Pansariling Kaunlaran 12 Quarter 2 Module 8: Panlipunang Pakikipag-ugnayan (Social Relationships)

This is the Senior High School self-learning module for Pansariling Kaunlaran (Personal Development), Grade 12, Second Quarter, Module 8: “Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagbibinata at Pagdadalaga” (social relationships in middle and late adolescence). It was prepared by DepEd NCR under the Alternative Delivery Mode (first edition, 2020) for learners studying at home. It explains how family, peers, community, and society shape teenagers, and why joining groups and taking part in community work helps young people grow.

What learners will learn

The module’s Alamin (what to know) section says that after the module, each learner is expected to:

  • Identify the sources of worries and describe their effects on a person’s life.
  • Explain the concepts of mental health and psychological well-being through everyday observation of mental health concerns in middle and late adolescence.

The lesson itself adds two practical goals. Learners should be able to make a simple survey about Filipino relationships (family, school, and community), and show a photo of a group or association they belong to, together with its members, during an activity.

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagbibinata/Pagdadalaga.” It asks one guiding question: how can joining a group and leading others improve your social relationships? It focuses on community, society, and culture.

Key ideas: relationships that shape teenagers

The module defines panlipunang pakikipag-ugnayan (social relationship) broadly. It covers how people mix with and act toward one another. A relationship is a close connection built on emotional bonds and social contact, usually formed through shared experiences.

It names four types of relationships that influence adolescents:

TypeFilipino term
FamilyPamilya
PeersKapwa
CommunityKomunidad
SocietyLipunan
  • Family is the strongest influence on how young people relate to others. Parents differ in their parenting styles, and they guide teens for good reasons.
  • Culture (kultura) is learned and shared, and it affects every part of life. It shapes dress, work, leisure, language, how much freedom teens have, and how many household duties they carry.
  • Belief systems start to grow during adolescence through family, social, and cultural surroundings. They cover religion and spirituality, gender, sexuality, work ethic, and politics.
  • Culture can also have negative effects. The module’s example: girls who mature early often face bullying or sexual harassment about their changing bodies. This can lead to depression, substance abuse, or unhealthy eating.

Key ideas: clubs, community work, and civic duty

The module cites research that teens in youth groups and clubs are happier and less likely to drink or smoke. They are also more socially skilled and active. Not every group gives the same benefit, though: a study found that teens in political organizations smoked more than teens in no club.

Community activities are part of sibikong pananagutan (civic responsibility). This means taking part in community life because we want to or should, not only because the law requires it. The module’s examples:

  • Joining a youth club, scouting group, or local clean-up group
  • Helping with an elementary school play or coaching junior sports
  • Setting up a community arts space or joining youth radio
  • Joining a youth advisory group with the local council
  • Promoting causes such as a clean environment, recycling, or sports
  • Supporting online causes such as saving nature and wildlife

It lists these benefits of taking part:

  • Role models (pagka-huwaran): teens meet people outside the family who live out good values.
  • Identity and connection: teens understand themselves better, see themselves as helpful and generous, and connect with their community.
  • Skills (kasanayan): for example, cooking skills can be used in a feeding program. Volunteering also helps with part-time jobs and good references.
  • Self-confidence and mental health: community work builds self-confidence and helps teens face challenges. It also helps fight sadness and depression and lowers drug use and crime.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts in this order:

  1. Subukin (pretest): fill in the term that matches each of 10 statements.
  2. Balikan and Tuklasin: review and read the lesson.
  3. Suriin: answer five questions on a whole sheet of paper.
  4. Pagyamanin: name the four types of relationships and give three effects of each.
  5. Isaisip: the two main takeaways. Culture strongly influences adolescent development, and joining groups brings many benefits.
  6. Isagawa: make a simple survey on Filipino relationships, with a title, introduction, objectives, respondent details, and Likert-scale questions.
  7. Tayahin: give 10 key words from the module and define each in your own words.
  8. Karagdagang Gawain (additional activity): add a photo or symbol of your club or group, and write its features and benefits.

The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto), but it gives answers only for some items. It covers Subukin items 1 to 5 and the four types of relationships in Pagyamanin.

  • Learners: Do not write on the module; use separate paper. Contact your teacher if anything is unclear.
  • Parents and guardians: The module says a teacher or facilitator guide is available to help you support learning at home.
  • Teachers: The survey and the group photo activity are good outputs to collect and check.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 12 Senior High School learners taking Pansariling Kaunlaran (Personal Development), Second Quarter, Module 8.

What are the four types of relationships that influence teenagers?

The module names family (pamilya), peers (kapwa), community (komunidad), and society (lipunan).

Does the module have an answer key?

Yes, but it is partial. It covers Subukin items 1 to 5 and the four types of relationships in Pagyamanin, so the open-ended activities need checking by the teacher.

What output do learners need to make?

Learners make a simple survey about Filipino relationships in the family, school, and community. For the additional activity, they also show a photo or symbol of a club or group they belong to and describe its benefits.

What does sibikong pananagutan mean?

It means civic responsibility: taking part in community activities because we want to or should, not only because the law requires it.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Pansariling Kaunlaran Ikalawang Markahan – Modyul 8: Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Senior High School

Pansariling Kaunlaran

Ikalawang Markahan – Modyul 8: Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagbibinata at Pagdadalaga

[illustration: group of students studying outdoors and indoors, with a teacher, a globe, and a lamp]

CO_Q2_Pansariling Kaunlaran SHS_Module 8

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Pansariling Kaunlaran – Grade 12

Alternative Delivery Mode

Ikalawang Markahan – Modyul 8: Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ModyulPANSARILING KAUNLARAN – SENIOR HIGH SCHOOL
Manunulat:Josephine L. Coprada | Jonas Feliciano C. Domingo EdD | Evelyn S. Plaza
Editor:Rhoda M. Manual EdD
Tagasuri:Tessie M. Cruz | Eulafel C. Pascual | Nenita R. Romero Rosemarie C. Cuaresma | Erlinda T. Reyes | Emma A. Sendiong EdD
Tagaguhit:Justine Montoya
Tagalapat:Michael P. Rull
Tagapamahala:Malcolm S. Garma PhD
Genia V. Santos PhD
Dennis M. Mendoza
Micah S. Pacheco
Helen G. Padilla PhD
Jonas Feliciano C. Domingo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR)

Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City, Philippines

Telefax: (632) 8929-0153

E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph

Senior High School

Pansariling Kaunlaran

Ikalawang Markahan – Modyul 8: Panlipunang Pakikipag-ugnayan sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ALAMIN

[illustration: hand pressing a button, icon beside the section title]

Dinisenyo at nilikha ang modyul na ito upang maging dalubhasa ang mga mag-aaral sa kursong Pansariling Kaunlaran. Saklaw rin ng modyul na ito na linangin at hubugin ang mga mag-aaral na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa. Sa tulong ng modyul, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtamasa ng kaalaman at kasanayan gamit ang talino, kahusayan, at angkop na pagkilos upang ilapat ang natutuhan sa pamamagitan ng epektibong pagkatuto. Ang bawat aralin ay nakaayos at nakasunod sa pagkasunod-sunod ng pamantayan ng kurso.

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

  1. Natutukoy ang mga pinagmumulan ng mga alalahanin at nailalarawan ang mga epekto nito sa buhay ng tao.
  2. Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto ng kalusugang pangkaisipan at sikolohikal na kaayusang pangkatauhan sa araw –araw na obserbasyon tungkol sa mga suliraning pangkaisipan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata.

SUBUKIN

[illustration: hand holding a pencil, icon beside the section title]

Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salita sa patlang na binibigyang kahulugan sa bawat pangungusap.

_____ 1. Ito ay may malawak na depinisyon kung paano makisalamuha at kumilos ang bawat tao sa isa’t-isa.

_____ 2. Ito ay ang pinakamalakas na impluwensya at kumokontrol sa mga kabataan sa mga mabuting kadahilanan.

_____ 3. Ito ay napag-aaralan, naibabahagi at nakaka-apekto sa lahat ng aspeto ng buhay.

_____ 4. Ang pagsanib dito ay maraming kabutihang naidudulot sa mga kabataan.

_____ 5. Kaugnay sa ika-4 na katanungan, isa sa mga bisyong naiiwasan sa pakikilahok dito.

_____ 6. Sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga panlipunang gawain o clubs, nakapagbibigay ng positibong paraan na maunawaan at makilala ng kabataan ang kanilang sarili

_____ 7. Ito ay nakapagpapalakas at nakabubuti sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

_____ 8. Ito ay naipakikita sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing panlipunan

_____ 9. Dito nag-uumpisang lumago ang natatanging Sistema ng pananampalataya sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa kapwa

_____ 10. Ito ay pangkat sa lipunan na may mga katangian o interes na natatangi at umiiral sa higit na malaking lipunan.

Aralin 1: Panlipunang Pakikipag-ugnayan Sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagbibinata/Pagdadalaga

Paano mauunawaan na ang pagsapi sa grupo at pamumuno ay makapagpapaunlad ng inyong panlipunang pakikipag-ugnayan?

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay magpopokus sa Komunidad, Lipunan at Kultura at kung paano ang mga ito ay makakatulong sa pagpapa-unlad sa panlipunang pakikipag-ugnayan sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagbibinata at pagdadalaga.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang makagagawa ng isang simpleng sarbey tungkol sa mga ugnayan ng mga Pilipino (pamilya, paaralan at pamayanan). Gayundin ang pagpapakita ng larawan ng asosasyon o grupong kinaaaniban kasama ang mga miyembro nito sa isang gawain.

BALIKAN

[illustration: hands holding a puzzle piece, icon beside the section title]

Ang personal na pakikipag-ugnayan ay isang katotohanan ng buhay. Maaari itong matukoy sa gawain bilang isang panlabas na pakikipag-ugnayan na kinakailangan sa panlipunang pakikihalubilo ng mga manggagawa sa kapwa. Kasama ng personal na ugnayan sa paggawa ang pakikipag-kaibigan, malapit na pakikipag-ugnayan at negatibong pakikipag-ugnayan.

Ang konsepto ng pakikipag-ugnayan ay napakalawak at masalimuot. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng malapit na koneksyon ng tao na binubuo ng pagkabuklod ng emosyon at pakikihalubilo. Ang ganitong pagkakabuklod ay kadalasang nabubuo mula sa pinagtibay na pagbabahagi ng mga karanasan.

TUKLASIN

[illustration: hand holding a sprouting leaf, icon beside the section title]

Ang pakikipag-ugnayan ng mga nagbibinata at nagdadalaga sa kanilang kapwa, pamilya at iba pang miyembro ng lipunan ay napakahalaga sa kanilang pag-unlad. Ang panlipunang pakikipagugnayan ay isang napakalawak na depinisyon kung paano makihalubilo at kumilos ang bawat tao sa isa’t isa.

Ayon sa pagsusuri, may apat na uri ng pakikipag-ugnayan na nakaka-impluwensya sa mga nagbibinata at nagdadalaga: pamilya, kapwa, komunidad at lipunan.

[chart: diagram; Social Relationship In Middle and Late Adolescence]

transcriber’s note: the small labels inside the diagram are not legible at this resolution, so only its title is transcribed.

Pamilya

Ang pinakamalakas na impluwensya sa kabataan sa pagkakaroon ng panlipunang pakikipag-ugnayan. Iba-iba ang mga paraan ng pagpapalaki ng mga magulang o “parenting styles“. Sila ang may kontrol sa mga kabataan na may mabuting mga kadahilanan. Ang mga kabataan ay may kakayahang pangpag-uugali at may tiwala sa sarili.

Ang Komunidad, Kultura at Lipunan

May tiyak na mga katangian ang pag-unlad sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga na mas nag-uugat sa kultura kaysa sa biyolohiyang pantao o pangkaisipang istraktura. Ang kultura ay napag-aaralan, naibabahagi at nakaka-apekto sa lahat ng aspeto ng buhay. Ang mga panlipunang pananagutan, mga ekspresyong sekswal at paglago ng sistemang paniniwala halimbawa, ay nagkakaiba-iba ayon sa kultura. Ang iba-ibang mga katangian ng bawat isa (halimbawa ay sa pananamit, trabaho, paglilibang at wika) ay produkto ng kultura.

Ang uri ng pamumuhay ng bawat nagbibinata/nagdadalaga sa isang kultura ay nahuhubog ayon sa mga ginagampanan at pananagutang sa kanila ay inaasahang gawin. Maraming salik ang humuhubog sa pag-unlad ng pagbibinata at pagdadalaga ayon sa kultura, halimbawa na ang antas ng pagsasarili o pagiging malaya ay magkaka-iba sa bawat kultura gayundin ang mga pagkilos na kumakatawan sa pag-uumpisa ng pagsasarili. Gayundin ang lawak ng pagbabahagi ng pananagutan o responsibilidad sa lipunan ng mga nagbibinata at nagdadalaga ayon sa kultura. Na kung saan, sila ay inaasahang makibahagi sa mga gawaing bahay o responsibilidad habang ang iba naman ay kakaunti o mas nabibigyan ng kalayaan dahil galing sa mas may-kayang pamilya.

Sa pagbibinata/pagdadalaga nag-uumpisang lumago ang natatanging sistema ng pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang pakikisalamuha sa kapaligirang pampamilya, panlipunan at pang-kultura. Ang mga ganitong sistemang paniniwala ay tumatalakay sa lahat mula sa relihiyon at espirituwalidad hanggang sa kasarian, sekswalidad, etiko sa paggawa at pulitika. Ang lawak ng saklaw ng kultura sa isang paksa ay nakakaapekto sa paniniwala, pamumuhay at pananaw na may positibo at negatibong epekto sa pagbibinata/pagdadalagang pag-unlad. Halimbawa, ang mga babaeng maagang nagdadalaga ay kadalasang nagdurusa sa “bullying” o “sexual harassment” na may kinalaman sa paglaki ng kanilang katawan. Ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng mataas na antas ng depresyon, pag-abuso sa mga kemikal o maling pagkain.

Mga Tinedyer na Lumalahok sa mga Pang-kabataang Grupo at iba pang Clubs ay mas Masaya at mas Hindi Umiinom ng Alak

Naipakita ayon sa pananaliksik na ang mga tinedyer na kaanib sa mga pang-kabataang grupo o iba pang “clubs” ay namumuhay na mas masaya at mas hindi umiinom ng alak o naninigarilyo. Kahit na sila ay mas lantad sa mga pamimilit ng kapwa, sila ay mas may panlipunang kakayahan at mas aktibo. Mas maraming ring benepisyo sa mas maraming grupong kinaaaniban ayon sa ulat ng Bentley University.

[illustration: young people raising signs that read “Join the” and “Youth Group!”]

Ang mga tinedyer ayon sa pag-aaral ay dapat hikayating umanib sa mga “clubs”. Sa paglahok sa mga ito, bukod sa naiiwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak, napatunayan na ika-lima din sila na mas regular na kumakain ng gulay at prutas. Tumataas din ang antas ng kanilang pagiging masaya. 51% ng mga tinedyer na nagsabing kasiya-siya ang kanilang buhay ay yaong mga kaanib sa “sports club” kaysa sa mga hindi masyadong masaya.

May pag-aaral sa mga 15 anyos sa anim na bansa – England, Canada, Belgium, Italy at Romania na hindi lahat ay mayroong parehong benepisyo sa kalusugan. Ang mga kabataang kaanib sa mga politikal na organisasyon ay mas naninigarilyo kaysa sa hindi umanib sa anumang “club”.

Mga Gawaing Panlipunan: Makilahok

Ang paglahok o pagboluntaryo sa mga gawaing panlipunan ay nakapagpapataas ng tiwala at pagpapahalaga sa sarili gayundin ng pagbuo ng bagong kakayahan. Maaari ninyong umpisahan ng paghahanap ng mga gawaing magbibigay interes sa inyo.

Mga Gawaing Panlipunan at Mga Sibikong Pananagutan

Ang mga gawaing panlipunan ay bahagi ng sibikong pananagutan. Ito ay paglahok sa mga aktibidad sa ating mga komunidad dahil sa kagustuhan natin o dapat nating gawin hindi lamang dahil sa pagsunod sa batas. Maaari kayong gumawa ng mga sibikong pananagutan at maging aktibo sa pamamagitan ng:

  • Pag-anib sa “Youth Club”, “scouting group” o sa isang lokal a pampamayanan o grupong paglilinis
  • Pagtulong sa dulaan ng paaralang primarya o pakikipag-koordinasyon o tagapag-sanay sa “junior sports”
  • Pagtatayo ng espasyo para sa sining ng komunidad o pakikilahok sa “youth radio”
  • Pagiging bahagi ng grupong tagapayo sa kabataan sa tulong ng lokal na konseho
  • Pagtataguyod ng iba’t-ibang usapin, gaya ng kalinisan sa kapaligiran, “recycling”, pagiging aktibo sa “sports”
  • Maaari ring maging interesado sa mga gawain panlipunan o sibiko sa “online”, gaya ng pagsagip sa kalikasan o “wildlife”
Mga Kabutihang Naidudulot sa Pakikilahok Sa Mga Panlipunang Gawain

Hindi na mahalaga kung anuman ang iyong lahukang programa o aktibidad sa pamayaman dahil anumang pakikilahok ay mabuti. Ang anumang pakikilahok sa mga gawaing panlipunan ay nakapagbibigay ng personal na gantimpala sa pansariling tagumpay.

  • “Pagka-Huwaran” – hindi lamang ang mga magulang ang nakikita ng kabataan bilang mga huwarang tao. Sa pakikilahok sa anumang “club” o organisasyon, makakakilala ng ibang mga taong isinasagawa ang mabubuting paniniwala sa pagtulong para sa kabutihan ng iba o lahat.
  • Pagkakakilanlan at Koneksyon – sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga panlipunang gawain o “clubs”, nakapagbibigay ng positibong paraan na maunawaan at makilala ng kabataan ang sarili at nalalaman din kung ano ang nababagay sa kanyang gawain. At bilang resulta, nakikita ng kabataan ang sarili sa pangkalahatan bilang matulungin, mapagbigay at mabuting tao. Sa pakikilahok sa mga gawaing panlipunan ay nagkakaroon ng koneksyon ang kabataan sa lokal na lipunan at sa malawak na pamayanan.
  • Kasanayan – nabibigyang pagkakataon ng paglahok sa mga gawaing panlipunan ang mga kasanayang mayroon ang kabataan. Halimbawa na ang kasanayang magluto na maaaring magamit sa “feeding program”. Ang pagboboluntaryo sa isang gawain ay pagpapakita ng pangako, pagkukusa at nakapagpapa-unlad sa sariling kasanayan na magagamit din sa pagkakaroon ng trabaho o “part-time job” ganundin sa pagkakaroon ng magandang sanggunian sa aplikasyon.
Tiwala sa Sarili, Kalusugang Pangkaisipan at Sariling Kagalingan

Ang mga panlipunang gawain ay nakapagpapalakas at nakabubuti sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Matutong humarap sa mga pagsubok, makipagtalastasan sa iba’t-ibang uri ng tao at lumikha ng mga kasanayan at abilidad sa buhay sa isang mapagtaguyod na lipunan.

Ito rin ay isang matibay na pundasyon para sa pagkakaroon ng pangkalahatan kalusugang pangkaisipan at sariling kagalingan. Isa itong positibong sikolohiyal na magkaroon ng paglahok at inaasahang magkaroon ng pakikibahagi at matamo ang anuman para sa grupo. Ang mga ganitong positibong damdamin ay nakatutulong upang malabanan ang kalungkutan at depresyon, mabawasan ang paggamit ng mga bawal na gamot sakit sa pag-iisip at mga kriminal na gawain.

SURIIN

[illustration: magnifying glass held by a hand]

Sagutan ang mga katanungan sa isang buong papel.

  1. Ano ang panlipunang pakikipag-ugnayan?



  1. Ano-ano ang mga gawaing panlipunan?



  1. Ano-ano ang mga kabutihang naidudulot ng mga gawaing panlipunan?



  1. Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng paglahok sa isang organisasyon o “club”?



  1. Paano makakatulong sa pagpapaunlad sa panlipunang pakikipag-ugnayan ang pamilya, paaralan at pamayanan sa panahon ng kalagitnan at huling bahagi ng pagbibinata at pagdadalaga?



PAGYAMANIN

[illustration: hand stacking blocks]

Ibigay ang apat na uri ng pakikipag-ugnayan na naka-iimpluwensya sa mga nagbibinata/nagdadalaga.

4 Na Uri ng Pakikipag-ugnayanMga Epekto
1.
2.
3.
1.
2.
3.
1.
2.
3.
1.
2.
3.
ISAISIP

[illustration: light bulb above a hand]

  1. Malaki ang impluwensya ng kultura sa pag-unlad sa panahon ng pagbibinata/pagdadalaga.


  2. Ang pakikilahok sa mga asosasyon/grupo o “club” ay maraming kabutihang naidudulot sa mga kabataan.


ISAGAWA

[illustration: hand holding hex nuts]

Magsagawa ng simpleng sarbey tungkol sa mga ugnayan ng mga Pilipino (pamilya, paaralan at pamayanan).


Pamagat ng Sarbey

Paunang salita para sa mga kalahok ng sarbey:

Mga layunin ng Sarbey:

I. Detalye ng mga respondents: Pangalan (optional): Edad: Baitang: Strand:

II. Mga katanungan:* *Ilakip dito ang likert scale na gagamitin para sa sarbey.

TAYAHIN

[illustration: hand holding a pencil over paper]

Magbigay ng sampung susing salita na natutuhan mula sa modyul na ito. Bigyan ng sariling kahulugan ang mga ito.

1. _____ – _____

2. _____ – _____

3. _____ – _____

4. _____ – _____

5. _____ – _____

6. _____ – _____

7. _____ – _____

8. _____ – _____

9. _____ – _____

10. _____ – _____

KARAGDAGANG GAWAIN

Maglagay ng larawan o simbolo ng asosasyon/“club” o grupong kinaaaniban kasama ang mga miyembro nito sa isang gawain. Isulat ang mga katangian ng asosasyon/“club” o grupo at mga kabutihang naidudulot nito sa inyo at sa iba pang mga kaanib.

[transcriber’s note: the page contains an empty rounded box for the learner’s answer]

SUSI SA PAGWAWASTO

[transcriber’s note: the three answer columns are printed upside down on this page; they are listed below in the order they read once the page is turned right side up]

TayahinPagyamaninSubukin
1. Panlipunang Pakikipag-ugnayan
2. Asosasyon o club
3. Kultura
4. Panlipunang Gawain
5. Sibikong Pananagutan
1. Pamilya
2. Kapwa
3. Komunidad
4. Lipunan
1. Panlipunang Pakikipag-ugnayan
2. Pamilya
3. Kultura
4. Asosasyon/grupo o “club”
5. Pag-inom ng alak o paninigarilyo

Sanggunian

Aklat:

Personal Development. 1st ed. Pasig City: Department of Education – Philippines, 2016.

Internet:

https://prezi.com/0jjummkxrd-i/social-relationship-in-the-middle-and-late-adolescence/
https://www.bentley.edu/news/12-reasons-why-you-should-join-student-organization

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *