Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na nakikita sa ating kapaligiran. Ito rin ay pagpapaunlad ng sariling kakayahan na maipapakita ang pag-unawa at pagkatuto sa iba’t- ibang uri ng kulay, hugis at linya gamit ang kulay sa obra o likhang sining.
Sa modyul na ito, ay inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan:
- Natutukoy ang iba’t -ibang hugis na ginamit sa likhang sining. A2EL-Ib
- Naitutulad ang orihinal na kulay ng isang likhang sining.
- Naitutulad ang hugis sa hugis ng tunay na bagay.
- Natutuhan mo sa araling ito na ang mga tunay na iginuhit o ipininta ay tinatawag na Still Life (Buhay Pa) sa sining.