laman sa kasaysayan at mga bagay na may kinalaman sa sining at siyensiya. Kabilang na sa mga museo sa Pilipinas ay ang “National Museum” o Pambansang Museo na itinakdang pamahalaan bilang espesyal na lagakan ng mga pamanang. Dito nakatago ang mahalagang kagamitan na ginamit ng mga unang Pilipino at mga dakilang bayani ng bansa.
Mga lumang bahay na ginawa daang taon na ang nakalilipas sa iba’t ibang dako ng Pilipinas ay karaniwang yari sa bato at adobe. Ang mga bintana ay malalaki at pinapalamutian ng kapis. Malalaki ang mga pinto. Maluluwang ang mga silid kabilang dito ay lumang bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit Cavite.
Sa araling ito, matutuhan natin kung paano maiguhit ang mga lumang kagamitan na makikita sa mga lumang gusali o museo sa ating bansa sa pamamagitan ng ilusyon ng espasyo (A5PR-If) at sabay-sabay nating kamtin ang mga sumusunod:
a. Nakikilala ang mga paraan upang makalikha ng ilusyon ng espasyo sa tatlong dimensiyonal o 3D na guhit.
b. Nakalilikha ng 3D na guhit gamit ang wastong ilusyon ng espasyo ng mga antigong kagamitan na nakita mo sa libro, sa museo o sa lumang simbahan sa inyong komunidad.
c. Naipagmamalaki ang mga antigong bagay sa pamamagitan ng likhang-sining
Arts5_Q1_Mod5_ThreeDimentionalEffectsSaPagguhit_v2