Health 1 Quarter 1 Module 1: Pagkaing Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan

Grade 1 Health Quarter 1 Module 1 teaches learners to tell nutritious foods from junk food, with a story, picture activities, and an answer key.

This is the Grade 1 Health self-learning module for Quarter 1, Module 1: “Pagkaing Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan” (nutritious and non-nutritious foods for the body). It was prepared by DepEd Region II for learners studying at home, with help from a parent or guardian. After the module, learners should be able to tell healthy foods from unhealthy ones and choose foods that keep them strong and free from sickness.

On this page 8 sections

What learners will learn

The module says that by the end, learners are expected to:

  1. Recognize nutritious foods that are good for their health, and when to eat them.
  2. Identify which foods are nutritious and which are not, so they can avoid getting sick. (H1N-Iab-1)

The module starts from a simple idea. Children need nutritious food to grow healthy and smart, and they can only do that if they know how to choose it.

Lesson in this module

The module has one lesson, “Aralin 1 – Nakikilala Ang Mga Pagkaing Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan” (recognizing nutritious and non-nutritious foods). It teaches why healthy food matters and helps learners sort common foods into healthy and unhealthy groups.

Story: Ang Batang Mahilig Kumain ng Gulay

The lesson opens with a short story, “Ang Batang Mahilig Kumain ng Gulay” (the child who loves to eat vegetables). Liza is in Grade 1. Since she was small, she has eaten many kinds of vegetables that her parents grow on their farm. She is cheerful, healthy, and smart, and she rarely gets sick. Her parents are happy because she ranks first in her class every year.

Key ideas: healthy and unhealthy foods

Nutritious foods that are good for the body

  • Fresh vegetables and fruits give vitamins and minerals that give the body energy and strength. The module says fruits are good to eat before a meal, and their fiber helps clean the intestines.
  • Food from animals and the sea, such as beef, pork, and goat, and seafood such as fish, crab, and shrimp (sugpo), help children grow taller and build their bodies.
  • Rice, corn, cassava (kamoteng kahoy), sweet potato (kamote), and ube, with a little fat and cooking oil, give the body energy.

Foods that are not nutritious

  • Junk foods, such as chips and snacks (sitsirya)
  • Frozen foods, such as hotdog and tocino (tusino)
  • Candies and chocolates

The activities add more examples. Milk (gatas) is the drink the module recommends for children, instead of coffee, cola, or softdrinks. Dilis (dried anchovies) helps make bones strong. Kamote can take the place of rice. Very salty foods are not good for the body. A child who skips vegetables and milk and eats only junk food may get sick.

Parts of the module

PartWhat the learner does
Alamin (learn)Reads the objectives
Subukin (try)Takes a 5-item multiple-choice pretest
Balikan and Tuklasin (review and discover)Reviews the topic and reads the story about Liza
Suriin (examine)Reads the lists of healthy and unhealthy foods
Pagyamanin (enrich)Marks pictures with a check or an X, then circles healthy foods and boxes unhealthy ones
Isaisip (remember)Picks the right word from the choices in parentheses
Isagawa (apply)Sorts pictured foods into Column A (good for the body) and Column B (not good)
Tayahin (assess)Answers a multiple-choice quiz
Karagdagang Gawain (extra activity)Answers 5 more multiple-choice items
Susi sa Pagwawasto (answer key)Checks answers

How to use this module

  • Learners: Start with the Subukin pretest, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper. The module asks you not to write on or mark any page, so other learners can use it too.
  • Parents and guardians: Read the story and the food lists with your child, since Grade 1 learners may need help reading. Point out healthy foods at home during meals to make the lesson real. Check answers with the answer key honestly, as the module asks.
  • Teachers: The pretest shows which learners need extra help. The module notes that a teacher’s or facilitator’s guide comes with it. Ask learners to contact you if they have trouble understanding the lesson.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this Health module for?

It is for Grade 1 Health, Quarter 1 (Unang Markahan), Module 1. It covers competency code H1N-Iab-1.

What does the module teach?

It teaches learners to tell nutritious foods, like fresh fruits, vegetables, fish, meat, rice, and kamote, from non-nutritious foods like junk food, hotdog, tocino, candies, and chocolates.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and activities.

Is the module written in English or Filipino?

The module is written in Filipino. This page explains its content in English.

Can learners write on the module?

No. The module asks learners to use a separate answer sheet and not to write on or mark any page.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

[illustration: yellow box with the number 1]

Health

Unang Markahan – Modyul 1: Pagkaing Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan

[illustration: children reading, studying, and working with a globe and a lamp, with a teacher]

Health – Unang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Pagkaing Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng _____

Department of Education – Region II Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500 Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728 E-mail Address: region2@deped.gov.ph

Development Team of the Module

Manunulat: Jenny C. Gimenez Editor: Denis M. Agbayani, Preciosa G. Rivera Tagasuri: Evangeline D. Castillo, Myrna H. Agudo, Oswaldo A. Valiente Tagaguhit: Donald C. Batin, Kym Clyde H. Moro Tagalapat: Oswaldo A. Valiente Management Team: Benjamin D. Paragas, Jessie L. Amin, Octavio V. Cabasag, Rizalino G. Caronan, Denis M. Agbayani, Romel B. Costales, Marcial Y. Noguera, Evangeline D. Castillo, Preciosa G. Rivera

Health

Unang Markahan – Modyul 1: Pagkaing Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang mga bata ay nangangailangan ng mga masustansyang pagkain para sila’y maging malusog at matalino. Makakamtan lamang nila ang mga ito kung alam nilang piliin ang mga masustansyang pagkain.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito ng mga mag-aaral, inaasahang:

  1. Nakikilala ang mga masustansyang pagkain na mainam sa kanilang kalusugan at kung kailan nila ito kakainin.
  2. Natutukoy ang pagkain na masustansiya sa ating katawan at hindi masustansiya para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit ng katawan. (H1N-Iab-1)

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

  1. Ang pagkain ng lamang dagat ay makabubuti sa katawan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa lamang dagat?
    a. Kamote b. sugpo c. isda


  2. Piliin sa mga ito ang prutas na nagtataglay ng maraming sustansya?
    a. Okra b. kalabasa c. Saging


  3. Alin sa mga sumusunod ang pwedeng pamalit sa kanin?
    a. karne b. isda c. kamote


  4. Ano sa mga sumusunod na pagkain ang nagpapatibay ng buto at ngipin?
    a. Ampalaya b. itlog c. dilis


  5. Ang masyadong maalat na pagkain ay hindi nakabubuti sa katawan. Alin dito ang pagkain na hindi maalat?
    a. Tuyo b. itlog na pula c. Mais


Aralin 1 – Nakikilala Ang Mga Pagkaing Masustansiya at Hindi Masustansiya sa Katawan

Balikan

Nakikilala ang mga pagkaing masustansiya at hindi masustansiya sa katawan.

Ang modyul na ito ay magtuturo ng kahalagahan ng pagkaing masustansiya para sa ikabubuti ng kalusugan ng mga mag-aaral.

Mainam na makilala ng mga mag-aaral ang mga pagkaing masustansiya at hindi masustansiya para maiwasan ang pagkaroon ng sakit ng katawan.

Tuklasin
Ang Batang Mahilig Kumain ng Gulay

Si Liza ay nasa unang baitang. Noong bata pa lang siya ay nasanay kumain ng ibat ibang klase ng gulay na tanim ng kanyang magulang sa kanilang bukid. Bata pa lang siya ay namulat na siya sa kahalagahan ng pagkain ng gulay para malusog na pangangatawan. Masayahin, malusog at matalino si Liza at bihirang nagkakasakit.

Ang kanyang mga magulang ay masayang masaya dahil taon taon si Liza ay palaging nasa unang puwesto sa kanilang klase.

Suriin

Mga masustansiyang pagkain na mainam sa ating katawan

  1. Ang mga gulay at mga prutas na sariwa ay mainam sa ating katawan ito’y nagbibigay ng bitamina at mineral na nagbibigay sigla at lakas sa ating katawan.


    Ang mga prutas ay mainam na kainin bago kumain. Ang taglay nitong fiber ay nakatutulong upang linisin ang ating bituka.


  2. Ang mga pagkain na galing sa hayop tulad ng baka, baboy, kambing at iba pa, mga lamang dagat tulad ng isda, alimango at sugpo ay nakatutulong sa ating pagtangkad at paghubog ng ating katawan.


  3. Ang kanin, mais, kamoteng kahoy, kamote, at ube, konting mga taba at mantika ay nagbibigay naman sa atin ng lakas ng pangangatawan.


Ang Mga Hindi Masustansiyang Pagkain at Masama sa ating Katawan

  1. Ang mga junk foods gaya ng mga sitsirya.
  2. Ang mga frozen foods gaya ng hotdog at tusino.
  3. Mga kendi at chocolates
Pagyamanin

A- Panuto: Tingnan ang larawan. Lagyan ng tsek (✓) kung masustansyang pagkain ang nasa larawan at ekis (x) kung hindi masustansya. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. [illustration: mango]

_____ 2. [illustration: lumpia or spring rolls]

_____ 3. [illustration: pineapple]

[transcriber’s note: items 4 and 5 continue from an earlier page]

_____4.

[illustration: lollipop]

______5.

[illustration: avocado, whole and cut in half]

B- Panuto: Bilugan ( ○ ) ang mga pagkaing masustansya sa katawan at ikahon ( □ ) ang mga pagkain na hindi masustansya sa katawan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[illustration: bag of chips labeled “CHIPS”; string beans; two popsicles; leaves; pechay]

Isaisip

Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Kumain ng prutas at iwasan ang (gulay, junk foods, kamote)
  2. Ang bata upang maging malakas ay ugaliing uminom ng ( coke, kape, gatas)
  3. Alin sa mga pagkaing ito ang nagbibigay ng lakas sa katawan? ( kanin, isda, gulay)
  4. Ang mga pagkain na nagpapatibay ng mga buto ay (dilis, tusino, sisig)
  5. Si Lito ay ayaw kumain ng gulay, di siya umiinom ng gatas mahilig siya sa mga pagkain tulad ng sitsirya, at iba pang junk foods. Ano ang maaring mangyari sa kanya?(magkasakit, maging malusog, masaya)

Isagawa

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa kahon kung ano ang naidudulot nya sa ating katawan. Isulat ang letra ng mga pagkaing maganda sa ating katawan sa hanay A at ang mga pagkaing hindi maganda sa ating katawan sa hanay B.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

[illustration: A fish; B wrapped candy; C banana; D papaya; E slice of cake]

Hanay A Hanay B

  1. Alin sa mga sumusunod ang masustansyang pagkain na makikita sa dagat?
    • a. isda
    • b. mais
    • c. saging
  2. Alin sa mga ito ang hindi masustansyang kainin?
    • a. kendi
    • b. kanin
    • c. papaya
  3. Ang mga prutas ay mga pagkain na masustansya para sa ating katawan. Alin dito ang di prutas?
    • a. bayabas
    • b. mangga
    • c. karots
  4. Ang mga gulay ay mga pagkain maganda sa ating katawan, alin dito ang gulay?
    • a. niyog
    • b. kalabasa
    • c. Bayabas
Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat sa sagutang papel.

  1. Isa itong masustansiyang pagkain na nagpapalinaw ng mata.
    • a. kalabasa
    • b. bayabas
    • c. pakwan
  2. Alin sa mga ito ang magandang inumin ng mga batang katulad nyo?
    • a. kape
    • b. gatas
    • c. coke
  3. Alin sa mga susmusunod na pagkain ang hindi maganda sa katawan?
    • a. isda
    • b. itlog
    • c. softdrinks
  4. Si Liza ay mahilig kumain ng mga junk foods. Ayaw niyang kumain ng mga gulay at prutas. Ano ang pwedeng mangyari sa kanya?
    • a. Maging maliksi
    • b. Magkasakit
    • c. Malusog
  5. Alin dito sa mga pagkain ang hindi mainam kainin ng isang batang katulad nyo?
    • a. sitsirya
    • b. tinapay
    • c. nilagang saging

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer columns below are read in their upright order. The Tayahin values are uncertain.]

Subukin
  1. a
  2. c
  3. c
  4. b
  5. b
Pagyamanin A
  1. ✓
  2. x
  3. ✓
  4. x
  5. ✓
Pagyamanin B

[illustration: answer picture showing string beans, popsicles, leaves, and chips]

Hanay A: A, C, D Hanay B: B, E

Tayahin
  1. a [?]
  2. c [?]
  3. b [?]
  4. b [?]
Karagdagang Gawain
  1. a
  2. b
  3. c
  4. b
  5. a
Isaisip
  1. junkfoods
  2. gatas
  3. kanin
  4. dilis
  5. magkasakit

Sanggunian

K to 12 Health Curriculum Guide, May 2016 Health I Grade 1 LRMDS Portal for Images

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district