Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyonal: Pagsulat ng Feasibility Study

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang: TeknikalBokasyunal- SHS ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Deskripsyon ng Produkto.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa larangang teknikal-bokasyunal, sinisikap ng programang K-12 ang pagpapatibay ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga sulating teknikal-bokasyunal sa paraan ng paglikha ng mga sulating batay sa paksang maaaring magamit sa labas ng akademya gamit ang patuloy na umuunlad na wikang Filipino. Sa araling ito, ay hahasain ang mga mag-aaral sa pagbuo ng sulating Feasibility Study. Tutuklasin ng mga mag-aaral ang mga bahaging bumubuo sa sulating ito at ang paraan ng pagsulat nito.

Ang modyul ay may isang aralin:

  • Aralin 7 – Pagsulat ng Feasibility Study

Pagkatapos ng modyul, inaasahan ang bawat mag-aaral na:

  • Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika.

1. Natutukoy ang dahilan sa pagbuo ng feasibility study;

2. Nakikilala ang mga komponent na bumubuo sa isang feasibility study;

3. Nailalapat sa pagsulat ang mga komponent o bahagi ng feasibility study;

4. Nakasusuri ng halimbawang feasibility study;

5. Nakikilala ang wikang ginagamit sa pagsulat ng feasibility study; at

6. Nakasusulat ng feasibility study batay sa wasto, maingat, at angkop na paggamit ng wika.

Filipino sa Piling Larang-Teknikal Bokasyonal Ikalawang Markahan: Pagsulat ng Feasibility Study

Week-7-Q2-ADM-Filipino-sa-Piling-Larang-TVL

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment