Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Modyul: Pagsusuri sa Pananaliksik

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto:

  • Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino.

Layunin:

  • Nasusuri ang isang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino batay sa layunin, gamit, metodo at etika.
  • Nakapagpapahayag ng damdamin o saloobin ukol sa pagsusuri ng pananaliksik.
  • Nakasusulat ng mga pagsusuri sa ilang bahagi ng pananaliksik gamit ang mga gabay na tanong.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Ikalawang Markahan Modyul: Pagsusuri sa Pananaliksik

KPWKP_q2_mod13_Pagsusuri-sa-Pananaliksik_v2

Can't Find What You'RE Looking For?

We are here to help - please use the search box below.

Leave a Comment