EsP 6 Quarter 3 Module 6: Mga Batas Pambansa at Pandaigdigan: Tuparin at Isakilos

Grade 6 EsP Quarter 3 Module 6 on obeying national and international laws on road safety, health, environment, and drugs, with activities and answer key.

This is the Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) self-learning module for Quarter 3, Module 6: “Mga Batas Pambansa at Pandaigdigan: Tuparin at Isakilos” (national and international laws: obey them and put them into action). It was prepared by DepEd Region VI as an Alternative Delivery Mode module (First Edition, 2020) for learners studying at home. After working through it, learners should be able to show in action that they follow Philippine and international laws on safety, health, the environment, and illegal drugs, and that they take part in campaigns that help keep the peace.

On this page 9 sections

What learners will learn

The module covers competency EsP6PPP-IIIh-40. It states that learners will put into action their obedience to national and international laws by:

  • following laws on road safety, health, the environment, and the abuse of prohibited drugs
  • joining campaigns and programs that enforce laws, such as those against smoking and animal cruelty
  • helping keep the peace in ways they are able to

Lessons in this module

The module has one lesson, Aralin 1: “Mga Batas Para sa Kaligtasan at Lumalahok sa mga Kampanya at Programa Para sa Pagpapatupad ng Batas” (laws for safety and taking part in campaigns and programs to enforce the law). It opens with a story, explains selected national and international laws, and ends with practice activities, a final test, and an extra community task.

The story: Pananagutan ni Norman

The lesson begins with the story “Pananagutan ni Norman” (Norman’s responsibility). Norman comes home happy after a convention about the country’s laws. He and his mother talk about why many people break laws and why laws exist. His mother explains that laws are made to improve our lives, not to make them harder. For example, the rule on using the pedestrian lane keeps people safe when crossing the street. Norman adds that the ban on minors buying and using cigarettes protects young people from harm.

Norman also learns that young people have responsibilities, not just rights. Because he benefits from the fare discount for students on weekdays, he decides to volunteer on Saturdays, such as by helping clean the street and keep the park tidy.

National laws discussed in the module

The module explains that national laws apply to the whole country, are made by Congress, and guide citizens to live by the nation’s values. These are the examples it gives:

LawWhat it does
RA 10054, Motorcycle Helmet Act of 2009Requires motorcycle riders and their passengers to wear standard protective helmets
RA 8750, Seat Belt Use Act of 1999Requires the driver and front-seat passenger to wear seat belts; bars children six years old and below from sitting in front
RA 8749, Philippine Clean Air Act of 1999Fights air pollution; bans smoking in public buildings and vehicles and the burning of hazardous waste
RA 9003, Ecological Solid Waste Management Act of 2000Calls for segregating biodegradable and non-biodegradable waste, recycling, reusing, and composting
RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002Protects citizens, especially the youth, from illegal drugs; punishes those who sell, use, or push them
RA 9211, Tobacco Regulation Act of 2003Bans smoking in public places such as schools, hospitals, and restaurants; bans minors (18 and below) from buying, selling, or smoking cigarettes
Batas Pambansa 702Forbids hospitals and clinics from refusing first aid, especially in emergencies, because a patient cannot pay a deposit
RA 11223, Universal Health CareAims to make every Filipino a PhilHealth member and make medical help affordable
RA 11037, Masustansiyang Pagkain Para sa Batang Pilipino ActRequires public schools to run feeding programs for undernourished children

International laws discussed in the module

The module also names two international agreements that guided Philippine lawmakers:

  • Kyoto Protocol (1997): an agreement among nations to limit greenhouse gases that damage the ozone layer and raise the planet’s temperature.
  • United Nations Convention on the Rights of the Child (1989): sets out the rights of children 18 years old and below and protects them from abuse.

The key message in the Isaisip (remember) part is that laws are made for the good of the people, obeying them leads to peace and order, and age does not excuse anyone from following them.

Activities and assessments

  • Subukin (pretest): 10 situations; draw O if it shows obeying the law and X if it does not.
  • Tuklasin: three questions about Norman’s story.
  • Pagyamanin: mark six pictures with a happy or sad face, then answer questions about RA 9003.
  • Isagawa: a table where learners write what five laws state and how they can help enforce them.
  • Tayahin (final test): five multiple-choice items and five items matching statements to laws.
  • Karagdagang Gawain: observe the community and list three situations showing obedience to a law, with the law’s name.

How to use this module

  • Learners: Take the pretest first, then go through the parts in order. Write all answers on separate paper; do not write on the module. Check your work with the answer key honestly, and contact your teacher if you have trouble.
  • Parents and guardians: Help your child connect the laws to daily life, such as wearing a seat belt or segregating trash at home, and support the community observation task.
  • Teachers: The module includes an answer key for the pretest and final test, and the pretest results show which learners need more help.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 6. It covers competency EsP6PPP-IIIh-40.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto part gives answers for the pretest (Subukin) and the final test (Tayahin).

Which laws does the module discuss?

It covers national laws such as the Motorcycle Helmet Act, Seat Belt Use Act, Clean Air Act, Ecological Solid Waste Management Act, Dangerous Drugs Act, Tobacco Regulation Act, Batas Pambansa 702, Universal Health Care, and RA 11037. It also discusses the Kyoto Protocol and the UN Convention on the Rights of the Child.

What does RA 9003 require?

The Ecological Solid Waste Management Act of 2000 calls for separating biodegradable from non-biodegradable waste, recycling and reusing non-biodegradable items, and composting biodegradable waste.

Can learners write on the module?

No. The module asks learners to keep it clean for others and to write all answers on separate paper.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Batas Pambansa at Pandaigdigan: Tuparin at Isakilos

6

[illustration: students reading and studying outdoors and in a classroom, with a globe, a lamp, and a teacher]

CO_Q3_ESP 6_Modyul 6

[illegible: diagonal watermark text at the lower right edge, partly cut off]

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 6: ● Mga Batas Pambansa at Pandaigdigan: Tuparin at Isakilos Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat:Olive Grace B. Pacificar
Jean L. Magalona
Joy Evelyn S. Montilla
Cherrylyn M. Ibesate
Ma. Isabel S. Baquirel
Editor:Ida Flor C. Ferraris
Baby Alleah S. Mercado
Tagasuri:Lani A. Palma
Miriam T. Lima
Annamor M. Eleccion
Tagaguhit:Anthony M. Cordilla
Tagalapat:Japeth N. Pagonzaga
Jose Karrlo G. Barro
Mayo P. Villamor
Annamor M. Eleccion
Tagapamahala:Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Miriam T. Lima
Renato T. Ballesteros
Regie B. Sama
Ronie T. Tababa
Annamor M. Eleccion
Lani A. Palma

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

[transcriber’s note: this page repeats the cover title, which is transcribed once on page 1]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at ginawa para sa iyo. Tutulungan ka nitong madiskubre at pag-aralan ang mga karaniwang batas ng ating bansa.

Tatalakayin dito ang aralin tungkol sa mga batas para sa kaligtasan at lumalahok sa mga kampanya at programa para sa pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan (EsP6PPP-IIIh-40)

Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahan na maisasakilos ang pagtupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan.

  1. Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan:

11.1 pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa daan; pangkalusugan; pangkapaligiran; pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot;

11.2 lumalahok sa mga kampanya at programa para sa pagpapatupad ng batas tulad ng pagbabawal sa paninigarilyo, pananakit sa hayop, at iba pa;

11.3 tumutulong sa makakayanang paraan ng pagpapanatili ng kapayapaan

Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Gumuhit ng (O) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtupad o pagsuporta sa mga batas pambansa at pandaigdigan, at gumuhit naman ng (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Makilahok sa mga Tree Planting Program ng paaralan, pamahalaan at pamayanan.


  2. Pagsama-samahin ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura.


  3. Gumamit ng seat belt kapag sumasakay sa sasakyan.


  4. Manigarilyo sa mga pampublikong lugar.


  5. Sumama sa mga kabataang gumagamit ng bawal na gamot kapag may problema.


  6. Isumbong sa awtoridad kung may nalalamang bentahan ng ilegal na droga sa inyong barangay.


  7. Bumili ng pagkaing mura ngunit masustansiya para hindi magutom.


  8. Balewalain ang babala ng Department of Health (DOH) ukol sa pagkain ng wasto at sapat.


  9. Magsuot ng helmet tuwing sasakay ng motorsiklo.


  10. Ang paggamit ng droga ay maaaring magdulot ng pagkabilanggo, karahasan at pagkasira ng buhay.


Iskor: _____

Aralin 1

Mga Batas Para sa Kaligtasan at Lumalahok sa mga Kampanya at Programa Para sa Pagpapatupad ng Batas
Balikan

Ang pagkamalikhain ay ang kakayahang bumuo ng mga bagay na hindi pa naiisip ng iba o pagpapaunlad ng mga bagay na naimbento na. Ang pagiging malikhain ang nagbibigay sa atin ng sigla upang bumuo ng isang bagay na mahirap gawin sa simula.

Ang pagtupad sa mga batas ay nakatutulong sa pagkaroon ng kaayusan at katahimikan sa isang bansa. Ang mga pambansang batas ay tungkuling dapat sundin ng lahat ng mamamayang Pilipino.

Tuklasin

Basahin ang kwento at alamin kung ano ang paksa.

Pananagutan ni Norman

Isang Huwebes ng hapon, masayang-masaya si Norman ng dumating sa kanilang bahay. Napansin ito ng kaniyang ina at nagtanong “Bakit ka masaya, Norman?” Sinagot naman ni Norman ang kaniyang ina nang nakangiti, “Inay, masaya po ako dahil sa mga bagong natutuhan ko sa dinaluhan kong convention kanina.”

“Ganon ba anak. Tungkol saan ba iyong convention na iyon?”

“Tungkol po sa mga batas sa ating bansa, ‘nay”. Napakarami po palang batas sa ating bayan na kailangan nating tuparin dahil ginawa ang mga ito para sa ating kapakanan. Medyo nakalulungkot nga lang po na marami sa ating mga kababayan ang hindi sumusunod sa batas. Mas pinili nilang sumuway kaysa sa sumunod. Ang ganitong mga bagay ang kadalasang naging dahilan ng kapahamakan at kaguluhan sa paligid natin.

“Sang-ayon ako d’yan sa itinuro sa inyo. Totoo na maraming tao ang hindi sumusunod sa mga batas. Hindi ko lang sigurado kung ito ay dahil hindi nila alam ang batas o alam nila ngunit ayaw lang talaga nilang sumunod dito. Ang tingin kong dahilan sa ganoong pangyayari ay kawalan ng disiplina sa parte ng ilang mga tao. Kapag alam mo kung ano yung bagay na inaasahan sa iyo ng lipunang kinabibilangan mo at hindi mo iyon isinasakatuparan, malalaman mo ang dahilan kung bakit kailangan nating sumunod sa batas. Kung sakaling hindi na nakasusunod sa batas ang isang tao, kinakailangan na niyang tingnan muli ang kaniyang mga binibigyang halaga.”

“Isa pa, hindi naman ginawa ang mga batas upang tayo ay pahirapan. Sa halip, ginawa ng mga mambabatas ang mga ito nang isinasaalang-alang ang pagpapabuti ng ating buhay o ang pagbibigay ng solusyon sa mga problemang kinakaharap natin. Halimbawa, ginawa ang batas ng paghuli sa mga hindi tumatawid sa “pedestrian lane” masiguro na ang mga tao ay ligtas na makatatawid ng kalsada

sa lahat ng pagkakataon. At hindi nangangambang baka mabundol sila ng humaharurot na sasakyan”.

“Opo, Inay. Sang-ayon ako sa sinabi ninyo. Tulad na rin ng batas tungkol sa pagbabawal sa aming mga kabataan na bumili at gumamit ng sigarilyo sa kahit saang lugar. Hindi binuo ang patakarang ito upang pagdamutan ang mga kabataan. Ginawa ang batas na ito dahil natuklasan ng mga dalubhasa ang masamang dulot ng paninigarilyo sa katawan natin, kaya gusto ng awtoridad na ilayo sa kapahamakan ang mga mamamayan ng bansa kasama na kaming mga kabataan.”

“Mayroon pa ngang nagtatanong doon sa convention kung ano ang magiging papel ng mga kabataang tulad ko sa pagpapatupad ng batas sa ating bansa. Nabanggit doon na kaming mga kabataan ay may pananagutan din sa aming kapwa, hindi pwede na puro karapatan lang namin ang kailangan naming intindihin sapagkat may kaukulan itong responsibilidad na itinakda naman ng batas. Ang naiisip ko nga po ay dapat akong magboluntaryo sa tuwing may pangangailangan ang ating lugar na mapaganda ang paligid. Hindi maaari na puro laro lamang ang aking ginagawa sa parke, kailangan ko ring tumulong na mapanatiling maayos ang kapaligiran kabilang na ang parke. Puwede rin siguro akong tumulong sa paglilinis ng kalsada kapag araw ng Sabado.

Dahil kung nakikinabang po ako sa probisyon ng batas na magkaroon ng diskuwento sa pamasahe sa sasakyan tuwing Lunes hangang Biyernes, marapat lang na kapag Sabado naman ay tumulong ako sa anomang munting makakaya ko.”

“Tama ka anak. At susuportahan kita sa naiisip mong gawin. Ang pagiging mapanagutan ng isang tao ay isang katangian na hinahangad ko para sa iyo. Sa palagay ko nga ay magiging mabuting mamamayan ka ng Pilipinas sa hinaharap. At dahil doon ay labis akong natutuwa.”

Panuto: Basahin nang mabuti at sagutin ang bawat tanong.

  1. Tungkol saan ang dinaluhang convention ni Norman?



  1. Batay sa kuwento, ano ang tungkulin ng bawat mamamayan na dapat gampanan?



  1. Bilang isang mag-aaral sa ika-anim na baitang, paano mo maipakikita ang pagsunod sa batas?



Suriin
Ang Pambansang Batas

Ang mga pambansang batas ay ipinatutupad sa buong bansa. Tungkulin ng lahat na mamamayang Pilipinong sumunod dito sapagkat nagsisilbi itong gabay sa mga mamamayan sa pamumuhay nang naaayon sa pinapahalagahan ng bansa. Ito ang mga batas na ginawa ng Kongreso upang mapanatili ang kaayusan sa bansa. Halimbawa sa mga batas na ito ang sumusunod:

  • R.A. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009. Layunin ng batas na ito na siguraduhin ang kaligtasan ng mga operator o nagmamaneho ng motorsiklo at kanilang mga kasama sa lahat ng oras sa pamamagitan ng mandatory enforcement ng paggamit ng standard protective helmet sa pagmomotorsiklo.


  • RA 8750 o Seat Belt Use Act of 1999. Ang nagmamaneho at ang pasahero sa unahan ng pampubliko o pribadong sasakyan ay obligadong gumamit ng kanilang seatbelt habang umaandar ang sasakyan. Ipinagbabawal din ang pagpapaupo sa unahan ng sasakyan ng mga batang anim na taong gulang pababa.


  • RA 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999. Ito ay naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pambansang programa at pagpigil sa polusyon sa hangin. Ang DENR o Department of Environment and Natural Resources ay inaatasang bumuo ng emission standards para sa mga industriya na naglalabas ng mga pollutant sa hangin. Ipinagbabawal din ng batas na ito ang paninigarilyo sa mga pampublikong gusali, mga pampublikong sasakyan at iba pang lugar na hindi itinalaga para sa paninigarilyo at ang pagsunog ng mga biochemical at hazardous waste na maaaring magsanhi ng mga mapanganib na pollutant.


  • RA Blg. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000). Isang pambansang batas na may kinalaman sa makakalikasan (environmental) at praktikal na pamamahala ng basura. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng paghihiwalay (segregation) ng nabubulok (biodegradable) at di-nabubulok (nonbiodegradable), pag-recycle at pag-reuse ng mga di-nabubulok, at pag-compost o paggawa ng abono (fertilizer) mula sa mga nabubulok na basura.


  • RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Layunin ng batas na itong pangalagaan ang kapakanan ng mamamayan, lalong-lalo na ang mga kabataan, laban sa pinsalang dulot ng ilegal na droga. Mapaparusahan ang mga taong nagbebenta, gumagamit at nagbubuyo ng ibang tao ng ilegal na droga at mga kauri nito.


  • RA Blg. 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003. Batas ukol sa pagkontrol sa paggamit ng produktong tabako. Ipinagbabawal ng batas ang paniniralyo sa mga pampublikong lugar gaya ng elevator, airport, terminal, restawran ospital at paaralan. Nakasaad din sa batas na ito ang pagbabawal sa mga menor de edad, o mga indibidwal edad 18 pababa, sa pagbili, pagbenta, at paghithit ng sigarilyo at iba pang produktong tabako.


  • Batas Pambansa 702 o An Act Prohibiting the Demand of Deposits or Advance Payments for the Confinement or Treatment of Patients in Hospitals and Medical Clinics in Certain Cases. Mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagtanggap, o pagtanggi ng mga tagapamahala ng mga ospital at klinika ng paunang lunas sa mga pasyente higit lalo kung ito ay emergency cases kung hindi sila makapigbigay ng paunang bayad o deposito.


  • Republic Act 11223 o Universal Health Care. Layunin nitong gawing miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang bawat Pilipino at gawing abot-kaya ang tulong medikal lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar.


  • Republic Act 11037 o Masustansiyang Pagkain Para sa mga Batang Pilipino.


Ang “Masustansiyang Pagkain Para Sa Batang Pilipino Act”, kung saan dapat magkaroon ng feeding program ang bawat pampublikong paaralan para sa mga undernourished na bata sa Pilipinas.

Ang mga batas at patakarang ginagawa ng tao ay para din sa ikabubuti ng tao. May mga pagkakataong tila tayo ay natutuksong hindi sumunod sa batas at patakaran ngunit dapat alalahanin na ang mga batas ay proteksyon at tungkulin ng mga mamamayan.

Mayroong mga pandaigdigang batas na nagsilbing gabay sa mga mambabatas ng iba’t ibang bansa upang maisakatuparan ang layon na pangangalaga sa kapakanan ng lahat ng mamamayan. Ang ilan sa mga pinagbatayang pandaigdigang batas para sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

  1. Kyoto Protocol – isang kasunduan ng mga nagkakaisang bansa noong 1997 na naglalayon na mabigyan ng limitasyon ang paggamit ng greenhouse gases na nakasisira sa ozone layer ng mundo. Ito ang dahilan ng pagtaas ng temperatura ng ating planeta na nakaaapekto sa kalidad ng mga yamang mapagkukunan.
  2. United Nations Convention on the Rights of the Child – Isang kasunduang nilagdaan noong 1989 na nagtatakda ng mga karapatan ng mga kabataang nasa 18 na taong gulang pababa. Binibigyan nito ng proteksyon ang mga kabataan laban sa mga pang-aabuso na makaaapekto sa kanilang pansariling pag-unlad. Saklaw ng kasunduang ito ang mga karapatang sibil, politikal, kultural, ekonomik at pangkalusugan na kinakailangang kilalanin ng mga bansa upang mapayabong ang kanilang pag-unlad bilang mga mamamayan.
Pagyamanin

A. Panuto: Gumuhit ng [illustration: smiling face icon] kung ang larawan ay nagsasakilos ng pagtupad, paglahok o pagtulong sa mga batas pambansa at pandaigdig at [illustration: sad face icon] kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

  1. [illustration: two children picking up trash in a grassy area beside a fence, with a red bin]



  2. [illustration: a woman tending a red bin while smoke rises from burning trash on the grass]



  3. [illustration: a man holding a lit cigarette beside a table with a pack on it]



  4. [illustration: a child pouring or dumping waste into a river]



  5. [illustration: people riding in a car, with a driver and passengers]



  6. [illustration: a man and a woman preparing vegetables, fish, and fruit on a table]



B. Basahin ang batas na nasa kahon at sagutin ang mga tanong.

Republic Act No. 9003

(Ecological Solid Waste Management Act of 2000)

Ang batas na ito ay may kinalaman sa makakalikasan (environmental) at praktikal na pamamahala ng basura. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng paghihiwalay (segregation) ng nabubulok (biodegradable) at di-nabubulok (nonbiodegradable), pag-recycle at pag-reuse ng mga di-nabubulok, at pag-compost o paggawa ng abono (fertilizer) mula sa mga nabubulok na basura.

Tanong:

  1. Ano ang layunin ng Republic Act No. 9003?



  2. Paano makilahok ang mga mamamayan sa pagpapatupad ng batas?



  3. Bilang mag-aaral, paano ka makasusunod sa batas na ito upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa at daigdig?



Isaisip

Ang mga batas ay ang mga patakarang ginagawa para sa ikabubuti ng mga mamamayan. Ito ay dapat nating inaalala sa mga pagkakataong tila tayo ay natutuksong hindi sumunod sa batas at patakaran.

Gayundin naman, ang pagsunod sa batas at patakaran ay masasabing daan tungo sa kapayapaan at kaayusan ng mga mamamayan, dahil nagbibigay ito ng gabay sa mga mamamayan sa kanilang pamumuhay sa bansa.

Walang pinipiling edad ang pagsunod sa mga pambansa at pandaigdigang batas. Mahalaga na lumahok tayo at tumulong sa adbokasiya at programa na nilalayon ng mga batas para sa ikabubuti ng ating pamumuhay.

Isagawa

Panuto: Basahin muli ang mga batas na nasa kahon at isulat ang sagot sa kaukulang hanay.

BatasMga Isinasaad ng BatasParaan ng pakikilahok sa Pagpapatupad ng Batas
Republic Act No. 9003 (Ecological Solid Waste Management of 2000)
Republic Act No. 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003)
Republic Act 11037 o Masustansiyang Pagkain Para sa mga Batang Pilipino.
United Nations Convention on the Rights of the Child
Kyoto Protocol
Tayahin

A. Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Kapag ang tao ay hindi kasangkot sa pagbebenta, pangangalakal, pangangasiwa, pamamahagi, paghahatid ng mga pinagkukunan at mga kailangang kemikal o bilang tagatustos ng ilegal na droga, siya ay sumusunod sa anong batas?


    A. Batas Pambansa Blg. 9165
    B. Republic Act No. 875
    C. Republic Act 8749
    D. RA 9275


  2. Ano ang inaasahang gampanin ng mga mamamayan sa mga batas?


    A. Tuparin kapag may nakatingin
    B. Tuparin ang makayang matupad
    C. Tuparin at isagawa para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa
    D. Tuparin paminsan minsan dahil hindi naman lahat maganda


  3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagtupad sa batas para sa kaligtasan sa daan?


    A. Pagmamaneho ng walang lisensya
    B. Pagmamaneho ng may suot na helmet
    C. Pagpapaupo ng sanggol sa unahan ng sasakayan
    D. Pagpapaupo sa sasakyan ng walang seatbelt


  4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa Republic Act No. 9211?


    A. Paggamit ng sigarilyo sa loob ng restawran.
    B. Paninigarilyo sa loob ng silid aralan
    C. Pagbenta ng sigarilyo at sa loob at labas ng paaralan
    D. Pagbabawal sa mga menor de edad sa pagbili ng sigarilyo.


  5. Si Aling Flora ay hinuli ng mga awtoridad dahil sa pagsunog ng kanilang mga basurang gawa sa plastic. Anong batas ang kaniyang inilabag?


    A. Universal Health Care Act
    B. Philippine Clean Air Act of 1999
    C. Tobacco Regulation Act of 2003
    D. Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002


B. Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Tukuyin sa mga batas na nasa loob ng kahon kung saan nabibilang ang mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot.

(6-10)

MGA BATAS

A. Republic Act No. 9211 Tobacco Regulation Act of 2003 B. Batas Pambansa 702 C. Republic Act 11223 Universal Health Care D. Republic Act No. 9003 of 2000 E. Animal Welfare Act of 1998 F. Republic Act 8750 o Seat Belt Use Act of 1999.

_____ 6. Nagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar pero si Mang Nestor ay patuloy na naninigarilyo sa plasa.

_____ 7. Ang nagmamaneho at ang pasahero sa unahan ng pampubliko o pribadong sasakyan ay obligadong gumamit ng kanilang seat belt habang umaandar ang sasakyan.

_____ 8. Pagbabawal sa hindi pagtanggap o pagtanggi ng mga tagapamahala ng mga ospital at klinika ng paunang lunas sa mga pasyente higit lalo na kung ito ay emergency cases kung hindi sila makapagbigay ng paunang bayad o deposito.

_____ 9. Pagbabawal sa pagtapon ng basura sa pribado at pampublikong lugar.

_____ 10. Layunin nitong gawing miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (Phil Health) ang bawat Pilipino at gawing abot-kaya ang tulong medical lalo na sa mga nakatira sa malalayong lugar.

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Masusing magmasid sa inyong pamayanan. Magtala sa Hanay A ng tatlong sitwasyon kung saan naipakikita ang pagsunod sa mga patakaran at batas. Isulat naman sa Hanay B kung ano ang pangalan ng batas.

Sitwasyon na Nagpapakita ng Pagsunod sa mga Patakaran at BatasPangalan ng Batas
Halimbawa: Pagbubukod – bukod ng basuraR.A 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
1.1.
2.2.
3.3.

Susi sa Pagwawasto

Subukin
  1. O
  2. X
  3. O
  4. X
  5. X
  6. O
  7. O
  8. X
  9. O
  10. O
Tayahin

[transcriber’s note: this part of the answer key is printed upside down on the page]

  1. A
  2. C
  3. B
  4. D
  5. B
  6. A
  7. F
  8. B
  9. D
  10. C
Pagyamanin

[illustration: six smiley faces in two rows of three, with labels 1 to 6, showing faces with different expressions]

[transcriber’s note: the face numbers are printed beside the faces; the page layout is rotated, so the label placement is approximate]

Sanggunian

Ylarde, Zenaida R. & Peralta, Gloria A. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6- Batayang Aklat, Vibal Group, Inc. 2016

Pagkamalikhain. (2017, March 9). Share and Discover Knowledge on SlideShare. https://www.slideshare.net/cristineyabes1/pagkamalikhain

United Nations. (1989, November 20). Convention on the Rights of the Child. United Nation https://www.ohchr.org/en/professionalinterest/pages/crc.aspx

United Nations Framework Convention on Climate Change. (1997, December 10). Kyoto Protocol to the United Nations Framework Convention on Climate Change. United Nations. https://unfccc.int/sites/default/files/resourcr/docs/cop3/107a01.pdf

United Nations Framework Convention on Climate Change. (n.a). What is Kyoto Protocol? United Nations. https://unfccc.int/kyoto_protocol

Republic of the Philippines (2018, June 20). Republic Act 11037. Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/2018/06jun/20180620-RA-11037-RRD.pdf

Tagalog news: Istriktong implementasyon Ng batas Sa pagsusuot Ng helmet, iniutos Ng DILG. (2017, December 1). Philippine Information Agency. https://pia.gov.ph/news/articles/1002705

Arellano Law Foundation – ITC Web Development Team. (n.d.). The Lawphil Project – Arellano Law Foundation, Inc. https://lawphil.net/

(n.d.). Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district