This is the Senior High School self-learning module for Pansariling Kaunlaran (Personal Development), Grade 12, Second Quarter, Module 10: “Pagtahak sa Karera” (pursuing a career). Written in Filipino and published by DepEd NCR (First Edition, 2020), it helps learners see how personality, interests, and outside pressures shape the course or career they choose. By the end, learners should be able to name their own strengths and weaknesses and examine different work environments.
On this page 8 sections
What learners will learn
The module states that, after studying it, each learner should be able to:
- Identify their own weaknesses and strengths (natutukoy ang sariling kahinaan at kalakasan).
- Analyze different career, work, or task environments (nasusuri ang iba’t ibang kapaligiran pangkarera/pangtrabaho o panggawain).
Learners are also expected to write a career plan based on their personal goals, discuss the outside factors that affect career choice, and check the background of their chosen career by interviewing people who work in it.
Lesson in this module
The module has one lesson, Aralin 1: Pagtahak sa Karera. It is built around one guiding question: how do outside factors influence the choice of a career? It also opens with the Career Pathways Model from career-pathways.org. The model shows how more occupational, academic, and life skills lead to better-paying, more stable jobs:
| Program | Job level |
|---|---|
| Basic Bridge Programs | Unskilled jobs |
| Sectoral Bridge Programs | Semi-skilled jobs |
| Short-Term Certificate Programs | Entry-level skilled jobs |
| 1-2 Year Certificate and AA Programs | Mid-level skilled jobs |
| BA+ Programs | Upper-level skilled jobs |
Review: relationships that influence young people
The Balikan (review) part recalls four kinds of relationships that influence adolescents: family, peers, community, and society.
- Family is the strongest influence on how young people relate to others.
- Culture shapes many traits of adolescence, such as clothing, work, leisure, and language.
- Joining social activities or volunteering builds self-confidence and new skills, and it is part of civic responsibility.
Holland’s six types of work environment and personality
The core of the module is the work of psychologist John Holland. He sorted both work environments and people’s personalities or interests into the same six types. No one fits a single type perfectly. A person or a job can be a mix of two or three types, such as ESA (enterprising, social, and artistic) or ISC (investigative, social, and conventional). People tend to be drawn to jobs with the same mix as their own interests.
| Type | What the people are like | Sample jobs from the module |
|---|---|---|
| Makatotohanan (Realistic) | Enjoy making things with their hands and using tools; practical; like working outdoors | Forester, electrician, surveyor, carpenter, aircraft mechanic |
| Mapagsiyasat (Investigative) | Focus on scientific work and research; analytical; often work alone | Economist, doctor, statistician, x-ray technician, science and math teacher |
| Makasining (Artistic) | Imaginative, creative, unconventional; dislike many rules | Musician, writer, editor, architect, photographer, actor |
| Makalipunan (Social) | Friendly and responsible; like teaching and helping others | Teacher, counselor, social worker, therapist, librarian |
| Maka-negosyo (Enterprising) | Lead or persuade others toward group or economic goals | Lawyer, judge, banker, salesperson, manager |
| Kumbensyonal (Conventional) | Like order and clear expectations; careful with data and records | Accountant, bookkeeper, secretary, clerk, proofreader |
Seven other outside factors in choosing a career
- Parental pressure – Parents are the main influence on a young person’s choice, often because of the family’s finances. The module suggests talking openly with them and looking for a scholarship if money is the problem.
- Job market demand and supply – CHED and TESDA list priority courses and industries. Courses on these lists make it easier to find work after graduation.
- School location – Distance and the cost of boarding near campus affect which school and course a learner picks.
- Peer pressure – Friends may urge you to join them, but in the end the decision is yours.
- Gender bias – Some careers still face it, but many fields once open only to men now accept women.
- Language limits – Languages can be learned. For example, someone who wants to be a European diplomat should study a European language.
- Academic performance – Some college courses, such as engineering, require a certain general average.
The module stresses that, of these factors, parents’ wishes usually weigh the most. It closes the discussion by asking learners to plan their career with their values, interests, goals, strengths, and challenges in mind.
How to use this module
The module follows the usual SLM parts:
- Subukin – a five-item pretest. Write the term each sentence describes.
- Balikan, Tuklasin – the review and the main discussion.
- Suriin – four questions on the outside factors, the six types, and career planning.
- Pagyamanin – a table of the six personality types, with three suitable jobs for each.
- Isaisip – the key takeaways.
- Isagawa – write your own course or career plan and discuss the outside factors that affect it.
- Tayahin – give five key words from the module with your own definitions.
- Karagdagang Gawain – carry out a simple survey on Filipino relationships (family, school, community), using a Likert scale.
An answer key (Susi sa Pagwawasto) is at the end.
- Learners: answer on separate paper, do not write on the module, and contact your teacher if anything is unclear.
- Parents and guardians: the module comes with a teacher or facilitator guide. Help your child answer the pretest and activities honestly before checking the key.
- Teachers: the Isagawa career plan and the survey work well as outputs to collect and give feedback on.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 12 Senior High School learners taking Pansariling Kaunlaran (Personal Development), Second Quarter, Module 10.
What are Holland’s six types?
Realistic (makatotohanan), Investigative (mapagsiyasat), Artistic (makasining), Social (makalipunan), Enterprising (maka-negosyo), and Conventional (kumbensyonal). Holland used them to describe both work environments and people’s personalities.
Which outside factor influences career choice the most, according to the module?
The module says parents’ pressure or wishes usually weigh the most, often because of the family’s financial situation.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest, the Pagyamanin activity, and the Tayahin part.
Is the module in English or Filipino?
The module is written in Filipino, with many job titles and key terms given in English.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Pansariling Kaunlaran – Ikalawang Markahan – Modyul 10: Pagtahak sa Karera
Senior High School
Pansariling Kaunlaran
Ikalawang Markahan – Modyul 10: Pagtahak sa Karera
[illustration: students, a teacher, a globe, a lamp, and a tree]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Pansariling Kaunlaran – Grade 12
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 10: Pagtahak sa Karera
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul PANSARILING KAUNLARAN – SENIOR HIGH SCHOOL
Manunulat: Josephine L. Coprada | Jonas Feliciano C. Domingo EdD | Evelyn S. Plaza Editor: Rhoda M. Manual EdD Tagasuri: Tessie M. Cruz | Eulafel C. Pascual | Nenita R. Romero Rosemarie C. Cuaresma | Erlinda T. Reyes | Emma A. Sendiong EdD Tagaguhit: Justine Montoya Tagalapat: Michael P. Rull Tagapamahala: Malcolm S. Garma PhD, Genia V. Santos PhD, Dennis M. Mendoza, Micah S. Pacheco, Helen G. Padilla PhD, Jonas Feliciano C. Domingo EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR) Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Senior High School
Pansariling Kaunlaran
Ikalawang Markahan – Modyul 10: Pagtahak sa Karera
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ALAMIN
[illustration: a hand pressing a button]
Dinisenyo at nilikha ang modyul na ito upang maging dalubhasa ang mga mag-aaral sa kursong Pansariling Kaunlaran. Saklaw rin ng modyul na ito na linangin at hubugin ang mga mag-aaral na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa. Sa tulong ng modyul, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtamasa ng kaalaman, at kasanayan gamit ang talino, kahusayan, at angkop na pagkilos upang ilapat ang natutuhan sa pamamagitan ng epektibong pagkatuto. Ang bawat aralin ay nakaayos batay sa pagkasunod-sunod ng pamantayan ng kurso.
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral:
- Natutukoy ang sariling kahinaan at kalakasan.
- Nasusuri ang iba’t ibang kapaligiran pangkarera/pangtrabaho o panggawain.
SUBUKIN
[illustration: a hand holding a pencil]
Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salita sa patlang na binibigyang kahulugan sa bawat pangungusap.
_____________ 1. Ang mga trabahong may ganitong katangian na nakapokus sa mga siyentipikong gawain ay naayon sa ganitong gawaing kaligiran.
_____________ 2. Ang mga gawaing nabibilang sa pagtuturo o tagapagsanay sa drama, wika, sining, musika/musikero o manunugtog, modelo, manunulat, editor, aktor/aktres at arkitekto ay nabibilang sa ganitong kaligirang gawain.
_____________ 3. Ang mga taong nabibilang sa ganitong uri ng personalidad ay maaaring mas nasisiyahang magtrabaho sa labas.
_____________ 4. Sila ang pinakamaimpluwensyang salik sa pagpili ng kurso dahil sa pinansyal na kadahilanan.
_____________ 5. Isa sa panlabas na salik sa pagpili ng karera ay dahil sa uri ng kasarian na kailangan dito at ng mga kumpanya.
Aralin 1: Pagtahak sa Karera
Paano naiimpluwensiyahan ng mga panlabas na salik ang pagpili ng karera?
Sa modyul na ito, tinatalakay ang iba’t-ibang mga panlabas na salik, mga interes at personalidad ng mga tao na lubhang nakakaapekto o impluwensya sa pagpili ng kurso o karerang nais nilang tahakin. Gayundin ang mga kapaligirang kalagayan ng bawat trabahong nais gawin.
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makagawa ng kanilang mga plano ayon sa kanilang mga personal na layunin at talakayin ang mga panlabas na salik na nakaka-impluwensya sa pagpili ng karera. Gayundin ang pagsagawa ng isang pananaliksik o pag-tsek sa likod ng karerang nais tahakin sa pamamagitan ng isang panayam sa isa/mga taong nagtatrabaho sa gayung gawain.
Narito ang The Career Pathway Model ayon sa www.career-pathways.org upang mas maintindihan natin ang pagtahak sa karera.
[chart: stepped diagram; THE CAREER PATHWAYS MODEL]
Y-axis: Prospects for Good-Paying, Stable Employment X-axis: Occupational, Academic, and Life Skills
| Program | Job Level |
|---|---|
| Basic Bridge Programs | Unskilled Jobs |
| Sectoral Bridge Programs | Semi-Skilled Jobs |
| Short-Term Certificate Programs | Entry-Level Skilled Jobs |
| 1-2 Year Certificate and AA Programs | Mid-Level Skilled Jobs |
| BA+ Programs | Upper-Level Skilled Jobs |
BALIKAN
[illustration: two hands joining puzzle pieces]
Ayon sa pagsusuri, may apat na uri ng pakikipag-ugnayan na nakaiimpluwensya sa mga nagbibinata at nagdadalaga: pamilya, kapwa, komunidad at lipunan.
Pamilya
Ang pinakamalakas na impluwensya sa kabataan sa pagkakaroon ng panlipunang pakikipag-ugnayan. Iba-iba ang mga paraan ng pagpapalaki ng mga magulang o “parenting styles”. Sila ang mas may kontrol sa mga kabataan sa mas mabuting mga kadahilanan. Ang mga kabataan ay mas may kakayahang pag-uugali at mas may tiwala sa sarili.
Ang Komunidad, Kultura at Lipunan
May tiyak na mga katangian ang pag-unlad sa panahon ng pabibinata at pagdadalaga na mas nag-uugat sa kultura kaysa sa biyolohiyang pantao o pangkaisipang istraktura. Ang kultura ay napag-aaralan, naibabahagi at nakaka-apekto sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang mga panlipunang pananagutan, mga ekspresyong sekswal at paglago ng sistemang paniniwala halimbawa, ay nagkakaiba-iba ayon sa kultura. Ang iba-ibang mga katangian ng bawat isa (halimbawa ay sa pananamit, trabaho, paglilibang at wika) ay produkto ng kultura.
Mga Gawaing Panlipunan: Makilahok
Ang paglahok o pagboluntaryo sa mga gawaing panlipunan ay nakapagpapataas ng tiwala at pagpapahalaga sa sarili gayundin ng pagbuo ng bagong kakayahan. Maaari ninyong umpisahan ng paghahanap ng mga gawaing magbibigay interes sa inyo.
Mga Gawaing Panlipunan at Mga Sibikong Pananagutan
Ang mga gawaing panlipunan ay bahagi ng sibikong pananagutan. Ito ay paggawa sa ating mga komunidad dahil sa kagustuhan natin o dapat nating gawin hindi lamang dahil sa pagsunod sa batas.
Mga Kabutihang Naidudulot sa Pakikilahok Sa Mga Panlipunang Gawain
Hindi na mahalaga kung anuman ang inyong ginawa. Anumang pakikilahok ay mabuti. Ang anumang pakikilahok sa mga gawaing panlipunan ay nakapagbibigay ng personal na gantimpala ang pansariling tagumpay.
Tiwala sa Sarili, Kalusugang Pangkaisipan at Sariling Kagalingan
Ang mga panlipunang gawain ay nakapagpapalakas at nakabubuti sa pagtitiwala sa sarili. Matutunang humarap sa mga pagsubok, makipagtalastasan sa iba’t-ibang uri ng tao at lumikha ng mga kasanayan at abilidad sa buhay sa isang mapagtaguyod na lipunan.
TUKLASIN
Ayon sa pananaliksik ni John Holland, isang sikologo, inuri niya ang mga kapaligirang pangkarera/pangtrabaho o panggawain sa anim: makatotohanan (“Realistic”), mapagsiyasat (Investigative), makasining (Artistic), makalipunan (Social), maka-negosyo (“Enterprising”) at naaayon sa kaugalian (“Conventional”). Ngunit walang ganap na pag-uuri ayon kay Holland. Ang pagtupad sa gawain ng isang tao ay maaaring kumbinasyon ng ESA (“enterprising, social & artistic”), o ISC (“investigative, social & conventional”) o kahit sa anumang dalawa o tatlong kumbinasyon.
Inuri rin ni Holland ang mga personalidad o interes ng mga tao sa anim: makatotohanan (“Realistic”), mapagsiyasat (Investigative), makasining (Artistic), makalipunan (Social), maka-negosyo (“Enterprising”) at naaayon sa kaugalian (“Conventional”). Muli, wala ring ganap na uri ng interes. Ang isang tao ay maaari ring may kumbinasyon ng ESA (“enterprising, social & artistic”), o ISC (“investigative, social & conventional”) o kahit sa anumang posibleng dalawa o tatlong kumbinasyon.
Kung ang ating padron ng interes ay may kumbinasyon ng ESA, tayo ay maaakit sa mga gawaing may gayun ding kumbinasyon. Ang ganitong tema ay maaaring magkumbinasyon upang makabuo ng ilang daang personalidad sa trabaho (“job personality”), ang bawat isa ay may kahulugan sa pagitan ng isang tao at trabaho. Halimbawa, ang isang taong makatotohanan ay maaari ring isang makasining o maka-negosyo ay maaaring makahanap ng trabaho sa pakikipagugnayang pampubliko sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR).
Ikonsidera ang inyong mga konsiderasyon sa mga nasabing uri ng interes o kaligirang gawain bilang unang hakbang sa karera at pagkaunawa:
Makatotohanan (Realistic)
Ang mga taong nabibilang dito ay nasisiyahan sa paglikha ng mga bagay sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at gumamit ng mga “tools” o mga bagay sa trabaho kaysa may makasamang ibang tao at gumamit ng mga ideya. Ang mga taong makatotohanan ay maaaring magaspang (o masungit) at praktikal at mas nasisiyahang magtrabaho sa labas ng opisina o “outdoors”.
Halimbawa ng mga trabahong may kinalaman dito ay: dalubgubat (“forester”), guro sa “industrial arts” at agrikulturang bokasyonal, radio operator, inhinyero sa sasakyan, mekanikal, at pagmimina, mekaniko ng eroplano, “fish & game warden”, surbeyor, “dental technician, architectural draftsman, electrician, powerhouse repairman, tool & die maker, stone cutter, locksmith, nuclear reactor technician, tree surgeon, piano tuner, typesetter, airconditioning engineer, ship pilot, instrumental mechanic, motion picture projectionist, machine repairer”, kasama na rin ang mag-aalahas, karpintero at sastre.
Mapagsiyasat (Investigative)
Ang mga trabahong may mapagsiyasat na katangian ay nakapokus sa mga siyentipikong gawain. Ang mga taong nabibilang dito ay kadalasang mag-isang magtrabaho kaysa may kasama at kadalasang mapagtuon sa mga ideya at malikhain sa mga siyentipikong gawain gaya ng pananaliksik. Sila ay mapaganalisa,matatalino at mapagtuon sa gawain.
Ang mga gawaing may kinalaman dito ay: ekonomista, mga doctor at iba pang may kinalaman sa medisina at agham, “production planner, quality control technician, actuary, computer operator, tv repairer, statistician, x-ray technician, administrator, tool designer, chemical lab technician, engineers for aircraft, chemical, metallurgical & electrical”, gayundin ang mga guro sa agham at matematika.
Makasining (Artistic)
Ang mga taong may kinalaman dito ay mahilig sa sining, ma-imahinasyon, malikhain at hindi umaayon sa nakasanayan na (“unconventional”). Nasisiyahan sila sa mga sitwasyong nagbibigay sa kanila ng kalayaang maging orihinal, mas gustong magtrabaho sa hindi maayos (“unstructured”) na kapaligiran at hindi sila nasisiyahang sumunod sa maraming panuntunan at pamamaraan. Nasisiyahan sila sa mga gawaing may kinalaman sa mga wika, sining, musika, drama at pagsusulat.
Ilan sa mga makasining na trabaho ay: guro o tagapagsanay sa drama, wika, sining, musika & panitikan, mamamahayag – tagapagbalita, tagasalin sa wika, musikero o manunugtog, modelo, manunulat, editor, aktor/aktres, arkitekto, kritiko, potograpo, “orchestra conductor, advertising manager, entertainer, public relation person, interior decorator, fashion illustrator, furniture designer, artist, photograph retoucher, photolithographer (printer), music arranger & composer”.
Makalipunan (Social)
Ang mga taong may kinalaman dito ay kadalasang palakaibigan, popular o kilala at responsible. Mas gusto nilang makisalamuha at magkaroon ng presensya sa lipunan. Interesado sila sa mga suliraning may kinalaman sa iba at mga gawaing makapagbibigay oportunidad sa kanilang magturo, magbahagi ng kaalaman magsanay, magpaunlad at tumulong sa kapwa.
Ang mga trabahong may kinalaman dito ay: edukasyon, pagtuturo, propesyong may kinalaman sa kalusugan, “social welfare and worker, human development, counselling, dorm director, interviewer, employment representative, funeral director, chamber of commerce executive, food service manager, health & welfare coordinator, training director, historian, environmental health engineer, business agent, building superintendent, therapist, political scientist, sociologist, foreign service officer & librarian.”
Maka-negosyo (“Enterprising”)
Ang mga taong nagtatrabaho na may kinalaman sa pagka-negosyo (“enterprising”) ay kadalasang nasa posisyong pamumuno o pagkumbinsi sa iba na makamit ang mga pangkatan/organisasyunal na layunin o para sa kapakinabangang ekonomiya.
Ito ay kinabibilangan ng mga trabahong may kinalaman sa pagiging : abogado, huwes, opisyal sa pamahalaan, “sales and marketing field, banker, insurance underwriter & manager, real estate appraiser, florist, industrial engineer, contractor, warehouse manager, salesperson-technical products, tv/radio announcer, branch manager, industrial relations director, managers, salary/wage administrator, labor arbitrator, systems analyst, director of compensation & benefits, securities salesperson & human resource recruiter.”
Naaayon sa kaugalian/Kumbensyonal (“Conventional”).
Ang mga taong may mataas na antas nito ay mas gustong magtrabaho na may kaayusan at alam kung ano ang inaasahan sa kanila. Sila ay masasabing tapat, mabisang gumawa at kalmado. Nasisiyahan sila sa mga gawaing tumpak, mga organisadong datos gaya ng pagtatago at pag-“file” ng mga talaan, pagsasa-ayos ng mga datos, pagkukuwenta at paglilimbag.
Ang mga trabahong naaayon sa kategoryang ito ay: “clerical, administrative, time study analyst, finance expert, accountant, bookkeeping, credit manager, timekeeper, auto writer, machine operator, estimator, clerks (foreign trade, office, mail & payroll), secretary, library assistant, data processing worker, proofreader”, gayundin ang pagiging guro sa negosyo o komersyo.
Iba pang Panglabas na Salik na Nakakaimpluwensya sa Pagpili ng Karera:
“Pressure” o Pamimilit ng Magulang – ang mga magulang ay may ideya o gustong kurso para sa kanilang mga anak. Sa katunayan, sila ang pangunahing impluwensya na nakaka-apekto sa kabataan sa pagpili ng kurso o karera. Ngunit, kung sakaling ito ay umaayon naman sa kagustuhan ng kabataan, walang pagtatalong magaganap. Kung sakali namang hindi ito ayon sa kagustuhan nila, maaari silang tanungin kung bakit at maipaliwanag sa kabataan ang kanilang mga palagay at mga kadahilanan. Makabubuting malaman din ng mga magulang ang gustong piliin ng mga anak. Ito ay isang mahalagang konsiderasyon sa dahilang isinasaalang-alang din ng mga magulang ang pinansyal na katayuan ng pamilya kung kayang suportahan ang kurso o karerang nais ng kabataan. Kung sakaling ito ang sitwasyon, makabubuting humanap ang kabataan ng “scholarship” na makatutulong na makamit ang pangarap.
Demand at Supply ng Merkado sa Trabaho – ang mga lokal na merkado sa trabaho ay nagtutulak sa pagkakaroon ng empleyo trabaho. Ang Komisyon sa Mataas na Edukasyon (CHED) at ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay parehong nagtala ng mga pangunahing kurso at mga industriya at mga naaayong trabaho na kinakailangan ng mga industriyang ito. Kung sakaling ang napiling tatahaking karera o kurso ay nasa talaan ng mga nasabing ahensya, madaling makakahanap ng trabaho pagkatapos ng kolehiyo. Ngunit kung hindi naman at ang napiling kurso o karera ay nasa ilalim o wala sa prayoridad, may tsansang hindi agad makahahanap ng trabaho. Dahil sa masyadong mahigpit ang kumpetisyon sa trabaho, maari munang kumuha ng master’s degree upang madaling makahanap agad ng trabaho. Karamihan din sa mga nagtapos ay hindi akma ang unang trabaho, ngunit ito ay isang magandang oportunidad para magkarooon ng karanasan at madaling makahanap ng trabaho sa hinaharap.
Lokasyon ng Paaralan – ito rin ay isa sa mga dahilan ng pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo. Halimbawa na ang pagpili sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Kung malayo ang tinitirhan, maaaring manuluyan sa isang paupahang bahay malapit sa kampus. Kung sakaling hindi kakayanin sa pinansyal na dahilan, maaaring umupa sa mas maliit na silid malapit sa kampus o manatili na lamang sa mas malapit na paaralan.
Pamimilit ng Kapwa (“Peer Pressure”) – karamihan sa mga kabataan ay natatakot kung ano ang buhay kolehiyo. Ang ginagawa ng iba ay ibinabahagi ang kanilang saloobin sa kaibigan o kaklase upang makahanap ng nakakaalam sa kolehiyong papasukan o makahanap ng makakasama nila. Ang mga kaibigan o ang natatanging taong (“special someone”) ito ay kadalasang namimilit magsama o mang-engganyo ng makakasama sa napiling kurso o kolehiyo. Sabihin sa kanila ang inyong mga pagpipilian at mga dahilan dito. Sa bandang huli, kayo rin ang magdedesisyon kung ano ang higit na tama para sa inyo.
“Gender Bias” – may ibang karera na nananatiling nahihirapan pa rin dahil sa “gender bias”. Ito ay nakakaapekto sa pagpili ng kurso o karerang nais tahakin. Ngunit dahil sa pagbabago ng panahon, marami na ring mga kurso o karerang nagbubukas at tumatanggap sa mga kababaihan na dati ay para lamang sa mga kalalakihan. Sa panahon ngayon ay mayroon ng pagkakapantay-pantay sa kasarian.
Limitasyon sa Wika – ang wika ay napag-aaralan. Kung ito man ay isang hamon sa inyo, hindi dapat panghinaan ng loob, dapat lamang na ituloy ang inyong pangarap. Halimbawa na lang, kung nais ninyong maging isang European Diplomat, kinakailangang mag-aral ng isa sa mga wika ng Europa. Dapat humanap ng paraan upang matutunan ang wikang kailangang matutunan bago mag-enrol.
Akademikong Pagganap (“Academic Performance) – isa sa mga salik sa pagpili o paglinang ng karera ay ang akademikong pagganap. Bago makatapos ng mataas na paaralan at makapunta sa kolehiyo, dapat lamang na maipasa lahat ng asignatura. May mga paaralang pangkolehiyo na ang mga kurso ay may kinakailangang pangkalahatang grado/marka para sa ispesipikong kurso na nais kunin, halimbawa, pagka-inhinyero (engineering). Kung nais ding magkaroon agad ng trabaho, kailangan din ang diploma sa mataas na paaralan bago kumuha ng teknikal-bokasyonal na kurso.
Planuhin ang Inyong Karera
May ilang hakbang sa pagpaplano ng isang karera. Dapat na magkaroon ng kamalayan sa maraming aspeto gaya ng mahahalagang pag-uugali, mga hilig, mga layunin sa buhay, angking kalakasan, mga hamon, mga personal na katangian at mga panloob at panlabas na salik sa ating sitwasyon. Lahat ng aspetong ito ay napagdaanan ng talakayin sa mga nakaraang leksyon. Dapat umpisahan ang mga ehersisyong pagpaplanong ito sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa mas importante o makabuluhan para sa atin.
Ihanda ang sarili sa pagtahak sa landas kung saan mas nadarama natin ang ating kahalagahan. Anong direksyon ng buhay ang ating tatahakin at anong mahalagang desisyon ang dapat nating gawin habang pinoproseso ang mga seleksyon ng inyong karera?
SURIIN
Sagutan sa isang malinis na papel ang mga katanungan na makikita sa ibaba.
Ano-ano ang mga panlabas na salik sa pagpili ng kurso o karera?
_____Ibigay ang anim na personalidad ng kaligirang paggawa at ng tao na nakaiimpluwensya sa pagpili ng karera?
_____Ano-ano pa ang pitong panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa pagpili ng kurso o karera?
_____Paano mo mapagbubuti ang pagpaplano ng iyong kurso o karera?
_____
PAGYAMANIN
Ibigay ang anim na uri ng personalidad ng tao at mga nababagay na trabaho sa kanila.
| 6 Na Uri ng Personalidad ng Tao | Mga Bagay na Trabaho |
|---|---|
| 1. 2. 3. | |
| 1. 2. 3. | |
| 1. 2. 3. | |
| 1. 2. 3. | |
| 1. 2. 3. | |
| 1. 2. 3. |
ISAISIP
May anim na uri ng kaligirang gawain na umaayon din sa kaparehong uri ng personalidad ng tao – makatotohanan, mapagsiyasat, makasining, makalipunan, maka-negosyo at kumbensyonal. May naaayon na mga trabaho sa bawat uri ng kaligirang gawain at personalidad ng tao.
Sa pito pang panlabas na salik na nakakaimpluwensya sa pagpili ng kurso o karera, ang pamimilit/kagustuhan ng mga magulang ang kadalasang namamayani.
ISAGAWA
Isulat ang mga plano sa pagpili ng kurso o karera ayon sa mga personal na layunin at talakayin ang mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa pagpili ng kurso/karera.
Pamagat ng Sulatin
[transcriber’s note: the box holds about 30 ruled writing lines, left blank in the printed page]
TAYAHIN
Magbigay ng limang susing salita na natutuhan mula sa modyul na ito. Bigyan ng sariling kahulugan ang mga ito.
- _____ – _____
- _____ – _____
- _____ – _____
- _____ – _____
- _____ – _____
KARAGDAGANG GAWAIN
Magsagawa ng simpleng sarbey tungkol sa mga ugnayan ng mga Pilipino (pamilya, paaralan at pamayanan).
Pamagat ng Sarbey
Paunang salita para sa mga kalahok ng sarbey:
Mga layunin ng Sarbey:
I. Detalye ng mga respondents: Pangalan (optional): Edad: Baitang: Strand:
II. Mga katanungan:* *Ilakip dito ang likert scale na gagamitin para sa sarbey.
SUSI SA PAGWAWASTO
[transcriber’s note: this page is printed upside down. The three columns are transcribed in the order they read once the page is turned right side up: Tayahin, Pagyamanin, Subukin]
Tayahin
- Makatotohanan
- Pamimilit ng Pamilya
- “Gender Bias”
- Makasining
- Kurso/karera
Pagyamanin
- Makatotohanan
- Mapagsiyasat
- Makasining
- Makalipunan
- Mapag-negosyo
- Kumbensyonal
Subukin
- Mapagsiyasat
- Makasining
- Makatotohanan
- Magulang
- “Gender Bias”
Sanggunian
Aklat:
Personal Development. 1st ed. Pasig City: Department of Education – Philippines, 2016.
Personal Development, 2nd ed. Manila: Ricardo Rubio Santos, Rex Book Store – Philippines, 2019
Internet:
http://www.career-pathways.org/about-career-pathways/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply