This is Module 7 for Quarter 1 (Unang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, a Senior High School self-learning module from DepEd Region 4A CALABARZON. Its title, “Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita),” means the uses of language in society, in spoken form. The module teaches learners to explain these uses out loud with examples and to connect their ideas with cohesive devices (words and phrases that link sentences and ideas).
What learners will learn
The module is built on one learning competency: explaining orally the uses of language in society by giving examples (F11PS – Id – 87).
By the end of the module, learners should be able to:
- Identify the uses of language in society in spoken form.
- Build sentences or statements using cohesive devices to explain and give examples of the uses of language in society.
- Practice effective spoken communication in everyday conversations.
Key ideas: cohesive devices
The module explains that a conversation, spoken or written, is made of sentences, phrases, and clauses with related ideas. Cohesive devices, also called kohesyong gramatikal (grammatical cohesion), make that message clearer.
There are five main cohesive devices: reference, substitution, ellipsis, conjunction (pang-ugnay), and lexical cohesion. This module covers only three of them.
| Cohesive device | What it does | Example from the module |
|---|---|---|
| Reperensiya (reference) | Uses a pronoun so a noun is not repeated | See anapora and katapora below |
| Ellipsis | Leaves out words to avoid repeating them | “Nagpunta si Mario sa bayan at namili…” instead of repeating “si Mario sa bayan” |
| Pang-ugnay (conjunction) | Joins two sentences | “Magtatagumpay ang iyong plano sapagkat mabuti ang layunin nito.” |
Reference has two types:
- Anapora: the pronoun comes after the noun it replaces. Example: “Kapag nagkita kayo ni Elena, pakisabi na kinukumusta ko siya.”
- Katapora: the pronoun comes before the noun it replaces. Example: “Siya‘y naging isang mabuting halimbawa sa ating lahat. Tunay na si Dr. Jose Rizal ay katangi-tangi.”
The activities also use many linking expressions, such as kasabay nito (along with this), bagkus (instead), bilang konklusyon (in conclusion), patunay nito (proof of this), marahil (perhaps), ngunit (but), dahil sa (because of), kahit (even though), maliban sa (aside from), sa halip (instead of), kapag (when/if), and sa sandaling (the moment that).
Key ideas: uses of language and communicative competence
Seven functions of language (M.A.K. Halliday, 1973)
- Interaksyonal (interactional): building and keeping social relationships, like exchanging letters or calls with a faraway friend.
- Instrumental: meeting needs, talking, or giving orders, like writing a business letter.
- Regulatori (regulatory): controlling or guiding how others act, like a “No Trespassing” sign.
- Personal: expressing your own feelings or opinions, like a diary about life during the pandemic.
- Imahinatibo (imaginative): expressing imagination creatively, like writing and reciting a poem for someone you love.
- Heuristik (heuristic): seeking information, like asking for directions to a conference.
- Representatibo (representational): reporting events and explaining how things connect, like announcements and advertisements.
Other uses of language (Roman Jacobson, 2003)
The module also lists these uses, each with a short example: emotive (“Naks, ha! Ang galing-galing!”), informative (“ECQ means enhanced community quarantine”), conative or persuading (“Bumili ka ng sabon!”), phatic or starting a conversation (“Saan ka nanggaling?”), expressive, referential (newspapers, magazines), metalingual (commenting on a code or law), poetic, and labelling (“Popstar Royalty” for Sarah Geronimo).
Kakayahang komunikatibo (communicative competence)
A person has communicative competence when they have four components: linguistic or grammatical, sociolinguistic, pragmatic, and discourse competence. The module also presents Dell Hymes’ SPEAKING model of social factors in communication: Setting, Participants, Ends, Act Sequence, Keys, Instrumentalities, Norms, and Genre.
How to use this module
The module follows the usual self-learning module parts:
- Subukin (pretest): 15 multiple-choice items where you pick the cohesive device in each sentence.
- Balikan (review): name at least two uses of language and make sentences.
- Tuklasin (explore): explain how underlined linking words like pati na rin and bunga nito work in sentences.
- Suriin (discussion): the lessons summarized above.
- Pagyamanin (practice): Gawain 1.1 (choose the right cohesive device), Gawain 1.2 (identify the use of language in each statement), and Gawain 1.3 (write sentences using anapora, katapora, conjunctions, and ellipsis).
- Isaisip: a checklist of how often you use language in certain situations (always, sometimes, never).
- Isagawa: talk with the people at home, record the statements they use, and explain how each was used. It is scored with a 40-point rubric.
- Tayahin (assessment): 15 multiple-choice items on cohesive devices.
- Karagdagang Gawain (extra activity): write an acrostic about communication using the word SPEAKING.
For learners: Answer on a separate sheet of paper and do not write on the module. Check your answers honestly with the Susi sa Pagwawasto (answer key) at the end, and contact your teacher if a part is hard to understand.
For parents: The module comes with a guide for whoever helps the learner at home. The Isagawa activity needs family members to talk with, so you can help by joining the conversation.
For teachers: The answer key covers the pretest, Gawain 1.1, Gawain 1.2, and the assessment. The printed key for Tayahin repeats the Subukin answers and does not match several Tayahin items (for example, item 5’s cohesive device is “kasabay nito,” which is choice A), so check those answers before using them.
Frequently asked questions
What grade and quarter is this module for?
It is a Senior High School module for Quarter 1 (Unang Markahan) of Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino. Its competency code, F11PS – Id – 87, is a Grade 11 code.
What is a cohesive device?
A cohesive device, or kohesyong gramatikal, is a word or phrase that links ideas so a message is clearer. This module covers reference (anapora and katapora), ellipsis, and conjunctions (pang-ugnay).
What is the difference between anapora and katapora?
In anapora, the pronoun comes after the noun it replaces. In katapora, the pronoun comes first and the noun it refers to comes later.
What are Halliday’s functions of language in this module?
The module lists seven: interaksyonal, instrumental, regulatori, personal, imahinatibo, heuristik, and representatibo, each with an everyday example.
Does the module have an answer key?
Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for the pretest, Gawain 1.1, Gawain 1.2, and the assessment, but the assessment key appears to repeat the pretest key, so several items should be checked.
Full text of the module
The text below is a transcription of the PDF above, as printed.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Unang Markahan – Modyul 7: Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita)
Senior High School
[illustration: students and a teacher reading and studying outdoors and in a classroom, with a globe and a lantern; the ADM logo appears at the bottom]
CO_Q1_KPWKF SHS Module 7
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita) Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
| Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul | |
|---|---|
| Manunulat: | Charles D. Lota |
| Editor: | Jonathan F. Bernabe |
| Tagasuri: | Perlita E. Dela Cruz, Elisa N. Lajera, Melanie H. Grita, Kristine Rae C. de Ramos, Julie Anne V. Vertudes |
| Tagaguhit: | Romdel F. Partoza |
| Tagalapat: | Leonila L. Custodio, Eris R. dela Cruz |
| Tagapamahala: | Wilfredo E. Cabral Job S. Zape, Jr. Eugenio S. Adrao Elaine T. Balaogan Fe M. Ong-ongowan Rommel C. Bautista Galileo L. Go Randy D. Punzalan Elpidia B. Bergado Noel S. Ortega Maribeth C. Rieta Leonila L. Custodio Julie Anne V. Vertudes |
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region 4A CALABARZON Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487 E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Unang Markahan – Modyul7: Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita)
Senior High School
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
[illustration: hand pressing a finger on a circular icon]
CO_Q1_KPWKF SHS Module 7
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa cohesive devices sa paggamit ng wika sa lipunan. Ang sakop ng modyul ay magamit sa ano mang kalagayan ng mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.
Kasanayang Pampagkatuto:
- Naipaliliwanag nang pasalita ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa
(F11PS – Id – 87)
Layunin:
- Natutukoy ang gamit ng wika sa lipunan sa sa pasalitang paraan.
- Nakabubuo ng pangungusap o pahayag sa tulong ng cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay -halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan.
- Naisasabuhay ang mga epektibong komunikasyon gamit ang pasalitang paraan sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
Subukin
[illustration: hand holding a pencil]
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang cohesive device mula sa pagpipilian. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay nito ay ang mabilis na pagbabago sa larangan ng paggawa ng pelikula.
a. bagong milenyo
b. kasabay nito
c. larangan
d. mabilisHindi nag-shooting ang mga artista, bagkus, dumalo sila sa isang rally.
a. nag-shooting
b. bagkus
c. artista
d. rallyBilang konklusyon, tangkilikin ang pelikulang Pilipino na likha ng mahuhusay na direktor.
a. bilang konklusyon
b. tangkilikin
c. pelikula
d. PilipinoMahusay na manonood ang mga Pilipino, patunay nito ang mahusay nilang pagkikritiko.
a. patunay nito
b. pagkikritiko
c. manonood
d. mahusayMarahil, higit na uunlad ang pelikulang Pilipino kung maisasabatas ang karapatan ng mga nasa industriyang ito.
a. maisasabatas
b. karapatan
c. marahil
d. uunladTinanghali ng gising si Ana ngunit hindi siya nahuli sa pagpasok sa klase.
a. gising
b. nahuli
c. klase
d. ngunitDahil sa sipag sa trabaho ni Pedro, agad na tumaas ang puwesto niya sa kompanya.
a. dahil sa
b. sa kompanya
c. ang pwesto
d. sa trabahoKasabay ng pagkapanalo ni Carlo sa palarong pambansang arnis ay nakuha niya rin ang regalo mula sa kanyang magulang.
a. kasabay ng
b. nakuha niya
c. mula sa kanyang
d. palarong pambansa
CO_Q1_KPWKF SHS Module 7
Abala sa paghahanda ng bahay at pagbabalot ng regalo ang pamilya Santos para sa darating na Kapaskuhan.
a. bahay
b. para sa
c. pamilya
d. abala saMalaki ang posibilidad na kapag sinabayan ng sipag at tiyaga ang pag-aaral ay magkakaroon ng mataas na grado ang isang mag-aaral.
a. matataas
b. sipag
c. kapag
d. malakiTumanggap ng mataas na parangal si Juan kahit na siya’y laki sa hirap.
a. kahit
b. mataas
c. si Juan
d. laki sa hirapMaliban sa pagiging mahusay na aktres, kilala rin si Angel Locsin na tumutulong sa mahihirap lalo na sa mga apektado ng kalamidad.
a. kilala rin si Angel Locsin
b. apektado ng kalamidad
c. pagiging mahusay
d. maliban saPinagtuonan ng pansin ni Oscar ang pag-aaral sa kanilang pagsusulit sa halip na paggamit ng telepono.
a. ang pag-aaral
b. sa halip
c. paggamit
d. pinagtuunanNagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagkakaibigan kapag hindi nagsasabi ng totoo sa bawat isa.
a. Totoo
b. Hindi
c. kapag
d. bawatTiyak na pagagalitan ang batang si Ben sa sandaling magsinungaling siya sa kaniyang magulang.
a. sa sandalling
b. tiyak na
c. si Ben
d. ang bata
CO_Q1_KPWKF SHS Module 7
[illustration: numbered tile icon beside the lesson box]
Aralin 1
Gamit ng Wika sa Lipunan (Pasalita)
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang tamang paggamit ng cohesive devices bilang halimbawa sa paggamit ng wika sa lipunan. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.
Balikan
[illustration: hand holding a torn paper piece]
Sagutin ang sumusunod na katanungan:
- Ano-ano ang gamit ng wika sa lipunan? Magbigay kahit dalawa.
- Bumuo ng pangungusap mula sa mga ibinigay na halimbawa.
[illustration: hand holding a sheet of paper, inside a rounded box]
Mga Tala para sa Guro
Basahing mabuti ang panuto sa bawat bahagi ng modyul. Tiyaking nakasusunod sa bawat gawain upang matamo ang layunin nito. Maging matapat sa pagsagot.
CO_Q1_KPWKF SHS Module 7
Tuklasin
Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ipaliwanag ang may salungguhit na salita kung paano ito ginagamit sa pangungusap.
Hindi lamang ang direktor ang dumating, pati na rin ang producer ng pelikula.
Maliban sa pagbibigay ng alokasyon sa industriya ng pelikulang Pilipino, magkakaroon din ng puhunang pangkabuhayan para sa mga anak ng taga-industriya sakaling wala na silang trabaho.
Binigyan ng kalayaan ang MTRCB sa pagsusuri ng mga pelikula, bunga nito, naging maingat ang mga producer sa kanilang gawain.
Mabilis na umuunlad ang industriya ng pelikula, ngunit nang magkaroon ng iba’t ibang eskandalo, sandali itong lumamig.
Malaki ang paniniwala ng mamamayan sa husay ng pagkakalikha ng mga pelikulang Pilipino dahil dito, pinaghuhusay ng mga artista ang kanilang pagganap.
Suriin
Ang Cohesive Device o Kohesyong Gramatikal
Sa ating pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita, maaari itong binubuo ito ng pangungusap, parirala o sugnay na may magkakaugnay na kaisipan. Kaya’t gumagamit tayo ng mga salitang kohesyon upang higit nating malinawan at maunawaan ang mensaheng nais iparating ng bawat bahagi nito.
Ang limang pangunahing cohesive device o kohesiyong gramatikal ay ang sumusnod: patungkol o reperensiya (reference), substitusyon, ellipsis, pang-ugnay at leksikal. Subalit sa pagkakataong ito, ang tatalakayin lamang na kohesyong gramatikal ay patungkol o reperensiya (reference), ellipsis at pang-ugnay.
Reperensiya
Ang cohesive device o kohesiyong gramatikal na reperensiya tumutukoy sa mga panandang salita na gumamit panghalip upang ng paulit-ulit ang pangngalan. Ang paggamit ng panghalip ay tinatawag na pagpapatungkol.
Uri ng Kohesyong Gramatikal na Patungkol/Reperensiya:
- anapora
- katapora
Ang anapora ay tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan.
Halimbawa:
- Kapag nagkita kayo ni Elena, pakisabi na kinukumusta ko siya. Tawagan niya ako kapag may pagkakataon.
- Binigyan ng mataas na grado si John sa Matematika, Sang – ayon sa kanyang guro mahusay ang kanyang performance sa Matematika.
Ang katapora ay tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan.
Halimbawa:
- Siya’y naging isang mabuting halimbawa sa ating lahat. Tunay na si Dr. Jose Rizal ay katangi – tangi.
- Ano ang mahirap sa subject na ito? Sa totoo lang ang Matematika ay nakalilibang.
Ellipsis
Ang ellipsis ang tumutukoy sa pagtitipid sa pagpapahayag. Ang mga salita ay karaniwang inaalis upang maiwasan ang pag uulit sa isang pahayag.
Halimbawa:
- Nagpunta si Mario sa bayan at namili si Mario sa bayan.
Nagpunta si Mario sa bayan at namili…
Pang – ugnay
Ang pang-ugnay na pangatnig ay ginagamit upang pag-ugnayin ang dalawang pangungusap.
Halimbawa:
- Magtatagumpay ang iyong plano sapagkat mabuti ang layunin nito.
- Hindi ka makakarating sa iyong pupuntahan kung hindi mo lilingunin ang mga taong tumulong sa iyo.
Gamit ng Wika sa Lipunan
Ni: M.A.K. Halliday (1973)
1. Interaksyonal
- ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag at pagpapanatili ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
Halimbawa: Pakikipagpalitan ng mensahe sa kaibigan na nasa malayong lugar gamit ang pagpapalitan ng liham o hindi kaya ay sa telepono.
2. Instrumental
- ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan, pakikipag-usap o pag-uutos
Halimbawa: Paggawa ng liham-pangangalakal
3. Regulatori
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng ibang tao.
Halimbawa: Paglalagay ng karatula sa lugar na pagmamay-ari gaya ng “No Tresspassing”.
4. Personal
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Halimbawa: Pagsulat ng talaarawan tungkol sa naranasan mo sa panahon ng pandemya.
5. Imahinatibo
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa: Pagpapahayag ng nararamdaman sa taong sinisinta sa pamamagitan ng pagsulat ng tula at pagbigkas nito.
6. Heuristik
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa paghahanap o paghihingi ng impormasyon.
Halimbawa: Pumunta ka sa isang kumperensiya ngunit hindi mo alam ang tamang daan patungo kaya ikaw ay nagtanong ng tamang direksyon.
7. Representatibo
- ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pag-uulat ng mga pangyayari at pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bagay, pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig sa simbolismo ng isang bagay o paligid.
Halimbawa: mga anunsiyo, pagbibigay ng mensahe, patalastas
Gamit ng Wika
(Roman Jacobson 2003)
Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive)
- Pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.
Halimbawa: Naks, ha! Ang galing-galing!
Pagbabahagi ng impormasyon (Informative)
- Paglalahad ng impormasyon.
Halimbawa: Enhance community quarantine ang ibig sabihin ng ECQ.
Panghihikayat (Conative)
- Panghihimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-utos at pakiusap
Halimbawa: Bumili ka ng sabon!
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
- Pakikipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
Halimbawa: Saan ka nanggaling?
Pagbanggit ng saloobin, ideya at opinyon (Expressive)
- Paglalahad ng nararamdaman mula pinag-uusapan.
Halimbawa: Gusto kong malaman mo na masama ang loob ko dahil nagsinungaling ka sa akin.
Paggamit bilang Sanggunian (Referential)
- Gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maiparating ang mensahe at impormasyon
Halimbawa: Dyaryo, magasin at iba pang mga babasahin.
Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual)
- Lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Pagpapahayag ng sariling saloobin sa isang partikular na bagay.
Patalinghaga (Poetic)
- Masining na paraan ng pagpapahayag ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.
Halimbawa: Tula tungkol sa pag-ibig at buhay.
Pagbibigay ng panibagong tawag (Labelling)
- Ang gamit ng wika kapag nagbibigay tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o bagay.
Halimbawa: Popstar Royalty ang tawag kay Sarah Geronimo.
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
Ang kakayahang komunikatibo ay isang konsiderasyon sa pagsasaalang-alang ng paggamit ng wika. Masasabing may kakayahang komunikatibo ang isang tao kung taglay taglay niya ang apat na sangkap gaya ng sumusunod:
- kakayahang linggwistiko/ istruktural/ gramatikal-kakayahang umunawa at makabuo ng mga estruktura sa wika ayon sa mga tuntunin ng gramatika
- kakayahang sosyolingwistika-pag- unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan, bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo
- kakayahang pragmatik: pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, ikinikilos ng taong kausap
- kakayahang diskorsal: pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/ sitwasyon ayon sa konteksto
Ayon kay Fantini (Pagkalinawan, 2004), may mga salik-panlipunan na dapat isaalang-alang isaalang-alang sa paggamit ng wika tulad ng ugnayan ng nag-uusap, paksa, lugar at iba pa. Nilagom ito ni Dell Hymes sa akronim na SPEAKING.
SETTING
- ang lugar kung saan nag-usap
PARTICIPANTS
- kung sino ang kausap o kinakausap. Dapat ding magbago-bago ang paraan ng ating pakikipagtalastasan depende sa kung sino ang taong nasa ating harapan o di kaya’y sinusulatan.
ENDS
- ang layunin sa pakikipag-usap.
ACT SEQUENCE
- Isinasaalang-alang nito ang daloy o takbo ng usapan.
KEYS
- paggamit ng pormal at di-pormal na paraan sa pakikipag-usap.
INSTRUMENTALITIES
- ang lengguwahe o instrumentong ginamit upang makipagkomunikasyon
NORMS
- ang paksang pinag-uusapan.
GENRE
- kung nagsasalaysay ba, nakikipagtalo, naglalarawan, nagpapaliwanag o naglalahad.
Pagyamanin
Pag-unawa sa Cohesive Devices
Gawain 1.1: Piliin sa loob ng panaklong ang cohesive device na angkop gamitin sa pangungusap.
- Madilim sa bahay ng pamilya Rosas (kaya, upang) nagsindi sila ng kandila para may liwanag.
- Maagang pumapasok ng paaralan si Nena (maliban sa, kasama ang) nakatatanda nitong kapatid dahil tuwing hapon ang pasok nito.
- Naghahanap-buhay ang magulang (para sa, maliban sa) mga anak nila.
- Maagang natutulog si Oscar (ngunit, dahil) tinatanghali pa rin siya ng gising.
- (Upang, Parang) kuminta si nanay at makatulong kay tatay, naisip niyang magtinda ng produkto on-line.
Gawain 1.2: Tukyin ang gamit ng wika sa bawat pahayag.
- “Anak, sana nag-aaral kang mabuti. Edukasyon lamang ang tanging maipamamana ko”, ang wika Mang Jose sa anak.
- “Opo, itay. Pangako, magtatapos ako ng may karangalan.
- “Kumusta po kayo?”
- “Madali lang ang gumawang ensalada. Sundi mo lang ang bawat hakbang na sasabihin ko.”
- “Ano po ang masasabi ninyo sa mabilis na pagdami ng apektado sa Covid-19?”
Gawain 1.3: Bumuo ng mga pangungusap sa tulong ng sumusunod na cohesive device.
- anapora gamit ang panghalip na kami
- katapora gamit ang panghalip na tayo
- pang-ugnay gamit ang pangatnig na sapagkat
- pang-ugnay gamit ang pangatnig na samantalang
- ellipsis
Isaisip
Tukuyin kung kailan ginagamit ang bawat pahayag sa unang hanay ng tsart. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na tumutukoy sa iyong sagot.
| Pahayag | Palagi | Minsan | Hindi |
|---|---|---|---|
| 1. Pagbibigay ng pakikiramay sa taong namatayan. | |||
| 2. Pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid. | |||
| 3. Pakikipagtawaran sa presyo ng bilihin sa palengke o tindahan. | |||
| 4. Pagtatanong sa magulang kung ano ang maaaring kuning trabaho kapag nakapagtapos na ng pag-aaral. | |||
| 5. Pagsunod sa mga sign boards na makikita sa paligid na ipinatutupad ng pamahalaan. |
Isagawa
Makipagtalastasan sa mga taong kasama sa bahay. Obserbahan ang mga pahayag na ginagamit nila sa pakikipag-usap at itala ang mga ito. Ipaliwanag kung paano ito ginamit.
| Deskripsyon | Karampatang puntos | Nakuhang puntos |
|---|---|---|
| Kinapapalooban ng impormasyong nais mabatid mula sa obserbasyon | 10 | |
| Natalakay ng maayos at may pag-unawa ang paliwanag | 10 | |
| Nagawa ng matagumpay sa nakatakdang oras | 10 | |
| Umiikot ang paliwanag sa paksang tinalakay batay sa obserbasyon | 10 | |
| Kabuoan | 40 |
Tayahin
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang cohesive device mula sa pagpipilian. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Magaling na guro si Elsa, patunay nito, pinarangalan siyang Teacher of the Year.
A. pinarangalan
B. patunay nito
C. magaling
D. guroMarahil, mas tataas ang grado ng mga mag-aaral kung bawat isa ay may kani-kaniyang aklat.
A. kani-kaniyang
B. mag-aaral
C. marahil
D. tataasBilang konklusyon, bumaba ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas ngayon.
A. bilang konklusyon
B. ekonomiya
C. kalagayan
D. bumabaHindi nagdiwang ng kaarawan si Juan, bagkus nagsimba lamang siya.
A. nagdiwang
B. nagsimba
C. lamang
D. bagkusNasa makabagong panahon na tayo, kasabay nito ang paglabas ng mga makabagong teknolohiya.
A. kasabay nito
B. teknolohiya
C. makabago
D. panahonKasabay ng pagkapanalo ni Carlo sa palarong pambansang arnis ay nakuha niya rin ang regalo mula sa kanyang magulang.
A. mula sa kanya magulang
B. palarong Pambansa
C. kanyang magulang
D. kasabay ngHindi maitago sa mukha ng pamilya Cruz ang kasabikan sa pagpapalitan ng regalo para sa darating na Pasko.
A. regalo
B. para sa
C. pagpapalitan
D. pamilya SantosMalaki ang posibilidad na tumaas ang bilang ng mga taong mawawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
A. tumaas
B. dahil sa
C. pandemya
D. mawawalan
Karagdagang Gawain
Nakuha ni Juan ang pinakamataas na karangalan kahit na hirap sila sa buhay.
A. kahit na
B. pinakamataas
C. ni Juan
D. hirapMaliban sa pagiging Miss Universe, kilala rin si Catriona Gray sa pagtulong na makapag-aral ang mga bata sa Tondo, Manila.
A. Catriona Gray
B. makapag-aral
C. Miss Universe
D. maliban saGinugol ni Bryan ang oras sa paggawa ng takdang aralin sa halip na maglaro.
A. takdang aralin
B. sa halip
C. ginugol
D. maglaroMabilis natatapos ang gawain kapag itinuon dito ang atensyon.
A. gawain
B. mabilis
C. kapag
D. itinuonLaging nasa tabi natin ang ating mga kaibigan sa sandaling kailangan natin sila.
A. sa sandaling
B. nasa tabi
C. mga kaibigan
D. kailanganMarahil, mas uunlad ang ating bansa kapag nagkakaisa ang mga Pilipino.
A. nagkakaisa
B. Pilipino
C. marahil
D. bansaMabagal kumilos si Oscar ngunit hindi ito nahuhuli sa mga nagiging lakad niya.
A. kumilos
B. nahuhuli
C. nagiging
D. ngunit
Gamit ang salitang SPEAKING, gumawa ng akrostik na tumutukoy sa pakikipagtalastasan.
S – P – E – A – K – I – N – G –
Susi sa Pagwawasto
[transcriber’s note: this page is printed upside down; the three answer boxes are read here in upright order]
Subukin
- B
- B
- A
- A
- C
- D
- A
- A
- B
- C
- A
- D
- B
- C
- A
Pagyamanin
Gawain 1.1
- Kaya
- Maliban sa
- Para sa
- Ngunit
- Upang
Gawain 1.2
- Instrumental
- Personal
- Interaksyonal
- Regulatori
- Heuristik
Tayahin
- B
- C
- A
- D
- C
- D
- A
- A
- B
- C
- A
- D
- B
- C
- A
Sanggunian
Alcaraz, C., Austria, R. et al 2016. Komunikasyon at Pananaliksik para sa Senior High School. Quezon City: Educational Resources Corporation.
Halliday, M.A.K 1973. Explorations in the Functions of Language. England: Elsevier North-Holland.
Jocson, Magdalena O. 2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon City: Vibal Group, Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
Leave a Reply