EsP 6 Quarter 3 Module 3: Kalikasan ay Pagmalasakitan, Mga Batas Sundin at Igalang

Grade 6 EsP Quarter 3 Module 3 on Philippine environmental laws such as RA 9003, RA 9147, and the Clean Air and Clean Water Acts, with activities.

This is the Self-Learning Module (SLM) for Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP), Grade 6, Quarter 3, Module 3: “Kalikasan ay Pagmalasakitan, Mga Batas Sundin at Igalang” (care for nature; obey and respect its laws). It was prepared by DepEd Region VI for home learning under the Alternative Delivery Mode. It helps Grade 6 learners see why nature matters and how they can protect it by following the country’s environmental laws and programs.

On this page 6 sections

What learners will learn

The module has one learning competency:

  • Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran (shows honest obedience to national and international laws on caring for the environment). (EsP6PPP-IIIf-37)

The module’s single lesson, Aralin 1, has the same title as the module. It teaches that honestly following environmental laws is an effective way to show care for the environment, for other people, for the country, and for the world.

Why caring for nature matters

The lesson begins with a simple idea: nature gives people what they need to live, so people have a duty to protect it. It names global warming, climate change, forest fires, and fish kills as environmental problems that come from abusing and neglecting nature. When we take care of nature, both people today and future generations can live well.

The poem “Ang Ating Kalikasan” (Our Nature) by Pilsen Kate E. Advincula describes forests that give fresh air and shelter to birds, animals, and plants. It also describes seas rich in fish that give food and livelihood. It ends with a call not to be greedy and not to abuse nature.

Environmental laws in this module

The heart of the module is a review of six laws that learners are asked to support and follow.

LawWhat it does, according to the module
RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001)Bans killing, hurting, collecting, selling, and transporting endangered wildlife. Regulates the collection and trade of wild animals and funds research to keep the country’s biological diversity.
RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992)Protects the habitats of endangered animals and plants. Covers national parks, wildlife and fish sanctuaries, nature reserves, mangrove and watershed reserves, and protected landscapes and seascapes.
RA 7638 (Department of Energy Act of 1992)Organizes, monitors, and carries out government plans for exploring, developing, and conserving energy, so the country has a steady and enough energy supply.
RA 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999)Aims to keep the air Filipinos breathe clean and safe. Directs the DENR to control air pollution and monitor air quality.
RA 9275 (Philippine Clean Water Act of 2004)Protects, preserves, and restores water quality and covers pollution from land-based sources. It also sets water quality rules, responsibilities, and penalties.
RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000)Sets the proper way to manage waste in barangays: separating biodegradable, non-biodegradable, recyclable, and special waste. Favors composting and recycling over burning.

Examples the module gives

  • Endangered animals protected under RA 9147: the pawikan (hawksbill sea turtle), the Philippine eagle, the tamaraw, the dugong, the Mindoro crocodile, and the butanding (whale shark).
  • Protected areas under RA 7586: Hilagang Negros Natural Park and Puerto Princesa Subterranean River National Park.
  • Energy: solar power is encouraged because it reduces fossil fuel use and air pollution. The Cadiz Solar Power Plant in Cadiz, Negros Occidental, is given as an example.
  • Everyday ways to reduce air pollution: save energy, recycle paper, plastic, bottles, cartons, and aluminum cans, and choose fuel-efficient vehicles. When possible, ride public transport, walk, or bike.
  • Local rule: Baguio City’s “Plastic and Styrofoam-Free” Ordinance No. 36, series of 2017, requires schools and city offices to follow a “No Plastic Bag, No Styrofoam” policy.

The module’s summary (Tandaan) says we obey these laws by protecting animals, using energy wisely, keeping air and water clean, and disposing of waste properly.

How to use this module

The module follows the usual SLM parts in this order:

  1. Alamin: the goal and competency.
  2. Subukin: a pretest with five multiple-choice items on the laws and five picture items marked Tama (right) or Mali (wrong).
  3. Balikan: a review on the proper use of natural resources.
  4. Tuklasin: the poem and four questions about it.
  5. Suriin: the discussion of the six laws.
  6. Pagyamanin: Gawain 1, a poster supporting the Baguio ordinance, and Gawain 2, five situations about following the laws.
  7. Isaisip and Isagawa: tables where learners write what each law says, how to obey it, and why it should be followed.
  8. Tayahin: five short-answer questions.
  9. Karagdagang Gawain: a drawing of the poem’s message.
  10. Susi sa Pagwawasto: the answer key.

Learners: Write all answers on separate paper and do not write on the module, so others can use it. Check your answers with the key honestly. Contact your teacher if a lesson is hard to understand.

Parents and guardians: The pretest shows whether your child needs extra help. Help them work through each part in order.

Teachers: The open-ended tasks (poster, Isaisip and Isagawa tables, Tayahin, and drawing) need your review, since the key gives only sample answers for Tayahin.

Frequently asked questions

What grade and quarter is this EsP module for?

It is for Grade 6 Edukasyon sa Pagpapakatao, Quarter 3, Module 3. It was printed by DepEd Region VI as a first edition in 2020.

Which laws does the module discuss?

It covers RA 9147 (wildlife protection), RA 7586 (protected areas), RA 7638 (Department of Energy Act), RA 8749 (Clean Air Act), RA 9275 (Clean Water Act), and RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act).

What is the learning competency and its code?

Learners should show honest obedience to national and international laws on caring for the environment. The printed code is EsP6PPP-IIIf-37.

Does the module have an answer key?

Yes. The Susi sa Pagwawasto gives answers for Subukin, Balikan, Gawain 2, and sample answers for Tayahin.

What does Kalikasan ay Pagmalasakitan mean?

It means to care for nature. The full title adds Mga Batas Sundin at Igalang, meaning obey and respect the laws.

Full text of the module

The text below is a transcription of the PDF above, as printed.

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 3 Kalikasan ay Pagmalasakitan, Mga Batas Sundin at Igalang

6

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan – Modyul 3

Kalikasan ay Pagmalasakitan, Mga Batas Sundin at Igalang

[illustration: students studying outdoors and at tables, a woman teacher, and a globe]

PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI

CO_Q3_EsP 6_ Modyul 3

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang

Alternative Delivery Mode

Ikatlong Markahan – Modyul 3: Kalikasan ay Pagmalasakitan, Mga Batas Sundin at Igalang

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI Office Address: Duran Street, Iloilo City Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653 E-mail Address: region6@deped.gov.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Susana M. Gonzales Editors: Ida Flor C. Ferraris, Baby Alleah S. Mercado Tagasuri: Lani A. Palma, Lenie D. Diamante, Miriam Lima, Annamor M. Eleccion Tagaguhit: Anthony Cordilla Tagalapat: Japeth N. Pagonzaga, Llaine Grace B. Coronel, Jose Karrlo G. Barro, Vergel Junior C. Eusebio

Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma Josilyn S. Solana Elena P. Gonzaga Donald T. Genine Miriam T. Lima Renato T. Ballesteros Regie B. Sama Ronie T. Tababa Annamor M. Eleccion Lani A. Palma

[transcriber’s note: this page repeats the cover text of the module (Edukasyon sa Pagpapakatao, Ikatlong Markahan – Modyul 3, Kalikasan ay Pagmalasakitan, Mga Batas Sundin at Igalang) with the grade number 6 and the DepEd logo; it is not transcribed again]

Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin

[illustration: target with an arrow]

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para makatulong sa iyo upang higit mong maunawaan ang kahalagahan ng kalikasan at makatulong ka sa pangangalaga nito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kaugnay na batas at programa nito.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa.

a. Nakapagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas pambansa at pandaigdigan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. (EsP6PPP-IIIf-37)

Subukin

[illustration: pencil]

A. Panuto: Kumpletuhin ang bawat pangungusap. Isulat ang titik nang tamang sagot sa sagutang papel.

  1. Ang RA 9147 ay tungkol sa _________.
    a. pagdedeklara ng national park
    b. konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa maiilap na hayop
    c. tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng basura
    d. pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng maiilap na hayop


  2. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa _________.
    a. pagpapanatili ng ecological diversity
    b. pagkilala sa kalinisan ng hangin para sa mamamayan
    c. pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa
    d. pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at pagbabawal sa mga gawaing nagpadumi sa hangin


  3. Ang Batas Pambansa 7638 na nagtatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong _________.
    a. ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
    b. mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
    c. panatilihin ang natural biological at physical diversities
    d. isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad, at konserbasyon ng enerhiya


  4. Ipinasa ang RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992) upang_________.
    a. Protektahan ang mga endangered na hayop
    b. Pangalagaan ang mga katubigan at nananahan dito.
    c. Tumuklas ng iba pang mga halaman at hayop na taal sa Pilipinas.
    d. Tiyakin ang patuloy at ligtas na pananahan ng mga halaman at hayop na taal o endemiko sa Pilipinas.


  5. RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay naglalayong maisagawa ang _________.
    a. tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste
    b. pangongolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura at pagsunog nito
    c. pagbabaon ng mga basura sa lugar na binabaha
    d. pagtatambak ng basura sa mga pampublikong lugar


B. Panuto: Isulat ang Tama kung ang mga larawan sa bawat bilang ay nagpapakita ng tapat na pagsunod sa batas para sa pangangalaga ng kalikasan at Mali naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa inyong sagutang papel.

  1. [illustration: red bird flying near a tree, with a wooden sign reading “SAVE WILDLIFE NATURE”] _____


  2. [illustration: underwater scene with fish, starfish, and a wooden sign reading “MARINE PROTECTED AREA”] _____


  3. [illustration: two hands holding a seedling over soil] _____


  4. [illustration: forest with a wooden sign reading “NATIONAL INTEGRATED PROTECTED AREAS SYSTEM ACT OF 1992”] _____


  5. [illustration: red car emitting smoke in front of a wall sign reading “STATE UNIVERSITY”, with two people covering their faces] _____


[transcriber’s note: the item numbers are printed as 1, 2, 2, 4, 5; the third item’s number is printed as “2.” and is transcribed as it appears]

Aralin 1: Kalikasan ay Pagmalasakitan, Mga Batas Sundin at Igalang

Ang kalikasan ang nagkakaloob sa tao ng kaniyang pangangailangan para mabuhay. Karapat-dapat lamang na ingatan at pangalagaan niya ito. Nakasalalay sa biyaya ng kalikasan ang patuloy nating pag-iral habang ang pangangalaga at pag-iingat nito ay tungkulin naman natin. Ang global warming, climate change, forest fire, at fish kill ay ilan lamang sa mga suliraning pangkalikasang nararanasan natin ngayon, bunga ng pag-abuso, at pagpapabaya sa kalikasan. Mahalagang matuto tayong magmalasakit sa ating kapaligiran at sa biyaya ng kalikasan dahil dito tayo nananahan.

Sa modyul na ito ay matututuhan mo na ang tapat na pagsunod sa batas pangkalikasan ay isang mabisang paraan ng pagpapakita ng malasakit sa kapaligiran, kapwa, bansa at sa daigdig.

Balikan

[illustration: puzzle pieces]

Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang pangungusap o parirala ay nagpapakita ng wastong paggamit ng pinagkukunang–yaman at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

_____ 1. pagpapalit ng mga punong pinuputol sa kagubatan _____ 2. pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran _____ 3. pagkakaingin ng mga puno sa kagubatan _____ 4. wastong paggamit at pagtitipid ng tubig _____ 5. pangangalaga sa anyong-tubig sa paligid _____ 6. simple at responsableng paggamit ng mga bagay _____ 7. pagbubukod ng mga basurang nabubulok at di-nabubulok _____ 8. pagsasagawa ng 3R’s (Reduce, Reuse, Recycle) _____ 9. pagsunod sa mga panuntunan at batas na ipinatutupad tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran _____ 10. patuloy na pagtatanim ng mga halaman at puno

Tuklasin

Ang kalikasan ay biyayang galing sa ating Panginoon. Ito ay ang tanging yaman na dapat nating lahat pangalagaan dahil dito nakasalalay ang ating buhay.

Panuto: Basahin ang tula sa ibaba. Tuklasin kung paano natin maipapakita ang tapat na pangangalaga sa kapaligiran.

Ang Ating Kalikasan ni Pilsen Kate E. Advincula

Ang ganda ng ating kalikasan Kagandahan na tayong lahat ay gustong masaksihan Para sa kinabukasan nating mga kabataan Kaya’t ating lahat na sikaping pag-ingatan.

Kapaligiran natin ay panatiliing ligtas Mula sa maliit na insekto hanggang sa agilang matalas; Gubat ng yaman sa bundok matatagpuan Dapat nating protektahan, magpakailan pa man.

Ang silbi ng kagubatan ay hindi matatawaran Nakasalalay ang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan Tirahan ng mga ibon, hayop, puno, at mga halaman Sariwang hangin binibigay, dulot ay katiwasayan ng isip at kasaganaan.

Asul at malawak na karagatan Sa malalaki at maliliit na isda mayaman Sariwang pagkaing-dagat at pangkabuhayan Lahat ng ito’y ating makakamtan.

Ang pagbabagong inaasam asam Kung nais nating lahat makamtan Kapaligiran, kalikasan halina’t pagandahin Wag maging sakim at ito’y wag abusuhin.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Bakit kailangang ingatan ang kalikasan?
  2. Bakit maituturing na gubat ng yaman ang kabundukan?
  3. Ano ang kabutihang naidudulot ng hanging malinis at sariwa?
  4. Paano mo maipapakita ang tapat na pangangalaga sa kapaligiran?

Suriin

Kapag napangalagaan natin ang kalikasan, matitiyak natin na hindi lamang ang mga tao sa kasalukuyan ang makakapamuhay nang maayos kundi pati na rin ang mga tao sa susunod pang mga salinlahi. Narito ang mga batas para sa kalikasan upang maisakatuparan ang pangangalaga sa kalikasan na kailangang suportahan at sundin.

Mga Batas Pambansa at Pandaigdigan tungkol sa Pangangalaga sa Kalikasan
1. RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001)

Ang batas na ito ay nagbabawal sa pagpatay, pananakit, pangongolekta, pagbebenta, at pagbiyahe ng anumang wildlife species na itinuturing na endangered at nanganganib na maubos.

Nagtatakda ang batas na ito ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng maiilap na hayop at paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa.

Narito ang ilang mga halimbawa ng mga uri ng hayop na itinuturing na endangered at nanganganib na maubos:

[illustration: sea turtle] Pawikan or Hawksbill Sea Turtle (Scientific Name: Eretmochelys Imbricata)

[illustration: eagle in flight] Haribon or Philippine eagle (scientific name: Pithecophaga jefferyi)

[illustration: tamaraw (Mindoro dwarf buffalo)] Tamaraw or Mindoro dwarf buffalo (scientific name: Bubalus mindorensis)

[illustration: dugong (sea cow)] Dugong or sea cow (scientific name: Dugong dugon)

[illustration: Mindoro crocodile] Mindoro crocodile (scientific name: Crocodylus mindorensis)

[illustration: whale shark] Butanding or whale shark (scientific name: Rhincodon

[transcriber’s note: the whale shark caption is cut off at “Rhincodon” in the source image]

2. RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992)

Layunin ng batas na ito na pahalagahan at protektahan ang mga lugar ng mga hayop at halaman na nanganganib ng mawala, at mapanatili ang likas na balanse ng biyolohikal at pisikal na balanse. Sakop nito ang mga prenoklamang pambansang parke o liwasan, kanlungan, at santuwaryo ng mga hayop at isda, reserbasyon ng kalikasan, reservoir ng mangrove, reserbasyon ng watershed, at mga protektadong landscape at seascapes.

Kinikilala ng batas na ito ang matinding kahalagahan ng pag-aalaga at pagprotekta sa natural na biyolohikal at pisikal na pagkakaiba-iba ng kapaligiran.

Mga Halimbawa:

[photo: Hilagang Negros Natural Park, a river with rocks and forested hills] Hilagang Negros Natural Park Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Northern_Negros_Natural_Park This work is licensed under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 Unported License. To view a copy of this license, visit http://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0/ or send a letter to Creative Commons, PO Box 1866, Mountain View, CA 94042, USA.

[photo: Puerto-Princesa Subterranean River National Park, limestone cliffs above a beach] Puerto-Princesa Subterranean River National Park Photo credit: MJ Presbitero

3. Batas Pambansa 7638 (Department of Energy Act of 1992)

Ang batas na ito ay inaprobahan upang isaayos, subaybayan, at isakatuparan ang mga plano at programa ng gobyerno sa paggalugad, pagpapaunlad, at pangangalaga ng enerhiya. Nilalayon ng batas na ito na isaayos at isakatuparan ang pagpapaunlad ng enerhiya ng Pilipinas. Upang makasiguro na patuloy at sapat ang supply ng enerhiya at makatutugon sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa. Humigit kumulang labintatlong porsyento (13%) ang pamilyang walang kuryente sa buong mundo. Kung kaya’t hinihikayat ang paggamit ng solar power. Ang solar energy ay maaaring maging isang mahusay na opsyon para sa maraming sambahayan – binabawasan nito ang paggamit ng fossil fuel, binabawasan ang polusyon sa hangin at hindi na umaasa sa karaniwang mga tagasuplay ng enerhiya.

Ang solar na enerhiya ay ilaw at init mula sa araw na gumagamit ng teknolohiya tulad ng solar panel, photovoltaics, solar thermal enegy at solar arkitektura. Isa sa mga halimbawa ay ang Cadiz Solar Power Plant na matatagpuan sa Cadiz, Negros Occidental, Philippines.

3. RA 8749 (“Philippine Clean Air Act” of 1999)

Ang batas na ito ay naglalayong mapanatiling malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga mamamayang Pilipino. Ang DENR ay inaatasan ng batas na magsagawa ng mga patakaran at programa upang epektibong makontrol at mapigilan ang polusyon sa hangin sa bansa upang sumubaybay sa kalidad ng hangin at magtakda ng pinakamainam na paraan para masabi kung paano mas lilinis ang hangin.

Sa bawat paggawa natin ng mga pagpapasiya araw-araw makatutulong na mabawasan ang air pollution kung magtitipid tayo ng enerhiya katulad ng pagrecycle ng papel, plastik, mga bote, karton, at mga latang aluminum. Dito nakatitipid sa enerhiya at nakababawas sa paglikha ng mga emisyon. Pumili ng mga modelo ng mga sasakyan na matipid at di-gaanong nagbubuga ng polusyon, kapag maaari, sumakay sa pampublikong sasakyan, maglakad, o magbisikleta, at maari ring manood ng telebisyon upang ang mga forecast tungkol sa kalidad ng hangin, na nagsasabi kung gaano kalinis o karumi ang inyong hangin, at ang mga problema sa kalusugan na kaakibat nito ay malaman. Karapatan nating makalanghap ng malinis at sariwang hangin upang maging malusog ang katawan ng buong sambayanan.

5. RA 9275 (Philippine Clean Water Act 0f 2004)

Ang batas na ito ay para sa proteksiyon, preserbasyon, at pagpapanumbalik ng kalidad ng malinis na tubig dagat. Ito ay magagamit sa pagpapanatili ng kalidad ng tubig. Ito rin ay angkop sa pagkontrol ng polusyon mula sa lupa batay sa pinagkukunan. Isinasaad din sa ilalim ng batas na ito, na ang kalidad ng tubig at mga regulasyon, pananagutan, at parusa.

Ang tubig ay isang mahalagang likas na yaman at dapat pangasiwaan ayon sa tamang pamamaraan. Ngayon, ang pagbabanta ng kakulangan sa sapat na suplay ng tubig ay nararanasan ng karamihan. Ito ay isang mahalagang sangkap ng pag-unlad at dapat na mapakinabangan ng bawat tao.

Ang polusyon sa tubig ay sanhi ng iba’t ibang sakit na maaaring magmula sa tahanan, industriya, at agrikultura. Isang kadahilanan din ang paglaki ng populasyon, pagdami ng gawaing pang-industriya, at ang kakulangan ng sistema ng pangangalaga sa yamang-tubig. Ang polusyon sa tubig ay isa sa pinakamalubhang problema sa iba’t ibang panig ng bansa na dumadanas ng kakulangan sa tubig tuwing panahon ng tagtuyot at tag-init.

6. RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000)

Ang batas na ito ay nagsasaad ng tamang paraan sa wastong pamamahala ng mga basura – paghiwa-hiwalay ng nabubulok, di nabubulok, recycling at

special waste sa mga barangay. Ito ay naglalayon na pangalagaan ang kalusugan ng publiko at kapaligiran, paggamit ng mga maka-kalikasang pamamaraan, at pangangalaga ng likas-yaman.

Ang pag-iwas o pagbawas sa pagtatapon, gaya ng pagkompost, recycle, proseso ng green charcoal, atbp. Bago ang koleksyon, treatment, at pagtapon ng mga basura, ito ay maayos na paghiwa-hiwalayin, pagbiyahe, pag-imbak upang hindi na gagamit ng incineration o pagsusunog. Ito ay malaking tulong sa paglilimita ng pagkalat ng basura na nakasisira sa ating kapaligiran.

Sa pamamagitan ng partisipasyon ng bawat miyembro ng tahanan, pribadong sektor, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang pambansa, ibang pamahalaang lokal, non-government organization (NGOs), at pribadong sektor at pampublikong partisipasyon magiging madali ang pamamahala ng basura.

Pagyamanin

Gawain 1

Ang “Plastic and Styrofoam-Free Baguio City Ordinance” Ordinance No. 36 series of 2017 ay isang panukalang nag-uutos sa lahat ng mga paaralan at tanggapan ng pamahalaang lungsod na panatilihin ang patakaran na “No Plastic Bag No Styrofoam” sa kanilang tanggapan o lugar ng paaralan kasama ang mga kaganapan. Hinihimok ang mga magulang na gumamit ng reusable at washable na mga lalagyan at kagamitan para sa pagkain / baon ng kanilang mga anak sa paaralan. Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagsuporta at pagtaguyod sa nasabing ordinansa. Iguhit ang poster sa kahon sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: empty box for the student’s poster drawing]

Gawain 2

Panuto: Basahin at suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng tapat na pagsunod sa mga batas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

  1. Si Mang Kardo ay negosyante ng mga hayop na nanganganib nang mawala. Kapag nagpatuloy siya sa ganitong uri ng trabaho, _____.

A. sasaya ang buo niyang pamilya B. yayaman sila C. makukulong siya D. kikita siya nang malaki

  1. Nais ni Maria na mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng bawat isa sa pamayanan. Ano ang dapat niyang gawin?

A. sunugin ang mga tuyong dahon B. itambak ang mga basura sa silong ng bahay C. itapon ang mga basura sa iisang lalagyan D. paghihiwalay-hiwalayin ang mga basura sa lalagyan

  1. Ang mga sumusunod ay dapat gawin para mapangalagaan ang mga katubigan ng bansa maliban sa _____.

A. paalalahanan ang nakararami na pangalagaan ang katubigan B. itapon ang mga basura at langis sa mga daluyan ng tubig C. suportahan ang mga programa upang maiwasan ang polusyon sa tubig D. sumunod sa mga tuntunin upang mapangangalagaan ang katubigan

  1. Mayroong iskedyul ng pangongolekta ng basura sa lugar nina Lydia. Lunes ay para sa nabubulok at Huwebes naman ang para sa di-nabubulok. Para makuha ang kanilang basura, dapat ay _____.

A. ipakuha niya sa basurero ang kanilang basura B. magbayad siya ng tamang buwis C. magbigay siya ng pera sa mga basurero D. paghiwalayin niya ang kanilang mga basura

  1. Maitim na usok ang lumalabas sa tambutso ng sasakyan ni Mang Kanor. Ano ang dapat niyang gawin?

A. bumili ng bagong sasakyan B. ibenta ang kaniyang sasakyan C. huwag nang gamitin ang sasakyan D. ipaayos ang kaniyang sasakyan

Isaisip

Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba. Isulat sa hanay B ang mga nakasaad sa bawat batas sa hanay A. Isulat naman sa hanay C kung paano maipapakita ang tamang pagsunod sa mga batas na ito.

A: Mga Batas PambansaB: Nakasaad sa BatasC: Paano maipapakita ang tamang pagsunod sa Batas
1. RA 9147
2. RA 7586
3. RA 7638
4. RA 8749
5. RA 9275
6 .RA 9003

Isagawa

Panuto: Ipaliwanag kung bakit dapat sundin at itaguyod ang mga sumusunod na batas. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Mga Batas PambansaMga dahilan kung bakit dapat sundin at itaguyod
1. RA 9147 Wildlife Resources Conservation and Protection Act
2. RA 7586 National Integrated Protected Areas System Act
3. RA 7638 Department of Energy Act
4. RA 8749 Philippine Clean Air Act
5. RA 9275 Philippine Clean Water Act
6. RA 9003 Ecological Solid Waste Management Act
Tandaan

Maipapakita ang pagsunod at pagtupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan sa pamamagitan ng pagpapangalaga at pagbibigay proteksiyon sa mga hayop, wastong paggamit ng enerhiya, pananatiling malinis ng hangin at katubigan, at tamang paraan ng pagtatapon ng basura.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

  1. Maraming kompanya ng konstruksiyon ang kumukuha ng maraming bato at buhangin mula sa mga ilog. Ano ang epekto nito sa kalikasan.


_____.

  1. Kapag sinusunod natin ang batas Pambansa 9275, ano ang mangyayari?



  1. Ang mga uri ng hayop na gaya ng butanding sa dagat, usa sa gubat ay itinuturing na endangered at nanganganib nang maubos. Ano ang maaari mong gawin upang maisulong ang Batas Pambansa 9147?



  1. Bilang pagtugon sa isinasaad ng Batas Pambansa 7638 o ang Pagtatatag ng Department of Energy (DOE), maraming mga bansa ang gumagamit na ngayon ng enerhiyang solar. Ano kaya ang maidudulot nito sa mundo?


_____.

  1. Ang RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay nagsasaad ng tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste. Bakit kailangang ipatupad ito ng ating pamahalaan?



Karagdagang Gawain

Panuto: Iguhit kung ano ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Ating Kalikasan” Isulat ang sagot sa sagutang papel.

[transcriber’s note: the page holds an empty bordered box for the learner’s drawing; no text is printed inside it]

Susi sa Pagwawasto

[transcriber’s note: this page is printed upside down (rotated 180 degrees); the text below is transcribed in upright reading order]

Pagyamanin
Gawain 2

C 1.

D 2.

B 3.

D 4.

D 5.

Balikan

/ 1.

/ 2.

x 3.

/ 4.

/ 5.

/ 6.

/ 7.

/ 8.

/ 9.

/ 10.

Subukin
A.

B 1.

B 2.

D 3.

A 4.

A 5.

B.

Tama 1.

Tama 2.

Tama 3.

Tama 4.

Mali 5.

Tayahin

1.Dahilan ng pagguho ng lupa

  1. malayo ang pagkakaroon ng sakit


  2. Kapag nakakita ng mga hayop na nanganganib nang maubos ay agad tulad ng DENR. kong ipagbigay alam sa ahensiya na nangangalaga dito


  3. Nakababawas sa polusyon sa hangin


  4. Upang malaya tayo sa polusyon na dulot ng mga basura.


Sanggunian

Zenaida R. Elarde, Gloria A. Peralta EdD. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6. Philippines: Vicarish Publication and Trading, Inc.,2016

Mga website:

Republic Act No. 9147 | GOVPH. (2001, July 30). Official Gazette of the Republic of the Philippines. https://www.officialgazette.gov.ph/2001/07/30/republic-act-no9147/

(n.d.). Official Gazette of the Republic of the Philippines | The Official Gazette is the official journal of the Republic of the Philippines. Edited at the Office of the President of the Philippines Under Commonwealth Act No. 638. https://www.officialgazette.gov.ph/1992/06/01/republic-act-no-7586/

Miguel, M. (2019, April 3). DENR panalo Sa kaso Laban Sa illegal wildlife trader. Home. https://www.denr.gov.ph/index.php/news-events/press-releases/944-denrpanalo-sa-kaso-laban-sa-illegal-wildlife-trader

Northern Negros natural Park. (2014, October 11). Wikipedia, the free encyclopedia. Retrieved March 19, 2021, from https://en.wikipedia.org/wiki/Northern_Negros_Natural_Park

Republic Act No. 7638. (n.d.). www.doe.gov.ph. https://www.doe.gov.ph/laws-andissuances/republic-act-no-7638?ckattempt=1

History of energy, economy and environment in the Philippines (in FIi…. (2013, January 8). Share and Discover Knowledge on SlideShare. https://www.slideshare.net/djdevilles/history-of-energy-economy-and-environment-inthe-philippines-in-fiilipino-laguage

Miguel, M. (2019, January 16). Clean Water Act mahigpit Na ipatutupad Ng DENR para malinis ang Manila Bay. Home. https://www.denr.gov.ph/index.php/newsevents/press-releases/846-clean-water-act-mahigpit-na-ipatutupad-ng-denr-paramalinis-ang-manila-bay

R.a. 8749. (n.d.). https://lawphil.net/statutes/repacts/ra1999/ra_8749_1999.html

R.a. 9003. (n.d.). The Lawphil Project – Arellano Law Foundation, Inc. https://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2001/ra_9003_2001.html

Plastic bag bans in the Philippines. (2019, March 6). Global Alliance for Incinerator Alternatives. https://www.no-burn.org/bagbanph/

Sanggunian

Miguel, M. (2019, June 4). World Environment Day ipagdiriwang Sa Pinas, kasabay Ng paglaban Sa air pollution. Home. https://www.denr.gov.ph/index.php/news-events/press-releases/1129-worldenvironment-day-ipagdiriwang-sa-pinas-kasabay-ng-paglaban-sa-air-pollution

(n.d.). ILC NES Philippines – ILC’s National Engagement Strategy. https://ilc-nes.ph

Cadiz solar power plant. (2008, January 15). Wikipedia, the free encyclopedia. Retrieved March 19, 2021, from https://en.wikipedia.org/wiki/Cadiz_Solar_Power_Plant

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

For students and teachers

Looking for a school?

Look up the enrollment, teachers, classrooms and facilities of more than 60,000 schools across the Philippines, from DepEd’s public data. Free to use.

Philippine Schools Directory by TeacherPH · every region, province, division and district