This is the Grade 6 Filipino self-learning module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5: “Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Karanasan/Kaalaman” (predicting what may happen in a text using prior experience or knowledge). It is an Alternative Delivery Mode module from DepEd Region VI, first edition 2020, written by Dexter E. Ferasol. It helps Grade 6 learners read a story closely and make sensible predictions about what happens next, drawing on what they already know from their own lives.
On this page 7 sections
What learners will learn
By the end of the module, learners should be able to:
- Nakapagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman (give what may happen in a text using prior experience or knowledge) (F6PB-IIIg-17)
What is inside the module
The module has one lesson, Aralin 1, organized into the usual self-learning module parts:
| Part | What learners do |
|---|---|
| Subukin (pretest) | 10 multiple-choice items: read a short situation and choose the most likely next event |
| Balikan (review) | Read “Determinasyon ni Rita” (Rita’s determination) and fill in a table: what I already know, what I discovered, and what changed in what I knew |
| Tuklasin (discover) | Read “Si Totsie” in parts, predict what happens after each part, then answer six questions |
| Suriin (analyze) | Study the six steps for making good predictions |
| Pagyamanin (practice) | Read “Si Asiong at Pusalita” and write three possible next events |
| Isaisip (remember) | Write what they learned and why it matters, and complete a sentence about the skill |
| Isagawa (apply) | Write three possible endings for the unfinished fable “Si Awra: Ang Mayabang na Cobra” |
| Tayahin (assessment) | 10 multiple-choice prediction items |
| Karagdagang Gawain (extra activity) | Read “Heleana at Paziena” and give three things that may happen on the day of their class performance |
How to predict what happens in a text
The module calls this a reading skill that sharpens creative and critical thinking. In the Suriin part, it gives six steps:
- Read the text carefully and understand it well.
- Make sure you understood the important details or events. You can list them or highlight them.
- Study those details. Get to know the characters: their actions, feelings, and words. Follow the order of events.
- Find the part of the story where you can connect your own experience and knowledge. You can put yourself in the character’s place.
- Use your imagination. Be creative and thoughtful. You may agree or disagree with what a character says or does.
- Write your prediction clearly, then reread it to check that it makes the story more meaningful and realistic.
The module’s examples
The main story, “Si Totsie,” shows the skill step by step. Totsie loves sweets like candy, chocolate, cake, and ice cream, and often forgets to brush her teeth. Learners are asked what might happen if she keeps this up. Later she cries out in pain, her mother takes her to a dentist, and the dentist finds many decayed teeth and swollen gums. After a dream in which her teeth run away from her, Totsie promises to take care of them, and she changes her habits. At each stop, learners use what they know about sweets, brushing, and toothaches to guess what comes next.
The pretest and assessment items use everyday situations. For example, Fatima’s mother collapses while preparing dinner; using common sense, the likely next event is that her child helps her sit down. In another, Kennan is talking on a cellphone while eating fish and does not notice a bone, so the likely result is that he chokes on it. Several items draw on pandemic-time experiences, such as wearing face masks and staying home.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Write all answers on a separate sheet of paper, and do not write on the module so others can use it. Be honest when checking your answers with the Susi sa Pagwawasto (answer key). Contact your teacher if you have trouble understanding the lesson.
- Parents and guardians: Help your child read the stories and talk about their predictions. Asking “What do you think will happen next, and why?” is exactly the skill the module builds.
- Teachers: The answer key covers the Subukin, Tayahin, and Tuklasin questions. The Balikan table and the open-ended activities (Pagyamanin, Isagawa, and Karagdagang Gawain) are scored with the 5-point rubrics in the module. The Tala para sa Guro (note for the teacher) reminds you that learners’ answers may differ for each situation.
The next module in the series is Modyul 6: Wastong Gamit ng Kayarian at Kailanan ng Pang-uri sa Paglalarawan ng Iba’t ibang Sitwasyon (correct use of the structure and number of adjectives in describing situations).
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 6 Filipino, Quarter 2 (Ikalawang Markahan), Module 5.
What skill does this module teach?
It teaches learners to predict what may happen in a text by using their prior experience or knowledge. The printed competency code is F6PB-IIIg-17.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the Subukin pretest, the Tayahin assessment, and the Tuklasin questions. The open-ended activities are scored using the rubrics in the module.
What stories are used in the module?
The module uses Determinasyon ni Rita, Si Totsie, Si Asiong at Pusalita, the unfinished fable Si Awra: Ang Mayabang na Cobra, and Heleana at Paziena.
Can learners write their answers on the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for all answers.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Filipino – Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Karanasan/Kaalaman
6
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Karanasan/Kaalaman
[illustration: students reading and studying outdoors and at a table, with a globe and a lantern]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Karanasan/Kaalaman Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Dexter E. Ferasol Editor: Lilibeth D. Meliton Tagasuri: Susan J. Quistadio Junry M. Esparar Celestino M. Dalumpines IV Tagaguhit: Froilan T. Detoga Jr. Tagalapat: Jeson A. Telesforo Gemma B. Malicay Tagapamahala: Gemma M. Ledesma Salvador O. Ochavo, Jr. Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Celestino S. Dalumpines IV Segundina F. Dollete Shirley A. De Juan Merlie J. Rubio
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI
Office Address: Duran Street, IloIlo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov
6
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Karanasan/Kaalam
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: boy holding a clipboard with an apple, speaking in a speech bubble]
Kamusta? Muli na naman tayong magsasama kaibigan sa panibagong paglalakbay tungo sa karunungan. Huwag kang mag-aalala, natitiyak kong magtatagumpay ka sa iyong pag-aaral sa araling ito.
Inaasahan pagkatapos ng aralin taglay mo na ang kasanayang:
- Nakapagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman (F6PB-IIIg-17).
Subukin
[illustration: boy holding a clipboard with an apple, speaking in a speech bubble]
Sige kaibigan, halika at magkasubukan muna tayo. Aalamin natin kung hanggang saan na ang naabot ng iyong pang-unawa.
Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin ang pinakaangkop na maaaring mangyari sa bawat sitwasyon gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Piliin and titik ng iyong nais na sagot, Isulat ito sa sagutang papel.
Mabait at matulunging bata si Carmel. Maging ang kaniyang mga kapatid ay iniidolo siya. Nagunguna rin siya sa klase, siya ang palaging ipinapadala ng kanilang paaralan sa mga tagisan ng talino. Isang araw, sa araw ng timpalak, masama ang pakiramdam ni Carmel. _____
a. Binilhan siya ng guro ng pagkain.
b. Pumunta sila ng kaniyang ina sa parke.
c. Sinamahan muna si Carmel ng kaniyang guro sa clinic.
d. Naglakad si Carmel papunta sa pinakamalapit na mall.Masama na ang pakiramdam ni Fatima nang umuwi mula sa trabaho. Gayunman, nagluto siya ng hapunan para sa asawa at maliliit na mga anak na masayang naglalaro sa sala. Naghahanda siya ng mesa ng maramdaman niyang umiikot ang mga bagay sa paligid. Noon nama’y papasok sa kusina ang panganay niyang anak para sabihing gutom na sila. Nakita niya nang unti-unting bumagsak ang kaniyang nanay. _____
a. Sumigaw ang kaniyang anak na wala na silang tubig.
b. Agad siyang inalalayan ng kaniyang anak at pinaupo sa upuan.
c. Hindi na nakaimik ang kaniyang anak sa napanood na balita.
d. Tumakbo palabas ng bahay ang kaniyang anak at bumili ng pansit.Madalas na umiiyak si Shaina. Halos sumuko na siya sa tuwing naririnig ang di-magandang puna ng hurado tungkol sa kaniyang pag-awit. Gayunpaman, tinatagan niya ang kaniyang loob. Ipinangako niya sa sariling pagbubutihan pa sa susunod nilang paghaharap ng limang finalists sa timpalak. Kaya naman wala siyang sinayang na sandali. Nagsanay siya nang nagsanay. Hanggang sumapit ang gabi ng pagpili ng tatanghalin na The Voice Teens Champion. _____
a. Nagtanghal siya sa plasa.
b. Umuwi si Shaina ng bahay at nagluto ng lugaw.
c. Kabadong-kabado si Shaina sa paparating niyang kaarawan.
d. Mahusay ang ginawang pagtatanghal ni Shaina kaya siya ang nagwagi.Naging napakahirap ng buhay ni Waldo mula nang siya ay maulila sa mga magulang. Wala siya ni-isang kamag-anak na maaaring kumupkop sa kaniya. Kalye ang naging tahanan at nabuhay siya sa pagtitinda ng diyaryo. Isang araw habang siya ay naglalakad, anong gulat niya nang ihagis sa kaniya ang isang bag ng isang nagmamadaling lalaki. Agad siyang nagkubli at nagmasid sa paligid. Maya-maya_____.
a. bumalik ang lalaki at sumayaw.
b. nanginginig at naiihi na sa takot si Waldo.
c. dahan-dahang lumabas si Waldo at tiningnan ang laman ng bag.
d. may mga tao sa paligid at nag-uusap tungkol sa pagbukas ng klase.Kinamulatan na ni Sherwin ang ginagawang pagtulong ng kaniyang mga negosyanteng magulang sa mahihirap. Pinauutang nila ang mga kababayan nang may napakaliit na tubo upang may mapuhunan sa paghahanapbuhay. Nang siya’y makatapos sa pag-aaral, siya’y may masidhing pagnanais na makatulong sa mahihirap na gaya ng kaniyang mga magulang. Kaya nagpasiya siyang _____.
a. magtayo ng isang foundation na handang tumulong sa mahihirap.
b. magpautang na may malaking tubo upang lalong kumita.
c. magpatayo ng isang malaking mansiyon at resort.
d. mag-organisa ng isang pagtitipon at kasiyahan.Habang namamalengke ang mag-amang sina Mang Cardo at Bugoy napansin nilang walang suot na face mask ang ilang mamimili doon. Biglang dumating ang mga pulis, _____.
a. at namili sila ng gulay.
b. at naglaro ang mga ito nang habol-habulan.
c. nagsipag-uwian ang mga mamimili at nagluto ng tanghalian.
d. pinagsabihan ng mga pulis ang mga mamimili na kailangan nilang magsuot ng face mask.Nakikinig sa radyo si Mang Ambo habang humihigop ng isang tasang mainit na kape nang marinig niya na mayroon ng positibo sa COVID-19 sa kanilang lugar. _____.
a. Sinabayan ni Mang Ambo ang kumakanta sa radyo.
b. Pinatulog agad niya ang kaniyang asawa at mga anak.
c. Pagkaubos niya ng kaniyang kape, hinugasan niya ang pinagkainan ng kaniyang mag-iina.
d. Tinawag ni Mang Ambo ang asawa at mga anak para paalalahanan na manatili sa bahay at maging maingat para hindi mahawaan.Masayang nagkukuwentuhan ang magkumare na sina Aling Delia at Aling Meriam. Nagkamustahan ang mga ito tungkol sa kanilang karanasan bilang mga nanay sa panahon ng home quarantine nang may naamoy silang sunog na sinaing. _____.
a. IA.
A. Niyaya ni Aling Meriam ang kaniyang kaibigan para magsimba.
B. Dali-daling pumasok ng bahay si Aling Delia at natulog sa kuwarto.
C. Tinawag ni Aling Meriam ang anak at pinatingnan ang kaniyang sinaing.
D. Tumakbo silang dalawa papasok sa kani-kanilang tahanan para sumilong.[transcriber’s note: item 8 is printed with a stray line “A. IA.” above the choice list; the choices A–D follow it as printed]
Inutusan ni Bebeng ang kaniyang nakababatang kapatid na bumili ng asin sa tindahan ni Aling Nena ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay, ngunit mag-iisang oras na ay hindi pa ito nakauuwi. _____.
a. Nag-ensayo ng sayaw si Bebeng.
b. Lumabas siya ng bahay para maglaro.
c. Nakatulog si Bebeng habang nanonood ng telebisyon.
d. Sinundo niya ito sa tindahan at nadatnan niyang nawili sa paglalaro ang kapatid.“Araaay! Ang sakit!” sigaw ni Marco habang namimilipit sa sakit ng kaniyang tiyan dahil sa gutom na ito. Gusto niyang kumain ngunit nasa trabaho ang kaniyang mga magulang at wala pang naihandag pagkain _____.
a. Namasyal sa mall si Marco.
b. Pumunta siya sa kaniyang tiyahin para makakain.
c. Tiniis na lamang ni Marco ang sakit ng kaniyang tuhod.
d. Tinawagan ang kaniyang kaibigan para magtanong tungkol sa kanilang takdang-aralin.
Aralin 1: Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Karanasan/Kaalaman
Balikan
Bagong aralin na naman ngayon ang iyong mapag–aaralan kaibigan. Alam kong nasasabik ka na muling matuto. Kaya tara na! Pag-aralan natin ang pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman.
Ngunit bago iyon halika balikan natin ang nakaraang aralin.
Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento. Ibigay ang hinihingi sa kasunod na talahanayan. Isagawa ito sa iyong sagutang papel.
Determinasyon ni Rita
Si Rita ay mula sa mahirap na pamilya. Isang araw, sinabi ng kaniyang mga magulang na hindi na siya makapag-aaral sa susunod na taon dahil wala na silang perang pantustos sa kaniyang pag-aaral. Gayunpaman, determinado pa rin si Rita na makapagtapos ng pag-aaral, kaya umisip siya ng mga posibleng paraan para makapagpatuloy sa kaniyang pag-aaral. Agad siyang pumunta sa computer shop at nagsaliksik ng mga organisasyon at institusyon na nagkakaloob ng scholarship sa mga gaya niyang nais magaral subalit walang pantustos. Sa kaniyang, pagsasaliksik, nakita niya ang anunsiyo ng isang pribadong kompanya na handang magbigay ng scholarship sa sinumang nangangailangan nito. Agad siyang nagpasa rito ng aplikasyon. Nakapasa siya at tinanggap na scholar ng kompanya.
Dahil sa kaniyang determinasyon, nakatapos siya ng kaniyang pag-aaral nang may karangalan. Nakamit niya ang kaniyang pangarap at naiahon sa hirap ang kaniyang pamilya.
Batay sa binasa, ibigay ang hinihingi sa talahanayan. Gamitin ang kasunod na mga pamantayan sa pagsagot sa talahanayan.
| Ang alam ko na… | Ang natuklasan kong kaalaman tungkol sa binasang teksto… | Ang nabago sa dati kong alam batay sa natuklasan ko… |
|---|---|---|
| Isulat dito ang alam mo na tungkol sa binasa | Itala naman dito ang mga natuklasan mong bagong kaalaman matapos basahin ang teksto. | Nabago ba ang dati mo ng alam dahil sa iyong natuklasan sa binasa? Isulat dito ang nabago sa dati mong kaalaman batay sa iyong natuklasan sa mula binasa. |
RUBRIK SA PAGMAMARKA SA PAGSAGOT SA TALAHANAYAN
(Pagbabago ng dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto)
5 – Napakahusay
4 – Mahusay-husay
3 – Katamtamang husay
4 – Hindi gaanong mahusay
1 – Kailangan pa ng pagsasanay
[transcriber’s note: the printed scale lists “4” for both “Mahusay-husay” and “Hindi gaanong mahusay”; the second is printed as “4” in the source]
| Pamantayan sa Pagmamarka | 5 | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Malinaw na naisulat ang dating kaalaman tungkol sa binasa. | |||||
| 2. Naitala nang may katotohanan ang mga bagong kaalamang natuklasan mula sa binasa. | |||||
| 3. Naipaliwanag nang mabuti ang mga nabago sa dating kaalaman batay sa natuklasan sa binasang teksto. | |||||
| 4. Wasto ang pagkakasulat ng pangungusap, angkop ang paggamit ng mga salita at tama ang pagbabantas. | |||||
| 5. Naisulat nang sapat ang mga hinihinging detalye sa kabuoan ng talahanayan | |||||
| Kabuoang puntos: |
Tuklasin
Sanayin naman natin ang iyong kasanayan sa pag-unawa sa binasa. Basahin ang sumusunod at sagutin ang kasunod na tanong pagkatapos ng bawat talata sa kuwento.
Si Totsie
Isang masayahin at masiglang bata si Totsie. Paborito niya ang matatamis na pagkain gaya ng candy, chocolate, cake, at ice cream. Madalas siyang napagsasabihan ng kaniyang nanay dahil nakalilimutan niya ang magsipilyo pagkatapos kumain.
- Mahilig ka rin ba sa matatamis na pagkain gaya ni Totsie?
- Nagsisipilyo ka ba lagi pagkatapos kumain?
- Ano sa palagay mo ang mangyayari kay Totsie kapag nagpatuloy siya sa ganitong gawain?
Isang araw, nagulat si Aling Trining nang marinig ang malakas na sigaw ng anak. “Inay!” malakas na daing ni Totsie sa kaniyang kuwarto. “Sobrang sakit, aray… hindi ko kaya ang sakit…aray…” paulit-ulit na sambit ni Totsie. “Ayan ang sinasabi ko sa iyo noon pa, na tigilan mo na ang pagkain ng matatamis at laging magsipilyo. Hindi ka nakinig. Malamang marami na ang sira sa mga ngipin mo,” mariing sabi ng kaniyang nanay. “Hala, tumayo ka na at magbihis. Aalis tayo…” dagdag pa ni Aling Trining.
- Saan kaya pupunta ang mag-inang Totsie at Aling Trining?
- Ano kaya ang mangyayari kay Totsie?
Pinatingin ni Aling Trining ang kaniyang anak sa pinakamalapit na dentista. Ayon sa pagsusuri ng doktor, marami na ang sirang ngipin ni Totsie. Namamaga rin ang kaniyang gums dahil sa bacteria. Kailangan niya muna mag-antibiotic at pagkatapos ay muling bumalik sa doktor para sa susunod na proseso.
- Hihinto na kaya si Totsie sa pagkain nang labis na matatamis?
- Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Kinagabihan, sa pagtulog ni Totsie siya ay nanaginip. Nagsilabasan ang mga ngipin niya sa kaniyang bibig at nagsipagtakbuhan papalayo. “Ayaw na namin sa iyo hindi mo kami inaalagaan nang maayos. Hindi ka kumakain ng masusustansiyang pagkain, puro lang matatamis ang kinakain mo”, wika ng isang ngipin. “Maawa kayo sa akin, bumalik na kayo sa loob ng aking bibig. Huwag kayong umalis, pangako aalagaan ko na kayo. Palagi na akong magsisipilyo at babawasan na ang pagkain ng matatamis,” pagmamakaawa ni Totsie.
- Tutuparin kaya ni Totsie ang pangako niya sa kaniyang mga ngipin? Ano kaya ang mangyayari?
Mula noon, naging maalaga na si Totsie sa kaniyang mga ngipin. Lagi na rin siyang kumakain ng masusustansiyang pagkain. Nagsisipilyo na rin siya pagkatapos kumain at tumitikim-tikim na lamang minsan ng matatamis. Dahil dito, natuwa ang mga magulang niya sa kaniyang pagbabago kaya sinorpresa siya nito ng isang magandang regalo. Labis na nagpasalamat si Totsie sa kaniyang mga magulang at nanatiling responsible at mabuting anak.
Ayan, nabasa mo na ang kuwento at sinubok na rin ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng maaaring mangyari sa kuwento. Kung gayon, tingnan naman natin kung talagang nauwaan mo ang iyong binasa. Sagutin ang sumusunod. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Mga tanong:
- Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
- Ano-ano ang kaniyang katangian?
- Ano ang masakit kay Totsie? Isalaysay kung bakit ito nangyari.
- Ano ang resulta ng pagsusuri ng doktor kay Totsie?
- Paano nagbago si Totsie?
- Bakit mahalagang maging responsable sa pag-aalaga sa sarili?
Suriin
Ngayon naman, suriin natin kung paano ang epektibong pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman.
PAGBIBIGAY NG MAAARING MANGYARI SA TEKSTO GAMIT ANG DATING KARANASAN/KAALAMAN
Sa iyong binasang kuwento, paano mo binigay ang maaaring mangyari sa teskto? Ginamit mo ba ang iyong dating karanasan/kaalaman?
Tara! Alamin natin…
Isang kasanayan sa pagbasa ang pagbibigay ng maaaring mangyari sa isang teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman. Kung gayon, mahalagang matutuhan ang kasanayang ito upang mahasa ang pagiging malikhain at mapanuri sa pag-iisip.
Paano ba ang epektibo at mahusay na pagbibigay ng maaaring mangyari sa isang teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman?
- Mahalagang basahin at unawaing mabuti ang teksto.
- Tiyaking naunawaan ang mahahalagang detalye o pangyayari. Maaari itong itala o i-highlight.
- Suriin ang mahahalagang detalye o pangyayari. Kilalanin ang mga tauhan-ang kanilang kilos o gawi, damdamin, at pananalita. Unawain ang pagkasunod-sunod o daloy ng mga kaganapan.
- Pagkatapos ng pagsusuri, tukuyin kung saang bahagi maaaring iugnay ang dating karanasan at kaalaman. Maaaring ilagay ang sarili sa tauhan sa kuwento o isama sa mga pangyayari sa teksto.
- Paganahin ang imahinasyon. Maging malikhain at mapanuri sa pag-iisip. Maaaring sumang-ayon o sumalungat sa kaisipan ng nagsasalita at ikinikilos ng tauhan. Malayang mag-isip kung paano makapagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto o akda batay sa dating karanasan/kaalaman.
- Kung mayroon nang naisip, isulat ito nang malinaw. Pagkatapos ay basahing muli at tiyaking nakatulong ito upang higit na maging makabuluhan at makatotohanan ang teksto.
Pagyamanin
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Magbigay ng tatlong maaaring mangyari sa teksto gamit ang inyong dating karanasan/kaalaman. Isulat ito sa inyong sagutang papel.
Si Asiong at Pusalita
May isang lalaki na nagtatrabaho sa palaisdaan malapit sa kanila. Kapag nasa trabaho siya ay naiiwan sa bahay ang kaniyang alagang sina Asiong at Pusalita. Isang aso si Asiong at pusa naman si Pusalita.
Ang dalawa ay palaging nag-aaway at nag-aagawan sa higaan malapit sa may pintuan. Gustong-gusto nila doon kasi nag-uunahan silang salubungin ang kanilang amo kapag uuwi galing sa trabaho. Palagi nilang pinagtatalunan kung sino ang paboritong alaga ng kanilang amo. “Ako ang paborito ni tatay Carlito dahil binabantayan ko ang kaniyang bahay kung wala siya,” sambit ni Asiong. “Hindi! ako ang paborito ni tatay Carlito kasi binabantayan ko ang kaniyang bahay sa mga makukulit na daga at katabi niya ako sa pagtulog,” pagmamayabang naman ni Pusalita. Ganito palagi ang nangyayari sa bahay ni Mang Carlito kapag wala siya.
Isang makulimlim na hapon habang papanhik ng hagdan si Mang Carlito ng magkasalubong at nagkatitigan ang magkaaway na sina Asiong at Pusalita.
Sariling Katha: Dexter E. Ferasol
Ano ang maaaring kasunod na mangyayari? Magbigay ng tatlo.
(1) _____________________________________________________________________
(2) _____________________________________________________________________
(3) _____________________________________________________________________
Isaisip
Tandaan na ang pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto batay sa dating karanasan/kaalaman ay mahalagang kasanayan sa pagbasa. Ikaw, ibahagi mo naman ang iyong natutuhan.
A. Punan ang sumusunod na talahanayan:
| Ano ang iyong mga natutuhan? | Gaano ito kahalaga? |
|---|---|
B. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.
Mahalagang matutuhan ang kasanayan sa pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto batay sa dating karanasan at kaalaman dahil _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________.
Isagawa
Basahin ang akda sa ibaba at gawin ang kasunod na gawain sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Si Awra: Ang Mayabang na Cobra
[illustration: a cobra coiled on a tree branch above a small hole, with an anthill and grass at the base of a tree]
Ang larawan na ito ay iginuhit ni Froilan T. Detoga, Jr.
May isang cobra na ang pangalan ay Awra. Nakatira siya sa isang maliit na butas sa punong santol. Nang maliit pa siya ay kinakain niya ang mga maliit na hayop na lumalapit sa bahay niya. Paglipas ng panahon ay lumaki na si Awra at kaya na niyang kainin ang mga malalaking hayop tulad ng manok, kuneho, palaka at ang mga katulad niyang ahas.
Lahat ng hayop sa gubat ay takot sa kaniya, kaya naging mayabang si Awra. “Ngayong ako na ang pinakamalakas na hayop sa kagubatan masasabi kong ako na ang hari dito,” pagmamayabang ni Awra. “Hindi na ako komportable sa maliit na butas na ito, maghahanap na ako ng bago at magandang butas para mapagpahingahan,” dagdag ni Awra.
Habang namamasyal, may nakita siyang isang maganda at may kalakihang butas sa puno ng narra, agad niya itong pinuntahan at doon namahinga. Sa kalagitnaan ng kaniyang pamamahinga ay may naramdaman siyang may gumagapang sa kaniyang katawan. Nang ito’y kaniyang tingnan ay nakita niya si Igam-langgam. Sinabihan niya itong umalis, ngunit pagdungaw niya sa ibaba ay nakita niya ang bahay ni Igam-langgam kasama ang kaniyang mga kamag-anak. Dali-daling gumapang si Awra pababa upang sirain ang bahay ng mga langgam.
Sa pamumuno ni Igam-langgan, nagsama-sama ang lahat ng langgam. Nagkaisa silang lahat at handang lumaban.
Sariling Katha: Dexter E. Ferasol
Ang akdang iyong binasa ay halimbawa ng isang akdang walang wakas. Sadyang hindi tinapos ang pabula. Magbigay ng tatlong posibleng mangyari sa katapusan ng akda gamit ang iyong dating karanasan/kaalaman. Gawing makulay ang maaaring susunod na mangyayari sa akda.
(1) _____________________________________________________________________
________________________________________________________________.
(2) _____________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
(3) _____________________________________________________________________
______________________________________________________________.
Tayahin
Binabati kita at natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito at umabot ka na sa bahaging ito na Tayahin. Pagbutihin mo ang pagsagot ha!
Panuto: Basahin ang sumusunod at ibigay ang maaaring mangyari gamit ang iyong dating karanasan/kalaman. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Masayang naglalaro sa parke ang magkaibigang Marvin at Jhimar nang biglang napansin ni Marvin na walang suot na face mask si Jhimar. ______________________.
A. Tumakbo pauwi si Jhimar dahil hinabol sila ng aso.
B. Inaya na lang ni Marvin si Jhimar na pumunta sa simbahan.
C. Nagtago si Jhimar sa likod ng mga puno para hindi siya makita ni Marvin.
D. Pinagsabihan ni Marvin si Jhimar na huwag kakalimutang magsuot ng face mask.Sa sobrang pagmamadali ni Marta sa paglilinis ng tukador, nakabig niya ang mamahaling plorera ng kaniyang lola. ___________________________.
A. Nahulog ito at nabasag.
B. Nagluto ng pagkain si Marta.
C. Tumakbo papuntang palikuran si Marta.
D. Nagbihis at namasyal sa parke si Marta kasama ang kaniyang lola.Napasigaw nang malakas si Fatima nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga niyang aso. _______________________________.
A. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang galak.
B. Hinimatay siya sa sobrang pagkagutom.
C. Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.
D. Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan nito.Umuwi ang ina ni Rhegan mula sa ibang bansa gustong-gusto niyang lapitan at yakapin ang ina ngunit sinabihan siya na hindi pa maaaring gawin ito kailangang maghintay muna sila ng dalawang linggo. ________________________________.
A. Nagpumilit si Rhegan na maglaro sa kabilang bahay.
B. Naglupasay sa pag-iyak si Rhegan sa sobrang sakit ng ngipin.
C. Tumakbo papasok ng kuwarto si Rhegan at natulog dahil inaantok.
D. Walang magawa si Rhegan kundi sundin ang sinabi sa kaniya.Maraming bunga ang mangga ni Aling Fe kaya palaging namamasyal doon ang magkakapatid na sina Rico, Jona at Ruffa, ______________________.
A. nagselfie sila sa ilalim ng punong santol.
B. tumulong maglinis ng bakuran ang magkakapatid.
C. Umiigib ng tubig ang magkakapatid sa balon ni Aling Fe.
D. nanghingi ng bunga ng mangga ang magkakapatid at dinadala sa kanilang ina.Masinsinang nag-uusap sina Bb. Faraon at Gng. Animas sa labas ng paaralan nang biglang may mga batang naghahabulan papasok sa paaralan. Nasagi ng isang bata si Bb. Faraon at natumba ito. _________________________________.
A. Nagtawanan ang dalawang guro.
B. Naglaro ang mga bata sa parke.
C. Nagkayayaan ang mga batang mamasyal sa malapit na mall.
D. Humingi ng paumanhin ang batang nakabangga sa kay Bb. Faraon.Nagwawalis ng bakuran si Aling Magding nang biglang kumidlat nang malakas. __________________________________.
A. Nagtawanan ang mga batang naglalaro.
B. Sa pagkagulat ay tumakbo siya papasok ng bahay.
C. Nagbihis siya at nagtungo sa palengke para bumili ng lulutuing ulam.
D. Pumasok siya sa bahay at nagluto ng pagkaing ihahain sa mga bisitang dadating.Mabilis magpatakbo ng motor si Johnald ipinagyayabang pa niya ito sa kaniyang mga kaibigan. Isang araw niyaya niya si Leo na sila ay magkarera. __________________________________.
A. Nagtungo ang magkaibigan sa mall.
B. Naglaro ang mga bata sa bakuran nila Johnald.
C. Nagkarera silang dalawa at nanalo si Johnald.
D. Naglaro ng basketball ang magkakaibigan.Tutok na tutok sa panonood ng balita ang mag-anak na Turalba nang biglang namatay ang TV at ang ilaw. ___________________________.
A. Nagsayawan ang mga bata.
B. Namasyal ang mag-anak sa parke.
C. Natakot ang mga bata at nagtakbuhan papunta sa kanilang magulang.
D. Nagluto ng hapunan ang nanay habang ang itay naman ay nag-iigib ng tubig.Habang kumakain ay may kinakausap sa cellphone si Kennan kaya’t hindi niya namalayan na ang isdang kaniyang sinubo ay may tinik pa. ____________________________________.
A. Napasigaw si Kennan sa sobrang saya.
B. Sumayaw siya ng Tiktok kasama ang kaniyang mga kaibigan.
C. Nabulunan siya at humarang ang tinik sa kaniyang lalamunan.
D. Mangiyak-ngiyak si Kennan dahil aalis na ang kaniyang nanay papuntang Hongkong.
Karagdagang Gawain
Basahin at unawain ang teksto. Magbigay ng tatlo (3) na maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan o kaalaman. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Heleana at Paziena
May dalawang magkaibigan na sina Heleana at Paziena. Maliban na sila ay magkaibigan, magkapitbahay pa ang dalawa at magkaklase sa ikaanim na baitang sa Mababang Paaralan ng Sigma, Lalawigan ng Capiz.
Araw ng Biyernes sa klase nila sa Filipino nagkaroon sila ng gawain na magsulat ng tula na may temang “buhay-bata”. Itatanghal nila ito sa klase sa paraang ilalapat sa makalumang awitin. Gagawin ito ng dalawahan.
“O! Naunawaan ba ninyo mga bata ang magiging gawain ninyo?” tanong ni Ginang Cadeleña guro nila sa Filipino. “Opo mam,” sagot ng dalawa.
Araw ng Sabado, pagkatapos mananghalian nagkasundo ang dalawa na gumawa ng kanilang gawain dahil nga magkapitbahay sila at madali lang silang nagkita.
“O, ano? Leron Leron Sinta na lang ang ilalapat nating tunog sa ating ginawang tula,” sabi ni Paziena. “Oo sige, maganda nga iyon,” wika naman ni Heleana na parang kinikilig sa sobrang saya.
Dumating na ang araw ng kanilang pagtatanghal sa klase. Ang lahat ay nasasabik sa presentasyon ng bawat isa.
Sariling akda: Susan J. Quistadio
Magbigay ng tatlong maaaring mangyari sa araw ng pagtatanghal ng mga mag-aaral.
- _____________________________________________________________
- _____________________________________________________________
- _____________________________________________________________
Tala para sa Guro
Iwawasto ng guro ang posibleng sagot ng mag-aaral. Isaalang-alang na maaaring magkakaiba ang kanilang mga tugon sa bawat sitwasyon.
Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Binabati kita dahil natapos mo ang lahat ng pagsubok sa araling ito.
Batid kong naging masaya ka sa ating paglalakbay kaya naman sa susunod mong pag-aaral, asahan mong ako pa rin ang iyong makakasama. Magkita tayong muli sa Modyul 6: Wastong Gamit ng Kayarian at Kailanan ng Pang-uri sa Paglalarawan ng Iba’t ibang Sitwasyon.
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the three answer boxes (TUKLASIN, BALIKAN, SUBUKIN) are printed upside down on the page; they are transcribed here in reading order]
TUKLASIN
- Si Totsie ang pangunahing tauhan sa kuwento.
- Siya ay masayahin at masiglang bata, mahilig din siyang kumain ng matatamis na pagkain at madalas nakalilimutan ang pagsisipilyo.
- Masakit ang kaniyang ngipin. Ito ay dahil sa labis na pagkain niya ng matatamis.
- Marami na siyang sirang ngipin at namamaga na ang kaniyang gums. Kailangan siyang mag-antibiotic.
- Nagbago si Totsie nang mapanaginipan niya na umaalis na sa kaniyang bibig ang kaniyang mga ngipin. Nagagalit ang mga ito dahil di sila inaalagaan. Nangako si Totsie na magbabago na siya.
Sariling sagot ng mag-aaral.
BALIKAN
Gamitin ang Rubrik na inihanda
SUBUKIN
- C
- B
- D
- C
- A
- D
- D
- C
- D
- B
RUBRIK SA PAGMAMARKA SA PAGSAGOT SA PAGYAMANIN, ISAGAWA, AT KARAGDAGANG GAWAIN
(Pagbibigay ng Maaaring Mangyari sa Teksto Gamit ang Dating Karanasan/Kaalaman)
5 – Napakahusay 4 – Mahusay-husay 3 – Katamtamang husay 4 – Hindi gaanong mahusay 1 – Kailangan pa ng pagsasanay
| Pamantayan sa Pagmamarka | 5 | 4 | 3 | 2 | 1 |
|---|---|---|---|---|---|
| 1. Naisaalang-alang ang tinalakay na pamamaraan sa pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto. | |||||
| 2. Naging malikhain sa pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto. | |||||
| 3. Nagamit nang makatotohanan ang dating karanasan/kaalaman sa pagbibigay ng maaaring mangyari sa teksto. | |||||
| 4. Wasto ang pagkakasulat ng pangungusap, angkop ang paggamit ng mga salita at tama ang pagbabantas. | |||||
| Kabuoang puntos: |
Susi sa Pagwawasto
TAYAHIN
- D
- A
- D
- D
- D
- D
- B
- C
- C
- C
ISAGAWA
Sariling sagot ng mag-aaral
Sanggunian
- 2016 K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino
- Most Essential Learning Competencies 2020, (F6PB-IIIg-17) pahina 222
- Sariling akda
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply