This is the Pansariling Kaunlaran (Personal Development) self-learning module for Grade 12, Ikalawang Markahan (Quarter 2), Modyul 11: “Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad” (self-view and personal development). It was prepared by DepEd National Capital Region under the Alternative Delivery Mode for Senior High School learners studying at home. The module helps learners think about their purpose in life, the five aspects of holistic growth, and how to plan the career they want.
On this page 7 sections
What learners will learn
The module states that after finishing it, each learner should be able to:
- Explain how understanding the concerns of adolescence (pagdadalaga/pagbibinata) and where they come from can help find ways to address them for healthy living.
- Define the concepts of mental health (kalusugang pangkaisipan) and psychological well-being, using everyday observations about mental health problems in middle and late adolescence.
- Make a plan to keep their mental health in good shape during middle and late adolescence.
The lesson itself focuses on personal mission, holistic growth, and career planning.
Key ideas: personal mission and purpose
The module has one lesson, Aralin 1: “Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad”. It starts from the idea that every person has their own point of view, and that people live with a purpose, a reason, and a direction.
- Misyon (mission) means duty or responsibility. Developing your mission helps you decide what reputation you want to have and moves you to act.
- When your mission guides you, you do not waste your time, energy, and resources.
- Stating your mission out loud shows commitment to fulfilling it and is a form of self-discipline.
- Life brings many changes, and a mission adjusts to practical realities, but it should not set aside moral or spiritual standards. Stating your mission helps you check whether you are changing it just to make life easier.
Key ideas: the five aspects of holistic development
The module explains that several aspects affect how a person pursues a dream course or career. Together they make a person “holistic”, or well in every part of life.
| Aspect | What it refers to |
|---|---|
| Pisikal (physical) | The body: enough sleep and rest, healthy blood pressure and circulation, a healthy lifestyle, and avoiding vices |
| Ispiritwal (spiritual) | A person’s faith |
| Emosyonal (emotional) | How we manage our worries or stress |
| Sosyal (social) | How we relate to other people and our community |
| Mental | How we keep our minds sharp |
The module adds that the physical and emotional aspects can also affect the mental aspect.
Activities in the module
- Subukin (pretest): five questions on what personal development means, what influences your career choice, why young people choose the wrong career, how your family helps you choose, and how you planned your choice.
- Balikan (review): list the words from the lesson that stayed with you and write their meanings.
- Tuklasin (discover): read the poem “Patutunguhan” (destination) by Judy Ann Omar, about choosing between a straight road that ends at a cliff and a narrow road that is the right path.
- Suriin (analyze): answer questions on the poem’s roads, its title, the messages of the third and fifth stanzas, and write a slogan about its message.
- Pagyamanin (enrich): write an essay titled “Aking Patutunguhan” (my destination) about where you see yourself ten years from now.
- Isaisip (remember): fill in a table explaining how each of the five aspects may affect your choice of course or dream in life.
- Isagawa (apply): name five obstacles to reaching your goal and how each one holds you back.
- Tayahin (assessment): create your own career plan, listing each plan and how you will carry it out.
- Karagdagang Gawain (additional activity): place yourself on a timeline shown as a staircase, from “Ako sa kasalukuyan” (me now) through “Mga pinagdaanan ko” (what I went through) to “Ako pagkatapos ng kolehiyo” (me after college).
How to use this module
For learners: Start with the pretest, then read the lesson and work through the activities in order. Write all answers on a separate clean sheet of paper, and use a whole sheet (isang buong papel) where the activity asks for it. Do not write on the module so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson.
For parents and guardians: The module comes with a guide for teachers and facilitators that has reminders and strategies for helping your child at home. Encourage your child to answer honestly; most activities are personal reflections and plans.
For teachers: The answer key does not give fixed answers. For Suriin and Tayahin, it says answers may be based on how the activity was presented in class, so check them against your own discussion and the learner’s reasoning.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this Pansariling Kaunlaran module for?
It is for Grade 12 Senior High School learners, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), and it is Module 11 of the subject.
What are the five aspects of holistic development in this module?
Physical (pisikal), spiritual (ispiritwal), emotional (emosyonal), social (sosyal), and mental. The module explains that these aspects affect how a person pursues a dream course or career.
Does the module have an answer key?
Yes, but it does not list fixed answers. For the Suriin and Tayahin activities, it says answers may be based on how the activity was presented in class.
What is the final assessment in this module?
The Tayahin activity asks learners to create their own career plan on a whole sheet of paper, listing each plan and how they will achieve it.
What does misyon mean in the lesson?
The module explains that misyon (mission) means duty or responsibility. Stating your personal mission shows commitment and helps guide how you use your time, energy, and resources.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Pansariling Kaunlaran – Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad
Senior High School
[illustration: students studying under a tree, at a table with a globe, and beside a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q2_Pansariling Kaunlaran SHS_Module 11
Pansariling Kaunlaran – Grade 12 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul PANSARILING KAUNLARAN – SENIOR HIGH SCHOOL
Manunulat: Josephine L. Coprada | Jonas Feliciano C. Domingo EdD | Evelyn S. Plaza Editor: Rhoda M. Manual EdD Tagasuri: Tessie M. Cruz | Eulafel C. Pascual | Nenita R. Romero Rosemarie C. Cuaresma | Erlinda T. Reyes | Emma A. Sendiong EdD Tagaguhit: Justine Montoya Tagalapat: Michael P. Rull Tagapamahala: Malcolm S. Garma PhD Genia V. Santos PhD Dennis M. Mendoza Micah S. Pacheco Helen G. Padilla PhD Jonas Feliciano C. Domingo EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR) Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Senior High School
Pansariling Kaunlaran
Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ALAMIN
Dinesenyo at nilikha ang modyul na ito upang maging dalubhasa ang mga mag-aaral sa kursong Pansariling Kaunlaran. Saklaw rin ng modyul na ito na makalikha ng buo at ganap na mag-aaral na kalaunan ay magiging katuwang sa pag-unlad ng bansa. Sa tulong ng modyul, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtamasa ng kaalaman, at kasanayan gamit ang talino, kahusayan, at angkop na pagkilos upang ilapat ang natutuhan sa pamamagitan ng epektibong pagkatuto. Ang bawat aralin ay nakaayos at nakaayon sa pagkasunod-sunod ng pamantayan ng kurso.
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral:
- Natatalakay na ang pag-unawa sa mga alalahanin at mga pinagmulan nito sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay maaring makatutulong na matukoy ang mga paraan upang matugunan ang mga ito para sa malusog na pamumuhay.
- Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto ng kalusugang pangkaisipan at sikolohikal na kaayusang pangkatauhan sa araw –araw na obserbasyon tungkol sa mga suliraning pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata.
- Nakagagawa ng plano upang manatili ang kalusugang pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata.
SUBUKIN
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa isang malinis na papel ang iyong sagot.
- Ano ang pagpapakahuluguan mo sa salitang “Personal na Pag-unlad”?
_____
_____
_____
- Ano ang nakakaimpluwensya sa iyo sa pagtahak ng iyong karera?
_____
_____
_____
- Bakit nagkakamali ang mga kabataan sa pagpili ng karerang tatahakin?
_____
_____
_____
- Paano ka natutulungan ng iyong pamilya sa pagpili ng karerang tatahakin?
_____
_____
_____
- Paano mo pinagplanuhan ang pagpili sa karera mong tatahakin?
_____
_____
_____
Aralin 1: Pananaw sa Sarili at Personal na Pag-unlad
Ang bawat indibidwal ay may sariling pananaw. Maaaring ang pananaw ng isa ay may hawig o pagkakatulad sa iba. Ang tao ay nabubuhay ng may layunin, may dahilan at may patutunguhan. Bahagi ito ng natatanging disenyo sa tao na wala sa iba pang mga nilikha. Kaya maitatanong mo sa sarili, ano ang kabuluhan ng personal na pahayag ng misyon sa buhay sa iyong pag-unlad bilang tao?
Dapat ay mahalaga sa iyo ito. Kapag napag-iisipan ito, ibig sabihin ay gusto mong maging makabuluhan ang iyong buhay. Ang salitang misyon ay nangangahulugan ng tungkulin. Ang tungkulin ng isa ay kailangang malinang upang malaman niya kung ano ang nais niyang maging reputasyon. Pakikilusin siya nito na gumawa ng hakbang. Hindi masasayang ang kaniyang panahon, lakas at ari-arian kung nagiging gabay niya ang kaniyang misyon. Kaya naman kapag ipinahayag mo ito, nagpapakita ito ng commitment sa pagtupad. Isa itong bahagi ng disiplina sa sarili.
Marami ding pagbabago maaaring asahan. At kasabay nito, umaayon din sa praktikal na paraan ang misyon natin sa buhay. Pero hindi nito inaalis angmga dinagbabagong pamantayan sa moralidad o espirtwalidad. Pero dahil sa dikasakdalan, baka manipulahin ang isa ang kaniyang misyon upang umalwan. Kaya ang paghahayag nito, ang tutulong sa isa na masuri ang pagbabago. Labis na kagalakan ang mararamdaman ng isang taong nagtagumpay sa kanyang tungkulin sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Ayon sa oraluxdental.com.au, may mga aspetong nakakaapekto sa pagtahak ng isang tao sa kanyang pangarap na kurso o karera. Ang mga aspetong ito ay nakakatulong upang maging “holistic” ang isang tao o ang kabutihang pangkalahatan ng isnag tao. Ang mga aspetong ito ay ang mga sumusunod: pisikal, ispiritwal, sikolohikal, sosyal at mental.
Ang pisikal na aspeto ay tumutukoy sa ating katawan. Kabilang dito ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga, ang pagkakaroon ng maayos na presyon at daloy ng dugo at pagkakaroon ng “healthy lifestyle” at pag-iwas sa mga bisyo. Ang ispiritwal na aspeto ay tumutukoy sa pananampalataya ng isang tao. Ang aspetong emosyonal ay tumutukoy sa kung paano natin pinamapahalaan ang ating mga alalahanin o “stress”. Ang sosyal na aspeto ay kumakatawan sa kung paano tayo makisalamuha sa ibang tao at sa ating kumonidad. Panghuli, ang mental na aspeto ay tumutukoy sa kung paano natin pinapanatiling matalas ang ating kaisipan. Ayon pa rin sa oraluxdental.com.au, maaaring makaapekto rin ang pisikal at emosyonal na aspeto sa ating mental na aspeto.
BALIKAN
Mula sa tinalakay natin nakaraang aralin, ano-ano ang mga salitang tumanim sa iyong isipan. Isulat sa loob ng kahon at gawin ito sa isang malinis na papel.
| Mga salitang tumanim sa aking isipan | Kahulugan ng mga ito |
|---|---|
TUKLASIN
Basahin at unawain ang tula upang masagot ang mga katanungan.
Patutunguhan ni: Judy Ann Omar
Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin,
Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin,
Marami pang problema ang kailangang kayanin,
Mga pagsubok ay dapat nating harapin.
Dalawang daan, ang kailangang pagpipilian,
Ang tuwid na daan at makipot na daan,
Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan,
Makiipot ma’y sa tamang landas naman.
Ngunit, ako’y nalilito kung saan ako patungo,
Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito,
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!
Bahala na sa sarili kung saan gustuhin ko.
Aking mga paa’y napapagod na’t nanginginig pa,
Buong katawan ko ri’y babagsak na,
Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata,
Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit kinakaya.
Nagpapasalamat ako sa pinagtunguhan ko,
Bagaman alam ko na, kung ano ang haharapin ko,
Lakas ng loob para sa kinabukasan ko,
Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko.
SURIIN
Sagutan sa isang malinis na papel ang mga katanungan na makikita sa ibaba.
- Ayon sa tula, ano ang mga daan na tatahakin upang marating ang patutunguhan?
- “Patutunguhan”, ano ang pagkakaunawa mo sa pamagat?
- Ano ang mensahe ng ika-tatlong saknong sa mga mambabasa?
- Ano ang mensahe ng ika-limang saknong sa mga mambabasa?
- Gumawa ng islogan patungkol sa mensahe ng tula.
[transcriber’s note: answer box with no printed text]
PAGYAMANIN
Sa isang buong papel gumawa ka ng sanaysay patungkol sa iyong patutunguhan makalipas ang sampung taon.
Aking Patutunguhan
[photo: black-and-white image of a road rising toward an arrow pointing upward, with the sun shining at the horizon]
ISAISIP
Sagutin ang mga sumusunod na talahanayan, Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.
| Limang aspeto ng Holistikong Pag-unlad ng Tao | Ang limang aspeto ng Holistikong Pag-unlad ay posibleng nakakaapekto o nakakaimpluwensya sa pagpili ng tatahaking kurso o pangarap sa buhay |
|---|---|
| Pisikal | |
| Ispiritwal | |
| Emosyonal | |
| Sosyal | |
| Mental |
ISAGAWA
Sa pagkamit ng layunin mo sa buhay, ano-ano ang mga humahadlang sa iyo. Magbigay ka ng limang posibleng mga hadlang na nararanasan mo sa pagkamit ng iyong layunin.
| Mga Hadlang | Paano ito nakakahadlang sa iyo. |
|---|---|
TAYAHIN
Sa isang buong papel, lumikha ka ng iyong “Plano sa Iyong Karera/ Career Plan“.
| Mga Plano | Paano ko ito maisasakatuparan |
|---|---|
KARAGDAGANG GAWAIN
Sa isang buong papel. Ilagay mo ang iyong sarili sa isang tiyak na oras/frame para makamit mo ang iyong layunin, sundan ang mga katanungan na makikita sa ibaba.
[illustration: staircase rising to the right with a figure climbing the steps; three gray labels placed along the staircase]
Labels:
- Ako pagkatapos ng kolehiyo
- Ako sa kasalukuyan
- Mga pinagdaanan ko
SUSI SA PAGWAWASTO
[transcriber’s note: the two answer boxes below are printed upside down; the text is rendered here as read after rotation]
Tayahin
- Ang mga sagot ay maaring bumase sa pagkakahad ng Gawain sa klase
Suriin
- Ang mga sagot ay maaring bumase sa pagkakahad ng Gawain sa klase
Sanggunian
Aklat:
Ricardo Rubio Santos(2019) Personal Development, Rex Book Store Publishing House
Internet:
[transcriber’s note: the attached images are labeled pages 1 and 2 of the file, not pages 17 and 18. The first image is blank and the second holds the DepEd-BLR contact box. They are transcribed here under the requested markers 17 and 18.]
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply