Kumusta? Halika at sabay nating alamin ang nilalaman ng modyul na may pamagat na Tula at mga Tayutay.
Dinisenyo at isinulat ang modyul na isinaalang-alang ang antas ng iyong kakayahan. Gamit ito, matutunan mong kilalanin ang tatlong uri ng tayutay at kung paano bibigyang kahulugan ang mga tulang iyong mababasa.
Ang modyul ay nahahati sa dalawang aralin:
- Aralin 1 – Mga Tayutay: Kilalanin!
- Aralin 2 – Kahulugan ng Tula: Alamin!
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
- nakikilala ang mga pagwawangis o metapora (metaphor), pagsasatao o personipikasyon (personification), at eksaherasyon o pagmamalabis (hyperbole) sa pangungusap.
- naibibigay ang kahulugan ng tula.