Filipino 6 Quarter 2 Module 1: Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Talaarawan at Anekdota

Grade 6 Filipino Q2 Module 1 teaches learners what a diary and an anecdote are and how to answer questions about them, with activities and an answer key.

This is the Grade 6 Filipino self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 1: “Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Talaarawan at Anekdota” (answering questions about a diary and an anecdote). It is for Grade 6 learners studying at home, with help from parents or teachers. After the module, learners should be able to read a diary entry or a short anecdote and answer questions about it correctly.

The module was prepared by DepEd Region VI under the Alternative Delivery Mode (First Edition, 2020) and was written by Judith M. Obera. It has one lesson and is guided by a friendly character named Kokoy.

On this page 8 sections

What learners will learn

By the end of the module, learners are expected to:

  • answer questions about a diary they have read (nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang talaarawan)
  • answer questions about an anecdote they have read (nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang anekdota)

The competency code printed in the module is F6RC-IIdf-3.1.1 (also written as F6RC-IId-f-3.1.1).

What is a talaarawan (diary)?

The module defines a talaarawan as a written account of daily events in a person’s life: personal experiences, feelings, observations, and views. Key points to remember:

  • It is written as if talking to a person. It often begins with “Mahal kong Talaarawan” (Dear Diary), or the writer can give the diary a name, like a real person.
  • Each entry shows the date and the day it was written.
  • It is written in a storytelling way.
  • It ends with a closing such as “Nagmamahal” (Love) and the writer’s name.
  • A diary can also be used to list things you need or want to do, things you have done, your feelings and thoughts, and even your daydreams.

The main example is Nanette’s diary. On Monday she rushes to school but arrives late for the flag ceremony and has to apologize to get in. On Tuesday she is nervous because she did not review, and she has a hard time with the test. Other diaries in the module include Dale’s weekend helping his mother with plants and joining a virtual mass, Joy’s days at home during the pandemic and the “new normal,” and Jilian’s weekend shopping trip that ends with a stomachache.

What is an anekdota (anecdote)?

An anekdota is a short account of a unique and interesting or amusing event, usually from the life of a well-known person. It may be true or not. Its purpose is to share an experience that teaches a lesson. It has one topic, and every event in it adds to the meaning and idea the writer wants to share.

The module’s examples are short and funny. In one, a poor man with a heart condition wins the lotto. His friend carefully asks him what he would do if he won. The man says he would give half to his friend, and it is the friend who has the heart attack. In another, a woman buys shoes three inches too long so they won’t get tight later, then loses one while running to catch a jeepney in the rain, wasting her money.

Tips for answering questions about a diary or anecdote

The module lists four steps:

  1. Understand well what the text is telling.
  2. Understand well the questions asked.
  3. Answer the questions carefully.
  4. Review and check that your answers are correct.

Parts of the module

PartWhat learners do
AlaminRead the learning goals
SubukinPretest: a diary and an anecdote, 10 multiple-choice questions
BalikanReview: read a paragraph about COVID-19 and answer 5 questions
TuklasinRead Nanette’s diary and the lotto anecdote, then answer questions
SuriinLearn what a diary and an anecdote are, then identify two sample texts as one or the other
PagyamaninGawain 1 (Joy’s diary) and Gawain 2 (the jeepney driver anecdote)
IsaisipFill in a table of what you learned and why it matters
IsagawaRead a story about Nonong learning the alphabet and answer questions
TayahinFinal test: Jilian’s diary and Jane’s shoe anecdote
Karagdagang GawainWrite a three-day diary and a funny event from your life

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then go through each part in order. Write all answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it later. Be honest when checking your work with the answer key. Contact your teacher if anything is hard to understand.
  • Parents and guardians: Help your child read each diary and anecdote slowly, then talk about the questions together before your child writes answers. Many questions ask for the child’s own reaction or experience, so there is no single right answer for those.
  • Teachers: The Balikan review is meant as an initial check; you may record scores to find learners’ weak points. The two writing tasks in Karagdagang Gawain are checked by the teacher using the rubric: content (5 points), form and elements (3 points), and correct use of language (2 points), for a total of 10.

The module includes an answer key (Susi sa Pagwawasto) at the end. Note that in the key, the answers for the two parts of the Subukin pretest appear to be swapped: the set labeled A matches the anecdote questions, and the set labeled B matches the diary questions. A few answers in the Pagyamanin key are also hard to read in the copy.

The next module in the series is Modyul 2: “Pagbabahagi ng Pangyayaring Nasaksihan” (sharing an event you witnessed).

Frequently asked questions

What grade and quarter is this module for?

It is for Grade 6 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 1.

What is the difference between a talaarawan and an anekdota?

A talaarawan (diary) is a dated, personal account of daily events and feelings, written as if talking to someone. An anekdota (anecdote) is a short, interesting or funny story, usually about a well-known person, that carries a lesson.

Does the module have an answer key?

Yes, the Susi sa Pagwawasto is at the end. The answers for the two parts of the pretest seem to be labeled the other way around, so check them against the questions.

How are the writing activities graded?

The diary and funny-event writing tasks are checked by the teacher using a 10-point rubric: content 5 points, form and elements 3 points, and correct use of language 2 points.

What competency does this module cover?

It covers answering questions about a diary and an anecdote that the learner has read, with the printed code F6RC-IIdf-3.1.1.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Filipino – Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Talaarawan at Anekdota

Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Talaarawan at Anekdota

6

[illustration: students reading and studying outdoors and at home, a teacher at a desk, and a student holding a globe]

CO_Q2_Filipino6_Module1

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

Filipino– Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Nabasang Talaarawan at Anekdota Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

TungkulinPangalanPangalan
Manunulat:Judith M. Obera
Editor:Lilibeth D. Meliton
Tagasuri:Susan J. QuistadioJunry M. Esperar
Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit:Leo D. GaliSwelyn E. Forro
Tagalapat:Jeson A. Telesforo
Tagapamahala:Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng _____ Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

6

Filipino

Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Talaarawan at Anekdota

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Kamusta ka mahal na mag-aaral? Natutuwa ako’t muli tayong nagkita. Batid kong marami tayong pinagsamahan sa nakaraang modyul kaya, huwag kang mag atubili pang magpasama sa akin dahil ako pa rin ito. Si Kokoy, ang kaibigan mong tapat sa iyo. Kaya, tara na sa bagong mundo ng pagkatuto.

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ang inyong kakayahan. Makatutulong ito para mabatid ninyong maigi ang kaalaman tungkol sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa nabasang talaarawan at anekdota. Ang mga wikang ginamit ay ayon sa antas ng pang-unawa ng mag-aaral. Ang aralin ay inihanay batay sa pamantayan ng kagawaran.

Pagbati mahal na mag-aaral. Handa ka na ba sa panibagong hamon?

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

  • nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang talaarawan. (F6RC-IIdf-3.1.1)
  • nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang anekdota. (F6RC-IId-f-3.1.1)

[illustration: a boy character holding a tablet with an apple logo]

Subukin

Nasasabik ka na bang matuto? Relaks ka lang muna, kailangan mong lagpasan ang kasunod na pagsubok, na susukat sa iyong dating kaalaman hinggil sa paksang tatalakayin.

A. Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

Mahal kong Talaarawan,

25, Hulyo 2020 Sabado

Medyo tinanghali akong gumising ngayong araw dahil napagod ako sa pagtulong sa aking inay sa pagtatanim at pagdidilig ng mga halaman kahapon. Ngayong pandemic mabenta ang aming mga iba’t-ibang halaman lalo na ang mga caladiums, calatheas, aglaonemas, ferns, roses, at philodendrons. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa amin lalo na ngayong pandemic. Presko at nakagaganda sa paligid, stress-free, at air purifier pa. Nakalilibang na kumikitang kabuhayan pa.

26 Hulyo 2020 Linggo

Gumising ako bandang 6:30 ng umaga ngayong Linggo dahil magsisimba kaming mag-anak sa virtual mass. Naghanda at nagbihis na kami dahil mag- uumpisa ito ng ika-walo ng umaga. Ini-on na ni itay ang aming malaking tv. Umupo na kami sa sofa at nanood, at nakinig ng misa sa tv. Sana matapos na itong pandemic at maging ligtas ang lahat.

Nagmamahal, Dale

Sariling Katha: Judith M. Obera

[illustration: a woman with a child on her back speaking to a uniformed police officer at a desk]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Leo Gali

  1. Ano-ano ang mga mabentang halaman nina Dale?
    • A. roses, ferns, baby’s wreath
    • B. rosal, caladiums, ferns, roses
    • C. caladiums, calatheas, aglao, roses
    • D. orchids, sampaguita, rosal, daisies
  2. Sino ang kasama ni Dale sa pagsimba?
    • A. kaniyang pamilya
    • B. mga kaibigan at tiyuhin
    • C. mga tiyuhin, lolo at lola
    • D. ninang, kapatid, kamag-aral
  3. Anong uri ng anak si Dale?
    • A. maagap, matalino at malambing
    • B. magalang at mapagbigay
    • C. masayahin at palakaibigan
    • D. masipag, matulungin, at maka-Diyos
  4. Ayon sa binasa, maliban sa nakagaganda sa paligid, ano pa ang magandang dulot ng pag-aalaga ng halaman?
    • A. pandagdag na dekorasyon
    • B. air purifier, libangan at maaaring pagkakitaan
    • C. pampalakas ng katawan
    • D. pandagdag na gawain
  5. Paano nakatutulong si Dale sa kaniyang ina?
    • A. paglilinis ng bahay
    • B. pagluluto at paghahanda ng pagkain
    • C. paglilinis ng bakuran
    • D. pagtatanim at pagdidilig ng halaman

A. Basahin at unawain ang anekdota. Sagutin ang kasunod na mga tanong at isulat sa sagutang papel.

Isang babae ang pumunta sa estasyon ng pulis upang magreklamo. Siya raw ay malakas na binangga ng bisekleta ng isang matandang lalaki. “Kailan pa ito nangyari?” tanong ng pulis. “Noon pa hong Disyembre 2, 2019,” sagot ng babae. “Bakit ngayon lang kayo nag-report? Dapat sana’y noon pa!” sabi ng pulis. “Nagdalawang-isip po ako dahil hindi ko naman siya namukhaan. Kaya hindi ko po nireport,” sagot ng babae. “Ganoon ba? Eh, bakit ngayon ay nag-report na ho kayo?” sabi ng pulis. “Andito po kasi yung bisekleta ng bumangga sa akin, ayun po sa gilid,” paglilinaw ng babae. “Ah, iyan po ba? Binenta po dito ng isang lalaki. Pambili daw niya ng gamot para sa may sakit niyang asawa. Naawa ang aming hepe kaya binili niya.” tugon ng pulis.

Mga Tanong:
  1. Sino ang pumunta sa estasyon ng pulis?
    • A. isang binata
    • B. matandang lalaki
    • C. isang babae
    • D. isang bata
  2. Bakit pumunta sa estasyon ng pulis ang babae?
    • A. Kakausapin ang pulis tungkol sa nakita niyang pangyayari.
    • B. Sasampahan niya ng kaso ang kapitbahay.
    • C. Isusumbong niya ang kaibigan.
    • D. Ire-report niya ang nangyari sa kaniyang insidente.
  3. Bakit hindi daw siya agad nag-report sa pulis?
    • A. Nakalimutan niya.
    • B. Natatakot siyang magsumbong.
    • C. Ayaw na niyang maabala sa pagsusumbong sa pulis.
    • D. Nagdalawang-isip siya dahil hindi naman niya namukhaan ang lalaki.
  4. Bakit naisipan na niyang magreport sa pulis?
    • A. Nabangga muli siya ng bisekleta.
    • B. Nakita niya muli na nagbibisekleta ang lalaking bumangga sa kaniya.
    • C. Nakita niya ang bisekleta nang nakabangga sa estasyon ng pulis.
    • D. Nakita niya ang taong nakabangga sa kaniya.
  5. Bakit nasa estasyon ng pulis ang bisekleta ng nakabangga sa kaniya?
    • A. Nasa estasyon ng pulis ang bumangga sa kaniya.
    • B. Nahuli na ang bumangga sa kaniya.
    • C. Napulot ng mga pulis ang bisekleta.
    • D. Binenta ng lalaki ang bisekleta at binili ng hepe ng pulis.

Aralin 1 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Talaarawan at Anekdota

Narinig mo na ba ang mga salitang talaarawan at anekdota? Gusto mo bang malaman kung ano ang mga ito? Sa araling ito, malalaman mo kung ano ang tinatawag na talaarawan at anekdota. Gayundin, masasagot mo ang mga tanong tungkol dito. Ano pang hinihintay mo? Magpatuloy na sa iyong paglalakbay para sa iyong pagkatuto. Pero bago tayo magpatuloy, muli nating balikan nakaraang aralin.

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang talata at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

COVID-19

Ang Coronavirus (COVID-19) ay isang sakit na dulot ng virus. Ito ay maaaring magmula sa karaniwang sakit gaya ng ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksiyon tulad ng MERS-CoV, SARS-CoV at iba pang kaugnay.

Ang COVID-19 ay nakahahawang sakit. Karaniwang sintomas na dulot nito ay lagnat, sipon, ubo, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema sa daluyan ng hangin. Kapag nakapasok ito sa katawan, maaari na itong makahawa sa ibang tao na nakasalamuha mo. Kaya, kailangang mapanatili ang social distancing, paggamit ng facemask, pagpapalakas ng katawan, pag-iwas sa matataong lugar, at pananatili sa malinis na bahay.

Tandaan na walang halagang maaaring itumbas sa kalusugan.

Mga Tanong:

  1. Ano ang paksa ng talata?

    • A. N1H1
    • B. COVID-19
    • C. MERS-CoV
    • D. SARS-CoV
  2. Paano nakahahawa ang sakit na ito?

    • A. kapag palaging lumalabas
    • B. kapag hindi nabakunahan
    • C. kapag nanatili sa bahay
    • D. kapag nakasalamuha sa taong mayroon nito
  3. Ang taong may sakit na COVID-19 ay may_____.

    • A. sipon at lagnat
    • B. ubo at sipon
    • C. sipon, lagnat, at pananakit ng katawan
    • D. ubo, sipon, lagnat, hirap at pag-iksi ng paghinga
  4. Kinakailangang umiwas sa mataong lugar sapagkat_____.

    • A. mainit
    • B. hindi mo sila kilala
    • C. para maiwasan ang pagkalat ang virus
    • D. magulo at mahirap gumalaw
  5. Ano ang pinakaangkop na islogan sa binasang teksto?

    • A. Laging Handa.
    • B. Iba ang may Alam.
    • C. Manigurado, I am Ready.
    • D. Ang kalusugan ay kayamanan.

Mga Tala para sa Guro

Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala ang iskor para matukoy ang kahinaan ng mag-aaral.

Tuklasin

Halina’t patuloy tayong magtalakay mahal na mag-aaral. Sa bawat akda ay may nakalaang katanungan. Sagutin ito at isulat sa sagutang papel.

Halimbawa ng Talaarawan:

[illustration: a child looking through a window toward two students]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Leo Gali

Mahal kong Talaarawan, 12 Enero 2019 Lunes

Isang nagmamadaling umaga na naman para sa akin. Lunes ngayon at higit sa lahat may flag ceremony kaya hindi ako puwedeng mahuli. Kaya lang, pagdating ko sa aming paaralan ay nag-uumpisa na ito. Kumpulan na ang mga mag-aaral sa labas dahil hindi rin sila nakapasok gaya ko. Humingi na lamang kami ng paumanhin upang makapasok.

Pag-akyat naman namin sa aming silid-aralan ay sarado na ang pintuan. Hindi nagtagal pinapasok din kami dahil humingi kami ng paumanhin. Sa bawat asignatura kami ay nagbalik-aral dahil sa darating na Martes, magkakaroon kami ng pagsusulit.

13 Enero 2019 Martes

Kabadong-kabado ako sa araw na ito, paano ba naman ay hindi ako nakapagrebyu kagabi. Pagdating ko sa aming paaralan, umupo ako agad at binuklat ang aking aklat upang magrebyu. Maya-maya dumating na ang aming guro, nagsimula na nga ang aming pagsusulit. Nahirapan ako dahil nga hindi ako nakapagrebyu nang mabuti.

Nagmamahal, Nanette

Sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Sino ang sumulat ng talaarawan?
  2. Bakit nagmamadali si Nanette sa araw ng lunes?
  3. Ano ang kaniyang nadatnan pagdating sa paaralan?
  4. Bakit mahalaga ang paghingi ng paumanhin gaya ng ginawa ni Nanette?
  5. Ano ang ginawa nila sa bawat asignatura sa araw ng lunes?
  6. Ano ang magaganap sa araw ng Martes?
  7. Bakit kinakabahan si Nanette nang dumating ang araw ng Martes?
  8. Ano ang bunga ng hindi pagrerebyu nang mabuti ni Nanette?

Halimbawa ng Anekdota:

[illustration: an older man clutching his chest while a younger man grips his arm]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Leo Gali

Isang lalaking mahirap ang tumama sa lotto. Siya ay maysakit sa puso. Nalaman ng kaniyang kaibigan na siya ay nanalo sa lotto kaya nag-isip ng paraan upang sabihin sa kaniya ang balita nang hindi aatakihin sa puso.

Sa kanilang pag-uusap ay tinanong niya kung ano ang gagawin ng lalaki kung malaman niyang tumama siya sa lotto.

Sinabi ng lalaki na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati sa kaniyang kaibigan. Ang kaibigan niya ang inatake sa puso.

Sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

  1. Sino ang tumama sa lotto?
  2. Bakit pinag-isipang mabuti ng kaibigan kung paano sasabihin sa kaniyang kaibigan ang pagkapanalo sa lotto?
  3. Anong paraan ang naisip ng kaniyang kaibigan para masabi na nanalo siya sa lotto?
  4. Ano ang nangyari sa kaniyang kaibigan nang sabihin ng lalaki na ibibigay sa kaniya ang kalahati ng napanaluhan?
  5. Ibigay ang iyong reaksiyon tungkol sa binasang anekdota.
Suriin

Ngayon naman, talakayin natin ang inyong binasa.

ANG TALAARAWAN

Ano ang napansin ninyo sa binasang talaarawan? Paano ito sinulat?

Mahusay! Sa bawat araw ay sinusulat ni Nanette ang mga pangyayari sa kaniyang buhay, gaya ng kaniyang karanasan sa pag-aaral. Makikita sa kaniyang talaarawan ang petsa at araw kung kalian ito sinulat. Gayundin, sinulat niya ito sa paraang pakuwento, kinukuwento niya ang kaniyang mga karanasan.

Kung gayon, ano ang talaarawan?

Ang talaarawan ay isang pasulat na pagsasalaysay ng pang-araw-araw na pangyayari sa buhay, mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw. Ito ay sinusulat sa paraang nakikipag-usap sa isang tao. Kaya maaari itong magsimula sa “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao ang sinusulatan.

Sa binasang talaarawan, ano ang nilalaman ng kaniyang talaarawan?

Magaling! Isinulat niya rito ang kaniyang karanasan at damdamin sa kaniyang pag-aaral o pagpasok sa paaralan. Kung gayon, sa anong pamamaraan pa maaaring gamitin ang talaarawan?

Ginagamit din ang talaarawan sa pagsulat ng talaan ng dapat at gustong gawin, gayundin ng mga nagawa, mga karanasan, saloobin o nadarama at iniisip. Maaari din gamitin para bilang listahan ng pantasya at sa iba pang katulad.

ANG ANEKDOTA

Ano naman ang napansin ninyo sa binasang anekdota? Paano ito sinulat?

Tumpak! Ito ay maikling talata na naglalaman ng tiyak na pangyayari na nakalilibang.

Kung gayon, ano ang anekdota?

Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng natatangi at nakawiwili o nakalilibang na pangyayari, karaniwan sa buhay ng kilalang tao at maaaring tunay na nangyari o hindi.

Layunin nito na maghatid ng mga karanasang kapupulutan ng aral. Ito ay may isang paksa at ang bawat pangyayari ay nagbibigay kahulugan at ideyang nais ipadama.

Kung gayon sa pagsagot sa mga tanong mula sa nabasang talaarawan at anekdota, dapat tandaan ang sumusunod:

  1. pag-unawang mabuti sa isinasalaysay ng akda;
  2. pag-unawang mabuti sa mga ibinigay na tanong;
  3. pagsagot nang mahusay sa mga tanong; at
  4. pagrebyu at pagtiyak kung tama ang sagot sa mga tanong.

Matapos mong matutuhan ang talaarawan at anekdota tukuyin kung ang sumusunod na akda ay talaarawan o anekdota at ipaliwanag ang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A.

Mahal kong Talaarawan 3 Hunyo 2019 Lunes

Maaga akong nagising dahil sa ingay sa labas ng aming bahay. Pagkagising ko tumayo na ako at nagsipilyo, saka kumain ng almusal at nag-empake ng mga damit. Uuwi kasi kami sa probinsiya bukas upang bisitahin ang lolo ko.

4 Hunyo 2019 Martes

Ito ang araw kung kailan uuwi na kami sa probinsiya, handa na ako sa aming pag-alis. Dala ko na ang lahat ng aking kailangang gamit sa bag. Sa aming pagbiyahe papuntang probinsiya, tanaw ko ang mga magagandang tanawin na nagbabalik ng mga masasayang ala-ala at karanasan ko noong bata pa ako. Sabik na sabik na akong makita ang lolo ko.

Nagmamahal, Marisa

Sagot: _____

Paliwanag: _____




B.

Ang lolo kong walumpu’t limang taon ay dinala sa ospital, tinanong siya ng doktor “alam mo ba kung nasaan ka?” Sagot niya, “Narito ako sa San Ramon Ospital.” “Kilala mo ba kung sino ako”? tanong ng doctor. “Ikaw si Dr. Hamilton,” sabi niya.

Sa ilang sandali ay lumingon ang lolo ko sa isang nars at sinabing, “Sana tumigil na siya sa pagtatanong-tanong niya.” Tanong ng nars, “Bakit po?” “Kasi lahat naman ng sagot sa tanong niya ay nasa kaniyang nameplate naman”, sagot ni lolo.

Sagot: _____

Paliwanag: _____




Pagyamanin

Yehey! May bago tayong natutuhan. Sige, pagyamanin pa natin ang mga ito. Kayang-kaya mong harapin ang kasunod na mga hamon sa iyo.

Gawain 1

Basahin at unawain ang maikling talaarawan. Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.

Mahal kong Talaarawan,

30 Mayo 2020

Sabado

Sa araw na ito, ika-30 ng Mayo, naghihintay pa rin ang mundo sa bakuna laban sa coronavirus. Isang ordinaryong araw na naman ito, nasa loob lang tayo ng ating mga tahanan at gumagawa ng mga gawaing bahay magwawalis, maglalaba, magluluto at kung ano-ano pa para hindi mabagot. Marami rin akong natutuhan tulad ng kahalagahan ng pagkain, pag-iipon ng pera, at pagtulong sa iba. Hindi lahat ay masuwerte na kasama nila ang buong pamilya. Mayroon ding nalulungkot dahil malayo ang kanilang mga mahal sa buhay. Natapos na naman ang buong araw na patuloy pa rin ang pag-asa na matatapos na ang pandemya.

31 Mayo 2020 Linggo

Ito ay araw ng Linggo at huling araw ng buwan. Ang lahat ay naghahanda sa tinatawag na new normal. Ibig sabihin nito ay iba sa dati o nakasanayang paraan ng pamumuhay. Gayundin, dapat sumunod sa “precautionary measures” gaya ng palaging paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng facemask, pag-iwas na lumabas ng bahay, pananatili ng kalinisan at iba pa bilang pag-iingat at matiyak na ligtas ang lahat. Sasapit na ang Hunyo pero hindi pa rin tayo kampante dahil wala pa ring bakuna sa Covid-19.

Nagmamahal, Joy

Mga Tanong:

  1. Bakit ordinaryong araw para kay Joy ang araw ng Sabado?
  2. Ano-ano ang natutuhan ni Joy sa panahong ito ng pandemya?
  3. Ano ang ibig sabihin ng “new normal”?
  4. Bakit mahalaga ang mga precautionary measures?
  5. Ano ang mga damdaming ipinakita ni Joy sa kaniyang talaarawan?
Gawain 2

Basahin at unawain ang maikling anekdota. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Isang matandang may sakit sa balat na balot na balot ang mukha ang sumakay sa dyip. Nang makita ng drayber ang mga sugat sa balat ng matanda, naisip niyang baka nakahahawa ang sakit na ito. Nang pababa na ang matanda, ipinahinto ang sasakyan at iniabot ang bayad-pasahe.

“Huwag na po lola,” ang sabi ng drayber. “Huwag naman amang. Naghahanap buhay ka rin,” tugon ng pulubi.

Nagpumilit ang matanda, pero natatakot ang drayber na hawakan ang pera dahil baka mahawa siya. “Huwag na po kayong magbayad lola,” sabi uli ng drayber. “Mas dapat kayong tulungan at kaawaan, eh.”

Natuwa ang matanda. Sabay yakap at pinaghahalikan ang drayber sa tuwa.

Mga Tanong:

  1. Sino ang dalawang tauhan sa anekdota? Ilarawan ang mga tauhan.
  2. Bakit ayaw tanggapin ng drayber ang bayad ng matanda?
  3. Bakit ipinagpipilitan ng matandang tanggapin ng drayber ang kaniyang bayad?
  4. Paano ipinakita ng matanda ang kaniyang pasasalamat sa drayber?
  5. Sang-ayon ka ba sa ipinakitang kilos ng drayber? Bakit?

Isaisip

Opps! Alalahanin natin ang mahahalagang kaisipang natutuhan natin.

[illustration: a boy holding a tablet with an apple logo]

A. Punan ang sumusunod na talahanayan.

Ano ang iyong mga natutuhan?Gaano ito kahalaga?

B. Kompletuhin ang sumusunod:

Mahalagang matutuhan na masagot ang mga tanong mula sa nabasang anekdota at talaarawan dahil



Isagawa

A. Basahin ang sumusunod. Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Lumapit sa aming ina si Jonie na kung tawagin namin ay Nonong. Sinabi niyang nais niyang matutong bumasa ng alpabeto.

Sumagot agad si ina, tuturuan niya raw si Nonong. Magsisimula muna sila sa pagkilala sa mga letra at sa katumbas nitong mga tunog. Kinuha agad ni Nonong ang kaniyang mga flashcards ng alpabeto.

Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at pagbigkas ng mga tunog nito. Minsan nangangailangan siyang magtanong at nililinaw naman ni ina. Pagkatapos ng mga dalawang oras, ang lahat ng titik ng alpabeto ay natutuhan na niyang basahin.

Kaming magkakapatid at ang aming mga magulang ay labis na namangha sa kaniyang pagiging matiyaga at matalinong bata.

Mga Tanong:
  1. Ayon sa binasa, sino ang gustong matutong bumasa?
  2. Paano tinuruan si Nonong ng kaniyang ina sa pagbabasa ng alpabeto?
  3. Ano ang katangiang ipinakita ni Nonong ayon sa binasa?
  4. Bakit labis na namangha ang pamilya ni Nonong?
    1. Ano ang iyong karanasan na maiuugnay sa binasa? Ibahagi ito.

Tayahin

A. Basahin at unawaing mabuti ang talaarawan. Sagutin ang sumusunod na tanong.

Mahal kong Talaarawan, 7 Marso 2020 Sabado

Ngayon ay Sabado at ito na ang pinakahihintay kong araw dahil aalis kami ni mama papuntang mall upang mamili ng mga gamit ko para sa recognition. Maaga akong gumising, kumain, naligo at umalis na. Excited na akong mamili ng mga damit ko at sapatos. Pagkatapos naming mamili ni mama kumain kami sa isang kainan ng batchoy at umuwi na.

8 Marso 2020 Linggo

Linggo ngayon at araw ito para sa Poong Maykapal. Maaga kaming naghanda dahil magsisimba kami. Pagkatapos naming magsimba, pumunta kami sa mall, namasyal at kumain. Walang ano-ano, biglang sumakit ang tiyan ko dahil naparami ang kain ko ng kanin, fried chicken at inom ng softdrinks. Niyaya ko na sina mama na umuwi dahil masakit ang tiyan ko.

Nagmamahal, Jilian

  1. Saan pupunta ang mag-ina?
  2. Ano-ano ang kanilang bibilhin?
  3. Maliban sa pamimili, ano pa ang ginawa nila?
  4. Ano ang ginawa ng pamilya sa araw ng Linggo?
  5. Bakit nagyayang umuwi kaagad si Jilian?

[illustration: a woman standing in the rain beside a puddle, holding a shoe]

Ang larawan na ito ay iginuhit ni Leo Gali

B. Basahin at unawaing mabuti ang anekdota. Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Minsan, ang kaibigan kong si Jane ay bumili ng sapatos na mas mahaba ng tatlong pulgada ang haba sa paa niya. Nag-aalala kasi siya na baka sa susunod na araw ito ay sisikip. Kung sakali, masasayang lang ang pera niya at hindi ito maisusuot. Isang araw umulan nang malakas, habang tumatakbo kami papasok sa umaandar na dyip, nahulog ang kapares ng kaniyang sapatos. Mabilis na umandar ang dyip at tuluyan na itong naiwan sa kalsada. Itinapon niya rin ang isa dahil hindi niya na ito magagamit pa. Nasayang lamang ang kaniyang pera.

  1. Kaninong anekdota ang iyong nabasa?

    • A. Jane
    • B. Jona
    • C. Mariz
    • D. Roan
  2. Ano ang kaniyang dahilan kaya bumili siya ng sapatos na mas malaki sa kaniyang paa?

    • A. Ibibigay niya sa kaniyang ate.
    • B. Ipahihiram niya sa kaniyang kapatid
    • C. Gusto niya ng medyo maluwag na sapatos.
    • D. Iniisip niyang sisikip ito at baka hindi na magamit.
  3. Ano ang ginawa niya sa natirang pares ng sapatos?

    • A. Itinago niya ito.
    • B. Ibinigay sa pulubi
    • C. Ibinenta niya nalang ito.
    • D. Itinapon dahil hindi na niya ito magagamit.
  4. Bakit naiwan ang kapares ng kaniyang sapatos?

    • A. Sumasayaw siya papasok ng sasakyan.
    • B. Naglalakad siya at bigla itong naiwan.
    • C. Naglalaro sila ng kaibigan niya nang habulan.
    • D. Tumakbo siya papasok ng dyip at nahulog ito.
  5. Anong aral ang makukuha mo sa nabasang anekdota?

    • A. Huwag maging matatakutin.
    • B. Sundin ang sariling desisyon.
    • C. Maging maalahanin sa ano mang bagay.
    • D. Pag-isipan nang mabuti ang pagdedesisyon.

Karagdagang Gawain

A. Sumulat ng talaarawan kung ano ang mga ginawa mo sa loob ng tatlong araw. (Isulat ang sagot sa sagutang papel)

B. Sumulat ng pangyayaring nakatatawa sa iyong buhay. (Isulat ang sagot sa sagutang papel)

Rubrik. Para sa A at B.

PamantayanPuntos
Nilalaman5
Anyo at sangkap3
Wastong gamit ng wika2
KABUOAN10

Tala para sa Guro

Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral.

Binabati kita kaibigan! Napakagaling mo! Natapos at napagtagumpayan mo ang aralin. Sana’y naiwan sa iyong isipan ang lahat ng mga napag-aralan natin sa araw na ito.

Bagaman tapos na tayo sa araling ito, ihandang muli ang iyong sarili sa panibago na namang aralin, ang Modyul 2: PAGBABAHAGI NG PANGYAYARING NASAKSIHAN

[transcriber’s note: this page is printed upside down, and the answer-key boxes are laid out sideways. The text below is read in the orientation that makes sense. A few words in the Pagyamanin section are hard to make out and are marked.]

Susi sa Pagwawasto

Isaisip

A. Ang natutuhan ko ay kung paano nasasagot ang mga tanong mula sa anekdota at talaarawan nang tama. Mahalaga ito upang mabigyan ako ng gabay at tama ang aking sagot sa bawat katanungan.

B. Mahalagang matutuhan ang pagsagot sa mga tanong sa nabasang anekdota at talaarawan upang maibigay ang tamang impormasyon o ideya na nakuha sa aking pag-aaral. [?]

Tayahin

A.

  1. Pupunta ang mag-ina sa mall.
  2. Bibili sila ng sapatos at damit.
  3. Kumain din sila ng batchoy.
  4. Maagang nag-ayos ang pamilya dahil magsisimba sila.
  5. Nagyayang umuwi kaagad si Jilian na umuwi dahil sumakit ang kaniyang tiyan sa kinain.

B.

  1. A
  2. D
  3. D
  4. D
  5. D
Tuklasin

A.

  1. Si Nanette ang sumulat ng talaarawan.
  2. May flag ceremony at pagbabalik aral para sa pagsusulit.
  3. Nadatnan niya ang kumpulang mga estudyante sa labas na hindi rin makapasok.
  4. Pagtanggap ng kamalian o pagpapakumbaba.
  5. Nagbalik aral ang klase.
  6. Ngakaroon ng pagsusulit.
  7. Hindi siya nakapagrebyu.
  8. Nahirapan siya sa pagsagot sa pagsusulit.

B.

  1. Isang lalaking mahirap
  2. Bilang pag-iingat na hindi mabigla ang kakaibigan at hindi atakihin sa puso.
  3. Tinanong niya ito kung ano ang gagawin kapag nanalo siya sa lotto.
  4. Ang kaniyang kaibigan ang inatake sa puso.
  5. Sariling sagot ng mag-aaral.
Isagawa
  1. Jonie o Nonong
  2. Nagsimula sila sa pagkilala ng letra o at katumbas nitong mga tunog.
  3. Si Nonong ay interesadong matuto at masikap mag-aral.
  4. Madaling natutuhan ni Nonong ang pagkilala ng mga letra at pagbigkas ng mga tunod nito.
  5. Nakadepende sa karansan ng bata ang sagot maaaring kagaya rin ni Nonong na gustong matutong magbasa noon.
Pagyamanin

GAWAIN A.

  1. Dahil nasa loob lamang siya ng bahay at gumagawa ng karaniwang gawain.
  2. [illegible]
  3. Ang “new normal” ay pamumuhay na iba sa dati ng nakasanayan. [?]
  4. Para mananatiling ligtas at maiwasang magkasakit. [?]
  5. Kahit na nalulungkot ay may pag-asa na matatapos ang pandemya. [?]

GAWAIN B.

  1. Ang drayber at ang matanda. Ang drayber ay ayaw mahawahan ng sakit sa balat at ang matanda ay may sakit sa balat. [?]
  2. [illegible]
  3. Dahil ito ay napagkakakitaan kaya dapat lang na mabayaran. [?]
  4. [illegible]
  5. Sariling sagot ng mag-aaral.
Balikan
  1. B
  2. D
  3. D
  4. C
  5. D
Subukin

A.

  1. C
  2. D
  3. D
  4. C
  5. D

B.

  1. C
  2. A
  3. D
  4. B
  5. D

Sanggunian

  • Sariling Katha Judith M. Obera at ng Editor
  • MELC F6RC-IIdf-3.1.1, pp. 222, F6RC-IId-f-3.1.1 Pahina 222

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district