This is the Grade 2 Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) self-learning module for Quarter 1, Module 15: “Pagkilala sa Pagkakaiba ng Kuwento at Tula” (recognizing the difference between a story and a poem). It was made by DepEd Region III for learning at home and is written in Tagalog. After the lesson, learners should be able to use what they already know, or have experienced, to tell a story apart from a poem.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module’s learning objective (Alamin) is:
- Use prior knowledge or experience to recognize the difference between a story (kuwento) and a poem (tula). Competency code: MT2LC-If-4.4
The module has one lesson, Aralin 1, with the same title as the module.
Story or poem: the key ideas
The lesson begins by reminding learners that school builds both knowledge and good character, and that reading stories and poems is one way to learn good lessons. It then compares the two forms.
What makes a story (kuwento)
A story is made up of three parts:
- Tauhan (characters): the people who act in the story.
- Tagpuan (setting): the place where the story happens.
- Pangyayari (events): what happens in the story.
The module’s example is “Ang Kubo ni Paski” (Paski’s hut). It is about an old man who keeps his hut clean and decorated and lets others rest there, but reminds them not to leave a mess. Paski is the character, the hut is the setting, and his reminders to visitors are the important event.
What makes a poem (tula)
A poem expresses a person’s thoughts and feelings. It is built from:
- Taludtod (line): each line of the poem.
- Saknong (stanza): each group of lines.
- Sukat (meter): the number of syllables in a line.
- Tugma (rhyme): the matching sounds at the end of the lines.
The module’s example is the poem “Front Liners.” It praises front liners as heroes who help others and face danger, and who ask people to stay home so a disease stops spreading.
Quick comparison
| Kuwento (story) | Tula (poem) |
|---|---|
| Has characters (tauhan) | Has lines (taludtod) |
| Has a setting (tagpuan) | Has stanzas (saknong) |
| Tells the whole series of events and gives a good lesson | Has meter and rhyme (sukat at tugma) |
| Written in sentences, like a paragraph | Expresses feelings and ideas |
In the activities, learners read short pieces, all written for the module, and decide which form each one is. For example, “Gutom na Ako” (I’m hungry), about a crying boy named Ron-Ron, is a story. “Buhay Bata” (a child’s life), with its rhyming lines grouped in stanzas, is a poem.
Parts of the module
- Subukin (pretest): five short readings to label as kuwento or tula.
- Balikan (review): decide whether words are a person, thing, animal, place, or event.
- Tuklasin (discover): read the story “Ang Kubo ni Paski” and the poem “Front Liners.”
- Suriin (analyze): questions about the characters, setting, and events of the story and about the subjects of the poem, followed by the lesson on the parts of a story and a poem.
- Pagyamanin (enrich): guided activities and checks (sorting traits into a story or poem column, completing words such as TAUHAN and TUGMA, and a word search), then independent activities (drawing a happy or sad face, writing traits, filling in blanks, and coloring a chart red for story traits and blue for poem traits).
- Isaisip (remember): list the traits of a story and a poem.
- Isagawa (apply): label five readings as kuwento or tula.
- Tayahin (assessment): five more readings to label.
- Karagdagang Gawain (extra activity): draw an up arrow for a story trait and a down arrow for a poem trait.
- Susi sa Pagwawasto (answer key) for all parts.
How to use this module
The module asks learners to keep it clean for others to use: do not write on it, and answer on a separate sheet of paper.
- Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Read each story and poem carefully before answering. Check your answers with the answer key honestly, and ask your teacher if something is hard to understand.
- Parents and guardians: The teacher’s note asks the person helping at home to guide the learner through the guided activities (Pinatnubayang Pagsasanay). Reading the stories and poems aloud together can help a Grade 2 learner hear the rhyme in a poem.
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The Tayahin and the extra activity can serve as a check of whether learners can tell the two forms apart.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is the Grade 2 Mother Tongue (MTB-MLE) module for Quarter 1, Module 15. It is written in Tagalog and was prepared by DepEd Region III.
What is the difference between a kuwento and a tula?
A kuwento (story) has characters, a setting, and events. A tula (poem) expresses thoughts and feelings and is made of lines and stanzas with meter and rhyme.
What do taludtod and saknong mean?
Taludtod is each line of a poem. Saknong is each group of lines, or stanza.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest, review, activities, assessment, and extra activity.
What competency does this module cover?
It covers MT2LC-If-4.4: using prior knowledge or experience to recognize the difference between a story and a poem.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Mother Tongue
Unang Markahan – Modyul 15: Pagkilala sa Pagkakaiba ng Kuwento at Tula
[illustration: teachers and learners reading and studying outdoors and indoors, with a globe and a lamp]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_MTB2_Module 15
MTB-MLE – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 15: Pagkilala sa Pagkakaiba ng Kuwento at Tula Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Eloisa M. Bacani
Editor: Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay
Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. Montemayor
Tagaguhit: Mary Grace A. Del Mundo
Tagalapat: Cristina T. Fangon
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Librada M. Rubio
Ma. Editha R. Caparas
Nestor P. Nuesca
Merlinda T. Tablan
Ellen C. Macaraeg
Elena V. Almario
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng_______________________
Kagarawan ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Mother Tongue
Unang Markahan – Modyul 15: Pagkilala sa Pagkakaiba ng Kuwento at Tula
2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makagagamit ng unang kaalaman o karanasan sa pagkilala sa pagkakaiba ng kuwento at tula.
MT2LC-If-4.4
Subukin
Panuto: Tukuyin kung ito ay halimbawa ng kuwento o tula.
[illustration: a child hugging a parent]
Mahal Ko si Mama Eloisa M. Bacani
Si Mama ay mabait at masipag. Lagi niya kaming inaalagaan at binibigyan ng pagkain. Kahit siya ay pagod na pagod sa mga gawaing-bahay, hindi niya kami nakalilimutang paglaanan ng oras para makipag-usap at makipaglaro sa amin.
[illustration: a smiling boy]
Buhay Bata Eloisa M. Bacani
Sabi nila, masarap maging bata
sapagkat suliranin hindi nila alintana.
Paglalaro at paglilibang tangi nilang nasa.
Kapag sila’y pinagsabihan nakikinig naming kusa.
Sa simpleng mga bagay sila’y sumasaya.
Pagmamahal at pag aalaga sa kanila’y sapat na.
Taos pusong pasasalamat sinasambit sa ama’t ina.
Lubos na pagmamahal palagiang pinadarama.
[illustration: a boy holding his stomach, looking hungry]
Gutom na Ako Eloisa M. Bacani
Isang tanghali, may isang batang umiiyak. Siya ay si Ron – Ron. Gutom na gutom na siya. Walang pagkain sa mesa. Nasa palengke pa ang kanyang nanay. Dumating ang kanyang ate at ibinili siya ng itlog sa tindahan. Si Ron-Ron ay tumigil na sa pag-iyak.
[illustration: a child playing with blocks and cardboard shapes]
Ang Malikhaing si Bentong Eloisa M. Bacani
Si Bentong ay mahilig maglaro. Paborito niyang bumuo ng mga pigura mula sa mga lumang papel at kahon at iba pang mga bagay na patapon. Humahanga ang kaniyang mga kaibigan sa taglay niyang kahusayan.
[illustration: a girl resting her chin on her hand, thinking of a thought bubble]
Musmos Man ay may Pangarap Din Eloisa M. Bacani
Kahit ako’y walong taong gulang pa lang
sa isip ko’y may malaking puwang
maraming pangarap ang nais maisakatuparan
pangakong gagawin ang anomang paraan.
Pagiging musmos ay hindi balakid
kahit gaano kalayo mang bukid
ito’y buong pusong lalakbayin
upang makamtam anomang layunin.
Aralin 1 Pagkilala sa Pagkakaiba ng Kuwento at Tula
Mahalaga ang pag-aaral sa ating buhay. Upang tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Sa paaralan ay tinuturuan ang isang mag-aaral na tulad mo na palawakin ang kaalaman hindi lamang sa ibat’ibang mga asignatura bagkus ay bahagi rin nito ang pag-unlad ng kagandahang-asal.
Maraming paraan para mapaunlad ang iyong kaalaman tulad ng pagbabasa ng mga kuwento at tula na kapupulutan ng mga magagandang-aral.
Balikan
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita ay tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
__________1. si Berto
__________2. sa bukid
__________3. baboy
__________4. Pasko
__________5. bag
CO_Q1_MTB2_Module 15
Tuklasin
A. Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.
Ang Kubo ni Paski
Eloisa M. Bacani
[illustration: a hut on stilts with a thatched roof, two windows, a door, and a ladder]
Si Paski ay isang matanda na ubod ng selan sa kanyang kubo. Lagi niya itong nililinis at inaayos. Nilalagyan niya ito ng mga dekorasyon. Sa tuwing may gustong magpahinga sa kanyang kubo ay pinapayagan naman niya. Ngunit marami siyang paalala sa mga gagamit ng kaniyang kubo. “Huwag kayong mag-iiwan ng kalat,” wika ni Paski.
CO_Q1_MTB2_Module 15
B. Panuto: Basahin at unawain ang tula.
Front Liners
Eloisa M. Bacani
[illustration: three figures in face masks: one holding a clipboard, one in a white coat with a stethoscope, and one in a uniform and cap]
Front liners, Front liners maaasahan sa lahat ng oras. Mga bayani ng bansa. Nagbibigay ng pag-asa. Panganib ay hindi alintana. Pagtulong sa kapwa ang laging inuuna. Manatili sa bahay ay pakiusap nila nang pagkalat ng sakit ay maapula.
CO_Q1_MTB2_Module 15
Suriin
Upang matiyak na naunawaan mo ang inyong binasa, narito ang mga katanungan na dapat mong sagutin.
Panuto: Sagutin ang mga tanong nang may pang-unawa sa iyong sagutang papel.
A. Sa kuwento:
- Sino ang tauhan sa kuwento?
____________________________________________________________
- Saan naganap ang pangyayari?
____________________________________________________________
- Ilarawan ang kubo ni Paski
____________________________________________________________
- Kung ikaw si Paski, gagayahin mo rin ba ang kanyang pag-uugali? Bakit?
____________________________________________________________
- Ano ang mahalagang pangyayari sa kuwento.
____________________________________________________________
B. Sa tula:
- Sino-sino ang pinag-uusapan sa tula?
____________________________________________________________
- Ilarawan ang mga katangian ng mga front liners.
____________________________________________________________
CO_Q1_MTB2_Module 15
Alamin natin ang kaibahan ng kuwento sa tula.
Ang kuwento ay binubuo ng mga tauhan, tagpuan at mga pangyayari. Ang tauhan ang gumaganap sa kuwento. Tagpuan naman ang tawag sa pinangyarihan ng kuwento. At pangyayari ang tawag sa mga kaganapan sa dito.
Ang tula ay nagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao. Binubuo ang tula ng saknong at taludtod na mayroon ding sukat at tugma. Taludtod ang tawag sa bawat linya ng tula. Saknong naman ang tawag sa bawat pangkat ng taludtod.
Mga Tala para sa Guro
Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mga Pinatnubayang Pagsasanay.
CO_Q1_MTB2_Module 15
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Ilagay sa wastong hanay ang mga sumusunod na katangian na nasa ibaba.
| Kuwento | Tula |
|---|---|
A. may sukat at tugma B. may tagpuan C. may mga tauhan D. may taludtod E. naglalaman ng magandang pangyayari
CO_Q1_MTB2_Module 15
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Isulat ang K kung ito ay katangian ng kuwento at T kung katangian ng tula.
________ 1. Binubuo ng saknong at taludtod.
________ 2. Nagsasaad ng buong pangyayari at nagbibigay ng magandang-aral.
________ 3. May sukat at tugma.
________ 4. Isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao.
________ 5. May tauhan at tagpuan kung saan ginanap ang pangyayari.
CO_Q1_MTB2_Module 15
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Buoin ang salita upang matukoy ang kahulugan ng bawat pangungusap.
Sila ang gumaganap sa isang kuwento.
T__U__A__Ito ay bilang ng pantig sa isang taludtod.
__U__A__Tumutukoy ito sa lugar na pinangyarihan ng kuwento.
T__GP__A__Magkakaparehong tunog sa hulihan ng bawat taludtod.
T__G__AIto ay nagsasalaysay ng pangyayari.
__U__E__T__
CO_Q1_MTB2_Module 15
Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Hanapin ang mga salita na nasa loob ng kahon upang matukoy ang mga katangian ng kuwento at tula.
| A | S | A | K | N | O | N | G |
|---|---|---|---|---|---|---|---|
| T | U | G | M | A | I | B | N |
| E | K | O | A | N | T | E | K |
| T | A | G | P | U | A | N | I |
| K | T | A | U | H | A | N | O |
_____1. Magkakapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod.
_____2. Bilang ng pantig sa isang taludtod.
_____3. Lugar kung saan ginanap ang pangyayari.
_____4. Bilang ng linya sa bawat taludtod.
_____5. Mga gumanap sa kuwento.
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Panuto: Iguhit ang ☺ kung tumutukoy sa katangian ng kuwento at ☹ kung katangian ng tula.
_________1. Nagsasaad ng buong pangyayari.
_________2. Binubuo ng taludtod.
_________3. May sukat at tugma.
_________4. May tauhan at tagpuan.
_________5. Nagbibigay ng magandang-aral.
Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Isulat ang katangian ng kuwento at tula.
| Kuwento | Tula |
|---|---|
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na sagot. Piliin ang letra sa loob ng kahon.
A. tagpuan B. tauhan C. sukat D. tugma E. saknong
Ang kuwento ay may ________________( mga taong gumanap).
Ang kuwento ay may _________________(lugar kung saan ginanap).
Ang tula ay may _______(bilang ng pantig sa bawat taludtod )
Ang tula ay may ___________(mga salitang magkatunog sa hulihan ).
Ang tula ay binubuo ng ________(bilang ng linya sa tula).
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Kopyahin ang tsart sa ibaba at kulayan ng Pula ang mga kahon na tumutukoy sa katangian ng kuwento at Asul kung katangian ng tula.
| may sukat at tugma | may tauhan | binubuo ng saknong at taludtod | may tagpuan | may mga pangyayari |
|---|
Isaisip
Maaari mo na bang isa-isahin ang mga katangian ng kuwento at ng tula? Isulat ang iyong mga sagot sa iyong sagutang papel.
Isagawa
Panuto: Tukuyin kung ito ay kuwento o tula.
Ang Papaya
Eloisa M. Bacani
May dala-dalang papaya si Ara isang umaga.
Masaya siya dahil may maihahain na sila sa mesa.
Natuwa ang kaniyang mga magulang sa dala niya.
Maglaro Man, May Matutunan Din
Eloisa M. Bacani
Paglalaro’y hilig ng mga bata.
Anumang pagod ay di-halata.
Ito’y lubos na nagbibigay tuwa.
Hiling nila ay lubos na pag-unawa.
Sabi nila, sa paglalaro’y may matutunan din.
Pakikisama at pagiging patas ay lilinangin.
Pagsunod sa alituntunin ng laro ay mahuhubog din.
Tiwala sa sarili ay higit na binibigyang-pansin.
Ang Magkapatid
Eloisa M. Bacani
Isang gabi, may dalawang magkapatid na naglalakad sa isang madilim na lugar. Takot na takot ang magkapatid. Biglang may narinig silang isang malakas na tinig at sila’y biglang tumakbo nang mabilis. Hanggang sa dumating ang mga barangay tanod at sila ay nilapitan.
Kamag-aral Ko, Kapatid Kung Ituring
Eloisa M. Bacani
Sa unang pagpasok sa eskwela
nagkakaroon tayo ng maraming kakilala.
May maingay, may medyo tahimik,
minsan meron lang umiimik.
Maging anuman ang kanilang mga katangian.
Huwag nating kalimutan, ang mga nakaugalian.
Mahalin ang kamag-aral na parang isang kapatid.
Respeto, pag-unawa at kalinga ay ibigay sa kanila
nang walang patid.
Ang Mag-anak
Eloisa M. Bacani
Ang mag-anak ay laging masaya. Lagi silang nagtutulungan at nagbibigayan. Ang mga anak ay tumutulong sa mga gawaing-bahay. Masaya ang ama at ina dahil magkakasundo ang buong pamilya.
Tayahin
Panuto: Tukuyin kung ito ay kuwento o tula.
Malusog na Pangangatawan
Eloisa M. Bacani
Kalusugan ay isang kayamanan
na hindi maaagaw kahit ninuman.
Ito ay dapat taglayin ng bawat mag-aaral.
Nang walang maging hadlang sa kanilang pag-aaral.
Kapag malusog ang pangangatawan
pagliban sa klase’y mababawasan.
Magkakaroon din ng maayos na kaisipan,
mga gawain sa paaralan ay magagampanan.
Ang Sanggol
Eloisa M. Bacani
Sa bukid ay mayroong mag-asawa na naninirahan. Sila ay sina Obet at Liza. Masaya ang mag-asawa sa kanilang pagsasama lalo na nang dumating sa kanilang buhay ang isang sanggol na pinangalanan nilang Reesha. Masayahin at malusog ang sanggol.
Sa Paaralan, Maraming Matututunan
Eloisa M. Bacani
Paaralan, maituturing na ating pangalawang tahanan
Pagkat ito ang madalas nating kinakahantungan
Upang maraming bagay ay ating matututunan
At magamit sa araw-araw na pakikipagsapalaran
Pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsulat
‘Yan ay ilan lamang sa mga bagay na ating nalilinang kapag tayo ay nasa paaralan
Kagandahang asal ay itinuturo din, ito’y ating sandigan.
Pares ng Sapatos
Rufina E. Ramos
Isang gabi nasorpresa si Ramon sa dalang regalo ng kanyang tatay. Binuksan niya ito at natuwa siya sa kanyang nakita. “Yehey! Ang ganda ng sapatos,” wika ni Ramon. Ngunit ang kabiyak ng sapatos ay hindi pala magkasukat. Kaya napalitan ng lungkot ang mukha ni Ramon.
Ang Agahan
Rufina E. Ramos
Maagang gumising si Kardo para bumili ng mainit na pandesal sa tindahan. Pag-uwi niya ng bahay ay dali-dali niya itong inihain sa mesa at nagtimpla ng mainit na
kape. Tinawag niya ang kaniyang nanay at tatay upang makasabay na kumain ng agahan.
Karagdagang Gawain
Panuto: Iguhit ang ↑ kung ito ay katangian ng kuwento at ↓ kung katangian ng tula.
_____1. May sukat at tugma.
_____2. Isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao.
_____3. May tauhan at tagpuan kung saan ginanap ang pangyayari.
_____4. Binubuo ng saknong at taludtod.
_____5. Nagsasaad ng buong pangyayari at nagbibigay ng magandang-aral.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed rotated 180 degrees; the answer key cells are transcribed below by section, in the order they appear in the key]
Subukin
- Kuwento
- Tula
- Kuwento
- Kuwento
- Tula
Balikan
- tao
- lugar
- baboy
- pangyayari
- bagay
Suriin
A. SA KUWENTO
- si Paski
- sa kubo
- maganda at malinis
- opo, dahil mabuti ang maging malinis sa kubo
- marami siyang paalala sa mga gumagamit ng kaniyang kubo (maaaring magbigayn ng ibang sagot)
B. SA TULA
- mga Prontlayners
- masipag, matapang at mapagmahal sa bayan
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
A. Tula B. Kuwento C. Kuwento D. Tula E. Kuwento
Pinatnubayang Pagtatasa 1
- T
- K
- T
- T
- K
Pinatnubayang Pagsasanay 2
SA KUWENTO
- TAUHAN
- SUKAT
- TAGPUAN
- TUGMA
- KUWENTO
Pinatnubayang Pagtatasa 2
- TUGMA
- SUKAT
- TAGPUAN
- SAKNONG
- TAUHAN
Malayang Pagsasanay 1
- ☺
- ☹
- ☹
- ☺
- ☺
[transcriber’s note: the smiley and sad face marks are printed as symbols beside items 1 to 5; the marks for items 2 and 3 are not clearly legible in the scan, so they are shown as read]
Malayang Pagtatasa 1
KUWENTO
- nagsasaad ng buong pangyayari
- may tauhan
- may tagpuan
TULA
- may sukat at tugma
- binubuo ng taludtod
- binubuo ng saknong
Malayang Pagsasanay 2
- B
- A
- C
- D
- E
Malayang Pagtatasa 2
KULAY PULA
- may tauhan
- may tagpuan
- nagpapahayag ng mahalagang pangyayari
KULAY ASUL
- may sukat at tugma
- binubuo ng saknong at taludtod
Isagawa
- Kuwento
- Tula
- Kuwento
- Tula
- Kuwento
Tayahin
- Tula
- Kuwento
- Tula
- Kuwento
- Kuwento
Karagdagang Gawain
- ↓
- ↓
- ↑
- ↓
- ↑
Sanggunian
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.Halina’t Bumasa Book
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply