Pansariling Kaunlaran 12 Quarter 1 Module 4: Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress)

This is the Self-Learning Module (SLM) for Pansariling Kaunlaran (Personal Development), Grade 12, Quarter 1, Module 4: “Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress) sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/Pagbibinata” (coping with stress during middle and late adolescence). It was prepared by DepEd National Capital Region for Senior High School learners studying at home through Alternative Delivery Mode. After this module, learners should be able to name what causes their stress, explain how stress affects the body, and show healthy ways of coping with it.

What learners will learn

The module lists three learning competencies:

  • Discuss that understanding stress and its sources during adolescence may help in identifying ways to cope and have a healthful life (EsP-PD11/12CS-If-5.1)
  • Identify sources of one’s stress and illustrate the effect of stress on one’s system (EsP-PD11/12CS-If-5.2)
  • Demonstrate personal ways of coping with stress for healthful living (EsP-PD11/12CS-Ig-5.3)

Lesson in this module

The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module. It starts by asking learners whether they have ever worried about life after Senior High School. It then explains what stress is, how it affects a person, and how it can be managed. The module reminds learners that stress is part of life, and that Senior High School students need enough knowledge to face the challenges it brings.

Key ideas: what stress is and how it affects you

Changes and challenges in adolescence

The review part (Balikan) lists the changes and challenges of middle and late adolescence: physical changes, emotional behavior, identity or self-concept, social attitudes, morality and values, relationships with friends, family relationships, sexual relationships, decision-making and independence, and cognitive development. Learners are asked which of these they have faced and how they solved them.

Stress and the stress hormone

The module defines alalahanin o stress as the body’s and mind’s reaction to things that disturb a person’s balance, or equilibrium. Stress sets off chemical reactions involving hormones, organs, and glands. One of these hormones is cortisol, called the “stress hormone,” which is made by the adrenal glands. Cortisol gives a person the energy to deal with the demands that cause stress. Heavy sweating and a faster heartbeat are signs that the body is getting ready to act.

Good stress and bad stress

According to some psychologists, stress can be mabuting stress (healthy stress) or masamang stress (bad stress).

  • Healthy stress pushes you to do better. The module’s examples are playing a sport, where stress drives you to try harder to win, and public speaking, where worry helps you prepare a better speech.
  • Bad stress can lead to illness in different parts of the body.
Part of the bodyPossible effects of bad stress
SkinAcne and other skin problems
Brain and nervesHeadache, sadness, irritability, trouble sleeping, abnormal eating
Muscles and jointsMuscle and joint pain
HeartFast heartbeat, higher blood pressure, heart attack
StomachNausea, heartburn, weight gain
PancreasHigher risk of diabetes
IntestinesDiarrhea, difficulty passing stool
Reproductive systemIrregular menstruation (females), low sperm count (males)
Immune systemSlower recovery from illness

Stressors and ways to reduce stress

Things that cause stress are called stressors. The module says a key skill in middle and late adolescence is knowing where your stress comes from. Learners sort their own stressors into four areas: physical, emotional, psychological, and social, and then decide whether each one is healthy or bad stress.

Because stress is natural, the module says it can also be eased in natural ways. Its stress reduction methods are:

  • Breathing exercises
  • Support from others
  • Time management
  • Regular exercise
  • Meditation
  • Proper nutrition

The summary parts also mention listening to music, exercising, and going out for a stroll or trip as natural ways to ease stress.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts. Work through them in order:

  1. Subukin (pretest): five fill-in-the-blank items on the terms in the lesson.
  2. Balikan (review): the changes and challenges of adolescence.
  3. Tuklasin (discover): the main discussion on stress, cortisol, types of stress, effects on the body, stressors, and stress reduction methods, with a table for listing your own stressors.
  4. Suriin and Isaisip (analyze and remember): five summary points of the lesson.
  5. Pagyamanin (enrichment): a table where you list three stressors each in the physical, emotional, psychological, and social areas, and three activities to ease each one.
  6. Isagawa (apply): write a poem of two stanzas, three lines each, about a worry you had and how you overcame it.
  7. Tayahin (assessment): give five key words from the module and define them in your own words.
  8. Karagdagang Gawain (additional activity): draw a scene showing a time you had a worry and overcame it.

For learners: Do not write on the module; answer on a separate sheet of paper so others can use it. Contact your teacher right away if you have trouble understanding the lesson. Many activities ask about your own experiences, so answer honestly.

For parents and guardians: The module is meant to be studied at home with your guidance. You can help by talking with your child about what worries them and which coping methods they can try.

For teachers: Most activities are personal responses (tables, a poem, key-word definitions, and a drawing), so they need checking with your own guide rather than a fixed key.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Pansariling Kaunlaran module for?

It is for Grade 12 Senior High School learners, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 4. It was published by DepEd NCR as part of Alternative Delivery Mode.

What is stress according to the module?

The module defines stress (alalahanin) as the body’s and mind’s reaction to things that disturb a person’s balance or equilibrium. It explains that cortisol, made by the adrenal glands, is called the stress hormone.

What is the difference between healthy stress and bad stress?

Healthy stress pushes you to do better, as when you play a sport or prepare for a speech. Bad stress can cause problems such as headaches, high blood pressure, stomach trouble, and slower recovery from illness.

What ways of coping with stress does the module suggest?

It lists breathing exercises, support from others, time management, regular exercise, meditation, and proper nutrition. It also mentions listening to music and going out as natural ways to ease stress.

Does the module have an answer key?

The module has a Susi sa Pagwawasto (answer key) page for the pretest, Pagyamanin, and Tayahin, but its boxes are printed blank. Most activities ask for personal answers, so teachers check them directly.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Pansariling Kaunlaran Unang Markahan – Modyul 4: Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress) sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Senior High School

Pansariling Kaunlaran – Grade 12 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress) sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul: PANSARILING KAUNLARAN – SENIOR HIGH SCHOOL
Manunulat:Josephine L. Coprada | Jonas Feliciano C. Domingo EdD | Evelyn S. Plaza
Editor:Rhoda M. Manual EdD
Tagasuri:Tessie M. Cruz | Eulafel C. Pascual | Nenita R. Romero Rosemarie C. Cuaresma | Erlinda T. Reyes | Emma A. Sendiong EdD
Tagaguhit:Justine Montoya
Tagalapat:Michael P. Rull
Tagapamahala:Malcolm S. Garma PhD
Genia V. Santos PhD
Dennis M. Mendoza
Micah S. Pacheco
Helen G. Padilla PhD
Jonas Feliciano C. Domingo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region (DepEd NCR) Office Address: Misamis St., Bago Bantay, Quezon City, Philippines Telefax: (632) 8929-0153 E-mail Address: depedncr@deped.gov.ph

Senior High School

Pansariling Kaunlaran Unang Markahan – Modyul 4: Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress) sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/Pagbibinata

[transcriber’s note: this page repeats the cover title]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ALAMIN

Dinisenyo at nilikha ang modyul na ito upang maging dalubhasa ang mga mag-aaral sa kursong Pansariling Kaunlaran. Saklaw rin ng modyul na ito na linangin at hubugin ang mga mag-aaral na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa. Sa tulong ng modyul, mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na magtamasa ng kalaman, at kasanayan gamit ang talino, kahusayan, at angkop na pagkilos upang ilapat ang natutuhan sa pamamagitan ng epektibong pagkatuto. Ang bawat aralin ay nakaayos at nakasunod sa pagkasunod-sunod ng pamantayan ng kurso.

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

  1. Natatalakay na ang pag-unawa sa mga alalahanin at mga pinagmulan nito sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata ay maaring makatutulong na matukoy ang mga paraan upang matugunan ang mga ito para sa malusog na pamumuhay. (Discuss that understanding stress and its sources during adolescence may help in identifying ways to cope and have a healthful life) EsP-PD11/12CS-If-5.1
  2. Natutukoy ang mga pinagmumulan ng mga alalahanin at nailalarawan ang mga epekto rito sa buhay ng tao. (Identify sources of one’s stress and illustrate the effect of stress on one’s system) EsP-PD11/12CS-If-5.2
  3. Naipakikita ang personal na paraan ng pagtugon sa mga alalahanin para sa malusog na pamumuhay. (Demonstrate personal ways of coping with stress for healthful living) EsP-PD11/12CS-Ig-5.3

SUBUKIN

Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salita sa patlang na binibigyang kahulugan sa bawat pangungusap.

_____1. Ito ang tugon ng katawan ng tao sa mga mapanghamong sitwasyong kanyang nararanasan.

_____2. Ito ang mga bagay na nakakapagbigay alalahanin sa isang indibidwal.

_____3. Ito ay ang mga bagay na ginagawa ng isang tao sa kanyang kapwa na nakakadulot ng emosyonal o sikolohikal na truma.

_____4. Ito ay isang uri ng alalahanin na nakapagbibigay ng motibasyon sa isang indibidwal upang maging matagumpay siya sa isang gawain.

_____5. Ito ang hormone na tinatawag ding “stress hormone”

Aralin 1: Pagtugon sa mga Alalahanin (Stress) sa Panahon ng Kalagitnaan at Huling Bahagi ng Pagdadalaga/Pagbibinata

Naranasan mo na bang mag-alala? Nag-alala ka na ba kung anong klaseng buhay ang kakaharapin mo kapag nakapagtapos kana ng Senior High School? Ano ang mga bagay na nagdudulot sa iyo upang mag-alala?

Sa modyul na ito, tatalakayin ang pag-alala o stress, mga epekto nito sa isang indibiwal at kung papaano ito binibigyang pansin.

Ang stress ay parte ng buhay ng isang tao, at bilang isang Senior High School, kailangan na may sapat kang kaalaman para matugunan ang mga hamon sa buhay dulot ng stress.

BALIKAN

Maraming hamon ang nararanasan sa bahagi ng pagdadalaga at pagbibinata. Laging isipin na maging responsible sa pagdedesisyon sa bawat hamon na mararanasan.

Narito ang mga iba’t ibang pagbabago at hamon nagaganap sa panahon ng kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata

  • Pisikal
  • Emosyonal na Pag-uugali
  • Pagkakilanlan o Konsepto sa sarili
  • Panlipunang Saloobin
  • Moralidad/Pagpapahalaga
  • Relasyon sa mga kaibigan o kasama
  • Relasyong pampamilya
  • Relasyong Sekswal
  • Paggawa ng desisyon/ kalayaan
  • Kognitiong Pag-unlad

Mula sa iba’t ibang hamon na nagaganap sa kalagitnaan at huling bahagi ng pagdadalaga/pagbibinata. Ano-ano ang mga hamon na iyong naranasan? Paano mo ito binigyan ng solusyon?

TUKLASIN
Alalahanin at ang mga Pinagmumulan nito

Ang isang tao ay natural na nagkakaroon ng mga alalahanin. Ang alalahanin o stress ay ang reaksyon ng katawan at ng isipan sa mga bagay na nakagugulo sa punto ng balanse o equilibrium ng isa tao.

Ang stress ay nagdudulot ng mga kemikal na reaksyon sa katawan na nagbubunsod ng pagkakaroon ng interaksyon ng mga hormones, parte ng katawan (organs) at mga glandula (glands) ng tao. Isa sa mga hormones na naugnay sa pagkakaroon ng stress ay ang cortisol, ito ay tinatawag ding “stress hormone“. Ang cortisol ay nagagawa sa adrenal glands ng bato. Ito ang nagbibigay ng lakas sa isang tao upang magampanan ang mga gawain dulot ng stress. Kung nag-aalala nang husto ang isang tao, siya ay maaaring makaranas ng labis na pagpapawis at bumibilis ang tibok ng puso. Ito ay hudyat na inihahanda ang katawan para umaksyon.

Sa unang batid, ang stress ay negatibo, ngunit ayon sa ilang mga sikolohista ang stress ay nauuri bilang mabuting stress (healthy stress) at masamang stress (bad stress).

Isang halimbawa ng mabuting stress ay tuwing ikaw ay naglalaro ng isports. Ang sitwaysong ito ay nakapagbibigay ng lakas sa isang indibidwal upang pagbutihin ang kanyang gawain upang manalo sa isports na kanyang nilalaro. May mga tao rin na naituturing na mabuting stress ang pagsasalita sa harap ng maraming tao. Sa ganitong paraan, nakakapaghanda ang isang tao sa kanyang talumpati at nagiging maganda ang resulta ng pag-aalalang ito.

Sa kabilang banda, ang masamang stress ay maaraing magdulot ng mga karamdaman sa katawan. Narito ang mga epekto ng stress sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng tao.

[chart: body diagram; effects of stress on parts of the body]

Body partEpekto
BalatAcne at iba pang sakit sa balat.
Utak at mga ugatSakit ng ulo, kalungkutan, pagiging iritable, hirap sa pagtulog, hindi normal na pagkain
Kalamnan at KasukasuanPananakit ng kalamnan at kasukasuan
PusoMabilis na pagtibok ng puso, pagtaasa ng presyon ng dugo, atake sa puso
TiyanPagduduwal, heartburn, pagbigat ng timbang.
LapayPagtaas ng panganib ng diabetes
BitukaPagtatae, hirap sa pagdumi
Reproductive systemIregular na pagreregla (babae), mababang bilang ng similya (lalaki)
Immune SystemHirap makabawi sa sakit.

Ngayong alam mo na ang maaring maidulot sa iyo ng pag-aalala, alamin natin kung ano ang mga maaring dahilan ng stress.

Ang mga bagay na nagdudulot ng stress o pag-aalala ay “stressors”. Bilang nasa gitna at huling bahagi ng pagdadalaga o pagbibinata, isang kasanayan na kailangan mong mapagtagumpayan ay alamin kung saan nagmumula ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress.

Sa susunod na talahayanan, isulat ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress sa aspetong pisikal, emosyonal, sikolohikal at sosyal.

Mga Bagay na Nagdudulot sa Akin ng Pagaalala
PisikalEmosyonal
SikolohikalSosyal

Ngayong naisulat mo na ang mga bagay na ang nagdudulot sa iyo ng stress, masasabi mo bang mabuting stress itong mga ito o masamang stress?

Tulad ng nabanggit sa mga unang bahagi ng modyul na ito, ang stress ay natural na napagdaraanan ng isang tao. Dahil dito, ang mga bagay na maaaring makatanggal ng iyong stress ay natural ding maisasagawa ng isang taong nakararanas ng stress.

Narito ang mga bagay na maari mong gawin upang maibsan ang stress o pag-aalalang iyong nararanasan.

STRESS REDUCTION METHOD

[illustration: a person lying on a sofa reading a book, surrounded by icons for the stress reduction methods listed below]

  • Breathing Exercises
  • Suporta mula sa iba
  • Time management
  • Regular na pageehersisyo
  • Meditasyon
  • Tamang nutrisyon
SURIIN
  1. Ang alalahanin o stress ay ang reaksyon ng katawan at ng isipan sa mga bagay na nakagugulo sa sa punto ng balanse o equilibrium ng isa tao.
  2. Ang cortisol ay tinatawag ding “stress hormone.
  3. Nauuri ang pag-aalala bilang mabuting stress (healthy stress) at masamang stress (bad stress).
  4. Ang mga bagay na nagdudulot ng stress o pag-aalala ay “stressors”.
  5. Ang epekto ng pag-alala o ang pag-aalala mismo ay maiibsan sa mga natural na paraan tulad ng pakikinig sa musika, pag-eehersisyo at pamamasyal.
PAGYAMANIN

Ano ang mga bagay na nakakadulot sa iyo upang mag-alala? Paano mo ito sinusolusyunan? Isulat ang mga sagot sa talahayanan.

Mga bagay na nagdudulot sa iyo ng pag-alalaMga gawain upang maibsan ang epekto ng pag-alala sa iyo
Pisikal
1.
2.
3.
1.
2.
3.
Emosyunal
1.
2.
3.
1.
2.
3.
Sikolohikal
1.
2.
3.
1.
2.
3.
Sosyal
1.
2.
3.
1.
2.
3.
ISAISIP
  1. Ang alalahanin o stress ay ang reaksyon ng katawan at ng isipan sa mga bagay na nakagugulo sa sa punto ng balanse o equilibrium ng isa tao.
  2. Ang cortisol ay tinatawag ding “stress hormone.
  3. Nauuri ang pag-aalala bilang mabuting stress (healthy stress) at masamang stress (bad stress).
  4. Ang mga bagay na nagdudulot ng stress o pag-aalala ay “stressors”.
  5. Ang epekto ng pag-alala o ang pag-aalala mismo ay maiibsan sa mga natural na paraan tulad ng pakikinig sa musika, pag-eehersisyo at pamamasyal.
ISAGAWA

Magsulat ng isang tula na may dalawang saknong na binubuo ng tatlong taludtod na tungkol sa pag-aalalang naranasan mo at kung paano mo ito na pagtagumpayan.


Pamagat ng Tula







TAYAHIN

Magbigay ng limang susing salita na napulot mula sa modyul na ito. Bigyan ng sariling kahulugan ang mga ito.

  1. _____ – _____
  2. _____ – _____
  3. _____ – _____
  4. _____ – _____
  5. _____ – _____
KARAGDAGANG GAWAIN

Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng isang senaryo na ikaw ay nagkaroon ng alalahanin at ito ay iyong napagtagumpayan.

[transcriber’s note: blank drawing box for the learner’s illustration]

SUSI SA PAGWAWASTO

[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees. The three boxes are blank apart from their labels and numbering.]

Subukin

1. 2. 3. 4. 5.

Pagyamanin

[transcriber’s note: this box is blank, with no numbering printed.]

Tayahin

1. 2. 3. 4. 5.

Sanggunian

Aklat:

Santos, R. (2019) RBS personal development (1st Ed.) Rex Bookstore, Inc. Sampaloc, Manila

Santos, R. (2019) RBS personal development (2nd Ed.) Rex Bookstore, Inc. Sampaloc, Manila

Department of Education (2016) Personal development reader. Department of Education. Pasig City

Internet:

https://stress.lovetoknow.com/stress-management-pdf
https://www.healthline.com/health/whats-your-stress-type#types-of-stress

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *