Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang: TeknikalBokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Deskripsyon ng Produkto.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay dinisenyo at sinulat na makakatulong sa lubos na pagkatuto. Makakatulong ito upang mabatid ang kaligirang kaalaman sa teknikal na mga sulatin. Ang saklaw ng modyul na ito ay angkop sa iba’t ibang pamamaraang pampagkatuto. Ang mga aralin ay nilapatan ng angkop na talasalitaan na magagamit sa pag-unawa sa nilalaman ng bawat teksto. Ang mga aralin ay nakadisenyo batay sa sistematikong balangkas ng kurso.
Ang modyul ay may isang aralin:
- Aralin 8 – Sulating Teknikal-Bokasyunal: Mga Etikang kinakailangan sa Pagsulat ng Teknikal- Bokasyunal
Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:
- Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal-Mga Etikang kinakailangan sa Pagsulat ng Teknikal- Bokasyunal.
1. Nakikilala ang kaligiran ng etika;
2. Nalalaman ang mga etika na dapat sundin sa pagsulat ng teknikal bokasyunal;
3. Nakapagsasagawa ng isang pagsusuri hinggil sa nilalaman ng mga etikang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal- bokasyunal;
4. Nabibigyan ng sariling kahulugan ang mga etika sa pagsulat ng teknikalbokasyunal; at
5. Nakakapagbigay ng sariling opinyon o pagninilay tungkol sa mga etikang kinakailangan sa pagsulat ng teknikal bokasyunal.
Good day! I’m Lilia Cudia, SHS teacher. This semester I will be teaching FPL-TVL. We have hard copies of some of the modules. That is why I hope I will be able to have a copy of all the modules in FPL -TVL to be able to provide my students a copy as well. Thank you! I hope this site will help teachers like me to easily download this file by adding a download button in this page. Thank you! Hope I could here from you!