This is a self-learning module for Senior High School Grade 11 in the subject Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik (reading and analysis of various texts toward research). It is Quarter 4 (Ikaapat na Markahan), Module 1: “Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik” (analyzing sample research in Filipino by its objectives, uses, methods, and ethics). After the module, learners should be able to read a research abstract and identify each of these four parts.
The module was prepared by DepEd Region 4A CALABARZON as an Alternative Delivery Mode material (first edition, 2020).
What learners will learn
The module’s main competency is:
- Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik (analyzes sample research in Filipino based on its objectives, uses, methods, and ethics) (F11PB-IVab-100)
Its specific objectives are:
- Define the objectives, uses, methods, and ethics of research.
- Analyze sample research in Filipino based on its objectives and uses.
- Analyze sample research in Filipino based on its methods and ethics.
The four parts of research analysis
The module explains that analyzing research means breaking a whole study into smaller parts so that each detail is understood. It names four parts to look for.
Layunin (objectives)
The objectives state what the research wants to achieve: what it wants to prove, disprove, encourage, or do. Objectives can be general (the overall aim) or specific (particular aims). They are usually written after the research questions. Good objectives:
- clearly say what will be done and how
- are realistic and doable
- use specific verbs and state outcomes that can be measured or proven
The module lists sample verbs such as matukoy (to identify), maihambing (to compare), masukat (to measure), mailarawan (to describe), and masuri (to analyze). It also reminds researchers to check, at the end, that the conclusion actually answers the objectives.
Gamit (uses)
Research is done to discover new knowledge that helps people. The module gives three uses, each with an example:
- Giving a new interpretation to old information, such as genetically modified (GMO) foods, once praised and now linked by some to illness
- Clarifying a debated issue, such as newly found medical benefits of marijuana
- Confirming that existing data or an idea is true
Metodo (method)
The method is how data are gathered and analyzed. Data can come from surveys, interviews, questionnaires, and observation. The instrument depends on the design: an interview needs an interview guide, an observation needs a checklist, and a survey needs a questionnaire. The researcher must always ask whether the instrument can answer the research problem.
Etika (ethics)
The module presents four ethical principles, citing the American Psychological Association (2003) and the Center for Social Research Methods (2006):
- Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya (acknowledging sources of ideas): cite the researchers and scholars your work builds on.
- Boluntaryong partisipasyon (voluntary participation): no participant should be forced, and they must understand the purpose and any risks first.
- Pagiging kumpidensiyal (confidentiality): protect participants’ identities and ask permission before sharing results publicly.
- Pagbabalik at paggamit sa resulta (returning and using results): share findings with participants and the community.
Sample research used in the module
Learners practice on real abstracts, including studies on the experiences of young mothers in Laguna, the effect of computer use on students’ academic performance, learning styles of Grade 6 pupils, seminars and teachers’ strengths and weaknesses in teaching Filipino, learners’ readiness for K to 12, comics as a teaching aid for Filipino Grade 8, and group work in Filipino classes.
The Balikan part also reviews the seven steps of writing research, from choosing and limiting a topic to writing the final copy.
How to use this module
The module follows the usual parts: Alamin, Subukin (pretest), Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin (final test), and Karagdagang Gawain (additional activities).
- Learners: Start with the Subukin pretest, then work through each part in order. Write all answers on a separate answer sheet, not on the module. In Isagawa, you will find your own research paper in a book or online and rate it with a checklist. Check your work with the Susi sa Pagwawasto (answer key) honestly, and contact your teacher if a lesson is unclear.
- Parents and guardians: Help your child keep the module clean so others can use it, and encourage honest use of the answer key.
- Teachers: The pretest shows which learners need extra help. Many activities, such as the abstract analysis tables, the ethics paragraph on plagiarism, and the research checklist, are open-ended (sariling sagot) and need your review.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 11 Senior High School learners and is Module 1 of Quarter 4 in Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
What competency does this module cover?
It covers F11PB-IVab-100: analyzing sample research in Filipino based on its objectives, uses, methods, and ethics.
What are the four parts of research analysis in this module?
Layunin (objectives), gamit (uses), metodo (method), and etika (ethics) of research.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for Subukin, Balikan, Tuklasin, Tayahin, and the first additional activity; other activities are open-ended.
What ethical principles of research does the module teach?
Acknowledging sources of ideas, voluntary participation, confidentiality of participants, and returning and using the results of the research.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik
Senior High School
[illustration: students reading under a tree, a teacher with a student at a desk, a student with a globe, and a child working by lamplight]
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo at Etika sa Pananaliksik Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Niño T. Cansicio, Glaiza B. Dela Peña
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana T. Macalagay, Helen Magnaye, Jaime G. Caro, Jr., Felanie J. Rodriguez, Jericho G. Santiago, Ricardo R. David III, Waela Ahmed Khalif D. Al Ayed
Tagaguhit: Mark Anthony L. Paunlagui
Tagalapat: Reden M. Cruzado, Danny S. Barba
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr.
Ramonito O. Elumbaring
Reicon C. Condes
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Rosemarie D. Torres
Ivan Brian I. Inductivo
Glenda DS. Catadman
Feliz A. Tayao
Josephine P. Canlas
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo at Etika ng Pananaliksik
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang Modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga mag-aaral ng Baitang Labingisa ng Senior High School. Ito ay kinapapalooban ng Alamin, Subukin, Balikan, Tuklasin, Suriin, Pagyamanin, Isaisip, Isagawa, Tayahin, at Karagdagang Gawain na lilinang sa mga kasanayang inaasahan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Modyul na ito, inaasahang malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.
Inaasahang pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananliksik (F11PB-IVab-100)
Layunin:
A. Natutukoy ang kahulugan ng layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik B. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin at gamit C. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa metodo at etika ng pananaliksik
Ako si Titser O na iyong makakasama. Narito ako upang tumulong sa iyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mahahalagang kaalaman at impormasyon na tiyak na makatutulong sa iyong pag-unlad.
Subukin
Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Isulat sa iyong sagutang papel kung LAYUNIN, GAMIT, METODO at ETIKA ang mga ilang bahagi ng pananaliksik.
_____1. Ang ginamit na disenyo sap ag-aaral na ito ay deskriptib at analitik na pananaliksik. _____2. Ang paraang ginamit sap ag-aaral ay ang Correlational Studies kung saan ikukumpara ang dalawang batyabols upang malaman kung mayroong positibo o negatibong epekto ang isa’t isa. _____3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok. _____4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang interpretasyon ang balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong baiting. _____5. Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibo at kwasi-eksperimental na uri ng pananaliksik. _____6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon. _____7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondent sa pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. _____8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. _____9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga seminar upang umunlad ang mga kakayahan sa pagtuturo. _____10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik. _____11. Pagiging Kumpidensyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok. _____12. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik. _____13. Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na pang-akaemiko. _____14. Mapabasa at matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbasa gamit ang Ang Pinadaling Paraan ng Pagbasa ni Tysel. _____15. Sukatin ang bias ng komiks bilang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang
[transcriber’s note: item 15 ends mid-sentence at the bottom of the page as printed]
Modyul 1
Pagsusuri ng Ilang Halimbawang Pananaliksik sa Filipino Batay sa Layunin, Gamit, Metodo, at Etika ng Pananaliksik
Pagsusuri ng Pananaliksik sa Filipino
Ang pagsusuri ng pananaliksik sa Filipino ay pag-aanalisa upang mapag-aralan at mabigyang kasagutan ang problema. Ito ang prinsipyo na ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong pag-aaral. Dito hinihimay ang paksa sa mas maliit na bahagi at maunawaang mainam ang bawat detalyeng nakapaloob dito.
Layunin ng pagsusuri ng pananaliksik ay makakita ng mga balangkas sa pagbuo ng isang saliksik.
May apat na bahagi ng pagsusuri ng pananaliksik:
Layunin – Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuoang layon o nais matamo sa pananaliksik. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.
Gamit – Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao.
Metodo -Tumutukoy sa paraan na gagamitin sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling paksa. Ang pangangalap ng datos ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng sarbey, interbyu, paggamit ng talatanungan, obserbasyon, at iba pa. Iba’t ibang paraan naman ang maaaring gamitin sa pagsusuri ng datos na gaya ng empirikal, komparatib, at iba pa.
Etika – Ang etika ng pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba’t ibang bahagi ng proseso ng pananaliksik. May tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring maging gabay ng mga nagsisimulang mananaliksik sa anomang larangan.
Balikan
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik. Makakatulong sa pag-iisa-isa ang mga panandang pangungusap na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
[chart: flowchart; boxes numbered 1 to 7 joined by arrows, with arrows running 1 → 2, 2 → 3, 3 → 4, 4 → 5, 5 → 6, 6 → 7; the boxes carry only their numbers]
Hindi dapat na maging masyadong masaklaw ang sakop nito.
Paglalagom ng kabuuang ideya o kaisipan na tumatalakay sa ibig tuklasin, linawin at tukuyin.
Ang pagsasama-sama ng hinangong ideya mula sa ibat ibang pinagkunan ng impormasyon at mga datos.
Ang iskeleton ng anumang sulatin, hinahati-hati ang mga kaisipan na isasama ang pagsulat mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakapangunahing kaisipan na dapat isulat.
Pagkalap ng mga kailangang kaalaman, kung paano gagamitin at isaayos ang mga datos.
Maaaring makita ang kahulugan sa nakalap na mga datos; maaaring marebisa nang mas maaga ang ilang kamalian, pagkakaayos, estilo ng nilalaman ng sulatin at makapagdaragdag pa ng mas mabisang ideya.
Inilalahad ang kabuuang isinagawang pananaliksik batay sa wastong pormat kawastuhan ng mga pamamaraan at dokumentasyon.
Mahusay! Natukoy mo ang mga hakbang sa pananaliksik. Ngayon, iyong tuklasin ang mga ilang halimbawa ng pananaliksik. Para sa iyo yan!
Tuklasin
[illustration: hand holding a sprout]
Panuto: Suriin ang ilang mga bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang Gamit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik. Kopyahin at isulat ang wastong bilang sa inyong sagutang papel.
A.
_____ Mangangalap ng tala sa Internet, aklat, at journal at makikipanayam sa mga doktor.
_____ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng halamang gamot bilang gamot sa COVID19.
_____ Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot.
_____ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
B.
_____ Tutukuyin ang mga epekto ng Quarantine sa mga batang nasa preschool.
_____ Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na preschool tungkol sa epekto ng Quarantine.
_____ Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nasa preschool
Kumusta ka na? Natapos mo ba ang mga gawaing inilaan ko para sa iyo? Kung hindi pa, tapusin na ‘yan para makamove- on ka na!
Masaya akong natapos mo ito kaya simulan mo na itong kasunod!
_____ Sa mga mag-aaral, nakakatulong nito upang malampasan ang Psychological First Aide.
C.
_____ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask maaaring maging basehan ng isang artikulo na tumatalakay sa bagay na ito.
_____ Mananaliksik sa Internet, gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong isuot ng mga frontliners at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na medical frontliners kung bakit nila paboritong isuot ang facemask. Kapanayamin din ang ilang manufacturers ng facemask.
_____ Sa mga frontliners, ang magagawa ng pag-aaral na ito nakilatisin muna ang uri ng materyales ng facemask bago ito gamitin
_____ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga frontliners.
D.
_____ Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makakatulong ang paggamit ng camera at editing app ng smartphone upang makagagawa ng isang maikling pelikula.
_____ Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling-maikling pelikula gamit lang ang camera at editing app ng smartphone.
_____ Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-oobserba sa proseso ng paggawa ng ganitong pelikula.
_____ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
E.
_____ Aalamin ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bilang ng nagkakasakit ng COVID19.
_____ Magsasaliksik ng mga nakasalamuhang tao sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong nagkaroon ng COVID19.
_____ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
_____ Sa ahensya ng gobyerno, magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng eksaktong bilang ng nagkakaroon ng COVID19.
Suriin
[illustration: magnifying glass held in a hand]
LAYUNIN, GAMIT, METODO AT ETIKA NG PANANALIKSIK
Layunin
Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. İsinusulat ito bilang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at siguruhing natupad o nagawa nga ang mga ito. Kung hindi nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaaring hindi nasunod ang wastong proseso, lumihis sa pokus ng pananaliksik, o naiba ang tunguhin nito.
Paano bumuo ng layunin?
Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:
Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito gagawin
Makatotohanan o maisasagawa
Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang tugon sa mga tanong sa pananaliksik
Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:
Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag, masaliksik, makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat, masuri/makasuri, nakapagorganisa, makilala, makapaghulo, makabuo, makabuo ng konsepto, mailahad, maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa, magamit/makagamit, makapagsagawa, at makatalakay.
Gamit ng Pananaliksik
Isinasagawa ang pananaliksik upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at impormasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga tao. Isang halimbawa ang bagong lumabas na datos na malaki ang tsansang maging malilimutin ang isang tao batay sa dalas ng kaniyang paggamit ng smartPhone at Internet. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Lee Hadlington, may direktang kaugnayan ang pagbababad sa Internet at paggamit ng smartphone sa unti-unting paghina ng isip at memorya ng isang tao.
Maaaring gamitin ang pananaliksik upang bigyan ng bagong interpretasyon ang lumang impormasyon. Maaaring sa paglipas ng panahon ay magkaroon ng panibagong imbensiyon na may kaugnayan sa dating pananaliksik. Halimbawa, noong una ay pinupuri ang pagkatuklas ng paraan upang mapabuti ang produksiyon ng ilang uri ng pagkain sa pamamagitan ng genetically modifed organism o GMO. Ngunit ngayon, iniuugnay sa ilang sakit ang pagkonsumo ng mga pagkaing sumailalim sa modipikasyon o GMO.
Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu. Halimbawa nito ang mga bagong tuklas na benepisyo ng marijuana upang malunasan ang ilang karamdaman. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi sumasang-ayon na gawing legal ang paggamit ng marijuana.
Nagsasagawa ng karagdagang pananaliksik upang patunayan ang bisa at katotohanan ng isang datos o ideya. Maaaring kompirmahin ng bagong pag-aaral ang isang umiiral na katotohanan.
Metodo
Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang instrumento. Halimbawa, kung magsasagawa ng pakikipanayam, kailangan ang gabay sa panayam o talaan ng mga tanong. Kung obserbasyon, kailangan din ang isang talaan o checklist na magsisilbing gabay sa mga dapat bigyang-pansin sa obserbasyon, o kung sarbey naman ay questionnaire o talatanungan. Kailangang Iaging nasa isip ng mananaliksik kung masasagot ng instrumento ang mga suliranin ng pananaliksik.
Etika ng Pananaliksik
Narito ang ilan sa mahahalagang prinsipyong iyon:
Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.
Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok. Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingín ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.
- Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilan-ngilan lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahokang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.
Tandaan na may apat na bahagi ang pagsusuri ng pananaliksik. Kaya’t huwag iwawaglit sa iyong isipan. Malaki ang maitutulong nito sa mga susunod na mga gawain. Good luck!
Pagyamanin
[illustration: hand stacking blocks]
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang dalawang halimbawa ng Abstrak na nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutan sa iyong sagutang papel ang mga kasunod na tanong.
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at ginamitan ng non-random convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima (35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.
Sanggunian: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, http://lpulaguna.edu.ph/wpcontent/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG- BATANG-INA-ISANGPANANALIKSIK.pdf
EPEKTO NG PAGGAMIT NG KOMPYUTER SA AKADEMIK PERPORMANS NG MGA MAG-AARAL SA TAONG 2014-2015
Isang Pananaliksik na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino St. Bridget College M.H Del Pilar St. Batangas City
ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang bigyang pansin kung gaano kalupit ang epekto ng paglalaro ng mga kompyuter games, facebook, at sa panonood ng mga videos sa porn site sa kalusugan at pag-aaral ng isang tao upang maipaliwanag ang kahalagahan ng buhay ng isang tao.
Sa panahon ngayon, mapapansin natin na mas maraming tao, lao na ang mga kabataan na nahuhumaling sa paglalaro ng mga online game at pagsusurfing sa internet. Kaya napili naming magsagawa ng pananaliksik ay upang makakuha ng karagdagang datos at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa ating komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng IT sa St. Bridget College- Batangas City ukol sa Epekto ng kompyuter sa akademik performans ng mga mag-aaral sa taong 2014-2015. Kasama rin dito ang mga posibleng maging kahinatnan ng sobrang paggamit ng internet.
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptib o panlarawang pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay nagtatangkang ipakita ang isang tumpak na larawan ng mga bagay-bagay sa kasalukuyan. Sa pamamaraaang ito ginagamit ang mga datos na nagmumula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid
Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod: pananaliksik sa iba’t ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga website sa internet.
Sanggunian: Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERN ET_SA_AKADEMIK_PERPORMANS_NG_MGA_MAG_nn
- Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga abstrak nito? Pangatuwiranan ang sagot.
Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________
- Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?
Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________
- Sa iyong palagay, ano kaya ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang ginawang saliksik?
Abstrak 1: _____________________________________________________________
Abstrak 2: _____________________________________________________________
Panuto: Mula sa mga nabasa mong abstrak kanina, may mga salita ba na bago sa iyong paningin na kinailangan mong ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay naman ilagay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang diksyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Salita | Kahulugan | Makabuluhang Pangungusap |
|---|---|---|
Panuto: Muling balikan ang dalawang abstrak na iyong nabasa sa itaas. Ipagpatuloy ang iyong pagsusuri sa mga ito gamit ang tsart sa ibaba. Huwag kalimutang ang pagsusuri sa isang sulating pananaliksik ay hindi lamang pagpuna sa mga mali at kakulangan nito. Bahagi pa rin ng pagsusuri ang pagbibigay papuri sa magagandang naisulat, nagawa, o kombinasyon nito. Tandaan na kailangang suriin ng obhetibo ang mga pananaliksik batay sa nilalaman ng papel at hindi batay sa personal na dahilan. Isulat ang gagawing pagsusuri sa sagutang papel.
Pamagat ng papel-pananaliksik: _______________________________________________
Pangalan ng manunuri: _______________________________________________________
| Komendasyon | Rekomendasyon |
|---|---|
Isaisip
PAGSASANAY 1
Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon na nasa ibaba na may kinalaman sa etika ng pananaliksik. Sagutin ang kasunod na tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Isang mapanghamong gawain ang pagbuo ng sulating pananaliksik. Sa paghanap pa lamang ng mga sanggunian ay mauubos na ang iyong oras. Sa iyong paghahanap ay nakakita ka sa internet ng isang gawaing pananaliksik na hawig sa iyong paksa, pumasok sa isip mo na kung ito ay iyong kokopyahin ay mapapadali ang paggawa mo ng iyong proyekto ngunit naisip mo ring kung gagawin mo ito ay hindi mo naman matututuhang gumawa ng sulating pananaliksik. Isa pa, ito ay tahasang paglabag sa copyright law.
Itutuloy mo ba ang una mong naisip? Ipaliwanag ang iyong sagot.
PAGSASANAY 2
Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik. Punan ang talahanayan na nasa ibaba. Kopyahin at sagutan sa inyong sagutang papel.
ABSTRAK
A. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang basehan ng interbensyon at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Mayroon animnapu’t isang (61) respondente ang pananaliksik na ito at gumamit ng pamaraang palarawang disenyo. Ang resulta ay nagpapakita na ang pangunahing estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral na lalaki ay kinestetik na may frequency na 409 0 36.65 na bahagdan, samantalang awditori ang sa mga mag-aaral na babae na may frequency na 374 0 34.63 na bahagdan. Ang natamong X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na critical value sa 0.05 level of probability table gamit ang degree of freedom na 2. Ang Null hypothesis na nagsasabing walang significant relationship o malaking kaugnayan ang estilo ng pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral ay tinanggap.
Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Learning Action Cell (LAC) session para sa guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, lalo na sa kinestetik at awditori upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan na gagamitin sa pagtuturo upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral ngayong 21st century.
Bata, Bata, Paano Ka Matututo? Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ikaanim na Baitang sa Paaralang Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016 Ribecca B. Fenol, ANG GURO Ikaapat na Edisyon, Vol.7, 2017
| LAYUNIN | GAMIT | METODO | ETIKA |
|---|---|---|---|
B. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/ pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational Studies na inilahad sa Input – Process – Output (IPO) na pamamaraan at ang metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptib na uri ng pananaliksik o pag-aaral. Mula sa 435 guro sa Filipino mula sa iba’t ibang antas, kumuha ng walumpung (80) kalahok bilang kinatawan ng dalawampung bahagdan (20%) ng populasyon upang gamitin sa pag-aaral.
Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang naging masusi at napatunayan na may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro. Sa value ng r na 0.67, naipakita ng istatistiko na mayroong korelasyon (katamtaman) ang mga baryabol. Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga punongguro at tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para makatulong sa pagtuturo ng mga gurong Filipino sa elementarya at sekundaryang antas.
“Plan Pagmamasid: Kahinaan At Kalakasan Ng Mga Guro Sa Proseso Ng Pagtuturo Ng Filipino” Elpidia B. Bergado, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5(2015-2016)
| LAYUNIN | GAMIT | METODO | ETIKA |
|---|---|---|---|
C. Layunin ng pananaliksik nito na maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon, 2) kahandaan ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa na pang-akademiko, pinansyal at kaisipang panghinaharap, 3) kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na estratehiya at kailanan pagkatuto ng mga aralin at 4) makabuo ng suplementaryong panuntunan sa implementasyon ng K to 12 batay sa awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon. Ang deskriptib na pananaliksik na ito ay may 30 respondent na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga instrumentong ginamit ay questionnaire at interview. Binilang ang frequency at kinuha ang bahagdan ng kasagutan. Ang mga pananaliksik ay umabot sa konklusyon na ang mga mag-aaral ng ADM-OHSP ay may kaalaman, kahandaan at kakayanan sa pagharap sa K to 12. Mahalaga ang pananaliksik na ito upang maipakita ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagbabago ng kurikulum. Isa rin itong paraan upang malaman ng mga stakeholders ng edukasyon ang awtentikong kaganapan sa 100 ng silid aralan at maging sa Alternative Delivery Mode- Open High School Program.
“Ang KKK Sa K To 12: Kaalaman, Kahandaan At Kakayanan Ng Mga Mag-aaral Mula Sa Alternative Delivery Mode-Open High School Program Ng San Pedro National High School Sa Bagong Kurikulum” Maria Celita B. De Leon, Jezreel M. Margaallo And Louiegrace G. Margallo, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5(2015-2016)
| LAYUNIN | GAMIT | METODO | ETIKA |
|---|---|---|---|
D. Nabuo ang pag-aaral na ito upang matulungan ang mga mag-aaral na pataasin ang antas ng pag-unawa sa pagbasa gamit ang mga isinakomiks na teksto interbensyong kagamitan. Kaya naman sinikap ng pag-aaral na alamin kung ano-ano ang mga pantulong na kagamitang pampagtuturo sa kasalukuyan ang ginagamit ng mga guro. Ipinabalida ang isinakomiks na teksto batay sa paksa, larawang-guhit at wikang ginamit kung naaayon ba ito sa antas ng mga mag-aaral sa baitang walo. Inalam ang iskor ng mga mag-aaral sa karaniwang at isinakomiks na teksto, kinuha ang makabuluhang pagkakaiba ng iskor ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit sa karaniwan at isinakomiks na teksto.
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptib at kwasi-experimental na disenyo upang maipakita ang kabuluhan ng komiks bilang pantulong na kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8. Ang mga datos ay inilahad sa pamamagitan ng paglalarawan at nagsagawa naman ng eksperimento upang matugunan ang mga suliranin. Eksperimental naman ang pagpapagamit ng komiks kung ito ay magiging mabisa bilang pantulong na materyales na maiangat ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral. Kaugnay ng pag-aaral natuklasan ra bahagyang sapat lamang ang pantulong na kagamitang pampagtuturo mayroon ang paaralan ng Mambugan National High School, lubos na sumasang-ayon ang limang guro Baitang 8 na balido ang komiks batay sa paksa, larawang-guhit at wikang ginamit mas mataas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aarat sa komiks kumpara sa karaniwang teksto, at may makabuluhang pagkakaiba ang iskor na natamo ng mga mag-aaral sa komiks kumpara sa karaniwang teksto.
“Komiks: Mungkahing Pantulong na Kagamitang Pampagtuturo para sa Filipino, Baitang 8” Ma. Rosario W. Carson, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.6(2016)
| LAYUNIN | GAMIT | METODO | ETIKA |
|---|---|---|---|
E. Ang guro ay laging tumutuklas ng mga paraan para may matutunan ang mga mag-aaral dahil sila ang tunay na sentro sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Nilalayon ng pag-aaral na ito na makita ng guro bilang isang mananaliksik kung tunay nga bang may kaugnayan ang pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Aksiyong pananaliksik ang modelong ginamit dahil ito ang paraan para sa pagkilos ng mananaliksik upang makabuo ng mga agarang solusyon para sa nakitang suliranin sa pagtuturo sa asignaturang Filipino. Gumamit ng assessment tool, frequency counts at pagkuha ng bahagdan ang mananaliksik. Ang kinalabasan ng pag-aaral ay may tunay na kaugnayan ang pangkatang gawain sa pagkatuto ng mag-aaral sa asignaturang Filipino. Lumabas na may 58.2% ang lubos na sumang-ayon sa pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral at 30.8% naman ang sumang-ayon dito. Gayon man may 8.6% ang may pag-aalinlangan pa rin at may 2.4% na hindi sumang-ayon. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing batayan ng guro kung paano pa mapapaunlad ang pangkatang gawain at mahasa ang mga mag-aaral sa pakikitungo, pakikiisa at pakikipagtulungan sa kanyang kapangkat upang matamo ang pagkatuto sa asignaturang Filipino.
“Kaugnayan ng Pangkatang Gawain sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino” Ma. Teresa T. Rojas, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.6(2016)
| LAYUNIN | GAMIT | METODO | ETIKA |
|---|---|---|---|
Isagawa
Panuto: Maghanap ng isang halimbawa ng pananaliksik sa aklat o internet. Gamit ang tseklist na nasa ibaba ay suriin ang papel-pananaliksik na nakuha mo kung gaano kahusay at katibay ang mga bahagi nito batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) kung ito ay nakasunod sa wastong paraan ng pagsulat ng pananaliksik batay sa mga tanong at ekis (❌) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
| Pamagat ng Papel-Pananaliksik | Sumasagot ba ito sa isang tiyak na tanong? (Layunin) | Nakakatulong ba ito sa mga suliraning pansarili o panlipunan? (Gamit) | Ang pananaliksik ba ay gumagamit ng wastong pamamaraan sa pangangalap ng datos? (Metodo) | Ang pananaliksik ba ay obhetibo kung saan ang mga datos at impormasyon na nakalahad ay pawang katotohanan at dumaan sa maingat na pagaanalisa? (Etika) |
|---|---|---|---|---|
Tayahin
Panuto: Suriin ang bawat pahayag na nasa ibaba na sinipi mula sa ilang pananaliksik. Isulat ang G kung ito ay tumutukoy sa gamit, L kung layunin, M kung metodo, at E kung ito ay etika. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____________1. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng Correlational Studies na inilahad sa Input – Process – Output (PO) na pamamaraan at ang metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o pag-aaral.
_____________2. Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/ pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino.
_____________3. Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang naging masusi at napatunayan na may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro.
_____________4. Tinatayang ang pag-aaral na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga Punongguro at tagamasid upang lalo pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para makatulong sa pagtuturo ng mga gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang antas.
_____________5. Ang deskriptiv na pananaliksik na ito ay may 30 respondent na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang mga instrumentong ginamit ay questionnaire at interview.
_____________6. Mahalaga ang pananaliksik na ito upang maipakita ang karanasan ng mga mag-aaral sa pagbabago ng kurikulum.
_____________7. Kaugnay ng pag-aaral natuklasan na bahagyang sapat lamang ang pantulong na kagamitang pampagtuturo mayroon ang paaralan ng Mambugan National High School, lubos na sumasang-ayon ang limang guro Baitang 8 na balido komiks batay sa paksa, larawang-guhit at wikang ginamit mas mataas ang antas ng pag-unawa ng mga magaarat sa komiks kumpara sa karaniwang teksto, at may makabuluhang pagkakaiba ang iskor na natamo ng mga mag-aaral sa komiks kumpara sa karaniwang teksto.
_____________8. Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibo at kwasi-experimental na disenyo upang maipakita ang kabuluhan ng komiks bilang pantulong na kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino, Baitang 8.
_____________9. Maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon, 2) kahandaan ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa na pangakademiko, pinansyal at kaisipang panghinaharap, 3) kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na estratehiya at kailanan pagkatuto ng mga aralin at 4) makabuo ng suplementaryong panuntunan sa implementasyon ng K to 12 batay sa awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon.
_____________10. Gumamit ng assessment tool, frequency counts at pagkuha ng bahagdan ang mananaliksik.
_____________11. Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing batayan ng guro kung paano pa mapapaunlad ang pangkatang gawain at mahasa ang mga mag-aaral sa pakikitungo, pakikiisa at pakikipagtulungan sa kanyang kapangkat upang matamo ang pagkatuto sa asignaturang Filipino.
_____________12. Nabuo ang pag-aaral na ito upang matulungan ang mga mag-aaral na pataasin ang antas ng pag-unawa sa pagbasa gamit ang mga isinakomiks na teksto interbensyong kagamitan.
_____________13. Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod: pananaliksik sa iba’t ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga website sa internet.
_____________14. Lumabas na may 58.2% ang lubos na sumang-ayon sa pagkakaugnay ng pangkatang gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral at 30.8% naman ang sumang-ayon dito. Ganun pa man may 8.6% ang may pag-aalinlangan pa rin at may 2.4% na hindi sumang-ayon.
_____________15. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang bilang basehan ng interbensyon at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino.
Karagdagang Gawain
PAGSASANAY 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga datos na nasa ibaba. Isulat ang A sa patlang kung ito ay nagpapakita ng kalidad (qualitative data) at ang B kung nagpapakita ng kailanan (quantitative data). Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang Rehiyon ng NCR
- 638.55 km2 ang lawak
- 11,855,975 ang populasyon
- 19,000/km2 ang density
- 16 ang lungsod
- 1 ang bayan o munisipalidad
Si Jose Rizal
- kilalang bayani
- makabayan at matapang
- mahusay na manunulat
- matalino at matulungin
Ang Kapeng Barako
- itim dahil hindi ginamitan ng creamer
- mainit at umaaso pa
- amoy na amoy ang samyo ng matapang na kape
Ang karaniwang silid-aralan
- puti ang pintura
- maaliwalas ang paligid
- may malalapad na blackboard
- maliwanag ang ginamit na ilaw
Mga mag-aaral sa Grade 11
- 135 na mag-aaral
- 75 ang babae, 60 ang lalaki
- 17 ang bumagsak sa matematika
- 25% ang pasok sa honor roll
PAGSASANAY 2
Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng mga katangian na kailangang mahasa sa pagsulat ng pananaliksik. Ipaliwanag ang napiling katangian. Isulat sa sagutang papel.
matiyaga mapamaraan sistematiko maingat analitikal kritikal matapat responsable
- Katangian:_____________________________________________________________
- Katangian:_____________________________________________________________
- Katangian:_____________________________________________________________
- Katangian:_____________________________________________________________
- Katangian:_____________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the answer boxes are transcribed below in their headed order]
Subukin
- Metodo
- Metodo
- Etika
- Metodo
- Metodo
- Layunin
- Etika
- Layunin
- Layunin
- Etika
- Etika
- Etika
- Gamit
- Layunin
Tuklasin
A. 3124 B. 1342 C. 1324 D. 2134 E. 1342
Balikan
- Pagpili at paglilimita ng paksa
- Pagbuo ng konseptong papel
- Paggamit ng iba’t ibang sistemang dokumentasyon
- Pagbuo ng balangkas
- Pagkuha, at pagsasaayos ng mga datos
- Pagsulat ng burador
- Pagsulat ng Pinal na Sipi
Pagyamanin
Pagsasanay 1 (Sariling sagot)
Pagsasanay 2 (Sariling sagot)
Pagsasanay 3 (Sariling sagot)
Isaisip
Pagsasanay 1 (Sariling sagot)
Pagsasanay 2 (Sariling sagot)
Isagawa
(Sariling sagot)
Karagdagang Gawain
Pagsasanay 1
- B
- A
- A
- A
- B
Pagsasanay 2 (Sariling sagot)
Tayahin
- M
- L
- E
- G
- M
- G
- E
- M
- L
- M
- G
- L
- M
- E
- L
Sanggunian
Aklat
Anatacio Heidi.C., Yolanda S. Lungat, at Rita D. Morales. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C&E Publishing Inc., 2016.
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma (Kto12)Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.,2016.
De laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Rex Book Store,2016
Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing Sevices .2017
Habijan, Erico M. Ang Guro: Ika-4 na Edisyon.Metro Manila: St. Clair Printing Sevices .2019
Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair Printing Sevices Vol.5 Issue No.1.2015-2016
Habijan, Erico M. Ang Guro: Saliksik (Bertud ng mga Edukador). Metro Manila: St. Clair Printing Sevices Vol.6 Issue No.1.2016
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Batayang Aklat.Quezon City: Vibal Group, Inc.,2016
Taylan, Dolores R., Jayson D. Petras at Jonathan V. Geronimo. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino: Unang Edisyon.Quezon City: Rex Book Store,2016
B. SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, http://lpulaguna.edu.ph/wp-content/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf
Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7, 2020, https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERPORMANS_NG_MGA_MAG_nn
[transcriber’s note: the Academia.edu URL is broken across two lines in the printed page; it is joined here as one address]
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply