This is Module 6 for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, a Senior High School core subject. The self-learning module “Rehistro at Barayti ng Wika” (registers and varieties of language) was prepared by DepEd Region 4A CALABARZON (first edition, 2021) for learners studying at home. After working through it, learners should be able to recognize the different varieties of Filipino and the special terms, or jargon, used in fields such as medicine, law, media, business, and education.
What learners will learn
The module is built around one learning competency (code F11WG-IIc-87): identifying the different registers and varieties of language used in different situations, such as medicine, law, media, social media, engineering, and business, by listing the terms used in these fields.
Its objectives say that learners will be able to:
- identify the profession, activity, or field that a list of terms or jargon belongs to
- classify words by the discipline or field where they are used
- value the use of language varieties in different situations
Key idea: what barayti and rehistro mean
The module defines barayti (variety) as the differences in the kind of language people in the country use: pronunciation, tone, type, and form of words. A rehistro (register) is a variety tied to the social role the speaker plays while speaking.
According to the module, languages have varieties because people differ in social class, geography, level of education, occupation, age and gender, and ethnic group.
The varieties of language in this module
| Variety | What it is | Examples from the module |
|---|---|---|
| Dayalek (dialect) | Language used in a particular region or province | “Bakit?” in Tagalog, “Bakit ngay?” in Ilocos, “Bakit ga?” in Batangas, “Bakit ei?” in Pangasinan, “Baki ah?” in Bataan |
| Idyolek (idiolect) | A person’s own style of speaking that becomes their trademark | “Kabayan” (Noli De Castro), “Magandang Gabi, Bayan!” (Mike Enriquez), “To the highest level na talaga to!” (Ruffa Mae Quinto) |
| Sosyolek (sociolect) | A temporary variety used by a particular group, linked to social and economic status and gender | “Repapips, ala na ako datung eh!” (Friend, I have no money left!), “Let’s make kain na!” (Let’s eat!) |
| Etnolek (ethnolect) | Words that come from an ethnolinguistic group and form part of its identity | Vakul, the Ivatan head covering for hot and rainy days; “Laylaydek Sika” (I love you) of the Kankanaey of Mountain Province |
| Register | A specialized variety used in a particular domain or field | Jargon of lawyers, teachers, accountants |
Register and jargon
The module shows that you can tell a person’s field from the jargon they use:
- Law and the courts: exhibit, suspect, appeal, court, justice, complainant
- Education: lesson plan, curriculum, test, textbook
- Accountancy: account, debit, balance, credit, net income, gross income
It also points out that one word can mean different things in different fields. For example, “mouse” belongs to both computers and zoology, “strike” to sports, labor, and law, “virus” to bacteria and computers, “note” to music and banking, and “server” to computers and restaurant management. “Bread” can mean tinapay (bread) or pera (money).
Other ways to classify language
Citing Marietta Alagad-Abad, the module explains that the kind of text depends on the variety of language it uses: humanities texts use artistic language, science texts use scientific language, and social science texts use social language. Language can also be grouped by level (national, official, provincial, colloquial, and slang), by profession (medical, business, academic, technical), and by institution (school, church, government). The module also mentions the language of beki (gay lingo) and the language of drunk people.
Activities in the module
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice items asking which field a term belongs to, such as “pa-void” for cashier transactions or “virus” in technology.
- Balikan (review): name who made famous lines like “Kaibigan, tara usap tayo!” popular, then explain why people copy or spoof them.
- Pagyamanin (practice): sort words from a word box into idyolek, sosyolek, etnolek, and rehistro.
- Isaisip (reflection): study lines from Vice Ganda, Korina Sanchez, conyo speakers, jejemon, and gay lingo, and think about how such language affects you as a student.
- Isagawa (application): give one word and its meaning for a bank employee, a street-corner tambay, a market vendor, a lawyer, and a teacher.
- Tayahin (assessment): a 15-item multiple-choice test on jargon.
- Karagdagang Gawain (additional activity): list five words from language varieties and five from registers, with the field of each.
How to use this module
- Learners: Start with the Subukin pretest to see what you already know, then go through the parts in order. Write all your answers on a separate sheet of paper and do not write on the module, so others can use it. Check your work honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, which covers Subukin, Pagyamanin, and Tayahin. Contact your teacher right away if a lesson is hard to understand.
- Parents and guardians: The module was made for home study. Help your child follow the order of the parts and make sure answers go on separate paper.
- Teachers: The module includes a teacher’s note after Balikan reminding you to prepare learners for the next part. The open-ended Balikan, Isaisip, Isagawa, and Karagdagang Gawain tasks are not in the answer key and need your checking.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Quarter 2 (Ikalawang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Its competency code, F11WG-IIc-87, is a Grade 11 Filipino code.
What is the difference between barayti and rehistro?
Barayti refers to the differences in the language people use, such as pronunciation, tone, and word forms. Rehistro is a variety tied to the social role or field of the speaker, like the jargon of lawyers, teachers, or accountants.
What varieties of language does the module discuss?
It covers dayalek (regional dialect), idyolek (personal speaking style), sosyolek (language of a social group), etnolek (language of an ethnic group), and register (specialized language of a field).
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto at the end gives answers for the Subukin pretest, the Pagyamanin sorting activity, and the Tayahin assessment.
Can learners write on the module?
No. The module asks learners not to write on or mark any part of it and to use a separate sheet of paper for all answers.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 6: Rehistro at Barayti ng Wika
Senior High School
CO_Q2_ KPWKP SHS Module 6
[illustration: students and a teacher with a globe, lamp, and books, with the ADM Alternative Delivery Mode logo below]
GOVERNMENT PROPERTY NOT FOR SALE
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6: Rehistro at Barayti ng Wika Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON
Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Ana Maria L. Josue Editor: Fritz M. Bahilango Tagasuri: Ernesto C. Caberte, Jr., Leilanie E. Vizarra, Imelda H. Aglibot, Edryne A. Amon, Gian Carlo C. Villagracia Tagaguhit: Romdel F. Partoza Tagalapat: Jera Mae B. Cruzado, Julie Anne V. Vertudes Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas, Job S. Zape, Jr., Ramonito O. Elumbaring, Reicon C. Condes, Elaine T. Balaogan, Fe M. Ong-ongowan, Rommel C. Bautista, Galileo L. Go, Randy D. Punzalan, Elpidia B. Bergado, Noel S. Ortega, Maribeth C. Rieta
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan – Modyul 6: Rehistro at Barayti ng Wika
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Bilang isang manlalakbay, ikaw ay may pagdaraanang mga pagsubok na huhubog sa iyong kakayahan upang matamo ang sumusunod na kasanayan pagkatapos ng aralin.
Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang rehistro at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: medisina, abogasya, midya, social media, inhenyeriya, negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito. (F11WG-IIc-87)
Layunin:
- Natutukoy kung anong propesyon, gawain, o larangan ang nakatalang mga termino o jargon.
- Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan ng mga ito.
- Napahahalagahan ang barayti sa iba’t ibang sitwasyon.
1 CO_Q2_KPWKP SHS Module 6
2 CO_Q2_KPWKP SHS Module 6
Subukin
Panuto: Tukuyin kung anong jargon ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik ng piniling sagot sa iyong sagutang papel.
Ito ay ginagamit sa mga transaksiyon sa cashier.
a. lesson plan c. pa-void
b. suspect d. x-rayIto ay terminong ginagamit ng mga may kaalaman sa musika.
a. sharp c. earning
b. lesson plan d. justiceIto ay ginagamit ng mga doktor, nars, o mga taong may kinalaman sa medisina.
a. checkup c. datung
b. ctrl-alt-delete d. konstitusyonAng terminong ito ay ginagamit ng mga may kaalaman sa kompyuter.
a. Download c. sarbey
b. jump shot d. travellingIto ay ginagamit ng mga may katungkulan at/o may mga employer sa isang tanggapan kung lumiliban nang matagal nang walang paalam.
a. AWOL c. sick leave
b. overtime d. undertimeAng papel na hinahanap ng magdedeposito sa bangko.
a. deposit slip c. voucher
b. transmittal d. withdrawal slipGinagamit ang wikang ito sa teknolohiya, ang sumisira sa dokumento.
a. Bacteria c. paste
b. cancer d. virusDito pumupunta ang mga taong bumibili ng kagamitan sa pagkukumpuni sa bahay.
a. bakery c. hardware
b. drugstore d. furniture shopSalitang ginagamit sa kagamitan ng guro sa pagtuturo.
a. account record c. ledger
b. motorboat d. lesson plan
3 CO_Q2_KPWKP SHS Module 6
Isa ito sa mga salitang ginagamit pangkomunikasyon.
a. eggbeater c. percussion drill
b. headphone d. water meterAng salitang madalas na marinig sa loob ng korte.
a. bayarin c. kaso
b. blackboard d. kuryenteTawag sa mga nagbabantay sa tindahan sa loob ng mall.
a. attendant c. usherette
b. saleslady d. waitressKabisado nila ang mga batas dahil dito sila dalubhasa.
a. abogado c. inhinyero
b. doktor d. pulisIto ang maiisip kapag text messaging ang pag-uusapan.
a. cellphone c. radyo
b. pahayagan d. televisionKadalasang sinasabi ng mangingisda kung siya ay papalaot sa dagat.
a. magha-hunting c. mamamalakaya
b. maglalagom d. magsu-shooting
4 CO_Q2_KPWKP SHS Module 6
Aralin 6: Rehistro at Barayti ng Wika
Ang barayti ay pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa: bigkas, tono, uri, at anyo ng salita. Ang rehistro ay barayti na may kaugnay na panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Balikan
Panuto: Alamin kung sino ang nagpauso ng sikat na mga linyang nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
- Hindi namin kayo tatantanan! -_____________________
- Todo na to! To the highest level na talaga ito! -_____________
- Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla! -_____________________
- Confidently beautiful with a heart!-_____________________
- Kaibigan, tara usap tayo! -_____________________
Gamit ang iba pang halimbawa, sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa espasyong nasa ibaba ng bawat tanong.
- Bakit may mga taong gumagaya o pinipiling i-spoof ang sikat na mga linya ng mga artista o personalidad?
- Alin sa mga katangian nito ang nagugustuhan ng mga tao lalo na ng kabataan?
Mga Tala para sa Guro
Pagkatapos sagutan ang mga tanong, ihanda ang mga mag-aaral para sa susunod na bahagi ng modyul
Tuklasin
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika ay nailalabas o naipapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan, at iba pa.
ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian, at uri ng pangkat-etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogeneous na wika, tayo ay nagkaroon ng iba’t ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga barayti ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.
Dayalek – Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.
Halimbawa: Tagalog = Bakit? Ilocos = Bakit ngay? Batangas = Bakit ga? Pangasinan = Bakit ei? Bataan = Baki ah?
Idyolek – Bawat indibidwal ay may sariling estilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.
Halimbawa: “Kabayan” – Noli De Castro “Magandang Gabi, Bayan!” – Mike Enriquez “To the highest level na talaga to!” – Ruffa Mae Quinto
Sosyolek– Minsan ay tinatawag na “sosyalek”. Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Halimbawa: Repapips, ala na ako datung eh! (Pare, wala na akong pera!) My God! It’s so mainit naman dito! (Naku, ang init naman dito!) Let’s make kain na! (Kumain na tayo!)
Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko, sumibol ang ibat ibang uri ng etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Halimbawa: Vakul – tumutukoy sa mga gamit ng mga Ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province
Register – Minsan sinusulat na “rejister” at ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga terminong may kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang hanapbuhay o larangan. Kapag narinig ang terminong ito ay matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang ginagamit ng mga ito.
Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala tulad ng sumusunod na jargon: exhibit, suspect, appeal, court, justice complainant, atbp.
Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng mga salitang lesson plan, curriculum, test, textbook, atbp.
Ito naman ang mga jargon sa disiplinang Accountancy: account, debit, balance, credit, net income, gross income, atbp.
Ayon kay Marietta Alagad-Abad, ang barayti ng wika ay tumutukoy sa uri o klase ng wikang ginagamit sa isang partikular na teksto o diskors. Nakikita mo ang kaibahan ng isang teksto sa isa pang teksto dahil sa uri ng wikang ginagamit sa nasabing teksto. Ang uri ng teksto ay dumedepende sa uri o barayti ng wikang ginagamit sa teksto. Samakatuwid, ang tekstong panghumanidades ay gumagamit ng wikang masining; ang tekstong pang-agham ay gumagamit ng wikang sayantipik; ang tekstong pang-agham panlipunan ay gumagamit ng wikang pansosyal.
Ang barayti ng wika ay naaayon din sa antas nito kaya mayroon tayong wikang pambansa, wikang opisyal, wikang lalawiganin, wikang kolokyal o karaniwan, at wikang islang o balbal.
Ang wika ay maaari ring uriin ayon sa propesyon o disiplina tulad ng wikang medikal, wikang pambisnis, wikang akademik, at wikang teknikal. Maaari namang makilala ang barayti ng wika ayon sa mga institusyong gumagamit nito tulad ng wikang pampaaralan, wikang pansimbahan, wikang pampamahalaan, atbp. Sa ngayon, mayroon ding tinatawag na wika ng beki at wika ng lasing.
(https://takdangaralin.ph/barayti-ng-wika/ at Retorika (Filipino III)
Suriin
Kung minsan, ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan.
Pansinin ang sumusunod na mga salita na may magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa ibaba:
[transcriber’s note: the table has no header row printed; the header row below is added for Markdown and left empty]
| accent | language, interior design |
| bread | tinapay, pera |
| mouse | computer, zoology |
| strike | sports, labor, law |
| race | sports, sociology |
| operation | medicine, military |
| virus | bacteria, computer |
| stress | language, psychology |
| hardware | business, computer |
| nursery | agriculture, education |
| note | music, banking |
| server | Computer, restaurant management |
Pagyamanin
Subukin natin ang mga naunawaan mo sa ating aralin. Basahin maigi ang panuto at ibigay ang lahat nang natutuhan mo sa tinalakay na mga aralin.
Panuto: Ilista mo ang mga salitang nararapat mapasailalim sa sumusunod na mga barayti sa loob ng kahon. Isulat mo ang mga sagot sa sagutang papel.
Word box (read column by column):
konstitusyon Okey, Darla! kalamansi sintones appeal lespu masaya matam-is mabanas maalinsangan tingni atik utol sosi pang-al Aha, ha, ha! Nakaloloka!
syota dyowa kalamyas danum gurang may sayad mithiin kabihasnan toma wasto gab-i samlang lesson plan talumpati tambay handog
adyao datung aklat kumusta printer ngipen bag-ang alinlangan Kabayan! dyip masining tig-ang Walang himala! bingkong tsugi Handa na ba kayo?
| Idyolek | Sosyolek | Etnolek | Rehistro |
|---|---|---|---|
| 1. 2. 3. 4. 5. | 1. 2. 3. 4. 5. | 1. 2. 3. 4. 5. | 1. 2. 3. 4. 5. |
Sanggunian: Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School, Cid Alcaraz, et.al.
Isaisip
Nagagawa mo nang tukuyin ang mga salita sa larangang kinabibilangan nito. Upang lubusan mong matandaan, may ilan pang tanong na iyong tutugunan para sa higit pang kasanayan.
Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
| Tagapagsalita | Pahayag |
|---|---|
| 1. Vice Ganda | May nag-txt! Party! Party! |
| 2. Korina Sanchez | Handa ka na ba? |
| 3. Conyo | Please do not leave “tabo” on the floor. Only kolehiyalas make tusok the fishballs. |
| 4. Jejemon | R u goin’ 2 c me 2day? “eEWh koOYAh! mZtah PowH KaYoWz” |
| 5. Gay lingo o salitang beki | Purita kalaw Julie Andrews |
- Kung ang mga pahayag na nasa itaas ay madalas mong marinig at paminsan-minsan ay nakasanayan mong gamitin, paano ito makaaapekto sa iyo bilang isang mag-aaral sa loob ng klase?
- Ano-ano ang maaari mong gawin upang malinang nang maayos at mapanatili ang paggamit ng iba’t ibang barayti ng wika?
Isagawa
Sa antas mo ngayon, siguradong marami ka nang alam na salita mula sa mga naririnig mo sa iba’t ibang taong nakakasalamuha mo sa araw-araw at sa mga salitang nababasa mo sa social media. Sa gawaing ito, ibigay mo ang iyong nalalaman.
Panuto: Magtala ng isang salita ayon sa larangang kinabibilangan nito. Ibigay ang kahulugan ng salita.
Empleyado ng bangko
Salita: _____
Kahulugan: _____Istambay sa kanto
Salita: _____
Kahulugan: _____Tindera sa palengke
Salita: _____
Kahulugan: _____Abogado sa korte
Salita: _____
Kahulugan: _____Guro sa paaralan
Salita: _____
Kahulugan: _____
Tayahin
Mahusay! Narito ka na sa pagtatapos ng modyul. Sagutan mo nang buong giting ang sumusunod na mga tanong sa papel. Basahing mabuti ang panuto at magpatuloy ka…
Panuto: Tukuyin mo kung anong jargon ang mga salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng piniling sagot sa sagutang papel.
[transcriber’s note: the words underlined in the questions below are not marked in this transcription]
Alin sa sumusunod ang salitang ginamit at pinauso na gay lingo?
a. rolling pin c. awra
b. objection d. likeAlin sa sumusunod na salita ang ginagamit ng mga beauty queen?
a. confidently beautiful c. Facebook
b. rolling pin d. essayAno ang terminong madalas na ginagamit ng mga doktor at nars?
a. test paper c. credit
b. diagnosis d. menuAno ang terminong ginagamit ng mga fashion model?
a. blueprint c. runway
b. beverage d. ballAno ang salitang ginagamit ng mga mahilig sa kompyuter?
a. blackbord c. I object!
b. software d. coachAno ang tawag ng mga mangingisda sa kanilang sasakyang pandagat?
a. balsa c. motorboat
b. basing d. yachtAno ang salitang ginagamit sa pagtukoy sa kulungan ng mga kabayo?
a. akwaryum c. kural
b. baklad d. kuwadraAling papel sa bangko ang dapat sulatan ng taong gustong kumuha ng pera sa kanyang bankbook?
a. checking account c. transcript
b. deposit slip d. withdrawal slipAlin ang nasa isip ng mag-aaral kung hahanapin niya ang guro sa paaralan?
a. accounting room c. faculty room
b. courtroom d. showroomKanino dapat ibigay ng guwardya ang lesson plan na naiwan sa gate ng paaralan?
a. bookkeeper c. guro
b. clerk d. mag-aaralAno ang salitang ginagamit ng mga magsasaka sa pagbubungkal ng lupa?
a. Araro c. panday
b. palakaya d. sementoAlin sa sumusunod ang salitang ginagamit sa lugar na pinagkukulungan ng mga isda sa laot?
a. baklad c. kural
b. balsa d. hardinAnong salita ang ginagamit kung gustong burahin ang dokumentong ginawa sa computer?
a. defrag c. garbage
b. delete d. readSino ang hahanapin ng kostumer sa restoran para um-order ng pagkain?
a. bookkeeper c. saleslady
b. manager d. waiterAno ang salitang karaniwang maririnig sa loob ng ospital?
a. blood pressure c. silbato
b. gasoline d. water meter
Karagdagang Gawain
Binabati ka namin dahil natapos mo nang matagumpay ang mga pagsubok sa modyul. Dahil diyan, gusto naming maging handa ka sa susunod na pagsubok na iyong kahaharapin. Ngayon pa lamang ay paghandaan mo na kung ano nga ba ang madalas na maririnig na salita sa iba’t ibang lugar batay sa iba’t ibang sitwasyon.
Pagtibayin natin ang iyong natutuhan sa gawaing ito.
Magtala ka ng limang (5) salita mula sa barayti ng wika at limang (5) rehistro ng wika. Tukuyin kung anong larangan kabilang ang salitang itinala. Kopyahin ang talahanayang ito sa sagutang papel.
| Salita mula sa Barayti ng Wika | Larangan | Salita mula sa Rehistro ng Wika | Larangan |
|---|---|---|---|
| 1. | 1. | ||
| 2. | 2. | ||
| 3. | 3. | ||
| 4. | 4. | ||
| 5. | 5. |
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: the answer-key columns are printed upside down on the page; the table below holds the three columns as printed]
| Subukin | Pagyamanin | Tayahin |
|---|---|---|
| 1. C 2. A 3. A 4. A 5. A 6. A 7. D 8. C 9. D 10. B 11. C 12. B 13. A 14. A 15. C | Idyolek 1. Okey, Darla! 2. Aha, ha, ha! Nakaloloka! 3. Kabayan! 4. Walang himala! 5. Handa na ba kayo? Sosyolek 1. syota 2. dyowa 3. gurang 4. toma 5. may sayad Rehistro 1. konstitusyon 2. appeal 3. lesson plan 4. aklat 5. printer Etnolek 1. adyao 2. ngipen 3. ang – bag 4. mabanas 5. pag-al | 1. C 2. A 3. B 4. C 5. B 6. B 7. D 8. D 9. C 10. C 11. A 12. A 13. B 14. D 15. A |
Sanggunian
Alcaraz, Cid, etal. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School, Cubao, Quezon City: Education Resource Corporation.
Pena, Esterlla L., etal. 2017. Kanlungan 11A Komunikasyon sa Wika at Kulturang Pilipino, Ermita, Manila: Elp Campus Journal Printing.
(https://takdangaralin.ph/barayti-ng-wika/ at Retorika (Filipino III)
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply