This is the Grade 2 MTB-MLE (Mother Tongue-Based Multilingual Education) self-learning module for Quarter 1, Module 7: “Pagbasa ng Salitang may Kambal-katinig at Diptonggo” (reading words with consonant clusters and diphthongs). It is written in Tagalog for learners studying at home, with help from a parent or another adult. By the end of the module, learners should be able to read words that have a consonant cluster or a diphthong correctly and with understanding.
On this page 6 sections
What learners will learn
The module states one objective:
- Read words with kambal-katinig (consonant clusters) and diptonggo (diphthongs).
Key ideas: kambal-katinig and diptonggo
Kambal-katinig (consonant cluster)
A kambal-katinig, also called a klaster (cluster), is two different consonants placed side by side in the same syllable. It can appear at the beginning or at the end of a word. Examples from the module:
| Cluster | Sample words |
|---|---|
| pl | plasa, plorera, plato, plastik |
| kl | klase, klima, klaro, klinika |
| gl | globo, Glenda, Gloria |
| dr | drayber, dram, drama |
| br | braso, bruha, kobra, Brenda |
| gr | grasya, gripo, grado, grupo |
| kr | krayola, krema, krus |
| tr | trumpo, trak, traysikel, tren |
| pr | presyo, premyo, prutas, prito |
| dy | dyanitor, dyaket, dyip, dyaryo |
| ts | tsaa, tsokolate, tsinelas |
Diptonggo (diphthong)
A diptonggo is a vowel followed by the semivowel /y/ or /w/ inside one syllable. In this module, these are words that end in aw, iw, ay, ey, oy, or uy.
| Ending | Sample words |
|---|---|
| aw | araw, dalaw, galaw, kalabaw |
| iw | agiw, aliw, paksiw, sisiw |
| ay | kamay, nanay, tatay |
| ey | beybi, Leyte, reyna |
| oy | apoy, baboy, kahoy, kasoy |
| uy | baduy, aruy, huy |
The story “Ang Batang Si Ovid”
Learners practice spotting both kinds of words in a short story by Loreta Salazar-Bermudo about Ovid, a seven-year-old Grade 2 boy who loves to draw and play. The underlined words in the story include clusters such as krayola, trak, tren, trumpo, grado, prutas, and plasa, and diphthongs such as sisiw, baboy, nanay, and tatay.
Parts of the module
The module has one lesson, organized in these parts:
- Alamin (learn): the lesson objective.
- Subukin (pretest): five true-or-false items.
- Balikan (review): completing words with the right cluster or diphthong.
- Tuklasin (discover): the story about Ovid.
- Suriin (analyze): questions about the story and its underlined words, plus a word list to read aloud.
- Pagyamanin (enrichment): guided practice and assessment (matching pictures to words, choosing the right word), then independent practice and assessment (sorting pairs as K for kambal-katinig or D for diptonggo, finding the cluster or diphthong in sentences).
- Isaisip (remember): fill-in-the-blank definitions of both terms.
- Isagawa (apply): five multiple-choice questions.
- Tayahin (assess): completing sentences with words from a box.
- Karagdagang Gawain (additional activity): writing sentences using trabaho, nanay, bahay, plastik, and kalabaw.
How to use this module
- Learners: Start with the pretest, then work through the parts in order. Write your answers on a separate sheet of paper, not on the module, so others can use it later. Ask your teacher if any part is hard to understand.
- Parents and guardians: Help your child read the words aloud. The teacher’s note in the module asks the adult to guide the learner in reading the words properly. Use the answer key to check work honestly after each activity.
- Teachers: The answer key (Susi sa Pagwawasto) covers every activity. For the Karagdagang Gawain, check and correct the sentences the learners write.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is for Grade 2 MTB-MLE, Quarter 1, Module 7. This version is in Tagalog and was prepared by DepEd Region III.
What is a kambal-katinig?
A kambal-katinig, or klaster, is two different consonants side by side in one syllable, such as pl in plato or tr in trak. It can appear at the beginning or end of a word.
What is a diptonggo?
A diptonggo is a vowel followed by /y/ or /w/ in one syllable. In this module, these are words ending in aw, iw, ay, ey, oy, or uy, such as araw, sisiw, nanay, reyna, baboy, and aruy.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the pretest and all activities, and asks the teacher or parent to check the sentences written in the additional activity.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners to use a separate sheet of paper for their answers so the module can be reused by others.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
MTB-MLE Unang Markahan – Modyul 7: Pagbasa ng Salitang may Kambal-katinig at Diptonggo
[illustration: students reading outdoors under a tree, a teacher with a boy and a girl at a desk, a boy writing by a lamp, and a globe]
PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI
CO_Q1_MTB2_MODULE7
MTB-MLE – Ikalawang Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Pagbasa ng Salitang may Kambal-katinig at Diptonggo Unang Edisyon 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng mga manunulatat tagapaglathala.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Loreta S. Bermudo Editor: Elena V. Almario, Cita C. Merla at Marie Ann C. Ligsay Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy at Arnold A. Montemayor Tagaguhit: Lynzee A. Monta Tagalapat: Cristina T. Fangon Tagapamahala: Nicolas T. Capulong Librada M. Rubio Ma. Editha R. Caparas Nestor P. Nuesca Merlinda T. Tablan Ellen C. Macaraeg Elena V. Almario
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng _______________________
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando Telefax: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: region3@deped.gov.ph
transcriber’s note: this page repeats the module title block from the cover, which is already transcribed on page 1, so it is not transcribed again.
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makababasa ng mga salitang may kambal-katinig at diptonggo.
Subukin
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung hindi.
_____ 1. Ang salitang kamay at bahay ay salitang magkasintunog.
_____ 2. Ang mga salitang plorera, globo, braso ay ilan lamang sa halimbawa ng salitang may kambal-katinig.
_____ 3. Ang kambal-katinig ay mga salitang may pinagsamang tunog.
_____ 4. Ang mga salitang sitaw, sisiw, tulay at kahoy ay halimbawa ng mga salitang may diptonggo.
_____ 5. Ang mga salitang agiw, araw, palay at baboy ay halimbawa ng salitang kambal-katinig.
Aralin 1 Pagbasa ng Salitang may Kambal-katinig at Diptonggo
Ang kambal-katinig ay tinatawag ding klaster. ay tumutukoy sa mga salitang may magkadikit na magkaibang katinig na nasa iisang pantig. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan o hulihan ng salita.
Ang diptonggo ay binubuo ng patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ito ay mga salitang nagtatapos ng: aw, iw, ay, ey, oy at uy.
Sa araling ito, tutulungan kang mahasa ang iyong kakayahan sa pagbasa nang wasto at may lubos na pag-unawa sa mga salitang may kambal-katinig at diptonggo.
Balikan
Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na kambal-katinig at diptonggo upang mabuo ang salitang ginamit sa pangungusap.
kl ay pr iw ts dr pl
transcriber’s note: “pl” is printed below the box at the left edge, not inside it.
- Ang _____ima sa bagyo ay malamig.
- Bagong gawa ang bah_____ namin sa probinsya.
- Suot na ni Edna ang kanyang bagong _____inelas.
- Ang _____ayber na si Mang Renato ay maingat magmaneho.
- Ang alagang manok ni Aling Belen ay maraming sis_____.
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.
Ang Batang Si Ovid
Loreta Salazar – Bermudo
[illustration: a boy standing with short hair, wearing a polo shirt and shorts]
transcriber’s note: the following words are underlined in the original: krayola, trak, tren, trumpo, grado, gulay, prutas, sisiw, baboy, plasa, nanay, tatay.
Nasa ikalawang baitang si Ovid. Siya ay pitong taong gulang. Mahilig siyang gumuhit at maglaro. Gamit ang kanyang krayola sa pagkukulay sa mga ginuhit niya. Trak, tren at trumpo naman ang hilig niyang paglaruan.
Nag-aaral siyang mabuti ng kanyang leksiyon kaya matataas na grado ang kanyang nakukuha.
Araw-araw, siya ay kumakain ng gulay, prutas at umiinom ng gatas upang siya ay lumakas. Inaalagaan din niya ang kanyang mga alagang hayop tulad ng sisiw at baboy. Minsan ay inaaya rin siya ng kanyang mga kalaro na maglaro sa plasa. Iyan ang batang si Ovid na mahal na mahal ng kanyang nanay at tatay.
Suriin
Panuto: Isulat ang tamang sagot.
- Tungkol saan ang binasa mong kuwento?
- Ano-anong mga salita ang may salungguhit sa kuwentong iyong binasa?
- Ang salitang trak, trumpo at tren ba ay halimbawa ng salitang may kambal-katinig?
- Ang mga salitang gulay, baboy, nanay, tatay at sisiw ay mga salita bang may diptonggo?
- Alin sa grupo ng mga salita ang kambal-katinig?
( plasa bata bola kulay )
Mga Tala para sa Guro
Gabayan ang mag-aaral sa pagbasa nang maayos sa mga salita.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga salitang may kambal-katinig at diptonggo.
Halika, subukan mong basahin.
| pl | kl | gl | dr |
|---|---|---|---|
| plasa | klase | globo | drayber |
| plorera | klima | Glenda | dram |
| plato | klaro | Gloria | drakula |
| plastik | klinika | Glaiza | drama |
| plaka | kliyente | Glorden | drebol |
| br | gr | kr | tr |
|---|---|---|---|
| braso | grasya | krayola | trumpo |
| bruha | gripo | krema | trak |
| brusko | grado | krisis | traysikel |
| kobra | grupo | krus | tren |
| Brenda | granada | krudo | torso |
| pr | dy | ts | aw |
|---|---|---|---|
| presyo | dyanitor | tsaa | agaw |
| premyo | dyaket | tsismosa | araw |
| prutas | dyip | tsokolate | dalaw |
| produkto | dyaryo | tsinelas | galaw |
| prito | dyamante | tsamporado | kalabaw |
| iw | ay | ey | oy | uy |
|---|---|---|---|---|
| agiw | abay | beybi | apoy | baduy |
| aliw | batay | Leyte | baboy | aruy |
| paksiw | kamay | reyna | kahoy | huy |
| saliw | nanay | kasoy | ||
| sisiw | tatay |
Pagyamanin
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Pagtapatin ang larawan at salita. Isulat ang titik ng tamang sagot.
| A | B |
|---|---|
| ________ 1. trak | A. [illustration: spinning top] |
| _______ 2. tulay | B. [illustration: grapes, apple and banana] |
| _______ 3. prutas | C. [illustration: piggy bank] |
| _______ 4. baboy | D. [illustration: dump truck] |
| _______ 5. trumpo | E. [illustration: bridge with cables] |
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Piliin mula sa kahon ang angkop na salita sa bawat larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
| Kahon | |
|---|---|
| gripo | palay |
| krayola | kamay |
| dram | plorera |
- [illustration: vase with flowers]
- [illustration: hand]
- [illustration: crayon with label “ASUL” [?]]
- [illustration: faucet]
- [illustration: rice plant]
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Bilugan ang salitang may kambal-katinig o diptonggo sa grupo.
- palayok tatay baso
- grado mesa lapis
- papel bataw puno
- kurtina sapatos klase
- kawali asukal gulay
Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Piliin ang tamang salita para sa bawat larawan.
- [illustration: woven fan] = ( pamaypay krus pako )
- [illustration: plate] = ( plato presko prito )
- [illustration: feathery plant (anahaw)] = ( grado braso anahaw )
- [illustration: electric iron] = ( globo plantsa dram )
- [illustration: pair of slippers] = ( drama tsinelas dyaket )
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Isulat ang K kung ang pares ng salita ay may kambal-katinig at D kung diptonggo.
_________ 1. nanay – kahoy _________ 2. grado – grasa _________ 3. Gloria – Brenda _________ 4. sayaw – sisiw _________ 5. promo – presyo
Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang salitang may kambal – katinig o diptonggo.
- Ang globo ay larawan ng mundo.
- Ang pambansang dahon ay anahaw.
- Ang paborito kong prutas ay mansanas.
- Si Glenda ay mabait na bata.
- Malalaki ang mga bahay sa bayan.
Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Piliin at isulat ang angkop na kambal-katinig o diptonggo upang mabuo ang salitang kaugnay ng larawan.
- [illustration: vegetables] = gul ____ ( pr ay kr )
- [illustration: crayon] = ___ ayola ( gl oy kr )
- [illustration: plaza with palm trees] = ___ asa ( pl bl pr )
- [illustration: globe] = ___ obo ( kr tr gl )
- [illustration: cashew fruit] = kas ____ ( oy pl iw )
Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Lagyan ng tsek ( ✓ ) kung ang mga salita ay may kambal-katinig at ekis ( ✖ ) naman kung ito ay salitang may diptonggo.
_________ 1. reyna _________ 4. Brenda _________ 2. pamaypay _________ 5. Sitaw _________ 3. presyo
Isaisip
Panuto: Punan ang patlang.
Ang mga salitang mayroong _____ _____ na magkasama sa isang pantig ay tinatawag na _____.
Ang _____ ay binubuo ng patinig na sinusundan ng _____ na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ito ay mga salitang nagtatapos ng: _____, _____, _____, _____, _____, at _____.
Isagawa
Panuto: Sagutan ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Sino ang nagpapasaya sa ating pamilya? A. anak C. drama B. gatas D. globo
_____ 2. Ano ang sinasakyan upang mabilis mong marating ang iyong pupuntahan? A. braso C. plato B. traysikel D. trumpo
_____ 3. Anong pagkain ang masustansiya at pampahaba ng buhay? A. gulay C. kendi B. sitsirya D. de bote
_____ 4. Sino ang tinutukoy na anak na babae ng isang hari?. A. prinsesa C. duke B. reyna D. prinsepe
_____ 5. Ano ang matamis at paboritong kainin ng mga bata? A. ampalaya C. kamote B. isda D. tsokolate
Tayahin
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salitang may kambal-katinig upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
dram kahoy drayber agiw trak trumpo
- Paboritong paglaruan ni Boboy ang _____.
- Ang _____ na yantok ay matibay.
- Ang _____ ay pinag-iimbakan naming ng tubig.
- Ang _____ ay ginagamit na panghakot ng graba, bato at buhangin.
- Ang kubo ay maraming _____.
Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng pangungusap gamit ang sumusunod na kambal-katinig o diptonggo.
- trabaho
- nanay
- bahay
- plastik
- kalabaw
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this answer key page is printed upside down (rotated 180 degrees); the table below is transcribed in its reading order]
| Subukin 1. Tama 2. Tama 3. Tama 4. Tama 5. Mali | Balikan 1. kl 2. ay 3. ts 4. dr 5. iw | Suriin 1. sa batang si Ovid 2. krayola, trak, tren, trumpo at iba pa 3. opo 4. opo 5. plasa | |
|---|---|---|---|
| Pagyamanin | |||
| Pinatnubayang Pagsasanay 1 1. D 2. E 3. B 4. C 5. A | Pinatnubayang Pagtatasa 1 1. plorera 2. kamay 3. krayola 4. gripo 5. palay | Pinatnubayang Pagsasanay 2 1. tatay 2. grado 3. bataw 4. klase 5. gulay | Pinatnubayang Pagtatasa 2 1. pamaypay 2. plato 3. anahaw 4. plantsa 5. tsinelas |
| Malayang Pagsasanay 1 1. D 2. K 3. K 4. D 5. K | Malayang Pagtatasa 1 1. globo 2. anahaw 3. prutas 4. Glenda 5. bahay | Malayang Pagsasanay 2 1. ay 2. kr 3. pl 4. gl 5. oy | Malayang Pagtatasa 2 1. × 2. × 3. ✓ 4. ✓ 5. × |
| Isagawa 1. A 2. B 3. A 4. A 5. D | Tayahin 1. trumpo 2. kahoy 3. dram 4. trak 5. agiw | Karagdagang Gawain (Suriin at itama ang mga pangungusap na isinulat ng mag-aaral). |
Sanggunian
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply