakatulong na maging responsable sa isang relasyon.,

Sa modyul na ito, tatalakayin ang pag-unawa sa relasyong pang-tinedyer, kasama na rin and katanggap-tanggap at di katanggap-tanggap na pagpapahayag ng atraksyon;

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makasulat ng sanaysay tungkol sa personal na pakikipag-ugnayan, kung bakit ito napakahalaga at paano ito mapapanatiling matatag at makagawa ng poster tungkol sa mga Pangunahing Karapatan sa Pakikipag-ugnayan. (EsP-PD11/12PR-IIa-9.1, EsP-PD11/12PR-IIa-9.2, EsP-PD11/12PR-IIb-9.3)

3 CO_Q2_Pansariling Kaunlaran SHS Module 7

BALIKAN

Emosyon at Talinong Pang-emosyonal

Ang emosyon ay ang pakiramdam ng isang tao na nagreresulta ng mga pagbabago sa pisikal at emosyonal na aspeto ng tao na maaring makaapekto sa ugali at kilos nito.

Ayon kay Daniel Goleman, isang Amerikanong awtor, ang talinong pang-emosyonal ay ang kakayahan ng isang indibidwal na udyukan ang kanyang sarili na harapin ang pagkabigo, antalain ang kaligayahan at kontrolin ang kalooban upang makapag-isip ng tama, makiramay nang maayos at umasa.

Mula kay Peter Salovey, isang sikolohista, may limang domains ang talinong pang-emosyonal.

Limang Domain ng Talinong Pang-emosyonal
  1. Kamalayan sa Sarili – Ito ang kakayahan ng isang tao upang makapagmuni-muni o self-reflection.
  2. Pamamahala ng Emosyon – Ang pagkontrol sa emosyon ay isa sa mga kasanayan ng isang tao upang malaman niya kung gaano tatagal ang emosyong kanyang nararamdaman.
  3. Pag-uudyok sa Sarili – Ito ang kasanayan ng isang tao upang makakita ng pag-asa sa bawat gawain.
  4. Pagkilala ng Damdamin ng Iba – Ang kapabilidad na makakilala ng emosyon na iba ay empatiya.
  5. Paghawak ng Relasyon – Ang talinong pang-emosyonal ay makikita rin sa paraan kung paano natin pamahalaan ang relasyon natin sa ibang tao.

4 CO_Q2_Pansariling Kaunlaran SHS Module 7

TUKLASIN

Ang Personal na Pakikipag-ugnayan ay isang katotohanan ng buhay. Maaari itong matukoy sa gawain bilang isang panlabas na pakikipag-ugnayan na kinakailangan sa panlipunang pakikihalubilo ng mga manggagawa sa kapwa. Kasama ng personal na ugnayan sa paggawa ang pakikipag-kaibigan, malapit na pakikipag-ugnayan at negatibong pakikipag-ugnayan.

Ang konsepto ng pakikipag-ugnayan ay napakalawak at masalimuot. Ito ay tumutukoy sa pagkamalapit na koneksyon ng tao na binubuo ng pagkabuklod ng emosyon at pakikihalubilo. Ang ganitong pagkakabuklod ay kadalasang nabubuo mula sa pinagtibay na pagbabahagi ng mga karanasan.

5 Uri ng Personal na Pakikipag-ugnayan:

[illustration: two hands clasped in a handshake inside a circle, with the printed words “Personal Relationships”; credit printed: “Marissa Halon zuki sudiana”]

  1. Pamilya – isang napakahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan. Ayon sa Bureau of Census ang pamilya ay binubuo ng dalawa o higit pang mga tao na may kaugnayan sa pagkasilang, kasal o pag-ampon at namumuhay na magkakasama sa iisang tahanan.
  2. Mga Kaibigan – ang pakikipagkaibigan ay maituturing na mahigpit na bigkis sa pagitan ng tao at kadalasang nabubuo sa pagbabahagi ng mga karanasan, interes, pagiging malapit at pagkabuklod ng emosyon.
  3. Kinakasama o Partner – ang romantikong samahan kasama na ang kasal ay isang saradong ugnayan na nabubuo sa pagitan ng mga taong nagkaron ng pagtingin, tiwala, pagbabahagi at romantikong pag-ibig.
  4. Kakilala – mga taong kilala natin sa pangalan at nakakausap kung may pagkakataon ngunit may limitasyon ang pakikihalubilo.
  5. Malapit na Kaibigan – mga taong kabahagi sa malalim na pangako, pinagkakatiwalaan, sinansandalan, pinagsisiwalatan at itinatangi.
Bakit Mahalaga ang Personal na Pakikipag-Ugnayan?
  1. Pagkakaroon ng Mahabang Buhay – ayon sa mga naging pag-aaral, ang mga taong may matibay na panlipunang pakikipag-ugnayan ay 50% na di agad maagang namamatay. Ang pagkakaroon ng panghabang-buhay na kasama o partner aynakadaragdag din ng 3 taon sa haba ng buhay gayundin mas nagiging mahaba ang buhay ng mga kasal na kalalakihan kaysa sa mga kababaihan.
  2. Pagharap sa Stress – ang suportang naibibigay ng kaibigan ay isang magandang depensa laban sa mga epekto ng stress. Ang mga taong nasa “stressfull” na relasyon ay mas higit na nakararanas ng stress at pagtaas ng presyon ng dugo.
  3. Mas Malusog – ayon sa pananaliksik, kalahati ng mga mag-aaral sa kolehiyo na may matibay na pakikipag-ugnayan ay mas hindi nagkakasipon kung nalalantad sa nasabing virus. Natuklasan din na ang mga taong may mga pamilya at kaibigan na masasandalan ay kadalasang mas kuntento sa kanilang personal na kalusugan kaysa sa mga taong mapag-isa. At ang laging pagsama sa mga malulusog na tao ay nakadaragdag ng kawangis na kalusugan. Ang mga taong hindi matataba ay mas mayroong mga kaibigang hindi rin matataba dahil sa paglaganap ng healthy habits sa pamamagitan ng social netwoks.
  4. Pagka-mayaman – ang pagkakaroon ng dobleng grupo o pagdami ng mga kaibigan ay katulad din ng epekto ng karagdagang 50% kita sa pagganda ng sariling kaayusang pangkatauhan.

Sa kabilang banda, ang pagkakaron ng mababang panlipunang pagtaguyod o social support ay mayroon ding masamang epekto sa kalusugan:

  1. Depresyon – ang kalungkutan ay naiuugnay sa pagkakaroon ng depresyon na maaaring magbunga sa pagkakaroon ng kanser sa dibdib, sakit at pagkahapo.
  2. Pagbaba ng Immune Function – ang di pakikihalubilo sa lipunan ay mas nakadaragdag sa tsansa ng pagkakasakit.
  3. Pagtaas ng Presyon ng Dugo – mas nagiging mataas ang tsansa ng pagkakaroon ng pagtaas ng presyon ng dugo sa mga taong malulungkot o mapag-isa.
25 Karaniwang Suliranin sa Pakikipag-Ugnayan
  1. Pagtataksil – kasama na dito ang pagtataksil sa damdamin, one night stand, pakikipagrelasyon sa internet (kasama na ang “sexting”), maikli o mahabang pakikipagrelasyon gayundin ang pagtataksil sa pananalapi.


  2. Mga Isyung Sexual – kasama na dito ang gana sa sex at isyung kasarian sa sarili at sa kasama o partner


  3. Malalaking Kaibahan sa mga Pagpapahalaga at Paniniwala


  4. Life Stages – nagkasawaan na o nagbago na sa isa’t-isa sa kung anumang dahilan


  5. Mga Pangyayaring Masasakit o Nakakapagpabago sa Buhay


  6. Pagtugon sa pangmatagalang stress gaya ng may kinalaman sa trabaho, matagalang sakit, mga isyu sa kalusugang pangka-isipan, suliranin sa pananalapi, sa mga anak, pagkabaog at marami pang iba.


  7. Pagkayamot sa relasyon


  8. Pagkakaroon ng Selosong kasama o partner


  9. Pagkakaroon ng isyung pangpamilya


  10. Pananakit sa Loob ng Tahanan kasama na ang pananakit na pisikal at pananalita na isang seryosong suliranin sa pakikipag-ugnayan


  11. Ang malaman sa una pa man na hindi ka dapat mag-asawa


  12. Kawalang responsibilidad hinggil sa pananalapi, mga anak, kalusugan at marami pang isyu


  13. Di-makatotohanang ekspektasyon – kaisipan na ang partner ay isang prinsesa o knight in shining armor


  14. Adiksyon


  15. Labis na pagdepende sa social media higit pa sa pakikipag-ugnayan


  16. Kakulangan sa pagtataguyod mula sa mga taong mahalaga sa iyo sa panahon ng kahirapan


  17. Manipulasyon o labis na pagkasangkot sa pamilya o mga kaibigan


  18. Kawalang komunikasyon sa mga mahahalagang bagay


  19. Mahinang pagkakabahagi/o one-sided o kakulangan ng responsibilidad sa mga gawaing bahay, na hindi lamang mga kababaihan ang nagrereklamo sa usaping ito


  20. Nakikitang kawalang malasakit, konsiderasyon o pagtingin – pakiramdam na one-sided lamang ang pakikipag-ugnayan


  21. Malalaking kabiguan o pasakit na nagpabago sa pakikipag-ugnayan


  22. Depresyon sa mahabang panahon o iba pang isyung pangkaisipang kalusugan ng isa sa kasama o parehong partner


  23. Malaking kaibahan ng opinion na may kinalaman sa pagpapalaki ng mga bata o pagdidisiplina sa kanila


  24. Stress sa mahabang panahon – lalo na ang kakulangan sa responsibilidad sa pagtukoy sa pinagmulan o paano ito hahawakan


  25. Kawalang suporta sa kinakasama o partner sa panahon ng pagbubuntis at malalaking suliranin pagkasilang ng sanggol


Hindi na nakagugulat kung inyo nang nararanasan ang ilan sa mga ito. Kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon, ang lahat ng ito ay lilipas din. Atin itong huhugutin mula sa inyo at alam natin na kayo ay magiging masayang muli. Hindi na kailangang maghintay ng matagal para gumanda ang panahon, ngunit pareho nating makakayang gawin ito ngayon.

Ang taong minahal o dating minahal ninyo ang siya pang madalas manakit sa inyo. Ito ang masakit na katotohanan na ginagawa natin sa isa’t-isa. Ngunit maaari nating lutasin ang mga ganitong suliranin sa pagiging responsable sa ating mga sarili.

Paglilinang ng Inyong Pakikipag-ugnayan:
  1. Makipag-ugnayan sa Pamilya –Ang mga pinakamasayahing tao ay iisa ang pagkakatulad – ang pagiging una sa kanila ay pamilya. Ang suporta ng pamilya ay nakapagbibigay ng kaginhawaan at mas magandang kalusugan.
  2. Pagtanaw ng Utang na Loob –Ang laging pagpapasalamat sa kaibigan o partner sa pakikinig o pagbibigay ng anuman sa inyo ay nakapagpapataas ng tiwala, pagkakalapit at pagtingin.
  3. Matutong Magpatawad –Maraming benepisyong nakakamit sa pagpapatawad sa parehong pisikal at damdamin.
  4. Maging Maawain –Sa pagiging maawain sa kapwa, ito ay nagbubukas ng mas mainam na komunikasyon at mas malakas na bigkis.
  5. Pagtanggap sa Kapwa –Magkaroon ng makatotohanang pagtanggap sa mga kalakasan at kahinaan ng kapwa at tandaan na ang pagbabago ay nangyayari sa tamang panahon.
  6. Gumawa ng Ritwal na Magkasama – gumawa ng mga bagay na parehong ikinalulugod upang lalong malinang ang pagiging malapit at suporta ng pagkaka-ibigan halimbawa na ang pag-uusap sa telepono tuwing Biyernes o panonood ng sine tuwing Linggo.
10 Utos Upang Makahanap ng Pagmamahal at Magkaroon ng Tunay ang Pangmatagalang Pakikipag-ugnayan
  1. Unahing mahalin ang sarili


  2. Pagpili ng pakikipag-ugnayan na makalilinang sa relasyon upang ito ay lumakas


  3. Ang pagmamahal o pag-ibig ay isang proseso


  4. Ang pakikipag-ugnayan ay nakapagbibigay ng oportunidad upang umunlad


  5. Mahalaga ang komunikasyon


  6. Kailangan ang pakikipag-negosasyon


  7. Nasusubok ang pakikipag-ugnayan sa mga pagbabago


  8. Dapat linangin ang pakikipag-ugnayan upang ito ay lumakas


  9. Ang pagkakaroon ng “renewal” ang susi sa mahabang relasyon


  10. Makakalimutan ang lahat ng ito sa pagkakataong mahulog sa pag-ibig


Ang Pag-ibig ay Hindi Mapanakit

Ang pakikipagtipan ay isang magandang pangyayari. Habang ang magkatipan ay parehong kumakalinga sa isa’t-isa, mahalagang pag-ingatan din ang sarili. 10% ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan ay napaulat ng dumanas ng karahasan mula sa kanilang mga katipan (ka-“date”). Kasama na rito ang pang-aabusong pisikal na nakapagdudulot ng sakit o kapinsalaan sa tao, kalakip nito ang panununtok, pananampal o paninipa.

Ang pang-aabusong sekswal ay isa ring uri ng karahasan na kinabibilangan ng anumang uri ng mga di-kagustuhang sekswal na aktibidad. Ito ay kinabibilangan ng di kanais-nais na komentong sekswal, paghalik hanggang sa pagtatalik.

Ang pang-aabuso ay hindi lamang sa pisikal na pananakit. Ito rin ay may kaugnayan sa damdamin o emosyon na pananakit sa dignidad o pagkatao o sanhi ng pagkapahiya. Ito ay kinabibilangan ng mga salitang masasakit sa damdamin na nakapagbibigay ng kawalang-saysay sa sarili o nakapagdudulot ng pagkontrol sa pagkatao.

Kung ikaw ay nakakaranas o nakaranas na ng pagmamaltrato sa pakikipagugnayan at sa iyong palagay ay kasalanan mo, hindi mo dapat sisihin ang iyong sarili. Sinumang tao – lalaki, babae, bakla/tomboy, matanda o bata ay nakararanas ng pang-aabuso o maaaring maging mapang-abuso.

Pagbasag sa Katahimikan: Itigil ang Karahasan

Nakagugulat na malaman na sa ayon sa www.voanews.com, bawat labingisang kabataan, isa ang napauulat na dumanas ng pananakit mula sa kanilang mga kasintahan. Paano natin mababago ito? Sa “Pagbasag sa Katahimikan: Itigil ang Karahasan,” ang mga magulang ay dapat makipag-usap sa kanilang mga anak tungkol sa matamang at magalang na pakikipag-ugnayan bago ang pakikipagtipan.

Paraan ng Pakikipag-usap

Ang bukas na pakikipag-usap ay kasiya-siyang lalo na kung pag-uusapan ang pangangailangan ng bawat isa sa pangkatawan (pisikal), damdamin (emosyon), pangkaisipan at kalusugan sekswal. Hindi ninyo parehong alam ang pangangailangan ng bawat isa maliban na lamang kung ito’y sasabihin sa isa’t-isa. Isipin din ang mga limitasyon sa usaping sekswal.

Mga Usaping Sekswal:
  • STI’s (Sexually Transmitted Infections)
  • Posibleng Pagbubuntis
  • Tamang Panahon sa Pagtatalik
  • Mga Limitasyon
Pagdedesisyon Hinggil sa Pakikipagtalik

Ang pakikipagtalik sa unang pagkakataon ay isang malaking kaganapang emosyonal. Maraming mga katanungan at damdamin na nais ninyong ayusin bago kayo pumunta sa “mainit na kaganapan”. Tanungin muna ang sarili:

  • Ako ba ay handa na sa pakikipagtalik?
  • Ano ang aking mararamdaman pagkatapos ng pakikipagtalik?
  • Ginagawa ko ba ito sa tamang dahilan?
  • Paano ko poprotektahan and aking sarili at ang aking partner sa pagkakaroon ng STI o pagbubuntis?
  • Ano ang aking mararamdaman sa aking partner pagkatapos?

Ang pinakamabuting paghahanda para sa pagdedesisyon upang maging komportable ay ang pakikipag-usap tungkol sa inyong pangangailangan. Kung hindi ninyo nararamdamang tama ang gagawin ay dapat sabihin agad. Anuman ang inyong pagpili ay nararapat lamang na respetuhin. Maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal sa inyong kasintahan.

Pakikipag-usap sa mga Magulang o Ibang Nakakatanda/Pinagkakatiwalaan

Karamihan sa mga kabataan ay hindi bukas sa pakikipag-usap sa kanilang mga magulang hinggil sa sex dahil sa takot o hiya. Ngunit mayroon din namang mga kabataan na nakikinabang sa pakikipag-usap sa mga magulang. May mga magulang na ayaw makipag-usap tungkol dito sa kadahilanang di alam ang ibang kasagutan o ayaw itong mapag-usapan.

Maaari ring kumonsulta sa ibang pinagkakatiwalaang nakatatanda, maaaring ang inyong mga tiyuhin/tiyahin, guro, guidance counselor, coach o iba pang pinagkakatiwalaan. Sila ang maaaring makapagbigay ng tamang kasagutan. Ngunit ang mga kaibigan o kamag-aral ay maaaring kapareho ninyo ring hindi alam ang kasagutan kahit ano pa ang sabihin nila tungkol sa kanilang mga sekswal na karanasan, ganoon din ang internet o iba pang social media.

Paano Maiiwasan ang “Peer Pressure”?
  • Sumama sa mga kaibigang naniniwala na OK lang na hindi pa handa sa pakakaroon ng sex
  • Lumabas na kasama ng mga kagrupong kaibigan imbes na kasintahan lang
  • Ipakilala ang mga kaibigan sa mga magulang
  • Anyayahan ang mga kaibigan sa tahanan
  • Damayan ang sinumang kaibigang pinipilit makipagtalik
  • Isipin nang maaga ang maaaring sabihin sakaling may pumilit makipagtalik
  • Laging magdala ng telepono o perang pantawag o pambayad sa taxi sakaling hindi maging komportable
  • Tawagan agad ang mga magulang o kaibigan kung kinakailangang lisanin ang pakikipagtipan
  • Huwag maobligang makipagtalik bilang kapalit sa regalo o pakikipagtipan
  • Magsabi ng “Hindi” kung talagang ayaw
Ang Droga at Alak

Ayon sa pag-aaral sa mga kabataang idad 15 – 24, 9 sa bawat 10 ay may mga pagkakataong gumagamit ng alak o iligal na droga bago ang pakikipagtalik. Pito sa bawat 10 ang naiulat na hindi gumagamit ng condom kapag nakainom ng alak o nakadroga. Habang 29% naman ang nagsabi na ilang ulit na nakikipagtalik habang nasa impluwensya ng alak o droga.

Ang paggamit ng alak o droga ay may malaking impluwensya sa pakikipagtalik, mas madaling magdesisyon habang nasa impluwensya nito na sa kalaunan ay pagsisihan din gaya ng pagkakaroon ng STI o di kagustuhang pagbubuntis. At ang pinakamasama ay ang pagpuwersa o pagpilit sa pakikipagtalik habang nasa impluwensya ng mga ito.

SURIIN

Sagutan ang mga katanungan sa isang buong papel.

  1. Ano ang personal na pakikipag-ugnayan?



  1. Ano-ano ang limang uri ng pakikipag-ugnayan?



  1. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pang-aabuso?



  1. Ano-ano ang mga dapat pag-usapan sa pakikipag-ugnayan?



PAGYAMANIN

Ano-ano ang mga nakapagpapalinang sa pakikipag-ugnayan? Paano ito nakakaapekto? Isulat ang mga sagot sa talahayanan.

Mga Salik sa Kalinangan sa Pakikipag-ugnayanMga Epekto
1.
2.
3.
1.
2.
3.
1.
2.
3.
1.
2.
3.
1.
2.
3.
ISAISIP
  1. Ang personal na pakikipag-ugnayan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng malapit na koneksyon ng tao na binubuo ng pagkabuklod ng emosyon at pakikihalubilo.
  2. May limang (5) uri ng personal na pakikipag-ugnayan: pamilya, kaibigan, kasama or partner, kakilala at malapit na kaibigan.
  3. Ang pagmamahal o pag-ibig ay hindi mapanakit, kaya dapat iwasan ang karahasan, pang-aabusong sekswal, pisikal at emosyonal.
  4. Dapat matutong makipag-usap sa mga magulang, nakatatanda o sinumang pinagkakatiwalaang tao tungkol sa pakikipag-ugnayan lalo na sa aspetong seksuwalidad.
  5. Malaki ang impluwensya ng alak at droga sa isyung seksuwalidad at pang-aabuso.
ISAGAWA

Sumulat ng sanaysay tungkol sa personal na pakikipag-ugnayan, kung bakit ito napakahalaga at paano ito mapapanatiling matatag.


Pamagat ng Sanaysay

































TAYAHIN

Magbigay ng limang susing salita na napulot mula sa modyul na ito. Bigyan ng sariling kahulugan ang mga ito.

  1. _____ – _____
  2. _____ – _____
  3. _____ – _____
  4. _____ – _____
  5. _____ – _____
KARAGDAGANG GAWAIN

Gumawa ng poster tungkol sa mga Pangunahing Karapatan sa Pakikipagugnayan.

[transcriber’s note: the printed page has an empty box for the poster; nothing is printed inside it]

SUSI SA PAGWAWASTO

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three columns are transcribed upright, with the Tayahin column first]

TayahinPagyamaninSubukin
1. Personal na pakikipag-ugnayan1. Pamilya1. Pamilya
2. Karahasan2. Kaibigan2. Pang-aabusong Pisikal
3. Pang-aabusong Pisikal3. Kasama/Partner3. Pang-aabusong Sekswal
4. STI4. Kakilala4. Pang-aabusong Emosyonal
5. Pang-aabusong Sekswal5. Malapit na Kaibigan5. Pag-inom ng alak
6. Pang-aabuso
7. Emosyon
8. Kamalayan sa sarili
9. Malapit na kaibigan
10. Pagtanaw na Utang na loob

Sanggunian

Aklat:

Personal Development. 1st ed. Pasig City: Department of Education – Philippines, 2016.

Internet:

https://www.slideshare.net/ZUKISUDIANA/cross-culture-understandingpersonalrelationship
https://www.voanews.com/archive/1-out-11-teenagers-experience-violence-whiledating

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district