Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Ang iyong isasagawang pag-aaral gamit ang modyul na ito ay tutugon sa dapat mong malaman at matutuhang kasanayan. Ito ay batay sa sumusunod:
Kasanayang Pampagkatuto:
- Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik.
Layunin:
- Naiisa-isa ang bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
- Nakabubuo ng gabay taglay ang mga tiyak na hakbang at proseso upang makabuo ng makabuluhang pananaliksik.
- Nakapagpapahayag ng damdamin o saloobin ukol sa bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.