This is a self-learning module (SLM) for Pansariling Kaunlaran (Personal Development), Grade 12 Senior High School, Quarter 1, Module 3: “Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata” (challenges during adolescence). DepEd National Capital Region prepared it as the First Edition, 2020, under the Alternative Delivery Mode. It helps learners name the challenges of the teen years and find healthy, responsible ways to handle them.
What learners will learn
By the end of the module, learners are expected to:
- Discuss the challenges of adolescence so they can understand and manage the demands of the teen years (EsP-PD11/12CA-Id-4.1)
- Express their feelings about what the important people around them expect of them: parents, siblings, friends, teachers, and community leaders (EsP-PD11/12CA-Ie-4.2)
- Make affirmations that help them become more lovable and capable as adolescents (EsP-PD11/12CA-Ie-4.3)
- Classify developmental tasks according to developmental stage (EsP-PD11/12DS-Ic-3.1)
What the lesson is about
The module has one lesson, Aralin 1: Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata. It treats challenges as preparation for the future. Learners are encouraged to accept challenges, think about the causes and effects of their actions, and make responsible decisions, for example in choosing friends, making life decisions, and relating with family. The module reminds learners that regret always comes last, so they should act wisely.
The review part (Balikan) recalls that growth during adolescence happens in several connected areas: physical (pisyolohikal), cognitive (kognitibo), psychological (sikolohikal), spiritual (espirituwal), and social (panlipunan). Understanding these helps teens make sense of their own thoughts, feelings, and actions.
Challenges of middle and late adolescence
The Suriin part lists the changes and challenges of middle and late adolescence, with advice for each.
| Area | The challenge | What helps |
|---|---|---|
| Pisikal (physical) | Looking presentable to others as the body changes | Keep the body clean, dress neatly, keep a healthy weight |
| Pagkakakilanlan o konsepto sa sarili (identity, self-concept) | Avoiding low self-esteem and a poor view of oneself | Not letting oneself fall into low self-worth |
| Emosyonal na pag-uugali (emotional behavior) | Avoiding rebellion against rules at home or school | Watching oneself and balancing feelings |
| Panlipunang saloobin (social attitude) | Wanting freedom to decide, act, and express oneself | Being responsible for every action |
| Relasyon sa mga kaibigan (peer relationships) | Peer influence | Staying balanced to avoid bad experiences with friends |
| Relasyong pampamilya (family relationships) | Accepting parents’ guidance | Remembering that parents want what is best for their children’s future |
| Romantikong relasyon (romantic relationships) | Understanding love, faithfulness, commitment, and the ability to support oneself | Remembering early romances are usually short; avoid actions you will regret |
| Relasyong sekswal (sexuality) | Gaining a clear sexual orientation while considering feelings, family, and faith | Deepening understanding of sexuality and making careful, wise decisions |
| Paggawa ng desisyon / kalayaan (decision-making, independence) | Making one’s own choices | Practicing responsible decisions and knowing the duties that come with them |
| Kognitibong pag-unlad (cognitive growth) | Meeting heavier school demands, reasoning well, thinking reflectively, planning ahead | Practicing problem-solving, connecting ideas, understanding complex issues |
| Moralidad at pagpapahalaga (morals and values) | Moral reasoning, honesty, and caring attitudes such as helping, altruism, and volunteerism | Being idealistic, principled, and conscientious |
Activities in the module
- Subukin (pretest): Explain five challenges: cognitive growth, morals and values, decision-making, peer relationships, and self-concept.
- Tuklasin: Read the poem “Ang Pananalig ng Kaligayahan” (the creed of happiness), which describes happiness as a choice, a habit, an attitude of gratitude, and something to share.
- Pagyamanin: Fill in a concept web of challenges you have faced as a teen and write the solutions you used.
- Isaisip: Write a reflective essay on a whole sheet of paper showing how you are ready to face the challenges of adolescence.
- Isagawa: Write a poem that shows the happiness you feel.
- Tayahin (final test): Explain the same five challenges as in the pretest.
- Karagdagang Gawain (extra activity): Draw a symbol in each part of a circle divided into four: how you see yourself, your family’s role in your life, your friends’ role in your life, and your view of your future.
How to use this module
- Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Contact your teacher right away if a part is hard to understand.
- Parents and guardians: The module is designed for home study. Guide your child through the activities and encourage honest answers, especially in the personal reflection tasks.
- Teachers: Compare the pretest and Tayahin answers to see what learners gained. Most tasks are open-ended reflections, essays, and poems, so plan to check them with your own criteria.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 12 Senior High School learners taking Pansariling Kaunlaran (Personal Development), Quarter 1, Module 3.
What does pagdadalaga / pagbibinata mean?
These are the Filipino terms for adolescence: pagdadalaga refers to a girl growing into a young woman, and pagbibinata to a boy growing into a young man.
What challenges does the module discuss?
It covers physical changes, self-concept, emotions, social attitudes, peer and family relationships, romantic relationships, sexuality, decision-making, cognitive growth, and morals and values, with advice for each.
Does the module have an answer key?
The module includes a Susi sa Pagwawasto page for Suriin and Tayahin, but the answer boxes are printed empty. Most tasks are personal reflections that teachers check directly.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners to keep it clean for others and to write all answers on separate sheets of paper.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Pansariling Kaunlaran – Unang Markahan – Modyul 3: Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata
Senior High School
Pansariling Kaunlaran
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata
[illustration: group of students studying outdoors and indoors, one reading by a lamp, another holding a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_Pansariling Kaunlaran SHS_Module 3
Pansariling Kaunlaran – Grade 12 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Mga Hamon sa bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul PANSARILING KAUNLARAN – SENIOR HIGH SCHOOL
Manunulat: Josephine L. Coprada | Jonas Feliciano C. Domingo EdD | Evelyn S. Plaza Editor: Rhoda M. Manual EdD Tagasuri: Tessie M. Cruz | Eulafel C. Pascual | Nenita R. Romero Rosemarie C. Cuaresma | Erlinda T. Reyes | Emma A. Sendiong EdD Tagaguhit: Justine Montoya Tagalapat: Michael P. Rull Tagapamahala: Malcolm S. Garma PhD Genia V. Santos PhD Dennis M. Mendoza Micah S. Pacheco Helen G. Padilla PhD Jonas Feliciano C. Domingo EdD
Inilimbag sa Pilipinas ng _____________________
Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR) Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph
Senior High School
Pansariling Kaunlaran
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
ALAMIN
Dinisenyo at nilikha ang modyul na ito upang maging dalubhasa ang mga mag-aaral sa kursong Pansariling Kaunlaran. Saklaw rin ng modyul na ito na linangin at hubugin ang mga mag-aaral na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa. Sa tulong ng modyul, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtamasa ng kaalaman, at kasanayan gamit ang talino, kahusayan, at angkop na pagkilos upang ilapat ang natutuhan sa pamamagitan ng epektibong pagkatuto. Ang bawat aralin ay nakaayos at nakasunod sa pagkasunod-sunod ng pamantayan ng kurso.
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
- Natatalakay ang mga hinaharap na hamon sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata upang mabigyang linaw at mapamahalaan ang mga pangyayari kaakibat ng pagiging tinedyer, (Discuss that facing the challenges during adolescence may able to clarify and manage the demands of teen years) EsP-PD11/12CA-Id-4.1
- Naipapahayag ang mga saloobin sa mga inaasahan ng mga mahalagang tao nakapaligid sa kanya (magulang, kapatid, kaibigan, guro, pinuno ng pamayanan) (Express his/her feelings on the expectations of the significant people around him/her (parents, siblings, friends, teachers, community leaders) EsP-PD11/12CA-Ie-4.2
- Nakagagawa ng mga papuri/apirmasyon na nakatutulong upang siya ay maging kanais-naisat handa sa pagdadalaga/pagbibinata, (Make affirmations that help one become more lovable and capable as an adolescent) EsP-PD11/12CA-Ie-4.3
- Natutukoy ang iba’t ibang inaasahang gawain (developmental task) ayon sa antas ng pag-unlad; (Classifiy various developmental tasks according to developmental stage) EsP-PD11/12DS-Ic-3.1
SUBUKIN
Ipaliwanag ang mga sumusunod na hamon na hinaharap ng mga nagdadalaga at nagbibinata. Isulat ang tamang sagot sa isang malinis na papel
- Kognitibong Pag-unlad
- Moralidad at Pagpapahalaga
- Paggawa ng Desisyon/Kalayaan
- Relasyon sa mga Kaibigan o Kasama
- Pagkakakilanlan o Konsepto sa sarili
Aralin 1: Mga Hamon sa Bahagi ng Pagdadalaga / Pagbibinata
Maraming hamon ang nararanasan sa bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata. Laging isipin na maging responsable sa pagdedesisyon sa bawat hamon na mararanasan.
Ang hamon ay tulong na paghandaan sa kinabukasan. Makatutulong na maunawaan ang bawat hamon na nararanasan at maging masaya sa pagtanggap sa mga hamon. Dapat rin palakasin ang konsepto ukol sa sanhi at epekto ng mga gawain na makakaapekto sa buhay natin. Halimbawa pagpili ng tamang kaibigan, pagdedesisyon sa buhay at relasyon sa pamilya. Makakatulong na isipin na ang pagsisisi ay laging nasa huli kaya maging matalino sa paggawa ng mga bagay.
BALIKAN
Ang pag-unlad sa larangang pisyolohikal, kognitibo, sikolohikal, ispiritwal, at panlipunan na nararanasan ng isang tao, lalo na sa pagbibinata o pagdadalaga, ay magkakaugnay at pangkaraniwang nagaganap nang mabilis sa mga tao na nasa yugtong adolescence. Mahalagang maunawaan mo ito upang iyo ring maintindihan ang iyong mga iniisip, nadarama, at kinikilos bilang isang tinedyer.
Narito ang mga aspeto ng pag-unlad sa buong katauhan ng isang tao
- Pisyolohikal na Pag-unlad
- Kognitibong Pag-unlad
- Kognitibong Pag-unlad
- Sikolohikal na Pag-unlad
- Espirituwal na Pag-unlad
Panlipunang Pag-unlad
[transcriber’s note: items 2 and 3 are both printed as “Kognitibong Pag-unlad”]
TUKLASIN
Basahin ang tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong kasunod nito.
Ang Pananalig ng Kaligayahan
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay aking likas na karapatan, at lalong higit na aking responsibilidad;
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay nasa kaibuturan ng aking puso; at isakatuparan kong tuwiran na pagbuksan ito.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay narito at nagpapakilala; at isakatuparan kong tuluyan na magising ito.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay isang pagpili; at isakatuparan kong matiyaga na piliin ito.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay isang ugali; at isakatuparan kong na ito’y pagyamanin.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay malaya, tulad ng makulay na bahaghari, at ihip ng hangin sa kapaligiran; at isakatuparan kong masigla na ipagdiwang ito.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay kinakawayan ako, kahit na anupamang abala ang ginagawa ng iba; at isakatuparan kong maibahagi rin sa iba.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay isang gawaing pansarili, hindi nakaasa sa salapi, katanyagan, mga palakpak, o mga ari-arian; at isakatuparan kong huwaran na ipamuhay ito.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay isang saloobin ng pagpapasalamat; at isakatuparan ko na laging magiliw magpasalamat.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay isang pagkilos; at isakatuparan kong lubos na magawa ito.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ay nakakahawa; at isakatuparan kong magiliw na maibahagi ito.
Ako’y naniniwala na ang kaligayahan ang aking ginagampan ay isang tungkulin –
SURIIN
Narito ang mga pagbabago at hamon nagaganap sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata.
Pisikal
Dahil sa pagbabagong pisikal ang hamon na mararanasan ng mga tinedyer ay kung paano magkaroon ng anyong presentable sa iba. Makatutulong na panatilihin ang kalinisan sa katawan, ang maayos na pananamit, at ang tamang timbang.
Pagkakakilanlan o Konsepto sa sarili
Ang hamon na nararanasan sa yugtong ito, huwag hayaan na magkaroon na mababang pagpapahalaga sa sarili at mababang pananaw o paniniwala sa sarili.
Emosyonal na Pag-uugali
Ang hamon sa yugto na ito maiwasan ang mga mapaghimagsik o pagrerebelde laban sa mga polisiya ng tahanan o institusyon. Makakatulong na bantayan ang sarili at ibalanse ang nararamdaman.
Panlipunang Saloobin
Walang masama sa yugtong ito, naghahangad lamang ang mga tinedyer ng kalayaan upang magpasiya, kumilos, at magpahayag ng kanilang sarili. Ang malaking hamon lamang sa yugto na ito ay maging responsable sa bawat gagawin.
Relasyon sa mga Kaibigan o Kasama
Ang hamon sa yugtong ito maging balanse sa impluwensiyang nadudulot ng pakikisama sa mga kaibigan upang maiwasan ang mga masamang karanasanan na puwedeng maidulot ng kaibigan o kasama.
Relasyong Pampamilya
Sa yugtong ito dapat mapagtanto ng kabataan na ang nais lamang ng mga magulang ang kanilang ikabubuti at ikagaganda ng kanilang kinabukasan. Makakatulong na isaisip na nangangailangan ng gabay ang mga kabataan na nasa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata.
Romantikong Relasyon
Isang hamon sa mga nakakaranas ng yugtong ito na maunawaan ng lubusang ang pag-ibig, katapatan, pangangako (commitment), at kakayahang pangkabuhayan ang mga sangkap na mahalaga sa isang matagumpay na relasyon. Makatutulong na tandaan na ang maagang romantikong relasyon ay pangkaraniwan na maikli lamang at hindi maganda ang karanasan na naibibigay kung kaya’t dapat iwasang gumawa ng mga bagay na pagsisisihan sa huli.
Relasyong Sekswal
Ang malaking hamon sa yugtong ito, pagkakaroon ng malinaw na sekswal na oryentasyon na dapat isinasalaang-alang ang maraming salik gaya ng damdamin, maging ang pamilya at pananampalataya. Makatutulong na laliman pa ang pagkaunawa sa sekswalidad, maging mas mapag-isip, at matalino sa mga desisyong sekswal.
Paggawa ng Desisyon/Kalayaan
Makatutulong na magsanay gumawa ng mga desisiyong pansarili subalit responsableng desisyon at alam ang kaakibat na tungkulin sa mga desisyong ginagawa.
Kognitibong Pag-unlad
Kabilang sa hamon sa aspetong ito ang pagkakaroon ng kakayahang tumugon sa mas mabibigat na hinahanap ng paaralan (kung nag-aaral), mabisang pangangatwiran, mag-isip ng mapanimdim (reflectively), at magplano para sa hinaharap.
Makatutulong na magsanay ng matalinong paglutas ng mga problema, pag-uugnay ng iba’t ibang mga ideya, at pag-unawa sa mga kumplikadong isyu.
Moralidad at Pagpapahalaga
Ang hamon ay ang pagkakaroon ng kakayahan ukol sa pangangatwirang moral, katapatan, at panlipunang saloobin tulad ng pagtulong, altruismo, volunteerism, at pag-aaruga sa iba.
Makatutulong na maging idealistic, puno ng paninindigan, at maging matapat o conscientious.
PAGYAMANIN
Panuto: Ano-ano ang mga hamon na naranasan mo ng ikaw ay nagbibinata/nagdadalaga?
[chart: concept web; blank template with a center box labeled “Mga Hamon” and four empty ovals connected to it by arrows]
Mga Solusyong Aking Ginawa:
ISAISIP
Sa isang buong papel gumawa ng isang replektibong sanaysay na nagpapakita ng iyong paraan na nagpapakita ng pagiging handa sa pagharap sa mga hamon sa bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata.
ISAGAWA
Sa isang buong papel gumawa ka ng isang tula na nagpapaliwanag o nagpapakita ng iyong kaligayahang nararamdaman.
[transcriber’s note: the printed answer box is empty and contains no text]
TAYAHIN
Ipaliwanag ang mga sumusunod na hamon na hinaharap ng mga nagdadalaga at nagbibinata. Isulat ang tamang sagot sa isang malinis na papel
Kognitibong Pag-unlad
Moralidad at Pagpapahalaga
Paggawa ng Desisyon/Kalayaan
Relasyon sa mga Kaibigan o Kasama
Pagkakakilanlan o Konsepto sa sarili
KARAGDAGANG GAWAIN
Ang bilog ay binubo ng apat na bahagi: a.) Paano ko nakikita ang aking sarili; b.) ang papel ng aking pamilya sa aking buhay; c.) ang papel na ginagampanan ng aking kaibigan sa aking buhay; d.) ang aking pananaw para sa aking kinabukasan. Gumuhit ng simbolo sa bawat bahagi ng bilog.
[chart: blank circle divided into four quadrants by a vertical and a horizontal line; no labels printed]
SUSI SA PAGWAWASTO
[transcriber’s note: two empty answer boxes are printed upside down, labeled “Suriin” (left) and “Tayahin” (right)]
Sanggunian
Internet:
Jesse Guevara Lungsod ng Balanga, Bataan http://wagasmalaya.blogspot.com/2012/03/ang-kaligayahan-ay-nasa-puso-mo.html
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply